Araling Panlipunan Modyul 6 PDF
Document Details
Inayawan National High School
RAMWEN LORENZO N. SANCHEZ
Tags
Related
- Community-Based Disaster Preparedness Plan PDF
- Community-Based Disaster and Risk Management Approach (CBDRM) PDF
- CBDRM Plan (Part 2) PDF
- Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction Management Plan PDF
- Araling Panlipunan 10 PDF
- Araling Panlipunan 10 Modyul 5: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan 2020 PDF
Summary
This Filipino learning material is for high school students in the subject Araling Panlipunan, focused on community-based disaster risk management. The document includes questions and discussion on disaster reduction and management.
Full Transcript
10 Araling Panlipunan Unang Markahan Modyul 6: Community-Based Disaster and Risk Management Tagakontekstuwalisa: RAMWEN LORENZO N. SANCHEZ TEACHER III, INAYAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL TAGAPA...
10 Araling Panlipunan Unang Markahan Modyul 6: Community-Based Disaster and Risk Management Tagakontekstuwalisa: RAMWEN LORENZO N. SANCHEZ TEACHER III, INAYAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL TAGAPAGKONTEKSTUWALISA: RAMWEN LORENZO N. SANCHEZ TEACHER III Modyul Community-Based Disaster 6 and Risk Management Ikaanim na Linggo Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay may pag- unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran upang maging bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa among pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao. Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran Paksa: Community Based Disaster Reduction and Risk Management Subukin Bago tayo magsisimula, subukin ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. Bigyang pansin ang mga konsepto na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito. PAALALA: Sa pagsagot ng mga katanungan sa ibaba maging tapat at huwag munang basahin ang talakayan. Pag-aralang mabuti ang bawat gawain at huwag kalimutan ang pagpapahalaga sa aralin. PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang ibig sabihin ng akronym na NGO? A. Non-Government Organizations B. National Government Operations C. Nationalized Government Organizations D. Nobel Prize for Government Organizations 2. Sino ang mayor na pinatawag ng NBI dahil sa isyu ng trisikel? A. Edgar Labella B. Isko Moreno C. Roy Cimatu D. Vico Sotto 3 3. Sino ang hepe ng pulisya na naging hot issue dahil sa mañanita A. Gen. Debold Sinas (Ret.) C. Sec. Eduardo Año B. Sec. Francisco Duque D. Sec. Roy Cimatu 4. Alin sa sumusunod na lungsod ang naging COVID-19 epic center na Visayas? A. Bacolod B. Cebu C. Iloilo D. Tagbilaran 5. Ipinagpalagay sa Top down Approach na ang pamimigay ng __________ ay tungkulin ng pamahalaan tuwing may sakuna… A. Ayuda B. Pabahay C. Sasakyan D. Trabaho 6. Sino ang chairperson ng IATF-EID? A. Gen. Debold Sinas (ret.) C. Sec. Francisco Duque III B. Sec. Eduardo Año D. Sec. Roy Cimatu 7. Nakabubuti ang Top-Down Approach dahil A. ang pamahalaang nasyunal ay mayroong access sa malawakang pondo at manpower. B. Ang pamahalaang lokal ay walang kakayahang bumuo ng sariling mga proyekto. C. Ang isang indibidwal ay maaring makaisip ng isang magandang ideya sa paglutas ng hamong pangkapaligiran. D. Ito ang dahilan kung bakit binoto natin ang pangulo upang magplano para sa ikabubuti ng bayan. 8. Alin dito ang HINDI katangian ng Top-down approach? A. Sentralisado na pagpapatupad ng tugon sa isang kalamidad. B. Nagsisimula ito sa lokal na lebel, sa isang indibidwal o NGO. C. Kadalasan nagsisimula ito mula sa itaas (pangulo) pababa sa sangay ehekutibo ng ating pamahalaan. D. Kadalasay binubuo ito ng mga piling kalihim o miyembro ng gabinete. 9. Kadalasan kanino nagsisimula ang Bottom-up approach? A. Indibidwal C. Pangulo B. Senador D. Lahat ng nabanggit 10. Ang Department of Education Order o DepEd Order ay isang papel na naglalaman ng mga panuntunan tungkol sa isang gawain o event. Dito inilalatag ng kalihim ng kagawaran ang mga polisiyang gagamitin para sa nasabing gawain o event na sinusunod ng bawat opisina at guro. Ang pagbibigay ng isang DepEd Order ay bahagi ng anong approach? A. Bottom-up Approach C. Centralized Approach B. Top-down Approach D. Multiple Angles Approach 4 11. Alin sa sumsusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng Top-Down Approach? A. Ang taunang Clean up drive ng Yes-O. B. Ang Community Garden ng Barangay Iniwananka C. Ang pagsasabatas ng Batas Republika 9003 o Ecological Solid Waste Management Management Act. D. Ang Tree Planting sa kaarawan ni Donya Victorina ng sumapit ang ika-75 kaarawan niya. 12. Alin sa sumsusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng Bottom-Up Approach? A. Ang pamamahala sa Covid -19, ni Kalihim Roy Cimatu sa Cebu. B. Na-isip ni Juan na magkaroon ng isang hardin sa bubong ng bahay. C. Ang pagpapatupad ng Martial Law ng sinalakay ang Marawi ng terorista. D. Ang pagbuo ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases. 13. Paano ipinakita ng sitwasyong ito na ito ay isang bottom up approach? Stiwasyon: Nagpa-clean-up drive ang YES-O ng Iniwanka National High School sa tabing-ilog. A. Ito ay pinangunahan ng isang organisasyon sa paaralan. B. Ang mandato nito ay galing sa punong rehiyon C. Ang mga kalahok nito ay mula pa sa punong rehiyon D. Ang pangulo at ang gabinete ang bumubuo ng Organisasyon 14. Paano ipinakita ng sitwasyong ito na ito ay isang Top Down approach? Sitwasyon: Binuo ni Pangulong Duterte ang IATF-EID A. Ito ay pinanguluhan ni kalihim Duque B. Ito ay binubuo ng miyembro ng gabinete C. Ito ang pinakamataas na organisasyong namamahala sa COVID 19 sa bansa. D. Lahat ng nabanggit 15. Bakit mahalaga ang bottom-up approach? A. Binibigyang halaga nito ang pagiging malikhain ng mga taong bayan sa paglutas ng suliraning hinaharap B. Pinapakita nito na hindi lahat ng impormasyon ay maaaring available sa pamahalaan at maaaring ito ang sus isa paglutas ng problema. C. Hinahayaan nitong maging resilient ang mga pamayanan, lumutas sa kani-kanilang problema at gumawa ng paraang guminhawa ang buhay. D. Lahat ng nabanggit. Paunang Salita sa Modyul Anumang problema ang ating haharapin ay palaging mapaghahandaan o mahahanapan ng paraan. Eto ang dapat ilagay natin sa ating mga kokote, kagaya ng mga paparating na mga banta o hamong dulot ng nagbabagong klima lahat ay 5 maaaring paghandaan. Ang isang malakas na bagyo ay minsan alam nang papasok ng bansa dahil nakikita ito ng PAGASA, kahit ang inaasahang pinakamalakas na lindol na yayanig ng Metro Manila ay di man natin alam kalian ay unti-unting pinaghahandaan na. Pero ang tanong? Sino nga ba ang mangunguna sa paghahanda? Pamahalaang pambansa? Pamahalaan Lokal? NDRRMC? O Tayo ba? Yan ang katanungang sasagutin sa modyul na ito. Aralin 1: Ang CBDRM at ang Dalawang Approaches Alamin Ngayon samahan ninyo ako sa Modyul 6. Ito ay sumasaklaw sa Community Based Disaster and Risk Management. Sa loob ng isang lingo ay innaasahan