Filipino Komunikasyon at Pananaliksik Q1 M5 PDF
Document Details
Tags
Related
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas PDF
- GEE-KKF Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Modyul 5: Pakikinig at Pagsasalita PDF
- Mga Teorya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Wikang Filipino PDF
- ARALIN 2-3 Kakayahang Pangkomunikatibo PDF
Summary
This document is a learning resource for Filipino communication and research. It covers the use of language in society (Modyul 5). It is part of the Department of Education (DepEd) learning materials.
Full Transcript
11 Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Modyul 5: Gamit ng Wika sa Lipunan Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Baitang 11 Kwarter 1 – Modyul 5: Gamit ng Wika sa Lipunan Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon...
11 Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Modyul 5: Gamit ng Wika sa Lipunan Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Baitang 11 Kwarter 1 – Modyul 5: Gamit ng Wika sa Lipunan Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin Mga Bumuo ng Modyul Manunulat: Catherine N. Mirabel Editor: Zander J. Macandog Imelda G. Narvadez Mary Ann Rimpola Daryl R. Orenciada Tagasuri: Nora J. Laguda Sharon A. Vito Ana Maria B. Gojar Emma D. Gonzales Tagaguhit: Jotham D. Balonzo Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Albert H. Noga; Brian Navarro Paunang Salita Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral. Para sa Tagagabay: Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag- aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito. Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin. Para sa mag-aaral: Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa. ka habang natututo. Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin. ii Gamit ng Wika sa Lipunan Panimula: “Ang wastong paggamit ng wika ay isa sa pangunahing batayan ng tagumpay at pagiging epektibo ng mensaheng nais iparating. Ito ay hindi simpleng pagsasalita, pagsulat, o pakikipag-usap, isa itong sining.” Kaibigan, paano ka ba natutulungan ng wika sa araw-araw na pamumuhay? Iyan ang pag-uusapan natin ngayon. Kayang-kaya ba? Magaling! Pinoy ka eh! Halika! Umpisahan na natin. Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang kasanayang nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (F11PT- Ic- 86). Layunin 1 Makikita mo sa kasunod ng pahina ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito. Talasalitaan Basahin Natin. ▪ Blog Vlog Liham Pormulasyong - Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog. Karamihan sa Panlipunan mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o textual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan (photoblog), mga bidyo (video blogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog (podcasting). Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli. ▪ Liham Pangangalakal - Ang liham pangangalakal ay liham na ginagamit sa mga tanggapan at sa mundo ng kalakalan. Ito ay mahalagang isntrumento ng komunikasyon sa pagitan ng mga mangangalakal at ng kanilang mga kostumer o iba pang taong nais makipagsapalaran sa kanila. ▪ Lipunan - Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa. ▪ Pormulasyong Panlipunan - Ang pormulasyong panlipunan ay isa sa mga uri ng pananalita o pangungusap na kadalasang naglalahad ng pagbati, mga magagandang kaugalian ng mga Pilipino, o pagbibigay-galang sa mga nakatatanda. ▪ Wika - Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig. 2 Ano ba ang alam mo na sa ating aralin? Panimulang Pagsubok Panuto: Tukuyin kung anong tungkulin o gamit ng wika ang sumusunod na mga sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno. a. Instrumental e. Hueristiko b. Regulatori f. Imahinatibo c. Interaksiyonal g. Representatibo d. Personal o Impormatibo Saan po 1. Pakikipag chat sa kaibigan. nagmula ang COVID 19? 2. Pag-uutos ng magulang sa anak. 3. Pagpapahayag ng sariling opinyon sa isang pulong. Siguro mas makabubuti kung magkaroon tayo ng feeding program Noong unang panahon 4. Pagtuklas sa bagong kaalaman. 5. Pag-uulat ng lagay ng panahon. 6. Pagtukoy sa bibilhin sa mall. 7. “Noong unang panahon, panahon pa ng hapon, may isang hari.” 8. “Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno” 9. Pagsulat ng Liham Pangkaibigan 10. Pakikipanayam sa Pangulong Duterte kaugnay sa ECQ sa Metro Manila. Binabati kita. Natapos mo ang panimulang pagsubok. Alamin natin sa pahina 13 ang wastong sagot sa mga tanong. Saang antas ka nabibilang? 10 tamang sagot – NAPAKAHUSAY 9-7 tamang Sagot – MAGALING 6- 4 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA 3-0 tamang sagot – KAYA MO YAN 3 Ang galing mo! #Sana all! diba nasagutan mo ang panimulang gawain. Sa pagkakataong ito, magsisimula na tayong palawakin pa ang iyong kaalaman. Inaasahan ko ang iyong buong puso at husay na pakikilahok sa lahat ng mga gawain. Handa ka na ba? Tara! Mga Gawain sa Pagkatuto: Basahin mo. GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN INSTRUMENTAL Katangian: Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap, pagtatanong, at pag-uutos. Pasalita Pasulat Pakikitungo, Pangangalakal, Liham Pangalakal Pag-uutos REGULATORI Katangian: Komokontrol/ Gumagabay sa kilos at asal ng iba. Pasalita Pasulat Pagbibigay ng panuto/direksiyon, Resipe, direksiyon sa isang lugar, Paalala panuto sa pagsusulit at paggawa ng isang bagay, tuntunin sa batas na ipinatutupad INTERAKSIYONAL Katangian: Nagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal. Pasalita Pasulat Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan: Pangungumusta, Pag-anyayang Imbitasyon sa isang okasyon kumain, Pagpapatuloy sa bahay, (kaarawan, anibersaryo, Pagpapalitan ng biro, at marami programa sa paaralan) pang iba. 4 PERSONAL Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Pasalita Pasulat Pormal o Di- Pormal na Talakayan, Editoryal, o Pangulong- tudling, liham sa Debate, o Pagtatalo patnugot, pagsulat ng suring- basa, suring- pelikula o anumang dulang pantanghalan HEURISTIKO Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos Pasalita Pasulat Pagtatanong, Pananaliksik, Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at at Pakikipanayam Disertasyon REPRESENTATIBO / IMPORMATIBO Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag. Pasalita Pasulat Pagpapahayag ng hinuha o pahiwatig Mga anunsiyo, patalastas, at paalala sa mga simbolismo ng isang bagay o paligid IMAHINATIBO Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika. Nalilikha ng tao ang mga bagay – bagay upang maipahayag niya ang kaniyang damdamin. Pasalita Pasulat Pagbigkas ng Tula Pagsulat ng Akdang Pampanitikan Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016 Ipagpatuloy mo ang pagbasa at sagutin ang mga tanong. 5 Paano ka natutulungan ng Ang wika ay kasangkapan ng tao wika sa araw-araw na sa pakikipagkomunikasyon sa buhay? kapwa at sa lipunang kanyang ginagalawan. Sa pamamagitan ng wika at sa mga salitang may tiyak na kahulugan, naipapahayag ng tao ang kanyang mga naiisip o nararamdaman- pasulat man o pasalita. Mas organisado, mas Ano ang malawak, at mas kumplikado. kaibhan ng Sa pamamagitan nito wika ng tao? nagkakaugnayan at nagkakaisa ang mga tao. Yehey!!! Nagustuhan mo ba ang mga tinalakay? Mabuti kung ganoon. Halika sagutin na natin ang mga pagsasanay. Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman? Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral? Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa: Lubos na naunawaan Naunawaan Naguluhan Simulan mo na ang iba’t ibang gawain. Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat sa Pagsasanay kuwaderno ang titik ng tamang sagot. 1. Naipapahayag sa malikhaing paraan at naipapakita ito sa pamamagitan ng paglalarawan o pagsasalaysay. PILIIN MO! Lumilitaw sa tungkulin na ito ang pagiging masining at ma-retorika sa paggamit ng wika upang pukawin ang guni-guni ng isang tao. 6 a. Interaksiyonal c. Imahinatibo b. Instrumental d. Heuristiko 2. Halimbawa ng tungkulin o gamit ng wika na ito ay ang paggamit ng mga tayutay, idyoma, sagisag at iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan. a. Heuristiko c. Personal b. Interaksiyonal d. Imahinatibo 3. Nagpapanatili o nagpapatatag sa relasyong sosyal. a. Interaksiyonal c. Personal b. Impormatibo d. Imahinatibo 4. Tungkulin ng wika ang pagkontrol sa kilos at asal ng tao. Nagagawa nitong pasunurin ang tao batay sa diwa ng pahayag. a. Heuristiko c. Impormatibo b. Regulatori d. Instrumental 5. Ginagamit ito sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon sa kapwa, gumagamit ng mga salitang nakagawian sa pakikipagrelasyon sa kapwa. a. Imahinatibo c. Impormatibo b. Personal d. Interaksiyonal 6. Halimbawa ng gamit ng wika na ito ang pagsunod sa panuto, at mga babala. a. Imahinatibo c. Regulatori b. Impormatibo d. Heuristiko 7. Paghahanap ng impormasyon o datos. a. Interaksiyonal c. Heuristiko b. Regulatori d. Personal 8. Pagpapahayag ng opinyon sa mga isyu, tulad ng Racisim, ABS-CBN Shutdown, Curfew, Covid 19, maaari rin sa pormal o di pormal na debate. a. Personal c. Instrumental b. Imahinatibo d. Regulatori 9. Pagbibigay ng datos o impormasyon- nagbibigay ng detalye mula sa tagapagpahayag. a. Instrumental c. Regulatoril b. Imahinatibo d. Impormatibo 10. Tumutugon sa pangangailangang interaksiyonal, teknikal, o propesyonal. Halimbawa nito ay resume at sulat. a. Interaksiyonal c. Heuristiko b. Personal d. Regulatori 7 Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP? Tingnan ang sagot sa pahina 13. Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1? Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY! Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2. Kung mababa sa 5, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2. Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isang gawaing Pagsasanay di lang susukat sa talas ng iyong isip kundi maging sa iba mo pang talento tulad ngpagguhit. Panuto: Sa ¼ puting kartolina gumawa ng sariling poster na I-DRAWING MO! nagpapakita sa mga natutunan tungkol sa tungkulin o gamit ng wika sa lipunan. Gumuhit ng mga larawan o simbolong angkop sa pagpapaliwanag. Gawing simple ngunit makahulugan ang poster. Rubric sa Poster: Pamantayan Indikador Puntos Nilalaman - Naipakita at Naipaliwanag nang 21-25 maayos ang ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng poster. Kaangkupan ng - Maliwanag at angkop ang 16-20 konsepto mensahe sa paglalarawan ng konsepto. Pagkamalikhain - Orihinal ang ideya sa paggawa 11-15 (Originality) ng poster. Kabuuang Presentasyon - Malinis at Maayos ang kabuuang 6-10 presentasyon. Pagkamalikhain - Gumamit ng tamang 1-5 (Creativity) kombinasyon ng kulay upang maipahayag ang nilalaman, konsepto, at mensahe 8 Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2. Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay. Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan ang ikatlong pagsasanay. MAHALAGANG IDEYA: Sa tulong ng agham at teknolohiya, malayo na ang narating ng ating kabihasnan. Hindi naging mahirap ang pakikipagkomunikasyon sapagkat maraming maaaring gamitin gaano man kalayo ang kinaroroonan. Nariyan ang internet, fax, cellphone, telepono, liham at iba pa. Subalit, gaano man kamoderno ang sistema ng komunikasyon, hindi maipararating sa kinauukulan kung hindi tayo marunong bumuo ng liham na nagsasaad ng mga bagay na nais iparating. Isa sa tungkulin o gamit ng wika ay ang pagtugon sa mga pangangailangan, halimbawa nito ay ang pagsulat ng isang Pagsasanay liham pangalakal. Panuto: Sumulat ng liham sa puno ng barangay. SULAT KAY KAP! Kaugnay ng nararanasang pandemyang COVID 19. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat: - Sundin ang tamang pormat at bahagi ng liham. - Kailangang maging matapat, magalang, maayos ang sulat. - Maaaring humingi ng tulong, naglalahad ng suliranin, nangangailangan ng aksyon, nagpapasalamat o bumabati sa nagawang tulong ng lider. - Gawin sa short size bond paper. Ang isinulat ay tatayain sa sumusunod na pamantayan. A. Nilalaman ________________________________ (70%) - Kaugnayan sa paksa - Pagkakaugnay ng kaisipan - Makatotohanang mga halimbawa B. Teknikal ___________________________________ (30%) - Margin, bantas, tamang baybay ng mga salita atbp. - Tamang gamit/ kaangkupan ng mga salita Kabuuan __________________________________ (100%) 9 Bilib na talaga ako sa iyo! Nagawa mo nang buong husay ang lahat ng mga pagsasanay. I-shade ang emojing nagpapakita ng