Modyul 1_ Aralin 1 (PDF)
Document Details
Central Luzon State University
FERLYN F. REYES-COLAR
Tags
Summary
Ang modyul na ito ay naglalaman ng batayang kaalaman sa sosyedad at literatura sa Filipino. Tinatalakay dito ang kahulugan ng lipunan, literatura, at ang kanilang ugnayan. May mga panimulang gawain din na inilalahad.
Full Transcript
Inihanda ni: FERLYN F. REYES-COLAR E-mail Address:[email protected] Central Luzon State University Science City of Muñoz 3120 Nueva Ecija, Philippines Instru...
Inihanda ni: FERLYN F. REYES-COLAR E-mail Address:[email protected] Central Luzon State University Science City of Muñoz 3120 Nueva Ecija, Philippines Instruksyong Modyular sa Kursong FILLIT 1120-SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN MODYUL 1 Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA SOSYEDAD AT LITERATURA I. PAGLALAHAD NG MGA LAYUNIN (OBJECTIVES) Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Nailalahad ang kahulugan ng lipunan. 2. Nailalahad ang kahulugan ng literatura o panitikan; 3. Naipaliliwanag ang ugnayan ng dalawa. II. PAGTALAKAY SA ARALIN (DISCUSSIONS) A. Panimulang Gawain May iba’t-ibang larawan ng grupo o indibidwal sa ibaba. Tukuyin kung saang grupo nabibilang ang mga ito. Ano kaya ang kanilang gampanin? Paano kaya nila nagagampanan ang tungkuling naiatas sa kanila? Sino a aling grupo kaya kabilang ang nasa larawan A? ang larawan B?ang larawan C? Ano kaya ang kaugnayan ng mga larawang ito sa ating paksa? ANO ANG SOSYEDAD O LIPUNAN? Narito ang ilang pakahulugan ng lipunan: ◆ “Ang lipunan ay buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago”.-Emile Durkheim( salinMooney, 2011) ◆ “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag- aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan.”-Karl Marx(salin ni Panopio, 2007) ◆ “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagita nng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.”- Charles Cooley ◆ Isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran sa mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal na ibinabahagi ang iba’t ibang kultura at mga institusyon. ◆ Ito ay kinapapalooban ng pamilya, mga institusyon at iba’t ibang istruktura sa paligid. ◆ Pagkakaisa ang pangunahing katangian ng lipunan. ◆ Tinatawag na malaking pangkat ng tao na may karaniwang nabubuong pag- uugali, ideya, at mga saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo at itinuturing na isang pamayanan o yunit. ◆ Ito rin ay kinapapalooban ng iba’t ibang relihiyon at mga sekta. ◆ Kinapapalooban din ito ng kultura na nabuo dahil sa wika. ◆ Dahil sa pagdami ng kultura ng mga tao ay nabuo ang isang lipunan. Ang lipunan o society kung gayon ay tumutukoy sa mga taong naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, paniniwala at pagpapahalaga. Maaring tumutukoy ito sa lipunan ng babae’t lalaki, bakla’t tomboy, bata’t matanda, may asawa’t biyuda, nakapagtapos o hindi --mga guro, inhinyero, mga politiko o anumang paghahanay at pagkakategorya batay sa kung paano sila uriin bilang bahagi ng lipunang kanilang kinabibilangan. Patunay lamang ito na ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon, ugnayan at kultura. Kung ihahalintulad sa isang gusali, may kalansay, pattern o istruktura ang lipunan: 1) istrukturang panlipunan 2)kultura Elemento ng Istrukturang Lipunan A. Institusyon -- organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Mga Institusyong Panlipunan: Pamilya Pamahalaan Paaralan Relihiyon a.1 Pamilya. Ang pamilya ay isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. a.2.Paaralan. Ang paaralan ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapakipakinabang na mamamayan. a.3 Pamahalaan. Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng mga programa upang mapabuti ng buhay ng bawat mamamayan. a.4. Relihiyon. Kabilang dito ang paghangad ng kaligtasan, pagdarasal na maging matagumpay ang iyong mga gawain, at maging ligtas ang iyong mga mahal sa buhay o anumang klase ng pananampalataya a.5. Ekonomiya. Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan dahil pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. B. Social Group -tinutukoy nito ang dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. Dalawang Uri: 1. Primary group - ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang. Hal. Pamilya at Kaibigan 2. Secondary group - ay binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa’t isa. C. Status (Social Status) - ang mga social groups ay binubuo ng iba’t ibang status. Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Dalawang Uri ng Status: 1. Ascribed status--nakatalaga sa indibidwal mula pagkapanganak; likas kaya hindi kontrolado halimbawa ang pagiging babae o lalaki 2. Achieved status--nakatalaga dahil sa pagsusumikap; halimbawa pag-angat sabuhay; makapag-aral D. Gampanin(Roles)--may posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social group. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles. Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunanna kaakibat ng posisyon ng indibiduwal. Halimbawa, bilang isang mag-aaral inaasahang gagampanan mo ang mga tungkulin ng isang mabuting mag-aaral at inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong guro ang kaniyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at pagbibigay ng pagsusulit sa klase. Mula sa mga ito, masasabing nakasalalay sa indibidwal kung paano siya nagiging kapakipakinabang sa kinabibilangang lipunan. Ang ikatatagumpay at ikabibigo ng kanyang sarili at ng kanyang lipunan ay nakaatang sa kanya at sakanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa sa sirkulo ng lipunang kinapapalooban nila. Samantala, ang sosyedad o lipunan ay masasalamin sa iluluwal na literature o panitikan. Ano ang panitikan o literatura? Hindi kaiba sa iba pang disiplina tulad ng Araling Filipino, Sikolohiya at Sosyolohiya, ang pag-aaral ng literatura ay isang prosesong developmental. May pagpapakilala na ito sa elementarya at hayskul at ngayong nasa kolehiyo, layuninnitong higit nating maitaas ang lebel ng pagbasa sa mga ito. Ang pagbasasa ng panitkan sa kolehiyo ay dapat na kritikal at lohikal. Kung gayon, naitutuun na ang aspektong kognitibo at kultural na pokus ng pag-aaral sa asignaturang ito ay mapagtitibay. Bilang pagpapasimula, talakayin natin ang ilan ngunit komprehensibong kahulugan ng panitikan mula sa mga lokal at banyagang awtor gayundin sa ilang panayam sa mga kapwa nasa akademya: 1. Nagmula sa salitang “pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang” ay ginagamit at hulaping “an”. At ang salitang “titik naman ay nangangahulugang literatura (literature), salitang Latin na “litera” na nangangahulugang titik. 2. Talaan ng buhay ang literatura sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyng kinabibilangan at pinapangarap (Arrogante,1983) 3. Lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipuanan (Salazar, 1995) 4. Maituturing din itong sandali ng lahi dahil naiuugnay ito sa isang kaganapan o pangyayari sa isang pook na magmamarka sa kanilang kasaysayan 5. Katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitanng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw (Webster, 1947). Nasasatitik ito kung kaya, ito ay nasusulat. Samantala ganito naman pakahulugan ng ating mga guro sa akademyang panitikan: 1. “Ang Panitikang Filipino ay repositoryo ng pahayag mapasalita o mapa- sulat na nagpapahayag sa damdamin ng isang tao na repleskyon ng kanyang kultura at pagkatao.”-Dr. Glenn Irwin Reynon, MassComm Program Head, UST-Angelicum 2. “Talaan ng pangyayari sa lipunan ang Panitikang Filipino.”- Prop. Jackson Parchamento, Assistant Professor,CLSU 3. “Ang Panitikang Filipino ay salamin ng kultura nating mga Pilipino.”- Dr. Judith Angeles, Associate Professor,-CLSU 4. “Ang Panitikang Filipino ay pagpapahayag ng masidhing damdamin, saloobin at karanasan ng mga sinaunang tao na nagiging inspirasyonngkasalukuyan sa pamamagitan ng pasalita at pasulat.” Dr. Rachele Espeleta, Master Teacher II- Tarlac National High School 5. “Ang Panitikang Filino ay kalipunan ng mga isinatitik na kathang-isipat haraya ng mga Pilipino upang makapagpabatid ng kanilang damdamin at masiningna pagtanaw sa lipunang kinabibilangan. Para sa mga pangkat-etniko, nakapag- aambag ito sa kolektibong identidad ng mamamayan ng Pilipinas mula sa danas ngpakikipagtunggali sa pang-aalipusta at pagpapatingkad ng pansariling kultura." Prop. John Amtalao, Saint Louis University 6. "Ang Panitikang Filipino ay ang mga uri ng mga nakasulat at di nakasulat na prosa o tuluyan at patulang panitikan ng ating lahi. Saklaw din nito angmgaadaptasyon o isinaling anyo ng panitikan mula sa wika ng ibang lahi patungosawikang Filipino. Nagiging bahagi ito ng ating sariling panitikan sapagkat wikangFilipino na ang bumubuhay sa laman at kaluluwa ng isang naisalin na panitikan." -Dr. Rommel Espejo,Cultural Advocate/Literary Critique,NEUST-Main Campus 7. "Ang Panitikang Filipino ay ang kapatid na babae(herstory) ng kasaysayan(history) gayundin na sa anyong pasalita man o pasulat ay ang nagpapakita/nagpapayahayagsa buhay, katotohanan, kultura, wika ng mga tao sa isang bayan o bansa."-Dr. Jeannete Mendoza-Baquing, Assistant Profesor,Tarlac State University. Mula sa mga nabanggit, ano ngayon ang kahulugan ng panitikan? Ang panitikan ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining na anyo o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang maliw nito(Villafuerte,et.al, 2011) Masasabing kapatid ng kasaysayan(history) dahil may pagkilala na sa mga kababaihan. Nakikilala na ang kanilang mga obra at napapahalagahan na ang kanilang tinig, nagiging bahagi na sila ng kasaysayan. Samantala, may puwang na rin ang sining at kultura ng mga pangkat-etniko na lalong nagpapatingkad sa“pagkasarili” o kakanyahan ng mga Pilipino. Bawat bansa ay may sari-sariling kultura, may sari-sariling pambansang identidad na madaling pagkakakilanlan ng bawat bansa. Kung natural lamang sa bawat isa ang magkaroon ng sariling wika, natural lamang din na magkaroon ang bawat isa ng sariling panitikan. Panitikang magsasalamin sa tangi at tunay na sarili- pagkatao, pagkalahi at pagkabansa.(Arrogante et.al,2007) Sa kabilang dako, narito ang kahalagahan ng pag-aaral ng sariling panitikan 1. Lubos na makikilala ang sarili bilang isang Pilipino 2. Mabatid ang karangalan at kadakilaan ng ating mga sariling tradisyon at kultura. 3. Mapahalagaan ang mga naipaglaban ng mga ninuno. 4. Nababatid ang pagkakaiba at pagkakakatulad ng iba’t ibang rehiyon at maipagmalaki ang kinabibilangan 5. Matutukoy ang kalakasan at kahinaan ng lahi 6. Mapapangalagaan ang yamang-literari. 7. Maghuhubog ng bagong anyo, porma ng patikan na siyang magiging basehan kapag nagtagal na. 8. Malinang ang pagmamalasakit sa sarili nating kultura at panitikan. Sa patuloy na pag-aaral ng panitikan lalo na sa antas-tersaryo, higit na natatalakay nang may lalim ang mga panitikang nasusulat. Naipakikilala ang mga lokal na manunulat at ng kanilang mga akdang sumasalamin sa kanilang kultura. Nagkakaroon din ng pagsusuri at pagtatama sa mga panitikang-bayan. Talakayin naman natin ang uri, anyo, genre at halimbawa ng panitikan: MGA URI NG PANITIKAN Mga Uri ng Panitikan ayon sa Paghahalin: a. Pasalindila-sa pamamagitan ng bukambibig o pagbigkas nito, nalilipat-lipat sa isip; pagsasa-awit, pagkukwento o pagsasatula b. Pasulat gamit ang Alibata- naisulat sa mga dahon, balabak ng halaman o maiukit sa mga bato at kahoy; naisatitik na ito nang dumating na ang imprenta Mga Uri ng Panitikan ayon sa Nilalaman: a. kathang-isip (Ingles: fiction)-bunga nga haraya; madalas hindi totoo b. hindi kathang-isip (Ingles: non-fiction)-batay sa totoong pangyayari Mga Anyo ng Panitikan: 1. Patuluyan/tuluyan o prosa – tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama- sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. 2. Patula/tula o panulaan – ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma tugma 3. Patanghal- masasabing kombinasyon ng unang dalawang nabanggit; ipinalalabas sa tanghalan o isinasadula Mga Genre ng bawat anyo ng Panitikan: A. Mga akdang tuluyan a.1. Alamat – isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan ng mga hayop or mga halaman. Halimbawa: Ang Alamat ng Lupao; Alamat ng Saging a.2. Mulamat o mito-may mga tauhang diyos/diyosa Halimbawa: Rihawani a.3. Anekdota – akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao. a.4. Pabula – akda kung saan ang mga tauhan ay mga hayop Halimbawa: Ang palakang Walang utang na loob a.5. Parabula – tinatawag ding talinhaga, ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Halimbawa: Ang mgaManggawa sa Ubasan a.6. Maikling Kuwento – ito ay hinggil sa isang mahalagang pangyayari ng kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Halimbawa: Ang Kwento ni Mabuti a.7. Dagli-mga kwentong pawang sitwasyon lamang halimbawa: Ang Autobioagrapiya ng ibang mga Lady Gaga ni Jack Alvarez a.8. Nobela – o tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Halimbawa: Deseparasidos ni Lualhati Bautista a.9. Dula – uri na hinahati sa pamamagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro. a.10. Sanaysay – maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru- kuro ng may-akda. a.11. Talambuhay – isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na impormasyon; uri--paiba at pansarili a.12. Talumpati – isinalaysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. a.13. Balita – nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/oloob ng isang bansa a.14. Kwentong Bayan – uri na sumalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan B. Mga akdang patula B.1. Pasalaysay A. Awit- mas matayog ang diwa, may pagkakataong humahango ito sa totoong pangyayari sa buhay; 12 pantig, apat na taludtod sa isang saknong; andante ang kumpas(marahan) B. Korido -8 pantig, limang taludtod sa isang saknong; alegro(mabilis) ang kumpas C. Epiko – isinalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. B.2. Pandamdamin o liriko A. awiting-bayan-maikling tula g binibigkas ng may himig halimbawa: Leronleron Sinta B. elehiya- panimdim halimbawa: dung-aw sa Ilokano C. dalit- inaawit bilang papuri sa Diyos D. oda- tulang paghanga B.3. Padula/ dramatiko A. parsa- isang dulang magdulot ng katatawanan sa mga tagapanood. Gumagamit ito ng eksaheradong pantomina, clowning, at mga nakakatawang mga pananalita B. saynete- yugto sa dula na nakakatawa na nauukol sa mga popular natauhan; pinapaksa nito karaniwan ay ugali; may layunin ding magpatawa B.4. Patnigan A. karagatan-ipinalalabas bilang pang-aliw sa mga naulila; patula ang usapan; kadalagahan at kabinataan sa kumunidad at isang tagpamuna; mula ito sa alamat ng pagkawala ng singsing sa dagat ng isang dalaga B. duplo-belyako’t belyaka; nagsimula ang laro sa pagbibintang ng hari naninanakaw ng binata ang kanyang kulasisi C. Juego de Prenda- halos ganoon din sa proseso ng karagatan at duploiyon nga lang at may prenda 0 sanla na makukuha mo lang kapag nakasagot kangmay kahusayan D. Balagtasan-pagtatalo ng dalawang grupo hinggil sa isang paksa. Kakikitaan dapat ng kahusayan sa pagtulang lohikal ang kasapi rito. Kinuhaangtermino sa pangalan ng tagapanguna nito na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Samantala bahagi rin ng panitikan ang mga matatalinghagang tugma na may matayog na kaisipan. Mga Tugmang Matatalinghaga na pabigkas na tradisyong patula A. Salawikain – mga kasabihan o kawikaan. B. Bugtong – pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan. C. Sawikain {idyomatikong pahayag) - mga salitang eupemismo o patayutay; mga salitang di-direktang tumutukoy sa isang bagay. Tunay ngang napakayaman ng panitikang taglay ng Pilipinas mula pasapasalitang paraan hanggang ngayong nasa mundong digital na tayo. Sa katunayan, madali na lang sa halos lahat na maka-access sa mga babasahin, aklat, journal omga pag-aaral patungkol sa panitikan at iba pang larang. Ang impluwensya ng Panitikan o Literatura a. Bibliya - batayang pananampalataya ng mga krsitiyano b. Koran - batayang pananampataya ng mga Muslim c. Iliiad at Odyssey - mitolohiya at alamat ng Gresya d. Mahabhrata - ksaysayang pananampalataya; pinakamahabangepiko sa daigdig e. Canterburry Tales ni Chaucer -naglalarawan sa pananampataya at pag- uugali ng mga Ingles noong unang panahon, f. Uncle Tom’s cabin - nagpabukas sa isip ng mag Amerikano tungkol diskriminasyon sa mga lahing itim at naging simula ng paglaganapngdemokrasya g. Divine Comedia ni Dante- moralidad, pananampalataya at pag-uugali ngmga IItalyano. h. El Cid Compeador- katangiang panlipi ng Amerika at kasaysayanngEspanya. i. Isang libo at isang gabi- naglalarawan sa pamahalaan, kabuhayanat lipunan ng mga Arabo at Persyano j. Aklat ng mga araw ni Confucius-- batayan ng pananampalataya ngmgInstik k. Aklat ng mga Patay- tumatalakay sa mitilohiya at teolohiya ng Ehipto l. Awit ni Rolando- isinalaysay rito ang gintong panahon ng KristianismosaPransya. C. Pagpapalawak sa Aralin Upang higit na lumawak ang iyong kaalaman sa aralin, iminumungkahing puntahan, buksan, basahin ang artikulo / panoorin mo ang mga video sa sumusunod na link,magiging lunsaran ito ng kasunod na aralin at magiging bahagi ng mga gawain at pagsusulit. https://www.youtube.com/watch?v=w808S7uD96c&ab_channel=AralingPilipino https://www.youtube.com/watch?v=Q3QeGSK-zvQ&ab_channel=AngPanitikan