Mga Yugto ng Makataong Kilos (2nd Grading) PDF

Summary

This document appears to be a worksheet or module on the stages of human acts for a Tagalog-language secondary school class. It presents learning objectives, asking questions and includes scenarios for students to analyze the ethical implications of various choices.

Full Transcript

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII Sudlon, Lahug, Cebu City, Cebu MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS (Una at Ikalawang Bahagi Week 5-6) Ikalaw ang Markahan Para sa E dukasyon sa Pagpapakatao 10 SARILING-LINANGAN KIT 1 LAYUNIN: Naipama...

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII Sudlon, Lahug, Cebu City, Cebu MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS (Una at Ikalawang Bahagi Week 5-6) Ikalaw ang Markahan Para sa E dukasyon sa Pagpapakatao 10 SARILING-LINANGAN KIT 1 LAYUNIN: Naipamamalas ng mag -aaral ang pag - unawa sa mga konsepto tungkol sa mga yugto ng makataong kilos. LEARNING COMPETENCY:  Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos.  Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos.  Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos - loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos  Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasya ANO ANG NANGYARI? Paunang Pagtataya Gawain A. Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang mga aytem at piliin ang titik na pinakatamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel 1. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya? a. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay. b. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos. c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan. d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kaniyang pagpili. 2 2. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao? a. Upang magsilbing gabay sa buhay. b. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin. c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin. d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. 3. Sa anumang isasagawang proseso ng ____________, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na panahon sapagkat mula rito mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. a. pagtulong b. kamalayan c. pagpapasiya d. kilos-loob 4. Ang ____________ ay ang pinaka unang yugto ng makataong kilos kung saan nagkakaroon ng kaalaman sa pangyayari. a. pagkilos b. kamalayan c. pagpapasiya d. pagkakaroon ng interes sa nakitang pangyayari 5. Ang _____________ ay ang pagbibigay katuparan sa lahat ng nagawang pagninilaynilay, pagtitimbang at pagpapasiya. a. kamalayan b. kalayaan c. pagkilos d. katotohanan Gawain B. Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (✓) ang loob ng panaklong kung ang tauhan ay nagpapakita ng makataong kilos at ekis ( x ) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Sitwasyon A Niyaya si Earl ng kaniyang mga kaibigan na lumabas ng bahay para gumala at maligo sa dagat kahit na nasa GCQ pa ang kanilang lugar dahil sa Covid 19 pandemya. Dahil nababagot na sa kakatambay sa bahay si Earl ay sumama ito kahit ipinagbabawal ito ng kaniyang mga magulang. Nagpakita ba si Earl ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( ) Bakit: _____________________________________________________________________________ 3 Sitwasyon B Hindi nakapag-aral si Ursula sa EsP kahit alam niyang mayroon silang pagsusulit. Sa oras ng pagsusulit ay maraming tanong na hindi niya nasagot. Sinabihan siya ng kaniyang katabi na pakokopyahin siya ng sagot subalit tinanggihan niya ito. Nagpakita ba si Ursula ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( ) Bakit: _____________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Sitwasyon C N akita ni Amir na ang kaniyang kamag - aral na si Leila ang kumuha ng pera sa bag ng kaniyang guro. Ngunit nanahimik na lamang siya upang huwag nang madamay pa. Nagpakita ba si Amir ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( ) Bakit: _____________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Sitwasyon D Si Kim ay labing-anim na taong gulang pa lamang. Niyaya siya ng kanyang kasintahan na sila ay magsama na. Ngunit kahit mahal ni Kim ang kasintahan ay hindi siya sumama rito. Nagpakita ba si Kim ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( ) Bakit: _____________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Gawain