GE Filipino 3: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan (SOSLIT) PDF
Document Details
Uploaded by SlickOakland
Nueva Ecija University of Science and Technology
Honey Grace B. Almazar, LPT, MAEd
Tags
Summary
These lecture notes cover the topic of society and literature in Filipino 3. They discuss poverty as a social phenomenon and different perspectives on its causes. The document includes information on relevant Philippine laws and acts related to poverty and related topics.
Full Transcript
GE FILIPINO 3 SOSYEDAD AT LITERATURA/ PANITIKANG PANLIPUNAN (SOSLIT) HONEY GRACE B. ALMAZAR, LPT, MAEd Instructor Nueva Ecija University of Science and Technology HINGGIL SA KAHIRAPAN a. Kahulugan ng Kahirapan b. Mga Teorya Hinggil sa Sanhi ng K...
GE FILIPINO 3 SOSYEDAD AT LITERATURA/ PANITIKANG PANLIPUNAN (SOSLIT) HONEY GRACE B. ALMAZAR, LPT, MAEd Instructor Nueva Ecija University of Science and Technology HINGGIL SA KAHIRAPAN a. Kahulugan ng Kahirapan b. Mga Teorya Hinggil sa Sanhi ng Kahirapan c. Mga Dahilan ng Kahirapan d. Mga Akdang Hinggil sa Kahirapan 01 KAHIRAPAN Magkakaiba ang mukha ng kahirapan. Dahil ito sa magkakaiba ring danas sa penomenong ito na siyang isa sa pinakapangunahin at batayang suliranin ng maraming bansa sa mundo. Magkakaiba rin ang pamantayan sa pagsukat ng kahirapan sa iba’t ibang mga bansa, bagaman mayroong mga rekomendadong panukat sa insidente ng kahirapan sa daigdig. Ang absolut na kahirapan (absolute poverty) ay sumusukat sa kahirapang kaugnay ng dami ng pera o halagang kakailanganin para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay. Ang relatib na kahirapan (relative poverty) ay nagbibigay kahulugan sa kahirapan batay sa ugnayan nito sa ekonomikong kalagayan ng mga mamamayan sa isang lipunan – maaaring ituring na mahirap ang isang tao kung ang kaniyang antas ng pamumuhay ay mas mababa sa itinakdang karaniwang antas ng pamumuhay sa isang lugar (Habitat, 2019). Ayon sa United Nations (UN) 02 nasusukat ang kahirapan bilang absolut o relatib. Sa Pilipinas, lubha rin ang kahirapang nararanasan ng malaking porsyento ng mamamayan. Mula sa pamantayan ng panukat na nakabatay sa kita, nagpanukala ng mas 03 episyenteng pamamaraan ang Philippine Statistics Authority (PSA) na tinatawag na Multidimensional Poverty Index (MPI), kung saan may apat na dimensyong sinusuri upang tukuyin ang kahirapan sa Pilipinas. Ito ay ang mga sumusunod: 1) edukasyon, 2) kalusugan at nutrisyon, 3) pabahay, tubig, at sanitasyon, at 4) trabaho. KAHULUGAN NG KAHIRAPAN Ayon sa Social Reform and Poverty Alleviation Act o RA 8425, maituturing na mahirap ang isang indibidwal o pamilya kung ang kanilang kabuoang kita ay mas mababa sa isang sukatan na itinatalaga ng gobyerno. Tinatawag ang sukatang ito na Poverty Threshold. 1 Poverty Threshold Ang minimum na kita na kailangan ng isang indibidwal o pamilya upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, edukasyon, tirahan, pangkalusugan, damit, ilaw at tubig, transportasyon, komunikasyon, at iba pang pangunahing pangangailangan. 2 Poverty LINE Ang poverty threshold ay tinatawag din na poverty line. Ito ang linyang naghahati sa mga mahihirap at hindi. Kung ang kita ng bawat tao ay mas mababa sa linyang ito, siya ay tinatawag na mahirap o may salat na kita upang matustusan ang mga pangangailangan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan. 3 extreme poverty Sa kabilang banda, kung ang kita ng bawat tao ay mas mababa kaysa sa katumbas na food threshold, siya ay nakararanas ng matinding kahirapan o extreme poverty. Sila din ay tinatawag na food poor o may salat na kita upang matugunan kahit ang pangunahing pangangailangan para sa pagkain. MGA KATAWAGAN AT KASINGKAHULUGAN NG SALITANG KAHIRAPAN Karukhaan Pagkasaid Lubos na kahirapan Kawalan ng kabuhayan Ganap na karukhaan Kakulangan Paghihikahos Kagahulan Pagdarahop Kahinaan Kawalan Karalitaan Paghihirap Pagdaralita Kakapusan Pamumulubi MGA TEORYA HINGGIL SA SANHI NG KAHIRAPAN Sa Estados Unidos, ang dalawang magkatunggaling mga paliwanag ng sanhi ng kahirapan ang mga paliwanag na: Indibdwalistiko at Istruktural. 1 indibidwalistiko (pagsisi sa biktima) Sa loob ng Estados Unidos, ang isang tao ay mahirap dahil sa mga personal nitong katangian na kinabibilangan ng katamaran, kawalang motibasyon, mga lebel ng edukasyon, at iba pa. Ang mga taong nasa mahirap na pamilya ay inilalarawan ng ilan na nagpapakita ng mga saloobin ng pagsuko at pagsasatadhana sa kapalaran. 2 Istruktural (pagsisi sa sistema) Sumusunod sa teorya ng alitan ay nagsasaad na ang kahirapan sa Estados Unidos ay nagmumula mula sa kawalan ng pantay na ekwalidad at kawalan ng mga trabaho. Kabilang sa mga problemang ito ang diskriminasyon sa lahi, etnisidad, edad, at iba pa. MGA DAHILAN NG KAHIRAPAN ❑ Korapsyon ❑ Kakulangan sa ❑ Imperyalismo edukasyon ❑ Piyudalismo ❑ Masamang bisyo ❑ Lumalaking Populasyon ❑ Kawalan ng malinaw na ❑ Mababang Pasahod pagpaplano ❑ Katamaran ❑ Pag-aasawa nang hindi handa 1 Korapsyon Ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. 2 Imperyalismo Ito ay isang patakaran na ang ating bansa ay nasa ilalim sa kontrol ng ibang bansa. Ito ay nag-iiwan at nagdudulot ng masamang impluwensiya sa kultura sa bansa. 3 Piyudalismo Ito ay tumutukoy sa pagmamay-ari ng iilang mayayaman sa mga lupaing sakahan. Kadalasan ang mga may-ari ay makapangyarihan sa lipunan at gobyerno. 4 Lumalaking Populasyon Ang paglaki ng bilang ng populasyon ay nakadaragdag sa dami ng mahihirap na mamamayan. 5 Mababang Pasahod Dahil sa mababang sahod ng mga manggagawa, maraming mga tao ang nakararanas ng kahirapan sa bansa. 6 Katamaran Ang katamaran ay kapatid ng kahirapan dahil walang umaasenso sa pagiging tamad. Upang makamit ang isang bagay ay dapat itong paghirapan. 7 Kakulangan sa edukasyon Ang edukasyon ang puhunan para sa ating kinabukasan ngunit marami ang hindi nakapag-aaral dahil sa kakulangan ng pera. 8 Masamang bisyo Ilan sa mga ito ay ang paggamit ng sigarilyo, pag-inom ng alak, at pagsusugal. 9 Kawalan ng malinaw na pagpaplano Mayroong mga tao na mas inuuna ang kanilang kagustuhan kaysa sa pangangailangan ng kanilang pamilya. 10 Pag-aasawa nang hindi handa Ang ibang tao ay nagkakaroon muna ng pamilya kaysa trabaho. HINGGIL SA KAHIRAPAN 1. Matematika sa Ilalim ng Tulay ni Rolando A. Bernales 2. Bata, Bata, Ano ang Pangarap Mo? ni Ben Beltran 3. Iskwater ni Luis G. Asuncion 4. Dalawang Suliranin ni Elpidio E. Floresca GE FILIPINO 3 SOSYEDAD AT LITERATURA/ PANITIKANG PANLIPUNAN (SOSLIT) HONEY GRACE B. ALMAZAR, LPT, MAEd Instructor Nueva Ecija University of Science and Technology HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO a. Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao b. Dalawang Uri ng Karapatang Pantao c. Mga Batas sa Pilipinas Hinggil sa Karapatang Pantao d. Akdang Pampanitikan Hinggil sa Karapatang Pantao KARAPATANG PANTAO Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay. Karapatan ng tao na matugunan ang kaniyang mga pangangailangan upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao. Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad ng pagkain, damit, bahay, edukasyon, at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya ang kaniyang karapatan. KARAPATANG PANTAO Hindi maaaring mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang kaniyang mga karapatan. Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay bahagi na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay kilalanin ng pamahalaan sa estado sapagkat likas na itong bahagi ng tao. KARAPATANG PANTAO Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang mga pangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga pangangailangan o kumitil sa ating buhay ng walang dahilan ay lumabag sa ating karapatan bilang tao. Maaari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan ang ating karapatan. KARAPATANG PANTAO Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala rin sa karapatan ng iba. Ang pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang karapatan ng bawat tao. Kung ang lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspekto ng ating buhay sa lipunang Pilipino. DALAWANG URI NG KARAPATANG PANTAO 1 Indibidwal o Personal na Karapatan Karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na tao para sa pag- unlad ng sariling pagkatao at kapakanan. 2 Pangkatan/ Pangrupo/ Kolektibong Karapatan o Ito ay mga karapatan ng tao na bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan, pangkabuhayan, at pangkultural na pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsulong ng malusog na kapaligiran. Indibidwal o Personal na Karapatan 1 Karapatang sibil Ito ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa. ✓ Karapatang mabuhay ✓ Pumili ng lugar kung saan siya maninirahan ✓ Maghanapbuhay at mamili ng hanapbuhay Indibidwal o Personal na Karapatan 2 Karapatang pulitikal Ito ang karapatang na makilahok sa mga gawaing pulitikal. ✓ Pantay-pantay na karapatan ng bawat mamamayan na tumakbo para mamuno sa pamahalaan ✓ Bumoto ✓ Humawak ng isang posisyon sa isang lipunan Indibidwal o Personal na Karapatan 3 Karapatang Panlipunan Ito ang karapatang mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kaniyang kapakanan. ✓ Karapatan sa kalusugan ✓ Karapatan sa edukasyon ✓ Karapatan sa panlipunang seguridad Indibidwal o Personal na Karapatan 4 Karapatang pangkabuhayan Ito ay mga karapatang ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay. ✓ Karapatang magkaroon ng hanapbuhay ✓ Pantay na bayad sa pantay na paggawa ✓ Karampatang kabayaran sa trabaho ng nagbibigay respeto sa pamumuhay na may dignidad Indibidwal o Personal na Karapatan 5 Karapatang kultural Karapatan ng mga taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan. ✓ Karapatan pamayanan sa partisipasyon sa buhay kultural ng isang ✓ Karapatan ng katutubong grupo na mapanatili ang kanilang paraan ng pamumuhay at karapatan sa lupang ninuno MGA BATAS HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO Magna Carta of Women (Republic Act 9710) Magna Carta of Women (Republic Act 9710) Isinabatas upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women’s o CEDAW. ✓ Naisabatas noong ika-14 ng Agosto noong 2009 matapos itong pirmahan ng dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo. Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas (1987) Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas (1987) Artikulo III - Matatagpuan dito ang Bill of Rights (Katipunan ng mga Karapatan) na nagtatadhana ng mga karapatan at kalayaan ng tao na dapat igalang at tangkilikin ng estado at pamahalaan. ✓ 22 – Bilang ng mga seksyon ng Bill of Rights R.A. 7877 (Anti-Sexual Harassment Law of 1995) R.A. 7877 (Anti-Sexual Harassment Law of 1995) Ang sexual harassment sa trabaho, paaralan, at mga lugar ng pagsasanay (training environment) ay nagaganap kung ang sinumang may awtoridad at impluwensiya ay nagpumilit o nanghingi ng pabor na sekswal sa isang indibidwal. ✓ Sinumang direktang magsagawa ng mga ipinagbabawal na akto, babae man o lalaki ay maaaring maparusahan sa ilalim ng batas. R.A. 8353 (Anti-Rape Law of 1997) R.A. 8353 (Anti-Rape Law of 1997) Ang panggagahasa ay naisagawa kapag: 1) Ang isang lalaki ay nagkaroon ng kaalamang karnal sa isang babae sa ilalim ng kahit alin sa mga sumusunod na sitwasyon: a. Gumamit ng puwersa, banta, o intimidasyon; b. Kung ang biktima ay wala sa tamang pag-iisip o kaya ay walang malay; c. Sa pamamagitan ng panlilinlang o pag-abuso sa kapangyarihan; d. Kapag ang biktima ay wala pang labingdalawang (12) taong gulang o ‘di kaya ay baliw. 2) Ang kahit sinong tao na sa ilalim ng mga nabanggit na sitwasyon sa (1) ay ipinasok ang kaniyang ari (penis) sa bibig o puwet ng ibang tao o ipasok ang anumang instrumento o bagay sa ari (genitalia) o puwet ng ibang tao. R.A. 8353 (Anti-Rape Law of 1997) Statutory rape – nangyayari kung hinalay ang isang batang may edad 12 anyos pababa. Ayon sa batas, ang batang 12 anyos pababa ay hindi kayang magbigay ng consent dahil siya ay nasa murang edad. Marital Rape – nangyayari ito kung sapilitan ang nangyaring pagtatalik sa pagitan ng mag-asawa. Ayon sa batas, maaari nang magreklamo mapa-babae man o lalaki kung pinilit ang isang tao na makipagtalik ng kaniyang asawa. ✓ Isinabatas noong Setyembre 30, 1997. R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2014) R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2014) Ang krimen ng karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak ay naisagawa kapag: 1) Pisikal na sinaktan ang babae o ang kaniyang anak; 2) Nagbanta ng pisikal na pananakit sa babae o kaniyang anak; 3) Nagtangkang saktan ang babae o kaniyang anak; 4) Nagdulot ng matinding takot sa babae o kaniyang anak dahil sa bantang pisikal na kapahamakan; 5) Pagpilit o tangkang pagpilit sa babae o kaniyang anak na gumawa ng mga bagay na puwede naman nilang tanggihan; R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2014) 6) Pananakit o pagbabanta ng pisikal na pananakit sa sarili para makontrol ang mga aksyon at desisyon ng babae; 7) Pagpilit o tangkang pagpilit sa babae o kaniyang anak ng gumawa ng isang sekswal na aktibidad na hindi naman panggagahasa, sa pamamagitan ng pwersa o banta ng pwersa, pisikal na pananakit, o pananakot sa babae, kaniyang anak o pamilya; 8) Mga gawaing nakaaalarma o naghahatid ng emosyonal o sikolohikal na paghihirap; 9) Pagdulot ng pagdurusang mental at emosyonal at kahihiyan sa babae o kaniyang anak sa pamamagitan ng paulit-ulit na pang-aabuso (verbal and emotional), at pagkait ng pinansiyal na suporta o pagkait ng kustodiya o ’access’ sa mga menor-de-edad na anak ng babae. R.A.9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) R.A.9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) Ang krimen na “trafficking in persons” ay ang panghihikayat, pagbabiyahe, paglilipat, pamamahala, pagtatago o pagtanggap ng mga tao, may pahintulot man o wala ng biktima, sa loob man patungo o palabas ng bansa, sa pamamagitan ng pagbabanta o puwersa, o anumang uri ng pamimilit, panlilinlang, pang-aabuso ng kapangyarihan o katayuan, pananamantala sa kahinaan ng iba, o pagbibigay o pagtanggap ng kabayaran o benepisyo upang makamit ang pahintulot ng isang tao na may awtoridad o superbisyon sa iba, na may layon ng pananamantala at pang- aabuso, kabilang ang prostitusyon, sapilitang paggawa, at pagbebenta ng parte ng bahagi ng katawan ng tao. R.A. 9344 (Juvenile Justice and Welfare Act of 2006) R.A. 9344 (Juvenile Justice and Welfare Act of 2006) Sa ilalim ng batas na ito, hindi maaaring panagutin sa batas ang mga nakagawa ng krimen kapag sila ay may edad 15 anyos pababa. Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), noong 2016, nasa 10,000 bata ang nasangkot sa krimen. Karamihan sa mga ito ay lalaki, hindi nakapagtapos ng ikaanim na baitang sa pag-aaral, galing sa mahirap na pamilya, at nahuli dahil sa pagnanakaw. ✓ Sa ilalim ng batas na ito, dapat na i-rehabilitate sa mga shelter na binansagang “Bahay Pag-asa” ang mga batang nakagawa ng krimen sa halip na ikulong sa mga ordinaryong piitan. Act No.3815 (The Revised Penal Code of the Philippines) Act No. 3815 (The Revised Penal Code of the Philippines) Sa ilalim nito, ang pagmumura at pagpapakalat ng masasamang impormasyon sa ibang tao ay itinuturing na paninirang-puri na nagbibigay ng pananagutang kriminal laban sa sinumang gumagawa nito. ✓ Ang paninirang-puri ay maaaring ituring na: 1 Oral Defamation o Slander (Pasalita) Ito ay ang tumutukoy sa kasinungalingan o walang katotohanan na paninira na ipinahayag mula sa salita o kilos na nakasisira sa reputasyon at karakter ng isang tao na may parusang kulong batay sa Article 358 ng Revised Penal Code. Mayroong dalawang klase, simple slander na may mababang parusa at grave slander na may mataas na parusa. Ang pananampal sa mukha ng isang tao ay isa ring krimen na kung tawagin ay Slander by Deed ayon sa Article 359 ng Revised Penal Code. 2 Libel (Nakasulat) Paninirang puri kung ito ay ginagawa sa pamamagitan ng artikulo na lumalabas sa mga diyaryo, magasin, at iba pang babasahin batay sa Article 355 ng Revised Penal Code. Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 Sa batas na ito nakapaloob ang Cyber Libel o ang paninira ng kapuwa gamit ang social media. Pinaparusahan nito ang paglathala ng mapanirang pahayag o akusasyon gamit ang computer at ibang kahalintulad na device gaya ng cellphone. ✓ Kasali sa puwedeng makasuhan ay ang mga mapanirang post sa social media at mga blog. Ngunit kung hindi nagbigay-pahiwatig ang nag-post kung sino ang pinatatamaan niya ay hindi pa ito maaaring parusahan. HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO 1. Bawat Karapatan ay Butil ng Ginto ni Gregorio V. Bituin Jr. 2. Tata Selo ni Rogelio Sikat 3. Moses, Moses ni Rogelio Sikat MARAMING SALAMAT! HONEY GRACE B. ALMAZAR, LPT, MAED NEUST-IOLL Honey Grace B. Almazar, LPT, MAEd Instructor Institute of Linguistics and Literature Nueva Ecija University of Science and Technology