Suliranin ng Wikang Pambansa PDF

Document Details

EnrapturedCarnelian9818

Uploaded by EnrapturedCarnelian9818

De La Salle University

Mark Joseph Pascual Santos

Tags

Filipino language national language language policy Philippine linguistic issues

Summary

Ang lekturang ito ay tumatalakay sa mga suliranin ng wikang pambansa sa Pilipinas, partikular ang paggamit ng Filipino kumpara sa Ingles sa edukasyon at pananaliksik. Inilalahad ang mga argumento para at laban sa paggamit ng Filipino, at ang papel ng pagsasalin sa pagpapalaganap ng kaalaman. Binabanggit din ang mga karanasan ng mga indibidwal at propesyonal sa usapin ng wika.

Full Transcript

Unang Lektura ANG SULIRANIN NG WIKANG PAMBANSA MARK JOSEPH PASCUA SANTOS Departamento ng Filipino DE LA SALLE UNIVERSITY LCFILIA - Komunikasyon sa Filipinolohiya Mga Katanungan para sa Pambungad na Pakikilahok (Recitation) Ukol saan ang maikling artikulo? Bakit nagiging negatibo na kapag...

Unang Lektura ANG SULIRANIN NG WIKANG PAMBANSA MARK JOSEPH PASCUA SANTOS Departamento ng Filipino DE LA SALLE UNIVERSITY LCFILIA - Komunikasyon sa Filipinolohiya Mga Katanungan para sa Pambungad na Pakikilahok (Recitation) Ukol saan ang maikling artikulo? Bakit nagiging negatibo na kapag nasobrahan ang pagiging magiliw sa bisita (hospitalidad)? Bakit kaya tinalikuran na si Emerita Quito ng mga banyaga niyang kausap at hindi na nakinig sa kwento niya ukol sa kasaysayan ng Pilipinas? Ano ang ilang ebidensyang mayroong pantayong pananaw o diskursong pangkabihasnan ang Espanya at Portugal? Mayroon din bang diskursong pangkabihasnan ang Pilipinas? Bakit meron o bakit wala? Anekdota ni Emerita Quito ukol sa Wikang Pambansa Emerita Quito, “Ang Kaugnayan ng Wikang Pambansa at Edukasyon,” sinipi sa Emmanuel De Leon, Mga Tomasino sa Pilosopiyang Filipino (Metro Manila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2019), p.55. “Noong 1962, dahil sa pagnanais kong matuto ng wikang Aleman, nagpunta ako sa Pamantasan ng Vienna sa Austria. Maraming mag-aaral na nagbuhat sa iba’t ibang bansa ang aking nakilala at sila ma’y nais ding matuto ng masalimuot na Aleman. Nang matapos na ang kurso, kami ay inanyayahan ng Burgermeister o alkalde ng Vienna sa isang salu-salo. Sapagkat nag-iisa akong Asyano, pinaligiran ako ng maraming nais magtanong sa akin. Matapos nilang malaman kung tagasaan ako, nagpakita sila ng paghahangad na malaman ang tungkol sa ating wika. Tinanong nila ako kung ang Filipino ang ating ginagamit sa paaralan. Marahan kong sinagot na Ingles ang wikang panturo sa ating mga paaralan, at gayon din sa pamantasan… Nagtaka sila kung bakit, sapagkat noon ay taong 1962 na. Kagyat nilang sinapantaha na tayo ay sakop pa ng Amerika. Matindi kong tinanggihan ito, at ang idinahilan ko ay isa na tayong malaya at nagsasariling bansa. Ngunit sumunod dito ang isang katanungang walang kasagutan: ‘Gayon pala’t malaya na kayo, bakit ginagamit pa ninyo ang wika ng mga Amerikano sa inyong paaralan?’ Inuumpisahan ko na sanang talakayin ang ating kasaysayan, subalit tinalikuran na nila ako at nawalan na ng interes sa ano pa mang sasabihin ko.” Minsang nagsalaysay ang aking dating propesor sa Buhay at mga Gawa ni Rizal na si Prop. Marlon Agoy-Agoy ( Departamento ng Kasaysayan) ukol sa kanyang karanasan sa pagpunta sa Tsina na may kinalaman sa usapin ng wika. Sa Kabaliktaran… Tayong mga Pilipino ang laging nakikibagay kapag may mga banyaga sa ating sariling bansa. Sa Pilipinas, ginagamit natin ang banyagang wika bilang pamantayan ng katalinuhan. Ang gramatikal na pagkakamali sa Ingles, kahit sa antas ng impormal na komunikasyon, ay siryosong pinagmumulan ng kahihiyan para sa mga Pilipino (kahit na wala namang pakialam ang mismong mga Amerikano at Briton sa grammatical purity sa antas ng impormal na pakikipagkwentuhan). Kung may grammar police lang sa wikang Filipino at