Bulacan State University ARP 101 Filipino Bilang Wikang Pambansa PDF

Summary

This document is course material from Bulacan State University. It contains questions and information about the Filipino language as the national language. The material touches on the historical and cultural context of the language.

Full Transcript

ARALING PILIPINO (ARP 101) III. Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa (Katangian at Kasaysayan ng Wikang Filipino) Inihanda ni: Bb. Haizel Mayen A. Escol...

ARALING PILIPINO (ARP 101) III. Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa (Katangian at Kasaysayan ng Wikang Filipino) Inihanda ni: Bb. Haizel Mayen A. Escol Kolehiyo ng Arte at Literatura Departamento ng Araling Pilipino, Pampanitikan at Pangwika MGA LAYUNIN 1. Natutukoy ang kasaysayan ng Wikang Filipino. 2. Naisasalaysay ang mahahalagang pangyayaring naganap sa pag- unlad ng Wikang Pambansa. 3. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang Pambansa. 4. Nailalahad ang mga katangian ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa. 5. Naipapaliwanag ang ebolusyon ng wikang pambansa. 6. Natataya ang mga naging bunga ng pag-aaral at pagsusuri sa wika, kultura, at lipunan. Aralin 1: Ebolusyon ng Wikang Pambansa A. Ebolusyon ng Alpabetong Filipino Aralin 2: Wikang Filipino: Wikang Pambansa A. Katangian ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa B. Iba pang Tunguhin ng wikang Filipino Sagutin ang mga sumusunod: Paunang Pagtatáya: Pumili lamang. a. Tagalog b. Pilipino c. Filipino __________ 1. Batayan ng wikang pambansa. __________ 2. Kasalukuyang wikang pambansa __________ 3. Wikang Pambansa na nakabatay sa lahat ng umiiral na wika sa bansa. Paunang Pagtatáya: Pumili lamang. a. Tagalog b. Pilipino c. Filipino __________ 4. Abakada __________ 5. Wikang opisyal noong panahon ng Amerikano __________ 6. Unang ipinangalan sa wikang pambansa. __________ 7. Dalawampu’t walong (28) letra __________ 8. Lope K. Santos Paunang Pagtatáya: Pumili lamang. a. Tagalog b. Pilipino c. Filipino __________ 9. Lingua Franca sa Bulacan __________ 10. Balarila __________ 11. Pambansang Lingua franca __________ 12. Saligang Batas 1987 __________ 13. Corazon Aquino Paunang Pagtatáya: Pumili lamang. a. Tagalog b. Pilipino c. Filipino __________ 14. Tawag sa mga taong nakatira sa Pilipinas __________ 15. Panagbëngá __________ 16. Ortograpiyang Pambansa __________ 17. Carbon Dioxide Paunang Pagtatáya: Pumili lamang. a. Tagalog b. Pilipino c. Filipino __________ 18. Wikang nakatugon sa tatlong pamantayan sa pagpili ng magiging batayan ng wikang pambansa __________ 19. Surian ng Wikang Pambansa __________ 20. Wikang opisyal ng mga Pilipino sa panahon ng mga pakikipaglaban sa mga Espanyol. A1. Ebolusyon ng Wikang Pambansa Saligang Batas ng Biak-na-Bato noong 1897 Nabuo matapos ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa pamahalaang Espanyol noong 1896. “Ang wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng mga Pilipino.” Philippine Commission sa pamamagitan ng Batas Blg. 74 Ngunit hindi naging madali ang pagsasakatuparan nito lalo na nang dumating ang mga Amerikano noong 1900. “Gawing panturo sa mga paaralan ang wikang Ingles sa kabila ng mga pagtutol ng mga mambabatas, mamamahayag, at mga gurong Pilipino”. Si Teodoro Kalaw, isang mamamahayag ay nagbigay ng puna sa patakaran ng mga Amerikano sa pagpapagamit ng Ingles sa mga paaralang Pilipino. Taong 1925, lumabas sa isang survey ng Monroe Educational Survey Commission mabagal ang pagkatuto ng mga batang Pilipino kung Ingles ang wikang panturo sa paaralan. Kaya naman, ang mga mababatas na Pilipino ay nagpanukala ng batas pangwika noong 1931 Taong 1931 Panukalang Batas Blg. 577 na