na nasusuri ng mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan ng mga sumusunod: A. nakapagbibigay ng sariling pakakahulugan ng CBDRM; B. nabibigyang halaga ang disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran; at C. naipapaliwanag ang kaibahan ng dalawang approaches. Panimulang Gawain Alam mo ba noong ika-4 ng Pebrero, 2020 ito ang naging ulo ng mga balita ng Philippine News Agency. Noong ika-23 ng Hunyo, inatasan ng Pangulo ang isa sa mga kasapi ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases na siyang mangasiwa sa pagtugon ng COVID ng lungsod ng Cebu. Ano ang unang pumasok sa iyong isipan ng makita ang dalawang larawan? Ang kahandaan ba ay nangangahulugang wala nang mga balakid at hadlang na hahamon sa mga plano ng pamahalaan? 6 Source: PNA.gov (Bethune, 2020), (Parrocha, Cimatu to oversee Covid-19 response in Cebu City, 2020) Pamprosesong Tanong: 1. Sa iyong opinyon may kahalagahan ba ang kahandaan o preparedness at ang pagtugon o response? 2. Sa iyong opinyon kaya bang pamahalaan ng mga lokal na pamahalaan ang Covid Response? Tuklasin at Suriin Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach Ayon sa Register of Engineers for Disaster Relief (REDR - INDIA) Community-Based Disaster and Risk Management (CBDRM) ay isang proseso na inaasahang humantong sa isang estratehiyang akma sa kalagayan ng komunidad at gawa ng mga residente at opisyales na aktibong nakikilahok para sa kahandaan sa kalamidad at kabawasan ng peligro. Mga Katangian ng CBDRM ayon sa Assistance and Cooperation for Community Resilience and Development Inc (ACCORD) Manual: 1. Tinitingnan nito ang isang kalamadidad ay nangyayari dahil sa kahinaan sa isang komunidad. 2. Kinikilala nito ang kapasidad ng mga tao at nilalayong palakasin ang mga ito. 3. Sinosolusyunan nito ang pinag-uugatan ng kahinaan ng mga tao at binabago o tinatanggal nito ang mga dahilan ng hindi pagkapantay-pantay at mga balakid sa kaunlaran. 4. Itinuturing nitong mahalagang salik sa kabawasan ng peligrong dulot ng isang kalamidad ang paglahok ng mga tao sa mga gawain nito. 5. Pinapahalagahan nito ang kapasidad ng mga organisasyon ng bawat komunidad. Ayon dito ang mga organisasyon ay isang testament na kaya nilang pamahalaan ang kanilang mga sarili na kaya nilang makamit ang mga plano at proyekto na makapagpapabago sa kanilang sitwasyon. 7 6. Kinikilala nito na ang ibang sektor at organisasyon ay may kagustuhang tumulong sa mas nangangailangan sa lipunan lalo na tuwing may sakuna o kalamidad. Kahalagahan ng CBDRM Approach Ang CBDRM at sang-ayon sa konsepto ng isyu at hamong panlipunan, dahil ayon dito ang isang isyu o hamong panlipunan ay maaaring dulot ng kabiguan ng ilang institusyon na isagawa ang kanilang tungkulin. Halimbawa ang kabiguan ng pamahalaan na magsagawa ng maayos na Disaster Risk Reduction Management Plan ay maaring maging dahilan ng paglubha ng magiging epekto ng hazard at kalamidad sa isang pamayanan. Maaari ring dahilan ang kabiguan sa implementasyon ng DRRM Plan ay ang kawalan ng interes ng mga mamamayang makilahok sa pagpaplano nito. Masasabing magandang estratehiya ang CBDRM dahil nakasalalay sa bawat komunidad ang paggawa ng mga solusyon na babagay sa mga peligrong dala ng kalamidad sa kanilang lugar. Ayon naman kina Abarquez and Murshed (Murshed, 2004), ibig ipahiwatig ng CBDRM ay sa bawat paggawa ng desisyon sa pagpapatupad ng mga programa sa disaster risk management, tao o buhay ng mga tao ang dapat isa-alang-alang. Ang Dalawang Pamamaraan