mayroon din tayong pakialam sa grammatical purity sa Filipino, malamang na marami nang nakakulong ngayon. Sa tuwing nakikipagtalo, ang mga middle at upper class na mga Pilipino ay may tendensyang gumamit ng Ingles upang ipakita ang superyoridad sa mga lower class na mga Pinoy. Pagkukumpara sa Paggamit ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang bansa (Hinalaw mula sa lektura sa PPT ni Zeus Salazar, “Ang Pantayong Pananaw sa K12: Tungo sa Pinal na Pagbubuo ng Kapilipinuhan”, ibinahagi sa Claret School noong Abril 11-13, 2018 sa okasyon ng 14 th BAKAS National Seminar Workshop). Japan: Nihongo Japan: Nihongo Japan: Nihongo Japan: Nihongo Japan: Nihongo Japan: Nihongo Thailand: Thai Thailand: Thai Thailand: Thai Thailand: Thai Thailand: Thai Indonesia: Bahasa Indonesia: Bahasa Indonesia: Bahasa Indonesia: Bahasa Indonesia: Bahasa Indonesia: Bahasa Philippines: Ingles Philippines: Ingles Philippines: Ingles Philippines: Ingles Philippines: Ingles Ano ang realisasyon, mga napansin, opinyon, o maikokomento ninyo ukol sa nakita nating pagkakaiba ng Pilipinas sa Thailand, Japan, at Indonesia pagdating sa isyu ng wikang pambansa? Isyu ng Mayroon tayong napakababang antas ng tradisyon ng pagsasalin Pagsasalin sa Pilipinas. Minsan lamang isinasalin sa Filipino ang mga banyagang akda, dahil kuntento na tayo sa mga salin nito sa Ingles. Halimbawa, noon pa lamang 1927 ay mayroon na kaagad 5- tomong salin ng Das Kapital (Marukusu Shihonron) ni Karl Marx sa Nihongo. Ngunit sa Pilipinas, kasalukuyan pa lamang isinasalin ni Ramon Guillermo ngayong 2023 ang unang salin sa Filipino ng Das Ramon Guillermo, “Sariling atin: Kapital. Ang nagsasariling komunidad na Sa akda naman ni Guillermo na pangkomunikasyon sa disiplinang “Sariling Atin,” inilahad niya na Araling Pilipino,” Social Science Index Translationum ng Diliman Vol. 12, No. 1 (January- UNESCO, nakatala na mula June 2016): 36 Pagsasagilid sa Agham Liban sa tinapos na pag-aaral, at pagdalo’t Panlipunang Pilipino pagsasalita sa mga sampaksaan, ang promosyon ng mga guro ay nakabatay din sa paglalathala ng mga aklat at artikulo. Madalas na naisasagilid ang agham panlipunan kumpara sa mga agham pangkalikasan na mas pinaprayoridad madalas ng pamahalaan at ng mga unibersidad sa usapin ng pinansyal na suporta. Ngunit sa loob mismo ng agham panlipunan, ang mga guro na nagsusulat sa wikang Filipino ay higit na naisasagilid kumpara sa mga nagsusulat sa Ingles. Mas mauunawaan natin ito kapag ginamit nating halimbawa ang mga journal, o regular na publikasyon ng mga institusyong kadalasang nagtatampok ng pinakabagong pananaliksik ng kaguruan. Ang mga journal ay kadalasang ginagamit na batayan para sa puntos sa promosyon Mas maraming akademikong dyornal sa Ingles ang accredited ng CHED at Scopus- Indexed Journal kaysa nasa Filipino. “It is paradoxical that in our own countries... people are reluctant to publish in their own languages. Because they are not rewarded for publishing in their own languages... Because there are hardly any journals – in Malaysian and Indonesian, and probably it’s the same thing as far as Tagalog is concerned – which are highly ranked. And therefore you don’t get as much credit for publishing in those languages in the local journals as you do in publishing in international journals. So until the reward system is changed or altered, we’re not gonna be able to resolve such problems. And it requires not only our pushing but it also requires changes in policies. So maybe something we can do is talk to, a sort of exert pressure on our Ministries of Education.” -Syed Farid Alatas, “Rizal’s Sociology of Colonial Society” (isang webinar na na pinangasiwaan ng Ateneo Department of Sociology and Anthropology noong Setyembre 22, 2020) Isyu ng Pagsasalin Buti na lamang ay may ilang mga Pilipinong intelektuwal tulad ni Prop. Nancy