Document Details

ImprovedTulip3017

Uploaded by ImprovedTulip3017

Alaminos City National High School

Tags

Tagalog grammar Filipino grammar Linguistics Language studies

Summary

This document, Kakayahang Lingguwistiko, provides an overview of linguistic competence, specifically focusing on grammar in Tagalog context. It explores key aspects like phonology, morphology, syntax, semantics, and orthography. It discusses various types of sentences, grammatical parts of speech, and some illustrative examples and exercises in Tagalog.

Full Transcript

Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal Ano ang kakayahang gramatikal? Kakayahang Gramatikal Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya. Kakayahang Gra...

Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal Ano ang kakayahang gramatikal? Kakayahang Gramatikal Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya. Kakayahang Gramatikal Ang komponent na ito ay magbibigay kakayahan sa taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag- unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita. Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Kakayahang Gramatikal (Celce- Murcia, Dornyei, at Thurell – 1995) Ponolohiya -- ang tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog. -- pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema. Ponema – ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika ( Phoneme) phone -- tunog eme -- makabuluhan Ponema – tumutukoy ito sa makabuluhang tunog – ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita. Hal. Nasa- pasa -- Maari ring di makapagpabago – Malayang nagpapalitan Hal. Babae-babai; lalake-lalaki 2 uri ng ponema ponemang katinig – binubuo ng 16 na ponema– 16 / b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/, /ng/, /w/,/y/ ponemang patinig - ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at English.  Ponemang Malayang nagpapalitan- ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita  HALIMBAWA: babai -- babae lalaki ---lalake  Diptonggo/ Malapatinig – tumutukoy ito sa pinagsamang tunog ng isang patinig /a,e,i,o,u / at tunog ng isang malapatinig /w, y/ sa iisang pantig. (aw, iw, ow,ay ey,oy,uy)  Hal. araw, ayaw, baboy, aliw, sisiw, kahoy, tuloy, sawsaw, kasuy, wow, bahay, kalay, gulay  Klaster o Kambal Katinig– ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig; matatagpuan ito sa– inisyal, sentral, pinal Hal. Blusa, kwento, hwag, traysikel transportasyon, Sintaks Sintaks-pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan.  Estraktura ng pangungusap  Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita  Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, etc.)  Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan)  Pagpapalawak ng pangungusap Estruktura ng pangungusap - Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa. - Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno. Pangunahing Uri ng Pangungusap  Karaniwan - Maganda si Khristiane. - Pumunta si Thom sa palengke. - Gustong maglaro ng basketball ni Nico. ▪ Di Karaniwan - Si Allen ay nakatulog sa classroom. - Tayo ay nalulungkot sa pagkawala ni Carlo james. - Sina Nieva at Christine ay sumayaw sa kanto. Ang gamit ng pangungusap na may AY Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit 1. Pasalaysay o Paturol Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi tiong nagtatapos sa tuldok. Mga Halimbawa - Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto. - Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis. - Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay. Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit 2. Patanong Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito. Mga Halimbawa - Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng Pilipinas? - Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester? - Kanino makukuha ang mga klas kards? Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit 2. Patanong Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito. Mga Halimbawa - Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng Pilipinas? - Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester? - Kanino makukuha ang mga klas kards? Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit 3. Padamdam Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam. Maaari ring gamitin ang tandang pananong. Mga Halimbawa - Ay! Tama pala ang sagot ko. - Ano? Hindi mo pa natatapos ang proyekto natin? - Yehey! Wala na namang pasok. Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit 4. Pautos o Pakiusap Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok. Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit Mga Halimbawa Pautos - Mag-aral kang mabuti. - Nararapat lamang matutong sumunod ang mga mag-aaral ng seminary sa patakaran ng Bible School. Pakiusap - Pakibigay mo naman ito sa iyong guro. - Maari bang iabot mo ang aklat na iyan? Uri ng pangungusap ayon sa pagkabuo o kayarian. 1. Payak – isang diwa lang ang tinatalakay. – maaaring may payak na simuno at panaguri. Hal. Maraming biyayang bigay ang Panginoon sa mga tao. Payak na Pangungusap Payak ang pangungusap kapag nagpapahayag ng isang diwa, maaaring tambalan ang simuno at panaguri na pinag-uugnay ng at. Mega star si Sharon. International star si Lea. Mang-aawit si Sharon at si Lea. Artista ang mang-aawit na si Lea. Artista at mang-aawit sina Lea at Sharon. 2. Tambalan – may higit sa dalawang kaisipan. – binubuo ng dalawa o higit pang diwa /sugnay na nakapag-iisa. – ginagamitan ng pangatnig na magkatimbang Hal. Ang biyaya ay kusang-loob na ibinibigay at ito ay kaloob na walang bayad. Ang mga pangatnig na magkatimbang ay at, pati, saka, o, ni , maging, ngunit. Payak na Pangungusap ▪ Mega star si Sharon at international star si Lea. ▪ Naghihimala ang Birhen sa Agoo at naghihimala rin ang Birhen sa Lipa. ▪ May kapansanan siya subalit napaglabanan niyang lama ang pagsubok sa buhay. ▪ Matanda na siya datapwat malakas pa ang tuhod niya. SUGNAY ▪ Ang Sugnay ay bahagi ng mga salita pangungusap na buo ang diwa. Maroong itong dalawang uri, ang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di mag-iisa. ▪ Sugnay na makapag-iisa - ito ay maaaring tumayo bilang payak na pangungusap. - Ang ating mga tahanan ay linisan. - Nagluluto ako na ako ng ulam. - Ang aking takdang araling ay tapos na. - Si itay ay nagpunta sa doktor. - Ako ay kakain ng gulay. Sugnay na di makapag-iisa - mayroon itong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang diwa ng ipinahahayag. Kailangan nito ng sugnay na makapag- iisa upang mabuo ang diwa. - upang di pamugaran ng lamok. - nang sila ay dumating. -kaya pwede na akong maglaro sa labas. - upang magpagamot. - para maging malusog ang aking katawan. (naka-highlight sa pula = makapag-iisa pag berde = di makapag-iisa) 1. Ang ating mga tahanan ay linisan upang di pamugaran ng lamok. 2. Nagluluto na ako ng ulam nang dumating sila. 3. Ang aking takdang araling ay tapos na, kaya pwede na akong maglaro sa labas. 4. Si itay ay nagpunta sa doktor upang magpagamot. 5. Ako ay kakain ng gulay upang maging malusog ang aking katawan. HALIMBAWA (naka-highlight sa pula = makapag-iisa pag berde = di makapag-iisa) 1. Ang ating mga tahanan ay linisan upang di pamugaran ng lamok. 2. Nagluluto na ako ng ulam nang dumating sila. 3. Ang aking takdang araling ay tapos na, kaya pwede na akong maglaro sa labas. 4. Si itay ay nagpunta sa doktor upang magpagamot. 5. Ako ay kakain ng gulay upang maging malusog ang aking katawan. Hugnayan - pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa. – ginagamitan ng pangatnig na di-magkatimbang ( kung, nang, bago, upang, kapag, dahil sa, sapagkat) Hal. Mabuti ang mag-asawa sapagkat tumutulong sa mga kapitbahay na nangangailangan. ( ang may salungguhit ay sugnay na makapag-iisa; walang salungguhit ay sugnay na di makapag-iisa) 4. Langkapan – pangungusap na binubuo ng tambalan at hugnayang pangungusap ( binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa at sugnay na di nakapag-iisa) Hal. Mabuti ang mag-asawa at sila ay may busilak na puso dahil sinusunod nila ang utos ng Panginoon. (walang salungguhit ay sugnay na makapag-iisa; may salungguhit sugnay na di- makapag-iisa) Hugnayan ang pangungusap na binubuo ng malaya at di malayang sugnay na pinangungunahan ng kung, kapag, sapagkat, upang, nang, pagkat,dahil sa. May simuno at panaguri ang sugnay tulad ng pangungusap ngunit bahagilamang ito ng pangungusap. ▪ Kung may pananalig ka sa sarili, magtatagumpay ka. ▪ Habang nasa kabundukan pa ang Bundok Pinatubo ang lahar malaking panganib angdarating. ▪ Nararapat puntahana ang mga makasaysayang poo k upang maisadiwa ang mganagawang kabayanihan ng ating kalahi. ▪ Kilalanin natin ang katangian ng ating bansa nang maipagmalaki natin ito. ▪ Samantalang nasa isip mo iyon walang mangyayari sa buhay mo. MORPOLOHIYA - ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at nagpagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita. - Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o isang panlapi. - Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-} at ang salitang-ugat na {kahoy}. MORPOLOHIYA - Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring masabing ang ibig sabihin nito’y “maraming kahoy”. Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Ito ay hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na yunit namay kahulugan. Ang ka at hoy, ay mga pantig lamang na walang kahulugan. May pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin naman ng pantawag na hoy, ngunit malayo na ang kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy. MORPOLOHIYA - Samantala, pansinin ang salitang babae, ito ay binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na yunit o bahagi nang hindi masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga sumusunod na maaaring makuha sa babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring maibigay tayong kahulugan sa baba at aba ngunit gaya ng naipaliwanag na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa babae. Bahagi ng Pananalita ❑ Pangngalan - (noun) - mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp. Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae Bahagi ng Pananalita ❑ Panghalip - (pronoun) - paghalili sa pangngalan. Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya. Bahagi ng Pananalita ❑ Pandiwa - (verb) - bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos. Halimbawa: sayaw, tuwa, talon. Bahagi ng Pananalita ❑ Pangatnig - (conjunction) - ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap. Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp Bahagi ng Pananalita ❑ Pang-ukol - (preposition) - ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos. Halimbawa: para, ukol, ayon Mga uri o mga karaniwang pang-ukol sa/sa mga alinsunod sa/kay ng/ng mga hinggil sa/kay ni/nina nang wala kay/kina para sa/kay sa/kay laban sa/kay labag sa ayon sa/kay nang may tungo sa tungkol sa/kay mula sa Bahagi ng Pananalita ❑ Pang-angkop - (ligature) - bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap. Halimbawa: na, ng, g. magandang bata. May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita 1. Pang-angkop na na - Ito ay nag- uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay. Halimbawa: Ang malinis na hangin ay ating kailangan. May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita 2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u). Halimbawa: Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha. May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita 3) Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na n. Halimbawa: Isang masunuring bata si Nonoy. Bahagi ng Pananalita ❑ Pang-uri (adjective) -naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: matangkad, mabango, mababaw Magandang bata. Bahagi ng Pananalita ❑Pang-abay - (adverb) - naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay. Halimbawa: taimtim, agad, tila, higit, kaysa  Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang  Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.  Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.  Sa, kay, kina  marahil, siguro, tila, baka, wari, atb. Bahagi ng Pananalita ❑ Pantukoy - (article o determiner ) - tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri sa pangungusap. Halimbawa: si, ang, ang mga, mga Bahagi ng Pananalita Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana Halimbawa: ang, ang mga, mga Bahagi ng Pananalita Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) Halimbawa: si, sina, ni, nina, kay, kina Bahagi ng Pananalita ❑ Pangawing - (linker) - nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap. - AY ito ang pang-dugtong sa mga pangungusap na di- karaniwang ayos Dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Mga morpemang may kahulugang leksikal (content words) - ang morpema ay nakakatayo ng mag- isa sapagkat may angkin siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita. Content Words Pangngalan: Rik, dance, olympic, aso, tao, lapis Panghalip: siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, makinis Pang-abay: magaling, kahapon, kanina, doon Dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian (function words) -mgasalitang nangangailangan ng iba pang mga salita upang mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap. - ang mga ito ay nagpapalinaw sa kahulugan ng pangungusap Function Words Pang-angkop: na, -ng Pangatnig: kaya, at, o saka, pati Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina Leksikon Pares Minimal – magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-tugma sa bigkas maliban sa isang ponema. Hal. Pala-bala ; hari- pari; tali-bali Ortograpiya  Mga grapema (pasulat na simbolo sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa ay binubuo ng letra at di letra) -titik at di titik  Patinig at palatinigan  Tuntunin sa pagbaybay  Tuldik  Mga bantas Lapat-Kaalaman  Lapatan ng angkop na dayalogo ang mga larawan sa ibaba. Ibatay ito sa kilos at rekasyon ng mga tauhan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser