Mga Pananalig/Teoryang Pampanitikan (FILIPINO)
Document Details
Uploaded by FreshSugilite3775
Polytechnic University of the Philippines
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga tala tungkol sa iba't ibang mga pananalig at teorya sa panitikang Filipino. Mayroong iba't ibang mga halimbawa na binanggit, at tinatalakay nito ang mga layunin ng bawat teorya.
Full Transcript
# Notes in Panitikang Filipino ## Aralin 3: Mga Pananalig/Teoryang Pampanitikan **Bunga ng Pagkatuto**: Makilala at magamit ang mga teorya o dulog sa pagsusulat ng akda. ## Mga Teoryang Pampanitikan: 1. **Klasismo** * Layunin nitong ilahad ang simpleng kwento na madalas umiikot sa pagkaka...
# Notes in Panitikang Filipino ## Aralin 3: Mga Pananalig/Teoryang Pampanitikan **Bunga ng Pagkatuto**: Makilala at magamit ang mga teorya o dulog sa pagsusulat ng akda. ## Mga Teoryang Pampanitikan: 1. **Klasismo** * Layunin nitong ilahad ang simpleng kwento na madalas umiikot sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng mga tauhan, lalo na sa pag-ibig. * Ang mga salita ay piling-pili at laging nagtatapos nang maayos ang mga pangyayari. 2. **Humanismo** * Nakatuon ito sa pagpapakita na ang tao ang sentro ng mundo. * Binibigyang-diin ang kalakasan, talino, at mabubuting katangian ng tao. * Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay at dapat may kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin. * Halimbawa: "Paalam sa Aking Pagkabata" ni Zantiago Pepito 3. **Imahismo** * Gumagamit ng mga imahen upang ipahayag ang damdamin, ideya, at saloobin ng may-akda. * Ang layunin ay gawing mas malinaw ang mensahe gamit ang eksaktong paglalarawan, imbes na mga karaniwang salita. * Halimbawa: Mga tula tulad ng "Tulang Panambitan" 4. **Realismo** * Layunin ng teoryang ito na ipakita ang katotohanan higit sa kagandahan. * Binibigyang-diin nito ang makatotohanang paglalarawan ng tao, bagay, at lipunan, at karaniwang nakatuon sa mga isyung sosyo-pulitikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naaapi. * Mahalaga dito ang pagiging obhetibo ng may-akda. * Halimbawa: Noli Me Tangere 5. **Feminismo** * Pinapakita ang lakas at kakayahan ng mga kababaihan at sinisikap itaas ang pagtingin ng lipunan sa kanila. * Karaniwang ang mga babae ang pangunahing tauhan na nagtataglay ng mabubuti at magagandang katangian. 6. **Arkitaypal** * Gumagamit ng mga simbolo, karakter, o tema na matagal nang umiiral sa iba't ibang kultura at akda upang ipahayag ang karaniwang karanasan ng tao. 7. **Formalismo** * Nakatuon lamang sa kung ano ang sinasabi ng akda, walang simbolismo o malalim na interpretasyon. * Ang mensahe ay direkta at tuwiran mula sa may-akda. 8. **Sosyolohikal** * Layunin ng teoryang ito na ipakita ang mga suliraning panlipunan na kinakaharap ng mga tauhan sa akda, na kadalasang sumasalamin sa lipunan ng may-akda. * Sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga suliranin at paraan ng pagharap ng mga tauhan, nagbibigay ito ng gabay sa mambabasa sa pagpuksa ng katulad na mga problema sa tunay na buhay. * Halimbawa: Tata Selo ni Rogelio Sikat 9. **Eksistensyalismo** * Ipinapakita ng teoryang ito na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili, at ito ang sentro ng kanyang pag-iral sa mundo. * Binibigyan-diin ang halaga ng kapasyahan laban sa katwiran, at ang pagiging malaya ng tao sa pagtahak sa kanyang sariling landas. 10. **Dekonstraksyon** * Layunin ng teoryang ito na ipakita ang iba't ibang aspekto ng tao at mundo, at pinaniniwalaang walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat. * Ang iba't ibang pananaw ay nagbibigay-daan sa iba't ibang interpretasyon, kaya't maaaring baguhin ng mambabasa ang ilang bahagi ng akda, tulad ng pagtatapos o pagdaragdag ng mga tauhan, ngunit hindi muling buhayin ang mga namatay na. 11. **Romantisismo** * Ang teoryang ito ay nakatuon sa pagpapakita ng damdamin ng pag-ibig ng tao sa kapwa, bayan, at kalikasan. * Ang damdamin at guniguni ang pinahahalagahan, taliwas sa klasismo na mas binibigyang-diin ang istruktura. * Ipinakikita rin ng romantisismo ang paghahangad ng espiritwalidad at hindi ng mga materyal na bagay. * Halimbawa: Pag-ibig ni Jose Corazon de Jesus 12. **Marksismo** * Ipinakikita ng teoryang ito ang kakayahan ng tao na makaahon mula sa kahirapan at suliraning dulot ng ekonomiya at pulitika. * Nagbibigay ito ng modelo para sa mga mambabasa kung paano malalampasan ang mga ganitong uri ng problema. 13. **Historical** * Layunin ng teoryang ito na ipakita ang karanasan ng isang lipi o grupo ng tao na masasalamin sa kasaysayan. * Ipinapakita rin nito na ang kasaysayan ay mahalagang bahagi ng buhay ng tao at lipunan. 14. **Bayograpikal** * Nakatuon ang teoryang ito sa karanasan ng may-akda, ipinapakita nito ang pinakamahalaga o pinakapayak na karanasan sa buhay ng manunulat. * Ipinapamalas ang mga personal na karanasan ng may-akda na maaaring makatulong sa mambabasa na mas mapalalim ang kanyang pang-unawa sa akda at buhay.