Mga Anyo ng Panitikan at Elemento ng Kwento (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga paliwanag tungkol sa iba't ibang anyo ng panitikang Filipino, kabilang ang maikling kwento, alamat, anekdota, at iba pa. Tinatalakay din nito ang mga elemento ng isang kwento, tulad ng mga tauhan, tagpuan, at pangyayari. Isang mahusay na sanggunian sa Filipino literature para sa mga mag-aaral.
Full Transcript
# Anyo Ng Panitikan ## Tuluyan o Prosa - Nagpapahayag ng kaisipan. - Ito ay isinusulat ng patalata. ## Patula o Panulaan # Akdang Tuluyan ## Maikling Kwento - Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyay...
# Anyo Ng Panitikan ## Tuluyan o Prosa - Nagpapahayag ng kaisipan. - Ito ay isinusulat ng patalata. ## Patula o Panulaan # Akdang Tuluyan ## Maikling Kwento - Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. ## Alamat - Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. ## Anekdota - Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. ## Nobela - Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. ## Pabula - Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan na kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan. ## Parabula - Ang parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. ## Dula - Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. ## Sanaysay - Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito,. - Ang isang sanaysay ay may pokus sa isang diwa at paksa. ## Talambuhay - Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. ## Talumpati - Ang talumpati ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa at ito ay binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. ## Balita - Ang balita ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mamamayan. ## Kuwentong Bayan - Ang kuwentong-bayan ay mga kathang-isip na kuwento o salaysay na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga uri ng mga mamamayan sa isang lipunan. # Elemento Ng Kwento - Pangyayari - Tauhan - Tagpuan ## 1. Tauhan - Ang tauhan ay tumutukoy sa mga tao na gumaganap sa kwento. - Ang tauhan ang siyang gumawa ng mga aksyon sa kwento. ## 2. Tagpuan - Ang tagpuan o setting ay ang pinangyarihan ng kwento. - Tumutukoy ito sa oras at lugar kung saan nangyari ang kwento. - Ito ay sumasagot sa tanong na saan at kailan. **Halimbawa:** - Sa kagubatan - Sabado ng umaga - Sa palengke ## 3. Pangyayari - Ang pangyayari ay sunod-sunod na ayos ng mga kaganapan sa isang kwento. - Gumamit tayo ng mga pananda upang matukoy ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito gaya ng una, sumunod, bago, pagkatapos o sa wakas. - Ang pangyayari ay nagpapakita rin ng suliranin at kalutasan sa kwento. ## Ano Ang Suliranin? - Ang suliranin ay ang problema na kinakaharap ng tauhan sa kwento. ## Ano Naman Ang Kalutasan? - Ang solusyon sa suliranin ay ang tinatawag na kalutasan. - Ito ay ang paraan kung papaano naayos ng tauhan ang isang problema.