Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2021
Tags
Related
- Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino (Modyul 8) PDF
- Filipino Komunikasyon at Pananaliksik Q1 M5 PDF
- FILI 101- YUNIT II Batangas State University PDF
- KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO - LESSON 2.2 PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Lecture 1 PDF
Summary
This is a learning module on Filipino communication and research. The module covers steps in writing research in Tagalog and is suitable for secondary school students in the Philippines.
Full Transcript
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan –Modyul 14: Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyu...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan –Modyul 14: Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 14: Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik Unang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ruben S. Montoya Editor: Jonathan F. Bernabe Tagasuri: Elisa N. Lajera, Perlita E. Dela Cruz, Sharita B. Cruz, Noel S. Ortega, Jhon Jien Mar Traviezo Tagaguhit: Romdel F. Partoza Tagalapat: Leonila L. Custodio, Niño Paulo V. Crispe Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas Job S. Zape, Jr. Ramonito O. Elumbaring Reicon C. Condes Elaine T. Balaogan Fe M. Ong-ongowan Rommel C. Bautista Galileo L. Go, Randy D. Punzalan Elpidia B. Bergado Noel S. Ortega Maribeth C. Rieta Leonila L. Custodio Julie Anne V. Vertudes Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: [email protected] Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan - Modyul 14: Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Ang iyong isasagawang pag-aaral gamit ang modyul na ito ay tutugon sa dapat mong malaman at matutuhang kasanayan. Ito ay batay sa sumusunod: Kasanayang Pampagkatuto: Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU-IIg-88) Layunin: Naiisa-isa ang bahagi at hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. Nakabubuo ng gabay taglay ang mga tiyak na hakbang at proseso upang makabuo ng makabuluhang pananaliksik. Nakapagpapahayag ng damdamin o saloobin ukol sa bahagi at hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. 1 Subukin Tukuyin ang mga bahagi ng pananaliksik. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Makikita sa bahaging ito ang paglilimita ng paksa, pagbuo ng tanong, haypotesis, pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral. a. Pagsusuri ng Datos b. Pangangalap ng Datos c. Pagdidisenyo ng Pananaliksik d. Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik 2. Sa bahaging ito makikita ang paraang istatistikal o matematikal sa pagbibigay interpretasyon ng datos sa kwantitatibong pananaliksik at pagbuo ng mga tema o kategorya sa kwalitatibong pananaliksik. a. Pagsusuri ng Datos b. Pangangalap ng Datos c. Pagdidisenyo ng Pananaliksik d. Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik 3. Dito nagaganap ang pagbuo ng paradaym, konseptuwal at teoritikal na balangkas at pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales na pagmumulan ng datos. a. Pagsusuri ng Datos b. Pangangalap ng Datos c. Pagdidisenyo ng Pananaliksik d. Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik 4. Sa bahaging ito isinasagawa ang presentasyon sa mga kumperensya o iba pang paraan ng pagbabahagi o pamimili ng journal kung saan ilalathala ang pananaliksik. a. Pagsusuri ng Datos b. Pagbabahagi ng Pananaliksik c. Pagdidisenyo ng Pananaliksik d. Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik 5. Sa prosesong ito nagaganap ang pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangangalap ng datos at aktwal na paggamit nito. a. Pangangalap ng Datos b. Pagbabahagi ng Datos c. Pagdidisenyo ng Pananaliksik d. Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik 2 6. Madalas nagmumula ito sa mga umiiral na batas at polisiya ng isang organisasyon o departamento. Maaari ding mula sa mga pahayag at teorya. a. Paglalahad ng Suliranin b. Rebyu ng Kaugnay na Literatura c. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral d. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral 7. Ang mahalaga sa bahaging ito ay naiuugnay ng may akda ang mga konseptong nagmula sa literatura at pag-aaral sa pinakapaksa ng pag- aaral. a. Paglalahad ng Suliranin b. Rebyu ng Kaugnay na Literatura c. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral d. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral 8. Sa bahaging ito binubuo ang mga katanungan na nagmumula sa pamagat ng saliksik, mga katanungang siyang bibigyang kasagutan sa kabuuan ng pag-aaral. a. Paglalahad ng Suliranin b. Rebyu ng Kaugnay na Literatura c. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral d. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral 9. Saklaw ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri sa pananaw ng mga mag- aaral sa baitang 11 ng Don Ababa Senior High School sa paggamit ng Taglish sa librong Pinoy New Testament sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katanungan patungkol sa napiling paksa. Ang nilalaman ng unang pangungusap ay halimbawa ng anong bahagi ng pananaliksik? a. Daloy ng Pag-aaral b. Rebyu ng Kaugnay na Literatura c. Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral d. Teoritikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas 10. Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na mabatid kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) sa mga piling mag- aaral ng Don Ababa Senior High School ang Taglish sa bersyon ng Bibliya na Pinoy New Testament. Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang ganitong pahayag? a. Paglalahad ng Suliranin b. Rebyu ng Kaugnay na Literatura c. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral d. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral 3 11. Ang pag-aaral ay nasa disenyong kwantitatibo sapagkat susukatin ang magiging resulta sa pamamagitan ng matematikal at estatistikal na pamamaraan. Sa anong bahagi ng pananaliksik makikita ang ganitong pahayag? II.A Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik II.B Lokal at Populasyon ng Pananaliksik II.C Kasangkapan sa Paglikom ng Datos II.D Paraan sa Paglikom ng Datos II.E Paraan sa Pagsusuri ng Datos a. II.A b. II.B c. II.E d. II.C at II.D 12. Kung kuwantitatibo ang pananaliksik, nakapaloob sa bahaging ito ang iba’t ibang estatistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos. Kung kuwalitatibo naman, madalas na tinutukoy rito kung paanong isasaayos at bubuuin ang mga kategorya o maliliit na paksa na magpapaliwanag sa mga datos na nakalap. II.A Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik II.B Lokal at Populasyon ng Pananaliksik II.C Kasangkapan sa Paglikom ng Datos II.D Paraan sa Paglikom ng Datos II.E Paraan sa Pagsusuri ng Datos a. II.C b. II.D c. II.E d. II.A 13. Ang bahaging ito ang tumatalakay sa kinalabasan ng pag-aaral batay sa suliraning inilahad. Dito maingat na inihahanay, isinasaayos nang may organisasyon sa pamamagitan ng kategorisasyon at sinusuri ang mga patunay upang patunayan o pasubalian ang haypotesis ng pag- aaral. Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag sa itaas? II.A Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik II.B Lokal at Populasyon ng Pananaliksik II.C Kasangkapan sa Paglikom ng Datos II.D Paraan sa Paglikom ng Datos II.E Paraan sa Pagsusuri ng Datos a. II.A at II.B b. II.C c. II.D d. II.E 4 14. Upang magkaroon ng bahaging pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatatag ng pananampalataya at pananalig sa Diyos, gamitin ang Pinoy New Testament. Ito ay makikita sa bahagi ng___________________. a. III. 1 Resulta at Diskusyon b. IV.1 Lagom c. IV.2 Konklusyon d. IV.3 Rekomendasyon 15. Sa anong bahagi ng pananaliksik makikita ang mga pahayag na ito: Batay sa pananaliksik, napag-alaman ang mga sumusunod 1. Swak (tanggap) ang pagsasalin sa wikang “Taglish” ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11. 2. Lubhang kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang Pinoy NT sa mga magaaral sa baitang 11. 3. Lubhang nakatutulong ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino para sa mga mag-aaral ng baitang 11 a. Resulta at Diskusyon b. Lagom c. Kongklusyon d. Rekomendasyon 5 Aralin Hakbang sa Pagsulat 14 ng Pananaliksik Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik na tumatalakay sa wika at kulturang Pilipino. Ang modyul na ito ay makatutulong at magsisilbing gabay mo sa pagsulat ng pananaliksik Balikan Magbigay ng mahahalagang katanungan na dapat sagutin sa pagsusuri ng isang pananaliksik sa bawat bahagi nito. 1. Paksa Tanong: 2. Nilalaman Tanong: 3. Layon Tanong: 4. Gamit/Kahalagahan Tanong: 5. Metodo Tanong: 6. Etika Tanong: 6 Tuklasin Narito ang mga iminumungkahing hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik batay kay De Laza (2016) mula sa kanyang aklat na “Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananalik, pahina 136-139: 1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik Gawing tiyak at payak ang paksa. Mula sa malawak na sakop ay mapaliit ito upang maging ispesipiko. Ang tiyak at pinapayak na paksa ay isinasalin sa anyo ng tanong na magiging batayan ng buong pananaliksik. Iminumungkahing dapat na ipinapaksa ay may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ating wikang Filipino na kasasalaminan ng kulturang Pilipino. 2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik Ang bahaging ito ang nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Planuhin kung anong uri ng pananaliksik ang isasagawa batay sa paglalahad ng suliranin. Mahalagang tukuyin muna kung ito ba ay kuwantitatibo o kuwalitatibo dahil nakasalalay dito kung anong mga instrumento at pamamaraan ang dapat gamitin. 3. Pangangalap ng Datos Dito isinasagawa o binubuo ang kasangkapan sa pangangalap ng datos base pa rin sa disenyo nito. Ang mga ito ay ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuring dokumento. Kasunod nito ang aktwal na pangangalap ng datos, at isinasaayos para naman sa presentasyon. 4. Pagsusuri ng Datos Ang sumusunod ay nagaganap sa bahaging ito; Presentasyon ng Datos, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos, at Pagbuo ng Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon. Sa bahaging ito, ang mga datos na nakalap ay pinagtitibay ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral. 5. Pagbabahagi ng Pananaliksik Matapos maisulat ang saliksik, tiyaking naibabahagi ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kopya sa mga silid-aklatan, sa guro at ibang mag-aaral upang magamit sa pag-aaral. Kaya iminumungkahi rin na isali sa mga komperensyang pampaaralan, pangdibisyon o maging sa nasyonal at internasyonal man. Malaking tulong kung ito ay nailalathala sa iba’t ibang publikasyon gaya ng mga refereed journal (online o hindi), libro at iba pang uri ng lathalain. 1 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Suriin Narito ang kabuuang bahagi ng pananaliksik: A. Introduksiyon Ang bahaging ito ang nagsisilbing panimula o introduksyon, nagpapakilala ng halaga ng may akda batay sa konteksto o kaligiran nito, at nagbibigay ng layunin ng pananaliksik. Tinatalakay dito ang batayan ng pag-aaral. Madalas nagmumula ito sa mga umiiral na batas at polisiya ng isang organisasyon o departamento. Maaari ding mula sa mga pahayag at teorya. Halimbawa: Ayon kay Hymes (1972), nangangahulugan na ang wika ay buhay, bukas ito sa sistema ng pakikipag-interaksyon. Binabago at bumabago ito sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Kung kaya’t ito ang magiging batayan ng pag-aaral na ito kung swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ng mga mag-aaral ang paggamit ng “Taglish” maging sa banal na aklat. Mapapatunayan natin o mapapasubalian ang pananaw na ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago. Ang Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ganito ang batayang deskripsyon para sa pag-aaral na ito: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumadaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Ayon na nga dahil ang wikang Filipino ay buhay nagkakaroon ito ng ebolusyon, ang ibig sabihin ay may pagbabago. Kitang-kita naman sa kalagayan ng paggamit ng Filipino, walang Pilipino na diretsong nagsasalita ng Filipino, ito’y may halong Ingles na tinatawag nating “Taglish”. Ito’y gamit na gamit lalo na sa mga kabataan. Kaya ang sitwasyong ito na paggamit sa “Taglish” maging sa banal na kasulatan ay aalamin natin kung swak pa rin ba o katanggap-tanggap pa rin ba sa mga kabataan. Ang Bibliya ay isang banal na aklat na karaniwang ginagamit sa simbahan, sa tahanan o kahit saang dako pa man. Karaniwan, ang Bibliya ay isinasalin sa iba’t ibang lengguwahe kagaya na lamang ng wikang Filipino, Bisaya, llonggo at iba pa. Ito rin ay ipinapamahagi sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ito ay mayroong 66 na aklat (39 sa Lumang Tipan at 27 sa Bagong Tipan). Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang pagiging maka-Diyos kung kaya’t ang pagsasalin ng Bibliya sa iba’t ibang wika ay lubos na mahalaga para 2 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 sa mga katutubo at iba pang mga Pilipino na naninirahan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Sinabi ni Lewis(1999), isang klerigong Ingles noong ika-18 siglo na habang lumilipas ang wika ay hindi na ito naiintindihan kaya kinakailangang suriin ang mga lumang salin nito para rebisahin sa wika na ginagamit sa kasalukuyan para maunawaan ng bagong henerasyon. Ayon pa sa kanya, mahalaga ang bagong bersyon ng Bibliya dahil ito ang magpapakilos sa salita ng Diyos at mapapakinabangan ito hanggang sa mga susunod pa na salinlahi. Noong 1968, ayon sa Philippine Bible Society, napagkasunduan ng Secretariat for Promoting Christian Unity at ng United Bible Societies na gamitin ang dokyumentaryong Guiding Principles for Interconfessional Cooperation sa pagsasalin ng Bibliya. Sinasabi rin na mahalaga ito dahil dito pinag- uusapan kung paano mareresolba ang iba’t ibang katanungan patungkol sa iba’t ibang pagsasalin. Ito ang kanilang naging batayan sa pagsasalin ng Bibliya sa iba’t ibang wika. Habang tumatagal, padagdag nang padagdag ang kaalaman ng mga tao lalo na ang mga kabataan. Nauuso sa panahon ngayon ang pinaghalong Tagalog at Ingles na mas kilala sa bansag na ‘Taglish’, ito ay ang lengguwaheng karaniwang ginagamit ng mga kabataan ngayon. Malaki ang naging epekto nito lalo na sa pakikipagkomunikasyon at pakikihalubilo sa kapwa. B. Paglalahad ng Suliranin Ang bahaging ito nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa bahaging ito binubuo ang mga katanungan na nagmumula sa pinapaksa o pamagat ng saliksik, mga katanungang siyang bibigyang kasagutan sa kabuuan ng pag-aaral. Sa madaling salita, ito ang pinakapuso ng saliksik sapagkat dito nakabatay ang lahat ng bahagi ng saliksik. Ito ang magtatakda kung anong disenyo ang mabubuo ng pananaliksik. Halimbawa: Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang “Taglish” ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11 ng DASHS? 2. Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11 ng DASHS? 3. Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga kalahok? 3 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral Tatalakayin sa bahaging ito kung ano ang layunin ng pag-aaral. Iminumungkahi na kung ano ang nasa paglalahad ng suliranin, dapat ito rin ang itatakdang layunin o bibigyang kasagutan at inaasahang matamo matapos ang pag-aaral. Ang kahalagahan ay tumutukoy sa kung ano ba ang kapakinabangan ng isinasagawang pag-aaral. Ano ba ang magiging kontribusyon nito sa lipunan, paaralan o pangkat ng taong kinabibilangan at sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino. Halimbawa: Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na mabatid kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) sa mga piling mag- aaral ng Don Ababa Senior High School ang “Taglish” sa bersyon ng Bibliya na Pinoy New Testament. Ang mga tiyak na layunin nito ay ang sumusunod: 1. Upang malaman kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa “Taglish” ng Pinoy NT sa mag-aaral ng baitang 11; 2. Upang alamin kung nakawiwili o nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11; 3. Mabatid kung nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga mag-aaral sa baitang 11. D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura Sa bahaging ito ay inilalahad ang mga kaugnay na literatura at pagaaral. Binubuo ito ng dayuhang literatura, lokal na literatura, dayuhang pagaaral at lokal na pag- aaral. Ang mahalaga sa bahaging ito ay naiuugnay ng may akda ang mga konseptong nagmula sa literatura at pag-aaral sa pinakapaksa ng pag-aaral. Sa madaling salita, mayroong pag-aanalisa at naikokonekta nito ang mga kaisipan. Halimbawa: Ayon kay Rubrico (1999), ang kultura ay ang kabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-uugnay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa. Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito maisagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa kanyang paglalakbay tungo sa makabuluhang buhay. 4 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Ang kulturang ito ay nabibigyang anyo, naipahayag, at naipasa sa ilang henerasyon sa pamamagitan ng wika. Habang natutunan ng isang bata ang kanyang katutubong wika, unti-unti rin niyang nakukuha ang kanyang kultura. Samakatuwid, ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura, at sa pamamagitan nito ang kultura ay maiintindihan at mapahahalagahan maging ng mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura. Hango sa aklat na Bible Translations: And How to Choose BetweenThem ni Duthi ( 1985 ), ang mga taong naniniwala na ang Bibliya ay salita ng Diyos sa sangkatauhan, ito ay nangangahulugang ang Diyos ay nakikipag-usap sa kanila. Kung naaapektuhan ng isang relihiyon ang kabuuan ng buhay, kung gayon ang wika ng Bibliya ay yaong sa pang-araw-araw na buhay. Ang Bibliya sa anumang paraan ay hindi isang aklat na may lipas nang mga kasabihang relihiyoso. Ito’y “buháy at may lakas” na naglalaan ng tunay na lunas sa mga suliranin ng pang-araw-araw na buhay. Gayunman, upang maunawaan at maikapit ng mga mambabasa nito ang banal na aklat na iyan, ito’y dapat na nasa wika ng pang-araw-araw na buhay. Tutal, ang tinatawag na Bagong Tipan ay isinulat, hindi sa klasikong wikang Griego na ginagamit ng mga pilosopong tulad ni Plato, kundi nasa karaniwan, pang-araw-araw na wikang Griegong tinatawag na Koine. Ang Bibliya’y isinulat upang mabasa at maunawaan ng karaniwang mga tao. Sa layuning ito, marami ng modernong salin ang ginawa sa nakaraang mga taon sa iba’t ibang wika. Malimit na ang resulta ay totoong kapaki-pakinabang. Ang Kasulatan ay pinapangyaring madaling maunawaan ng publiko sa pangkalahatan. Gayunman, nakalulungkot sabihin na karamihan sa bagong mga bersiyong ito ay nagkukulang kung tungkol sa walang pinapanigang ganap na kawastuan at pagkakasuweto. Halimbawa, ang ilan ay may hilig na palabuin ang maliwanag na turo ng Bibliya hinggil sa kalagayan ng mga patay, sa kayarian ng kaluluwa ng tao, at sa pangalan ng tunay na Diyos. Sinabi ni Lewis (2002), isang klerigong Ingles noong ika-18 siglo na habang lumilipas ang wika ay hindi na ito naiintindihan kaya kinakailangang suriin ang mga lumang salin nito para rebisahin sa wika na ginagamit sa kasalukuyan para maunawaan ng bagong henerasyon. Ayon pa sa kanya na mahalaga ang bagong bersyon ng Bibliya dahil ito ang magpapakilos sa salita ng Diyos at mapapakinabangan ito hanggang sa mga susunod pa na salinlahi. Dagdag pa niya na ang mga iskolar ng bayan ngayon ay nasa mas magandang kalagayan para suriin ang lumang mga salin. Mas nauunawaan nila ang sinaunang mga wika ng Bibliya at mayroon silang mahahalagang sinaunang manuskrito ng Bibliya na kamakailan lang natagpuan. Makatutulong ang mga ito na mas matiyak ang orihinal na nilalaman ng Bibliya. Kung susuriin ang sinabi ni Lewis na habang lumilipas ang panahon ang wika ay hindi na naiintindihan kaya’t kinakailangang suriin at rebisahin upang maunawaan ng bagong henerasyon. Malinaw na may batayan ang pagsasalin ng Bibliyang Pinoy New Testament sa wikang “Taglish” sapagkat ito ang wikang ginagamit ng mga kabataan. Wala namang batas o kautusang nagtatakda sa kung anong wika ang gagamitin sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos. Ano mang wika ang gamit basta’t ito’y hindi lumilihis sa tunay na konteksto at kahulugan, hindi naman ito 5 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 makapagpapabago sa tunay na kalagayan ng iyong paniniwala at pananampalataya. E. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas Ang bahaging ito ay tumatalakay sa pinaghanguang teorya, modelo, paradaym at kaugnay na paglalahad ng suliranin at haypotesis ng isang naunang pag- aaral. Ang konseptuwal na balangkas ay naglalatag ng kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng pagsusuri ng datos. Isa itong pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik. Halimbawa: Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon ng Wikang Filipino. Batay dito, ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga dikatutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Malinaw na nakasaad dito na dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas na kung saan ang Taglish na wika ay wikang sosyal ng ilang pangkat ng tao sa Pilipinas. Ipinahayag din na ang Wikang Filipino ay buhay kung kaya’t ang Filipinong may halong Ingles o “Taglish” ay isang matibay na pruweba o patunay. Kung kaya’t nararapat na tanggapin maging sa pagsasalin ng salita ng Diyos o sa Bibliya. INPUT PROSESO AWTPUT Ang pag -aaral na ito ay isinagawa sarbey - upang mabigyan ng tiyak na palatanungan kasagutan ang mga sumusunod na presentasyon, Lagom, katanungan: pagsusuri sa 1. Swak ba o ligwak ang pamamagitan Kongklusyon, pagsasalin sa wikang “Taglish” ng at Rekomen- ng weighted Pinoy NT sa mga mag -aaral ng dasyon - mean, at baitang 11? pagbibigay 2. Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga interpretasyon mag-aaral ng baitang 11? sa datos 3. Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga mag - aaral sa baitang 11? FIDBAK 6 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Ang balangkas na ito ay nagpapaliwanag sa magiging proseso ng pananaliksik kung saan ang mga katanungan ay bibigyang katugunan ng mga kalahok mula sa Don Ababa Senior High School sa baitang 11 sa pamamagitan ng sarbey-palatanungan. Ang datos ay ipapakita, susuriin, at bibigyang interpretasyon. Mula sa magiging kinalabasan ay makakabuo ng lagom, kongklusyon at rekomendasyon. Ang saliksik ay magiging bukas sa anumang puna o mungkahi para sa ikauunlad nito. F. Saklaw at Limitasyon Dito naman makikita ang lugar at bilang ng kalahok sa pag-aaral. Maging ang grupo na kanilang kinabibilangan. Gayon din ang hindi kabilang sa pag-aaral at kung bakit. Halimbawa: Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri sa pananaw ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don Ababa Senior High School sa paggamit ng Taglish sa librong Pinoy New Testament sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katanungan patungkol sa napiling paksa. Kinabibilangan ito ng 95 na estudyante: 10 na babae at 10 na lalaki na kabilang sa STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics), 13 na babae at 10 na lalaki sa ABM (Accountancy, Business and Management),15 na babae at 10 na lalaki sa HUMSS (Humanities and Social Sciences), 15 na babae at 12 na lalaki sa GAS (General Academic Strand) at TVL (Technical-Vocational-Livelihood). Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga guro at iba pang mga empleyado sa paaralan. Ang mga nakalap na datos ay gagamitin upang mapatunayan na ang pag-aaral na ito sa taong pampaaralan 2018 – 2019 ay lehitimo. KABANATA II Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik Tutukuyin kung anong uri ng pananaliksik ang nararapat na gamitin, kung ito ba ay kuwantitatibo o kuwalitatibo. Ito ay nakabatay sa layunin o paglalahad ng suliranin maging sa uri ng instrumentong gagamitin sa pangangalap at pagsusuri ng datos. Halimbawa: Ang pag-aaral ay nasa disenyong kwantitatibo sapagkat susukatin ang magiging resulta sa pamamagitan ng matematikal at estatistikal na pamamaraan. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey, isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang 7 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik na susuriin ang datos sa pamamagitan ng weighted mean. Lokal at Populasyon ng Pag-aaral Sa bahaging ito ng metodolohiya, nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik. Kabilang sa mga ito kung sino, tagasaan, o kaya ay sa kung sa anong samahan o organisasyon may kaugnayan ang kalahok. Halimbawa: Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa South Square Village, Pasong Kawayan II, Lungsod ng Heneral Trias, Cavite. Ang mga kalahok ng pananaliksik ay nagmula sa mga piling mag-aaral ng Don Ababa Senior High School na nasa baitang 11 sa taong-pampaaralan 2018 – 2019. Kinabibilangan ito ng 95 na mag-aaral: 10 na babae at10 na lalaki na kabilang sa STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics), 13 na babae at 10 na lalaki sa ABM (Accountancy, Business and Management),15 na babae at 10 na lalaki sa HUMSS (Humanities and Social Sciences), 15 na babae at 12 na lalaki sa GAS (General Academic Strand) at TVL (Technical-Vocational- Livelihood). Kasangkapan sa Paglikom ng Datos Sa bahaging ito, ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento. Halimbawa: Ang napiling instrumento sa paglikom ng mga datos sa pag-aaral na ito ay questionnaire o talatanungan. Ito’y naglalaman ng katanungan na naaayon sa paksa, PINOY NEW TESTAMENT: Swak o Ligwak ba ang Pagsasalin sa Wikang Taglish para sa mag-aaral ng Don Ababa Senior High School. 8 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Paraan sa Paglikom ng Datos Nilalaman ng bahaging ito ang hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos. Halimbawa: Ang mga questionnaire o talatanungan ay ibinahagi sa 95 na mga magaaral sa nasabing paaralan. Ang mga napiling sasagot ay gumamit ng Pinoy New Testament upang masuri nila nang maayos ang nilalaman nito. Ang mga mag-aaral ay mayroong ilang minuto upang mapag-isipan nila nang maayos ang kanilang mga kasagutan. Paraan sa Pagsusuri ng Datos Kung kuwantitatibo ang pananaliksik, nakapaloob sa bahaging ito ang iba’t ibang estatistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos. Kung kuwalitatibo naman, madalas na tinutukoy rito kung paanong isasaayos at bubuuin ang mga kategorya o maliliit na paksa na magpapaliwanag sa mga datos na nakalap. Halimbawa: Upang makuha ang sagot kung swak o ligwak ang paggamit ng Taglish na pagsasalin sa Pinoy NT sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng DASHS ay ginamit ang weighted mean at ginawang batayan ang sumusunod na pamantayan at deskripsyon sa pagbibigay ng interpretasyon dito. VALUE RANGE DESKRIPSYON INTERPRETASYON 4 3.25-4.00 Lubos na Nasisiyahan sapagkat lubos na epektibo ang pagkakagamit ng Epektibo wikang Taglish sa Pinoy NT 3 2.50-3.24 Epektibo Nasisiyahan sapagkat epektibo ang pagkakagamit ng wikang Taglish sa Pinoy NT 2 1.75-2.49 May Bahagyang May bahagyang epekto ang Epekto pagkakagamit ng Taglish sa Pinoy NT 1 1.00-1.74 Walang Epekto Hindi epektibo ang pagkakagamit ng wikang Taglish sa Pinoy NT 9 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Ang pagsusuri ay nagmula sa pagsukat ng epekto ng Taglish sa Pinoy NT sa mga baitang 11 ang magiging batayan upang sabihing Swak o Ligwak ang paggamit ng Taglish sa Pinoy NT. KABANATA III. Resulta at Diskusyon Ang bahaging ito ang tumatalakay sa kinalabasan ng pag-aaral batay sa suliraning inilahad. Dito maingat na inihahanay, isinasaayos nang may organisasyon sa pamamagitan ng kategorisasyon at sinusuri ang mga patunay upang patunayan o pasubalian ang haypotesis ng pag-aaral. Bawat numero o bilang na lumabas sa tabyular at grapikal na paglalahad ay binibigyang paliwanag at pag-uugnay-ugnay para sa malinaw na kinalabasan. Halimbawa: Talahanayan 4: Lagom ng datos mula sa suliranin ng pag-aaral Lubos na Epektibo May Hindi Weighted Epektibo Bahagy Epekt Mean ib ang o Epekto Swak (tanggap) ba o 58 20 13 4 ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa 3.39 wikang taglish ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng Baitang 11? Nakawiwili at 64 17 13 1 nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT 3.52 sa mga mag-aaral ng Baitang 11? Nakatutulong ba ang 59 19 12 5 Pinoy NT sa pagpapaunlad ng 3.39 kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino? 10 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Kabuuang Weighted 3.43 Mean Mula sa katanungang swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang “Taglish” ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng Baitang 11? Lumabas na “Lubos na Epektibo” ang paggamit ng “Taglish” sa mga kalahok dahil sa weighted mean na 3.39. Nangangahulugang swak ang “Taglish” sa mga mag- aaral ng Baitang 11. Sa ikalawang katanungan naman na “Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng Baitang11?”, nakapagtala ito ng 3.52 weighted mean na nangangahulugang “Lubos na kawili- wili at nakapupukaw ng pansin ang Pinoy NT na gumagamit ng “Taglish”. Para naman sa katatungang “Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino?” ito’y “Lubhang Epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean na naitala. Batay sa sinabi ni Hymes (1972), ang wika ay buhay, bukas ito sa sistema ng pakikipag-interaksyon. Binabago at bumabago ito sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit, ay napatunayang totoo batay sa resulta ng pag-aaral. Sa kabuuan, ang “Taglish” na wikang ginamit sa Pinoy NT ay lubhang epektibo o swak para sa mga mag-aaral ng baitang 11. Lubhang kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang paggamit nito sa Bibliya. Ang paggamit ng “Taglish” ay lubhang nakatutulong sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspektong pananampalataya ng mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Don Ababa Senior High School. KABANATA IV. Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon Inilalahad dito ang kabuuang lagom o buod ng kinalabasan ng pagaaral na nakabatay sa pagsusuri ng datos mula naman sa suliraning inilahad sa pag- aaral. Nakapaloob din ang mga mungkahi o rekomendasyon batay sa resulta upang mapaunlad ang paksa o ang kaugnay na pag-aaral. Narito ang dapat nilalaman ng sumusunod: 1. Lagom a. Muling banggitin ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral, ang kaugnay na tanong, mga kalahok o respondent, panahon ng pag-aaral, instrumento, disenyo at pamamaraang ginamit. b. Isa-isahin ang mga katanungan na nasa ibaba nito at ang mga nakalap na datos o tugon. c. Tanging ang mahahalagang datos lamang ang isama rito. Hindi na kailangang isama ang tsart, grap o talahanayan. 11 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Halimbawa: Ang saliksik na ito ay may layuning malaman kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa “Taglish” ng Pinoy NT; alamin kung nakakapukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mananampalataya; at mabatid kung nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino. Ito ay binigyang katugunan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga suliraning inilahad tulad ng: (1) Swak (tanggap) ba o ligwak (di- tanggap) ang pagsasalin sa wikang “Taglish” ng Pinoy NT sa mga kabataang mananampalataya? (2) Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mananampalataya? (3) Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino? Ito ay isang pag-aaral na nasa disenyong kwantitatibo sapagkat sinukat ang resulta sa pamamagitan ng weighted mean na pamamaraan. Kinalap ang datos gamit ang sarbey-talatanungan, pinili ang kalahok sa pamamagitan ng random sampling mula sa mag-aaral ng Don Ababa Senior High School. Lumabas sa pananaliksik na ito na mula sa katanungang swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng Baitang 11, lumalabas na ito ay swak o tanggap na nangangahulugang epektibo ang paggamit ng Taglish ng mga kalahok dahil sa weighted mean na 3.39. Sa ikalawang katanungan naman na “Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baiting 11?”, nakapagtala ito ng 3.52 weighted mean na nangangahulugang kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang Pinoy NT na gumagamit ng Taglish. Para naman sa katatungang “Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino?”, ito’y “Lubhang Epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean na naitala. Sa kabuuan, ang “Taglish” na wikang ginamit sa Pinoy NT ay lubhang epektibo o swak para sa mga mag-aaral ng baitang 11. Lubos na kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang paggamit nito sa bibliya. Ang paggamit ng “Taglish” sa Pinoy NT ay lubos na nakatutulong sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspektong pananampalataya ng mga mag-aaral sa Baitang 11. 2. Kongklusyon a. Ilahad ang tiyak na resulta mula sa mga tanong sa bahaging paglalahad ng suliranin. Hindi kinakailangang ipaliwanag ang sagot. b. Gawing maikli, tiyak at malinaw ang mga pangungusap. c. Ipahayag ang kongklusyon sa paraang nagpapakita ng kawastuhan at katotohanan. 12 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Halimbawa: Batay sa pananaliksik, napag-alaman ang mga sumusunod: 1. Swak (tanggap) ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11. 2. Lubhang kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral sa baitang 11. 3. Lubhang nakatutulong ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino para sa mga mag-aaral ng baitang 11. 4. Rekomendasyon a. Dapat buhat sa kinalabasan ng pag-aaral ang maging rekomendasyon. b. Ang imumungkahi ay makatutulong sa paglutas ng suliraning natuklasan sa pananaliksik. c. Maaring naglalaman ng mungkahing magsagawa ng katulad na pagaaral. d. Gawing maikli, tiyak at malinaw ang mga pahayag. e. Maaaring imungkahi ang paksang naging kahinaan o limitasyon ng isinagawang pag-aaral Halimbawa: Batay sa resulta ng pag-aaral, iminumungkahi ang sumusunod: 1. Ipagpatuloy ang pagbabasa ng Pinoy New Testament dahil swak ito sa mga kabataang mananampalataya. 2. Upang magkaroon ng bahaging pagpapaunlad ng kulturang Pilipinosa pamamagitan ng pagpapatatag ng pananampalataya at pananalig sa Diyos, gamitin ang Pinoy New Testament. 3. Iminumungkahing magkaroon ng katulad na pag-aaral subalit gawing tuon ang mga alagad ng simbahan tulad ng pari, pastor, o ministro upang malaman ang pananaw nila ukol dito. 13 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Pagyamanin Ibigay ang mga hinihingi sa loob ng kahon batay sa pinaplano mong lalamanin ng iyong sariling gawang pananaliksik. Bahagi ng Nilalaman Pananaliksik ____________________________________________________ Pamagat/Titulo ____________________________________________________ 1. Rasyonal at Kaligiran ____________________________________________________ ng Pag-aaral ____________________________________________________ 2. Paglalahad ng ____________________________________________________ Suliranin ____________________________________________________ 3. Layunin at ____________________________________________________ Kahalagahan ng Pag- ____________________________________________________ aaral 4.Rebyu at Kaugnay na ____________________________________________________ Literatura ____________________________________________________ 5. Teoritikal na Gabay at ____________________________________________________ Konseptuwal na ____________________________________________________ Balangkas Pamantayan sa Pagmamarka: A. Nabibigyan ng sapat na impormasyon/detalye ang bawat bahagi ng pananaliksik…………………………………………………………………………10 puntos B. Organisado ang mga ideya sa bawat bahagi nito……………………… 5 puntos C. Orihinal at walang pinagkopyahan………………………………………. 5 puntos Kabuoan…………………………………………………………………………….. 20 puntos 14 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Isaisip Ibigay ang bahagi ng pananaliksik sa bawat kabanata. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel. Kabanata I Kabanata II 15 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Kabanata III Kabanata IV 16 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Isagawa Isulat ang tsek (√) sa sagutang papel kung nagsasaad ng iyong saloobin at damdamin ang pangungusap sa kahon. Pahayag Tama Mali 1. Isang disenyo lamang ang maaaring piliin ng mananaliksik upang sagutin ang suliranin ng pananaliksik. 2. Mahalagang tukuyin muna ang disenyo bago ang layunin ng pag-aaral. 3. Ang pagpapahayag ng lagom ay walang pagkakaiba sa kongklusyon. 4. Dapat na naiuugnay ang resulta ng pagsusuri ng datos sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral. 5. Ang rekomendasyon ay batay sa kinalabasan ng pag- aaral. 17 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Tayahin Tukuyin ang mga bahagi at hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Aktuwal na isinasagawa ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pananaliksik. I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik III. Pangangalap ng Datos IV. Pagsusuri ng Datos V. Pamamahagi ng Pananaliksik a. I c. III b. II d. IV 2. Anong antas ng pananaliksik kailangang natukoy na ng mananaliksik ang suliranin upang malapatan ng tiyak na disensyo? I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik III. Pangangalap ng Datos IV. Pagsusuring Datos V. Pamamahagi ng Pananaliksik a. I c. III b. II d. IV 3. Si Allan ay naghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral upang masuportahan ang kanyang paksa. Nasa anong hakbang na kaya si Allan? a. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksang Pananaliksik b. Pagdidisenyo ng Pananaliksik c. Pangangalap ng Datos d. Pagsusuri ng Datos 4. Paglalathala sa mga publikasyon, pamamahagi sa mga silid-aklatan at pakikibahagi sa mga kumperensiya. Ito ang ginawa ni Aida. Saang hakbang na kaya siya? I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik III. Pangangalap ng Datos IV. Pagsusuri ng Datos V. Pamamahagi ng Pananaliksik 18 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 a. I at II c. V b. III at IV d. VI 5. Tukuyin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik. I. Dito nagaganap ang pagsusuri sa mga datos na nailahad mula sa pagkakategorya o mula sa istatistikal na pag- aanalisa. II. Sa bahaging ito titiyakin ng mananaliksik ang kongklusyon ng pananaliksik. III. Dito tinitiyak na payak ang paksa. Pinapaunlad ito sa pamamagitan ng pagbabasa at paghahanap ng mga kaugnay na literatura at pagaaral. IV. Bubuuin sa bahaging ito ang konseptuwal na balangkas na maglalatag ng kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging pagsusuri. V. Nagaganap sa bahaging ito ang aktuwal na pakikipanayam, sarbey, obserbasyon o pagsusuri ng dokumento depende sa itinakda ng pamamaraan ng pag-aaral. a. II, V, III, I, IV c. I, II, V, IV, III b. III, IV, V, I ,II d. V, IV, III, I, II 6. Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga guro at iba pang mga empleyado sa paaralan. Ang naunang pangungusap ay nilalaman ng bahaging _________________. I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral II. Paglalahad ng Suliranin III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas VI. Saklaw at Limitasyon a. I c. VI b. II d. IV at V 7. Mabatid kung nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga mag-aaral sa baitang 11, ang pahayag na ito ay makikita sa bahagi ng pananaliksik na___________________. I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral II. Paglalahad ng Suliranin III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral IV. Redyu ng Kaugnay na Literatura V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas VI. Saklaw at Limitasyon a. I c. IV at V b. III d. VI 8. Dito nagaganap ang pag-aanalisa at pagkokonekta ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa pinakapaksa ng pananaliksik. I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral II. Paglalahad ng Suliranin 19 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas VI. Saklaw at Limitasyon a. V c. I at II b. IV d. II at III 9. Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang mga susunod na pahayag? Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11? 2. Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag- aaral ng baitang11? I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral II. Paglalahad ng Suliranin III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas VI. Saklaw at Limitasyon a. I c. III at IV b. II d. V at VI 10. Ang balangkas na ito ay nagpapaliwanag sa magiging proseso ng pananaliksik kung saan ang mga katanungan ay bibigyang katugunan ng mga kalahok. I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral II. Paglalahad ng Suliranin III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas VI. Saklaw at Limitasyon a. I, II, III c. V b. IV d. VI 11. Nilalaman ng bahaging ito ang plano at proseso sa pagkuha ng datos. a. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik b. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik c. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos d. Paraan sa Paglikom ng Datos 12. Saang bahagi ng pananaliksik ginagamit ang instrumentong ito? VALUE RANGE DESKRIPSYON INTERPRETASYON 4 3.25-4.00 Lubos na epektibo 3 2.50-3.24 Epektibo 2 1.75-2.49 May bahagyang epekto 1 1.00-1.74 Walang epekto 20 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 a. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik b. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik c. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos d. Paraan sa Paglikom ng Datos e. Paraan sa Pagsusuri ng Datos 13. Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag sa kahon? Isasagawa ang pananaliksik na ito sa Don Ababa Senior High School at ang pagkukuha ng datos o impormasyon ay padadaanin lamang sa social media. Limang mag-aaral kada-strand ang sasagot sa mga tanong sa sarbey-questionnaire. Sa pangkalahatan ay mayroong 25 na piling mag-aaral ang ginamit. Gumamit ng Random Sampling Techniquesa pagpili ng mga respondante, ito ay paraan ng pamimili ng mananaliksik sapagkat mayroong pantay na pagkakataon ang pagkukuhanan. a. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik b. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik c. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos d. Paraan sa Paglikom ng Datos e. Paraan sa Pagsusuri ng Datos 14. Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag na nasa kahon? Dahil dito, iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may Taglish na pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga kabataang Pilipino, sapagkat ang matibay na pananalig sa Diyos ay bahagi na ng ating kultura. a. Resulta at Diskusyon b. Lagom c. Kongklusyon d. Rekomendasyon 15. Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag sa kahon na nasa ibaba? Ang pag-aaral ay nasa disenyong kwantitatibo sapagkat susukatin ang magiging resulta sa pamamagitan ng matematikal at estatistikal na pamamaraan. a. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik b. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik c. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos d. Paraan sa Paglikom ng Datos 21 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Karagdagang Gawain Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul na ito. Dahil dito, gusto kong maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo ang aktuwal na pagsulat ng pananaliksik. Tiyaking ang isasagawang pananaliksik ay tumatalakay sa wika at kulturang Pilipino 22 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Module 14 CO_Q2_KPWKP SHS 23 Subukin Tayahin 1. D 1. C 2. C 2. B 3. C 3. A 4. B 4. C 5. A 5. B 6. C 6. C 7. B 7. B 8. A 8. C 9. C 9. B 10. D 10. C 11. A 11. A 12. D 12. E 13. D 13. B 14. D 14. D 15. C 15. A Susi sa Pagwawasto Sanggunian De Laza, Crizel.2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Rex Book Store 24 CO_Q2_KPWKP SHS Module 14 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]