Araling Panlipunan 8: Q2 WLAS-1 Ang Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Klasiko ng Greece PDF

Summary

Ang dokumento ay mga materyal para sa araling Araling Panlipunan 8, ika-2 markahan, unang linggo. Saklaw nito ang mga kabihasnang Minoan, Mycenaean, at Klasiko ng Gresya, kabilang ang mga gawaing pampagkatuto at mga kasanayang dapat matutuhan.

Full Transcript

8 Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan– Unang Linggo Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto Ang Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Kabihasnang Klasiko ng Greece Republic of the Philippines Department of Education Cara...

8 Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan– Unang Linggo Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto Ang Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Kabihasnang Klasiko ng Greece Republic of the Philippines Department of Education Caraga Administrative Region DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE PILYEGO NG MGA GAWAIN NG PAMPAGKATUTO Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________ Seksyon:_________ Paaralan: __________________________________________________ Asignatura: Araling Panlipunan 8 Baitang: Walo Kwarter: Ikalawa Kasanayan sa Pampagkatuto: Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece. Koda: AP8DKT-IIa-1 Buwan: Enero, 2021 Linggo: Enero 4-8, 2021 Pamagat ng Gawain: Gawain 1: Liwanagin Gawain 2: MapKulay ang Buhay! Gawain 3: Bigyan ng Label Yan! Mga Kagamitan: Papel, lapis at krayola Mga Layunin: 1. Nakapagpapaliwanag sa kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece; 2. Nakapagtuturo sa mapa/globo ang lokasyon sa kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece; at 3. Nakapagsusuri sa kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece. Aralin: Kabihasnang Klasiko sa Europa: Kabihasnang Minoan at Mycenaean Kabihasnang Klasiko sa Europa - Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Ang karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo. Ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay noon ng mga sinaunang Greek. - Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Ito ang naging dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani- kanilang natatanging katangian na nagpayaman sa kanilang kultura. Ito rin ang nagbigay-daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa iba’t-ibang uri ng 1 tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t-ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan. https://www.google.com/search?q=mycenaean+map&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi7i7WX6_nsAhXLa94KHdm3DUQQ_AUoAXoECAQQAw &biw=1280&bih=690#imgrc=TFSxhtCE5WvJPM&imgdii=zvm0eg6ztxTCJM Kabihasnang Minoan at Mycenaean - Kabihasnang Minoan ang kauna-unahang Aegean Civilization sa pulo ng Crete na nagsimula noong 3100 BCE. Hango sa pangalan ni Haring Minos ang salitang “Minoan” na siya ring nagtatag nito. - Kilala ang mga Minoan na magagaling na mandaragat na naninirahan sa bahay na yari sa bricks. Ang mga produkto nila ay ipinangalakal sa ibang pamayanan katulad ng palayok na yari sa luwad at sandata na yari sa tanso. Ipinagpapalit nila ito sa ginto, pilak at butil. Naipapakita nila ang kanilang pagiging malikhain sa sining sa pamamagitan ng Fresco at mga palayok. Ang sistema ng kanilang pagsulat ay tinatawag na Linear A samantalang Linear B naman sa Mycenaean. Mahuhusay rin sila sa paggamit ng metal at iba pang teknolohiya. - Isang English Archaeologist si Sir Arthur Evans, ang nakahukay sa lungsod ng Knossos noong 1899. Ito ay sinasabing kabisera ng Kabihasnang Minoan. Isang makapangyarihang lungsod ang Knossos na sumakop sa kabuuan ng Crete. Ang katanyagan ng Minoan ay bumagsak sa kamay ng mga mananakop. - Bago pa man salakayin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Noong 1400 BCE, isa ng napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean lalo na noong masakop nila ang Crete. - Malaki ang naging impluwensiya