Mga Pag-aaral sa Filipino (PDF)

Document Details

TransparentVorticism

Uploaded by TransparentVorticism

Tags

Filipino grammar Tagalog grammar Filipino language Linguistics lessons

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga aralin sa Gramatika ng Filipino. Ang mga paksa ay kinabibilangan ng mga paraan ng pagbubuo ng mga salita, bahagi ng pananalita, at paraan ng paggamit ng mga bantas at panlapi. Naglalaman din ang dokumento ng mga halimbawa at paglalahat.

Full Transcript

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Ikalawang Markahan - Ikalawang Linggo Most Essential Learning Competencies Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan (F11PT- IIe- 87) Ating balikan… C D A E G Suriin: Ben, manghuli ka ng nakahubad. K...

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Ikalawang Markahan - Ikalawang Linggo Most Essential Learning Competencies Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan (F11PT- IIe- 87) Ating balikan… C D A E G Suriin: Ben, manghuli ka ng nakahubad. Kakayahang Lingguwistiko Ayon kina Michael Merill Canale at Swains, ang kakayahang lingguwistiko/gramatikal ay tumutukoy sa kaalamang leksikal at pagkaalam sa tuntunin ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantika. Kakayahang Lingguwistiko 1. Ponolohiya o Palatunugan maagham na pag-aaral ng mga makabuluhang tunog (ponema) na bumubuo ng isang wika. A. Ponemang Segmental B. Ponemang Suprasegmental tunog o ponemang nakatuon sa diin (stress), tono kinakatawan ng titik na o intonasyon (pitch), at hinto o kinabibilingan ng mga antala (juncture). katinig, patinig, diptonggo, at klaster. Wikang Filipino (25 ponema) 20 ponemang katinig b, d, f, g, ,h, j, k, l, m, ,n, ŋ, p, r, s, t, v, w, y, z, ? 5 ponemang patinig a, e, i, o, u C, Ñ, Q, X – walang tiyak na ponemikong istatus o walang iisang tunog na katumbas. C- tinutumbasan nito ang tunog /s/ at /k/ Q- tinutumbasan nito ang tunog /ky/ at /k/ Ñ- tinumbasan ng dalawang ponemang /ny/ X- tinutumbasan ng dalawang ponemang /ks/ A. Ponemang Segmental 1.Diptonggo/ Malapatinig – tumutukoy ito sa pinagsamang tunog ng isang patinig /a,e,i,o,u / at tunog ng isang malapatinig /w, y/ sa iisang pantig. (aw, iw, ow,ay ey,oy,uy) Hal. Araw, baboy, bahay A. Ponemang Segmental 2. Klaster o Kambal Katinig– ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig; matatagpuan ito sa– inisyal, sentral, pinal Hal. Blusa, kwento, transportasyon B. Ponemang Suprasegmental Mga Halimbawa: 1.Diin- Ang lakas, A. BUhay= bigat o bahagyang buHAY= pagtaas ng tinig sa B. HApon= pagbigkas ng isang haPON= pantig sa salita. C. SAya = saYA= B. Ponemang Suprasegmental 1. 2. Tono/Intonasyon – Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin. Halimbawa: a. Totoo? Maganda siya? b. Totoo! Maganda siya. B. Ponemang Suprasegmental 3.Hinto o Antala- saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag. Halimbawa: a. Nanay, si Tandang Sora. b.Nanay si Tandang Sora. Hindi siya si Jen. Hindi, siya si Jen. Hindi siya, si Jen. Kakayahang Lingguwistiko 2. Morpolohiya o Palabuuan Makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pinakamaliit na yunit ng isang salita o morpema. Halimbawa: tawid+in = tawirin hati+gabi = hatinggabi Kakayahang Lingguwistiko 3. Sintaks estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning nagsisilbing patunay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap Halimbawa: Pinatawag ng nanay ang bata. (karaniwan) Ang bata ay pinatawag ng nanay. (kabalikan) Kakayahang Lingguwistiko 4. Semantika tumatalakay sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga morpema, salita, parirala, at pangungusap Halimbawa: Ilaw ng tahanan Denotasyon: Maliwanag ang ilaw sa bahay namin. Konotasyon: Si inay ang ilaw ng tahanan. Kakayahang Lingguwistiko Abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Kakayahang Lingguwistiko Gramatika ang mahalagang salik sa pag-aaral ng kakayahang ito. tuntunin ng wastong paggamit ng bantas, salita,bahagi ng pananalita, pagbuo ng mga parirala, sugnay, at pangungusap. Ang likas na kaalaman ng tao hinggil sa lingguwistika ay nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika. NOAM CHOMSKY 1. (May, Mayroon) dalawang araw na siyang hindi umuuwi. 1. (May, Mayroon) dalawang araw na siyang hindi umuuwi. 1. MAY at MAYROON Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan (mapaisahan o maramihan ), pandiwa, pang-uri o pang- abay. Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pangabay na panlunan. May 1. May anay sa dingding na ito. 2. May kumakatok sa pinto. 3. May dalawang araw na siyang hindi umuuwi. Mayroon 1. Mayroon kaming binabalak sa sayawan. 2. Mayroon iyang malaking suliranin. 2. Manood (kita,kata) ng sine. 2. Manood (kita,kata) ng sine. KITA at KATA Ang kita ay tumutukoy sa kinakausap, at ang kata naman sa magkasamang nagungusap at kinakausap. Halimbawa: Nakita kita sa Baguio noong Linggo. Kata nang kumain sa kantina. Tandaan: Kata (ikaw at ako) Kita (ikaw) 3. Pakidala ang laruang ito (kina, kila) Benny at Maris. 3. Pakidala ang laruang ito (kina, kila) Benny at Maris. KILA at KINA Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay. 4. Sasama (daw,raw) siya sa Boracay. 4. Sasama (daw,raw) siya sa Boracay. Din at Rin, Daw at Raw Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtapos sa patinig at sa malapatinig na w at y. Halimbawa: Si Natsu at katulad mo ring masipag mag-aral. Ang din at daw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtapos sa katinig maliban sa w at y. Halimbawa: Nakapagsulat din ng aklat si Lucy. 8. Huwag mo nang (pahirin, pahiran) ang natirang langis sa makina. 8. Huwag mo nang (pahirin, pahiran) ang natirang langis sa makina. PAHIRAN at PAHIRIN Pahiran - paglalagay Pahirin -pag-aalis Halimbawa: Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid. Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw. Huwag mong kalimutang pahirin ang iyong muta sa umaga. Halimbawa: Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa. Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig. Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno 11. Nalaman ko na (tiga, taga) – Bulacan si Daniel dahil lagi niyang sinasabi ang salitang “eka”. 11. Nalaman ko na (tiga, taga) – Bulacan si Daniel dahil lagi niyang sinasabi ang salitang “eka”. TIGA AT TAGA Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga- kung sinusundan ito ng pangngalang pantangi. Halimbawa: Si G. Valentino ay taga-Bocaue. Taganayon ang magandang dilag na bisita ng aming kapitbahay. 12. Bumili siya (nang,ng) pasalubong para sa kanyang anak. 4. Bumili siya (nang,ng) pasalubong para sa kanyang anak. NG AT NANG NG Ginagamit ang salitang Ng sa sumusunod na pagkakataon: a. kapag sinusundan ito ng isang pangngalan o panghalip b. kapag ang sumusunod na salita ay isang pang-uri. c. kapag ang sumusunod na salita ay pang-uring pamilang. d. upang magpahiwatig ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian. NG AT NANG NANG Ginagamit ang salitang Nang sa sumusunod na pagkakataon: 1. Bilang kasingkahulugan ng noong 2. Bilang kasingkahulugan ng upang o para 3. Katumbas ng pinagsamang na at ng 4. Sa pagsasabi ng paraan o sukat 5. Bilang pang-angkop ng inuulit na salita SIMUNO AT PANAGURI Simuno o Paksa (subject sa wikang Ingles) Ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Panaguri (predicate sa Wikang Ingles) Ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Mga Bahagi ng Pananalita Pangngalan (Noun)-Tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari Halimbawa: Pantangi: Edward, Bella, Tokyo, Manila, Converse, Penshoppe Pambalana: babae, lalaki, lungsod, sapatos Panghalip (Pronoun)-panghalili o pamalit sa pangngalan Halimbawa: Siya, Ako, Ikaw, Atin, Kanya Pandiwa (Verb)- nagsasaad ng kilos Halimbawa: nagsasayaw, tumalon, naglalaba, naglalaro Pang-uri (Adjective)-naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip Halimbawa: magandang dilag, mataas na puno Pang-abay (Adverb)-naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, at kapwa pang-abay Halimbawa: Tumakbo nang mabilis ang bata. GITLING Wastong Paggamit ng Gitling (-) a. Sa inuulit na salita halimbawa: araw-araw, gabi-gabi, para-paraan b. Sa isahang pantig na tunog o onomatopeya halimbawa: tik-tak, brum-brum c. Sa paghihiwalay ng katinig at patinig halimbawa: pag-aaral, mag-asawa d. Sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi halimbawa: pa- Marikina, maka- Pilipino e. Sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika- halimbawa: Ika-12 ng tanghali, ika-23 ng Mayo f. Sa pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas- halimbawa: Alas-2 ng hapon, alas-dos ng hapon g. Sa kasunod ng “de” halimbawa: de-lata, de-kolor Paglalahat 3-2-1 3 bagong kaalamang nag-iwan ng kakintalan sa iyong isipan 2 kaalamang na maaari mong madalas nagagamit ngunit sa maling pamamaraan 1 kaalaman na higit na nais pang pagtuunan ng pansin

Use Quizgecko on...
Browser
Browser