Aralin 1: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan.PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga katanungan at mga paliwanag tungkol sa makataong kilos at pananagutan. Ito ay isang aralin sa asignaturang edukasyon.

Full Transcript

Paunang Gawain: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang iyong paliwanag kung bakit ito ang angkop na kasagutan. 1. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot? a. Ang pagnanakaw ng kotse. b. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oo...

Paunang Gawain: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang iyong paliwanag kung bakit ito ang angkop na kasagutan. 1. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot? a. Ang pagnanakaw ng kotse. b. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera. c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit. d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok. Paunang Gawain: 2. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin? a. Panliligaw sa crush. b. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko. c. Pagsugod sa bahay ng kaalitan. d. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha. Paunang Gawain: 3. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi? a. Paglilinis ng ilong b. Pagpasok nang maaga c. Pagsusugal d. Maalimpungatan sa gabi Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya Yunit 2: Aralin 1 Batayang Konsepto: ▪ Ang makataong kilos ay paggawa na sinadya gamit ang katwiran, o ito’y pinag-isipan at niloob na isakatuparan o hindi. Dahil dito, anuman ang maging resulta nito ay pananagutan ng tao. Ang Makataong Kilos ▪ Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay. Ang Makataong Kilos ▪ Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay ang iba pang pakultad na kaniyang taglay tulad ng kalayaan, siya ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kaniyang nais at ayon sa katuwiran. ▪ Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili. Ang Makataong Kilos ▪ May dalawang uri ng kilos ang tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (human act). ▪ Ang kilos ng tao (act of man) ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang Makataong Kilos ▪ Ang makataong kilos (human act) naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos- loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Ang Makataong Kilos ▪ Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagka’t isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito. ▪ Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya. Ang Makataong Kilos ▪ Samakatwid, maipapalagay natin na isang kilos ng tao ang makarinig ngunit ang kilos na narinig mula sa usapan galing sa umpukan ay isang kilos ng tao na maaaring maging makataong kilos. Halimbawa: Sa mga narinig mula sa umpukan habang naglalakad, nahikayat si Jasmine at naengganyo sa usapan tungkol sa kaklase nilang maagang nakapag-asawa. Siya ay lumapit sa umpukan, tuluyang nakihalubilo sa kanila, at nagbigay pa ng mga reaksiyon sa usapan. Ang Makataong Kilos ▪ Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ang kilos ay pagkukusang kilos (voluntary act). Ang bigat (degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa. Ang mga ito (degree of willfulness o voluntariness) ay nasa lalim ng kaalaman at kalayaan na tinatamasa. Ang Makataong Kilos ▪ Sa madaling salita, kung mas malawak ang kaalaman o kalayaan, mas mataas o mababang digri ang pagkukusa o pagkagusto. Kung mas mataas o mababang digri ang pagkukusa, mas mabigat o mababaw ang pananagutan. Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan(Accountability) ▪ Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang kilos na ito ay ginagawa nang may pang-unawa at pagpipili dahil may kapanagutan (accountability). Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan: kusang-loob, di kusang-loob, at walang kusang-loob. Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan(Accountability) ▪ Kusang-loob. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito. Halimbawa: Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang guro. Gumagamit siya ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo para sa kaniyang klase. Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan(Accountability) ▪ Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan. Halimbawa: Si Arturo, isang barangay official ay naglingkod bilang COMELEC member para sa lokal at pambansang eleksiyon. Binulungan siya ng kaniyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng “dagdag-bawas.” Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan(Accountability) Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kanilang moral na tungkulin kaya hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa parin niya ang pabor na hinihingi dahil baka matanggal siya bilang miyembro kung hindi siya susunod bagaman labag ito sa kaniyang kalooban. Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan(Accountability) Pagsusuri: Ang isinagawang kilos na mag “dagdag- bawas” ay naisakatuparan bagaman labag sa taong gumanap nito. Ito ay dahil may takot siya na matanggal sa kaniyang posisyon bilang miyembro ng COMELEC kung siya ay tatanggi. Ang kilos ay may pagkukusa (voluntary). Malaya siyang nagpasiya sa piniling kilos na tumulong na gawin ang maling gawain. ▪ Sa sitwasyong ito, may depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa kahit pa labag ito sa kaniyang kalooban. Kaya, masasabi nating Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan(Accountability) ▪ Walang kusang loob. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa. Halimbawa: May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang mata. Layunin: Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos ▪ Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay masama o mabuti. Dito mapatutunayan kung bakit ginawa o nilayon ang isang bagay. Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa ito. Layunin: Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos ▪ Ang lahat ng bagay ay likas na may layunin o dahilan. Kung ilalapat sa mga sitwasyon, ang bawat kilos ng tao ay may layunin. Ang layuning ito ay nakakabit sa kabutihang natatamo sa bawat kilos na ginagawa. Ang kabutihang ito ay nakikita ng isip na nagbibigay ng pagkukusa sa kilos-loob na abutin o gawin tungo sa kaniyang kaganapan - ang kaniyang sariling kabutihan o mas mataas pang kabutihan. Ito ay ang itinuturing na pinakamataas na telos – ang pagbabalik ng Makataong Kilos at Obligasyon ▪ Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan - ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na layunin. Makataong Kilos at Obligasyon ▪ Iba pang halimbawa, ang hindi mo pagbayad ng buwis. Mayroon ba itong masamang bunga? Mayroon, dahil sa huli ng argumento ay maaapektuhan ka ng layunin kung bakit kailangan mong magbayad ng buwis. Mayroon kayang masamang bunga kung hindi ka mag- aaral nang mabuti? Mayroon, dahil ang kaalaman sa isang gawain na hinihingi ng hanapbuhay na papasukin o negosyong itatayo balang araw ay hindi makakamtan. Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos ▪ Ayon kay Aristoteles, may eksepsiyon sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa proseso ng pagkilos. May apat na elemento sa prosesong ito: paglalayon, pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin, pagpili ng pinakamalapit na paraan, at pagsasakilos ng paraan. Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos 1. Paglalayon. Kasama ba sa nilalayon ang kinalabasan ng isang makataong kilos? Kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos na sa kaniya ang kapanagutan ng kilos. Halimbawa, kung ang hindi mo pagbigay ng tulong sa isang kaklase na mahirap umunawa ng aralin ay nagbigay sa kaniya ng mababang marka, maaaring isisi sa iyo ang pagbaba ng kaniyang marka. Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos 2. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin. Ang pamaraan ba ay tugma sa pag- abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran. Halimbawa, ang pagbibigay ng regalo sa kaklase o kaya ay pagiging mabait sa kaniya upang makapangopya sa panahon ng pagsusulit. Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos 3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan. Sa puntong ito, itatanong mo: - Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito? - Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip? - Ang lahat ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng kabutihan ng iba? Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos 4. Pagsasakilos ng paraan. Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamaraan ay ang paglapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos. Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos Ayon kay Aristoteles, kung may kulang sa mga ito, nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao ang ginawang kilos. Ngunit hindi nawawala ang kapanagutang ito maliban sa kung apektado ito ng mga salik na maaaring makapagpawala ng kapanagutan. Dahil dito, maaaring mabawasan o mawala ang kapanagutan. Ibig sabihin, ang kahihinatnan ng makataong kilos, kasama na ang pagpapataw ng parusa kung mayroon man, ay nababawasan din o nawawala. Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos ▪ Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging isang ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito. Ang mga salik ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang makataong kilos lalo na sa papel ng isip at kilos-loob. Maaari ring mabawasan ang pananagutan ng makataong kilos dahil sa impluwensiya ng mga salik na ito. May limang salik na nakaaapekto sa makataong kilos: ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos 1. Kamangmangan. Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang papel ng isip. Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao. Ito ay may dalawang uri: nadaraig (vincible) at hindi nadaraig (invincible). Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos 2. Masidhing Damdamin. Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin. Maituturing ito na paglaban ng masidhing damdamin sa isip - para bang ang pangangailangan ng masidhing damdamin ay mas matimbang kaysa sa dikta ng isip. Ito ay ang malakas na utos ng sense appetite na abutin ang kaniyang layunin. Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos 2. Masidhing Damdamin. Ang masidhing damdamin o passion ay normal na damdamin subalit ang tao ay may pananagutan upang pangasiwaan ang kaniyang emosyon at damdamin dahil kung hindi, ang mga emosyon at damdaming ito ang mangangasiwa sa tao. Ang paghubog ng mga positibong damdamin at maayos na pagtanggap sa mga limitasyon sa buhay ay isang daan upang mapangasiwaan ang damdamin. Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos 3. Takot. Ang takot ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay. Tumutukoy din ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap upang gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kaniyang kalooban. Kasama rin dito ang pananakot sa tao o sa kaniyang mga mahal sa buhay upang Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos 4. Karahasan. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya. Maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensiya ng karahasan. Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos 4. Karahasan. Ito ay kung nagkaroon ang tao ng sapat na paraan para labanan ang karahasan subalit nauwi sa wala at mas nasunod ang kalooban ng labas na puwersa. Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay ang panlabas na kilos ngunit ang pagkukusa o kilos-loob ay hindi. Ngunit kailangan mong maglapat ng ibang paraan sa gitna ng karahasan bago masabing hindi ka Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos 5. Gawi. Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay itinuturing na gawi (habits). Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito nawawala. Ito ay dahil ang isang gawi bago nakasanayan ay nagsimula muna bilang isang kilos na may kapanagutan at pagkukusa sa taong gumagawa. Kaya ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa kahihinatnan Ang bawat kilos na niloob ng tao ay may kakabit na pananagutan. Ang antas ng pananagutan ay nakadepende sa antas ng kilos na ginawa. Nangangahulugan ito na may maliit at malaking pananagutan para sa maliit at malaking bagay na nagawa. Ang Likas na Batas Moral ay patuloy na iiral upang manatili at umiral ang katarungan. Lahat ng bagay ay may kapalit, malaki man ito o maliit pa. Maikling Pagsusulit Maghanda para sa isang maikling pagsusulit. Maraming Salamat sa Pakikinig at Partisipasyon! :)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser