Kahulugan at Kahalagahan ng Wika (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang pag-aaral tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng wikang Filipino. Binibigyang-diin dito ang anim na katangian ng wika at mga halimbawa ng paggamit nito para sa komunikasyon at paghahatid ng impormasyon.
Full Transcript
FILIPINO KAHULUGAN NG WIKA Latin= Lingua nangangahulugang "DILA" ang wika Griyego= Logos nangangahulugang "SALITANG NAGKABUHAY o DISKURSO" Archibald A. Hill - matutuklasang ang wika ay isang malawak na sitema ng simbolong ginagawa ng mga tao. Ang bawat tunog na nal...
FILIPINO KAHULUGAN NG WIKA Latin= Lingua nangangahulugang "DILA" ang wika Griyego= Logos nangangahulugang "SALITANG NAGKABUHAY o DISKURSO" Archibald A. Hill - matutuklasang ang wika ay isang malawak na sitema ng simbolong ginagawa ng mga tao. Ang bawat tunog na nalilikha ng tao ay lumilikha ng isang komplikadong estruktura. Henry Allan Gleason- ipinapanukalang maaaring suriin at ilarawan ang wika ayon sa kung paano ginamit, ginagamit, at gagamitin ng isang pangkat na nakabatay sa iba't ibang larangan ng wika tulad ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks, leksikon, at bokabularyo. Alfred North Whitehead- ang wika ang kabuuan ng kaisipan ng pangkat ng taong bumuo nito. Zdenek Salzmann- ang paggamit ng tao sa wika ang dahilan kaya ganap itong nakalalamang sa mga hayop. Dahil bukod sa nagagamit ng tao ang kaniyang wika, maaari din niya itong maituro sa iba. Anim na Katangian ng Wika para sa psycholinguist na si Jean Berko Gleason. 1. Nagtataglay ng Tunog Binubuo ng ponema, o maliliit na yunit ng makabuluhang tunog, ang lahat ng wika. Ang sangay ng lingguwistika na nakatuon sa pag-aaral ng tunog ay tinatawag ng ponolohiya, na galing sa salitang phono na ang ibig sabihin ay tunog at logia na nangangahulugang diskurso, teoryam o pag-aaral. Bawat tunog o ponema ay nagbibigay ng kahulugan sa isang salita. Suriin ang sumusunod na halimbawa: - mama (inay) /ma:ma/- binubuo ng apat (4) na ponema - mama (tawag sa lalaking hindi kilala) /ma:ma?/- binubuo ng limang (5) ponema 2. Masistema Bawat wika sa mundo ay may sariling sistemang sinusunod upang magamit sa pagpapahayag o pagtanggap ng mensahe para sa sangkatauhan. Sa balangkas ng wika, ang unang antas ay ang pag-aaral at paggamit ng tunog o ponema. Kapag pinagsama-sama na ang mga tunog ay makabubuo na ng morpema, ang pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan. Ang pag-aaral ng morpema ay tinatawag ng morpolohiya. Halimbawa: Ang salitang "maganda" ay binubuo ng dalawang yunit ng morpema- ang "ma" at ang "ganda" Ang "ma-" ay morpemang panlapi, samantalang ang "ganda" ay morpemang salitang-ugat. 3. Arbitraryo Ang wika ay maituturing na isa sa pinakamahalagang imbensiyon ng tao. Ngunit pinag- uusapan ba muna ng mga tao kung anong tunog ang dapat katawanin ng bawat titik sa alpabeto? O kung anong salita ang dapat kumatawan sa isang bagay? O kung bakit magkakaiba ang mga katawagan sa mga bagay-bagay na nakapaligid sa atin gayong ang tubig ay water din lang naman; na ang upuan ay chair sa Ingles at silla sa wikang Kastila? Ito ay sa dahilang arbitraryo ang wika. Ibig sabihin, ang pagkakabuo ng mga salita ay pinagkakasunduan ng mga pangkat ng mga tao sa lipunan. Nangangahulugan ito na ang bawat wikang ginagamit ng mga tao sa iba't ibang mundo ay may sariling kakanyahan. 4. May Kaugnay sa Kultura Ang wika at kultura ay magkaugnay at hindi dapat magkahiwalay. 5. Dinamiko o Nagbabago Nagbabago o dinamiko ang wika at madalas itong umaayon sa mga pagbabago sa paligid. May mga salita ngayong hindi na natin ginagamit, ngunit alam pa rin natin ang kahulugan ng mga ito. Ang mga napalitan nang wika ay tinatawag na patay na wika o extinct language, samantalnag ang wikang ginagamit sa kasalukuyan ay buhay na wika o extant language. Halimbawa: Kung ang tawag sa magkasintahan noon ay "irog," ang tawag ngayon sa minamahal ay "bae," "be," o "bebe." Sa bawat bagong imbensiyon, may mga bagong salita ring sumusulpot. Ayon nga kay Dr. Pamela Constantino, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, ang wika ay buhay. Gumagalaw ito at sumasabay sa panahon kaya dapat na maging handa ang mga tao na makibagay sa anomang pagbabago. 