Modelong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by FineLookingNovaculite2720
2024
Helengrace A. Lao, Ed.D., Florisa B. Simeon, Ph.D.
Tags
Related
- Araling Panlipunan 9 - Pangangailangan at Kagustuhan PDF
- Pointers to Review First - Study Guide
- Lingguhang Aralin sa Araling Panlipunan 4 PDF
- Aralin 1 - Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks PDF
- Araling Panlipunan 9 (Week 3) - Past Paper PDF
- ARALING PANLIPUNAN 7: Mga Pananakop sa Timog-Silangang Asya (PDF)
Summary
This document is a set of lesson plans for Grade 7 Araling Panlipunan (Social Studies) in the Philippines. It details the learning objectives, activities, and assessments for the first week of the first quarter of the 2024-2025 school year, including topics on location, direction, and maps. It is designed for educators.
Full Transcript
4 Kuwarter 1 Modelong Banghay Aralin Aralin sa Araling Panlipunan 1 Modelong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Baitang 7 Kuwarter 1: Aralin 1 (Linggo 1) TP 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa pi...
4 Kuwarter 1 Modelong Banghay Aralin Aralin sa Araling Panlipunan 1 Modelong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Baitang 7 Kuwarter 1: Aralin 1 (Linggo 1) TP 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa pilot implementation ng MATATAG K to 10 Curriculum sa Taong- Panunurang 2024-2024. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto ng kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga mga legal na hakbang at kaparusahan Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon. Mga Tagabuo Manunulat: Helengrace A. Lao, Ed.D. (Western Mindanao State University) Tagasuri Florisa B. Simeon, Ph.D. (Philippine Normal University — Manila) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMMER National Research Centre Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 at 8631- 6922 o sa pamamagitan ng email sa [email protected]. ARALING PANLIPUNAN / KUWATER 1 / BAITANG 4 I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang heograpikal. Pangnilalaman B. Mga Pamantayan Nakagagawa ng presentasyon tungkol sa katangiang heograpikal ng bansa. sa Pagganap C. Mga Kasanayan at Mga Kasanayan Layuning Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas gamit ang tiyak at relatibong lokasyon Pampagkatuto Mga Tiyak na Layunin: 1. Nakikilala ang globo bilang modelo/ representasyon ng mundo. 2. Nagagamit ang mapa bilang patag na modelo ng grapikal ng mundo. 3. Natatalakay ang mga espesyal na guhit sa globo. D. Nilalaman Ang Heograpiya ng Pilipinas - Paggamit ng Mapa at Globo E. Integrasyon II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO Antonio,E., Banlaygas, E. & Antonio,S. (2018). Kayamanan 4. Rex Printing Company Belarde, R.,Balaoing, J., Barcelon,V., Fajardo, J., Daroni, C., Santos, Fr.S., Garcia, P., Dela Cruz, E., and Villegas, J. Lahing Pilipino Kaagapay sa Ika-21 Siglo. Binagong Edisyon 4. Rex Book Store. 1 Villanueva, V. (2018). #ABKD: Ako Bibo Kase Dapat (Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro ng Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino. VMV Publishing House. III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA SA GURO A. Pagkuha ng UNANG ARAW Dating 1. Maikling Balik-aral Kaalaman TUGON KO, IGUHIT MO: Paunahan ang mga mag-aaral sa pagguhit sa loob ng kahon ng mga bagay o pook na sasabihin ng guro.Dapat sa tamang kahon maiguhit ng mag-aaral ang nasabing bagay o pook. Iguhit ang bagay o pook na sasabihin ng guro sa loob ng bituin kapag ito ay tumutukoy sa pangalawang direksiyon. Pangunahing Direksiyon: 1. Iguhit ang mapa ng Pilipinas sa kahon na nasa Hilaga. 2. Iguhit ang ating pambansang prutas sa kahon na nasa Silangan. 3. Sumulat ng salitang Mangga sa kahon na nasa Kanlurang bahagi. 4. Gumuhit ng mga batang naglalaro sa palaruan sa kahon na nasa Timog na bahagi. Pangalawang Direksiyon: 5. Sumulat ng letrang M sa bituin na nasa Hilagang-Kanluran na bahagi. 6. Sumulat ng letrang A sa bituin na nasa Hilagang-Silangan na bahagi. 