Aralin 1: Ang Pabula PDF
Document Details
Uploaded by EnrapturedMotif7242
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang aralin tungkol sa pabula sa Filipino. Tinalakay ang kahulugan ng pabula, ang mga layunin nito, at ang kontribusyon ni Aesop. Kasama din ang mga katanungan para sa mga mag-aaral.
Full Transcript
**ARALIN 1: ANG PABULA** **LAYUNIN:** Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy at naipapaliwanag ang mahahalagang kaisipan. Isang mahalagang bahagi ng panitikan ang pabula. Ang **pabula** o ***fable*** sa Ingles ay maiikling babasahing bunga ng mayamang imahinasyon. Ito...
**ARALIN 1: ANG PABULA** **LAYUNIN:** Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy at naipapaliwanag ang mahahalagang kaisipan. Isang mahalagang bahagi ng panitikan ang pabula. Ang **pabula** o ***fable*** sa Ingles ay maiikling babasahing bunga ng mayamang imahinasyon. Ito ay ginagampanan ng mga hayop o mga walang buhay na bagay na may pag-iisip, pag-uugali, at damdaming gaya ng mga tao. **LAYUNIN NG PABULA** Kung susuriin ang bawat pabula, lumilitaw na nilalayon nitong maitanim sa isipan ng bawat tao, hindi lamang ng mga bata ang kahalagahan ng mabuting pag-uugali. Nais nitong maipakita ang kabutihan ng pagiging isang mapanampalatayahin, masunurin, mabait, mapagbigay, matapang, matulunging anak, at iba pa. Lumilikha ang mga ***fabulist*** , tawag sa mga lumilikha ng pabula, ng mga tauhang hindi maganda ang ugali na siyang kaniyang ikinasasawi o kaya dahilan ng kaniyang pagkabigo, upang hindi pamarisan ng mga mambabasa. **Si Aesop at ang Pabula** kinilala si **Aesop** bilang " **Ama ng Pabula.** " Ito ay bilang parangal sa kaniyang naging kontribusyon sa panitikang Griyego. Masasabing walang malinaw na naitala kung sino talaga si Aesop. Tangi lamang sa kaniyang pagiging isang Griyego at alipin. Ayon sa mga tala, ang kaniyang pagiging alipin ang nagbigay ng dahilan upang sumulat ng mga pabula. Dahil bawal daw magpahayag at magbigay ng opinyon ang isang alipin, ginamit niya ang mga pabula upang magkaroon ng kritisismo sa lipunan. Paglipas ng panahon, nakaalis siya sa estadong pagiging alipin at naging malayang mamamayan dahil sa ipinakita niyang talino, katapatan, at kasipagan. Ayon pa rin sa mga tala, maraming pabula ang nagpasalin-dila, at ang mga ito ay kinilalang kay Aesop. Hanggang sa maglabas ng koleksyon ng mga pabulang kinilalang ***Aesop's Fables*.** Itinatayang may halos 725 pabula sa koleksyong ito. Gaya ng ibang uri ng panitikan, ang pabula ay sadyang mabisang lunsaran o hanguan ng pagtalakay ng mahahalagang aral sa buhay. Puno ito ng mga kaisipang maaaring gawing gabay kung paano makikitungo sa kapwa at buong lipunan. **PAGTALAKAY SA AKDANG BINASA** Bigyang tuon natin ang binasang pabula sa unang bahagi ng aralin, ang "Ang Mataba at Payat naUsa." Sa pamamagitan ng *graphic organizer* , talakayin natin ang mga tauhan, suliranin, buod, at aral ng pabula. Maliban sa tinalakay na "Ang Mataba at Payat na Usa," kilalang-kilala rin ang pabulang isinulat ni Dr. Jose Rizal na pinamagatang "Ang Matsing at Ang Pagong." Mahalagang mabasa natin ang iba't ibang pabula na nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sapagkat pinagyayaman nito ang kakayahan natin hindi lang sa pagbasa at pagsulat, maging sa binubusog nito ang ating pagkatao ng kabutihang-asal. **SAGUTIN NATIN:** 1. Ano ang Pabula? 2. Sino si Aesop? 3. Ano ang kontribusyon ni Aesop sa Panitikan? **SUBUKAN NATIN!** **Sagutin ang sumusunod na mga tanong:** 1\. Paano nagsimula ang pabula? 2\. Bakit tinaguriang "Ama ng Pabula" si Aesop? **ISAISIP NATIN!** Paano makatutulong sa pag-unlad ng iyong pagkatao ang pagbabasa ng pabula?