EsP 10 Q2 Mod 1: Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Tags
Summary
This module focuses on Filipino Values Education, specifically on the topic of personal responsibility and the concept of 'Kilos ko, Pananagutan ko!' It contains learning materials, activities, and quizzes relating to the subject.
Full Transcript
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos CO_Q2_Edukasyon sa Pagpapakatao 10_ Modyul 1 Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul...
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos CO_Q2_Edukasyon sa Pagpapakatao 10_ Modyul 1 Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Mariciel A. Bagayao Editor: Annie Rose B. Cayasen Tagasuri: Erlinda C. Quinuan Tagaguhit: Julius G. Takimpay Tagalapat: Pepe M. Tabanao Jr. Tagapamahala: May B. Eclar, Benilda M. Daytaca, Carmel F. Meris, Rosita C. Agnasi, Edgar H. Madlaing, Rizalyn A. Guznian, Sonia D. Dupagan, Erlinda C. Quinuan, Vicenta C. Danigos Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet Telefax: (074)-422-4074 E-mail Address: [email protected]. 10 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag- aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Aralin Pagkukusa sa Makataong Kilos 1 Nagmumula sa Kalooban Isa sa mga kadalasang naririnig ng mga kabataan mula sa mga matatanda at mga magulang ang, “Matuto ka namang magkusa dahil hindi ka na bata!” Sa ganitong pahayag, ang inaasahan nila mula sa bata ay ang pagiging responsible at may pagkukusang loob na gawin ang tama. Bakit ganoon kalaki ang inaaasahan na dapat gawin ng isang tao? Bakit ang pagkukusa ay dapat maisapuso at palaging ginagawa lalo na sa mga gawaing humahamon sa kakayahang gumawa ng tama at lalong-lalo na ang maging mapanagutan sa ating kilos o ginawang kilos? Ang mga konseptong nabanggit ay higit na malalaman sa pamamagitan ng pagsagot mo sa mga gawain sa modyul na ito. Alamin Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: 1. Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman. (MELC- 5.1) 2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan. (MELC - 5.2) Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok. Handa ka na ba? 1 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Subukin Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan? a. Walang kusang- loob b. Di kusang-loob c. Kusang-loob d. Kilos ng tao 2. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin dahil katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan? a. Walang kusang- loob b. Di kusang-loob c. Kusang-loob d. Kilos ng tao 3. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle? a. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon b. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan c. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito d. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya 4. Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit? a. Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong b. Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit c. Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at kahihinatnan nito d. Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa 2 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 5. Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos? a. May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa kilos b. Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos c. Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa d. Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos 6. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawangaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng. a. Kilos ng tao b. Di kusang-loob c. Kusang-loob d. Nakasanayang kilos 7. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos? a. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera b. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari c. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari d. Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag 8. Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon? a. Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya b. Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang proyekto c. Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang matuwa ang kaniyang mga magulang d. Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang kusang-loob 3 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang bawat pahayag. konsensiya isip kilos-loob kapanagutan mabuti kilos masama kalikasan sarili 9. Ang ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili. 10-12. Ang taong gumawa sa kilos ay walang pananagutan kung ang kilos ay ayon sa kaniyang bilang tao at hindi ginagamitan ng at. 13. Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat sa bawat kilos na ginawa nang may pang-unawa ay may. 14. Ang tao ay may kapanagutan kung ang kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng. 15. Kung ang kilos, ito ay katanggap-tanggap at dapat ipagpatuloy. 4 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Balikan Natutuhan mo sa modyul 4, na ang tao ay biniyayaan ng kakayahan at ganap na kalayaang pumili ng pasiya. Ang tunay na kalayaang tinutukoy dito ay ang pagkilala sa iyong pananagutan sa kung anuman ang kahihinatnan (mabuti o masama) ng iyong piniling kilos. GAWAIN 1: Balik-tanaw Panuto: Mag-isip ng mga pangyayari sa iyong buhay sa mga nakaraang buwan at isipin kung mayroon kang ginawang kilos. Ano ang kilos na iyong nagawa? Sagutin ang mga pampropesong tanong. Pamprosesong tanong: 1. Lahat ba ng nagawa mong kilos ay tama? oo o hindi, Bakit? 2. Kusa ba sa iyong kalooban ang kilos na iyong ginawa? 3. Binigyang pansin mo ba ang pananagutan mo sa kahihinatnan ng pinili mong pasiya? Kung mabibigyan ka ng isa pang pagkakataon, uulitin mo ba ang parehas na kilos? Oo o Hindi, Bakit? Tuklasin GAWAIN 2: “Ug-ugbo” Panuto: Basahin at unawain ang bawat linya ng awitin sa ibaba pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan. Ug-ugbo Sanaysay ni Annie Rose B. Cayasen Ang salitang “ug-ugbo” ay salitang Kankana-ey ng mga taga Mayag, isang baryo ng Bauko sa probinsiya ng Montaňosa sa rehiyon ng Cordillera, na ang ibig sabihin ay pagtutulungan, sinasalamin ang diwa ng boluntaryong pakikiisa ng bawat naninirahan dito. 5 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Ito ay pagtutulungan sa mga pang araw- araw na gawaing karaniwan ay sa nayon nangyayari. Ang Ug-ugbo ay nangyayari sa mga grupo ng kalalakihan o grupo ng mag kababaihan. Ginagawa ang ug-ugbo para mapabilis ang pagtapos ng isang trabaho at para na rin mapagaan ang paraan ng paggawa ng sama-sama. Karaniwan ay isinasagawa ang ug-ugbo sa gawaing bukid. Kapag may sampung miyembro sa isang grupo, sila ay magbubunutan ng petsa na itinakda nilang sampung araw upang magtrabaho sa bukid. Gagawin ng grupo kung ano ang ipagagawa ng taong nakabunot sa petsa na iyon. Ang unang araw halimbawa ay nabunot ni Gatan, lahat ng kasali sa grupo ni Gatan ay pupunta sa kanilang bukid at gagawin ang ipapagawa niya sa buong grupo. Kung pag-aararo at paghahanda ng hagdan-hagdang palayan ang ipagagawa niya, lahat ay magtutulungan mula umaga hanggang uwian. Sa grupo ay maaaring magkagrupo ang mga babae sa lalaki lalo na yong mga pamilya na walang taga-araro o walang babaeng malakas upang magtrabaho. Halimbawa, si Bugan ang nakabunot ng ikalawang araw, lahat ng kagrupo niya ay magtatrabaho sa kanilang bukid. Maaring taga-araro o taga-bungkal ang mga lalaki at taga-tanim ang mga babae. Ang paraan na ito ay matatapos kapag lahat ng miyembro sa grupo ay napuntahan na. Sagutin Mo 1. Ano ang ibig ipahiwatig ng sanaysay? 2. Anong imahe ang mabubuo mo sa mga taong nagtutulungan sa “ug- ugbo”? Sa iyong palagay, may pananagutan kaya ang bawat taong kasali sa grupo ng “ug-ugbo”. Bakit? Suriin Sa araw-araw nating buhay, hindi natin maiiwasan na tayo ay husgahan batay sa ating ikinikilos. Ang imahe natin ay nakasalalay sa ating mga kilos. Ayon kay Agapay, nakasalalay kung anong uri ng tao ang isang indibiduwal sa ikinikilos sa kasalukuyan at sa susunod pa na mga araw. Ayon pa rin sa kanya, ang kilos ang nagsisilbing salamin na nagpapakita kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili. 6 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Dahil dito mahalaga na isipin munang maigi ang ating gagawin na kilos bago ito isakatuparan. Dapat din na maunawaan ang bawat kilos ng ibang tao para maibigay natin ang nararapat na kilos na ating gagawin. Lagi nating tandaan na ang kilos ay kaakibat ang pananagutan. 