6. Sinasalitang Tunog Mahalaga ang tunog sa simbolong kinakatawan nito. Kapag mali ang tunog, madalas ay mali rin ang impormasyong naililipat sa taong ibig padalhan ng mensahe. Dapat ay balikan ang ponolohiya at gamitin nang wasto ang mga mekanismong nasa bibig upang makalikha ng angkop na tunog na may kahulugang mauunawaan ng kausap. KAHALAGAHAN NG WIKA May malaking papel na ginagampanan ang wika sa bawat tao at maging sa lipunan. Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting relasyon sa kapwa, napauunlad ng tao ang kaniyang sarili, at nakatutulong din ito sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba. Narito ang ibat't ibang kahalagahan ng wika: 1. Instrumento ito ng komunikasyon Ito ang pangunahing kasangkapan ng wika, pasalita man o pasulat, sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng tao. Sa antas ng mikro, nagkakaunawaan ang dalawang tao bunga ng mabisang paggamit ng wika. 2. Imbakan ito ng kaalaman Sa wika dumadaloy ang maraming kaalaman na naipapasa sa ibang henerasyon at lahi. Halimbawa: Dahil sa wikang naimbak sa mga nobela ni Jose Rizal, hanggang sa kasalukuyan, napakikinabangan pa rin ang mga ito kahit daantaon na ang nagdaan mula nang maisulat ito. 3. Nagbubuklod ito ng bansa Sa panahon ng Himagsikan, Tagalog ang nagsilbing wikang opisyal ng Katipunan at naging daan upang pag-isahin ang mga hinaing ng sambayanan. 4. Lumilinang ito ng malikhaing pag-iisip Sa pagbabasa ng maikling kuwento o nobela o panonood ng pelikula, maaaring napahahalakhak, kinakilabutan, nagagalit,a t naninibugho ang nagbabasa o nanonood. Wika ang nagpapagana sa imahinasyon. Ang wikang nakasulat sa nobela o kuwento o binibigkas sa pelikula ang nagdidikta sa isipan upang gumawa ng mga larawan at pag-uugnay-ugnay ng bawat tagpo sa binabasa o pinapanood. WiKANG PAMBANSA, WIKANG PANTURO AT WIKANG OPISYAL Ano ang kasaysayan ng wikang pambansa? Ang sumusunod ay ibat ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating wika: 1935 – ipinagtibay sa Saligang Batas kung paano tayo lilikha ng wikang masasabi nating atin. (Matatagpuan sa Seksiyon 3, Artikulo 14 ng Konstitusyong 1935). 1936 -bumuo ng lupon na magsasagawa ng pananaliksik at mga panuntunan sa pagpili ng wikang pambansa sa Asembleya Nasyonal. Dito isinilang ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 184. Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa. Disyembre 30, 1937- Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. 1940- Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 – pinasimulan sa mga paaralan sa buong bansa ang pagtuturo ng wikang pambansa. Abril 1, 1940- Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940. Hunyo 7, 1940- Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 hanggang Abril 4 bawat taon. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 bawat taon sa bisa ng Proklamasyon Blg. 12, Serye 1955. Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin. Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino. Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino. Disyembre 1, 1972- nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Panlahat Blg. 17 na nagtaakdang ang panukalang Saligang Batas ay ilimbag sa Pilipino at Ingles. Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974-1975. Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan. (1974- 1975) Oktubre 22, 1974- Ipinalabas ni Roberto Reyes Kalihim Tagapagpaganap ang pahintulot sa SWP na magsagawa ng mga seminar at iba pang katulad na pagpupulong para sa programang bilingguwalismo. Hulyo 21, 1978- Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang Edukasyon at Kultura ang Kautusan Blg. 22, na nagtatadhanang ang Pilipino ay bahagi ng kurikulum sa pangkolehiyo. ANG FILIPINO BILANG WIKANG OPISYAL NG PILIPINAS Matapos ang Rebolusyong EDSA noong 1986, bumuo ang bagong pamahalaan ng Komisyong Konstitusyonal sa pamumuno ni Cecilia Munoz Palma. Isinaad sa bagong Saligang Batas ang napakahalagang mandato tungkol sa wikang pambansa Filipino na nasa Artikulo 14, Seksiyon 6-9, Serye 1987. Artikulo XIV - Wika Seksiyon 6 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Seksiyon 7 –Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic. Seksiyon 8 – Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. Seksiyon 9 – Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili. Kalihim ng Departamento ng Edukasyon, Kultura, at Isports (Lourdes Quisumbing) ay nagpalabas ng Kautusan Blg. 52 na nag-uutos ng gamitin ang Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilingguwal. Agosto 25, 1988, nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nilagdaan Pangulong Corazon Aquino. Ipinag-utos sa lahat ng kagawaran at mga institusyong pampamahalaan na magsagawa ng mga hakbang upang magamit ang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiyang pantanggapan. ANTAS NG WIKA Kategorya at Kaantasan ng Wika 1. PORMAL - Isang wika itong kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami, sa pamayanan, bansa, o sa ibang lugar. - Madalas gamitin sa paaralan o opisina. Dalawang Antas: - Opisyal na Wikang Pambansa o Panturo- ginagamit sa pamahalaan at mga aklat pangwika. - Wikang Pampanitikan- masining at malikhaing pagpapakahulugan. 2. DI- PORMAL - Wikang madalas gamitin sa pang araw- araw na pakikipagtalastasan. Tatlong Antas: - Wikang Panlalawigan- mga salitang karaniwang ginagamit sa lalawigan o probinsya o partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika. Halimbawa: ambot- salitang bisaya na ibig sabihin ay ewan manong at manang- mula sa salitang Ilocano na ibig sabihin ay kuya at ate - Wikang Balbal- slang sa Ingles. Salitang karaniwang ginagamit sa kalye o lansangan. Halimbawa: Bagets- kabataan Ermat- nanay Erpat- tatay Lafang- kainan - Wikang Kolokyal – ginagamit sa pangaraw-araw na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ibang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y magpagsama ang dalawang salita. Halimbawa: Pa’no mula paano P’re mula sa pare Meron mula sa mayroon KOMUNIKASYON - pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawa. - proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin. Dalawang Uri ng Komunikasyon 1. Berbal - gumagamit ng wika na maaaring pasulat or pasalita. - pasulat (nababasa) - pasalita (nabibigkas at naririnig). 2. Di- Berbal - hindi gumagamit ng wika - kilos at galaw ng katawan o bahagi ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan, tulad ng ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, paa at kumpas ng kamat, at iba pa. TATLONG URI NG KOMUNIKASYON Komunikasyon Pabigkas Komunikasyon Pasulat Pakikipagtalastasan Gamit ang Teknolohiya ANTAS NG KOMUNIKASYON 1.Intrapersonal - ang isang tao ay nasa proseso ng pagdedesisyon sa kaniyang sarili tungkol sa isang bagay na dapat niyang gawin or lutasin. 2. Interpersonal - ito ay namamagitan sa dalawang tao o higit pa. - tagapagkinig at tagapagsalita 3. Pampubliko - pagbigkas ng talumpati o anumang pasalitang pagpapahayag sa harap ng maraming tao. Mother Tongue- Based Multilinggual Education Ito ay isang educational approach sa Pilipinas na naglalayong gamitin ang katutubong wika ng mga mag-aaral bilang pangunahing wika ng pagtuturo sa kanilang unang taon sa paaralan. Ang layunin nito ay mapabuti ang pagkatuto ng mga bata sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang sariling wika sa kanilang mga aralin, bago sila magsimulang matutunan ang iba pang mga wika tulad ng Filipino at Ingles.