Modyul 5: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasya PDF
Document Details
Uploaded by IntuitiveTurkey5676
FGCHS Philippines
Tags
Related
- Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang - Ikalawang Markahan - Modyul 5
- Mga Yugto ng Makataong Kilos (2nd Grading) PDF
- Aralin 1: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan.PDF
- EsP 10 Q2 Mod 1: Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos PDF
- EsP 10 Q2 Modyul 2: Mapanagutan sa Sariling Kilos (PDF)
- EsP G10 Ikalawang Markahan PDF
Summary
Ang modyul na ito ay nagpapaliwanag tungkol sa makataong kilos, mga salik na nakakaapekto rito, at pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kanyang mga kilos at desisyon. Tinatalakay din dito ang mga uri ng kilos, at ang kahalagahan ng kapanagutan.
Full Transcript
# Modyul 5: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasya ## Ayon kay Agapay - Anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kan...
# Modyul 5: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasya ## Ayon kay Agapay - Anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay. - Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili. ## Dalawang Uri ng Kilos ng Tao 1. **Kilos ng tao (acts of man)** - Mga naisasagawang kilos na labas sa kanyang kontrol na ayon sa kalikasan bilang tao - Hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob - Walang pananagutan ang taong nagsagawa ng kilos Halimbawa: Pagkurap ng mata, paghikab, pag-ihi. 2. **Makataong kilos (human act)** - Kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa - Ginagamitan ng isip at kilos-loob - Pananagutan ng taong nagsagawa ng kilos anuman ang kahihinatnan nito. Halimbawa: Pagnanakaw, hindi pagsabi ng totoo, pagkalat ng dumi. ## Tatlong Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan (Accountability) Ayon kay Aristotle 1. **Kusang-loob:** Kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito. Halimbawa: Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang guro. Gumagamit siya ng iba't ibang istratehiya sa pagtuturo para sa kaniyang klase. 2. **Di kusang-loob:** Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan. Halimbawa: Isang barangay official na naglingkod bilang COMELEC member na binulungan ng kaniyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng “dagdag-bawas.” Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kanilang moral na tungkulin kaya hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa parin niya ang pabor na hinihingi dahil baka matanggal siya bilang miyembro kung hindi siya susunod bagaman labag ito sa kaniyang kalooban. 3. **Walang kusang-loob:** Dito ang tao ay walang kaalaman kaya't walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya't walang pagkukusa. Halimbawa: Isang dalaga na nagalit sa pangingindat ng isang lalaki na may “tourette syndrome”. Nagulat ang lalaki dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga. Hindi siya humingi ng paumanhin dahil iyon ay isang manerismo niya. ## Layunin: Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos - Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay masama o mabuti. - Hindi agad nahuhusgahan ang kilos o gawa kung ito ay masama o mabuti. Nakasalalay ito sa intension kung bakit ginawa ang kilos. ## Makataong Kilos at Obligasyon Dapat piliin ng tao ang mataas na kabutihan – ang kabutihan ng sarili at ng iba tungo sa pinakamataas na layunin. ## Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos Ayon kay Aristotle, ang kapanagutan ng isang tao sa kalalabasan ng ginawang kilos ay may kabawasan maliban lamang kung may kulang sa proseso ng pagkilos 1. **Paglalayon:** Kasama ba sa iyong layunin ang kinalabasan ng iyong kilos? Kung inaasahan ng taong gumawa sa kilos ang masamang epekto ng kaniyang gagawing kilos, siya ay may kapanagutan sa kilos. 2. **Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin:** Tugma ba ang paraan sa pagkamit ng layunin? Kasangkapan lang ba ito sa pag-abot ng naisin? Sa prosesong ito, kinakailangan gamitin ang tamang kaisipan at katuwiran sa pagsasagawa ng isang kilos. 3. **Pagpili ng pinakamalapit na paraan:** Sa yugtong ito, tanungin mo ang iyong sarili: Malaya ka ba sa pagpili mula sa mga opsiyon? Isinaalang-alang mo ba ang maaaring epekto nito? Isinaalang-alang mo ba ang kabutihang panlahat o pansariling kabutihan lamang? Iniwasan mo ba ang opsiyon na nangangailangan ng masusing pag-iisip? 4. **Pagkilos ng paraan:** Sa yugtong ito, isasagawa ang pamamaraan upang makamit ang layunin nang may pagkukusa at pagsang-ayon na siyang magbibigay ng tunay na kapanagutan sa kumikilos. ## Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos 1. **Kamangmangan:** Tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao. - **Nadaraig:** Kawalan ng kaalaman ng isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman o matuklasan ito. - **Hindi Nadaraig:** Maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman. 2. **Masidhing Damdamin:** Dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos o damdamin, masidhing pag-asam o paghangad na makaranas ng kaligayahan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap. Likas na sa tao kaya may pananagutan ang tao na pangasiwaan ang kaniyang emosyon dahil kung hindi, ang emosyon ang magkokontrol sa tao. 3. **Takot:** Pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay. 4. **Karahasan:** Pagkakaroon ng panlabas ng puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyan kilos-loob at pagkukusa. 5. **Gawi:** Gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw. # Modyul 6: Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos ## "Kilos Ay Suriin, Mabuti Lagi ang Piliin" ## Ano ang Makataong Kilos? Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasiya. ## Sto. Tomas de Aquino - Ang moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan. - Sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa isang layunin. Hindi makapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay. ## Isip and Kilos-loob - **Isip:** Humusga at mag-utos. - **Kilos-loob:** Tumutungo sa layunin o intension ng isip. ## Panloob na Kilos and Panlabas na Kilos - **Panloob na Kilos:** Nagmumula sa isip and kilos-loob. - **Panlabas na Kilos:** Pamamaraan na ginagamit upang isakatuparan ang panloob na kilos. - Hindi maaaring maging hiwalay ang dalawang ito sapagkat kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas. ## Halimbawa: Robin Hood Si Robin Hood Siya ay kilala sa kaniyang pagiging matulungin lalo na sa mga mahihirap. Ngunit saan ba niya kinukuha ang kaniyang ibinibigay na tulong sa kanila? Hindi ba sa pagnanakaw? Masasabi mo ba na tama ang kaniyang kilos? Kung ating titingnan, mabuti ang kaniyang panloob na kilos ngunit masama naman ang kaniyang panlabas na kilos. Kailangang parehong mabuti ang panloob at panlabas na kilos dahil nababalewala ang isa kung hindi kasama ang isa. ## Mga Salik na Nakaaapekto sa Resulta ng Kilos 1. **Layunin**: - Tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. - Tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos (doer). 2. **Paraan**: - Panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. - Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto ang kilos. ## Iba't-ibang Sirkumstansiya 3. **Saan:** Tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos. Halimbawa: Ginawa ang kilos sa loob ng banko, opisina, simbahan. 4. **Sino:** Tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos. Halimbawa: Ang pangulo ng bansa ang gumawa ng kilos at ang maaapektuhan ay pangmaramihan dahil buong populasyon ng bansa. 5. **Ano:** tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat. Halimbawa: Pagnanakaw ng maliit o malaking halaga. Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. 6. **Kailan:** Tumutukoy kung kailan isasagawa ang kilos. Halimbawa: Ang kilos ay isinakatuparan sa gabi. 7. **Paano:** Tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos. Halimbawa: Ang paggawa ng kilos ay pinagplanuhan nang maigi, maraming tao ang nadamay. ## Halimbawa: Nagkasayahan | Sitwasyon | Layunin | Paraan | Sirkumstansiya | |---|---|---|---| | Nagkasayahan kayo bilang selebrasyon sa kaarawan ng isang kaibigan mo, kaya inabot kayo ng gabi sa inyong bahay. Hindi pa rin kayo tumigil sa kanilang pagkanta gamit ang videoke kahit natutulog na ang inyong mga kapit-bahay. | Magkasiyahan dahil sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaibigan. | Paggamit ng videoke para magkantahan. | Paggamit ng videoke sa hatin-gabi. | ## Mga Salik na Nakaaapekto sa Resulta ng Kilos 3. **Sirkumstansiya:** Tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. # Modyul 7: Ang Kabutihan o Kasamaan ng Kilos Ayon sa Paninindigan, Gintong Aral, At Pagpapahalaga ## Mga Batayan sa Paghuhusga ng Kabutihan o Kasamaan ng Kilos 1. **Ang Kautusang Walang Pasubali (Categorical Imperative)** -"Gawin mo ang iyong tungkulin alang-alang sa tungkulin." -Pagkilos sa ngalan ng tungkulin. Ginagawa ng isang tao ang mabuti dahil ito ang nararapat at hindi dahil sa kasiyahan na gawin ito. 2. **Gintong Aral (The Golden Rule)** -Confucius -"Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo." -Mahalagang isaalang-alang ang mabuting pakikisama at kapakanan ng kapwa sa bawat kilos ng tao. 3. **Pagpapahalaga** -Max Scheler -Pagpapahalaga: Obheto ng ating intensiyonal na damdamin, kaya't nauunawaan natin ang pagpapahalaga sa pagmamagitan ng pagdama rito. -Ang tao ay may kakayahang humusga kung mabuti o masama ang isang gawi o kilos ayon sa pagpapahalaga. -Nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan ang paghuhusga sa pagiging mabuti o masama ng kilos ng tao. -Ang batayan ay ang mismong pagpapahalagang ipinakikita habang isinasagawa ang kilos. -Hindi ang layunin o bunga ng kilos ang batayan sa paghuhusga ng kabutihan o kasamaan ng kilos. -Gawain ay mabuti kung ito ay reciprocal (pagkakatugunan). Obligado ang taong gumawa ng kabutihan sa iba at tiyak na