Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 1: Kabihasnang Minoan, Mycenean at Kabihasnang Klasiko ng Greece PDF
Document Details
Uploaded by DependableOrphism6580
Don Sergio Osmeña Sr. Memorial National High School
Princess L. Mondejar
Tags
Summary
This learning module covers the Minoan, Mycenaean, and Classical civilizations of Greece, focusing on historical aspects and concepts.
Full Transcript
8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 1: Kabihasnang Minoan, Mycenean at Kabihasnang Klasiko ng Greece Naikonseptwalisa ni Princess L. Mondejar DSOSMNHS 1 Pambungad sa Araling Panlipunan 8 Un...
8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 1: Kabihasnang Minoan, Mycenean at Kabihasnang Klasiko ng Greece Naikonseptwalisa ni Princess L. Mondejar DSOSMNHS 1 Pambungad sa Araling Panlipunan 8 Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang- sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Tagalikum/ Tagakontekstuwalisa: Princess L. Mondejar, T- III, Don Sergio Osmeña Sr. MNHS Rowena C. Pantaleon, MT- II, Don Carlos A. Gothong MNHS Miah C. Auman, T- III, Tisa National High School Melissa Ordeneza, T-I, Cebu City National Science High School Tagasuri: Sheila T. Ycong, Principal I, Taptap Integrated School Judith S. Cabaocabao, MT- II, Ramon Duterte MNHS Sheila T. Ycong, Principal II, Taptap Integrated School Tagapamahala: Rhea Mar A. Angtud, EdD, Schools Division Superintendent Danilo G. Gudelusao, EdD, Asst. Schools Division Superintendent Grecia F. Bataluna, Curriculum Implementation Division Chief Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education Division of Cebu City, Region VII Office Address: Imus Ave., Barangay Day-as, Cebu City Telefax: (032) 255-1516; CID : (032) 401-0591 E-mail Address: [email protected] 2 8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 1: Kabihasnang Minoan, Mycenean at Kabihasnang Klasiko ng Greece 3 Paunang Salita Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ka. Ninanais ding matulungan kang makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang iyong pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay inaasahang makakauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang inyung mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Ang modyul na ito ay may mga bahagi na dapat mong maunawaan. Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa aralin. Alamin Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. 4 Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong Suriin matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang Pagyamanin iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o Isaisip talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman Isagawa o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa Tayahin pagkamit ng natutuhang kompetensi. Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang Karagdagang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang Gawain aralin. Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. 5 Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! 6 Modyul 1: Kabihasnang Minoan, Mycenean at Kabihasnang Klasiko ng Greece Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig. Pamantayang Pangkasanayan Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Kakayahan Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece. Paksa/Subject Code: Kabihasnang Minoan, Mycenean at Kabihasnang Klasiko ng Greece (AP8DKT-IIa-1) Subukin (Panimulang Pagtataya) Kumusta mga mag-aaral! Nandito na naman ako, ang inyong tagapaglingkod at makakasama ninyo sa paglalakbay sa mga modyul sa ikalawang markahan. Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa Modyul 1, sagutin muna natin ang mga katanungan sa Paunang Pagsusulit o Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit subalit ginagamit ito upang matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangan hanapin ang tamang sagot ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong. Panuto. Basahin at unawain ng mabuti ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Ang digmaang Trojan ay ikinuwento sa epikong Iliad at Odyssey. Sino ang may- akda nito? A. Homer B. Paris C. Pericles D. Socrates 2. Ang kabihasnang Minoan ay nadiskubre ng isang British historian at arkeologo. Sino ang tinutukoy na siya ring nanguna sa paghuhukay ng Knossos? A. Arthur Evans C. Heinrich Schliemann B. Chris Evans D. Richard J. Evans 3. Ang polis na ito ang may pinakamalaking populasyon at lunduyan ng demokrasya. Anong lungsod-estado ang tinutukoy sa pahayag? 