ng mga Minoan sa Greek. Kabilang na ang wika, sining, alamat at kuwento. - Sinalakay ang mga Mycenaean ng mga Dorian noong 1100 BCE. Sila ay mga pangkat mula sa Hilaga. Isa ring pangkat na may kaugnayan sa Mycenaean ang tumungo sa Timog ng Greece sa lupain ng Asia Minor hanggang karagatan ng Aegean. Naitatag nila ang pamayanang Ionia at nakilala bilang Ionian. - Ang mga pangyayaring ito ay tinawag na Dark Age o Madilim na panahon ng Greece. Naging palasak ang digmaan ng iba’t-ibang kaharian, nahinto ang 2 kalakalan, pagsasaka at iba pang gawaing pangkabuhayan. Kasabay rin ang pagkahina ng sining at pagsulat. - Umusbong ang bagong sibilisasyon sa Ionia na mabilis lumaganap sa kabuuan ng Greece. Tinawag nila ang kanilang mga sarili na Hellenes o Greeks. Kinilala ang kabihasnang ito na Hellenic mula sa tawag nila sa Greece na Hellas. Tumagal ito mula 800 BCE hanggang 400 BCE na sinasabing pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig. Ang mga Polis - Nagtayo ang mga Greek ng mga kuta sa gilid ng mga burol at taluktok ng bundok noong panahon ng Dark Age ng Greece upang maprotektahan sila sa pagsalakay ng iba pang mga pangkat. Hindi nagtagal, ang mga ito ay naging pamayanan na pinag-usbongan ng mga lungsod-estado o Polis. Ang Polis ay lungsod estado na kung saan hango ang mga salitang pulisya, politika, at politico. Ito ay binubuo lamang ng 5000 kalalakihan. Karamihan sa kanila ay matatagpuan sa matataas na lugar na tinatawag na acropolis o mataas na lungsod. Naging takbuhan ng mga Greek sa tuwing may digmaan na naging sentro ng politika at relihiyon. Agora o pamilihang bayan ang tawag sa ibabang bahagi ng acropolis. Mga Gawain: Gawain 1: Katangian Ko Isulat Mo! Panuto: Magbigay ng 2 mahahalagang katangian tungkol sa Kabihasnang Mycenaean, Minoan at Hellenic. Isulat sa iyong sagutang papel. Kabihasnang Mycenaean Kabihasnang Minoan Kabihasnang Hellenic 1. 1. 1. 2. 2. 2. Gawain 2: MapKulay ang Buhay! Panuto: Iguhit ang mapa sa iyong sagutang papel at kulayan ng asul ang mga lugar na sinakop ng kabihasnang Mycenaean at dilaw naman sa kabihasnang Minoan. 3 Gawain 3: Bigyan ng Label Yan! Panuto: Isulat kung sa anong kabihasnan (Kabihasnang Mycenaean, Kabihasnang Minoan at Kabihasnang Hellenic) nauugnay ang mga sumusunod na salita. Isulat sa iyong sagutang papel. 1. Haring Minos 2. Dark Age 3. Knossos 4. Fresco 5. Ionian Batayan sa Pagmamarka/Rubrik: Para sa Konseptong Natutunan: Pamantayan Napakahusay Mas Mahusay Mahusay Nangangailangan Puntos (5) (4) (3) ng pagpapabuti (2) Nilalaman Naglalaman ng Naglalaman ng Naglalaman Kulang ang komprehensibo, tama at may ng mga ipinakitang tama at kalidad sa tamang kagalingan sa kakikitaan ng pagsasalaysay impormasyo pagsasalaysay kalidad sa ng mga n ng mga pagsasalaysay ng impormasyon impormasyon mga impormasyon Pagkakagawa Napakaganda at Maganda at Maganda ang Hindi maganda klaro ang klaro ang pagkakagaw ang pagkakagawa pagkakagawa a pagkakagawa Organisasyon Detalyado, Maayos at Madaling Hindi maayos at madaling maintindiha maintindihan madaling maintindihan n ang takbo ang takbo ng maintindihan ang ang takbo ng ng ediya ideya hinggil sa takbo ng ediya ediya hinggil sa hinggil sa impormasyong hinggil sa impormasyong impormasyong isinasalaysay impormasyong isinasalaysay isinasalaysay isinasalaysay Kabuuan Konseptong Natutunan: Panuto: Isulat ang iyong sariling hinuha kung paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan. Isulat sa iyong sagutang papel. Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines. 4 5 [email protected] email address Jabonga 1 Purok: Jabonga National High School Paaralan: KATE ANGELA LUZ Manunulat: Gawain 1. Liwanagin Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral Gawain 2. MapKulay ang Buhay! Iba-iba ang mga sagot ng mag-aaral Gawain 3. Bigyan ng Label Yan! 1. Kabihasnanag Minoan 2. Kabihasnang Mycenaean 3. Kabihasnang Minoan 4. Kabihasnang Minoan 5. Kabihasnang Mycenaean Susi sa Pagwawasto

Use Quizgecko on...
Browser
Browser