ARALING PANLIPUNAN 10 Unit Test 1 PDF
Document Details
Uploaded by AvailableCesium
Tags
Summary
This document discusses contemporary issues, environmental challenges, and community problems. It covers different perspectives and approaches to understanding and addressing these issues. It also examines various approaches for analyzing contemporary issues.
Full Transcript
ARALING PANLIPUNAN 10 UNIT TEST 1 Coverage: ★ Pag-aaral ng mga Isyung Kontemporaryo ★ Mga Hamon at Isyung Pangkapaligiran ★ Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Sariling Komunidad ★ Waste Management MGA ISYUNG KONTEMPORARYO Kontemporaryo- Iniuugnay sa ka...
ARALING PANLIPUNAN 10 UNIT TEST 1 Coverage: ★ Pag-aaral ng mga Isyung Kontemporaryo ★ Mga Hamon at Isyung Pangkapaligiran ★ Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Sariling Komunidad ★ Waste Management MGA ISYUNG KONTEMPORARYO Kontemporaryo- Iniuugnay sa kasalukuyang panahon na inaasahang magpapatuloy pa sa kinabukasan o darating na panahon. - Contemporary “kabilang o nagaganap sa kasalukuyan” Isyu- Ukol sa anumang paksa o suliranin na binibigyang-pansin ng mga tao sa isang pamayanan o lipunan. Maaari itong magdulot ng positibo o negatibong epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. KATEGORYA NG ISYU POSITION VALENCE - Tumutukoy sa anumang - Tumutukoy sa anomang suliranin na nagdudulot sa suliranin na nagkakaisa ang pagkakahati ng opinyon, nakararaming tao sa paglalahad pananaw, at desisyon ng mga ng kanilang opinyon, pananaw, tao sa lipunan sa panig ng at desisyon ng pagtutol o sang-ayon o panig ng tutol. pagsang-ayon. hal: Diborsyo, Same sex marriage, Abortion hal: Violence against women, Terrorism ❖ MGA KAISIPANG NAKAKAAPEKTO SA PAGTUGON NG TAO SA ISANG SULIRANIN: Kawalan ng pakialam sa nagaganap sa paligid. Personal na paniniwala Pansariling Interes Antas ng Kaalaman ❖ MGA KAISIPANG INIUUGNAY NG TAO SA SULIRANIN: Hamon na kailangan mapagtagumpayan Sanhi ng kalungkutan at paghihirap Walang ganap na solusyon MGA KATEGORYA NG SULIRANIN halimbawa PAMPISIKAL May kinalaman sa kaligtasan, kalusugan, at -Kalinisan maayos na pangangatawan ng tao. -COVID19 PANG-EKONO May kinalaman sa paraan ng ikinabubuhay, -Kahirapan MIYA paggamit ng mga yamang likas para sa -Kawalan ng kabuhayan at daloy ng kabuhayan. trabaho PAMPOLITIKA May kinalaman sa pagbuo, pagpapatupad, at -Krimen pagsusuri ng batas at tungkulin, gawain, at -Terorismo kapangyarihan ng pamahalaan at ng mamamayan. PANLIPUNAN May kinalaman sa kalagayan o kondisyon ng -Pagkawasak pamumuhay, interaksyon, kultura, at interes sa ng pamilya isang pook. -Suliranin sa edukasyon ❖ MGA PANANAW UKOL SA PAG-AARAL SA SULIRANIN Functionalist- Ang tao ay naniniwala na ang suliranin ay nagpapakita ng kawalan ng maayos at organisadong pagsasakatuparan ng mga gawain ng bawat sektor ng lipunan. Dahil dito, ang suliranin ng isang sektor at nakakaapekto sa iba kung kaya napipilitan ang ibajgn sektor na kumilos upang bigyan ng solusyon ang isang umiiral na suliranin. Conflict- Dito, walang iiral na suliranin sa lipunan kung hindi ito itinuturing na suliranin ng mga sektor ng lipunan. Ang sektor ng lipunan na hindi naapektuhan ay hindi gumagawa ng anomang solusyon. Ituturing lamang ng sektor na ito ang pag-iral ng suliranin kapag nakakaapekto na sa kanilang kapakanan at sa gayo’y magsasagawa na ito ng angkop na aksyon upang malutas ang naturang suliranin. Interactionist- Sa pananaw na ito, hindi itinuturing ng sektor na pinagmulan ng suliranin na ang kanyang mga ginagawa ay nagdudulot ng suliranin; samantala ang ibang sektor ay naniniwala na ang naunang sektor ang dahilan ng suliranin kung kaya masama o di maganda ang turing nila sa sektor na ito. Ang mga pananaw na ito ay ginagamit upang pag-aralan ang mga problema, na naglalayong pahusayin ang atensyon ng mga tao sa mga kaganapan at kasanayan sa pagmamasid sa mga isyu sa lipunan, at maaaring magsilbing gabay para sa paglutas ng suliranin. ❖ MGA BATAYAN NG PAGDEDESISYON SA ISYUNG KONTEMPORARYO Moral na batayan- nakaangkop sa mga kautusan ng relihiyon na umiiral sa isang lipunan. Ang kawastuhan o kamalian batay sa pamantayan ng paniniwala o relihiyon ang ginagamit na batayan sa pagdedesisyon sa isyu. Popular na batayan- Batayan ng pagdedesisyon dito-– kung katanggap-tanggap o hindi man— ang gawi, tradisyon, kaugalian, at kultura na umiiral sa isang lipunan. Legal na batayan- Batayan ng pagdedesisyon ang pagsunod o paglabag sa mga atas, ordinansa, at batas na ipinapatupad sa bansa. Ang paggamit ng batayan ay makatutulong sa paglalahad ng malinaw at mahusay na pagpapasya ukol sa isyung kontemporaryo. ❖ MGA PAMAMARAAN SA PAG-AARAL NG ISYUNG KONTEMPORARYO 1. Case Study 3. Experiment 2. Survey 4. Paggamit ng Pananaliksik BUOD: Ang mga kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa mga problemang nangyayari sa kasalukuyan. Ang mga isyung ito ay may positibo o negatibong epekto sa lipunan. Mayroong 4 na pangunahing kategorya; Pampisikal, Pang-ekonomiya, Pampolitika, at Panlipunan. Ang kaalaman tungkol sa mga ito ay maaaring makatulong sa paglikha ng mga epektibong solusyon. Ang mga kontemporaryong isyu ay nakakaimpluwensya at nakakaapekto sa iba't ibang aspeto ng buhay, mula sa indibidwal na kagalingan at dinamika ng komunidad hanggang sa mga pandaigdigang patakaran at pagpapanatili ng kapaligiran. MGA HAMON AT ISYUNG PANGKAPALIGIRAN GLOBAL WARMING CLIMATE CHANGE Kambal na hamong pangkapaligiran - Ito ang patuloy at mabilis na - Ito ay ang kompleks na pag-init ng daigdig. pagbabago na sumasaklaw di - Pangunahing nauugnay sa mga lamang sa pagtaas ng aktibidad ng tao tulad ng katampatang temperatura kundi pagsunog ng fossil fuels, pati sa mga tumitinding weather deforestation, at mga prosesong events. pang-industriya. - Dahil dito, nagiging madalas ang pagkakaroon ng heatwave. GLOBAL WARMING ❖ GREENHOUSE GASSES - Ang daigdig ay may sariling greenhouse na binubuo ng mga gas na carbon dioxide, methane, nitrous oxide, chlorofluorocarbons (CFC), water vapor, at ozone. - Kung wala ito; napaka lamig ang daigdig, magkakaroon ng abnormal na panahon, pagkakaroon ng skin cancer, abnormal na panganganak ng mga hayop, liliit ang kakayahan ng mga halaman. - Ang labis na pagdami rin nito ay ang dahilan ng Global Warming. Iba pang mga epekto ng Global Warming: ❖ PAGKATUNAW NG YELO SA HILAGA AT TIMOG POLO ❖ MIGRASYON NG MGA HAYOP ❖ EXTINCTION NG ILANG HAYOP AT HALAMAN ❖ PAGBABAGO SA MGA ECOSYSTEM ❖ PAG-ALAT NG LIKAS NA SUPLAY NG TUBIG SA ILALIM NG LUPA (SALINIZATION) ❖ PAGLAWAK NG DISYERTO ❖ MATINDING PAGBABAGO NG KLIMA CLIMATE CHANGE Klima- ang kabuuang kondisyon ng panahon sa isang rehiyon batay sa temperatura, hangin, ulap, atbp., sa loob ng isa o maraming taon. Heatwave- matagalan at abnormal na tag-init. 3 ASPEKTO NG CLIMATE CHANGE PAMPOLITIKA EKONOMIYA PANLIPUNAN - Mga polisiya, - Kabuhayan ng - Responsibilidad ng programa, tao-likas yaman mamamayan direktiba, at mga - Ang mga patakaran. produksyon MGA EPEKTO NG GLOBAL WARMING AT CLIMATE CHANGE SA PILIPINAS Dulot nito ay pagkakaroon ng heatwave. EL NINO Epekto: bumababa ang ani, nababawasan ang suplay ng malinis na tubig na maiinom at magagamit. Nangyari dahil sa pagkaipon ng malamig na tubig-dagat sa Karagatang Pasipiko. LA NINA Epekto: Mas maraming super typhoon ang dumaraan sa bansa, nasisira ang mga pananim, maaaring magbunsod ng pagguho ng lupa, maaaring lumikha ng daluyong. Sanhi ito ng Global Warming. Tinatayang aabot ng 6 na metro ang inaasahang pagtaas ng tubig-dagat. PAGTAAS NG LEBEL NG TUBIG-DAGAT Epekto: Ang mga pamayanang nasa baybayin ay posibleng lumubog sa tubig-dagat. Magiging maalat ang tubig sa mga likas na water reservoir Sa pagdami ng carbon dioxide sa karagatan, ACIDIFICATION NG nagiging acidic ang tubig-dagat. TUBIG-DAGAT Epekto: Nagiging kaunti ang mga isdang nahuhuli sa karagatan ng bansa. MGA LIKAS NA KALAMIDAD NA NARARANASAN NG BANSA ❖ Ukol sa Bagyo- Tropical Cyclone ang pangkalahatang tawag sa ligalig sa atmospera, na karaniwa’y may palatandaang malakas na hangin at malakas na buhos ng ulan. ❖ Ukol sa Daluyong- ay ang pagtaas ng alon dagat na likha ng malakas na hanging dala ng bagyo. (storm surge) ❖ Ukol sa Pagbaha- Ang pagbaha ay abnormal na pagtaas ng tubig mula sa karaniwang lebel nito. Ang mga dahilan nito ay maaring artipisyal o likas. ❖ Ukol sa Pagputok ng Bulkan- Ang pagsabog ng bulkan ay ang paputok na paglabas ng magma, gas, at abo mula sa isang bulkan. ❖ Ukol sa Lindol- Maraming lindol o pagyanig ng lupa ang nangyayari sa Pacific Ring of Fire (Kabilang ang Pilipinas) dahil sa banggaan ng mga tectonic plates sa rehiyong ito. ❖ Ukol sa Tsunami- Ang tsunami ay ang naglalakihang alon na humahampas sa lupa na sanhi ay paglindol. DISASTER RISK REDUCTION - PAGASA (Philippine Astronomical, Geophysical, and Astronomical Services Administration) - Mitigation, Paghahanda (Preparedness), Pagtugon (Response), at Pag-ahon (Recovery). - NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) ay ang tanggapan ng pamahalaan na nangangasiwa sa kaligtasan at kabutihan ng mga mamamayan sa panahon ng kalamidad at sakuna. - Ang NOAH (National Operational Assessment of Hazards) ang pangunahing programa ng bansa na nauukol sa disaster risk reduction at management. TULONG NG PAMAHALAAN DSWD Pamamahagi ng mga pagkain, tubig, damit, at iba pang serbisyo sa mga nasamantalaan. DILG Pangangasiwa sa pag-oorganisa ng mga pangkat na nagbibigay tulong sa mga biktima ng kalamidad. DOH Pagbibigay ng mga kinakailangang medisina at iba pang tulong-medikal. DOLE Pagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga naapektuhan DBM Pagpapalabas ng pondong gagamitin ng mga lokal na pamahalaan upang mapag simulan ang pag-aayos ng mga sirang imprastraktura. DENR Pagtatanim ng mga halaman sa kabundukan DPWH Pangangasiwa sa muling pagsasaayos ng mga nasirang pampublikong imprastraktura. DA Pamamahagi ng libreng binhi ng mga pananim at isda sa mga…. AFP Pagbibigay seguridad sa buhay at ari-arian sa pool na naapektuhan. DEPED Pagpapagamit ng mga pampublikong paaralan para sa evacuation.