7 A. Athens B. Megara C. Sparta D. Thebes 4. Ang kabihasnang Mycenaean ay tahanan ng tanyag na haring si Agamemnon, na siyang tumulong sa kanyang kapatid upang mabawi ang asawa nito. Anong higanteng estatwa ang iniwan ng kanyang hukbo sa labasan ng Troy? A. Estatwa ni Zeus B. Parthenon C. Trojan Horse D. Venus de Milo 5. Isang bagong sibilisasyon ang umusbong sa pagwawakas ng Dark Ages. Ano ang tawag ng maraming Griyego sa kanilang bansa? A. Hellas B. Hellenes C. Heleniko D. Polis 6. Nahukay ang archeological sites ng kabihasnang Mycenaean noong 1870. Sino ang German archeologist ang nakadiskubre nito? A. Adolf Hitler C. Heinrich Schliemann B. Arthur Evans D. Heinz Schneider 7. Ginalit ni Haring Minos si Poseidon at bilang kaparusahan, nagpadala si Poseidon ng toro para mapaibig si Pasiphae (asawa ni Minos). Nagbunga ito ng maalamat na nilalang, Ano ang tawag dito? A. Helot B. Minotaur C. Toro D. Trojan Horse 8. Ito ay isa sa mga bahagi ng polis kung saan makikita ang mga palasyo at templo. Ano ang tawag sa pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar? A. Acropolis B. Agora C. Knossos D. Metropolis 9. Ang digmaan ng Thermopylae ay isa sa pinakatanyag na labanan ng Gresya laban sa Persia. Bakit mahalaga ang labanan na ito para sa tagumpay ng digmaang Salamis? A. Dahil nasawi ang lahat ng mga sundalo ng hukbong Persia B. Dahil ito ang naging hudyat ng pagtatapos ng mga lungsod-estado. C. Dahil sa labanan ng Thermopylae, namatay si Xerxes at natalo ang Persia D. Dahil nabigyan ng sapat na oras ang mga Griyego na lumikas at magkapaghanda 10. Ang tunggalian ng Athens at Sparta ay umabot sa isang madugo at mahabang labanan, ang digmaang Peloponnesian. Ano ang naging epekto nito sa sinaunang Gresya? A. Ang digmaan na ito ang naging daan upang maging imperyo ang Gresya. B. Naghari ang Athens sa buong Gresya na tumupad sa pangarap ni Pericles. C. Sa pagkapanalo ng Sparta, naging mas mayaman, masagana at mapayapa ang lungsod-estado. D. Ito ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga ari-arian at lubhang kakulangan sa pagkain na siyang nagpahina sa kabuuang Gresya. 11. Sa digmaang Salamis, malalaking barko ang ginamit ng mga Persiano ngunit sila ay natalo sa huli. Ano ang dahilan ng kanilang pagkatalo? A. Karamihan sa sundalo ng hukbong Persiano ay hindi marunong humawak ng sandata. B. Mas marami ang sundalong Griyegong lumahok sa digmaan kaysa sa imperyong Persia. C. Ang makipot na dagat ng Salamis ang nagbigay kalamangan sa plota ng Gresyasa pagpapalubog ng mga barko ni Xerxes. D. Pinagtaksilan si Xerxes ng isa sa kanyang mga heneral at pinagkanulo ang kanyang buong plano at stratehiya sa pagsalakay. 12. Ito ay digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta na tumagal ng mahigit 27 taon. Anong digmaan ang tinutukoy sa pahayag? A. Digmaang Plataea C. Digmaang Salamis B. Digmaang Peloponnesian D. Digmaang Thermopylae 13. Sinalakay ng Persia ang mga kalapit na kolonyang Greek noong 546 B.C.E upang palawakin ang kanilang imperyo sa kanluran ngunit wala silang plano na sakupin ang Gresya. Bakit ito nauwi sa digmaang Graeco-Persia? A. Nagalit si Darius I nang tulungan ng Athens ang mga kolonya. B. Gustong bawiin ng Persia si Helen mula sa kamay ni Paris. C. Ipinaghigante ni Xerxes ang napaslang niyang ama sa gitna ng digmaan. D. Naisip ni Darius na mahina at kulang ang sandatahang pandigma ng Athens kahit pa man sa kasaganahan nto. 8 14. Ang mga mamamayan ng polis ay may karapatang bumoto, magkaroon ng ari- arian, at ipagtanggol ang sarili sa korte. Sa edad na 15, natatamasa na ba ng isang mamamayang Pilipino ang karapatang bumoto? A. Hindi, dahil ang nakakaboto lamang dito sa Pilipinas ay mga 18 taong gulang pataas. B. Hindi, dahil wala pang tiwala ang pamahalaan sa kakayahang mamili ng mga kabataan. C. Oo, dahil lahat ng tao na lehitimong mamamayan ng Pilipinas ay may karapatang bumoto maging mga bata. D. Oo, dahil ang mga kabataan na may edad 15 pataas ay mayroon nang karapatang bumoto sa halalan ng SK. 15. Pinaiiral ang sistemang Demokratiko sa Pilipinas na kung saan ang mga mamamayan ay may pantay na karapatan bilang tao, mayaman man o mahirap. Bilang isang ordinaryong mamamayan, paano niya nagagampanan ang responsibilidad na makilahok sa pamamahala ng bansa? A. maagap na pagbabayad ng buwis B. matapat at matinong pagboto sa halalan C. paggalang at pagsunod sa mga batas ng Pilipinas D. lahat ng nabanggit 9 Aralin Kabihasnang Minoan at 1 Mycenean Alamin Magandang buhay mga mag-aaral! Magiliw na pagbati sa bagong kaalaman ang matutunan tungkol sa kabihasnang Minoan at Mycenean. A. Nailalarawan ang heograpiya ng sinaunang Gresya at pagsibol ng sibilisasyong Aegean, B. Natatalakay ang kabihasnang Minoan at Mycenaean, C. Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kabihasnang Minoan at Mycenean gamit ang Venn diagram. Sa araling ito, tuklasin at suriin ang kabihasnang Minoan at Mycenean. Makikilala natin ang mga arkeologong nakadiskubre nito. Tatalakayin din sa aralin na ito ang uri ng kanilang pamumuhay at mga mito na naging tanyag sa sibilisasyong Aegean. Panimulang Gawain GAWAIN 1: LARAWAN KO, SURIIN MO! Capilla Santa Ana Museum and A. Pansinin ang larawang nasa Community Center (Toledo City, Cebu) kaliwa. 1. Ano ang iyong nakikita sa https://www.cebutraveller.com/toledo-maze-garden/ larawan? 2. Alam mo ba kung anong uri ng estruktura ang nasa kaliwa? 3. Naniniwala ka ba sa mga mito o alamat? Bakit? B. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? Tungkol saan kaya ang paksa sa aralin na ito. Kumpletuhin ang salita sa ibaba? 1. Saang bansa ito naitatag? G R S A 2. Ano ang tawag sa isang paligsahan na nagaganap bawat apat na taon na sinasalihan ng iba’t ibang bansa sa buong mundo? O L M P I 10 Tuklasin at Suriin HEOGRAPIYA NG SINAUNANG GRESYA (Greece) Kilala ang Gresya bilang lunduyan ng Olimpiko, mitolohiya, medisina, at higit sa lahat ito ang bansa kung saan isinilang ang demokrasya. Ang bansang Gresya ay matatagpuan sa kontinente ng Europa. Ang lupain ay mabato at mabundok na naging panangga laban sa mga dayuhang mananakop. Dahil sa topograpiya ng Gresya, ang lungsod-estado ay umunlad ng magkakahiwalay at nagkaroon ng natatanging katangiang kultural. Napalilibutan ng katubigan ang Gresya. Ang karagatan ng Mediterranean at ang mga mainam na daungan na nakapaligid ang nagbigay-daan sa maunlad na kabuhayan bunsod ng mayabong na kalakalan at pangingisda. Nakapagtatag din ang mga sinaunang Griyego ng kaugnayan at interaksiyon sa iba’t-ibang uri ng tao sa sandaigdigan na siyang tumulong upang mapayaman ng husto ang kanilang kultura. MAPA NG SINAUNANG GRESYA http://irenevillanueva12.blogspot.com/2014/09/kabihasnang-klasikal-ng-greece.html Gabay na Tanong: 1. Ano ang mga anyong tubig na malapit sa Gresya? 2. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon ng Gresya sa pag-usbong ng mga kabihasnan? 11 KABIHASNANG MINOAN Ang kauna-unahang sibilisasyon sa Aegean na nabuo sa Crete ay tinawag na Minoan na hango sa pangalan ng tanyag na hari ng pulo na si Minos. Sumibol ito sa mga pulo at baybayin ng Aegean Sea na matatagpuan sa timog ng Gresya. Ang mga ninuno nito ay sinasabing nanggaling sa Anatolia o Turkey noong 4000 B.C.E na naglakbay sa pamamagitan ng mga tulay na lupa sa panahon ng yelo (ice age). Nadiskubre ito ni Sir Arthur Evans, isang British historian at arkeologo na nagsagawa Sir Arthur Evans ng paghuhukay sa Knossos. Ang Knossos ay ang pinakamakapangyarihang lungsod ng Crete na nabanggit https://www.britannica.com/biograph ni Homer (tanyag na manunulat sa Greece) sa akda niyang y/Arthur-Evans Iliad at Odyssey. Ang mga Minoans ay nakatira sa mga bahay na yari sa laryo (bricks). Nagtatanim sila ng olives, ubas, barley at wheat; at nagpapastol ng mga hayop. Sila ay kilala bilang mga mahuhusay na mandaragat na umabot ang paglalayag sa magkabilang dulo ng dagat Mediterranean para mangalakal. Nakikipagkalakalan sila ng mga palayok na gawa sa luwad; at sandata na yari sa tanso, ginto at pilak. Umunlad ng husto ang kabuhayan ng mga Minoan sa pakikipagkalakalan sa paligid ng Aegean hanggang sa Ehipto at Mesopotamia. Ang toro ay mahalagang simbolo ng kabihasnang Minoan kung saan isa sa mga paniniwala na may kaugnayan dito ang Constellation of Taurus na sinasabing ginuhit mismo ni Zeus (pinuno ng mga diyos sa mitolohiyang Griyego) sa kalangitan upang ipaalala kay Europa (isang nilalang mula sa Syria) kung gaano niya ito kamahal. Sila ang mga magulang ng tanyag na haring si Minos. Si Minos ay sangkot din sa isang mito tungkol sa maalamat na nilalang – kalahating toro (sa bandang ulo) at kalahating tao na tinatawag na Minotaur minotaur. Ayon sa mito, si Minos ay nakagawa https://sites.google.com/site/basicgreekmythology/mon ng kasalanan kay Poseidon at bilang sters-and-creatures/minotaur kaparusahan nagpadala ang huli ng toro para ibigin ni Pasiphae, asawa ni Minos. Ang di-likas na koneksyon ng dalawa ay nagbunga ng isang halimaw na may katawan ng lalaki at ulo ng toro. Upang matago ang kahihiyan ng asawa, nagpagawa siya ng isang labyrinth o masanga-sangang pasilyo sa Knossos. Inalayan niya ito ng mga batang babae at lalaki mula sa Athens. Kalaunan, nalaman ito ng anak ng hari ng Athens. Ayaw niyang patuloy na mapahamak ang kabataan kung kaya’t napagpasyahan niyang puntahan ang Minotaur sa labyrinth at napagtagumpayan niya itong patayin. Ang kanilang labanan at bull dancing ang madalas na kinakatawan sa sining ng Griyego na makikita sa kanilang mga paso at fresco (pagpipinta sa pader). Sa pag-aaral ng mga arkeologo, ang pagbagsak ng kabihasnan ay bunga ng pagkasira ng Knossos dahil sa Poseidon sunod-sunod na kalamidad. Unti-unting humina ang https://www.greekmythology.com/Olympia lungsod at nang lumaon ay tuluyang bumagsak dahil sa ns/Poseidon/poseidon.html pagsalakay at pananakop ng mga Mycenaean. Gabay na Tanong: 1. Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan? 2. Ano ang dahilan ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga Minoan? 12 KABIHASNANG MYCENAEAN Matatagpuan ang Mycenaea, sentro ng kabihasnan, labing anim na kilometro ang layo mula sa aplaya ng karagatang Aegean sa gitnang Gresya. Ang panahon ng pag-iral nito ay tinatawag na panahong Hellenic kung saan Hellas ang katawagan ng Gresya sa wikang Griyego. Ang mga Mycenean ay sinasabing nagmula sa Timog Asya. Sila ay mga etnikong nomadiko na naggaling sa pagitan ng Iran at Pakistan na nandarayuhan sa India at Europe (Indo-European) na kalaunan ay nagtatag ng sarili nilang lungsod. Nahukay ng isang German archeologist na si Heinrich Heinrich Schliemann Schliemann noong 1870 ang gumuhong labi ng https://ritaroberts.wordpress.com/2015/08/17/ Mycenaea. ancient-lenses-optical-lenses-at-knossos/ Ang Mycenaea ay binubuo ng mga makapangyarihang pamilya na may sariling palasyo at napaliligiran ito ng makapal na pader na nagsilbing pananggalang sa mga maaaring lumusob. Pinag-uugnay ang mga lungsod ng maaayos na daraanan at tulay. Gumawa sila ng kanal/drainage na yari sa tubong luwad o clay pipes. Ayon sa pag- aaral, naipagpatuloy nila ang industriya ng kalakalan ng mga Minoan. Pinaunlad nila ng magkasabay ang sektor ng agrikultura, paggawa at kalakalan. Nagtanim din sila ng ubas, butil, olives, wheat at barley. Gumawa sila ng tela, kagamitang bakal; at nag- imbento ng pabango galing sa mga halaman. Kilala sila bilang malalakas na mandaragat at mandirigma. Ang kabihasnang Mycenaean ay tahanan ng tanyag na haring si Agamemnon na siyang namuno sa digmaang Trojan. Ang nasabing labanan ay ikinuwento ni Homer sa kaniyang mga epikong Iliad at Odyssey. Nagsimula ang hidwaan nang dinukot o tinanan umano si Helen, asawa ng kapatid ni Haring Agamemnon na si Menelaus – na hari naman ng Misenong Doryanong Isparta. Si Helen, ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, ay sinasabing nagkaroon ng bawal na pag-ibig sa prinsipe ng Troy na si Paris. Ang sinasabing pagtatanan ay lubusang ikinagalit ni Menelaus. Nagpatulong ang huli kay Agamemnon upang Trojan Horse mabawi ang kanyang asawa. Ito ay nagbunga ng sampung https://www.istockphoto.com/photo/tro taong digmaan na nang lumaon ay umiinog na sa pagitan jan-horse-isolated-on-white-background- gm881703484-245452660 ni Achilles at Hector. Nahirapan ang mga Mycenaeans na pasukin ang matitibay na pader ng Troy. Napagtagumpayan ng Mycenaean ang digmaan laban sa Troy ng nag-iwan sila ng isang higanteng estatwang kabayo na gawa sa kahoy. Inakala ng taga-Troy na umalis na ang mga Mycenaeans kaya ipinasok nila ang Trojan Horse na lingid sa kanila ay naglalaman ito ng mga sundalo. Nabuksan nila ang trangkahan at doon nakapasok ang kabuuang hukbo ng Mycenaean. Naganap ang isang madugong labanan na sumira sa lungsod at tuluyang nagpabagsak sa Troy. Sa huling bahagi ng sibilisasyong Mycenaean, naglaban-laban ang mga maharlikang pamilya. Dahil sa pagiging abala, hindi nila nagawang protektahan ang kani-kanilang kaharian sa pagsalakay ng mga taong mandaragat (sea people). Sila ay nagmula sa hilaga na kinikilalang mga Dorian (na siyang ring sumalakay sa mga Hittites). Samantala, ang isang pangkat na mayroon ding kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo naman sa timog ng Greece at nagtatag ng pamayanan. Tinawag nila itong Ionia at ang mga mamamayan nito ay tinawag na Ionian. Nagpatuloy ang digmaan ng iba’t-ibang kaharian na tumagal ng 300 taon. Tinagurian itong dark ages o madilim na panahon. Nasira ng tuluyan ang ekonomiya ng Greece dahil sa pagkahinto ng pagsasaka, kalakalan at iba pang kabuhayan. Gabay na Tanong: 1. Ano ang sanhi ng digmaang Trojan? 2. Paano natalo ng mga Mycenaean ang Troy sa labanan? 13 Isaisip Gawain 2: Tara’t Mag-Isip! Mula sa binasang teksto tungkol sa sibilisasyong sumibol sa Aegean, punan ng angkop na impormasyon ang talahanayan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang spapel. MAHALAGANG MINOAN MYCENAEAN IMPORMASYON Nakadiskubre Nagtatag Lugar kung saan sumibol Sanhi ng pagbagsak Isagawa at Pagyamanin I. TALASALITAAN: Piliin sa loob ng kahon ang salita na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel. Dorian Helen Homer Labyrinth Knossos Minotaur Mycenaean Paris Trojan Horse Zeus 1. Ang ________ ay ang pinakamakapangyarihang lungsod ng Crete. 2. _________ ang tawag sa isang masanga-sangang pasilyo sa Knossos. 3. Isang maalamat na nilalang na kalahating toro sa bandang ulo at kalahating tao na tinatawag na _____________. 4. Ang Constellation of Taurus na sinasabing ginuhit mismo ni ________ sa kalangitan upang ipaalala kay Europa (isang nilalang mula sa Syria) kung gaano niya ito kamahal. 5. Si __________ ay tanyag na manunulat sa Greece na siyang may akda ng Iliad at Odyssey. 6. Sila ay mga etnikong nomadiko na nagmula sa pagitan ng Iran at Pakistan na nandarayuhan sa India at Europe o mas kilala sa katawagang ______________. 7. Si ___________ ay tinaguriang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. 8. Nagmula sila sa hilaga na kinikilalang mga __________ na siyang ring sumalakay sa mga Hittites. 9. Ang prinsipe ng Troy na umibig kay Helen ay si _________. 10. Ang _________ ay isang higanteng estatwang kabayo na gawa sa kahoy. 14 Aralin KABIHASNANG KLASIKO NG 2 GREECE Alamin Mapag-aaralan mo sa araling ito ang kabihasnang Klasiko ng Greece. Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod: A. Natutukoy ang katangian ng mga lungsod-estado gaya ng Athens at Sparta. B. Nasusuri ang mga digmaang naganap at ang pangyayaring nagbigay- daan sa pag-usbong ng kabihasnang klasiko ng Greece; C. Nahihinuha na ang mga karapatan ng mamamayan ay may kaakibat na tungkulin at responsibilidad sa pamahalaan para sa pag-unlad ng sarili at bansa. Balikan Pag-Isipan Mo: Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa nakaraang aralin. 1. Ang Knossos ay sinasabing may masanga-sangang pasilyo, bakit ito nilikha 2. Ano ang kwento sa likod ng maalamat na nilalang na nakatira sa labyrinth? 3. Nagkaroon ng sampung taong digmaan sa pagitan ng Mycenaean at Troy, ano ang sanhi ng hidwaang ito? 4. Paano tinalo ng Mycenaean ang Troy? Tuklasin at Suriin Itinuturing ang Gresya bilang kauna-unahang kabihasnang pandagat na naitatag sa mundo. Naging tanyag ito dahil sa angking kultura na nagpakita ng kahusayan sa larangan ng arkitektura, sining, agham, pilosopiya at politika. Sa bahaging ito, tatalakayin natin ang mga nalalabing yugto ng kabihasnang Klasiko mula sa pag-usbong ng mga lungsod-estado hanggang sa pamamayagpag ng imperyong Macedonia. Makikita sa ibaba ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Minoan Trojan War Digmaang Persiano Mycenaean Polis o Lungsod Estado Imperyong Macedonia 15 ▪ Pagtatag ng Polis Isang bagong sibilisasyon ang lumaganap sa Gresya sa pagtatapos ng madilim na panahon o dark ages. Tinawag nila itong sibilisasyon Heleniko kung saan Hellas ang tawag sa Gresya at Hellenes naman ang katawagan sa mga Griyego. Dahil sa pananalakay ng mga dayuhan na naging dahilan sa tuluyang Acropolis, Athens pagbagsak ng Mycenaean, https://www.easyvoyage.co.uk/greece/acropolis-athens-6099 minabuti ng mga Griyego na magtayo ng mga kuta sa may gilid ng burol at mga taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan at dito nabuo ang polis. Sa Aralin 1, napag-usapan natin ang pagbagsak ng kabihasnang Mycenaean dahil sa pagsalakay at pananakop ng mga Dorian. Ang huling nabanggit ang siyang nagtatag ng polis o lungsod-estado na tinawag nilang Sparta. Samantala, ang mga salinlahi naman ng mga Ionian, pangkat na may kaugnayan sa mga Mycenaean, ay namuhay sa lungsod-estado ng Athens. Ang polis ay ang unang pamayanan sa Gresya na hango sa salitang may kaugnayan sa politika. Ang mataas na bahagi nito na siyang sentro ng politika at rehiliyon ay tinatawag na acropolis. Dito matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo. Samantalang ang pamilihang bayan naman ay tinatawag na agora, karaniwang nasa gitna ito ng polis. Ang mga lehitimong mamamayan ay may mga karapatan at responsibilidad sa polis. KARAPATAN RESPONSIBILIDAD P ✓ Bumoto ✓ Makilahok sa pamahalaan ✓ Magkaroon ng ari-arian O ✓ Ipagtanggol ang polis sa panahon ✓ Humawak ng posisyon sa L ng digmaan pamahalaan ✓ Ipagkaloob ang katapatan at ✓ Ipagtanggol ang sarili sa korte I paglilingkod sa polis S ✓ Pagpapalago sa kalakalan Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano naman kaya ang mga karapatan at tungkulin nating mga Filipino bilang isang mamamayan? 2. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapaglilingkuran ang ating bansa tungo sa kaunlaran? 16 ▪ Sparta at Athens Dalawang pangunahing lungsod-estado ang nabuo na may magkaibang gawi. Basahin at unawain ang nilalaman ng talahanayan tungkol sa pamumuhay ng mga Athenian at Spartan. ATHENS SPARTA Lungsod- Estado Ng Gresya https://en.wikipedia.org/wiki/Athenian_demo https://www.youtube.com/watch?v=piAEzVOqHHU& cracy app=desktop Lugar kung Attica – gitnang tangway ng Laconia (Peloponnesus) – timog na saan Gresya bahagi ng tangway ng Gresya naitatag a. Ionian a. Salinlahi ng Dorian b. Metic – hindi b. Malayang Tao Pangkat ng mamamayan ng Athens c. Helot – magsasakang Tao sa subalit malayang nagmula sa mga nasakop Lipunan nakakakilos sa lungsod na lugar c. Alipin Demokratiko Militarismo * demokrasya mula sa demos - nasa ilalim ng pamamahala ng ‘mga tao’ at kratos militar ‘pamahalaan’ Pamahalaan - pamahalaan ng nakararami - mahigpit ang kanilang kung saan may malaking bahagi pamamahala dahil layunin ginampanana ang mga nilang magtatag ng mamamayan sa pamamalakad pamayanan ng mga ng kanilang pamahalaan mandirigma Pinag-aaral sa pribadong Ang mahihinang bata o yaong may Papel ng paaralan upang matuto sa kapansanan ay pinapatay at mga pagbasa, matematika, musika, tanging malulusog lamang ang Kalalakihan sining, politika at iba pang pinapayagang mabuhay. larangan. Sa edad na 18 taong gulang, ang Sa edad na 7 taon, nagsisimula na mga lalaki ay nagsasanay sa ang pagsasanay sa militar at militar ng 2 taon bago maging paninirahan sa kampo. ganap na mamamayan. Nangangasiwa sa gawaing- Nag-aasikaso ng mga lupain Papel ng bahay. habang ang asawa ay nasa kampo- Kababaihan militar o digmaan. Liga na Delian League na binuo ni Peloponessian League Itinatag Pericles 17 ▪ Banta ng Persia Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Ang mga kalapit na kolonyang Greek ay sinalakay ng Persia at nakipaglaban sa Miletus noong 546 B.C.E. Tinulungan ng Athens ang mga kolonya na ikinagalit ni Haring Darius I kung kaya’t ginusto niyang parusahan at sakupin ito. Ang digmaang Graeco-Persia ay nagkaroon ng mga makasaysayang labanan. Ang unang labanan ay naganap sa Marathon noong 490 B.C.E nang sumalakay ang mga Persiano sa pamumuno ni Haring Darius I. Tinalo ng 10,000 na Athenian sa pamumuno ni Miltiades ang 25,000 na mandirigmang Persiano. Ipinagpatuloy ni Xerxes noong 480 B.C.E ang nasimulan ng kanyang amang si Darius I. Isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae, ito ay makipot na daanan sa gilid ng bundok. Pinamunuan ni Leonidas ang 300 na sundalong Spartan noong 480 B.C.E. Nasawi man ang magigiting na mga Spartans, nabigyan naman ng sapat na oras ang mga Griyego upang makalikas at makapaghanda sa mas malaking digmaan. Sa parehong taon, sinalakay ni Xerxes ang Athens subalit dinala ni Themistocles ang labanan sa makipot na dagat ng Salamis. Binangga at pinalubog ng mga Griyego ang mga malalaking barko ni Xerxes. Noong 479 B.C.E, nagapi nang tuluyan ng mga Griyego sa Plataea ang natitirang hukbo ni Xerxes. Ito ay pinamuan ng mga Spartans na nilahukan naman ng Athens, Corinth at Megara. ▪ Pagtatapos ng Gintong Panahon at Pagbagsak ng Sinaunang Greece Matapos ang masalimuot na pagtatanggol ng mga Griyego sa pananakop ng Persia, nagwakas na naman ang kapayapaan nang maging imperyo ang Athens. Kinontrol ng huli ang Delian league na hindi ikinatuwa at sinang-ayunan ng Sparta. Lumalim ang hidwaan nang bumukod ang Sparta at nagtatag ng alyansang Peloponessian. Noong 431 B.C.E, nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens at ito ay tinawag na digmaang Peloponnesian. Ito ang simula ng 27 taon na digmaan. Bagamat naipanalo ng Athens ang ilang labanan, natalo sila nang tuluyan dahil sa isang epidemya na kumitil sa buhay ni Pericles at ng 2/3 ng populasyon. Sumuko ang Athens sa Sparta. Gayunpaman, nagkaroon ng malawakang pagkasira ng mga ari- arian, lumala ang suliraning pangkabuhayan at nagkaroon ng lubhang kakulangan sa pagkain. Bumagsak ang ekonomiya at politikal na kondisyon ng Gresya. ▪ Imperyong Macedonian Natapos man ang napakahabang digmaan sa pagitan ng Gresya at Persia, may panibagong na namang banta sa kalayaan ng mga Griyego. Ito ang pananakop ng imperyong Macedonian. Pinagtanggol ng Athens at Thebes ang kanilang lungsod-estado ngunit sila ay nagapi ng hukbo ni Haring Philip ng Macedonia. Dahil dito tuluyang nang napasailalim sa Macedonia ang buong Gresya maliban sa Sparta. Nang mamatay si Haring Philip, humalili ang kanyang anak na si Alexander the Great. Kinilala siyang dakila sa kasaysayan ng daigdig dahil sa kanyang talino, matatag na loob, kahusayan sa pakikipagdigma at kagalingan sa pamumuno. Naging isang ganap na imperyo ang kaniyang kaharian nang masakop niya ang Egypt, India at kabuuan ng kanlurang Asya. Isaisip Panuto: Basahin ang talata at piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita sa bawat patlang ayon sa inilaang kaisipan ng mga pahayag sa ibaba. Militar Laconia 18 taong gulang bata Attica 18 Ang lungsod-estado ng Athens ay itinatag sa (1)__________ habang ang Sparta naman ay sumibol sa (2)___________. Ang tawag sa uri ng pamamahala sa Athens ay demokrasya. Mahigpit naman ang pamamalakad ng mga Spartans dahil sa militarismong pamamahala. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Athenians sa edukasyon. Sa edad na (3)_________, ang mga batang lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon. Sa edad na pito, ang kabataang Spartan ay nagsisimula ng magsanay (4)_____________ at manirahan sa kampo. Samantalang ang mga mahihinang (5) ____________ ay pinapatay dahil malulusog lamang ang pinapayagang mabuhay. Isagawa at Pagyamanin Paggawa ng A-K-B Chart Activity 1. Batay sa binasang teksto, pumili ng isang kaganapan o labanan at ibigay ang mga kailangang impormasyon na may kaugnayan sa digmaan na kinasasangkutan ng Sinaunang Gresya. Kopyahin at sagutin ito sa short bond paper. LABAN SA ______________________ Aktor(Sino ang magkalaban?) Kaganapan (Ano-ano ang mga mahahalagang pangyayari?) Bunga (Ano ang resulta ng Digmaan?) Activity 2. Pagsusunud-sunurin ang bawat pangyayari nang naaayon sa panahon ng kaganapan. Isulat sa sagutang papel ang 1 bago ang patlang bilang hudyat kung anong pangyayari ang nauna at 5 naman sa pinakahuling kaganapan. Kopyahin ang buong pagsasanay na ito sa short bond paper. ________1. Sinalakay ni Xerxes ang Athens subalit natalo ito dahil dinala ni Themistocles ang laban sa makipot na dagat ng Salamis at pinalubog ang plota ng Persia. ________2. Nagapi nang tuluyan ng mga Griyego ang natitirang hukbo ni Xerxes sa pamumuno ng mga Spartans at pagtutulungan ng Athens, Corinth at Megara. ________3. Sumalakay ang mga Persian sa pamumuno ni Darius I sa Marathon. ________4. Nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens at ito ay nauwi sa mahigit 27 taon na hidwaan at pakikipagdigma. ________5. Nasawi man si Leonidas at ang mga magigiting na Spartans, nabigyan naman ng sapat na oras ang mga Griyego upang makalikas at makapaghanda sa mas malaking digmaan. 19 Tayahin Panuto: Sa pagtatapos ng modyul na ito, subukin natin ang iyong natutunan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Isang bagong sibilisasyon ang umusbong sa pagwawakas ng Dark Age. Ano ang tawag ng maraming Griyego sa kanilang bansa? A. Hellas B. Hellenes C. Heleniko D. Polis 2. Nahukay ang archeological sites ng kabihasnang Mycenaean noong 1870. Sino ang German archeologist ang nakadiskubre nito? A. Adolf Hitler C. Heinrich Schliemann B. Arthur Evans D. Heinz Schneider 3. Ginalit ni Haring Minos si Poseidon at bilang kaparusahan, nagpadala si Poseidon ng toro para mapaibig si Pasiphae (asawa ni Minos). Nagbunga ito ng maalamat na nilalang, ano ang tawag dito? A. Helot B. Minotaur C. Toro D. Trojan Horse 4. Ito ay isa sa mga bahagi ng polis kung saan makikita ang mga palasyo at templo. Ano ang tawag sa pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar? A. Agora B.Acropolis C. Knossos D. Metropolis 5. Ang digmaang Trojan ay ikinuwento sa epikong Iliad at Odyssey. Sino ang may-akda nito? A. Homer B. Paris C. Pericles D. Socrates 6. Ang kabihasnang Minoan ay nadiskubre ng isang British historian at arkeologo. Sino ang tinutukoy na siya ring nanguna sa paghuhukay ng Knossos? A. Arthur Evans B. Chris Evans C. Heinrich Schliemann D. Richard J. Evans 7. Ang polis na ito ang may pinakamalaking populasyon at lunduyan ng demokrasya. Anong lungsod-estado ang tinutukoy sa pahayag? A. Athens B. Megara C. Sparta D. Thebes 8. Ito ay digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta na tumagal ng mahigit 27 taon. Anong digmaan ang tinutukoy sa pahayag? A. Digmaang Plataea C. Digmaang Thermopylae B. Digmaang Salamis D. Digmaang Peloponnesian 9. Ang kabihasnang Mycenaean ay tahanan ng tanyag na haring si Agamemnon, na siyang tumulong sa kanyang kapatid upang mabawi ang asawa nito. Anong higanteng estatwa ang iniwan ng kanyang hukbo sa labasan ng Troy? A. Estatwa ni Zeus B. Parthenon C. Trojan Horse D. Venus de Milo 10. Sinalakay ng Persia ang mga kalapit na kolonyang Greek noong 546 B.C.E upang palawakin ang kanilang imperyo sa kanluran ngunit wala silang plano na sakupin ang Gresya. Bakit ito nauwi sa digmaang Graeco-Persia? A. Nagalit si Darius I nang tulungan ng Athens ang mga kolonya. B. Gustong bawiin ng Persia si Helen mula sa kamay ni Paris. C. Ipinaghigante ni Xerxes ang napaslang niyang Ama sa gitna ng digmaan. D. Naisip ni Darius na mahina at kulang ang sandatahang pandigma ng Athens kahit paman sa kasaganahan 11. Ang mga mamamayan ng polis ay may karapatang bumoto, magkaroon ng ari-arian, at ipagtanggol ang sarili sa korte. Sa edad na 15, natatamasa na ba ng isang mamamayang Pilipino ang karapatang bumoto? A. Hindi, dahil ang nakakaboto lamang dito sa Pilipinas ay mga 18 taong gulang pataas. B. Hindi, dahil wala pang tiwala ang pamahalaan sa kakayahang mamili ng mga kabataan. C. Oo, dahil lahat ng tao na lehitimong mamamayan ng Pilipinas ay may karapatang bumoto maging mga bata. D. Oo, dahil ang mga kabataan na may edad 15 pataas ay mayroon nang karapatang bumoto sa halalan ng SK. 20 12. Pinaiiral ang sistemang Demokratiko sa Pilipinas na kung saan ang mga mamamayan ay may pantay na karapatan bilang tao, mayaman man o mahirap. Bilang isang ordinaryong mamamayan, paano niya nagagampanan ang responsibilidad na makilahok sa pamamahala ng bansa? A. maagap na pagbabayad ng buwis B. matapat at matinong pagboto sa halalan C. paggalang at pagsunod sa mga batas ng Pilipinas D. lahat ng nabanggit 13. Ang digmaan ng Thermopylae ay isa sa pinakatanyag na labanan ng Gresya laban sa Persia. Bakit mahalaga ang labanan na ito para sa tagumpay ng digmaang Salamis? A. Dahil nasawi ang lahat ng mga sundalo ng hukbong Persia B. Dahil ito ang naging hudyat ng pagtatapos ng mga lungsod-estado. C. Dahil sa labanan ng Thermopylae, namatay si Xerxes at natalo ang Persia D. Dahil nabigyan ng sapat na oras ang mga Griyego na lumikas at magkapaghanda 14. Ang tunggalian ng Athens at Sparta ay umabot sa isang madugo at mahabang labanan, ang digmaang Peloponnesian. Ano ang naging epekto nito sa sinaunang Gresya? A. Ang digmaan na ito ang naging daan upang maging imperyo ang Gresya. B. Naghari ang Athens sa buong Gresya na tumupad sa pangarap ni Pericles. C. Sa pagkapanalo ng Sparta, naging mas mayaman, masagana at mapayapa ang lungsod-estado. D. Ito ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga ari-arian at lubhang kakulangan sa pagkain na siyang nagpahina sa kabuuang Gresya. 