2 URI NG KILOS NG TAO May dalawang uri ang kilos ng tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (humane act). 1. Kilos ng tao ( Acts of man). 2. Makataong Kilos (Humane act) - Mga naisasagawang kilos na labas - Ito ay mga kilos ng tao na sa kanyang kontrol na ayon sa isinasaagawang may kaalaman kalikasan bilang tao (knowingly), malaya (free) at kusa -Ang mga kilos na ito ay hindi (voluntarilly) ginagamitan ng isip (intellect) at -Ang mga kilos na ito ay ginagamitan kilos-loob (free-will). ng isip (intellect) at kilos-loob (free -Walang pananagutan ang taong will) nagsagawa ng kilos. - Ano man ang kahiohinatnan ng kilos ay pananagutan ng taong Halimbawa: pagkurap ng mata, nagsagawa ng kilos. paghikab, pag-ihi Halimbawa: pagnanakaw, hinsi pagsabi ng totoo, pagkalat ng dumi 3 URI NG KILOS AYON SA KAPANAGUTAN (Accountability) Ayon kay Aristotle 1. KUSANG-LOOB - ito ang kilos na isinasagawa nang may kaalaman at pagsang-ayon sa kahihinatnan ng kilos nito. 2. 2. WALANG KUSANG-LOOB –kilos na isinasagawa nang walang kaalaman, walang pagsang-ayon kaya walang pagkukusa sa kilos. 3. DI KUSANG-LOOB - kilos na isinasagawa nang may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Ibig sabihin, ang gumagawa sa kilos ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa. Ito rin ay ang sapilitan pagsagawa ng kilos. 7 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Pagyamanin GAWAIN 3: Pagsusuri - Makataong Kilos: Pagkukusa o di-pagkukusa Panuto: Suriing mabuti ang pangyayaring nakasaad sa komiks at pagkatapos ay ibigay ang hinihiling ng bawat katanungan. Komiks 1 8 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Komiks 2 9 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Komiks 3 10 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Ibigay ang hinihiling ng bawat hanay ayon sa iyong pagsusuri. Isang puntos sa bawat kahon. Nararapat ba Ang kilos ba na ang ginawa ng ginawa ng pangunahing Tukuyin at isulat pangunahing tauhan? Oo o Uri ng ang kilos na tauhan ay hindi, pagkukusa ginawa ng Komiks pagkukusa sa kung hindi ayon kay pangunahing kanilang ibigay ang Aristotle tauhan sa kalooban? nararapat na komiks Oo o hindi, kilos. Ipaliwanag Komiks 1 Komiks 2 Komiks 3 11 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 GAWAIN 4: Pagtukoy ng mapanagutang kilos. Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon na nakasaad at tukuying ang mga kilos na dapat panagutan. Sitwasyon 1 Sa gitna ng panonood ni Billy sa isang pelikula mula sa youtube ay biglang may sumingit na malaswang panoorin. Hindi sadya na makita ni Billy ang malaswang panooring yon. Hindi niya ito inintindi at bagkus tinakpan pa niya ang kanyang mata para hindi niya ito lubos Makita, inalis niya lamang ang kamay sa mata nang natapos at saka niya ipinagpatuloy ang panonood. Nilampasan niya ito at ipinagpatuloy ang pinapanood na pelikula. Tanong: (1) Ano ang makataong kilos na ginawa ni Billy? (2) Mayroon bang pagkukusa si Billy na gawin ang kilos na iyon? Oo o hindi, Bakit?. 12 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 (2) Nararapat ba ang ginawa ni Billy? Bakit? (3) Mayroon bang dapat panagutan si Billy sa kanyang ikinilos? Ipaliwanag Sitwasyon 2: Dahil sa pandemya, nagkaroon ng agarang pagsususpende ng klase na nagtuloy-tuloy. Pati ikaapat na pagsusulit ay hindi na natuloy at ang mga grado ay na compute sa pamamagitan ng bagong transmutable table na ibinigay ng central office. Pagkatapos mag compute ang guro nakita niya na si Armando ay bumagsak sa Science. Sinabihan ng guro si Armando na magkaroon siya ng karagdagang gawain para siya ay pumasa. Binigyan siya ng guro ng 5 modyul sa science at sinabihan na gagawin niya ito ng dalawang Linggo. Ngunit, dahil sa tinulungan niya ang kanyang magulang sa harden hindi natapos ni Armando ang dalawang modyul kaya ang kanyang ginawa ay pinasagutan niya ito sa kanyang barkada na si Jerome. Bilang kabayaran sa pagsagot ni Jerome sa dalawang modyul binigyan niya ito ng pera. Tanong: (1) Ano ang makataong kilos na ginawa ni Armando? (2) Mayroon bang pagkukusa si Armando na gawin ang kilos na iyon? Oo o hindi, Bakit? (3) Nararapat