Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PDF

Document Details

InspiringLaplace

Uploaded by InspiringLaplace

Philippine Christian University

Tags

Filipino communication language studies Philippine culture education

Summary

This is a learning module on Filipino communication and research on language and culture. It covers concepts of language and aims to help students understand the importance of language and national language.

Full Transcript

11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Unang Markahan – Modyul 1: Konseptong Pangwika Paunang Salita Para sa Mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. Ang modyul na ito ay pinagt...

11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Unang Markahan – Modyul 1: Konseptong Pangwika Paunang Salita Para sa Mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga guro mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka. Binuo ito upang matulungang kang makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12. Hangad rin namin na mapagtagumpayan mo ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ka sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ka upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang iyong pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita mo sa kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Katuwang sa Pag-aaral Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag- aaral. Bilang katuwang sa pag-aaral, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Panimula Ang aralin na ito ay naglalayong maipaliwanag ang kahulugan ng wika, kahalagahan ng wika, at mailahad ang maikling kasaysayan ng wikang Pambansa. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO: (F11PT-Ia-85) Matutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng konseptong pangwika. Pagkatapos ng Modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagkakaroon ng wika at wikang Pambansa. Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa pagkakabuo ng wikang Pambansa. Naiuugnay ang konseptong pangwika sa sariling kaalaman sa pagsulat ng mga dapat gawin sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa Wikang Pambansa. Naipapakita ang kahalagan ng wika sa pang-araw-araw na gawain. Subukin I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan o pahahayag. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot. (NOTE:Isumiti. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at bilang ng modyul.) 1.Ito ay masistemang balangkas na isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumuo ng makabuluhang yunit ng tunog. a. Wika b. ponema c. baybayin d. alibata 2. Ang salitang Latin na lingua ay nangahulugang: a. wika at tunog b.titik at dila c. titik at tunog d. dila at wika. 3. Saan ibinatay ang pagpili ng Wikang Pambansa? a. ibinatay sa mga dayuhang wika. b. ibinatay sa katutubong wika na umiiral sa bansa. c. ibinatay sa wikain ng mga mayayamang angkan ng bansa d. ibinatay sa kung anong wika ang gusting gamitin ng mga tao. 4. Siya ang pangulong ang nagmungkahi na ibatay ang wikang Pambansa sa mga katutubong wika na umiiral sa bansa. a. Ramon Magsaysay c.Manuel L. Quezon b. Carlos P. Garcia d. Jose P. Laurel 5. Pinalitan ang tawag ng Wikang Pambansa mula Tagalog, ito ay ginawang ___________ sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blng 7. a. Filipino b. Pilipino c. Ingles d. Nihonggo 6. Siya ang Ama ng Wikang Pambansa. a. Lope K. Santos c. Jose P. Laurel b. Manuel L. Quezon d. Benigno Aquino 1 7. Ang surian na siyang nag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan upang mapaunlad at mapatibay ang pambansang wika. a. Surian ng Wikang Pambansa c. Komisyon sa Wikang Filipino b. Surian ng mga wikain sa Pilipinas d. Komisyon sa Wikang Pambansa 8. Kailan ipinagkaloob ng mga Amerikano ang Kalayaan ng bansa? a. Hulyo 4, 1946 c. Hunyo 4, 1944 b. Hulyo 16, 1944 d. Hunyo 12, 1948 _______9. Ilan ang wika at diyalekto ng ating bansa? a. Mahigit kumulang 150 c. Mahigit kumulang 155 b. Mahigit kumulang 144 d. Mahigit kumulang 140 _______10. Ang surian na siyang nagpatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kinilalang Filipino. a. Surian ng Wikang Pambansa c. Komisyon sa Wikang Filipino b. Surian ng mga wikain sa Pilipinas d. Komisyon sa Wikang Pambansa Aralin 1 Mga Konseptong Pangwika Alamin Sa Modyul na ito matutunghayan ang mga pagpapakahulugan sa wika, kahalagahan ng wika, gayundin ang maikling kasaysayan ng wikang Pambansa. Balikan Sariling Pagpapakahulugan Panuto: Magbigay ng anim na salita na naglalawan sa salitang wika. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. 