Litr 101 - Sosyedad at Literatura PDF
Document Details
Uploaded by StimulatingHeliodor2711
Tags
Summary
This document is an introductory lesson on literary criticism in Tagalog. It covers the different types of literature, including fiction and non-fiction, and discusses the importance of literature in society.
Full Transcript
**Litr 101 -- Sosyedad at Literatura** **ARALIN I -- Panunuring Pampanitikan** **Panunuring Pampanitikan** - Malalim nap ag-aaral, pagtalakay, pagpapaliwanag, at paghimay ng mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat at iba't ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unaw...
**Litr 101 -- Sosyedad at Literatura** **ARALIN I -- Panunuring Pampanitikan** **Panunuring Pampanitikan** - Malalim nap ag-aaral, pagtalakay, pagpapaliwanag, at paghimay ng mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat at iba't ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at mga katha **Panitikan** - Mula sa salitang "**pantitikan"** at nagmula rin sa salitang "**literatura"** (**littera** sa latin) na nangangahulugang **"titik"** - Nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng isang bans ana nasusulat na makahulugan, maganda, at masining na paglalahad - Ang kasaysayan ng panitikan ay maitutulad sa kasaysayan ng isang lahi o bansa - "**Ang panitikan ay talaan ng buhay kung saan isinisiwalat ng tao ang mga napupuna niya sa daigdig na kinabibilangan" (Arrogante, 1983)** - **"Ang panitikan ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan at karanasang pantao na natatangi sa sangkatauhan" (Salazar, 1995)** **Mga uri ng panitikan** 1. **Kathang-isip (fiction)** 2. **Di Kathang-isip (non-fiction)** **Mga anyo ng panitikan** 1. **Tuluyan o Prosa (Prose) **-- maluwag na pagsasama sama ng ma salita. Halimbawa ay alamat, anekdota, nobela, pabula, parabola, maikling kwento, dula, sanaysay, talambuhay, talumpati, balita, at kwentong bayan 2. **Patula o Panulaan (Poetry)** -- pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig. Halimbawa ay tulang pasalaysay, awit, korido at kantahin, epiko, balad, salawikain, butong, at tanaga **Kahalagahan ng Panitikan** - Nagbibigay ng paraan ng pagtakas sa reyalidad at ibahagi ang libangan sa ibang tao - Tumutulong sa paghulma ng lipunan sa pamamagitan ng pagbuo ng opinyon at pagkuwestiyon sa sistema - Sumasalamin sa kulturang pinagmulan nito dahilan upang mas maunawaan ng susunod na henerasyon **Mga Sangay ng Panunuring Pampanitikan** **Unang Sangay (Pagdulog)** 1. **Pormalistiko o Pang-anyo (1910)** -- ang akda o teksto ay dapat suriin at pahalagahan kung nais talagang masukat ang kagandahan ng akda. Ang **pagbibigay pansin sa anyo ng panitikan at ang pisikal na katangian ng akda** ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Naglalayong matukoy ang **nilalaman**, **kaanyuan**, at **paraan ng pagsulat**. 2. **Moralistiko** -- layon na magbigay ng aral sa mambabasa. Sinusuri nito ang pagpapahalagang ginamit. Sinasabing ekstensyon ito ng **Humanismo** dahil sa pagbibigay halaga sa pagpapanatili ng integridad at dignidad. May **dalawang (2)** naibibigay ang akda. Ang **dulce** o aliw at kaligayahan at **utile** o ang aral at kaalaman. Sa panahon ng katutubo, maituturing na moralistiko ang salawikain, kasabihan, pabula, at alamat. Sa panahon naman ng mga kastila ay akdang tungkol sa santo't santa. 3. **Sikolohikal** -- nagpapakita ng ekspresibong pananaw. Nagpapaliwanag sa pamamagitan ng salik sa pagbuo ng naturang ugali, paniniwala, pananaw, at pagkatao sa isang tauhan. Ito ay nagsisiwalat ng damdamin, isip, at personalidad. Inaanalisa rin nito ang ugnayan ng may-akda at ng akda gamit halimbawa ang bayograpikal na pagdulog. 