C. 4 Sagutin ang mga tanong: 1. Sino-sino sa mga tauhan sa sitwasyon sa itaas na nagpakita ng makatong kilos? Ng hindi makataong kilos? Ipalliwanag 2. Mahalaga ba para sa iyo ang pagsasagawa ng makataong kilos? Ipaliwanag 3. Nakatutulong ba sa isang tao ang pagsasagawa ng makataong kilos? Ipaliwanag ANO ANG DAPAT MALAMAN? Mga Yugto ng Makataong Kilos Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Ito ay madalas mong ginagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kung tatanungin kita, mula sa iyong iba’t ibang karanasan ng pagsasagawa ng pasiya, masasabi mo bang madali ang mga ito para sa iyo? Ito ba ay nakapagdulot sa iyo ng tagumpay o kabiguan? Ito ba ay nagpapakita ng makataong kilos? Ngayon ay inaanyayahan kitang balikan mo ang bawat sitwasyon kung saan gumawa ka ng pagpapasiya. Isipin mong mabuti kung ano-ano ang mga ito mula sa pinaka- simple at pinakamahirap na pasiya. Ngayon, ano ang masasabi mo rito? Nakatulong ba ito sa iyo upang ikaw ay lalong maging isang mabuting tao? Ito ba ay nakabatay sa pinakahuling layunin ng tao na makapiling ang Diyos sa kabilang buhay? Napagnilayan mo ba na ang bawat pangyayari sa iyong buhay ay bunga ng iyong pagpapasiya? Tulad ng isang nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may 5 hawak ng manibela at siya ang nagdadala kung saang direksiyon niya nais pumunta. Gayon din ang tao, ang bawat kilos at pasiya na kaniyang gagawin ay may epekto sa kaniyang sarili at kapuwa kung kaya’t kailangan na ito ay isagawa nang maingat gamit ang talino na ibinigay ng Diyos. Kung iyo lamang titingnang mabuti sa bawat araw na nagsasagawa ka ng kilos, may mga kilos na hindi mo kailangang pag-isipan tulad ng paghinga, pagbahing kung ikaw ay sinisipon, paglakad, at iba pa. Ngunit mayroon ka ring mga kilos na kailangan mong pag-isipan at pagnilayan tulad halimbawa ng: kung papasok ba sa paaralan, makikinig ba sa tinuturo ng guro, kakain ba ng almusal bago pumasok, susunod ba sa utos ng magulang, gagawa ba ng takdang-aralin, at marami pang iba. Ang mga ito ay kailangan ng maingat na pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at kung anong kilos ang dapat gawin. Mahalaga na makita mo kung ang pipilin mo ba ay nakabatay sa makataong pagkilos. Nabatid natin na ang tao ay dumaraan sa proceso na huhubog sa kanyang kalayaan at kusang-loob na pagkilos. Niloob ng Diyos na anumang biyaya sa buhay ay may pagdadaanang proceso. Hindi dumarating ang grasya na para bang isang bagsakang binibigay ng Diyos na wala nang gagawin ang tao. Kinakailangan na ito ay paghirapan hindi lamang upang mapahalagahan ng tao ang biyaya kundi ito rin ay paraan upang lumalim ang ugat ng pakikipag-ugnayan sa kanyang Tagapaglikha, sa Diyos, at ugat ng mga aral na natutunan. Sa ganitong proceso lumalago ang tao at natutuklasan na ang buhay ay hindi para sa sarili lamang bagkus mas masarap mabuhay na dumarating sa paglalakbay ng buhay ng tao ayon sa tamang paggamit ng kalayaan at kusangloob na pagkilos. Dahil ang pagpapasiya hanggang sa pagkilos ay isang proseso, nangangahulugang may mga yugtong matutunghayan na bumubuo ng proseso. Malaki ang maitutulong sa tamang pagpapasiya ng pagsusuri ng mga yugto ng makataong kilos dahil itong mga yugto ay maaring magsilbing gabay sa pagninilay-nilay ng katotohanan. 6 Mga Yugto ng Makataong Pagkilos 1. Kamalayan Ito ay pagkakaroon ng kaalaman sa mga pangyayari. Sa umpisa nakikita at naririnig lamang ang mga nangyayari. Alam ng tao kung ano ang nangyayari sa kapaligiran. Namumulat ang mga mata na mayroon pa lang ganitong nangyayari. 2. Pagkakaroon ng Interes sa Nakikitang mga Pangyayari Sa pamamagitan ng tamang pagmamatyag, nalalaman ng tao na may sistemang umiiral na nagdadala ng mga nakikitang pangyayari. Ang yugto ng kamalayan ay lumalalim at nagkakaroon ngayon ang tao ng interes na tuklasin ang mga dahilan ng pangyayari. 3. Pagpapasiya (Decision-Making) Sa yugtong ito, dito nagpapasya ang tao tungo sa ikalulutas ng kanyang problema o ikabubuti ng pangyayari. Sa ikatlong yugto, tinitimbang ng tao ang nakabubuti o advantages at di-nakabubuti o disadvantages. Dito maari ding magtalo ang puso at isipan; kikilos ba dala ng emosyon, o kaya para sa pansariling hangarin, o ang pagkilos ay sagot sa hangarin na pagbabago. Ano ang mas matinding humahatak sa tao sa gagawing pagpapasiya? 