Mga Konsepto at Batas Pangwika PDF

Summary

This document provides an overview of concepts and laws related to the Filipino language in the Philippines. The document covers historical milestones, legislation, and the role of language in Filipino society.

Full Transcript

Mga Konseptong Pangwika Ano ang Wika? “ 3 WIKA Etimolohikal na Kahulugan Nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang ibig sabihin ay “dila.” Iba’t ibang Pananaw Hinggil sa Kahulugan ng Wika Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra “ Ang wika...

Mga Konseptong Pangwika Ano ang Wika? “ 3 WIKA Etimolohikal na Kahulugan Nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang ibig sabihin ay “dila.” Iba’t ibang Pananaw Hinggil sa Kahulugan ng Wika Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra “ Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.” Henry Allan Gleason, Jr. “Ang wika ay masistemang balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.” Charles Darwin “Ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay may nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika.” Plato “Ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito “Necessity is the mother of all invention.” Rene Descartes “Ang wika ay nagpapatunay ng pagkakaiba-iba ng mga tao.” Pag- Usapan natin: 1. Ano- ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao? 2. Ano kaya ang mangyayari kung mawawala ang wikang binibigkas at nauunawaan ng mga tao sa isang pamayanan o kultura? Tatlong kahalagahan ng Wika: Tatlong kahalagahan ng Wika: A. Sa Sarili B. Sa Kapwa C. Sa Lipunan Wikang Pambansa BATAS PANGWIKA 1935 “Panahon ng Makasariling Pamahalaan” 1935 Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa… “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Wikang Pambansa Oktubre 27, 1936 Sa mensahe ng Pangulong Manuel L. Quezon sa Kapulungang Pambansa ay itinatagubulin niya ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas,sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang pambansang wikang panlahat na batay sa isa sa mga wika natin. Pinagtibay ng kongreso ang Batas Komonwelt Blg.184 na nagtatag ng isang Pambansang Surian ng Wika at nagtakda ng mga kapangyarihan at tungkulin niyon. Enero 12, 1937 Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwealth bilang 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwealth Bilang 333. Nobyembre 9, 1937 Bunga ng ginawang pag-aaral, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang rebolusyon na doo’y nakatugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt 184, kaya ang wikang Tagalog ang gagawing saligan ng wikang pambansa. 1937 Disyembre 30, 1937 Pag-alinsunod sa itinadhana ng Seksyon 7 ng Batas Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinatupad ng Pangulong Quezon ang paggamit ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Abril 1, 1940 Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binibigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Balarila ng Wikang Pambansa para magamit sa mga paaralan sa buong kapulungan simula sa Hunyo 19, 1940. Hunyo 7,1940 Pinagtibay ng Batas Komonwealth Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940. 1940 Abril 12, 1940 Pinalabas ng Kalihim Jorge Bacobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang Pangkagawaran na sinundan din ng isang sirkular (Blg. 26, Serye 1940) ng Patnugot ng Edukasyon, Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal. 1946 Nang ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag din ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570. 1954 Marso 26, 1954 Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg.12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas( Abril 2) 1955 Setyembre 23, 1955 Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg.186 na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon(Agosto 19). 1956 Pebrero, 1956 Nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang Sirkular 21 na nag –uutos ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan. 1959 Agosto 13,1959 Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran blg.7 na nagsasaad na wikang pambansa ay tatawaging Pilipino. 1967 Oktubre 24, 1967 ◦ Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.96. na nagtatadhana ng pagsasa- Pilipino ng mga pangalan ng gusali o edipisyo at tanggapan ng pamahalaan. 1968 Marso 27, 1968 Nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag –aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon sa mga transaksyong pampamahalaan. Agosto 7, 1968 Nilagdaan ni Ernesto Maceda, Kalihim na Edukasyon, ang Memo Sirkular Blg. 227 na nag-uutos sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar na idaraos kaugnay ng Exec. Order 187. Agosto 17, 1970 Nilagdaan ni Alejandro Melchor, Kalihim Tagapagpagganap, ang Memo Sirkular Blg. 384 na nagtatalaga ng mga tauhang may kakayahan upang mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan. Marso 16, 1971 Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Blg. 304 na nagpapanatili ng pagsasarili ng Surian ng Wikang Pambansa. 1972 Hulyo 29, 1972 Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika. Disyembre 1, 1972 Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang kautusan Panlahat Blg.17, na nag-uutos na limbagin ang Saligang Batas sa wikang Pilipino at Ingles bago idaos ang plebisito sa ratipikasyon nito noong Enero 15,1973. Disyembre,1972 Atas ng Pangulo Blg.73 na pinalabas ng Pangulong Ferdinand E. Marcos na nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas (Art. XV, Sek 3 ). 1974 Hunyo 19, 1974 Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong aralan 1974-1975. Ang kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang Batas ng 1972. 1978 Hunyo 21,1978 Nilagdaan ni Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang Kautusang Pangministro Blg.22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas. Agosto 12,1986 Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg.19 na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan. Dahil dito, ipinahayag niya na taun-taon, ang panahong Agosto 13-19, araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel l. Quezon ay Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan sa buong bansa. 1986 Pebrero 2, 1986 Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV,Seksyon 6-9, nasasaad ang mga sumusunod: Sek.6-Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at ,iba pang wika. Sek.7-Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Sek.8- Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles;at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. Sek.9- Dapat magtatag ang Kongresong isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan sa iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. 1987 1987 Pinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong billingwal. 1988 Agosto 25,1988 Nilagdaan ng Pangulong Corazon Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.33 na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan,tanggapan,ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya. Setyembre 9, 1989 Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan. Marso 19, 1990 Pinalabas ni Kalihim Isidro Carino ng Edukasyon, Kultura, at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin. 1996 1996 Ipinalabas ng CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t- Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika). 1997 Hulyo, 1997 Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na nagsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang. 2001 Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Layunin ng proyektong ito na makabuo ng mga tiyak na tuntunin sa ispeling na magiging gabay sa panghihiram ng mga salita at pagsasalin ng pasalitang wika tungo sa nakasulat na anyo. WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO Ayon kay Virgilio Almario- ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin , ito ang wikang gagamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat , sa loob at sa labas ng alinmang sangay ng gobyerno. Wikang panturo – ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon, ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser