Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pagpapatibay ng Pilipinong Identidad PDF

Summary

This document provides a historical overview of the development of the Filipino language in the Philippines. It details key legislation, figures, and events that contributed to the establishment of Filipino as the national language. It covers its evolution from local dialects to a standardized national form.

Full Transcript

**Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pagpapatibay ng Pilipinong Identidad** **PAG-ARALAN ANG LAHAT NG MGA BATAS NA NAKALAHAD SA ARALIN 1 KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA.** **Silbaryo o baybayin --** natural na Sistema sa pagsusulat, sapagkat madalas ang pagsasama ng patinig at katinig sa isang pantig....

**Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pagpapatibay ng Pilipinong Identidad** **PAG-ARALAN ANG LAHAT NG MGA BATAS NA NAKALAHAD SA ARALIN 1 KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA.** **Silbaryo o baybayin --** natural na Sistema sa pagsusulat, sapagkat madalas ang pagsasama ng patinig at katinig sa isang pantig. - **Mahigit 170 ang inabot ng wika, kasama ang ibang mga dyalekto.** **1565 --** opisyal na pananakop ng Espanol sa pilipinas at pormal na pagtatag ng pamayanan o kolonyal ni **Miguel lopez de Legaspi** **December 10 1898 --** natapos ang pananakop ng esapanol sab isa ng **tratado ng paris**. **Frei 1959 --** may apat na dahilan kung bakit pinagaralan ng kastila ang wika ng Pilipino **Gobernador tello (1956), Haring Carlo I (1550), Haring Felipe (1634) --** na pinagutos na ituro ang wikang Espanol sa paaralan ngunit mas pinagaralan ng mga prayle ang wika ng mga Pilipino upang maiwasan ang paghihimagsikan at pagaalsa **Doctrina christina lengua espanola tagala (1593) --** Dasalang aklat **Prayleng Agustin Albuquerque --** unang nangahas na sumulat sa wikang tagalog noong 1571. **Padre juan de placencia -** napunta sa kanya at pinangalan ang aklat na **Arte y dicsionario de tagala 1581** **Gat Andres Bonifacio --** matatandaang matagumpay na nahimok ang sambayanan na makisa sa mithiin ng Katipunan gamit ang wikang tagalog **Konstitusyonal ng biak na bato noong 1899 -** nagaatas na opisyal ang wikang tagalog pero wala sinabi magiging wikang Pambansa ng republika **Unang republika (Aguinaldo) --** nagbibigay opisyal na wikang tagalog. **Thomasite -** ipinadala tagapaturo-amerikano sa pilipinas **Batas blg. 74 noong march 21 1901 --** mabilis na ipanatupad ng Philippine commission, na ang wika ingles ang gagagmiting wika panturo o midyum **Monroe Educational Survey Commission --** naluabas sa result ana wikang ingles ay nagging negatibo or hindi pumabor, pinangunahan ito nina **otto sheer, najeep saleeby, George butte,** **Batas Komonwelt blg 577 noong 1931 --** nagaatas napaggamit ng wikang bernakular sa taong aralin 1932-1933 **Kapulungan ng Wikang tagalog --** naitatag nong September 3 1903 **Pangulo Manuel Luis Quezon --** ayon skanya mahigit na pangangailangan magkaroon ng wikang pambasa ang pilipinas, at sa pagsisikap ng konggresista na Wenceslao Vinzon ay nagkaroon ng probisyon sa **Saligang Batas taon 1935, Artikulo XIV seksyon 3,** nagbibigay pormal sa kongreso na gumawang kinakailangang hakbang sa paggawa ng sariling wikang Pambansa na ibabatay sa umiiral na wika sa pilipinas **Batas komonwelt blg 184 -**naitala sa batasang pamabansa, na nagsasaad ng pormal na paglikha ng **surian wikang Pambansa noong November 13 1936.** **Oct 27 1936 --** itinagubilin ni pangulo Quezon sa Philippines assembly na magtatag ng **Surian Wikang Pambansa** at pinagtibay ito sa **batas komonwelth blg 184** sa pangunguna ng puno commission style ng kongresso na **Norberto Romualdez,** nagbigay daan na maitalaga ang **Surian Wikang Pambansa.** **Kautusang Tagapagpaganap blg 134 --** Noong 1937 nagaatas na ang wikang tagalog ang magiging batayan na wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang Pambansa. **Kautusang tagapagpaganap blg 236 noong April 1 1940 --** pormal pag aatas nga paggawa ng **diksyonaryo tagalog-ingles at Balarila ng wikang Pambansa ni Lope k santos** **Kautusang Pangkagawaran blg 1 ni Jorge bacobo --** nagaatas na ang wikang tagalog ay ituro sa ika apat na pagaaral na mataas na paaralan at ika dalawa antas na pagaaral sa normal na paaralan. **Military Order blg 2 noong February 17 1942 --** unti unting naitanghal ang wikang Pambansa ang tagalog **Saligang Batas 1943 Artikulo 9 seksyon 2 o laurel Constitution --** nag wikang tagalog-nihonggo lang ang pwede gamitin na lenggwahe. **July 4 1946** -- Unang pagsasarili ng pilipinas at pagbanggon sa digmaan **Batas komonwelt blg 570 noong July 4 1946** -- naideklera opisyal na wika tagalog ng pilipinas kahit nag karoon ng batayan noon bago pa ang digmaan. **Saligang-Batas ng Biak na Bato** - nagsimula noong 1897 nang gawing wikang opisyal ng himagsikan ang Tagalog. **Marso 26, 1954** Pagdakila sa wikang pambansa nang pasimulan ni dating pangulong Ramon Magsaysay noong 26 Marso 1954 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 12 ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing 29 Marso hanggang 4 Abril bilang pagbibigay parangal sa kaarawan ni **Gat. Francisco Balagtas** na isa sa mga nagbigay prestehiyo sa wikang Tagalog. **Setyembre 23, 1955** Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 inilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 tampok ang kaarawan ng ama ng Wikang Pambansa na si Pangulong **Manuel Luis M. Quezon.** **Agosto 13, 1959** Nagkaroon ng konkretong pangalan ang wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging **PILIPINO** sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. **Kalihim Alejandro Roces** Nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ipalimbag na sa wikang Pilipino. **Diosdado Macapagal** Ipinag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino. Ito ay batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg 60 s. 1963 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal. ***[Kalihim Rafael Salas]*** - Nilagdaan din ang **Memorandum Sirkular Blg 172 (1968)** na nag-uutos na ang mga ulong-liham ng mga tanggapan ng pamahaalaan ay isulat sa Pilipino. ***[Kalihim Juan L. Manuel]*** - Noong **Hunyo 19, 1974,** ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni **Kalihim Juan L. Manuel** ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg.25 s.1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng **Patakarang Edukasyong Bilingguwal**. **Saligang Batas 1987** Matapos ang Rebolusyong EDSA 1, nagkaroon ng pagtitiyak hinggil sa kalagayan ng wikang pambansa sa Saligang Batas ng 1987 sa panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino partikular na sa **Art XIV, Seksiyon 6, 7, 8, at 9** na naglalaman ng sumusunod na pahayag: **Sek. 6** "Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay **FILIPINO**. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika." **Sek. 7** "Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon. **SEK. 8.** "Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehyon, Arabic, at Kastila." **SEK. 9.** "Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili." **Gloria Macapagal Arroyo** Nagpalabas siya ng **Executive Order No.210** noong Mayo 2003 na nag-aats ng pagbabalik sa isang **monolinggwal na wikang panturo**-- ang Ingles sa halip na ang Filipino. **Identidad ng Ortograpiyang Filipino** Ang mga titik na ito ang naging batayan ng abakada na binuo ni **Lope K. Santos** nang kaniyang sulatin ang Balarila (1940). Idinagdag sa orihinal na mga titik ng baybayin ang katinig na R at ginawang lima ang patinig: A,E,I,O,U kayâ dalawampu (20) ang mga titik ng lumaganap na abakada hanggang sa panahong tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Pilipino. Noong 1987 ay nalathalang dalawampu't walo (28) ang mga titik sa gabay na Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, ang binagong pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa. Tinanggap ang mga dagdag na titik na: C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z. Pinalaganap din ang isang **"modernisadong alpabeto"** **na ipinababása ang mga titik sa paraang