Summary

Ang modyul na ito ay may mga aralin ukol sa makataong kilos. Tinatalakay ang konsepto ng pagkukusa, pananagutan, katwiran at niloob sa pagkilos ng tao. Pinag-aaralan pa kung paano ito nakaaapekto sa pagkatao.

Full Transcript

IKALAWANG MARKAHAN EsP G10 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahala...

IKALAWANG MARKAHAN EsP G10 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran. Ang modyul na ito ay masusing sinuri at niribisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto. Mga Tagasuri PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 PIVOT 4A Learner’s Material Ikalawang Markahan Unang Edisyon, 2020 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasampung Baitang Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead Philips T. Monterola Content Creator & Writer Jaypee E. Lopo & Philips T. Monterola Internal Reviewer & Editor Lhovie A. Cauilan & Jael Faith T. Ledesma Layout Artist & Illustrator Jhucel A. del Rosario & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer Ephraim L. Gibas IT & Logistics Earvin Christian T. Pelagio, Komisyon sa Wikang Filipino External Reviewers & Language Editor Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Wilfredo E. Cabral Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material Para sa Tagapagpadaloy Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naaayon sa mga ibinigay na layunin. Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa mga sumusunod na aralin. Salamat sa iyo! Para sa Mag-aaral Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat ang anomang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto. 2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain. 3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 5. Punan ang PIVOT Assessment Card for Learners sa pahina 38 sa pamamagitan ng akmang simbolo sa iyong lebel ng Performans pagkatapos ng bawat gawain. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o taga pag-alaga, o sinomang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa. Kaya mo ito! PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul K to 12 Learning Nilalaman Delivery Process Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na (Introduction) Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o lingo, layunin ng Panimula aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang Suriin kailangan para sa aralin. Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad, Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa (Development) Pagpapaunlad mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng Tuklasin mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa ang gusto niyang malaman at Pagyamanin matutuhan. Ang bahaging ito ay binibigyang pagkakataon ang mag- aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at Isagawa oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge Pakikipagpalihan Skills at Attitudes (KSA) upang makahulugang mapag- (Engagement) ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D. Inilalantad ng Linangin bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/ gawain sa buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha ng isang produkto o Iangkop gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga kasanayan at konsepto. Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa proseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon, Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga (Assimilation) Paglalapat piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag- uugnay o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha Tayahin ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsama-samahin ang mga bago at dati ng natutuhan. Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 WEEKS Pagsusuri ng Makataong Kilos 1-2 I Aralin Sa nakaraang markahan, natutuhan mo na ang dignidad ng tao ay ang pagiging kawangis niya sa Diyos. Ang nagpapawangis sa tao sa Diyos ay ang mga kakayahang taglay niya. Ito ay ang isip at kilos-loob, konsiyensiya at kalayaan. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa lahat ng nilikha ng Diyos. Ipinagkaloob sa kaniya ang lahat ng kakayahan o pakultad (faculty) upang hubugin ang kaniyang pagkatao at upang magpakatao. Isang malaking hamon sa tao ang magpakatao at gamitin ang taglay niyang mga kakayahan sa pagkamit nito. A B C D Paano nga ba nahuhubog ang pagkatao ng tao? Paano niya ginagamit ang mga salik na nabanggit sa pagsisikap niyang magpakatao? Sa aralin na ito, inaasahang: a) maipaliliwanag mo na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman; b) matutukoy mo na ang mga kilos na dapat panagutan; c) mapatutunayan mo na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang makataong kilos kaya pananagutan niya ang kawastuhan o kamalian nito; at d) masusuri mo ang sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos. Ayon sa isang Filipinong awtor sa etika, nakasalalay sa uri ng kilos na ginagawa ng tao ang kaniyang magiging pagkatao sa mga susunod na araw. Ito ang magbibigay patunay kung taglay niya ang kontrol at pananagutan sa sarili. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 6 D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Sagutin ang mga ito sa iyong sagutang papel. Sitwasyon 1. Sinabihan si Ryan ng kaniyang guro na siya ang mamumuno sa kanilang grupo sa paggawa ng isang video ad para sa kanilang klase. Lingid sa kaniyang kaalaman na may iba na palang napili ang kaniyang guro na gumawa ng nasabing video ad. Napahiya si Ryan sa kaniyang mga kaklase at kagrupo. Dapat bang magalit si Ryan sa kaniyang guro dahil pinahiya siya nito? Bakit? Ipaliwanag. ___________________________________________________________ Sitwasyon 2. Nakita at nabasa ni Jovanie ang isang pamamahiyang post ng isang kaklase patungkol sa isa pang kaklase sa social media. Dahil sa takot na baka madamay sya, hindi niya ito isinumbong sa kinauukulan. Mapapanagot ba si Jovanie sa kaniyang pananahimik? Bakit? Ipaliwanag. ______________________________________________________________________________ Sitwasyon 3. Nagbilin kay Normina ang kaniyang ina na sabihan ang kaniyang ate na magluto ng tanghalian. Biglaang nagyaya ang mga kaibigan niya na mag-ML (Mobile Legends) sila kung kaya nakalimutan niyang sabihan ang kaniyang ate. May pananagutan ba si Normina sa maaaring kahinatnan dahil hindi nito nasabi ang ipinagbilin sa kaniya? Ipaliwanag. ______________________________________________________________________________ Sadyang natatangi nga ang tao. Ipinagkaloob sa kaniya ang lahat ng kakayahan o pakultad upang hubugin ang kaniyang pagkatao at upang magpakatao. Kaya isang malaking hamon sa tao ang magpakatao at gamitin ang taglay niyang mga kakayahan sa pagkamit nito. Paano nga ba nahuhubog ang pagkatao ng tao? Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may dalawang uri ng kilos ng tao. Ang mga ito ay: 1. Ang Kilos ng Tao (Act of Man). Ito ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas (natural) sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspeto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Ang mga halimbawa nito ay: biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, paghikab, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, at iba pa. 7 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 2. Ang Makataong Kilos (Human Act). Ito naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, kalayaan, at pagkukusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable. Alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin. Ang makataong kilos ay gawain na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsiyensiya. Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kaniyang piniling kilos. Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. Kung masama ang kilos, ito naman ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan. Sa madaling salita, ang isang kilos ay magiging kilos ng tao (act of man) kung ang kilos na ito ay kasama sa kaniyang kalikasan (nature) at hindi niya ginagamitan ng isip o kilos-loob. Ang isang kilos naman ay magiging makataong kilos (human act) kung ang kilos na ito ay ginagamitan ng isip at kilos-loob. Samakatuwid, anomang kilos kahit na ito pa ay likas o natural, kung ito ay humantong sa paggamit ng isip o may kasamang pagpapasya o pagdedesisyon, ito ay maituturing na makataong kilos (human act). Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pag-isipan, pagnilayan at pumili kung alin ang tama sa dalawang pangungusap. Kopyahin at ipaliwanag ito sa iyong sagutang papel. Alin ang tama? A. Ang kilos ng tao (act of man) ay maaring maging makataong kilos (human act). B. Ang makataong kilos (human act) ay maaring maging kilos ng tao (act of man). Maaari bang ang natural o likas na kilos tulad ng paghinga, halimbawa, ay mapag-isipan at magagamitan ng pagpapasya o pagdedesisyon? Maari bang pigilan o sadyain ang paghinga? Sa kabilang banda naman, maari bang ang kilos na pinag-isipan na at pinagmunihan at pinagplanuhan o ginawan na ng pagpapasya ay maging natural o likas na hindi na ginagamitan ng isip? Halimbawa, pinagplanuhan mo na at nakapagdesisyon ka na, na mag-aral sa araw ng Lunes. Maari bang hindi mo na pag-isipan o gagamitan ng isip ito? PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 8 Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability) Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ito ay pagkukusang kilos (voluntary act). Ang bigat (degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa. Ang mga ito ay nasa lalim ng kaalaman at kalayaan (degree of willfulness o voluntariness) na tinatamasa. Sa madaling salita, kung mas malawak ang kaalaman o kalayaan, mas mataas o mababang degree ang pagkukusa o pagkagusto. Kung mas mataas o mababang bigat ang pagkukusa, mas mabigat o mababaw ang pananagutan. Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan: (1) kusang-loob, (2) di kusang-loob, at (3) walang kusang-loob. 1. Kusang-loob. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito. Halimbawa: Niyaya ka ng iyong kaklase na umalis ng bahay at gumala. Alam mo na bawal lumabas ng bahay ang mga batang may edad 14 gulang pababa. Sumama ka pa rin kahit na batid mo na bawal lumabas ang mga katulad mo. Nahuli kayo ng mga kawani ng barangay. 2. Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan. Halimbawa: (Pagpapatuloy sa naunang sitwasyon). Noong ikaw ay niyaya ng iyong kaklase na umalis ng bahay at gumala, tinanggihan mo siya dahil alam mong bawal lumabas ng bahay. Ngunit sabi niya kapag hindi ka sumama ay puputulin na niya ang inyong pagkakaibigan. Kaya sa huli ay sumama ka pa rin sa kaniya. 3. Walang kusang-loob. Dito, ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa o boluntaryong pagkilos. Halimbawa: Ang iyong kapatid na limang (5) taong gulang pa lamang ay sinundo ng iyong tiyahin sa inyong bahay para isama niya sa pamamalengke. Mahigpit na ipinagbabawal na lumabas sa ngayon ang mga batang may edad na 14 pababa. Ang bata ay walang magiging pananagutan dahil wala naman siyang kaalaman patungkol sa batas at panuntunan sa kasalukuyan. 9 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 Eksepsiyon at Kabawasan ng Pananagutan Ayon kay Aristoteles, may eksepsiyon, sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa proseso ng pagkilos. May apat na elemento sa prosesong ito: 1) paglalayon, 2) pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin, 3) pagpili ng pinakamalapit na paraan, at 4) pagsasakilos ng paraan. 1. Paglalayon. Kasama ba sa ninanais ang kinalabasan ng isang makataong kilos? Nasa sa kaniya ang kapanagutan ng kilos kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos. Halimbawa. Gusto mong gumanti sa nakaaway mong kaklase. Naisip mong patirin siya pagbaba niya sa hagdan. Ngunit naisip mo, paano kung mahulog at mabagok ang kaniyang ulo? Pero dahil gusto mong gumanti, itinuloy mo ang iyong plano. Nagpapakita ito na may paglalayon. (Huwag na huwag mo itong gagawin sapagkat mali ito.) 2. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin. Ang pamamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran. Halimbawa. Gusto mong magpabili ng bagong cellphone sa iyong tatay. Naisip mo na para maibili ka ay magpapakabait ka at gagawin mo ang mga gawaing bahay at mga iniuutos niya. 3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan. Sa puntong ito, itatanong mo: Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito? Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip? Ang lahat ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng kabutihan ng iba? Halimbawa. Gusto mong makakuha ng mataas na marka ngayong taong panuruan. Sa halip na pag-aralan at gawin ang mga gawaing pagkatuto nang mag-isa upang mas matuto, ay pinagawa mo ang mga ito sa iba (sa iyong tutor). (Tandaan na hindi ito tama. Makabubuting ikaw mismo ang gumawa ng mga gawain sa iyong modyul.) 4. Pagsasakilos ng paraan. Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamamaraan ay ang paglalapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 10 Halimbawa. Kung ating ipagpapatuloy ang naunang halimbawa, sa kagustuhan mong makakuha ng mataas na marka ay itinuloy mo ang pagpapasagot ng iyong mga modyul sa iyong tutor kahit na alam mong ito ay pandaraya at hindi mabuti. (Mag-isip at isakilos ang tamang paraan. Huwag itong tularan.) Ayon kay Aristoteles, kung may kulang sa mga ito, nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao sa ginawang kilos. Ngunit hindi nawawala ang kapanagutang ito maliban sa kung apektado ito ng mga salik na maaaring makapagpawala ng kapanagutan. Dahil dito, maaaring mabawasan o mawala ang kapanagutan. Ibig sabihin, ang kahihinatnan ng makataong kilos, kasama na ang pagpapataw ng parusa kung mayroon man, ay nababawasan din o nawawala. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa iyong nabasa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ano-ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat mapanagutan? Ipaliwanag. ________________________________________________________________ 2. Sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao, alin ang karapat-dapat panagutan? Bakit? ________________________________________________________ 3. Kailan natin matutukoy na ang gawain o kilos ng tao ay hindi makakapanagot sa masamang epekto ng makataong kilos? Ipaliwanag._________________________________________________________________ 4. Ang layunin ba ng kilos ay batayan din sa paghusga kung ang kilos ay mabuti o hindi mabuti? Pangatwiranan. __________________________________ Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Mula sa iyong mga natutuhan sa aralin, tapusin ang sinimulang pangungusap upang mabuo ang Batayang Konsepto. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. 1. Anomang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa _______________________ ____________________________________________________________________________. 2. Anomang kilos, kahit na ito pa ay ___________________________________________ kung ito ay humantong sa paggamit ng isip o may kasamang pagpapasya o pagdedesisyon, ito ay _______________________________________________________. 3. Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ________________________________________________________________. 11 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 E Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gamit ang talahanayan, tukuyin kung ang kilos sa unang hanay ay nagpapakita ng presensiya ng Isip, Kilos-loob, at kung ito ay Mapanagutang Kilos. Lagyan ng tsek () kung ang kilos ay ginamitan ng isip, kilos-loob, at mapanagutan, at ekis (X) naman kung hindi. Kopyahin at sagutan ito sa iyong sagutang papel. Kilos– Mapanagutang Mga Kilos at Gawain ng Tao Isip Paliwanag loob Kilos 1. Pagdala ng drayber ng taxi sa ospital sa kaniyang matandang pasahero na inatake sa puso. 2. Pagsauli nang sobrang sukli sa tindera sa palengke. 3. Paghikab ng malakas na hindi tinatakpan ang bibig. 