iyong naramdaman matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap? ☺ Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa iyong mga natutuhan sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil mas pinadali ito. Huling pagsubok na lamang ang kailangan mong gawin. I-BUOD MO! Panuto: Bilang pagtatapos, ibuod ang mga tinalakay, sa pamamagitan ng Concept Map, isulat ang mga natutuhan sa araling ito at gumawa ng sintesis pagkatapos. Gawin sa long size bond paper. Panapos na Pagsubok Mga Natutuhan sa Aralin 10 Sintesis: ____________________________________________ __________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________. Magaling! Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang iyong mga sagot sa pahina 13. Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba. nagawa lahat 1 hindi nagawa 2 hindi nagaw 3 pataas hindi nagawa 11 Ang ganda ng aralin natin. Ang dami kong natutuhan. Na-enjoy ko rin ang mga gawain at pagsasanay. Hindi rin ako nahirapan sa mga pagsasanay. Kaya parang gusto ko pa ng karagdagang gawain. Karagdagang Gawain Tara magtulungan tayo! I-BIDYO MO! Panuto: Nauuso ang paggawa ng Vlog kaya’t naisipan mo ring gumawa, dito ay nais mong ipaliwanag ang kahalagahan ng tungkulin o gamit ng wika sa lipunan. Ang Vlog ay tatakbo sa loob ng 5-10 minuto. Maaaring obserbahan ang mga eksena sa loob at labas ng tahanan bilang mga halimbawa. (Observe physical/social distancing) Tatayain ayon sa mga impormasyong naibahagi, linaw at pagkamalikhain o ganda ng Vlog. Rubric sa Pagmamarka: PAMANTAYAN BAHAGDAN Impormasyong naibahagi/Nilalaman 50% Linaw/Organisasyon 25% Ganda ng Vlog 25% (iba pang may kaugnayang pangteknikal) KABUUANG MARKA 100% MARKA Napakahusay- 91-100% Mahusay- 90-81% Mahusay-husay- 80-76% Nagsisimula- 75% pababa Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain. Ang husay mo! 12 13 Panimulang Pagsubok Pagsasanay 1 1. C 1. C 2. A/B 2. D 3. D 3. A 4. E 4. B 5. D 5. E/G 6. C 6. A 7. C 7. F 8. A 8. B 9. D 9. C 10. A 10. E Pagsasanay 2, 3 at Karagdagang Gawain - Tatayain ayon sa ibinigay na rubric/ pamantayan sa pagmamarka. Panapos na Pagsubok instrumental, heuristiko, regulatori, imahinatibo, wika Mga Natutuhan interaksyunal, personal sa Aralin M.A.K. representasyon Halliday o impormatibo Susi sa Pagwawasto MGA SANGGUNIAN: Website: “Boardroom Meeting, Business, Diversity Royalty Free Vector Clip Art Illustration” galing sa http://search.coolclips.com/m/vector/busi2619/Boardroom-meeting,- business,-diversity/ “Child Asking Question Illustrations & Vectors” galing sa https://www.dreamstime.com/illustration/child-asking-question.html “Grandmother telling story illustrations” galing sa https://www.shutterstock.com/search/grandmother+telling+story?image_type= illustration “Kahulugan ng Blog” galing sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Blog “Lipunan” galing sa Wikipedia Malayang Ensiklopedya https://tl.wikipedia.org/wiki/Lipunan “Modyul 5 Pagsulat ng Liham- Pangangalakal na Nag-aaplay sa Trabaho” galing sa https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-5-pagsulat-ng-liham- pangangalakal-na-nagaaplay-sa-t “Rubric para sa poster” galing sa https://www.scribd.com/doc/83496714/Rubric- Para-Sa-Poster “Speech ballon clip-art” galing sa https://www.google.com/search?q=speech+balloon+clipart&sxsrf=ALeKk02c0 TNLtXRMUx7ipDWlFNlLkBA7nQ:1591030248437&source=lnms&tbm=isch&s a=X&ved=2ahUKEwicq6PGieHpAhUDHXAKHZJ2Cj4Q_AUoAXoECAsQAw& biw=1366&bih=657#imgrc=7UlNAT5EHlKBXM&imgdii=WrvDLlRciI5ERM “Wika” galing sa Wikipedia Malayang Ensiklopedya https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika. karlnadunza Ambitious. “pormulasyong panlipunan” galing sa https://brainly.ph/question/409736 Ortiz, Allan A. “Liham Pangangalakal” Oct 22, 2014, galing sa https://www.slideshare.net/allanortiz/liham-pangangalakal-40575494 Aklat: Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016 Reyes, Alvin Ringgo C. Komunikayon at Pananaliksik sa WIKA AT KULTURANG PILIPNO. Makati City, Philippines: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016. 14 Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 1781288 Email Address: [email protected]