Mga Uri at Anyo ng Literatura PDF
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang pag-aaral tungkol sa iba't ibang uri at anyo ng literatura sa Tagalog, na kinabibilangan ng mga tula, sanaysay, maikling kwento, dula, at iba pa. Mayroong pagtalakay sa mga katangian ng bawat uri, at nagbibigay rin ng mga halimbawa ng mga akdang pampanitikan.
Full Transcript
**URI AT ANYO NG LITERATURA** 1. Tuluyan 2. Patula - Ang patula ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang sa pantig. - May dalawang kayarian ang tula: may sukat at tugma o tradisyunal. Ang malayang taludturan ay ang tinatawag sa Ingles na free verse. - Maging tu...
**URI AT ANYO NG LITERATURA** 1. Tuluyan 2. Patula - Ang patula ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang sa pantig. - May dalawang kayarian ang tula: may sukat at tugma o tradisyunal. Ang malayang taludturan ay ang tinatawag sa Ingles na free verse. - Maging tuluyan o patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay ginagamit ayon sa hinihingi ng hangarin: pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran (pasulat o pasalita man) **PANGKALAHATANG KATANGIAN NG LITERATUR SA MGA ANYONG TULUYAN** ➤Maikling kwento Ito\'y isang salaysay na ginagalawan ng isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at kakintalan. ➤DULA Ito\'y isang anyo ng akdang panliteratura na bibigyang-buhay sa pamamagitan ng karaniwang pagtatanghal sa entablado. Nagsisimula ang dula bago pa man dumating ang mga kastila mula sa mga anyo ng ritwal, sayaw at awit. ➤Sanaysay Pagpapahayag ito ng kurokuro o opinion ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. ➤Nobela Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari rito\'y hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasaklaw ng mahabang panahon at ginagalawan ng maraming tauhan. ➤ Alamat Karaniwang hindi batid kung sino ang may- akda o sumulat nito. Ito\'y nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno upang maihatid sa mga tao sa kasalukuyang panahon. ➤ Anekdota Ito\'y batay sa mga totoong pangyayari na ang layunin ay magbigay ng aral. ➤Pabula Tungkol sa mga hayop ang karaniwang paksa nito. Layon nitong gisingin ang interes ng mga bata at makapagbigay ng aral. ➤Parabula Ito\'y salaysaying hango sa Bibliya. Layon din nitong makapagbigay-aral sa mga mambabasa. ➤Balita Isang paglalahad sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan sa araw-araw, tungkol sa pamahalaan at sa lahat ng isyung maaaring makapaapekto sa indibiduwal o sa nakararaming mga tao sa isang komunidad o bansa. ➤ Talumpati Karaniwang ito\'y binibigkas sa harap ng mga tao. Layunin nitong humikayat, magpaliwanag at magbigay ng opinion ukol sa isang pangyayari o paksa. ➤ Talambuhay Nahahati ito sa pansarili o pang-iba. Ito\'y tala ng kasaysayan sa buhay ng isang tao. **MGA LITERATURA SA MGA ANYONG PATULA** Apat na uri ang mga akdang patula: 1. Tulang pasalaysay 2. Tulang liriko o pandamdamin 3. Tulang pandulaan 4. Tulang patnigan. **Tulang Pasalaysay** ito ay pumapaksa sa mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay, ng kagitingan at kabayanihan ng tauhan. Kabilang sa uring ito ang: 1\. Awit at Korido- na pumapaksa sa mga pakikipagsapalaran at karaniwang ginagalawan ng mga tauhang prinsipe at prinsesa (ang halimbawa ng awit ay Florante at Laura st ang kurido naman ay Ibong Adarna) 2\. Epiko na tungkol pa rin sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan at ang mga pangyayaring nakapaloob ditto ay kagila-gilalas at hindi kapani- paniwala. 