Ingles, maliban sa Ñ mulang alpabetong Espanyol, gaya ng sumusunod:** A /ey/, B /bi/, C / si/, D /di/, E /i/, F /ef/, G /dyi/, H /eyts/, I /ay/, J /dyey/, K /key/, L /el/, M /em/, N /en/, Ñ /enye/, NG /endyi/, O /o/, P /pi/, Q /kyu/, R /ar/, S /es/, T /ti/, U /yu/, V / vi/, W /dobolyu/, X /eks/, Y /way/, Z /zi/. **Pagpapalit ng D tungo sa R** Kasong Din/Rin, Daw/Raw. Ang pagpapalit ng D tungo sa R ay nagaganap sa mga pang-abay na din/rin at daw/raw. Sang-ayon sa tuntuning pinalaganap ng Balarila, nagiging rin ang din o raw ang daw kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig o glide (W at Y), gaya sa sumusunod: **Kailan "ng" at kalian "nang"** **Tuntunin ng Gamit ng "Nang"** 1. Sumasagot sa tanong na Paano? at Gaano? 2. Kasingkahulugan ng noong. Halimbawa, "Umaga nang barilin si Rizal. Nang umagang iyon ay lumubha ang sakit ni Pedro." 3. Kasingkahulugan ng upang o "para". Halimbawa, "Sa isip ng mga Espanyol, kailangang bitayin si Rizal nang matakot ang mga Filipino. Dinala si Pedro sa ospital nang magamot." 4. Katumbas ng pinagsámang na at "ng". Halimbawa, "Pero sa isip ng mga Filipino, sobra nang lupit ang mga Espanyol. Sobra nang hirap ang dinanas ni Pedro." 5. Para sa pagsasabi ng paraan o sukat (pangabay na pamaraan at pang-abay na panggaano). Halimbawa, "Binaril nang nakatalikod si Rizal. Namayat nang todo si Pedro dahil sa sakit." 6. Pang-angkop ng inuulit na salita. Halimbawa, "Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siyá mamamatay sa puso ng mga kababayan. Ginamot nang ginamot si Pedro para gumaling." **Tuntunin ng Gamit ng "Ng"** 1. Sumasagot sa tanong na Ano? Sino? Kanino? Kailan? 2. Superlative (ubod ng, puno ng at iba pa.) **Gagamitin ang rin, rito, raw, at roon** Kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u) Malapatinig o semi vowel (w,y) Gagamitin ang din, dito, daw at doon Kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig at ra, re,ri, ro, ru, raw, o ray **KULTURA** **"Pakikitungo at Pakikipamuhay"** **Dalawang bahagi o uri ang kultura: Materyal na kultura at di-materyal na kultura.** **Materyal na kultura** ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain. **di-materyal na kultura** ang mga kaugalian, tradisyon, panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-buhay. **Dr. Virgilio Gaspar Enriquez** - Ama ng Sikolohiyang Pilipino **Sikolohiya**- Ito ang pag-aaral ng asal at iba't ibang pag-uugali ng mga tao. **Sikolohiyang Pilipino** Tumutukoy sa sikolohiya na nagmula sa karanasan, kaisipan at oryentasyon ng mga Pilipino batay sa buong paggamit ng Kulturang Pilipino at Wika. Nakaangkla sa kaisipang Pilipino at karanasan na nauunawaan mula sa maka-Pilipinong perspektiba. **Larangan ng Protesta ng SP dahil sa "dambuhalang hating kultural"** 1. **\`\`Sikolohiyang Malaya.** nilalabanan nito ang Sikolohiyang nagpapanatili ng kaisipang kolonyal 2. **Sikolohiya ng pagbabagong isip.** tungo sa pagbuo ng pambansang kaalaman. Ikalawa, nilalabanan nito ang pagpataw ng mga balangkas- kaisipan na hindi angkop sa Pilipinas. Sa halip, inihihilig nito ang Sikolohiya sa pagsasapraktika ng kaalaman tungo sa paglilingkod sa mga kapos-palad. 3. **Sikolohiyang Mapagpalaya.** tinutuligsa nito ang paggamit sa Sikolohiya ng mga piling nakaka-angat na grupo at tao upang pagsamantalahan ang mga pangkaraniwang mamamayan. **KONSEPTO NG PAMILYANG PILIPINO** Ang pangkat ng mga tao na may isang antas ng pagkakamag-anak at namumuhay tulad nito ay itinalaga bilang isang pamilya. Ang salitang pamilya ay nagmula sa Latin famulus na nangangahulugang \'lingkod\' o \'alipin\'. Sa katunayan, sa sinaunang panahon ang ekspresyon ay kasama ang mga kamag-anak at tagapaglingkod sa bahay ng panginoon. Ang ***Family Code *o Executive Order No. 227** ay naging batas noong **Agosto 3, 1988**.  **URI NG PAMILYA** 1. Pamilyang nuklear (biparental) 2. Mag-isang pamilya ng magulang 3. Pamilyang pinagtibay 4. Pamilyang walang anak 5. Pamilya ng magkahiwalay na magulang 6. Composite na pamilya 7. Pamilyang homoparental 8. Pinalawak na pamilya (extended)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser