Estruktura ng Wikang Filipino (FIL 2) PDF
Document Details
Uploaded by ImpeccableBegonia2768
Palawan State University
Vince Lawrence O. Empeño
Tags
Summary
This document is a review on Filipino language structure, including definitions, characteristics, functions, and levels of formality. It also provides insight on how words are built and the different types of expressions used in the language.
Full Transcript
A REVIEWER WAS MADE BY VINCE LAWRENCE O. EMPEÑO Estruktura ng Wika (Fil 2) 2024 - 2025: Unang Semestre I. ANG WIKA AT ANG DEBELOPMENT NG WIKANG FILIPINO KAHULUGAN NG WIKA 1. Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao (Hill, A.) 2. Ang wika...
A REVIEWER WAS MADE BY VINCE LAWRENCE O. EMPEÑO Estruktura ng Wika (Fil 2) 2024 - 2025: Unang Semestre I. ANG WIKA AT ANG DEBELOPMENT NG WIKANG FILIPINO KAHULUGAN NG WIKA 1. Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao (Hill, A.) 2. Ang wika ay isang sistematik na balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong may iisang kultura (Henry Gleason) 3. Ang wika ay itinuturing bilang saplot ng kaisipan o mas maiging tawaging saplot-kaalaman, ang mismong katawan ng kaalaman (Thomas Carlyle) 4. Ang wika ay kaugnay ng buhay at instrument ng tao upang matalino at episyenteng makalahok sa lipunang kinabibilangan (Vilma Resuma at Teresita Semorlan) 5. Ang wika ay kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o magkakomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino at Galileo Zapra). KATANGIAN NG WIKA 1. Ang wika ay masistemang balangkas 2. Ang wika ay sinasalitang tunog 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos 4. Ang wika ay arbitrary 5. Ang wika ay ginagamit 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura 7. Ang wika ay nagbabago MGA TUNGKULIN NG WIKA ANTAS NG WIKA KAANTASAN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG A. PORMAL - mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. 1. Pambansa - mga salitang pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan. 2. Pampanitikan - salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan na karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining. A REVIEWER WAS MADE BY VINCE LAWRENCE O. EMPEÑO 3. Pang-edukado - ginagamit sa silid-aralan ng mga paaralan, kolehiyo, pamantasan. B. IMPORMAL - mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. 1. Lalawiganin - mga salitang palasak at natural na ginagamit sa isang particular na lugar, ngunit maaaring hindi maintindihan o iba ang ibig sabihin sa ibang lugar. Nakikilala ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o tinatawag na punto. (puntong Bisaya, Muslim, Kuyunon, Agutaynon, Cagayanon, Ilocano, Tagalog Batangas, Laguna, at iba pa) 2. Dayalekto/Bernakular/ Rehiyunal - Mga salita o wikang ginagamit at nauunawaan sa isang rehiyon o kinalakhang lugar katulad ng wikang Tagalog sa Tagalog Rehiyon, wikang Cebuano sa Cebu, Bikolano sa Bikol Rehiyon at iba pa. 3. Pangkulto - salitang ginagamit lamang sa isang particular na organisasyon, grupo o samahan. 4. Kolokyal - mga salitang may kagaspangan ang pagkakagamit. Ang mga ganitong salita ay natural na phenomenon ng pagpapaikli ng mga salita upang mapabilis ang daloy ng pagpapahayag. Ayon kay Mabilin (2009), karaniwang ang mga ganitong salita ay binabago o minomodipika upang umakma sa hinihingi ng pagkakataon at ordinaryong pagpapahayag. Hal: nasa’n, (nasan) sa’kin (sa akin) halika (‘lika) sa’yo (sa iyo) aniya/anya (wika niya) ‘ika niya (wika niya) 5. Balbal - ito ang tinatawag na slang words. Nagmumula ito sa mga pangkat-pangkat upang magkaroon ng sariling codes. 6. Bawal/ Bulgar - tumutukoy sa mga salitang nakatuon sa mga salitang katumbas ng mga bahaging sekswal o mga salitang katumbas ng sekswal na relasyon o diskusyon. 7. Lingua franca - ito ang salitang kilala o higit na ginagamit sa pook o sentro ng sibilisasyon at sa kalakhang Maynila ngunit ayon kay Queano de Manila (1987), ito ay parang moda ng damit na madaling umuso madali ring mawala kaya hindi maituturing na dalisay. 8. Palit-pantig - (Mabilin, 2009), ito ang mga salitang kinabibilangan ng pagpapalit-pantig lamang, wala itong diwa sapagkat hindi ito lumilikha ng sariling diwa o kahulugan kaya hindi ito ginagamit bilang pang-akademiko at pampropesyunal na larangan. Halimbawa nito ang G words at jejemon sa ngayon. PARAAN NG PAGBUO NG SALITANG BALBAL A. Paghango sa salitang katutubo/ lalawiganin Hal. Gurang (Bicol, Bisaya) barabara (Cebuano) Bayot (Cebuano) sibat (Cebuano) Buang (Bisaya) dako ( Bisaya) B. Panghihiram sa wikang banyaga (maaaring manatili o magbago ang orihinal na kahulugan ng salita) Hal. Pikon ( pick on, Eng.) salvage (Eng.) Dedbol (dead ball, Eng.) vacuum (Eng.) Wheels (Eng.) tong (Chi.) Indian (Eng.) darobo (Jap.) Chicks (Eng.) busted (busted, Eng.) Chicha (Spa.) kosa (Cosa Nostra, Rus.) Jingle (Eng.) cats ( Eng.) C. Pagbibigay ng bagong kahulugan sa salitang Tagalog Hal. Hiyas (gem—girl’s private part) bata (child/young—fiancee) Luto (cook—game fixing) yoyo (a toy—watch) Taga (hack—commission) alat (salty (police) Ube ( purple yam—100 peso bill) lagay ( put—grease money) Durog ( powdered—drugged) bola (ball—lie) Bato (stone—shabu) damo (grass—marijuana) Toyo (soy sauce—mental problem) D. Pagpapaikli/ reduksyon Hal. Muntinlupa – Munti Amerikano –kano Probinsyano—‘syano Amerikana—kana Kaputol—‘tol pakialam –pa Wala—wa malay—ma E. Pagbabaligtad/ metatesis 1. Buong salita A REVIEWER WAS MADE BY VINCE LAWRENCE O. EMPEÑO Hal. Bata—atab kita—atik Maganda—adnagam bakla—alkab 2. Papantig Hal. party—tipar Pulis—lespu Kotse—tsikot taksi—sitak Tigas—astig kalbo—bokal F. Paggamit ng akronim Hal. gg (galunggong) pg (patay gutom) hp (hindi pansin) hd (hidden desire) ksp ( kulang sa pansin) tl (true love) G. Pagpapalit ng pantig Hal. daya—joya lagpak --palpak Asawa—jowa torpe—tyope Bakla—jokla walanghiya—walanjo/ walastik H. Paghahalo ng wika Hal. anong say mo ma-get Bakal boy ma-take Bow na lang ng bow in-snub (inisnab) Pa-effect (paepek) binasted I. Paggamit ng bilang Hal. 14344 (I love you very much) 25 (dose of LSD) 1432 (I love you too) 29 (lanseta) 5254 (mahal na mahal kita) 48 years (matagal) 50/50 (naghihngalo/agaw buhay, pantay) 123 (takas, loko) J. Pagdaragdag Hal. puti- isputing Kulong—kulongbia-Colombia Malay—malaysia K. Kumbinasyon 1. Pagbabaligtad at pagdaragdag Hal. hiya—yahi—dyahi Wala—alaw—alawas Hindi—dehin—dehins 2. Pagpapaikli at pagdaragdag Hal. Pilipino—Pino—Pinoy Mestizo/a—tiso/a—tisoy/tisay Bagito—baget--bagets 3. Pagpapaikli at pagbabaligtad Hal. pantalon—talon—lonta Sigarilyo—siyo—yosi 4. Panghihiram at pagpapaikli Dead malice—dedma American boy—amboy Security—sikyu Tomar—toma From the province—promdi Original—orig brain damage--brenda 5. Panghihiram at pagdaragdag Hal. Dako—dakota Get—gets/getsing In-love—inlab—inlababo Dead—dedo Cry—crayola Flop--flopchina BARAYTI NG WIKA BATAY SA MGA GUMAGAMIT 1. Permanenteng wika - Ito ang wikang likas at nakasanayang gamitin ng mga tao sa lipunan. A REVIEWER WAS MADE BY VINCE LAWRENCE O. EMPEÑO a. Idyolek ang tawag sa wikang ginagamit kaugnay sa personal na kahusayan o katangian ng pagsasalita gaya ng pagpapalutang ng kanyang boses, pisikal na kaayusan, istilo ng pagsasalita at uri ng wikang kinamulatan b. Dayalek naman ang uri ng wikang ginagamit ng nagsasalita batay sa lugar, panahon, pagkakataon at katayuan sa lipunan. Dahil dito kaya nabuo ang dayalektong hiyograpikal, temporal at sosyal. c. Sosyolek- wikang gamit ng mga taong may halos iisang paniniwala, antas ng edukasyon, pamumuhay o maging hanapbuhay ay madalas na magkakasama sa iisang pangkat. Natural lamang na sa kanilang pangkat, umiiral ang iisang wikang kanilang lubos na nauunawaan ngunit kaiba naman sa mga taong labas sa kanilang pangkat. Hal: dekada 70, naging popular ang Taglish, engalog o maging ang Filipinong sosyal. Pagkakaiba ng paggamit ng wikang bading Gamit ng doctor ng medisina, pilosopiya, o edukasyon 2. Pansamantalang wika. Mga wika o salitang di nagtatagal, sapagkat ito ay nakabatay lamang sa lagay ng panahon sa lipunan. Sa paniniwalang ang wika ay may natural na kakayahang magbago dahil ito ay dinamiko’t buhay kaya’t patuloy na lumalaganap at umuunlad kasabay ng pag-unlad ng lipunan at ng mga taong gumagamit nito. Kolokyal Lingua franca Balbal Jejemon II. ANG WIKANG FILIPINO (Kasaysayan ng Wikang Filipino) A. Ang Debelopment at Pag-unlad ng Wikang Filipino B. Mga Kautusan At Probisyong Pangwika Kaugnay Ng Pagsulong Ng Wikang Filipino C. Ebolusyon ng Alpabetong Filipino D. Kasanayang panglinggwistik at kasanayang pangkomunikatibo 1. Kasanayang Panglinggwistik ay tumutukoy sa iyong teknikal na kaalaman sa isang wika. Ito ay tungkol sa mga tuntunin ng gramatika, bokabularyo, at pagbigkas. Halimbawa: Alam mo ang tamang paggamit ng mga pandiwa, pangngalan, at pang-uri. 2. Kasanayang Pangkomunikatibo naman ay ang iyong kakayahang gamitin ang wika sa iba't ibang sitwasyon. Ito ay hindi lang tungkol sa pag-alala ng mga salita, kundi pati na rin sa pag-unawa sa konteksto ng isang usapan at pagpili ng mga angkop na salita at tono. Halimbawa: Maayos mong naipapaliwanag ang isang ideya sa isang pulong, o nakikipag-usap ka nang maayos sa isang taong hindi mo masyadong kilala. Sa madaling salita: Panglinggwistik: Alam mo ang ano ang sasabihin. Pangkomunikatibo: Alam mo paano at kailan sasabihin. Parehong mahalaga ang dalawa: Panglinggwistik ang pundasyon para sa epektibong komunikasyon. Pangkomunikatibo naman ang nagbibigay buhay sa iyong mga salita. III. ANG ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINo ANG PONOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO Ponolohiya - ito ay ang sangay ng lingguwistika na nag-aaral sa mga makabuluhang tunog ng isang wika. Sa madaling salita, ito ay ang pag-aaral kung paano pinagsasama-sama ang mga tunog upang makabuo ng mga salita at mga pangungusap. 1. Mga batayang kaalaman sa ponolohiya.Ponema - Ito ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa isang wika na nagbabago sa kahulugan ng isang salita. Halimbawa, ang /b/ at /p/ ay mga ponema sa Filipino dahil nagbibigay ng ibang kahulugan ang mga salitang "bahay" at "pahay." a. Ponemika - Ito ang pag-aaral sa mga ponema at kung paano ito nag-uugnay-ugnay upang makabuo ng mga salita. A REVIEWER WAS MADE BY VINCE LAWRENCE O. EMPEÑO 2. Ang Palatunugan ng Wikang Filipino at Iba Pang Wikang Lokal - Ang bawat wika ay may kanya-kanyang sistema ng palatunugan. Ang Filipino ay may natatanging katangian sa pagbigkas na nagtatakda dito sa ibang mga wika. Ang pagkakaiba ng mga palatunugan ay nakakaapekto sa pag-unawa at pagbigkas ng isang wika. a. Mga Ponemang Segmental - Ang mga ponemang segmental ay mga indibidwal na tunog na bumubuo sa mga salita. 1. Katinig - Mga tunog na bahagyang nakaharang ang daloy ng hangin sa bibig kapag binibigkas. Halimbawa: /p/, /b/, /t/, /d/, /k/, /g/, /s/, /h/, /m/, /n/, /ng/, /y/, /w/, /l/, /r/. 2. Patinig - Mga tunog na malayang dumadaloy ang hangin sa bibig kapag binibigkas. Halimbawa: /a/, /e/, /i/, /o/, /u/. 3. Pares-minimal - Mga pares ng salita na magkaiba lamang ng isang ponema. Halimbawa: /bata/ at /pata/. 4. Ponemang Malayang Nagpapalitan - Mga ponema na maaaring magpalit-palitan sa isang posisyon sa salita nang hindi nagbabago ang kahulugan. 5. Diptonggo - Pagsasama ng dalawang patinig sa iisang pantig. Halimbawa: /ay/, /aw/, /iy/, /iw/, /uy/, /ew/. 6. Klaster - Pagsasama ng dalawa o higit pang katinig sa simula, gitna, o dulo ng isang pantig. Halimbawa: /str/ sa "street". b. Mga Ponemang Suprasegmental - Ang mga ponemang suprasegmental ay mga katangiang nakakaapekto sa isang grupo ng mga tunog. 1. Tono - Ang taas-baba ng tinig sa pagbigkas. 2. Haba - Ang tagal ng pagbigkas ng isang tunog. 3. Diin - ng pagbibigay ng diin sa isang pantig sa isang salita. 4. Antala - Ang pagtigil sa pagsasalita. c. Mga Uri ng Diin at Tuldik 1. Malumay - Walang diin ang salita. 2. Malumi - Ang diin ay nasa huling pantig. 3. Mabilis - Ang diin ay nasa unang pantig. 4. Maragsa - Ang diin ay nasa pangalawang pantig mula sa huli. IV. ANG MORPOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga yunit ng salita at kung paano nabubuo ang mga salita. Sa madaling salita, ito ay ang pagsusuri sa istruktura ng mga salita. A. Uri at Anyo ng Morpema 1. Morpema - Ito ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na may kahulugan. Halimbawa: sa salitang "mabuti", ang mga morpema ay "ma-" at "-buti". Ang "ma-" ay nagbibigay ng kahulugang "maganda" o "positibo", habang ang "-buti" naman ay ang ugat na salita na nangangahulugang "buti". 2. Uri ng Morpema: a. Morpemang Leksikal - May sariling kahulugan. Halimbawa: tao, bahay, kumain. b. Morpemang Gramatikal - Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa gramatika ng salita. Halimbawa: -an, -in, ma-. B. Distribusyon ng Morpema - Ito ay tumutukoy sa posisyon ng morpema sa isang salita. 1. Unlapi - Nakakabit sa unahan ng salita. Halimbawa: ma-kain. 2. Gitlapi - Nakakabit sa gitna ng salita. Halimbawa: ku-m-ain. 3. Hulapi - Nakakabit sa hulihan ng salita. Halimbawa: kain-in. 4. Kabilaan - Nakakabit sa unahan at hulihan ng salita. Halimbawa: ma-kain-an. 5. Laguhan - Nakakabit sa unahan, gitna, at hulihan ng salita. Halimbawa: pa-g-kain-an. C. Kayarian ng Salita 1. Payak - Binubuo lamang ng isang salitang-ugat. Halimbawa: tao, kumain. 2. Maylapi - May kasamang panlapi. Halimbawa: kumakain, kinakain. A REVIEWER WAS MADE BY VINCE LAWRENCE O. EMPEÑO 3. Inuulit - Inuulit ang buong salita o bahagi nito. Halimbawa: bahay-bahay, kumakain-kain. 4. Tambalan - Pinagsama ang dalawang salita upang makabuo ng isang bagong salita. Halimbawa: takot-na-takot, kumain-ng-kanin. D. Pagbabagong Morpoponemiko at mga Uri nito - Ito ay ang mga pagbabagong nagaganap sa tunog ng mga morpema kapag pinagsama-sama upang makabuo ng isang salita. 1. Asimilasyon - Ang pagbabago ng isang tunog upang maging katulad ng kalapit na tunog. Halimbawa: pang- + bahay = pambahay. Ang /ng/ ay nagiging /mb/ dahil sa impluwensiya ng /b/ sa susunod na pantig. 2. Metatesis - Ang pagpapalitan ng posisyon ng dalawang tunog. Halimbawa: baligtad ay naging baliktád. Ang /i/ at /d/ ay nagpalitan ng posisyon. 3. Pagkawala ng Tunog - Ang pagkawala ng isang tunog sa isang salita. Halimbawa: mabuti ay naging mabuti. Ang /h/ sa salitang ugat na "buti" ay nawala. 4. Pagdaragdag ng Tunog - Ang pagdaragdag ng isang tunog sa isang salita. Halimbawa: dalawa ay naging dalawá. May dagdag na diin sa huling pantig. V. MGA BAHAGI NG PANALITA A. Bahagi ng Pananalitang may Kahulugang Leksikal 1. Pangngalan - Tumutukoy sa mga tao, bagay, lugar, hayop, ideya, o konsepto. Halimbawa: tao, bahay, Pilipinas, aso, kaligayahan, pag-ibig. 2. Panghalip - Ginagamit na panghalili sa pangngalan upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit nito. Halimbawa: ako, ikaw, siya, tayo, kami, sila, ito, iyon 3. Pang-uri - Naglalarawan sa pangngalan o panghalip. Halimbawa: maganda, mabuti, malaki, maliit, pula, bilog 4. Pandiwa - Nagsasaad ng kilos o nangyayari. Halimbawa: kumain, tumakbo, umiyak, magbasa, sumulat 5. Pang-abay - Nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Halimbawa: mabilis, mabagal, palagi, minsan, dito, doon B. Bahagi ng Pananalitang Pangkayarian 1. Pang-angkop - Nag-uugnay sa mga salita upang maging mas madulas ang pagbigkas. Halimbawa: na, ng (hal. bahay na bato, anak ng bayan) 2. Pangatnig - Nag-uugnay sa mga salita, parirala, o sugnay. Halimbawa: at, pero, ngunit, kaya, dahil 3. Pantukoy - Tumutukoy sa tiyak o di-tiyak na pangngalan. Halimbawa: ang, isang, mga 4. Pang-ukol - Nagpapakita ng kaugnayan ng isang salita sa iba pang salita sa pangungusap. Halimbawa: sa, kay, para sa, tungkol sa 5. Mga Ingklitik/Pananda - Mga salitang di-malayang nagbibigay ng dagdag na impormasyon sa isang salita o parirala. 6. Halimbawa: ba, kaya, pala, daw VI. SINTAK Sintaks ang tawag sa pag-aaral ng mga salita at kung paano ito pinagsasama-sama upang makabuo ng mga makabuluhang pangungusap. Ito ang nagbibigay-ayos at estruktura sa ating mga wika. A. Ang Pangungusap - ang pangungusap ang pangunahing yunit ng komunikasyon. Ito ay isang grupo ng mga salita na nagpapahayag ng isang kumpletong kaisipan. Halimbawa: Kumain si Juan ng mansanas. B. Ang Bahagi ng Pangungusap Ang mga pangungusap ay binubuo ng dalawang pangunahing bahagi: 1. Paksa (Subject): Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap. Sino o ano ang gumawa ng kilos o pinag-uusapan? 2. Panaguri (Predicate): Ito ang nagsasabi tungkol sa paksa. Ano ang ginawa ng paksa? Ano ang nangyari sa paksa? C. Ang Paksa - Ang paksa ay maaaring: 1. Tao - Si Maria, ang bata 2. Hayop - Ang aso, ang pusa 3. Bagay - Ang libro, ang bahay 4. Ideya - Ang pag-ibig, ang kalayaan A REVIEWER WAS MADE BY VINCE LAWRENCE O. EMPEÑO D. Iba't ibang Uri ng Paksa 1. Simple Subject - Isang salita lamang ang bumubuo sa paksa. Halimbawa: Umiyak ang bata. 2. Compound Subject - Dalawa o higit pang salita ang bumubuo sa paksa at pinag-uugnay ng at. Halimbawa: Si Juan at Pedro ay magkaibigan. E. Ang Panaguri - ang panaguri naman ay nagsasabi tungkol sa paksa. 1. Pandiwa: Nagpapahayag ng kilos. Halimbawa: Nagbasa si Ana ng libro. 2. Pang-uri: Naglalarawan sa paksa. Halimbawa: Ang langit ay mabulaklakin. 3. Pang-abay: Nagbibigay ng turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Halimbawa: Siya ay mabilis na tumakbo. F. Iba't ibang Uri ng Panaguri 1. Simple Predicate - isang salita lamang ang bumubuo sa panaguri. Halimbawa: Siya ay kumain. 2. Compound Predicate - Dalawa o higit pang salita ang bumubuo sa panaguri at pinag-uugnay ng at. Halimbawa: Siya ay kumain at uminom. G. Ayos ng Pangungusap May dalawang uri ng ayos ng pangungusap: 1. Karaniwang Ayos - Ang paksa ay nauuna sa panaguri. Halimbawa: Si Juan ay kumain. 2. Di-karaniwang Ayos - Ang panaguri ay nauuna sa paksa. Halimbawa: Kumain si Juan. H. Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa - May mga pangungusap na hindi direktang tinutukoy ang paksa. Ito ay kadalasang nagpapahayag ng isang pangkalahatang ideya o kaisipan. Halimbawa: Umuulan. (Sino ang umuulan? Hindi direktang tinukoy.)