2 WIKA Tuklasin Ang Wika Isang napakahalagang instru- ment ng komunikasyon ang wika. Mula sa pnagsamasamang mkabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan at kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa. Nagkakaintindihan tayo, makapagbi- bigayan tayo ng ating mga pananaw o ideya, opinion, kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga mensaheng tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao, pasalitan man o pasilat gamit ang wika. Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”. Ito ay pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito’y nagging language na siya na ring ginagamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Sa maraming wika sa buong mundo, ang mga salitang wika at dila ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba’t ibang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng iba’t ibang posisyon ng dila. Kaya naman ang, ang wika ay may tradisyonal at popular na pagpapakahulugang Sistema ng arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang 3 tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag ugnayan sa isa’t isa. Marami ding dalubhasa sa wika ang nagbigay ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa wika katulad ng mga sumusunod: Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra(2003:1), ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.Ito ay behikulo ng ating eksprsyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usapsa ibang tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili. Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang lingguwista at propesor emeritus sa University of Toronto, ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Binigyang pagpapakahulugan ng Cambridge Dictionary ang wika sa ganitong paraan: ito ay isang Sistema ng komunikasyonng nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain. Samantalang ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniwalang ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbebake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rind aw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan. Gayumpama’y naiiba ito sa mga pangkaraniwang sining dahil ang tao,y may likas na kakayahang magsalita tulad ng nakikita natin sa paggakpak ng mga bata; wala kasing batang may likas na kakayahang gumawa ng serbesa, mag-bakae, o sumulat. Higit sa lahat, walang philologist ang makapagsasabing ang wika ay sadyang inimbento; sa halip, ito ay marahan at hindi sinasadyang malinang sa pamamagitan ng maraming hakbang o proseso. Madalas hindi na natin gaanong nabibigyang-pansin o hindi gaanong napag-iisipan ang kahulugan ng wika sapagkat tila ba likas o natural na sa atin ang pagkatuto at paggamit ng wika sa ating pagpapahayag mula pa sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Subalit marahil iyo nang napagtanto na ang wika ay hindi lang basta tunog na nalilikha ng tao, bagkus ito’y isang napakahalagang instrument ng komunikasyon. Nagapapahayag ang tao ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng wika kaya’t nararapat lang na pagyamanin at gamitin nang naayon sa angkop na layunin. PANLAHAT NA KATANGIAN NG WIKA Batay sa pagpapakahulugan ng mga dalubhasa sa wika, masasabing ang wika ay may sumusunod na katangian: A. Ang wika ay masistemang balangkas. Isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumuo ng makabuluhang yunit katulad ng tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors. Lahat ng wika ay nakaayon sa sistematikong ayos sa isang tiyak na balangkas. Kaya mahalagang maunawaan na lahat ng wika ay may gramatika at nahahati sa sumusunod: ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at semantika. 4 PONOLOHIYA (tunog) MORPOLOHIYA (salita) PASALITA DISKURSO SINTAKSIS (palitan ng (parirala/sugnay, PASULAT pangungusap) pangungusap) PONOLOHIYA (tunog) Diyagram na nagpapakita ng balangkas ng wika at ang ugnayan ng mga ito patungo sa pangunahing tunguhin ng wika. Ponolohiya makaagham na pag-aaral ng mga makahulugang tunog (ponema) Morpolohiya ang makaagham na pag-aaral ng mga pinakamaliit nay unit ng mga tunog (morpema) ng isang wika at ng pagsasama- sama ng mga ito upang makabuo ng salita Sintaksis ang makaagham na pag-aaral ng mga Sistema ng pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap. Semantika ang pag-aaral ng mga kahulugan at relasyon ng mga salita sa pangungusap. B. Ang wika ay sistemang tunog. Ang wika ay sinasalita na galing sa magkakasunod-sunod na na tunog na nabubuo sa pamamagitan ng interaksyon ng iba’t ibang aparato sa pagsasalita tulad ng bibig, dila ngipin, ngalangala, velum at galagid. Ang mga bahagi ng katawang ito na ginagamit natin sa pagpapahayag ay tinatawag na speech organs. Kailangan itong mabigkas nang mabuti upang maging makabuluhan ang nabuong mga tunog at makilala ng tagapakinig ang pagkakaiba ng mga tunog. C. Ang wika ay kaugnay ng kultura Ang isang kultura ay hindi nabubuo dahil lang sa kanilang mga paniniwala. Mula pagsilang ng tao ay may kakambal nang kultura. Wika ang kaluluwa ng tao kaya’t nagbibigay ito sa kanya ng buhay. Dahil ditto, itinuturing na dalawang magkabuhol na aspekto ang wika at kultura ng tao. Walang wika kung walang tao, at walang maunlad na kultura ng tao kung walang wika. Di maikakaila na magkasabay ang pag-unlad ng wika at kultura ng tao. Kaya’t habang may tao at umuunlad ang kultura nito, patuloy ring buhay at dinamiko ang wika. Sa panahon ngayon, pinakamabisang tagapagpalaganap ng wika ay ang kultura. Kultura ang tunay na aklat ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng bayan. D. Ang wika ay ginagamit Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon upang magkaroon ng saysay ang isang wika, kailangan patuloy itong gamitin. Kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting mawawala at tuluyang mamatay. 5 E. Ang wika ay natatangi Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. Walang dalawang wika na magkatulad. Bawat wika ay may itinakda na mga yunit panggramatika at sariling Sistema ng ponolohiya (palatunugan), morpolohiya (palabuuan) at sintaksis (palaugnayan) at maging sa aspektong pansemantika. F. Ang wika ay malikhain May kakayahan ang anumang wika na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap. Ang isang taong may alam sa isang wika ay nakapagsasalita at nakabubuo ng iba’t ibang pahayag, nakauunawa ng anumang narinig o nabasang pahayag. Habang patuloy itong ginamit ng mga tao, patuloy na makabubuo sila ng mga bagong pahayag. (Belvez, et al.,2003) G. Ang wika ay umuunlad Nagbabago ang wika dahil patuloy sa pagbabago ng pamumuhay ng tao at iniuugnay ang wika sa bilis ng takbo ng buhay dulot ng agham at teknolohiya. Bilang wikang dinamiko, bukas ang pinto nito sa pag-unlad upang makaangkop sa mga pangangailangang pangkomunikasyon ng sambayanang gumagamit nito. Ang mga salita ay patuloy na dumarami, nadaragdagan at umuunlad. Lumalawak ang mga bokabularyo, nagbabgo ang Sistema ng pagsulat at palabaybayan. Suriin/Talakayin Ang Wikang Pambansa Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang wika at diyalekto. Humigit- kumullang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa. Ang kalagayang ito ang nagging pangunahing dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino. Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mga mamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang Pambansa. Kung balikan ang ating kasaysayan, makikitang hindi nagging madali ang pagpili sa wikang pagbabatayan ng wikang Pambansa. Mahaba at masalimoot ang prosesong pinagdaanan nito. Sa huling dalawang aralin ng kabanatang ito ay tatalakayin nang mas malaliman ang kasaysayan ng ating wika simula sa panahon bago dumating ang mga Espanyol hanggang sa kasalukuyang panahon subalit sa ngayon ay magkakaroon ka ng paunang impormasyon sa pamamagitan ng timeline sa mga pangyayaring nagbigay- daan sa paghirang sa Filipino bilang wikang Pambansa. 6 1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral ditto, nagging isang paksang mainitang pinagtatalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito. Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang Pambansa subalit sinalungat ito ng mga maka-Ingles na niniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa Ingles. Subalit nagging ang grupong nagmamalasakit sa sariling wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay salungat ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. 1935: Ang pagsuong na ito ni Manuel L. Quezon ay nagbigay daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo VIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing: “Ang konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibababatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.” Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay nagkaroon ng maraming talakayan kung anong wika ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang Pambansa. Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas sa isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Bats Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Pangunahing tungkulin nito ang “mag-aral ng mga diyalekto sa pangkaahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.” Base sa pag-aaral na isinagawa ng Surian, napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa dahil ang naaturang wika ay tumugma sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng mga sumusunod: “ang wikang pipiliin ay dapat…… Wika ng sentro ng pamahalaan; Wika ng sentro ng edukasyon Wika ng sentro ng kalakalan; at Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.” 1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bias ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Mgkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon. 1940: Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang Pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado. 7 1946: Nang ipagkaloob ng Amerikano ang ating Kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bias ng Batas Komonwelt Bilang 570. 1959: Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang Pambansa. Mula Tagalog ito ay nagging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romera, ang Kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong ito’y higit na binigyang halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa mga tanggapan,gusali, at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte at iba pa, gayundin sa iba’t ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at komiks. Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumasalungat sa pagkakapili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. 1972: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973 Artikulo XV, Seksiyon 3, blg. 2: Isa sa mga Tumutugma umiiral sa sa mga Tumutugma sa Sa Saligang wika sa bansa pamantayan mga Batas ng 1973 ang dapat sa pagpili pamantayan sa ito’y tinatawag maging natin ang pagpili natin na Filipino batayan ng wikang ang wikang ating wikang Tagalog. Tagalog. Pambansa. “Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino.” Dito unang nagamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang Pambansa sa Pilipinas. Gayunpama’y hindi naisagawa ng Batasang 8 Pambansa ang pormal na pagpapatibay tulad ng itinadhana ng Saligang Batas. 1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal sa binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika ng nagsasabing: “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika” Napakalayo na nga nang nalakbay ng ating wikang Pambansa upang maging isa itong wikang nagbubuklod sa mga Pilipino. Marami itong pagsubok na nalagpasan hanggang sa maisabatas at magamit ng lahat ng mga Pilipino sa nakaraan, sa kasalukuyan, at maging sa hinaharap upang lao pa tayong magkaintindihan at mapalawig ang ating pagkakaisa tungo sap ag-unlad at pagtatagumpay. Pag-usapan Natin: Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa isang buong papel. (NOTE:Isumiti. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at bilang ng modyul.) 1. Bakit kailangan ng ating bansang magkaroon ng isang wikang pambansang magagamit at mauunawaan ng nakararaming Pilipino? 2. Sa paanong paraan sinuportahan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon natin ng wikang Pambansa?Nararapat ba ang parangal sa kanya bilang “Ama ng Wikang Pambansa”? Ipaliwanag. 3. Bakit kinakailangang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa? Ano ang nagging pangunahing tungkulin nila? 4. Sa iyong palagay, angkop kaya ang Tagalog sa pamantayang ito? Bakit oo o bakit hindi? 5. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba kay Charles Darwin sa sinabi niyang, “hindi tunay na likas ang wika sapagkat kailangan muna itong pag-aralan bago matutuhan”? ipaliwanag ang iyong pananaw 9 Isaisip Alam mo ba? Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Binubuo ito ng mahigit pitong libong pulo na nabibilang sa tatlong malalaking pangkat ng mga pulo sa bansa:ang Luzon, Visayas at Mindanao. Dahil sa nasabing kalagayang heograpikal, hindi maiiwasang magkaroon tayo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong may kanya-kanyang wika at diyalekto. Ito ang nagbigay daan sa napakaraming wika at diyalektong ginamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Isagawa Buuin Natin Panuto: Sa isang buong papel,gumawa ng dayagram na kagaya sa ibaba. Sa iyong sariling salita, punan ang mga kahon ng mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa pagpapatibay sa Filipino bilang wikang Pambansa. Gawing gabay ang petsang nakalahad sa mga kahon. Ang una’y pinunan para sa iyo. (NOTE:Isumiti. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at bilang ng modyul.) Nagkaroon ng kombensyong konstitusyonal kung saan isa sa mainitang tinalakay at pinagtuunan ang pagpili ng wikang pagbabatayan ng 1937 1959 1987 wikang Pambansa 1937 1935 1946 1972 10 Pagyamanin/Karagdagang Gawain Iguhit Mo Panuto: Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng paggawa ng isang Poster, magbigay ng tatlong pangungusap na naglalarawan sa ginawang poster. Gawin ito sa isang long bond paper. (NOTE:Isumiti. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at bilang ng modyul.) Tanong: Ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao? Ano kaya ang mangyayari kung mawawala ang wikang binibigkas at nauunawaan ng mga tao sa isang pamayanan o kultura? Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa gagawing poster. Pamantayan 4 3 2 1 Mensahing Malinaw na Taglay ang Bahagyang Hindi makikita nakapaloob malinaw ang mensahe sa taglay ang sa ginawang mensahe na ginawang poster mensahe sa poster ang napapaloob sa ginawang poster mensahe. ginawang poster Pagkamalikhain May kulay at Hindi gaanong Walang kulay at Walang kulay at malinaw na makulay ngunit hindi gaanong hindi malinaw malinaw ang malinaw ang malinaw ang ang guhit sa guhit sa guhit na guhit sa ginawang poster ginawang poster makikita sa ginawang ginawang poster poster. Tayahin Gawain 1: Sagutin Natin II. Panuto: Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan o pahahayag. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot. (NOTE:Isumiti. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at bilang ng modyul.) 1. Ang lingguwista at propesor na nagbigay pagpapakahulugan sa wika bilang masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura. a. Henrey Otley Beyer c. Henrey Allan Gleason b. Charles Darwin d. Paz, Hernandez, at Peneyra 11 2. Ang naniniwalang ang wika ay hindi tunay na likas sapagkat ang bawat wika raw kailangan munang pag-aralan bago matutuhan. a. Henrey Otley Beyer c. Henrey Allan Gleason b. Charles Darwin d. Paz, Hernandez, at Peneyra 3. Siya ang pangulo ng bansang sumusog sa mungkahing ibabatay ang wikang Pambansa sa isa sa mga umiiral na wika o wikain sa ating bansa. a. Ramon Magsaysay c.Manuel L. Quezon b. Carlos P. Garcia d. Jose P. Laurel 4.Ito ang sangay na itinatag sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 184 na naatasang magsagawa ng pag-aaral kung alin sa mga umiiral na wika sa wikain sa bansa ang dapat maging batayan ng ating wikang pambansa. a. Surian ng Wikang Pambansa c. Komisyon sa Wikang Filipino b. Surian ng mga wikain sa Pilipinas d. Komisyon sa Wikang Pambansa 5. Ito ang wikang nagging batayan ng wikang Pambansa dahil ito ay tumugma sa mga pamantayang binuo ng sangay na nagsuri sa iba’t ibang wika o diyalekto sa bansa. a. Tagalog b. Filipino c. Cebuano d. Pilipino 6. Ito ang pag-aaral ng mga kahulugan at relasyon ng mga salita sa pangungusap. a. Semantika b. Sintaks c. Morpolohiya d. Ponolohiya 7. Ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga Sistema ng pagsasama- sama o pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap. a. Semantika b. Sintaks c. Morpolohiya d. Ponolohiya 8. Ito ay ang makaagham na pag-aaral ng mga makahulugang tunog (ponema) a. Semantika b. Sintaks c. Morpolohiya d. Ponolohiya 9. Ang makaagham na pag-aaral ng mga pinakamaliit nay unit ng mga tunog (morpema) ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita. a. Semantika b. Sintaks c. Morpolohiya d. Ponolohiya 10. Ito ay masistemang balangkas na isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumuo ng makabuluhang yunit katulad ng tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors. a. Ponema b. morpema c. wika d. salita Gawain 2: Magagawa Natin Panuto: Gawin ito sa isang buong papel. Iugnay ang mga natutuhang konseptong pangwika sa iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan sa pamamagitan ng pagsasagawa nito. (NOTE:Isumiti. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at bilang ng modyul.) A. Sa mga binasang tala ay nabatid mo ang masalimuot at mahabang proseso ng paghahanap ng wikang magiging batayan ng ating wikang Pambansa. Nang mapili ang wikang tagalog ay maraming nagging hadlang at maraming taon ang lumipas bago ito napagtibay. Baon ang kaisipang ito, sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa ating wikang pambansang Filipino? Maglahad ng limang paraan na sadyang maggagawa mo at kaya ring gawin ng isang kabataang tulad mo. 1._______________________________________________________________________ 12 2. _______________________________________________________________________ 3. _______________________________________________________________________ 4._______________________________________________________________________ 5._________________________________________________________________ Sanggunian Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, Pheonex Publisher House Inc, Quezon City, 2016 De Guzman, Nestor C., et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Cebu City: Likha Publications, 2013 ADM Module, DepEd 13

Use Quizgecko on...
Browser
Browser