3\. Balad- Ito ay mau himig na dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ang nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan aynapapasama na ito sa tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig. **Tula ng Damdamin o Tulang Liriko-** Ang uring ito ay nagpapahayag ng damdaming maaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya\'y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata na batay sa isang karanasan. Karaniwang maikli, likas, at madaling maunawaan ang mga ito. **MGA URI NG TULANG LIRIKO** **1. Awiting bayan-** Ang karaniwang paksa sa uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. **2. Soneto-** Ito\'y tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, itoy naghahatid ng aral sa mambabsa. **3. Elihiya-** nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya\'y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao. **4. Dalit-** Awit na pumupuro sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay. **5. Pastoral-** Ito\'y layuning maglarawan tunay na buhay sa bukid. may ng **6. Oda-** Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, 0 iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. **TULANG DULA O PANTANGHALAN** **1. Melodrama**- itoy isang karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musical, kasama na ang opera. Ngunit ngayon ito ay may kaugnayan sa trahediya tulad din ng parsa sa komediya. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula. **2. Komedya-** Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihang manonood. Nagwawakas ito nang masaya. Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpapasiya manonood. ng damdamin ng **3. Trahedya-** Angkop ang uring ito ng dula sa mga tungaiang nagwawakas sa pagkasawi 0 pagkawasak ng pangunahing tauhan. **4. Parsa-** Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga pangyayaring nakatatawa. **5. Saynete-** Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag- uugali ng tao o pook. **TULANG PATNIGAN** **1. Karagatan**- Ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa dagat at ang makakakuhay\'y pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa\'y matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo na may tandang puti at sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatanungin ng dalaga ng mga talinghaga. **2. Duplo-** Ito ang humalili sa karagatan. Ito\'y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Ang mga pangangatiwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan. **3. Balagtasan**- Ito ang pumalit sa duplo at ito\'y sa karangalan ng Siesne ng Panginay na si Francisco \"Balagtas\" Baltazar. Ito\'y tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. **MGA ELEMENTONG LUMIKHA NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN** - Ang mga akdang pampanitikan ay nilikha at nabubuo sa pamamagitan ng iba\'t ibang elementong gumaganap ng mahalagang tungkulin upang ang mga obra-maestro sa larangang ito ng sining ay magkakaroon ng buhay. - Katulad ng iba pang sining, ang panitikan ay patuloy sa pagsulong at pag-unlad sa pamamagitan ng iba\'t ibang dahilan. *Ano-ano nga ba ang mga elementong masasabi nating nakatutulong upang lumikha ng mga akdang maipagmamalaki natin bilang mga Pilipino?* **1. Kapaligiran**- binibigyang pansin ang isang pook. Kasama ang iba\'t ibang sangkap na kalikasan katulad ng klima, mga likas na yaman, mga pisikal na kapaligiran at mga kaugnay nito. Maraming mga tula, maikling kwento, nobela at iba pang akda ang sumilang at nilikha na ang ginamit na paksa ay ang kapaligiran at ang kalikasan. **2. Karanasan**- Isang lunsaran ng mayamang paksa ang karanasan ng tao. Dito maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghay na mapaghahanguan ng paksa sa iba\'t ibang uri ng akda. Bawat kasaysayan ng isang tao ay maaaring maging batayan para sa isang akdang magbibigay sa mga mambabasa ng pagkakataong Makita ang kanyang binabasa, ganitong paraan nakagagawa siya ng pagkakataong pag-ibayuhin ang kanyang pagsisikap tungo sa isang makabuluhang pamumuhay. **3. Salik na Panlipunan at Pampanitikan** Ang mga gawaing may kaugnayan sa lipunan gayundin at sa pulitika ay isang malaking bahagi sa pagdadala ng mga kaugalian, karanasan, kalinangan at kabihasnan ng isang tanging pook o bansa. Dito ay may mga akdang tunay na kakatawan sa kaisipan, damdamin at paniniwala ng mga mamamayan sa pook na ito. **4. Salik na Panrelihiyon-** Maraming mga akdang nakilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig ang pumapaksa sa salik na ito. Hindi natin matatawaran na ang pananampalataya na natutunan natin sa mga dayuhan ay nagkakaroon ng malaking impluwensiya upang ang ating mga manunulat sa iba\'t ibang panahon ay makasulat ng mga obra- maestrang panghabang panahon. **5. Edukasyon-** Ang pilosopiya ng edukasyon na ituturo sa atin ay lalong nagpapalawak sa kalinangan at karunungang taglay natin. Sa pamamagitn ng mga naituro sa atin sa mga institusiyon sa ating bansang kinagisnan, higit na nagkaroon ng puwang sa ating puso ang makalikha ng mga akdang magpapakilala ng uri ng lipunan at edukasyong naghatid sa atin sa kinalalagyan. **IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN SA BUHAY NG TAO** Ang panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao at ito\'y may dalawang kalagayan: 1\. Ito\'y nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinangagalingan ng panitikan. 2\. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin nagkakaunawaan at nagkakatulungan. at kaisipan, **MARAMI ANG MGA AKDANG PAMPANITIKAN** **NAGDADALA NG MALAKING IMPLUWENSIYA SA DAIGDIG. ANG ILAN SA MGA ITO\'Y ANG MGA SUMUSUNOD:** **1. Banal na kasulatan-** nagiging batayan pananampalatayang Kristiyano. **2. Koran- (Arabia) -** Bibliya ng mga Muslim. **3. Iliad at Odyssey ni Homer (Gresya)**- siyang kinatutuhanan ng mga alamat at mitolohiya. **4. Mahabharata(Indiya)-** Ito ang ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito ng kasaysayan ng pananampalataya. **5. Divina Comedia-** ni Dante (Italya)- nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano. **6. Aklat ng mga Araw ni Confucious (Tsina)** nagiging batayan ng kslinangan at pananampalatayang Intsik. **7. Aklat ng mga Patay(Ehipto)** - Kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mga taga- Ehipto. **8. Counterburry Tales ni Chaucer ( Inglatera)-** naglalarawan ng mga ugaling Ingles at ng kanilang pananampalataya. **9. El Cid Campeador (Espanya)** nagpapahayag ng kanilang mga alamat, pag-uugali at kasaysayan. **10. Uncle Tom\'s Cabin-** Si Harriet Beecher Stowe ng Estado Unidos na nagbukas ng mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglalaganap ng demokrasiya sa daigdig. **11. The songs of Roland (Pransya)**- Kinapapalooban ito ng mga kwentong Roncevalls at ang lalong kilalang Doce Pares ng Pransia. Ito ay nagtataglay ng kasaysayan ng gintong panahon ng ka Kristiyanuhan sa Pransia. **12. Five Classises at Four Books (Tsina)-** na kinatitikan ng magandang kaisipan at pilosopiya ni Confucius. Naging batayan ang mga aklat na ito ng pananampalataya, kalinangan at kasaysayan ng mga Intsik na nakakapekto sa atin. **ANG MGA KASANGKAPANG PAMPANITIKAN NA NAGBIBGAY-ANYO SA AKDA** Ang salitang **Estetika** ay nanggaling sa salitang Griyego \"*aesthesis*\" na nangangahulugang \"**pakiramdaman**\"o dating ng anumang persepsiyon sa mga sentido (panlabas at panloob) ng tao\". Kung baga sa nakikita, ang estesis ay yaong uri ng pakiramdam at reaksiyon ng tao na nakikita (ng kahit anuman iyon) Kaugnay nito, ang mga sentido ng tao ay nahahati sa dalawang uri: **1. Ang mga sentidong panlabas (external senses)** tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, pansalat at **2. Ang mga sentidong panloob (internal senses)** tulad ng imahinasyon o guniguni, memorya, pag-unawa, at huwisyo o pagpasiya. Ito ay may kinalaman at kaugnayan sa estesis. Ito ang mga pinagagalaw ng estesis. Sa mga ito nakatuon at nakatudla ang estetika. Ang anumang bagay na opensibo sa mga ito ay pangit/ masama, at ang nagbibigay aliw o kasiyahan sa paningin. Dahil ditto ang layon ng estetika ay mga: 1\. Persepsiyon ng mga sentidong panlabas, at mga 2\. Konsepto na bunga ng mga sentidong panloob. **➤Nilalaman**- tumutukoy sa ***tauhan***, ***tagpuan***, ***suliranin***, ***aksyon*** at ***tema***. **➤Denotasyon** - ay ang kayarian at likas o literal na kahulugan ng salita o pangungusap: Ito ang kahulugang madaling mahanap sa Diksyunaryo. **➤Konotasyon-** Ang tawag sa mga implikasyon tinataglay ng mga salita o pananalita. Ang mga implikasyong ito ay maaring dulot ng pahiwatig na pananaw o saloobin na taglay ng salita, tulad halimbawa ng salitang \"basura\" **➤Diksyon**- ang tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na bunga ng maingat at makabuluhang pagpili ng mga salitang ginagamit ng manlilikha upang makamit niys ang pinakamabisang paraan ng pagpapatalastas ng kanyang nais ipahatid. Samakatuwid, kapag ang isang salita ay may maraming singkahulugan, ano ang dahilan kaya kung bakit isa sa mga ito ang piniling gamitin ng may-akda. Hinihingi nio na ang mambabasa ay lubos niyang namamalayan ang lahat ng mga singkahulugan ng bawat mahalagang terminong ginamit sa akda. *Ano ang nagagawa ng mga pangungusap at komposisyon sa pagiging mabisa ng isang akdang pampanitikan?* - Mga kasangkapang panretorika ay tumutukoy sa pamamaraan ng ginagamit ng akda upang makamtan ang pinakamabisang epekto ng mga pangungusap at komposisyon at ang mga sangkap nito. Ito Ito ay mga kinalaman sa kaayusan ng mga salita, o pagkakasunod-sunod ng mga element ng mga pangungusap. - Mga kasangkapan pansukat ang tawag sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda, lalo na ang tula, upang bigyan ng angkop at kaaya- ayang daloy ang indayog ng mga salita at pangungusap kapag ito ay binibigkas - Mga kasangkapang metaporikal ang mga ginamit na tayutay na nagpapayaman sa kabuluhan at kahulugan ng akda. Dito kabilang ang mga simili, metapora, ironeya, alusyon, aliterasyon, asonasyon, onomatopeya, anaphora, alegorya, analohiya, conceit, personipikasyon, apostropi, metonimi, sinekdoke, depersonisasyon, hiperbola atbp. - Tono ang nagsasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa teksto: matapat ba? Sarkastiko? Nanunudyo? Sartiko ba? Parodya ba? Ito ang mga karaniwang sinasagot ng tono. - Istruktura binibigyang halaga ang pangkalahatang kaayusan at pagkakahanay ng mga bahagi ng isang akda. Sa dulang klasiko, ito ay lumalabs sa anyong: 1\. Eksposisyon 2\. Kumplikasyon 3\. Resolusyon **ILAN SA MGA ANYO NG LITERATURA NA LUMAGANAP SA PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA** **Mga karungang- Bayan** **1. Salawikain** Ang salawikain ay butil ng mga kaisipan na ang layunin ay makapagbigay ng mabubuting payo hinggil sa kagandahang asal. - Nagtataglay ang salawikain ng malalim na kahulugan, panuntunan at batas ng buhay na gumagabay sa tao tungo sa isang matuwid na pamumuhay. **2. Sawikain** Ito\'y mga kasabihang walang natatagong kahulugan. **3. Kasabihan** Itinuturing ding karunungang bayan ang kasabihan na ang layon ay mailarawan ang gawi, kilos at ugali ng tao. Binubuo to ng dalawang taludturan na may tugma. **4. Bugtong** Sng bugtong ay karaniwang ginagawang laro noon at pampalipas oras sa mga tindahan, pondahan, lamayan ng patay at iba pang mga okasyon. Tuad ng sawikain itoy karaniwang nagtataglay ng dalawang taludtuan na may tugma at sukat. **5. Mga Awiting Bayan** Ang mga unang awiting bayan ay hindi na matunton kung sino ang kumatha. Ang mga awiting bayan ang nagiging batis ng inspirasyon ng ating mga ninuno sa kanilang mga pang-araw na buhay at Gawain. **MGA DULOG SA PAGSUSURING PAMPANITIKAN** **MGA PAMANTAYANG NILALAMAN** 1\. Natatalakay ang mga dulog na ginagamit sa pag-aaral ng panitikan 2\. Nagagamit sa pagsusuri ang mga pangunahing katangian ng bawat dulog 3\. Nakapagsasaliksik ng mga pilosopo na nasa likod ng bawat dulog ng bawat dulog na ginagamit sa pagsusuri ng pampanitikan IBA\'T IBANG TEORYA SA PANUNURING PAMPANITIKAN *Ilan sa inilahad na Teoryang panliteratura ng Linangan ng Literatura ng Pilipinas (1989) ay ang mga sumusunod:* **1. Romantisismo-** Umano\'y naniniwala ang Romantisismo na ang daigdig ay hindi isang walang kahulugang kasalimuotan na kaaway ng tao- may pagkakasundo at layunin sa kabuuan ang sandaigdig na nilikha ng Makapangyarihan at marunong sa lahat at itinataguyod ng katarungan at pag-ibig. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o baying napupusuan **2. Eksistensiyalismo -** Ito ay teoryang na kung saan ang pinaniniwalaang hindi tunay ang buhay kung nakakulong sa Sistema ng paniniwala. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). **3. Istrakturalismo**-sa pangkalahatang pananaw, iisa ang simulain nito- ang pagpapatunay na ang wika o lengwahe ay hindi lamang hinuhubog ng kamalayang panlipunan kundi humuhubog din sa kamalayang panlipunan. Anito, nakabaon ang panlipunang kamalayan sa paggamit ng wika o paggamit sa mga salita ayon sa mga kinikilalang tuntunin at pagsasapraktikang panlipunan. **4. Dekontruksyon**-winawasak nito ang kabuuan ng Sistema ng wika at binubuo lamang muli ito bilang kamalayan na may kalakip na teorya ng realidad. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba\'t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pangtao at mundo. **5. Moralistiko**- sa ganitong oryentasyon, ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lang ng literal na katotohanan kundi ng mga panghabambuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di mapapawing pagpapahalaga (values). \> Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang itao- ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din ditto ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan. **6. Historikal**- Hindi ang teksto bilang teksto ang lubusang pinagtutuuan ng pansin kundi ang kontekstong dito'y nagbigay-diin hindi ang particular na kakanyahan lamang ang sinusuri kundi ang mga impluwensiyang dito ay nagbigay- hugis -ang talambuhay ng awtor, ang political na sitwasyon sa panahong naisulat ang akda; ang mga tradisyon at kombensyon na maaring nakapagbigay sa akda ng mga katangian. \>\>\> Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasamalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. **7. Arketipal**- katulad ng sikolohikal na pananaw, nakapako ang atensyon nito sa paraan ng pagkalikha at ang epekto nito sa mambabasa. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. **8. Realismo**- ang teoretikal na batayan nito ay ang paniniwalang may taglay na kapangyarihan ang teskto at ang manunulat ng akda, na suriin ang masalimuot na realidad (mga emperikal na datos) at gamitin ang mga ito sa paglikha ng kanyang akda na sa tingin niya ay representasyon ng realidad. \>\> Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat. **9. Klasismo/Klasisismo-** Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at lagging nagtatapos nang may kaayusan. **10. Humanismo**- Ang layunin na panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talent atbp. **11. Imahismo**- ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip ns paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan. **12. Feminismo-** Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lupain sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipinahahayag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan. **13. Formalismo/Formalistiko-** Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan amg siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa- walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri't pang-unawa. **14. Saykolohikal/Sikolohikal-** Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagkakaiba ng mga salig(factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito. **15. Markismo/Marxismo-** Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmuan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. **16. Sosyolohikal**- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipapakita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. **17. Bayograpikal**- Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga "pinaka" na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. **18. Queer**- Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminism ang mga homosexual naman ay queer. **19. Kultural**- Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakaaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyo minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito ang bawat lipi ay natatangi. **20. Feminismo-Markismo-** Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba\'t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusiyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito\'y kasamaan at suliranin ng lipunan.