15. Sa digmaang Salamis, malalaking barko ang ginamit ng mga Persiano ngunit sila ay natalo sa huli. Ano ang dahilan ng kanilang pagkatalo? A. Karamihan sa sundalo ng hukbong Persiano ay hindi marunong humawak ng sandata. B. Mas marami ang sundalong Griyegong lumahok sa digmaan kaysa sa imperyong Persia. C. Ang makipot na dagat ng Salamis ang nagbigay kalamangan sa plota ng Gresya sa pagpapalubog ng mga barko ni Xerxes. D. Pinagtaksilan si Xerxes ng isa sa kanyang mga heneral at pinagkanulo ang kanyang buong plano at stratehiya sa pagsalakay. Karagdagang Gawain Gawain 3: Pagpapalalim ng Kaalaman Sa tulong ng Venn Diagram, paghambingin ang sibilisasyong Minoan at Mycenaean. Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga nabanggit na sibilisasyon. Kopyahin at sagutin sa kapirasong papel. Minoan Mycenaean p Pagkakaiba Pagkakaiba a g k a k a t u l a d 21 Sanggunian Aklat: Mateo, G E. et al.(2012). Kasaysayan Ng Daigdig. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc. Blando, R C. et al. (2014). Modyul ng Mag-aaral: Kasaysayan ng Daigdig. Pasig City, Vibal Group, Inc. Project EASE Araling Panlipunan III: Modyul 4 Ang Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego (2014) https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6045?fbclid=IwAR31aacUbL9usdRUR8Nk Zi7d689yUnKrsyvD6rDOpbfSWQH2UpSBXOf4WlU Online Links: Sinaunang Gresya: Kabihasnang Minoan at Mycenaean (2019) Sir Ian’s Class Retrieved August 10, 2020 from https://www.youtube.com/watch?v=8NZFw9QE4wo Sinaunang Gresya:Estado ng Athens at Sparta (2019) Sir Ian’s Class Retrieved August 11, 2020 from https://www.youtube.com/watch?v=YB9or2rvuww Introduction to the Minoans and Minoan Civilization (2019) History with Cy Retrieved September 4, 2020 from https://www.youtube.com/watch?v=W4hRA2IgtB4 Introduction to the Mycenaeans and Mycenaean Civilization (2019) History with Cy Retrieved August 12, 2020 from https://www.youtube.com/watch?v=pq42a1014c0 Kenneth Claire B. Albores: Kabihasnang Klasikal ng Gresya (2013) Notre Dame of Maasin Inc.Retrieved from Sept. 18, 2020 from https://princekeign.wordpress.com/2013/10/15/klasikal-na-kabihasnan-ng- greece/ Ang Maalamat na Minotaur ay Nanirahan sa lugar na ito (2020) Retrieved from Oct 1, 2020 from https://vabkhaziizhit.ru/tl/spain/zhil- legendarnyi-minotavr-dannoe-mesto-minotavr-chudovishche-iz- kritskogo.html?fbclid=IwAR1nrchbS7jf2roF17hksYnOMl2w1SH_3aowAJ9zMZq Q_ZPCh2_6v-vtKZ8 N. E. Masinsin et al Aralin 12: Kabihasnang Greek (2013) Retrieved September 2, 2020 from https://esepmeyer.wordpress.com/tag/polis/?fbclid=IwAR16LnmvUveNorynna __KKlZ4p3pe_aU9BAiDzvLbBP6qfcPEuHiNljTcK8 Athens: Ang Demokratikong Polis Retrieved Oct 1, 2020 from https://santolanhsapdepartment.wordpress.com/kasaysayan/kabihasnang- greek/athens-ang-demokratikong-polis/?fbclid=IwAR11mDr4KXrwT8u- mPnftoVFl5awnt7fxxzBWLGCqG-rwBrHfIfSzWxKMzQ 22 Dexter Reyes: Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon (2014) Retrieved October 30, 2020 from https://www.slideshare.net/dexterlreyes1/modyul2- angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon140807210600phpapp01?from_ m_app=ios&fbclid=IwAR0jMga- E21XC_udZTsfYgs9_HVsGftonTtCBtfl5kyWJ6MGYSx-wh3CEqY Kevin Kent Giron: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon (2017) Retrieved October 30,2020 from https://www.slideshare.net/KenStudious/kabihasnang- greek-minoan?from_m_app=ios&fbclid=IwAR1HuX_tbziPI7XfR- bfIVODdNOzsPc9x_B6b5uTK_vncSNekD2x_qbqV8c Mhervz Espinola: Sinaunang Gresya (2013) Retrieved September 2, 2020 from https://www.slideshare.net/mhervz05/sinaunang- gresya?from_m_app=ios&fbclid=IwAR2PirxLNTKYmakxZhO83d396394lCLBnYT Mqf1UIT4SFTalnFlIGdKa2tg Aaron Carn: Classical Greece (2011) Retrieved October 6, 2020 from https://www.slideshare.net/e007534/classical-greece- 8788043?from_m_app=ios&fbclid=IwAR3cezJY0OJkfk3nC- 5MWSG78saUeYzM9xAK2dXs-rhEQbXNF9sYn5rrCkU Darwin Caronan: Pag-usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece) (2018) Retrieved October 31, 2020 https://www.slideshare.net/Seaweeds/pag- usbong-ng-klasikal-na-kabihasnan- greece?from_m_app=ios&fbclid=IwAR1U5nDwEeQNMzl6E0DDLhxjH8ricQwLo1 9lfcvfJ-J3cD4gJaz1YNt3FRY 23 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected] 24