7. Sumulat ng letrang P sa bituin na nasa Timog-Kanluran na bahagi. 8. Sumulat ng letrang A sa bituin na nasa Timog-Silangan na bahagi. 2 B. Paglalahad ng 1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Ipaskil sa pisara ang larawan Layunin Aralin ng mga direksiyon. Mahalaga bang malaman ang tiyak na kinaroroonan ng isang lugar? Sa pagbibigay ng tiyak na kinaroroonan ng lugar, kailangan ay kabisado natin ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon. Ano sa tingin ninyo ang ginagamit nating bagay sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar? ANO DAW?: Magpakita ng Globo at Mapa sa klase. Itanong: Ano ang tawag sa unang larawan? Pangalawang larawan? Ano ang kahalagahan ng mga bagay na ito? Saan natin kadalasan ginagamit ang mga bagay na ito? Alam ba Mula sa: kodeposid.com Mula sa: (1136) Pinterest ninyo kung paano gagamitin ang dalawang bagay na ito sa pagtukoy ng lokasyon? 2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin GLOBO - ay isang modelo ng mundo na bilog at nagpapakita ng eksaktong hugis ng mundo. Ipinapakita rin nito ang mga kontinente, karagatan, at iba pang mga bahagi ng mundo sa kanilang tamang proporsyon at posisyon. MAPA - ay patag na paglalarawan ng mundo o isang lugar. Naipapakita sa mapa ang mga kalupaan, katubigan, at hangganan ng isang lugar. 3 C. Paglinang at Kaugnay na Paksa 1: Ang Globo At Mapa Pagkatapos ng gawain, maaring Pagpapalalim ilahad ang mga sumusunod na 1. Pagproseso ng Pag-unawa kaisipan: HALINA’T TUKLASIN, MAG AMBAGAN NA!: Ano sa tingin ninyo ang Globo: pagkakaiba ng globo sa mapa? (Magkakaroon ng pangkatang gawain sa Ang globo ay isang modelo puntong ito. Ililista ng mga mag-aaral ang sa tingin nila ay pagkakaiba ng mapa ng mundo na nagpapakita sa globo.) ng eksaktong hugis ng ating planeta. Ang hugis nito ang hindi bilog kundi oblate spheroid. Ito ay nagbibigay ng tamang proporsyon ng mga kontinente at karagatan. Ginagamit ito upang makita ang mga bansa, kontinente, at mga karagatan sa kanilang tamang sukat at lokasyon. Ang globo ay nagbibigay ng mas tumpak na paglalarawan ng distansya at direksyon ng mga bansa kumpara sa mapa. Mapa: Ang mapa ay isang patag na representasyon ng isang lugar. Ipinapakita nito ang iba't ibang impormasyon tulad ng mga kalsada, anyong lupa, anyong tubig, at mga hangganan. 4 May iba't ibang uri ng mapa depende sa layunin nito, tulad ng mga mapa ng kalsada, heograpiya, politikal, at klima. Dahil patag ito, may mga distorsyon sa sukat at hugis ng mga lugar, lalo na sa malalaking rehiyon. 2. Pinatnubayang Pagsasanay Isulat sa patlang ang tinutukoy ng bawat pahayag. ____________1. Ano ang hugis ng ating mundo? ____________2. Ito ang ginagamit na modelo ng mundo. ____________3. Ito ay patag na paglalarawan ng mundo. ____________4. Anong mga impormasyon ang ipinapakita sa globo? ____________5. Anong mga impormasyon ang ipinapakita sa mapa? 3. Paglalapat at Pag-uugnay TARA’T HANAPIN!: Magkakaroon ng isang laro. Magpapaunahan ang mga Halimbawa sasabihin ng guro: mag-aaral sa pagtukoy sa lugar na makikita sa globo at mapa gamit ang Magbibigay ng mga lugar na direksyon na napag-aralan kanina. makikita sa Silangang Bahagi ng mapa/globo…kanlurang bahagi… hilagang-kanluran, atbp… IKALAWANG ARAW Kaugnay na Paksa 2: Mga Espesyal Na Guhit sa Mapa at Globo Sa puntong ito, bibigyang- diin ng guro na ang globo at mapa 1. Pagproseso ng Pag-unawa ay may mga espesyal na guhit Pagmasdan!: Bigyan ng 2 minuto ang mga mag-aaral upang makapag-isip na kung saaan ito ay mahalaga kung ano ang nakikita nila sa isang mapa at globo. 5 Ilahad: Ang mga sumusunod ay ang mga espesyal na guhit na makikita sa Globo sa pagtukoy ng lokasyon ng at Mapa. Ang mga guhit na ito ay mga likhang-isip lamang. isang bansa. Ekwador- guhit na pahalang sa gitna na may 0°. Ito ay isang imahinaryong linya na naghahati sa mundo sa gitna. Latitud - ay ang isang distansyang angular na natutukoy sa pamamagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng ekwador. Ito ay sinusukat sa mga antas degrees. Longhitud- ay ang heograpikong koordinato na tumutukoy sa posisyon ng isang lugar sa silangan o kanluran ng Prime Meridian. Tropiko ng Kanser – ang pinakahilagang latitud kung saan maaring sumikat ang araw ng diretso sa ibabaw sa tanghali.Ito ay matatagpuan sa guhit na 23 ½ o sa gawaing hilaga ng ekwador. Tropiko ng Kaprikornyo- Ito ay isang imahinaryong linya sa paligid ng Daigdig na may latitud na humigit-kumulang na 23.5° sa timog ng ekwador. Prime Meridian - ay ang imahinaryong linya na dumadaan sa Greenwich, Inglatera at naghahati sa mundo sa silangan at kanlurang hemispero. 6 IKATLONG ARAW 2. Pinatnubayang Pagsasanay Karerahan Patungo Sa Mundo!: Tutukuyin ng mga mag-aaral ang ibat- ibang espesyal na guhit sa globo at mapa. Magpapaunahan ang mga mag-aaral sa pagsulat sa pangalan ng guhit sa loob ng kahon. 3. Paglalapat at Pag-uugnay Tumpak, Ganern!: Ito ay isang pagsasanay sa pagtukoy sa tiyak na lokasyon ng isang bansa sa pamamagitan ng latitud at longhitud. Ipapangkat ng guro ang Mahalagang magkaroon ng mga mag-aaral. Magtutulungan ang bawat isa sa pagtukoy sa latitud at longhitud demonstration ang guro kung ng mga sumusunod na bansa. paano tukuyin ang tamang bilang ng latitud at longhitud BANSA LATITUD LONGHITUD ng isang bansa. 1. Pilipinas 2. Japan 3. Finland 4. Korea 5. Germany D. Paglalahat IKAAPAT NA ARAW 1. Pabaong Pagkatuto Gawing gabay ang kuwadro sa pagtalakay at lubos na pagpapahalaga sa natutuhan sa aralin. Bintana ng Pag-Unawa: Balikan muli ang mga napag-aralang konsepto tungkol sa globo at mapa. Punan ng mga kaisipan ang mga kahon. 7 Kahulugan Katangian Kahalagahan Kahulugan Katangian Kahalagahan 2. Pagninilay sa Pagkatuto Ano ang naranasan habang ginagawa ang mga gawain sa pagkatuto lalong lalo na ang gawain sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng isang lugar? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ Ano naramdaman nang nalaman ang tungkol sa globo at mapa? _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO A. Pagtataya A. Isulat sa kahon ang mga kasagutan upang mabuo ang graphic organizer. 8 B. Kompletuhin ang sumusunod na pangungusap batay sa iyong natutuhan sa araling ito. 1. Kaya kong maibigay ang lokasyon ng isang lugar gamit ang mga ___________________________________________________________________________. 2. Magagamit ko ang mga sukat ng latitud at longhitud sa ___________________________________________________________________________. 3. Mahalagang makapagbigay ng tamang lokasyon ng isang lugar upang ___________________________________________________________________________. 4. Ang globo ay mainam gamitin kung ___________________________________________________________________________. 5. Ang mapa ay mainam gamitin kung __________________________________________. 9 B. Pagbuo ng Itala ang naobserhan Hinihikayat ang mga guro na Anotasyon sa pagtuturo sa Problemang Naranasan at magtala ng mga kaugnay na Epektibong Pamamaraan alinmang sumusunod Iba pang Usapin obserbasyon o anomang na bahagi. kritikal na kaganapan sa pagtuturo na Estratehiya nakakaimpluwensya sa pagkamit ng mga layunin ng aralin. Maaaring gamitin o Kagamitan baguhin ang ibinigay na template sa pagtatala ng mga Pakikilahok ng mga kapansin-pansing lugar o Mag-aaral alalahanin sa pagtuturo. At iba pa Bilang karagdagan, ang mga tala dito ay maaari ding maging isa mga gawain na ipagpapatuloy sa susunod na araw o mga karagdagang aktibidad na kailangan. C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: Ang mga entry sa seksyong ito ▪ Prinsipyo sa pagtuturo ay mga pagninilay ng guro Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? tungkol sa pagpapatupad ng Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? buong aralin, na magsisilbing input para sa pagsasagaw ng ▪ Mag-aaral LAC. Maaaring gamitin o Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? baguhin ang ibinigay na mga Ano at paano natuto ang mga mag-aaral? gabay na tanong sa pagkuha ng mga insight ng guro. ▪ Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? 10