4. Pagkilos (Action) Ang pagkilos ay magbibigay katuparan sa lahat ng nagawang pagninilay, pagtitimbang, at pagpapasiya. Kung ang tao ay hanggang pagpapasiya lamang at walang pagkilos na gagawin ay wala ring mangyayari. Paano malulutas ang problea kung hanggang isip, salita, o reklamo na lang ang gagawin? 7 Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na PANAHON. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagnilayan ang bawat panig ng sasagawang pagpili. Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. Ito ba ay makabubuti o makasasama hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa kapuwa? Kaya nga madalas nating marinig sa isang tao na magsasagawa ng pasiya ang mga salitang ito, “Bigyan mo pa ako ng sapat na panahon.” Mapapansin natin na ang tao na nagsasagawa ng mga pagpapasiya nang hindi dumadaan sa tamang proseso at hind nabibigyan ng sapat na pahanon ay may malaking posibilidad na hindi mabuti ang resulta ng kaniyang pagpapasiya. Ang mga yugto ng makataong kilos ay dumaraan sa proseso ng kamalayan sa mga pangyayari, pagkakaroon ng interes sa pangyayari, pagpapasiya at pagkilos. Ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos -loob sa paggawa ng moral na pasiya at kilos. Mahalagang masuri ang sariling kilos at pasiya batay sa yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos at pasiya. Mahalaga ang tamang pagpapasiya upang makamit ang isang maayos at maunlad na buhay. 8 ANO ANG NATUTUNAN ? Subukan natin ? Gawain A. Panuto: Gamit ang talahanayan, tukuyin kung ang kilos sa unang kolum ay nagpapakita ng presensiya ng isip, kilos - loob, at kung ito ay mapanagutang kilos. Lagyan ng tsek ( ) kung ang mga kilos ay ginamitan ng isip, kilos -loob at mapanagutan, at ekis naman (X) kung hindi. MGA KILOS AT GAWAIN NG KILOS- MAPANAGUTANG ISIP PALIWANAG TAO LOOB KILOS 1.Pagtulong mo sa matanda na tumawid sa lansangan. 2.Pagsauli mo sa wallet na nakita mong naiwan sa upuan ng iyong kaklase. 3. Pagsigaw mo sa iyong kamag-aral para marinig ang iyong saloobin. 4. Paghihilik habang ikaw ay natutulog. 5. Pagtuturo sa iyo ng kamag-aral pagkatapos ng klase upang mas lalong maintindihan ang paksa na tinalakay ng iyong guro. 9 Gawain B. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan base sa iyong sagot sa Gawain A. a. Aling kilos ang nagpapakita ng paggamit ng isip at kilos - loob? Ipaliwanag b. Aling kilos ang HINDI nagpapakita ng paggamit ng isip at kilos -loob? Ipaliwanag c. Bakit mahalaga na magpakita ng kapanagutan sa gma kilos na ginagawa? d. Paano magiging mapanagutan ang tao sa kaniyang piniling kilos? e. Bilang mag -aaral sa Baitang 10, ano -ano ang iyong mga ginawa sa araw-araw na nagpapakita ng makatao at mapanagutang kilos? Ipaliwanag Gawain C. A. Panuto: Unawaing mabuti ang bawat aytem. Pagnilayan ang tamang gawain. Tama ba o mali ang bawat sitwasyon na nasa loob ng speech balloon. Paano ka nagpapasiya at ano ang kinahinatnan ng iyong pagkilos. Isulat ang iyong sagot sa loob ng speech banner. Nagkasakit ng Covid 19 ang 1. aking kaibigan. Sa takot na ako ay mahawa, hindi ko siya tinawagan at kinamusta. 10 Alam ko na palaging naglalaro 2. ng Dota at Mobile Legends ang aking kaibigan kaya palaging ubos ang kanyang baon. 3. Inaaya ako ng aking kamag-aral na mag-cutting classes. Dala ng matinding damdamin, 4. ikaw ay sumama sa iyong ka relasyon at nagtanan. Dahil sa problema sa pamilya, 5. sumama ako sa aking kabarkada at naglasing. 11 Gawain D. Magbigay ng magagandang aral na natutunan sa araling ito at ihayag ang mga naoobserbahang kahinaan ng mga kabataan sa kasalukuyan nanagpapakita ng hindi wastong pagpapasya at hindi makataong pagkilos at magbigay ng mga hakbang kung paano maitatama ang mga ito. Mga Sanggunian:  Deped. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (Modyul para sa Mag-aaral)  Punsalan, Twila G. et al. 2015. PAGPAPAKATAO: Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekondarya. Manila: Rex Bookstore, Inc. PAUNANG PAGTATAYA Gawain A: May - Akda MICHELLE P. MANEJA Writer |Illustrator | Layout Artist Nagtapos ng Bachelor of Arts in Psychology sa University of Cebu noong 2005 at Master in Education major in Guidance and Counseling (M.Ed GC) sa Cebu Technological University – Main Campus noong 2017. Kasalukuyang nagtuturo sa Mandaue City Comprehensive National H igh School bilang guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa ikasampung baitang (Grade 10). 12

Use Quizgecko on...
Browser
Browser