ba ang ginawa ni Armando? Bakit? (4) Mayroon bang dapat panagutan si Armando sa kanyang ginawa? Ipaliwanag (5) Mayroon bang dapat panagutan si Jerome sa kanyang ginawa? Ipaliwanag 13 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Pamantayan sa pagbibigay ng iskor sa Gawain 4 Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula 10 8 5 2 Lahat ng mga May isang May dalawang May higit sa dalawa kasagutan na kasagutan na kasagutan na na kasagutan na naibigay ang naibigay ang hindi naibigay ang hindi naibigay ang hindi makatotohanan makatotohanan at makatotohanan at makatotohanan at at makatuwiran makatuwiran makatuwiran makatuwiran GAWAIN 5: Kilos ko, panagutan ko Panuto: Sa pamamagitan ng Mapping Activity, ibigay ang kilos ayon sa Kapanagutan sa iba’t-ibang aspeto. Sundin ang format sa ibaba. Tatlong pagkukusang kilos ayon sa pananagutan ng isang anak Tatlong pagkukusang kilos ayon sa pananagutan ng isang mag-aaral Tatlong pagkukusang kilos ayon sa pananagutan ng isang kapitbahay Ilang kabutihang dulot ng may pagkukusa na gawin ang mga pananagutang kilos ng isang anak, mag-aaral at kapitbahay 14 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Isaisip GAWAIN 6: Ang natutunan ko Panuto: Punan ng wastong salita ang mga patlang upang mabuo ang konsepto ng ating aralin. Piliin ang sagot sa mga pagpipilian sa kahon. kaalaman kagustuhan kilos pagkukusa pagsang-ayon Ang imahe ng isang tao ay nakasalalay sa kaniyang mga (1) sa kasalukuyan at sa susunod pa na mga araw. Dapat nating isaalang-alang na sa bawat kilos na pinili ay may kapanagutan. May pananagutan ka sa iyong kilos kung ito ay isinagawa nang may (2) _ (3) at may (4) Ang bigat ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ay nakabatay sa bigat ng (5) na gawin ang isang kilos. 15 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Isagawa GAWAIN 7: Mapanagutang Kilos Panuto: Kung maharap ka sa mga sitwasyon sa ibaba, ano ang dapat mong gawin? Ipaliwanag ang iyong kasagutan. (Limang puntos bawat aytem) Pangyayari Pasiya Pananagutan Sitwasyon 1: Tanong: Ano ang naging Tanong: May pasya ni Bernardo? pananagutan ba si Nawawala ang Sagot: Bernado sa kanyang cellphone ng isa pasiya? Oo o hindi, ninyong kamag-aral. Bakit? At dahil walang Sagot: umaamin kung sino ang kumuha, Si Bernando ay inatasan ng guro na buksan ang bags ng mga kaklase. Tanong: Ang desisyon ba Doon nalaman ni ni Bernardo ay may Tanong: Bilang kaibigan Bernardo na ang pagkukusa? Oo o hindi, ni Bernardo, ano ang kumuha sa cellphone Bakit? ipapayo mo sa kanya? ay ang bully nilang kaklase. Dahil sa takot Sagot: Sagot: na siya ay paghihigantihan at aabangan ng grupo pagkatapos ng klase, hindi na niya isinumbong sa guro ang kanyang nakita. Sitwasyon 2: Tanong: Ano ang naging Tanong: May pasya ni Elmer? pananagutan ba si Elmer Ipinagbilin ng nanay ni sa kanyang pasiya? Oo o Elmer na hindi muna Sagot: hindi, Bakit? siya sasama sa mga barkada sa paglalaro Sagot: ng basketball dahil kailangan ni Elmer na magrepaso para sa 16 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 kanilang pagsusulit sa susunod na araw. Pero pag-alis ng nanay niya ay dali dali ring lumabas si Elmer at sumama sa kanyang mga barkada. Tanong: Ang desisyon ba ni Elmer ay may Tanong: Bilang kaibigan pagkukusa? Oo o hindi, ni Elmer, ano ang Bakit? ipapayo mo sa kanya? Sagot: Sagot: Pamantayan sa pagbibigay ng iskor sa Gawain 7 Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula 10 8 5 2 Lahat ng mga May isang May dalawang May higit sa kasagutan na kasagutan na kasagutan na dalawa na naibigay ang naibigay ang hindi naibigay ang kasagutan na makatotohana makatotohanan at hindi naibigay ang hindi n makatuwiran makatotohanan makatotohanan at at at makatuwiran makatuwiran makatuwiran 17 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Tayahin Panuto: Basahing at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat sa patlang na nakalaan bago ang mga bilang. 1. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng. a. Kilos ng tao b. Di kusang-loob c. Kusang-loob d. Nakasanayang kilos 2. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle? a. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang ayon b. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan c. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito d. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya 3. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos? a. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera b. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari c. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari d. Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag 4. Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon? a. Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya 18 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 b. Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang proyekto c. Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang matuwa ang kaniyang mga magulang d. Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang kusang-loob 5. Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit? a. Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong b. Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit c. Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at kahihinatnan nito d. Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa 6. Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos? a. May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa kilos b. Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos c. Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa d. Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos 7. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan? a. Walang kusang- loob b. Di kusang-loob c. Kusang-loob d. Kilos ng tao 8. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin dahil katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan? a. Walang kusang- loob b. Di kusang-loob c. Kusang-loob d. Kilos ng tao 19 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo bawat pahayag. konsensiya isip kilos-loob kapanagutan mabuti Kilos, mali masama kalikasan sarili a. Kung 9. ang kilos, ito ay katanggap-tanggap at dapat ipagpatuloy. At kung 10. ang kilos, ito naman ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan. b. Ang tao ay may kapanagutan kung ang kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng 11. _ c. Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat sa bawat kilos na ginawa nang may pang-unawa ay may 12. d. Ang taong gumawa sa kilos ay walang pananagutan kung ang kilos ay ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng 13. at 14.. e. Ang 15. ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili. 20 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 Karagdagang Gawain GAWAIN 8: Panuto: Mula sa natutunan mo sa ating aralin, gumawa ng maikling paliwanag na binubuo ng 2-3 na pangungusap sa katagang “Kilos ko, Pananagutan Ko!” (10 puntos) Gawing gabay ang pamantayansa ibaba. Kilos Ko, Pananagutan Ko!. Nalilinan Nagsisimul Napakahusay Mahusay Pamantayan g a 10 8 5 2 Nilalaman- May tuwirang Nagpamalas Nagpamala Nagpamal Nagpamala kaugnayan sa ng 4 mula sa 4 s ng 3 as ng 2 s ng 1 mula paksa tulad ng na mula sa 4 mula sa 4 sa 4 na a. Orihinalidad pamantayan na na pamantaya b. Pagkakabuo pamantaya pamantay n c. n an Pagkakaugnay ng ideya d. pagkamalikhain 21 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 1.a 5. c 2. b 6. c 3. b 7. c 4. a 8. a a.9.Mabuti 10.masama b..11. Konsensiya 12.Kapanagutan c. 13. Kalikasan/isip at 14. kilos-loob d. 15. Kilos Gawain 6: Ang Natutunan Ko 1. kilos 2. Kaalaman 3. kalayaan 4. pagkukusa 5. kagustuhan Subukin 1.c 5. c 2. a 6. a 3. a 7. b 4. c 8. a 1. Kilos 2. Kalikasan/isip at kilos-loob 3. Kapanagutan 4. Konsensiya 5. Mabuti/masama Mga Sanggunian Aklat MJB. Brizuela, et al. Edukasyon sa Pagpapakatao (Meralco Avenue, Pasig City: FEP Printing Corporation, 2015), 92-96 Mula sa internet Canete, G. S. “Morality of Human Acts”. Accessed August 12, 2020. https://www.slideshare.net/espirituanna/human-acts Milch, Robert J., and Charles H. Patterson. “CliffsNotes on Ethics”. 08 Aug 2020. Towarzystwo, P., and Akwinu, T. “ Act, Human”. Accessed August 12, 2020. http://www.ptta.pl/pef/haslaen/a/acthuman.pdf 23 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 1 For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]