Kimuell-Gabriel ng UP na naninindigan para sa wikang pambansa. Noong himukin siya ng Ateneo na isalin ang kanyang tesis masterado sa Ingles upang mailathala ito, tumanggi si Kimuell-Gabriel at sinabing kung nais nilang isalin ay isalin nila, ngunit hindi siya mag-aaksaya ng panahon na magsalin sa Ingles, dahil tungo sa Filipino dapat isinasagawa ang mga pagsasalin sa Pilipinas. Isyu ng Pagsasalin Unti-unti ring natutupad ang pangarap ng mga nagsusulong ng wikang pambansa na hindi nalang tayo maging tapagsalin ng mga akdang banyaga kundi isalin na rin nila ang akda nating mga Pilipino sa kanilang wika. Noong 2-15, isinalin ng Espanyol na propesor ng Universidad de Alicante na si Isaac Donoso ang artikulo ng Pilipinong historyador na si Zeus Salazar na “Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan” mula Filipino tungong Ingles. Sa ganitong paraan inilarawan ng patnugot ng dyornal na Revista Filipina si Salazar at ang Pantayong Pananaw: “Inilalahad ng isyung ito ng Revista Filipino ang isang mahalagang sanaysay, ang pundamental na teksto ng isa sa mga pangunahing Pilipinong intelektuwal, si Zeus Salazar. Ito ay isa sa mga pangunahing teksto ng antropolohikal na teoryang Pantayong Pananaw, na nagpatakbo sa pag-unlad ng kasalukuyang pilosopiya ng kasaysayan sa Pilipinas. Ang teksto ay direktang salin mula Filipino tungong Espanyol upang mabasa ng mga Espanyol ang mahalagang bahaging ito ng kontemporaryong kaisipang Filipino.” Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino Iginigiit ng iba na hindi pa sapat ang bokabularyo ng wikang Filipino bilang wika ng edukasyon at pananaliksik. Antayin nalang daw muna na umunlad pa ito bago gamitin. Ngunit alam ng marami na walang wikang umuunlad nang hindi ginagamit. Hindi maisip ng iba kung paano ituturo sa Filipino ang ibang asignatura tulad ng agham at matematika. Ngunit malinaw na hindi ito dulot ng internal na kakulangan ng wikang Filipino, o dahil mas maunlad ang Ingles, o dahil likas na salat ang bokabularyo ng Filipino, kundi dahil sa Pambansa at mga Rehiyunal na Wika  Pagtutol: Manipestasyon lang ang wikang Filipino ng imperyalismong Maynila/Tagalog laban sa mga rehiyunal/lokal na wika.  Tugon: Liban sa katotohanang hindi Tagalog ang marami sa mga tagapagsulong ng wikang Filipino, ang layunin ng wikang pambansa ay hindi hadlangan ang paggamit ng mga lokal na wika kundi magsilbing tulay para sa inter-rehiyunal at pambansang komunikasyon (ilan sa mga nagtatanggol sa mga rehiyunal na wika laban sa wikang Filipino ay Ingles parin naman ang ginagamit sa pambansang lebel at hindi mga lokal na wika.  Pagtutol: Hindi “pambansa” ang wikang Filipino, ito’y isang bersyon lamang ng Tagalog dahil nakabatay ito sa Tagalog.  Tugon: Bawat wikang pambansa sa daigdig ay laging nagsisimula at bumabatay sa isang partikular na lokal na wika (hal. Espanyol bilang nakabatay sa Kastila/Castilian ng kahariang Castille) Ano kaya ang mga praktikal na hakbang na maaaring gawin sa Pilipinas upang masolusyunan ang suliranin sa wika, at mas maipalaganap sa lipunanan ang wikang Filipino? Suliranin ng Bi-Lingguwalismo sa Pilipinas: Ang Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan Ang bi-lingguwal na kalagayan ng Pilipinas ay tinatawag ng Ama ng Pantayong Pananaw na si Zeus Salazar na Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan (The Great Cultural Divide). Tumutukoy ito sa reyalidad ng pagkakahati ng lipunang Pilipino sa pagitan ng kakaunting makapangyarihan na nagsasalita ng Ingles (kalimitang bahagi ng middle at upper class) at nakararaming mga Pilipinong mas mahihirap na nagsasalita ng Filipino o ibang lokal na wika (kalimitang bahagi ng lower class). Ang mga nagsasalita ng Ingles na bahagi ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan ay tinatawag ni Salazar na “Nacion” samantalang ang Pagpapalaganap ng Wikang Filipino bilang Instrumento ng Demokratisasyon Ang Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan ay lalo pang nakapagpapalawak ng espasyo sa pagitan ng iilang mayayaman at nakararaming mahihirap sa Pilipinas. Ang wikang Ingles ang wika ng “tatlong daluyan ng kapangyarihan”: edukasyon, komersyo, at pulitika. Namomonopolisa ng Nacion ang edukasyon, komersyo at pulitika dahil ang wika nito ay Ingles, at samakatuwid ay limitado lamang ang access dito ng mas nakararaming Pilipino ng Bayan. Kung gayon, ang pagpapalaganap ng wikang Filipino sa buong bansa ay daan tungo sa pagpapaliit ng espasyo sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Daan ito tungo sa demokratisasyon. Tumutukoy ang demokratisasyon sa pagpapalawak sa akses ng mas nakararaming mamamayan sa mga daluyan ng kapangyarihan. Makatutulong ang Paano Wawakasan ang Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan? Hindi natin maaalis ang Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan kung hindi natin sosolusyunan ang suliranin ng bi-lingguwalismo. Kung nais natin itong wakasan, may dalawa lamang tayong pagpipiliin: 1. Palaganapin ang wikang Ingles bilang wika kapwa ng Nasyon at Bayan, at talikdan na ang wikang Filipino, o 2. Palaganapin ang wikang Filipino sa buong Pilipinas upang maging wika na rin ito ng Nasyon. Hindi magwawakas ang Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan kung ipagpapatuloy natin ang sabay na pagiging opisyal na wika ng Filipino at Ingles. Sino ba ang Dapat na Makibagay, ang Nasyon o ang Bayan? Imposibleng wakasan ang Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng wikang Ingles bilang pambansang wika o nag-iisang opisyal na wika. Bukod sa katotohanang isa itong banyagang wika, hindi kakayanin ng ekonomiya natin na turuan ang lahat ng mamamayang Pilipino ng Ingles (lalo na ang ibang etno- lingguwistikong grupo, dahil marami pa rin ang hindi abot ng sistema ng edukasyon). Yamang ang Bayan ang mayorya sa Pilipinas, hindi sila ang dapat makibagay sa wika ng Nacion. Mas praktikal din na mag-Filipino ang Nacion kaysa mag-Ingles ang Bayan, dahil marunong naman ng kapwa wikang Filipino at Ingles ang Nacion, samantalang ang Bayan ay marunong lamang sa Filipino. Diskursong Pangkabihasnan Kapag naipagsama na ang Nasyon at Bayan sa pamamagitan ng paggamit ng iisang wikang pambansa (Filipino), mabubuo na ang Bansa. Magkakaroon na tayo ng tinatawag na Diskursong Pangkabihasnan. Isa itong sitwasyon kung saan sa pamamagitan ng paggamit ng iisang wikang pambansa, lahat ng mga mamamayan ay makapag-uusap at magkakaintindihan ukol sa iba’t ibang bagay na may kinalaman sa bansa (ito man ay ukol sa midya, kultura, ekonomiya, pulitika, agham, matematika, sining, atbp.). Lahat ng mga bansang may Diskursong Pangkabihasnan ay walang Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan (tulad ng Japan, Germany, France, Spain, Portugal). Mas mabilis ang daloy ng impormasyon at komunikasyon sa gantong uri ngmga bansa, at mas matibay din ang kanilang kakanyahang pangkalinangan. Pahayag ni Zeus Salazar ukol sa Wikang Ingles “Habang nagiging palasak ang Pilipino sa bibig at dibdib ng sambayanan sa pamamagitan ng sine, radyo, TV, komiks, at iba pang babasahin, patuloy pa rin ang mga ‘marurunong’ sa kanilang pagsamba, pagmamalaki at pagpapataglay sa banyagang wika at kagawian. Ito’y di kataka-taka, pagkat karamihan sa kanila’y hubog o bihag ng ‘lipunang’ maka- imperyalistang burgis piyudal... Ang ‘kultura’ ng mga mapagsamantalang uri ay hiram, artipisyal at di magiging sarili kailanman, sapagkat kumakatas lamang ng sustansya sa banyaga, nakikingatngat lamang sa ibang kalamnan.” -Zeus Salazar, “Ang Pagtuturo ng Kasaysayan sa Pilipino,” nasa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan, mga pat., Navarro et al, 15 (Quezon City: Palimbagan ng Lahi, 1996).

Use Quizgecko on...
Browser
Browser