nag-utos sa kalihim ng Public Instruction na gamitin bilang panturo sa mga paaralang primarya ang katutubong wika mula taong panuruan 1932–1933. Sa mga panahong ito naging masalimuot ang usapin hinggil sa wika. Hindi malaman kung ano ang magiging wikang opisyal ng mga Pilipino—Espanyol, Ingles, o Tagalog. Sa panunungkulan ni dating Pangulog Manuel Luis Quezon nadama niya ang hirap sa pakikipagtalastasan sa mga mamamayan ng Pilipinas na hindi marunong umunawa ng Ingles at Espanyol. Sa tuwing magtatalumpati siya sa pook ng mga hindi Tagalog ay hindi niya alam kung anong wika ang gagamitin upang maunawaan siya ng mga mamamayan. Ito ang nagmulat sa kaniya na lubhang kailangan ng isang wikang Pambansa na magiging daan sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan tungo sa pagkakaisa at pag-unlad ng bansa. Paglaban ng mga delagado (na hindi Tagalog) Kaya naman ipinaglaban ng mga delagado sa Kumbensiyong Konstitusyonal noong 16 Agosto 1934 ang pagkakaroon ng sariling wikang Pambansa. Kabilang dito sina Felipe R. Jose (Mountain Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte), Tomas Confesor (Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte). Pahayag ni Kgg. Felipe R. Jose “Kailangan natin na ngayon pa’y mahalin ang Kalayaan at kaluluwa ng bayan—ang wikang sarili. Kayâ lámang táyo maging marapat sa kalayaan ay kung maipagsasanggalang natin ang banal na kaluluwa ng bayan, ang wikang sarili”. -sipi mula sa kaniyang talumpating “Kailangan ang Sariling Wikang Pambansa” Pahayag ni Pang. Manuel Luis Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936 na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.” Taóng 1935 nang suportahan niya ang pagsisikap na magkaroon ng isang wikang Pambansa. Ipinanukala sa kaniya ng isang pangkat na binubuo nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Sofronio Calderon, Jose N. Sevilla, at iba pa ang isang mungkahi tungo sa pagkakaroon ng isang wikang Pambansa. Iyon ang naging daan para sa pormal na probisyon na magkaroon ng wikang Pambansa. Artikulo Blg. XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang Pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan. Hangga’t ang batas ay hindi nagtatakda ng iba, ang mga wikang Ingles at Kastila ay mananatiling mga wikang opisyal. Pagpapatibay ng Batas Komonwelt Blg. 184 noong 13 Nobyembre 1936 at pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Humirang ang Pangulong Quezon noong 12 Enero 1937 ng pitong palaaral na mga Pilipino na siyang kauna-unahang bumuo sa pamunuan ng nasabing tanggapan. Sila ang gumawa ng pag-aaral sa mga umiiral na katutubong wika sa buong bansa. Pinamunuan ito ni Jaime C. de Veyra (Waray), at kinabibilangan ng mga kasaping sina Santiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto (Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog). Pamantayan sa pagpili ng wikang magiging batayan ng wikang Pambansa 1. Ginagamit na nakararaming Pilipino, lalo na sa Maynila na siyang sentro ng kalakalan. 2. Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikang Filipino. 3. Wikang may pinakamaunlad na balangkas at mayamang mekanismo at madaling matutuhan ng mga mamamayang Pilipino. Wikang Tagalog ang nakatugon sa pamantayang ito. Tagalog “bilang batayan ng wikang Pambansa ng Pilipinas” Tampok sa pagpili sa Tagalog ang pagkilala rito “na ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat. Noong 30 Disyembre 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang Pambansa ng Pilipinas.” Ngunit nagkabisa lamang ang nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon—30 Disyembre 1939. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG! Maikling Pagsusulit at Gawain

Use Quizgecko on...
Browser
Browser