4. Pagsasalita habang natutulog. 5. Pagsigaw dahil sa pagkagulat sa paputok. Ang mapanagutang kilos ay may papel ng isip at kilos-loob. Bilang tao, hindi natin hangad ang masamang bunga ng ating piniling kilos o gawa kung kaya dapat na maging maingat sa mga pagpapasya. Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Ipaliwanag ang iyong gagawin kung maharap ka sa mga sitwasyon na nakatala sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. 1. Sa isang pangkatang gawain, hinati kayo ng guro na may tig-aapat na miyembro sa bawat pangkat. Ngunit may isa kayong kaibigan na nais lumipat at sumama sa inyong pangkat. 2. May napulot kang cellphone sa tricycle na sinasakyan mo. 3. May mali sa panuto ng guro at maaaring mamali kayo sa pagsagot. 4. Nalaman mo na may kasintahan na ang nakababata mong kapatid. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 12 Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Punan ang talahanayan ayon sa hinihinging im- pormasyon. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Alalahanin ang mga pangyayari sa buhay mo kung saan may mga tao kang nasaktan (maaaring dahil sa kapabayaan mo o dahil sa pansariling kabutihan lang ang inisip mo). Isulat ang mga sitwasyong ito sa unang kolum at sino ang kapwang nasaktan sa ikalawang kolum. Magtala sa ikatlong kolum ng mga hakbang upang ayusin ang mga pagkakataong may nasirang tiwala, samahan, o ugnayan sa pagitan mo at ng iyong magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, o kapitbahay. Sitwasyon kung saan Kapwang nasaktan Mga Hakbang upang may nasaktan akong (Halimbawa: Magulang aking maayos ang kapwa at iba pa) ugnayan A Buoin ang mahalagang kaisipan. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng ________________ sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang nasabing kilos ay ginagawa nang may pang-unawa at pagpipili kung kaya ito ay may kaakibat na ______________________ (accountability). Ang isang kilos na ginagawa ng tao ay magiging __________________________ kung ito ay kasama sa kaniyang kalikasan at hindi niya ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang isang kilos naman ay magiging __________________________________ kung ito ay ginagamitan ng isip at kilos-loob. Samakatwid, anomang kilos, kahit na ito pa ay ________________________ na kilos kung ito ay humantong sa paggamit ng isip o may kasamang pagpapasya o pagdedesisyon, ito ay maituturing na makataong kilos (human act). 13 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 Pagsusuri ng mga Salik na Nakaaapekto sa WEEKS Pananagutan ng Tao 3-4 Aralin I Natutuhan mo sa nakaraang aralin kung ano ang makataong kilos. Natutuhan mo rin na magiging mapanagutan ka lamang sa iyong kilos kung ito ay niloob mo o malaya mong pinili at ginawa. Sa araling ito, inaasahan na: a) maipaliliwanag mo ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasya; b) makapagsusuri ka ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa ng kilos dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, gawi; c) mapatutunayan mo na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kaniyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala ang pagkukusa ng kilos; at d) masusuri mo ang sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kaniyang kakayahan sa pagpapasya. A B C D Susuriin mo ang mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao katulad ng makikita sa mga larawan sa itaas. Ayon kay Aristoteles, nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao ang ginawang kilos kung may kulang sa proseso. Nawawala ang pananagutan ayon sa salik na nakapagpapawala nito. Magkakaroon ng kabuuang pananagutan (full responsibility) kung walang salik na nakaaapekto dito. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 14 D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Gamit ang pormat bilang gabay, tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao na naging dahilan kung bakit naging mahina ang mga tauhan sa pagpili ng mabuting opsiyon at hindi naging mapanagutan ang kanilang kilos. Ang mga salik ay kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Si Jocelyn Tere ay laging nahuhuli sa klase dahil tinatapos pa niya ang mga gawaing bahay bago siya nakakapasok o nakasasali sa online class. a. Ano ang salik na nakaaapekto? ________________________________________ b. Ano ang pananagutan ng tauhan? ______________________________________ 2. Nakasanayan ni Ryan Mart ang mag-inat at humikab. Isang araw, nagalit ang kanilang guro dahil napalakas ang paghikab niya habang nagtuturo ito. a. Ano ang salik na nakaaapekto? _________________________________________ b. Ano ang pananagutan ng tauhan? _______________________________________ Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging isang ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito. Ang mga salik ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang makataong kilos lalo na sa papel ng isip at kilos-loob. Maaari ring mabawasan ang pananagutan ng makataong kilos dahil sa impluwensiya ng mga salik na ito. May limang salik na nakaaapekto sa makataong kilos: 1) ang kamangmangan, 2) masidhing damdamin, 3) takot, 4) karahasan, at 5) gawi. 1. Kamangmangan. Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang papel ng isip. Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao. Ito ay may dalawang uri: nadaraig (vincible ignorance) at hindi nadaraig (invincible ignorance). a. Kamangmangan na Nadaraig (Vincible Ignorance). Ito ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito. 15 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 Halimbawa: Hindi mo maaring idahilan kapag ikaw ay nahuli ng mga tanod ng barangay na hindi mo alam na ipinagbabawal sa batas ang paglabas ng mga batang tulad mo na may edad 14 pababa sapagkat ito ay maaaring mapanood o mabasa sa mga social media platforms at ito ay matagal nang inianunsyo sa radyo at telebisyon. b. Kamangmangan na Hindi-nadaraig (Invincible Ignorance). Ito ay maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman. O kaya naman walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba. Sa madaling salita, naibigay na ang lahat ng paraan upang maitama ang kamangmangan. Kung walang paraan upang maitama ang kamangmangan, ang isang gawa ay hindi itinuturing na makataong kilos at walang pananagutan sa bahagi ng gumawa. Halimbawa: Gawa o kilos ng isang taong itinuturing na wala sa matinong pag-iisip. Hindi siya mapapananagot sa sirkumstansiyang ito. Kung ang kamangmangan ay kayang baguhin sa pamamagitan ng isang masikap na paraan na alamin ang isang bagay bago gawin, may kapanagutan na siya sa kaniyang kilos. Ito ay maituturing na kamangmangan na nadaraig. Maaari itong makapagbawas ng pananagutan dahil sa kaunting kakulangan sa pagsisikap na malabanan ang kamangmangan. Halimbawa: May isang tao na dumating sa Maynila galing sa probinsya. Tumawid siya sa isang kalsada na kung saan ipinagbabawal ang pagtawid. Ang kapanagutan sa ginawa niya ay hindi direktang makikita dahil sa kawalan niya ng kaalaman tungkol sa batas ng jaywalking. Ngunit meron tayong kasabihan, “Ignorance of the law excuses no one”. Siya ay may pananagutan pa rin. 2. Masidhing Damdamin. Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin. Maituturing ito na paglaban ng masidhing damdamin sa isip. Para bang ang pangangailangan ng masidhing damdamin ay mas matimbang kaysa sa dikta ng isip. Ito ay ang malakas na utos ng sense appetite na abutin ang kaniyang layunin. Tumutukoy ito sa masidhing pag- aasam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap. Halimbawa: Pag-ibig, pagkamuhi, kasiyahan, pighati, pagnanais, pagkasindak, pagkasuklam, pagnanasa, desperasyon, kapangahasan, pangamba, galit at iba pa. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 16 Ang masidhing damdamin ay maaaring nauuna (antecedent) o kaya’y nahuhuli (consequent). Ang nauuna (antecedent) ay damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloob o sinadya. Ito ay umiral bago pa man gawin ang isang kilos. Ang kilos sa ilalim ng damdaming ito ay hindi malaya kaya ito ay kilos ng tao (act of man). Ang nahuhuli (consequent) naman ay damdaming sinadyang mapukaw at inalagaan kaya ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa. Bago pa isagawa ang kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang labanan nang mas mataas na antas na kakayahan ang isip upang mawala ang sidhi ng damdamin. Halimbawa: Sa sobrang kagalakan ng lalaki dahil sa pagkapasa niya sa Bar Exam ay bigla niyang nayakap ang katabi niyang babae. Maaari ba siyang akusahan ng sexual harassment? Depende ito sa uri ng damdamin. Ito ay tinatawag na nauna (antecendent) kung ito ay umiral bago pa man gawin ang isang kilos at nahuhuli (consequent) naman kung ito ay nagkaroon muna ng pagkukusa mula sa kilos-loob. Ang naunang damdamin (antecedent) ay hindi nakapag-aalis ng kapanagutan subalit nakapagpapababa lamang ito. Sinasabing sa ilalim ng damdaming ito, nababawasan ang pagkukusa sapagka’t ito ay nakabatay sa kaalaman at kalayaan. Naaapektuhan ng damdaming nauuna (antecedent) ang isip kaya’t naaapektuhan nito ang paghuhusga at pagpapasya. Katulad ng halimbawa natin sa lalaking nayakap ang kaniyang katabi sa sobrang galak. Hindi siya maaaring akusahan sa pagiging guilty ng sexual harassment dahil hindi niya kinusa na matapakan ang karapatan ng iba. Ngunit kailangan pa rin niyang humingi ng paumanhin sa kaniyang maling kilos. Ang nahuhuling damdamin (consequent) naman ay ang pagkakaroon ng panahon na alagaan ang damdamin at ginagamit na dahilan o paraan sa ikinikilos. Halimbawa nito ay ang galit na kinimkim at naging dahilan sa paghihiganti. Ang may gawa ay direkta at lubos na mapanagot sa kaniyang ginawa. Sa kabilang dako, ang damdaming nauuna ay maaaring maging damdaming nahuhuli kung ito ay aalagaan at ipagpapatuloy na manatili. 3. Takot. Ang takot ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anomang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay. Tumutukoy din ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap upang gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kaniyang kalooban. Kasama rin dito ang pananakot sa tao o sa kaniyang mga mahal sa buhay upang mapasunod itong gumawa ng masama. 17 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 Halimbawa. Katatapos lamang ni Diego na manood ng isang nakatatakot na palabas. Biglang may tumalon na pusa sa harapan niya kaya siya ay napasigaw. Dahil dito, nagulat at nataranta ang mga tao sa bahay nila. Siya ba ay maaring akusahan ng alarm at scandal? Sa buhay natin, may mga pagkakataong kumikilos tayo nang may takot o hindi kaya ay dahil sa takot, kaya nagagawa natin ang isang bagay. Hindi nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginawa dahil sa takot kundi nababawasan lamang. Ito ay dahil malinaw pa rin sa isip nito ang ginagawa. Halimbawa. Ikaw ay nakakita ng pambubulas (bullying). Dahil takot ka sa mga sigang mag-aaral, pinili mo na lamang na manahimik sa pag-uusisa ng guro dahil sa takot sa pangyayaring nakita mo. Nabawasan ang kapanagutan ng pagsisinungaling mo sa sitwasyong ito. Kung ang takot ay makapagdadala sa isang tao ng pansamantalang kaguluhan ng isip at mawala ang kakayahang makapag-isip nang wasto, ang pananagutan ay nawawala. 4. Karahasan. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya. Maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensiya ng karahasan. Ito ay kung nagkaroon ang tao ng sapat na paraan upang labanan ang karahasan subalit nauwi sa wala at mas nasunod ang kalooban ng labas na puwersa. Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay ang panlabas na kilos ngunit ang pagkukusa o kilos-loob ay hindi. Kailangang maglapat ng ibang paraan sa gitna ng karahasan bago masabing hindi mapanagot ang isang tao. Halimbawa. Isang kaklase mong siga ang pinipilit kang kumuha ng pagkain sa canteen. Binantaan ka niya na aabangan sa labas kung hindi mo siya susundin. Sa pagtanggi mo ay pinitik niya ang iyong tenga kaya napilitan ka na sundin siya. Sa pagkakataong ito, hindi ka mapananagot sa ginawa mo. Pero tandaan na kailangan mo munang mag-isip ng paraan para maiwasan ito. 5. Gawi (habits). Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay itinuturing na gawi (habits). Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito nawawala. Ito ay dahil ang isang gawi bago nakasanayan ay nagsimula muna bilang isang kilos na may kapanagutan at pagkukusa sa taong gumagawa. Kaya ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa kahihinatnan ng makataong kilos. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 18 Halimbawa: Ang pagmumura bilang isang ekspresyon ng isang taona naging pang-araw-araw na na gawain. Mapananagot pa rin siya dahil nagsimula ito bilang kusang pagsasalita nang hindi maganda at nakasanayan na lamang. Maraming gawi o kilos ang tinatanggap na ng lipunan dahil ang mga ito ay bahagi na ng pang-araw-araw na gawain ng mga tao kahit pa ito ay hindi naman mabuti. May alam ka bang kagawian na hindi mabuti pero naging katanggap-tanggap na? Ano-ano ang mga ito? Tinatanggap mo na rin ba ito? Bilang bahagi ng sistema, may posibilidad na ituring ang mga ito na katanggap-tanggap na kilos na noong una ay hindi naman. Ang gawi ay masama kahit ito man ay maging isang uri ng kilos ng tao (act of man) dahil sa pinakaunang pagkilos nito ay may pag-iral ng kaalaman at kilos- loob. Ang bawat kilos na niloob ng tao ay may kaakibat na pananagutan. Ang antas ng pananagutan ay nakadepende sa antas ng kilos na ginawa. Nangangahulugan ito na may maliit at malaking pananagutan para sa maliit at malaking bagay na nagawa. Ang Likas na Batas Moral ay patuloy na iiral upang manatili at umiral ang katarungan. Lahat ng bagay ay may kapalit, malaki man ito o maliit. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel batay sa iyong nabasa. 1. Kailan at bakit nakapagpapabawas ng pananagutan ang kamangmangan ng isang tao? Ipaliwanag._____________________________________________________ 2. Ano ang mangyayari kapag hindi napangasiwaan ng tao ang kaniyang emosyon? Ipaliwanag. _____________________________________________________ 3. Nakaaapekto ba sa pananagutan ng tao ang isang kilos kung ito ay nagawa dahil sa takot? Ipaliwanag._______________________________________________ 4. Bakit ang karahasan ay maiututuring na salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao? Pangatwiranan. __________________________________ ___________________________________________________________________________. 5. May mga gawi ba na hindi nakaaapekto sa pananagutan ng tao? Ipaliwanag. _________________________________________________________________________. 19 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 E Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Patunayan mo sa mga sumunod na sitwasyon na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kaniyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala ang pagkukusa sa kilos. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Isang fitness instructress ang naglalakad pauwi. Tinangkang kunin ng snatcher ang bag niya. Hindi niya ito ibinigay at siya ay nanlaban. Bigla niyang naisip na saksakin ang snatcher ng kaniyang hairpin habang nakikipag-agawan ng bag dito. May pananagutan ba siya? ___________________________________________________________________________ 2. Nang si Jester ay pumunta ng Singapore, siya ay nahuli ng mga pulis at nakulong dahil siya ay dumura sa kalsada. Ipinagbabawal pala roon ang dumura kung saan-saan. May pananagutan ba siya? ___________________________________________________________________________ 3. Gustong-gusto ni Kirby ang kaniyang matalik na kaibigan at kaklase. Matagal na silang hindi nagkita dahil sa pandemya. Isang araw inihatid niya ito sa kanilang bahay. Sa sobrang tuwa niya nang makita ito ay nayakap ito. May pananagutan ba siya?______________________________ Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pag-aralan at suriin ang bahagi ng lyrics ng isang sikat na OPM (Original Pinoy Music). May pananagutan o kasalanan nga ba ang tauhan sa kanta? Ano-anong mga salik ang maaring makikita sa bahagi ng kanta? Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Kasalanan Ba Men Oppose Tulala sa isang tabi at di-mapakali Ating nakaraan minumuni-muni Di lubos maisip bakit nagkalayo Kaya ngayon ako'y isang bigo Nagkulang ba ako sa iyo Kaya tayo ngayo'y nagkalayo Walang nagawang kasalanan Kundi ang magmahal sa iyo ng lubusan Ako'y may natutunan sa 'king karanasan Mali ang magmahal agad ng lubusan…. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 20 Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pumili ng artikulo o balita sa pahayagan, radyo, telebisyon at social media. Suriin kung ang mga kilos na ipinakita ng tauhan ay mapanagutan o hindi. Tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa pagkukusa ng kilos dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang ipinakitang sitwasyon? 2. Dapat ba talagang managot ang may gawa ng kilos? Bakit? 3. Batay sa pangyayari o sitwasyon na inilahad, ano ang maaaring ipataw, pabuya, o kaparusahan? Ipaliwanag. Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Ipaliwanag at isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Sa Group Chat (GC) ninyong magkakaklase ay napagkasunduan na doon magpo-post ang inyong guro ng mga gawain na dapat ninyong ipasa. May naka- post na gawain ang inyong guro subalit nakalimutan mong mag-check GC kaya natabunan ang post. Sa madaling salita, hindi ka nakapagpasa ng gawain. May pananagutan ka ba? Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ang mga sumunod na kilos ay dahil sa takot, MALIBAN sa: A. pagnanakaw ng kotse B. pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera C. pagsisinungaling sa tunay na sakit D. pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok 2. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan? A. malakas na impluwensiya sa kilos B. kahinaan ng isang tao C. hindi kayang maapektuhan ang isip D. hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob 21 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 3. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin? A. panliligaw sa crush B. pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko C. paghaharana sa bahay ng magandang dilag D. panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha 4. Alin sa mga ito ang HINDI maituturing na gawi? A. paglilinis ng ilong B. pagpasok nang maaga C. pagsusugal D. maalimpungatan sa gabi 5. Isang matanda na may kakaibang itsura ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang tindahan. Sinabi ng tindera na walang barya na maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito? A. takot B. kamangmangan C. karahasan D. masidhing damdamin A Buoin ang mahalagang kaisipan. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Ang pananagutan ng makataong kilos ay maaaring _________________ o kaya ay madaragdagan dahil sa mga ________ na nakaaapekto rito. Ang mga __________________ ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang _____________ kilos, lalo na sa papel ng isip at kilos-loob. Maaari ring mabawasan ang ____________________ ng makataong kilos dahil sa impluwensiya ng mga salik. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 22 WEEKS Pagsusuri sa mga Yugto ng Makataong Kilos 5-6 Aralin I Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasya. Ito ay madalas mong ginagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kung tatanungin kita, mula sa iyong iba’t ibang karanasan ng pagsasagawa ng pasya, masasabi mo bang madali ang mga ito para sa iyo? Ito ba ay nakapagdulot sa iyo ng tagumpay o kabiguan? Ito ba ay nagpapakita ng makataong kilos? Ngayon ay inaanyayahan kitang balikan mo ang bawat sitwasyon na gumawa ka ng pagpapasya. Isipin mong mabuti kung ano-ano ang mga ito mula sa pinaka-simple hanggang sa pinakamahirap na pasya o desisyon sa iyong buhay. A B C D Sa araling ito, inaasahan na: a) naipaliliwanag mo ang bawat yugto ng makataong kilos; b) natutukoy mo ang mga kilos at pasyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos; c) naipaliliwanag mo na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos- loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos; at d) nasusuri mo ang sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasya. Napagninilayan mo ba na ang bawat pangyayari sa iyong buhay ay bunga ng iyong pagpapasya? Tulad ng isang nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may hawak ng manibela at siya ang nagdadala kung saang direksiyon niya nais pumunta. 23 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang. Lagyan ng tsek () ang loob ng panaklong kung ang tauhan ay nagpapakita ng makataong kilos at ekis (X) kung hindi. Ibigay ang paliwanag sa ibaba nito. Kopyahin at sagutan sa iyong sagutang papel. 1. Niyaya si Jeffrey ng kaniyang kamag-aral na huwag munang umuwi pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila. Sumama si Jeffrey kahit ipinagbabawal ito ng kaniyang magulang. Nagpakita ba si Jeffrey ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( ) Bakit: ________________________________________________________________________ 2. Hindi nakapag-aral si Rosemarie sa Filipino kahit alam niyang mayroon silang pagsusulit. Sa oras ng pagsusulit ay maraming tanong na hindi niya nasagot. Sinabihan siya ng kaniyang katabi na pakokopyahin siya ng sagot subalit tinanggihan niya ito. Nagpakita ba si Rosemarie ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( ) Bakit: ________________________________________________________________________ May pagkakasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos. Para kay Sto. Tomas de Aquino, may 12 yugto ito at nahahati sa dalawang kategorya ito: ang isip at kilos-loob. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasya, hindi siya nagiging mapanagutan; bagkus nagiging pabaya siya sa anomang kalalabasan nito. Ngunit kung daraan siya sa mga yugtong ito, tiyak na magiging mabuti ang kalalabasan ng kaniyang isasagawang kilos. Naririto ang mga yugto ng makataong kilos ni Sto. Tomas de Aquino: ang isip at kilos-loob. Isip Kilos-loob 1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin 3. Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensiyon ng layunin 5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan 7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8. Pagpili 9. Utos 10. Paggamit 11. Pangkaisipang kakayahan ng 12. Bunga layunin PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 24 Paano gagamitin ang yugtong ito? Narito ang isang halimbawa. Sitwasyon: Nakakita si Sherlyn ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung saan siya napadaan at namili ng groceries. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito. Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito. 1. Pagkaunawa sa layunin. Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone na bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na. 2. Nais ng layunin. Ang unang reaksiyon ni Sherlyn ay ang pagkakaroon ng pagnanasa rito. Nag-iisip na siya kung saan kukuha ng pera para mabili ito. 3. Paghuhusga sa nais makamtan. Ito ang nais ng kaniyang kalooban, ang magkaroon ng bagong modelo ng cellphone. 4. Intensiyon ng layunin. Hanggang ngayon ay wala pa ring kalayaan si Sherlyn na pumili sapagkat ang kaniyang kilos-loob ay likas na tumatanggap lamang kung ano ang mabuti na sinasabi ng kaniyang isip. Mayroon siyang pera ngunit iniipon niya iyon para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kailangan niyang pumili kung bibilhin niya ang bagong modelo ng cellphone. Hahayaan ba niyang maubos ang pera para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo? Kung itinigil na niya ang ideya na bilhin ang cellphone, natatapos na rito ang moral na kilos. Ngunit, kung nag-isip pa siya ng ibang alternatibo tulad ng panghihiram ng pera sa mga kaibigan o barkada, ang moral na kilos ay nagpapatuloy. 5. Masusing pagsusuri ng paraan. Ang pagsusuri ng paraan na kaniyang gagawin ay nagpapatuloy at ang pagsang-ayon niya sa mga nasabing pagpipilian. 6. Paghuhusga sa paraan. Ngayon ay huhusgahan na niya kung alin ang pinakamabuti. Pagbabayad sa kabuuang halaga, pagbabayad nang paunti- unti, o pagnanakaw (na hindi tama); pagkatapos ay pipiliin ang pinakamabuti sa lahat. 7. Praktikal na paghuhusga sa pinili. Ang isip ay kasalukuyang pumipili ng pinakamabuting paraan. 8. Pagpili. Sa yugtong ito pumapasok ang malayang pagpapasya ng kaniyang isip na nag-uutos na bilhin ang nasabing cellphone. 9. Utos. Matapos niya itong bilhin ay ginamit na niya ito kaagad. 10. Paggamit. Ngayon ay mauunawaan na niya kung angkop ba ang kaniyang isinagawang kilos. 25 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 Maaaring hindi tayo palaging may kamalayan sa mga yugtong ito o sa pagkakasunod-sunod nito, ngunit mahalaga na malaman ang bawat yugto upang maging gabay sa bawat kilos sa araw-araw na buhay. Sa katunayan, ang moral na kilos ay nagtatapos na sa ikawalong yugto – ang pagpili. Kung kaya’t kailangan nang masusing pagninilay bago isagawa ang pagpili. Hindi ito madali dahil kailangan itong pag-aralang mabuti at timbangin ang bawat panig ng mga bagay-bagay upang makita kung alin ang mas makabubuti dahil dito nakasalalay ang anomang maaaring kahihinatnan nito. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pag-isipan at pagnilayan ang tanong sa ibaba. Ipaliwanag. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Sherlyn, ano ang iyong gagawin: Bibilhin mo rin ba ang cellphone o hindi? Bakit? Ipaliwanag. __________________________________________________________________________ Moral na Pagpapasya Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at pananagutan. Sa anomang isasagawang pasya, kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot nito. Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Ito ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating pagpili. May dalawang bagay na dapat isaalang-alang sa Mabuti o Moral na Pagpapasya: 1. May kalayaan ang bawat isa sa anomang gugustuhin niyang gawin sa kaniyang buhay. Ngunit ang malaking tanong ay, naaayon ba ang pagpapasyang ito sa kalooban ng Diyos? Ibig sabihin, naisasama ba ng tao ang Diyos sa bawat pagpapasya na kaniyang ginagawa? 2. Sa anomang isasagawang proseso ng pagpapasya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. Ito ba ay makabubuti o makasasama hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa kapwa? Kaya nga, madalas nating marinig sa isang tao na magsasagawa ng pasya ang mga salitang ito, “Bigyan mo pa ako ng sapat na panahon.” PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 26 Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pag-isipan at pagnilayan ang mga tanong sa ibaba at ipaliwanag. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Ikaw, naisasama mo ba ang Diyos sa pagpapasya na iyong ginagawa? Paano? 2. Balikan ang mga sitwasyon kung saan naging pabigla-bigla o impulsive ka sa iyong mga pagpapasya at pagkilos. Masaya ka ba sa naging resulta ng mga ito? Bakit oo o bakit hindi? Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasya Sa yugto ng iyong buhay sa ngayon, napakahalaga na dumaan ka sa proseso bago ka magsagawa ng pagpapasya. Makatutulong sa iyo ang Proseso ng Pakikinig (LISTEN PROCESS). Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang konsiyensiya. Ito rin ang magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon at mula rito ay matututuhan mo na ang moral na pagpapasya ay isang kakayahan na may malaking kontribusyon sa anomang moral dilemma. L 1. Mangalap ng patunay (Look for the facts). Mahalaga na sa unang hakbang pa lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili. Naririto ang mga halimbawa ng maaaring itanong: a. Anong patunay ang aking kailangang malaman upang makagawa ng mabuting pasya? b. Ano ba ang nangyayari sa sitwasyon? c. Bakit ito nangyayari? d. Sino-sino ang taong kasali o kasangkot? e. Bakit sila napasali sa sitwasyon? f. Saan nangyari ang sitwasyon? I 2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities). Mahalaga na tingnang mabuti ang mga posibilidad na mga pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon. Dito ay kailangang makita kung ano ang mabuti at masamang kalalabasan nito. Ano ang maaaring maging epekto nito hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa ibang tao? 27 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 S 3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own). Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng mga tamang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang pagpapasya. Halimbawa, maaari mong tanungin ang iyong sarili. Ito ba ang nais ng Diyos na gawin ko? Ito ba ay naaayon sa Kaniyang kautusan? Maaari mo ring tanungin ang iyong magulang o sinomang nakakatanda sa iyo. T 4. Tingnan ang kalooban (Turn inward). Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong kalooban tungkol konsiyensiya? Ano sa ang sitwasyon? personal Ano mong ang sinasabi nararamdaman ng iyong ukol sa sitwasyon? Ang lahat ng katanungan ay kailangan mong sagutin sapagkat sa anomang pasya na iyong gagawin, kailangang hindi ito magdudulot ng bigat sa iyong kalooban. E 5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help). Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam ng pinakamabuti para sa atin, kaya’t napakahalaga na tumawag sa Kaniya sa pamamagitan ng pananalangin. Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman kung ano ang magandang plano Niya para sa atin. Ito rin ang magsisilbing lakas na magagamit sa sandaling humaharap sa mahirap na sitwasyon. N 6. Magsagawa ng pasya (Make your decision). Dito ay magsasagawa ka na ng pagpapasya. Maaari mong tanungin ang iyong sarili kung bakit mo ito pinili. Ano ang iyong mga plano sa iyong ginawang pagpili? Ikaw ba ay masaya rito? Ito ba ay batay sa moral na pamantayan? Makatutulong ang mga tanong na ito upang kung mayroon ka pang agam-agam o pagkalito sa iyong pipiliin, ay mapagnilayan mo ito nang mabuti. Sa isang kabataang tulad mo, napakabilis ng araw para sa iyo, kung kaya’t napakabilis din ang pagsasagawa mo ng pasya. Kung kaya, makatutulong para sa iyo na sa tuwing ikaw ay magpapasya, ikaw ay mananahimik. Damhin mo ang presensiya ng Diyos upang ikaw ay makapag-isip nang mabuti at matimbang ang mga bagay-bagay. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 28 E Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel ayon sa natutuhan mo sa iyong binasa. 1. Ano ang kahulugan ng mabuting pagpapasya? 2. Ano-ano ang yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino? 3. Paano nakatutulong sa tao ang pagsasagawa ng mabuting pagpapasya? Ipaliwanag. 4. Ano-ano ang mga hakbang sa proseso ng pakikinig? Ipaliwanag ang bawat isa. 5. Sa iyong palagay, makatutulong ba ito sa isang kabataang katulad mo sa pagsasagawa ng mabuting pasya? Ipaliwanag. Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Mapapansin mo na sa bawat oras at araw, ikaw ay nagsasagawa ng pagpapasya. Naging madali ba ito para sa iyo? Napansin mo ba ang naging epekto nito sa iyo at sa iyong kapwa? Mas mabuti kung ang bawat pasya ay nakabatay sa makataong pagkilos. Ano ang kahulugan ng makataong kilos para sa iyo? Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong sagot at paliwanag. Ang makataong kilos para sa akin ay _________________________________ _________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________. Ngayon ay nabatid mo na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting pasya. Dito nakasalalay ang maaaring kahinatnan ng iyong buhay. Kaya ang wastong pagpili ay dapat pag-isipan at bigyan ng sapat na oras at panahon. Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Isipin ang mga maling pasya na naisagawa sa sumusunod: pamilya, kaibigan, pag-aaral, baranggay, at simbahan. Isulat ito sa unang hanay. Isulat naman sa pangalawang hanay kung paano mo ito iwawasto. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Mga maling pasyang naisagawa ko sa Paraan ng pagwawasto mga sumusunod: Pamilya - Kaibigan - Pag-aaral - Simbahan- Baranggay- 29 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sa pagpapasya, kailangan kang magplano dahil ito ang makapagbibigay sa iyo ng tamang kaisipan sa iyong pagpili. Bumuo ng tatlong plano sa pagpapasyang gagawin sa mga susunod na araw. Isulat ang mga pasya na gagawin at kung paano isasakatuparan ang pananagutan nang sa gayon ay magbunga ng makataong pagkilos. Isulat sa ikatlong kolum ang maaaring mangyari kung sakaling hindi magiging mapanagutan sa gagawing pasya. Ipakita sa magulang ang ginawang plano at ipasulat sa kanila ang kanilang puna at payo. Palagdaan ito sa kanila. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Mga pasyang Paano Ano ang Puna at payo ng gagawin isasakatuparan mangyayari kung magulang/ ang pananagutan? hindi magiging guardian mapanagutan sa gagawing pasya? A Buoin ang mahalagang kaisipan. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Ang bawat kilos ng isang tao ay may __________, batayan, at __________________. Sa anomang isasagawang pasya, kinakailangang isaisip at timbangin ang ________________ at ____________________ idudulot nito. Ang ____________________________________ ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Ito ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating pagpili kung kaya’t kailangan ng masusing ____________________ bago isagawa ang pagpili. Hindi ito madali dahil kailangan itong pag-aralang mabuti at timbangin ang bawat panig ng mga bagay-bagay upang makita kung alin ang mas makabubuti dahil dito nakasalalay ang anomang maaaring ____________________________ nito. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 30 Pagtataya ng Kabutihan o Kasamaan ng Kilos o Pasya WEEKS 7-8 Aralin I Sa mga nakaraang aralin ay natutuhan mong pananagutan ng tao ang anomang kahihinatnan ng kaniyang kilos, mabuti man o masama. Mahalagang mapagnilayan niya ang bawat kilos na kaniyang isasagawa dahil hindi magiging ganap ang pagiging tao niya kung hindi siya kumikilos ayon sa kabutihan. Pero teka muna, naaalala mo pa ba ang ibig sabihin ng kilos? Katulad ng makikita sa mga larawan sa ibaba, pag-aaralan mo ang pagsusuri sa iyong mga kilos at ang pagpili sa mabuti. Haharap ka sa mga sitwasyong kakailanganin mong mamili at magpasya matapos ang pagtataya sa kabutian o kasamaan ng anomang magiging kilos o pasya. A B C D Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa. Inaasahan na pagkatapos ng aralin na ito ay: a) maipaliliwanag mo ang layunin, paraan at mga sirkumstansya ng makataong kilos; b) makapagsusuri ka ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansiya nito; c) mapatutunayan mo na ang layunin, paraan at sirkumstansiya ay nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao; at d) makapagtataya ka ng kabutihan o kasamaan ng pasya o kilos sa isang sitwasyong may dilemma batay sa layunin, paraan at sirkumstansiya nito. 31 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba at tingnan kung mabuti o masama ang ginawang pasya o kilos ng tauhan. Lagyan ng tsek () ang kolum ng mabuting kilos kung ikaw ay naniniwala na ito ay mabuti. Lagyan naman ng ekis (X) ang kolum ng masamang kilos kung naniniwala kang ito ay masama. Isulat sa susunod na kolum ang iyong paliwanag sa iyong napili. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. Mga Sitwasyon Mabuting Masamang Paliwanag Kilos Kilos 1. Si Mang Philip ay matulungin sa kaniyang mga kapitbahay. Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, ang perang ibinibigay niya sa mga ito ay buhat sa masamang paraan. 2. Habang nasa loob ng simbahan si Riz at Lai ay pinag-uusapan nila ang kanilang kamag-aral na di umano pumasok sa isang ipinagbabawal na relasyon. 3. Nais ni Ann Ruby na matulungan ang kaniyang kamag- aral na pumasa. Dahil dito, pinakopya niya ito sa kanilang pagsusulit. “Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao.” Ang Makataong Kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ano ang kalalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasya. Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating isinasagawang kilos ay mabuti. Sa etika ni Sto. Tomas de Aquino, ang Moral na Kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.  Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos.  Ang papel naman ng kilos-loob ay tumungo sa layunin o intensiyon ng isip. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 32 Dalawang Uri ng Kilos: 1. Ang panloob na kilos ay nagmumula sa isip at kilos-loob. 2. Ang panlabas na kilos ay ang pamamaraan na ginagamit upang maisakatuparan ang panloob na kilos. Hindi maaaring maging hiwalay ang dalawang ito sapagkat kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit na mabuti ang panlabas. Halimbawa: Si Robin Hood ay kilala sa kaniyang pagiging matulungin lalo na sa mga mahihirap. Ngunit saan ba niya kinukuha ang kaniyang ibinibigay na tulong sa kanila? Hindi ba sa pagnanakaw? Masasabi mo ba na tama ang kaniyang kilos? Ikaw ba ay sumasang-ayon dito? Kung ating titingnan, mabuti ang kaniyang panloob na kilos ngunit masama naman ang kaniyang panlabas na kilos. Kailangang parehong mabuti ang panloob at panlabas na kilos dahil nababalewala ang isa kung hindi kasama ang isa. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa isang layunin. Hindi makapaghahangad ng anoman ang isang tao kung wala itong pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay. Napakaganda, hindi ba? Kaya’t marahil ay nararapat lamang na mapagnilayan ng tao ang bawat layunin ng kaniyang isinasagawang kilos. Mahalaga ito upang lubos na malaman kung paano nagiging mabuti o masama ang isang kilos. May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o masama. Ang mga ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi. 1. Layunin. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos (doer); hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito ang pinakalayunin o pinatutunguhan ng kilos. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang mismong kilos ay hindi maaaring husgahan kung mabuti o masama kung hindi nito isasaalang-alang ang layunin ng taong gumagawa nito. Mahalagang tingnan ang kabuuang kilos na kasama ang layunin ng tao na nagsasagawa nito. Ang pamantayan sa kabutihan ng layunin ay kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang dignidad ng kaniyang kapwa. 33 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 Halimbawa: Binigyan ni Evet ng pagkain ang kaniyang kamag-aral na walang baon. Ginawa niya ito dahil nais niyang kumopya sa kaniyang kaklase sa pagsusulit sa Matematika. Mabuti ba ang layunin ng kilos? May paggalang ba ito sa dignidad ng kamag-aral? Dito ipinakikita na mabuti ang pagbibigay ng pagkain sa kamag-aral na walang baon ngunit ang layunin ay masama. Dito ay mahuhusgahan na ang kilos ay masama sapagkat masama ang kaniyang layunin. Naharap ka na ba sa sitwasyong ang layunin ng iyong kilos ay hindi mabuti? 2. Paraan. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto o pakay ang kilos (appropriate object of the act). Halimbawa: Sa kilos na kumain, ang obheto o pakay ay makakain. Ngunit kung kakain ka ng bato, ito ay masama dahil hindi kinakain ang bato. Ang kilos ng uminom ay may obheto o pakay na makainom. Ngunit kung iinom ka ng muriatic acid ito ay masama dahil nakamamatay ito. Samakatuwid, ang paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos na gagawin dahil ang kabutihan ng panlabas na kilos ay ang nararapat na matupad. Ang bawat kilos ay may layunin. Ngunit paano mo ba nahuhusgahan kung ang layunin mo ay mabuti o masama? Halimbawa, sa pagsasagot ng mga gawain sa pagkatuto sa mga modyuls, ano ba ang layunin nito? Paano kung ang isang mag-aaral ay mangopya ng sagot mula sa internet dahil siya ay tinatamad? Sagot:  Ang layunin ng pangongopya sa internet ay upang makasagot.  Ang paraan o obheto o nararapat na kilos ay ang pagbibigay ng iyong naiintindihan batay sa mga nakatalagang gawain o babasahin. Mabuti ang layunin na makasagot ngunit mali ang pamamaraan na ginamit para sa sitwasyon. 3. Sirkumstansiya. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. A. Sino. Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos. Halimbawa. Napadaan si Vene sa isang kanto na may pulubing bulag na nanghihingi ng barya, subalit sa halip na bigyan niya lamang ito ng barya ay pinakain niya ito sa isang restoran o kainan. Binilhan niya pa ito ng mga damit at binigyan ng matitirhan. Mabuti ba ang ginawang kilos ni Vene? Bakit? PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 34 Ang pagpakain at pagbigay ng mga damit at matirhan ni Vene sa isang pulubing bulag ay mabuti. Nadaragdagan ito ng panibagong kabutihan dahil ang ginawan niya ay bulag na pulubi. Ikaw, ano ang masasabi mo ukol dito? B. Ano. Ito ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat. Halimbawa. Gamit pa rin ang naunang halimbawa, maaaring ang pagpakain at pagbigay ng mga damit at matirhan ni Vene sa pulubi ay higit sa inaasahan sa kanya. Kung ikaw ang tatanungin, nadagdagan ba o nabawasan ang mabuting kilos ni Vene? Ang uri ng kilos ni Vene ay nagpakita ng mas mabuting kilos dahil maaaring hindi naman ito kailangan niyang gawin. C. Saan. Ito ang tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos. Halimbawa. Si Anna at Ruth ay nag-titsismisan sa loob ng simbahan habang nagsisimba. Sa iyong palagay, nararapat ba na gawin nila ito sa loob ng simbahan? Bakit? Ang pagtsitsismis sa loob ng simbahan ay masamang kilos at hindi maganda sapagkat ito ay paninirang puri sa kapwa. Isa pa, nadaragdagan ang masamang kilos dahil sa lugar kung saan isinagawa ito. D. Paano. Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos. Halimbawa. Si Lay ay isang doktor. Noong nagkapandemya ay hindi niya inalintana ang panganib na maaring mahawa siya ng sakit. Bagkus, mas lalo siyang naging masigasig sa pagsisilbi ng buong puso at pagmamahal sa kanyang mga pasyente. Mabuti ba o masama ang ginawa ni Lay? Bakit? Maaaring makabawas o makaragdag ng kasamaan o kabutihan ang sirkumstansiya. Sa kaso ni Lay, nadaragdagan ang kabutihan ng kaniyang kilos dahil sa halip na magsilbi lamang siya batay sa hinihingi sa kanya, ito ay ginawa niya ng buong puso at pagmamahal. E. Kailan. Ito ay tumutukoy kung kailan isasagawa ang kilos. Halimbawa. Nasunugan ang isang pamilya sa lugar nina Vilma. Sa halip na tulungan niya ang mga ito, sinamantala niya ang pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya. Ano ang masasabi mo sa kilos ni Vilma? Dito ay mas lalong nadaragdagan ang kasamaan ng kaniyang kilos dahil sa sitwasyon ng pamilyang nasunugan. 35 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 Tunay ngang makikita na ang kilos ay nagiging mas mabuti o mas masama ayon sa sirkumstansiya. Ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos ay tinatawag na sirkumstansiya. Maaaring ang mabuti ay mas maging mabuti at ang masama ay mas maging masama. Mayroon din namang pagkakataon na kung saan nakapagdaragdag ng panibagong kabutihan o panibagong kasamaan sa kilos na ginagawa. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel batay sa iyong nabasa. 1. Ano ang kahulugan ng kilos? Ipaliwanag. 2. Ano-ano ang salik na nag-uugnay sa makataong kilos? Ipaliwanag ang bawat isa. 3. Bakit hindi maaaring ihiwalay ang panloob na kilos sa panlabas na kilos? Ipaliwanag. 4. Ibigay ang iba’t ibang uri ng sirkumstansiya at magbigay ng halimbawa sa bawat isa. 5. Paano nahuhusgahan kung ang layunin ng kilos ay mabuti o masama? Magbigay ng halimbawa. 6. Sa iyong palagay, upang ang kilos ay maging mabuti, saan ba ito dapat nakabatay? Ipaliwanag. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat ipinakitang kilos. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Magaling sa asignaturang Matematika si Aimee. Siya ang panlaban ng paaralan sa mga kompetisyon at palagi siyang nananalo. Siya ay nagtuturo sa kapwa niya kamag-aral na mahina sa asignaturang Matematika tuwing hapon bago siya umuwi. A. Layunin _________________________________________________________ B. Paraan __________________________________________________________ C. Sirkumstansiya __________________________________________________ 2. May markahang pagsusulit si Fatima. Siya ay pumasok sa kaniyang silid at nagbasa ng kaniyang mga napag-aralan. A. Layunin _________________________________________________________ B. Paraan __________________________________________________________ C. Sirkumstansiya __________________________________________________ PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 36 E Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pumili at magsumite ng isang post o naging “MyDay” o “MyStory” (picture or screen shot) sa iyong social media account. Maari ring iguhit, ipaliwanag o i-print ang naturang post. Tukuyin mo ang layunin, paraan, at sirkumstansiya at kung may naging kahihinatnan ang post na ito. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang masasabi mo sa iyong kilos? Mabuti ba ito o masama? Patunayan. 2. Ano ang iyong napagtanto matapos mong gawin ang #MyDay gawain? 3. Naging masaya ka ba o hindi? Ipaliwanag. 4. Paano nakatutulong sa iyo ang pagsusuri ng kilos bago ito isagawa. Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Mag-isip ka ng isang sitwasyon mula sa iyong karanasan na may suliranin o paninimbang (dilemma). Tayahin ang kabutihan o kasamaan nito batay sa layunin, paraan, at sirkumstansiya nito lalo na nitong panahon ng COVID-19 pandemic. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel. A Buoin ang mahalagang kaisipan. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Ang makataong kilos ay bunga ng ating _____________ at _______________ na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating _____________________. Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating isinasagawang kilos ay _________________. Ang bawat kilos na iyong gagawin ay kailangang nakatuon sa pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang ________________ sa kabilang buhay. Ang mabuting kilos ay dapat palaging ___________________ hindi lamang sa kalikasan nito kundi sa motibo at sirkumstansiya kung paano mo ito ginagawa. Kaya’t mula sa __________________, __________________, at __________________ ng kilos ay madaling makikita o masusuri ang kabutihan o kasamaan nito. 37 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 Personal na Pagtataya sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin. -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin. -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o Gawain sa Pagkatuto Week 1 LP Week 2 LP Week 3 LP Week 4 LP Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Week 5 LP Week 6 LP Week 7 LP Week 8 LP Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para saWeeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ,, ?. PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 38 Sanggunian Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand. Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON. Brizuela, M.J.B., Arnedo, P.J.S., Guevara, G.A., Valdez, E.P., Rivera, S.M., Celeste, EG., Balona, Jr. RV, & Yum, B.D. O. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasampung Baitang (Kagamitan ng mag-aaral). Unang Edisyon. Pasig City, Philippines: Department of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd IMCS). Dy, Jr. M.B., Gayola, S., Leaño M., Brizuela, M.J.B., & Querijero, E.G. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao Ikapitong Baitang (Kagamitan ng mag-aaral) Unang Edisyon. Pasig City, Philippines: Department of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd IMCS). 39 PIVOT 4A CALABARZON EsP G10 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta Rizal Landline: 02-8682-5773 locals 420/421 Email Address: [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser