Mga Uri ng Tula PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
La Consolacion College Tanauan
Tags
Related
- FIL 113 Leksyon 3: Tula at Bugtong (Preliminary Lecture)
- Mga Uri ng Tula at Bugtong (PRELIM PPT. sa FIL 113 Leksyon 3)
- FILIPINO 7 TULA HANDOUTS PDF
- Mga Elemento ng Tula (Tagalog)
- Q2-Aralin-1-Kahulugan-ng-Tula-at-Elemento-2.pptx
- Aralin 10-12: Maikling Kwento at Tula (Mother Margherita de Brincat Catholic School)
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng tula sa panitikang Filipino, kabilang ang mga tradisyunal at malayang anyo ng tula. Mayroon itong mga halimbawa at depinisyon para sa bawat uri.
Full Transcript
Tugma Pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula. Dalawang uri ng Tugma Uri ng tugma na kung saan ang mga huling salita sa bawat taludtod ay nagtatapos sa patinig. “Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko Di naman m...
Tugma Pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula. Dalawang uri ng Tugma Uri ng tugma na kung saan ang mga huling salita sa bawat taludtod ay nagtatapos sa patinig. “Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko Di naman makayuko Di na rin makaupo.” “Ako’y may alaga Asong mataba Buntot ay mahaba Makinis ang mukha.” 13 Uri ng tugma na kung saan ang huling letra ng mga salita sa bawat taludtod ay nagtatapos sa katinig. Ay! Sayang na sayang, sayang na pag-ibig, Sayang na singsing kong nahulog sa tubig: Kung ikaw rin lamang ang makasasagip, Mahanga’y hintiin kong kumati ang tubig.” Sukat Pagkakapare-pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula. Kaurian ng Sukat Wawaluhin Wawaluhin- Mayroong walong (8) bilang ng pantig sa bawat taludtod. - Tinatawag din siyang dalit at korido. Hindi tayo nabubuhay ng ukol sa sarili lang, bahagi ka ng lipunan, na ating kinaaniban. - Paglalakbay sa Buhay ni Ado Garces Halimbawa: Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad Sa bait at muni, sa hatol ay sala -Mayroong labindalawang (12) bilang ng pantig sa bawat taludtod. - Isang halimbawa rito ay “awit” Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay Ang mga tulang may labingdalawa at labingwalo ay may sesura o hati na nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig. Halimbawa: Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga panaginip Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig, Pag-ibig! Saknong Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod). 2 linya - couplet 6 linya - sestet 3 linya - tercet 7 linya - septet 4 linya - quatrain 8 linya - octave 5 linya – quintet Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula. Mga anyo ng tula Tradisyunal Malayang taludturan Blangkong walang tugma at mayroong tugma berso sukat. Itinuturing na at sukat at piling- Mayroong pinakamodernong pili ang mga sukat ngunit anyo ng panulaang salita’t walang tugma Filipino. talinghaga. Tulang Tulang Liriko Pasalaysay Apat na uri ng tula Tulang Tulang Pantanghalan Patnigan /Dula Tulang Pasalaysay Isang uri ng tula na nagsasalaysay gamit ang mga elemento ng tula at mayroong balangkas na pangyayari. Mga halimbawa ng tulang pasalaysay: Epiko, Awit at Korido, Karaniwang tulang pasalaysay. XXI Tulang Liriko tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta. Halimbawa ng tulang liriko: Soneto, Oda, Elehiya, Dalit, Pasyon XXI Soneto Soneto ang tawag sa tulang nagmula sa Italya. Ito ay may labing - apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. Ito ay nasa anyong tulang pandamdamin o tulang liriko. Ito rin ay may tiyak na sukat at tugma. Ang manunulat ng soneto ay may malalim na pag - iisip at mayamang karanasan. Oda Ang oda ay karaniwang isang liriko o isang uri ng tulang awitin na nakasulat bilang papuri o dedikasyon para sa isang tao o isang bagay na nakakakuha ng interes o pagtuon ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa mismong oda Elehiya Sa panitikan, ang isang elehiya ay isang tula ng seryosong pagninilay-nilay, na kadalasang panaghoy para sa namatay. Dalit Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na may isahang tugmaan. Ang dalit ay karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay. Ang dalit ay binubuo ng 48 na saknong na bawat saknong ay binubuo ng apat (4) na taludtod. Pasyon Ang pasyon (Kastila: pasión o "paghihirap") ay isang naratibong tula ng Pilipinas, na nagsasaad ng buhay ni Hesukristo, mula kapanganakan, pagkapako niya sa krus, hanggang sa muling pagkabuhay. Ito ay may saknong ng limang linya sa bawat linya ng pagkakaroon ng walong pantig. Ang anyong na ito ng salaysay ng pasyon ay popular sa Pilipinas, lalo na sa panahon ng Mahal na Araw o Semana Santa. Tulang Patnigan (Joustic Poetry) Uri ng tula na kung saan naglalaban ang magkabilang panig sa pamamagitan ng pagtula. halimbawa ng tulang patnigan: balagtasan. XXI Tulang Dula Karaniwang itinatanghal sa teyatro. Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.