4. **Sosyolohikal-panlipunan** -- tinitingnan nito ang akda bilang produkto ng kamalayang panlipunan ng may-akda. Ang tao ay bahagi ng mga institusyong panlipunan na likha rin ng tao na syang humuhubog sa pagkatao ng isang indibidwal. Sa pagdulog na ito, sinusuri kung paano nahuhubog ng isang institusyon ang isang indibidwal. Inaaral ng pagdulog na ito ang ugnayan ng tao at Lipunan, pulitika, relihiyon, at paghahanapbuhay. **Ikalawang Sangay (Pananalig)** 1. **Klasismo** -- naglalahad ng pangyayari ukol sa pagkakaiba ng mga estado sa buhay na laging natatapos nang may kaayusan. Malinaw, payak, marangal, mapagtimpi, obhetibo, sunod-sunod, at may hangganan. Ang dalawang pinakatanuag na dula nito ay **Trahedya** at **Komedya.** 2. **Romantisismo** -- nagpapamalas ng iba't-ibang paraan ng pag-aalay ng pag-ibig at ipinapakita na gagawin ng isang tao ang lahat para maipaalam ang kaniyang pagmamahal. Ang unang uri nito ay **Romantisismong Tradisyunal** na tungkol sa nasyunalismo, pagkamaginoo, at pagkakristiyano. At ang ikalawa namang uri ay **Romantisismong Rebolusyonaryo** na nagpupumiglas, mapusok, at makasarili. 3. **Realismo** -- tungkol sa katotohanan sa lipunan at karaniwang paksa ay ang mga nangyayari sa lipunan. Naglalayong ipakita ang mga karanasang nasaksihan sa lipunan. - **Pinong Realismo** -- may pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay-bagay at iwaksi ang anumang pagmamalabis. - **Sentimental na Realismo** -- mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang-araw-araw na suliranin. - **Sikolohikal na Realismo** -- naglalarawan ng internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos. - **Kritikal na Realismo** -- inilalarawan ang gawain sa isang lipunang burgis upang ipakita ang panlulupig nito. - **Sosyalistang Realismo** -- ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng lipunang pamumunuan ng mga anak pawis. - **Mahiwagang Realismo** -- pagsanib ng pantasya at katotohanan nang may kamalayan. 4. **Impresyunalismo** -- isinilang noong ika-19 siglo mula sa isang pangkat ng mga artista mula sa Paris. Ang konsepto niyo ay ginagamit din para sa musika at pagpinta. Ito ay isang pangunahing punto sa modernong sining. Layon nitong ikumpara ang opinyon sa pamamagitan ng makabuluhang pagkilala sa mga pangyayaring nagpapakita ng interes sa mambabasa. 5. **Feminismo** -- naglalayong iwasto ang mga maling pananaw tungkol sa kahalagahan, tungkulin, at kahulugan ng babae sa Lipunan at sa prinispyong dapat maging pantay ang mga babae at lalaki. Layunin din nitong ipakilala ang kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang paningin ng lipunan sa kababaihan. 6. **Imahismo** -- gumagamit ng wika at simbolismo upang maihatid ang mensahe gamit ang imahe. Ito ay isang malayag pagsulat na kailangang gumamit ng konkreto, matipid, at maingat na saita upang makabuo ng konkretong imahen. 7. **Historikal** -- layuning ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na masasalamin sa kasaysayan. Kinikilala nito ang gampanin ng isang institusyon. Ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng kasaysayan na maipaliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa panahong kinasangkutan nito. 8. **Arkitaypal** -- tinatawag ding mitolohial o ritwalismo. - **Arkitepong Tauhan** -- mga bayani, martir, madrasta, rebelde, at sawi. - **Arkitepong Pangyayari** -- paglalakabay, paghahanap, pagpapasimula, pagbagsak, kamatayan, at pagkabuhay. - **Arkitepong Simbolo at Kaugnayan** -- gumagamit ng tambalan (Liwanag at dilim). **Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan** 1. **Pamagat** -- pangalan ng may-akda at akda na sinusuri pati na rin ang paksa. 2. **Panimula** -- impormasyon kaugnay ng sanaysay at pambungad na talata. 