makatatanggap din siya ng kabutihan. -Sa bawat kilos na ating ginagawa, may nakikita tayong pagpapahalaga na nakakatulong sa pagpapaunlad ng ating pagkatao tungo sa pagiging personalidad. ## Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga 1. Kakayahang tumatagal at manatili (timelessness or ability to endure) 2. Mahirap o hindi mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga (indivisibility) 3. Lumilikha ng iba pang mga pagpapahalaga 4. Nagdudulot ng higit na malalim na kasiyahan o kaganapan (depth of satisfaction) 5. Malaya sa organismong dumaranas nito # Modyul 8: Mga Yugto ng Makataong Kilos at mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya ## Mga Hakbang sa Moral na Pagpapapasya 1. **Magkalap ng Patunay (Look for the Facts)** -Mahalaga na sa unang hakbang pa lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili. 2. **Isaisip ang mga Posibilidad (Imagine Possibilities)** -Mahalaga na tingnang mabuti ang mga posibilidad na mga pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon. Dito ay kailangan makita kung ano ang mabuti at masamang kalalabasan nito. Ano ang maaaring maging epekto nito hindi lamang sa sarili kundi para sa ibang tao. 3. **Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own)** -Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng mga magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang pagpapasiya. ## Mga Yugto ng Makataong Kilos (Sto. Tomas de Aquino) | **Isip** | **Kilos-loob** | |---|---| | 1. Pagkaunawa sa layunin | 2. Nais ng layunin | | 3. Paghuhusga sa nais makamtan | 4. Intensyon ng layunin | | 5. Masusing pagsusuri ng paraan | 6. Paghuhusga sa paraan | | 7. Praktikal na paghuhusga sa pinili | 8. Pagpili | | 9. Utos | 10. Paggamit | | 11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin | 12. Bunga | ## 9. Utos - Ang pagbibigay ng utos mula sa isip na isagawa kung ano man ang intensiyon. ## Halimbawa: Alvin | Sitwasyon | Utos | |---|---| | Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito. | Matapos niya itong bilhin ay ginamit na niya ito agad. | ## 10. Paggamit - Dito ginagamit na ng kilos-loob ang kanyang kapangyarihan sa katawan at sa mga pakultad na taglay ng tao upang isagawa ang kilos. ## Halimbawa: Alvin | Sitwasyon | Paggamit | |---|---| | Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito. | Ngayon ay mauunawaan niya kung angkop ba ang kaniyang isinagawang kilos. | ## Moral na Pagpapasiya - Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. ## 1. Pagkaunawa sa Layunin - Ang pagkaunawa ng tao sa isang bagay na gusto o kanyang ninanais, masama man ito o mabuti. ## Halimbawa: Alvin | Sitwasyon | Pagkaunawa sa Layunin | |---|---| | Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito. | Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone na bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na. | ## 3. Paghuhusga sa Nais Makamtan - Sa yugto na ito hinuhusgahan ng isip ang posibilidad na maaaring makuha o makamit ang ninanais. ## Halimbawa: Alvin | Sitwasyon | Paghuhusga sa Nais Makamtan | |---|---| | Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito. | Ito ang nais ng kaniyang kalooban, ang magkaroon ng bagong modelo ng cellphone. | ## 5. Masusing Pagsusuri ng Paraan - Pinag-iisipan at sinusuri ng tao ang mga paraan upang makamit ang kanyang layunin. ## Halimbawa: Alvin | Sitwasyon | Masusing Pagsusuri ng Paraan | |---|---| | Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito. | Ang pagsusuri ng paraan na kanyang gagawin ay nagpapatuloy at ang pagsang-ayon niya sa nasabing pagpipilian. | ## 7. Praktikal na Paghuhusga sa Pinili - Sa yugto na ito tinitimbang ng isip ang pinakalangkop at pinakamabuting paraan. ## Halimbawa: Alvin | Sitwasyon | Praktikal na Paghuhusga sa Pinili | |---|---| | Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito. | Ang isip ay kasalukuyang pumipili ng pinakamabuting paraan. | ## 11. Pangkaisipang Kakayahan ng Layunin - Pagsasagawa sa utos ng kilos-loob gamit ang kakayahan ng pisikal na katawan at pakultad na kakanyahan ng tao. ## Halimbawa: Alvin | Sitwasyon | Pangkaisipang Kakayahan ng Layunin | |---|---| | Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito. | Ngayon ay ikatutuwa niya ang pagtatamo niya ng cellphone. | ## 8. Pagpili - Ang pagpili ng kilos-loob sa pamamaraan upang makamit ang layunin. Dito pumapasok ang malayang pagpapasiya. ## Halimbawa: Alvin | Sitwasyon | Pagpili | |---|---| | Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito. | Dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasya na kung saan ang kanyang isip ay nag-uutos na bilhin ang nasabing cellphone. | ## Moral na Pagpapasiya - Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. ## 12. Bunga - Kaluguran ng kilosloob sa pagtatapos ng kilos. Ito ang resulta ng ginawang pagpapasya. ## Halimbawa: Alvin | Sitwasyon | Bunga | |---|---| | Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito. | Ito ang resulta ng kaniyang pinili. |