sa pagtugon sa Kalamidad Suriin ang tsart sa ibaba at tingnan ang pagkaka-iba ng dalawang pamamaraan ang TOP-DOWN approach at ang BOTTOM-UP App Top-Down: Sentralisado ang pagpapatupad ng tugon sa isang kalamidad. Kadalasan nagsisimula ito mula sa itaas (pangulo) pababa sa sangay ehekutibo ng ating pamahalaan (mga gobernador, alkalde, punong barangay.) Top-Down Approach Issue / Halimbawa Ipinagpalagay na sa paggawa ng Pagdating sa pagpapatupad ng mga mga patakaran – may malinaw barangay kadalasan ay paiba-iba ang na basehan bago ito pagpapatupad ng iisang batas. Hal. ipinapatupad sa lahat ng antas - Isyu ng mga Trisikel sa Pasig. ng ating pamahalaan. Dito pinatawag ng NBI si Mayor Sotto sa “pag-aakalang” patuloy na pinapayagan ang pagpapatakbo ng mga pampublikong trisikel sa Pasig. Itinigil na pala. (Caliwan, 2020) - Mañanita / Happy Birthday. Nong nagkaroon ng handaan ang mga pulis para sa kaarawan ng kanilang hepe na si Debold Sinas. Hindi pinatalsik ni Duterte si Sinas kahit alam nitong may nangyaring salo-salo. (Parrocha, 2020) Ipinagpalagay rin nito na Pamimigay ng ayuda tuwing ECQ, agad na tungkulin ng pamahalaan at ng nagrereklamo ang mga tao na hindi nakatanggap at marami ring umaabuso 8 mga ahensya nito ang agarang nito kung saan doble-doble ang pagbibigay ng ayuda. tinatanggap. (Cudis, 2020) Ang mga patakaran ay Pagpapanitili ng suplay ng mask, PPE at kadalasang nakatutok sa iba pa ngunit hindi naghahanap ng pagpapanatili at proteksyon, paraan ng permanenting paraan para kadalasang nagiging solusyon ay malutas ang problema tulad ng vaccine o ang konserbasyon at gamot. Nag-aantay lang ang Pilipinas sa agrikultura. mga pangako ng China at US na Vaccine. (Nepomuceno, 2020) Hindi nito nakikita na may Ipinadala ng pangulo si kalihim Roy limitasyon ang kakayahan ng Cimatu sa Cebu upang lubos pamahalaan kung paano niya maintindihan bakit patuloy ang pagdami ipapatupad ang pamamahala sa ng COVID cases sa Cebu. (PCOO, 2020) kalamidad. Ang responsibilidad sa Nakasalalay sa IATF-EID ang mga pagpapatupad ng pamamahala patakarang ipapatupad ng mga lungsod sa kalamidad ay nakasalalaly sa at probinsya na binubuo ng mga kalihim iilang mga matataas na ng DOH, DEPED, at iba pang kalihim ng opisyales ng pamahalaan. pamahalaan. (Lopez, 2020) Source: (State University of New York, 2014) Sa Top-down approach malaki ang maitutulong ng pamahalaan sa mga tatamaan ng kalamidad. Nasa kamay at direksyon ng pangulo ang iba’t-ibang ahensya na puwedeng tumulong sa nasalanta tulad ng access sa pondo o relief goods ng DSWD o tulad ng Cebu na dinagsa ng Sundalo at Pulis upang maseguro ang kaayusan. Ito ang kalakasan ng Top-down approach walang bayan o probinsya ang makakapantay sa national government ng mga mapagkukunan ng pondo at manpower. Ngunit malaking kahinaan naman nito ang pagiging sentralisado at ang kanyang burukrasya – ang mahabang dinadaanan ng impormasyon o tulong na minsa’y nagiging daan pa ng kurapsyon. Nandito ang mga EKSPERTO sa Sistema, patakaran at kalakaran ng pamahalaan, ang kalihim ng badyet, ang pinuno ng sandatahang lakas ng Pilipinas, ang kalihim ng lokal na pamahalaan at iba pa, pati ang pangulo na may malawak na kapangyarihan sa pagpapatupad. Ito ang balak na bigyang katugunan ng Bottom-Up Approach. Mula sa pangalan nito, ang mga patakaran / pamamaraan ay nagmumula sa mga lokal na pamahalaan, komunidad, sa isang indibidwal o NGO. 9 Tingnan naman natin ang pangalawang pamamaraan, ang Bottom-Up Approach sa susunod na talaan. Bottom-Up Approach Issue / Halimbawa Nasisiguro na kayang simulan at Urban Gardening sa Talisay City, Cebu, ipagpatuloy ng komunidad ang gamit ang mga bote ng plastik at iba pa. Sa pag-unlad isang pakontest ng Talisay City LGU at Presidential Commission for the Urban Poor na nilahukan ng 24 na Urban Poor Organizations ng Talisay City. Naging basehan ang laki ng kinita ng mga residente mula sa kanilang ani at kinita nila sa mga waste materials mula sa komunidad. (Tudtud, 2016) Mahalaga man ang papel na Noong unang mga araw ng Hulyo, merong ginagampanan ng pamahalaan, naging magandang ideya ang LGU ng pribadong sector at NGOs (Non- Ormoc City. Ito ay ang paggamit ng QR Government Organization) pero Codes sa pagsubaybay sa mga para umunlad ang isang nagtatrabahong labas pasok sa lungsod. komunidad mas mahalaga ang (Sabalza, 2020) papel ng mga lokal na mamumuno. Nabibigyang diin ang paggamit Tulad na lamang sa upcycling ng mga sira at pamamahala ng mga lokal na o lumang damit sa Econest Landfill, pinagkukunan or resources. marami ang “trash sorters” marahil alam nila ito ay mga mahahalagang materyales para sa kanilang mga gagawing produkto. (Garcia, A Landfill that Fulfills Wasted Dreams, 2019) Nangangailangan ng mas 17,000 manok na ibinigay ng isang mapanagutang paggamit ng negosyanteng Thai ay kasalukuyang tulong pinansyal mula sa labas hinahanap kung saan napunta. Ayon sa ng bansa. imbestigasyon ito ay naipamigay na sa mga residente ng Cebu City. (Letigio, 2020) Ang kagustuhang magbago ay Balikan natin ang isang pangkat ng nasa kamay ng mga residente ng kababaihan sa Basista, Pangasinan sa komunidad. modyul 3 na gumagawa ng mga bags at iba pang produktong yari sa mga basurang tulad ng newspaper, balat ng kendi, packaging ng junkfoods at iba pa. Binibili nila ang mga materyales mula sa mga residente ng kanilang bayan. Maraming turista ang tumatangkilik sa kanilang produkto dahil “unique” daw ito. (Austria, 2019) 10 Isagawa o Pagyamanin Gawain 1 – Tsek-up Test!: Basahin at sundin ang mga ibinigay na panuto. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. A. Kilalanin: Suriin ang mga pangungusap at halimbawa ng mabuti. Isulat ang BU kung ito ay tungkol sa Bottom-Up Approach at TD kung ito ay Top-Down Approach. 1. Ang pagbuo ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases. 2. Na-isip ni Juan na magkaroon ng isang hardin sa bubong ng bahay. 3. Ang pagpapatupad ng Martial Law ng sinalakay ang Marawi ng Terrorista. 4. Ang Tree Planting sa kaarawan ni Donya Victorina ng sumapit ang ika-75 kaarawan niya. 5. Ang taunang Clean up drive ng Yes-O. 6. Ang pagsasabatas ng Batas Republika 9003 o Ecological Solid Waste Management Management Act. 7. Ang Community Garden ng Barangay Iniwananka 8. Ang pagpapatayo ni Crisostomo Ibarra ng Earthquake proof na bahay. 9. Ang pagpapasara at pagpapalinis ni Pangulong Duterte sa Ilog Pasig, Boracay at Manila Bay. 10. Ang pamamahala sa Covid -19, ni Kalihim Roy Cimatu sa Cebu. Isaisip Gawain 2 – Dugtungan mo: Tapusin ang sinimulang pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Ang Community-Based Disasater and Risk Management Approach ay tumutukoy sa ____________________________________________________________. 2. Magiging matagumpay ang CBDRM Approach kung ________________________ __________________________________________________________________________. 3. Ang pinakasentro ng CBDRM Approach ay ______________________________ ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________. 4. Makakatulong ang CBDRM Approach sa paglutas ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran dahil _____________________________________________________ __________________________________________________________________________. 5. Mahalgang alamin ang kalakasan ng Top-down at Bottom-up Approaches dahil __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________. 11 Tayahin PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ito ay tumutukoy sa isang pangkat ng mga pribadong tao o isang pribadong organisasyon? A. Non Generic Organizations B. Non-Government Organizations C. Nobel for Government Organizations D. Nationalized Government Organizations 2. Si Mayor Vico Sotto ay ipinatawag ng National Bureau of Investigations dahil inakala nilang pinapayagan pa ng alkaldeng tumakbo sa lansangan ang ________________? A. mga trisikel C. pampublikong tren B. mga LRT at MRT D. mga pribadong sasakyan 3. Bakit naging hot issue ang mañanita ni Retired Chief PNP Gen. Debold Sinas? A. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng MGCQ B. Ito ay ginanap sa loob ng maikling panahon. C. Ito ay nakitaan ng hindi pagsunod sa mga protocols. D. Ito ay pinondohan ng malacañan ng pera ng taong bayan. 4. Isa sa palaging daing at inaaasahan ng mga mamamayan tuwing may ECQ ay ang pamimigay ng ayuda. Sino ang inaasahang mangalap ng pondo at mamigay nito? A. pamahalaan B. paaralan C. sentral bank D. taumbayan 5. Sa paaraang ito ay inaasahang ang pamahalaan ang manguna sa disaster response. A. Bottom-up Approach C. Centralized Approach B. Top-down Approach D. Multiple Angles Approach 6. Alin dito ang HINDI katangian ng Bottom-up approach? A. Ang pamahalaang nasyunal ay mayroong access sa malawakang pondo at manpower. B. Ang pamahalaang lokal ay walang kakayahang bumuo ng sariling mga proyekto. C. Ang isang indibidwal ay maaring makaisip ng isang magandang ideya sa paglutas ng hamong pangkapaligiran. D. Ito ang dahilan kung bakit binoto natin ang pangulo upang magplano para sa ikabubuti ng bayan. 12 7. Alin dito ang katangian ng Bottom-up approach? A. Nagsisimula ito sa lokal na lebel, sa isang indibidwal o NGO B. Kadalasan nagsisimula ito mula sa itaas (pangulo) pababa sa sangay ehekutibo ng ating pamahalaan. C. Kadalasa’y binubuo ito ng mga piling kalihim o miyembro ng gabinete. D. Sentralisado ang pagpapatupad ng tugon sa isang kalamidad. 8. Kadalasan sino ang nangunguna upang mabuo ang isang top-down approach? A. Indibidwal C. Mayor B. Ahensya ng pamahalaan D. Lahat ng nabanggit 9. Alin sa sumsusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng Top-Down Approach? A. Naghanda si Doña Victorina pagkain para sa mga street children. B. Nagpagawa ng community garden si Maria Clara kapitan ng barangay C. Ang pag-update at pag-rekomenda ng mga Quarantine Classifications. D. Nagtanim ng mga puno si Donya Victorina ng sumapit ang ika-75 kaarawan niya. 10. Ayon sa ACCORD Manual alin sa sumusunod ay HINDI katangian ng Community Based Disaster Risk Management? A. Pinapahalagahan nito ang kapasidad ng mga organisasyon ng bawat komunidad. B. Kinikilala nito ang kapasidad ng mga tao at nilalayong patalsikin ang mga ito sa komunidad. C. Tinitingnan nito ang isang kalamadidad ay nangyayari dahil sa kahinaan sa isang komunidad. D. Itinuturing nitong mahalagang salik sa kabawasan ng peligrong dulot ng isang kalamidad ang paglahok ng mga tao sa mga gawain nito. 11. Paano ipinakita ng sitwasyong ito na ito ay isang Top-down approach? Sitwasyon: Pinulong ni