3. **Paglalahad ng Tesis** -- nakapaloob sa simula at nagsasabi kung anong dapat asahan. Ito rin ang nagbibigay ng layunin o puntong gusting iparating. 4. **Katawan** -- naglalaman ng paliwanag sa ideya at katibayan mula sa teksto na sumusuporta sa tesis. 5. **Konklusyon** -- buod ng punto na ginawa na may katuturang komento. **Pakinabang ng Panunuring Pampanitikan** - Tinutulungang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman ng akda at kung paano ito nagiging isang buong ideya. **Katangian ng isang mahusay na Kritiko** 1. Matapat sa sariling panunuri 2. Handing kilalanin ang sarili bilang manunuri 3. Laging bukas ang pananaw sapagbabago 4. Iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko 5. Matapat na kumikilala sa akda **Mga isyung panlipunan** **Lipunan** - Taong sama-samang naninirahan sa isang komunidad na may batas, tradisyon, at pagpapahalaga. **Isyung Panlipunan** - Usapin na nakaaapekto sa tao at lipunan. 1. **Isyung Ekonomiko** -- nagbubunga ng pagkawala ng trabaho na nakadepende sa lugar, kasarian, edukasyon, at pangkat etniko. 2. **Problemang Pangkapitbahayan** -- mga komunidad na madalas may mataas na drop-out rate o may mababa sa walang pagkakataon na mag-aral. 3. **Diskriminasyon sa Edad** -- pagtangi sa edad ng isang tao. 4. **Problemang Pantrabaho** -- stress, pagnanakaw, panggugulo, hindi pantay na sahod, at papoot ng ibang lahi. 5. **Hindi pagkakapantay-pantay sa Lipunan** -- bunga ng maraming problemang panlipunan at pinagbabasehan ang kasarian, kapansanan, lahi, at edad sa pagtrato. **ARALIN II -- PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN** **Panitikan** - Nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin, at diwa **Kahirapan** - Kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ito ay malalim na sugat na makikita sa bawat sukat ng kultura at Lipunan. Mapupuksa ito kung ang bawat tao ay magsasama-sama na may iisang layunin. **Mga Sangkap ng Kahirapan** -- ang **sangkap** at **dahilan** ay hindi magkapareho. Ang **sangkap** ay nakadaragdag samantalang ang **dahilan** naman ay ang pinagmulan. 1. **Kawalang-kaalaman** -- ito ay ang kakapusan ng impormasyon. Iba sa **bobo** na kakapusan ng talino at sa **tanga** na kakapusan naman ng karanasan. 2. **Sakit** -- ang ekonomiya ay masagan kung ang mga tao ay malulusog sapagkat ang kalusugan ay tumutulong upang maalis ang kahirapan. 3. **Kawalang pagpapahalaga** -- nangyayari kapag ang mga tao ay nawalan na ng pakialam o pakiramdam nila'y wala na silang magagawa upang magdulot ng pagbabago. Ito ay nadudulot ng kawalan ng pakialam. 4. **Hindi mapagkakatiwalaan** -- isang halimbawa nito ay ang mga opisyales na hindi mapagkakatiwalaan at patuloy ang pagkamkam sa kaban ng bayan. 5. **Pagiging palaasa** -- ito ay bunga ng pagtanggap ng limos at awa. Ang pagtanggap ng limos ay hindi masama kung hindi ito gagawin sa mahabang panahon. **ARALIN III -- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO** **Dignidad** - Kabilang ang lahat ng katangian ng isang tao at kabuuan ito ng ating pagkatao. Mahalaga ito upang maging ganap ang ating pagkatao at tinataglay ng bawat isa. **Karapatang pantao** - Kinakailangan ng bawat tao upang makapamuhay nang may dignidad. Ginagarantiya nito ang ganap at kabuoang pag-unlad. Ito ang saligan ng kalayaan, hustisya, at kapayapaan sa mundo. Ito ang pangunahing obligasyon ng estado na pangalagaan. ito rin ang nagbibigay-gabay sa mga tao upang panghawakan ang kanilang mga buhay at umaksyon para sa pagbabago. - Nararapat itong matugunan upang mabuhay nang may dignidad bilang tao. Ito ay ang karapatang tinatamasa ng isang indibidwal sa sandalling isilang ito kaya walang may karapatang lumabag dito - Ito ay likas sa tao, pandaigdigan, di-mahahati, at di-maiaalis **Historikal na Pag-unlad ng konsepto ng karapatang pantao** 1. **Cyrus Cylinder (539 BCE)** -- sinakop ni Hring Cyrus ang Babylon at pinalaya ang mga alipin. Idineklara niya ang pagkakapantay-pantay ng lahat. Tinagurian itong **first charter of human rights.** 2. **Magna Carta (1215)** -- lumagda si John I sa magna carta na nagsasaad na hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian nang walang pagpapasya ng hukuman. 3. **Petition of Right (1628)** -- tungkol sa karapatang hindi magpataw ng buwis nang walang pahintulot, magkulong nang walang sapat na dahilan, at magdeklara ng batas military sa panahon ng kapayapaan. 4. **Bill of Rights (1791)** -- nagbibigay-proteksyon ito sa lahat ng mga mamamayan pati na rin sa iba pang naninirahan sa ibang bansa 5. **Declaration of the rights of man and of the citizen (1789)** -- matapos wakasan ng French revolution ang pamumuno ni Haring Louis XVI, nilagdaan ito para sa karapatan ng mga mamamayan 6. **The first Geneva Convention (1864)** -- layunin nitong maalagaan ang mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon\\ 7. **Universal declaration of human rights (1948)** **--** nabuo nang maluklok si Eleanor Roosevelt. Isa itong mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal (sibil, political, ekonomiko, sosyal, at kultural). Tinawag din itong **International Magna Carta for all mankind** **Constitutional Rights** -- karapatang ipinagkalood at pinangangalagaan ng estado 1. **Karapatang Politikal** -- karapatang makilahok, tuwiran man o hind isa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan 2. **Karapatang Sibil** -- karapatang magkaroon ng kasiya-siyangpamumuhay nang hindi lumalabag sa batas 3. **Karapatang Sosyo-ekonomik** -- karapatang masiguro ang katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan 4. **Karapatan ng akusado** -- karapatang mabigyan ng proteksyon ang inakusahan. Ang **Miranda rights** ay nagsasaad na may karapatan kang manahimik ano man ang gawin sapagkat maaaring gamitin ito laban sa'yo **Statutory** - Karapatang kaloob ng binuong batas na maaari lamang alisin gamit ang panibagong batas **Grupo o klasipikasyon ng mga karapatan** - **Ayon sa Katangian (nature)** -- Civil, Political, Economic, Social, at Cultural rights. - **Ayon sa kung sino ang tumatanggap (recipient)** -- Individual at Collective/Group Rights - **Ayon sa pinagmulan (source** -- Natural at Legal Rights - **Ayon sa pagpapatupad (implementation)** -- Immediate at Incremental **Non-derogable or Absolute rights** -- karapatang hindi pwede suspindihin o alisin **VI.** Karapatan sa buhay **VII.** Karapatan laban sa torture at di makataong parusa **VIII**. Karapatan laban sa pang-aalipin **XI.** Karapatan laban sa pagkakakulong bunga ng hindi pagtupad sa obligasyon **XV.** Karapatan laban sa pagsasampa ng kaso kaugnay sa krimen na hindi mo naman ginawa **XVI.** Karapatang kilalaninng batas bilang tao saan man sa mundo **XVIII.** Karapatan sa malayang pag-iisip, budhi, at relihiyon **Uri ng karapatang pantao** 1. **Indibidwal na karapatan** -- karapatan na pag-aari ng indibidwal para sa sariling pag-unlad. - **Karapatang Sibil** -- karapatang mabuhay nang malaya at mapayapa, mamuhay, pumili ng lugar na titrahan at mamili ng hanapbuhay. - **Karapatang Politikal** -- karapatang makisali sa proseso ng pagpili ng opisyal, pagsali sa referendum at plebisito. - **Karapatang Panlipunan** -- karapatang mamuhay upang isulong ang kapakanan. - **Karapatang Pangkabuhayan** -- karapatang magsulong ng kabuhayan at magkaroon ng disenteng pamumuhay. - **Karapatang Kultural** -- karaatang lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan. 2. **Panggrupo o kolektibonhg karapatan** -- karapatang bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsulong ng malusog na kapaligiran.