Pangulong Duterte ang IATF-EID A. Ang organisasyong ito ay binubuo ng mga gabinete ng pangulo. B. Ito ay binubuo ng mga lider mula sa iba’t ibang bansa sa daigdig. C. Ito ay isang pambansang organisasyon ng mga pribadong indibidwal D. Lahat ng nabanggit 12. Ang IATF-EID Resolution ay isang papel na naglalaman ng mga panuntunan tungkol sa mga susunod na hakbangin ng pamahalaan kontra Covid. Dito inilalatag ng mga miyembro ng ahensya ang mga polisiyang napagkasunduan para sa susunon na mga hakbangin ng pamahalaan na sinusunod ng bawat isa sa atin. Alin sa sumusunod ang mga dahilan kung bakit HINDI ito maituturing na bottom-up approach? A. Ipinapatupad ito sa lahat ng antas ng ating pamahalaan. B. Ang IATF-EID ay pinamumunuan ng mga miyembro ng gabinete. C. Ito ay isa sa pinakamataas na ahensyang namamahala sa Covid-19. 13 D. Ang IATF-EID ay isang non-government organization na namamahala sa Covid-19. 13. Paano ipinakita ng sitwasyong ito na ito ay isang bottom-up approach? Stiwasyon: Napagpasyahan ni Juan dela Cruz na ipaalala sa ibang mga mamamayan ang mga covid-19 protocols. Kaya gumawa siya ng isang poster at idinikit niya ang mga ito malapit sa kaniyang bahay. Nagustuhan ito ng mga opisyal ng kanilang homeowners’ association at pinondohan para mas marami pang posters ang magagawa. A. Ang mga organizers nito ay mula pa sa malacañan. B. Ito ay ipinag-utos ng pangulo ng homeowners’ association. C. Ito ay pinangunahan ng isang pangkat ng mga indibidwal. D. Ang pangulo at ang gabinete ang bumubuo ng Organisasyon 14. Sa Hermit’s Cove sa Aloguinsan, Cebu, isang pangkat ng kababaihan ang namamahala sa pampublikong beach resort. Sila ang nagpapaliwanag sa mga health protocols at namamahala sa lugar upang mapanatiling malinis at maganda ito. Anong katangian ng CBDRM ayon sa ACCORD Manual? A. Sentralisado ang pagpapatupad ng tugon sa isang kalamidad. B. Tinitingnan nito ang isang kalamadidad ay nangyayari dahil sa kahinaan sa isang komunidad. C. Kinikilala nito ang kapasidad ng mga tao at nilalayong palakasin ang mga ito. D. Lahat ng Nabanggit 15. Tumama ang isang bagyo sa isang komunidad sa may baybaying dagat. Winasak nito ang mga kabahayan dito na nagdulot nang pagkasira ng mga ari-arian ng mga tao rito. Unang ginawa ng kapitan ay naghanap ng isang relocation site na di kalayuan sa baybaying dagat. Anong katangian ng CBDRM ayon sa ACCORD Manual? A. Tinitingnan nito ang isang kalamadidad ay nangyayari dahil sa kahinaan sa isang komunidad. B. Kinikilala nito ang kapasidad ng mga tao at nilalayong palakasin ang mga ito. C. Sinosolusyunan nito ang pinag-uugatan ng kahinaan ng mga tao at binabago o tinatanggal nito ang mga dahilan ng hindi pagkapantay-pantay at mga balakid sa kaunlaran. D. Lahat ng Nabanggit 14 Karagdagang Gawain Gawaing Pangkasanayan 1 – May Magagawa Ako!: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng apat na mahahalagang health protocols bilang pagpapaalala sa mga miyembro sa pamilya at mga kapitbahay. Idikit ito sa labas ng inyong pintuan para mas makita ng iyong pamilya. Dapat makikita sa iyong poster ang APAT na health protocols, mask, hugas, iwas at magpabakuna. Ilagay ito sa isang mahabang puting papel (long size bondpaper). Sa ibaba makikita ang gagamiting basehan ng pagmamarka ng iyong guro. Pamantayan 8-10 puntos 4-7 puntos 1-3 puntos Walang Pagkamalikhain Lubos na pagkamalikhain Hindi gaanong naipasa naipamalas ang sa gawain naging pagkamalikhain mahusay ang sa gawain pagkagawa Presentasyon Kitang kita at Kitang kita at Hindi agad mabilis ngunit hindi mababatid at mauunawaan mabilis mahirap ang apat na mauunawaan mauunawaan health protocols ang apat na ang apat na sa poster health protocols health protocols sa poster sa poster Kaangkupan sa Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Paksa angkop ang mga larawan sa angkop ang mga larawan sa paksa mga larawan paksa sa paksa Sanggunian (2014). Retrieved from State University of New York: https://www.sunypress.edu/pdf/63046.pdf Austria, H. (2019, March 8). Pangasinan town turns solid wastes into bags, bricks. Retrieved from Philippine News Agency: https://www.pna.gov.ph/articles/1063962 Bethune, K. (2020, February 4). Cebu placed under state of preparedness amid nCoV scare. Retrieved from PNA.gov: https://www.pna.gov.ph/articles/1092825 Caliwan, C. L. (2020, April 2). ‘Conflict’ with Mayor Vico Sotto settled, DILG exec says. Retrieved from PNA.gov.ph: https://www.pna.gov.ph/articles/1098582 15 Cudis, C. (2020, June 23). DSWD uncovers 51,563 duplicate aid beneficiaries. Retrieved from PNA.gov.ph: https://www.pna.gov.ph/articles/1106778 Garcia, J. M. (2019, September 15). A Landfill that Fulfills Wasted Dreams. Retrieved from Philippine News Agency: https://pia.gov.ph/news/articles/1027341 Garcia, J. M. (2019, September 15). A Landfill that Fulfills Wasted Dreams. Retrieved from Philippine News Agency: https://pia.gov.ph/news/articles/1027341 Letigio, D. D. (2020, June 25). Lost Chickens Found. Retrieved from Cebu Daily News: https://cebudailynews.inquirer.net/321439/lost-chickens-found Leyson, O. O. (2019, June 28). Engineers told: Explain CCMC delay. Retrieved from The Philippine Star: https://www.philstar.com/the-freeman/cebu- news/2019/06/28/1930141/engineers-told-explain-ccmc-delay Lopez, V. (2020, March 9). Duterte convenes inter-agency body as COVID-19 cases rise to 20. Retrieved from GMANetwork.com: https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/728975/duterte- convenes-inter-agency-body-as-covid-19-cases-rise-to-20/story/ Murshed, S. K. (2004). COMMUNITY-BASED DISASTER RISK MANAGEMENT FOR LOCAL AUTHORITIES. Retrieved from UNISDR.ORG: https://www.unisdr.org/files/3366_3366CBDRMShesh.pdf Nepomuceno, P. (2020, June 14). US willing to share Covid-19 vaccine, treatment to PH. Retrieved from PNA.gov.ph: https://www.pna.gov.ph/articles/1105840 Parrocha, A. (2020, June 23). Cimatu to oversee Covid-19 response in Cebu City. Retrieved from PNA.gov.ph: https://www.pna.gov.ph/articles/1106691 Parrocha, A. (2020, May 20). Duterte won't fire Sinas over birthday bash amid quarantine. Retrieved from PNA.gov.ph: https://www.pna.gov.ph/articles/1103368 PCOO. (2020, June 23). President Duterte orders Cimatu to lead Cebu coronavirus fight. Retrieved from PCOO.gov.ph: https://pcoo.gov.ph/news_releases/president-duterte-orders-cimatu-to- lead-cebu-coronavirus-fight/ REDR - INDIA. (n.d.). Community based disaster risk management. Retrieved from Prevention Web: https://www.preventionweb.net/events/view/40211?id=40211 Sabalza, G. (2020, July 2). Ormoc City imposes new travel restrictions. Retrieved from PNA.gov.ph: https://www.pna.gov.ph/articles/1107765 Tudtud, A. D. (2016, October 11). CEBU’S URBAN GARDENING, WASTE UTILIZATION AND TAKAKURA COMPOSTING COMPETITION. Retrieved from Presidential Commission of the Urban Poor: http://pcup.gov.ph/index.php/12-articles/126-cebu-s-urban-gardening- waste-utilization-and-takakura-composting-competition Grade 10 Learners Manual for Araling Panlipunan 16