FILI 101- YUNIT II Batangas State University PDF
Document Details
Uploaded by LeadingDidgeridoo
Batangas State University
Tags
Related
- Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Module 1 PDF
- NCR_FINAL_FILIPINO11_Q2_M4 (1) PDF - Filipino Grade 11 Quarter 2 Module
Summary
This document is lecture notes for a Filipino course at Batangas State University. It covers communication and research topics, including different communication methods and research designs.
Full Transcript
YUNIT II ANG PANANALIKSIK AT KOMUNIKASYON SA ATING BUHAY ANO ANG KOMUNIKASYON? Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng ka ra n i wa n g s i ste m a n g m ga simbolo. Ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasa...
YUNIT II ANG PANANALIKSIK AT KOMUNIKASYON SA ATING BUHAY ANO ANG KOMUNIKASYON? Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng ka ra n i wa n g s i ste m a n g m ga simbolo. Ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. (Webster) Ang pangunahing salik ng kaalaman na ibinabahagi rin natin sa kapwa ay ang mga impormasyong nasasagap natin mula sa tao at ating kapaligiran, at sa midya. “Ang kaalaman ay makapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan”. Sa kasalukuyang panahon kung kailan laganap ang kultura ng pang madlang midya at virtual na komunikasyon, mas madali nang magpakalat ng tinatawag na disinformation, na mas kilalang fake news. Dapat isaalang-alang ang pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon, ang: Konsteksto ng impormasyon Konteksto ng pinagkunan ng impormasyon Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw Sa Paksa, Mga Layon, At Sitwasyong Pang Komunikasyon ØUNA: Kailangang malinaw ang tukoy na paksa at layon ng pananaliksik. ØPANGALAWA: Dapat na malinaw sa mananaliksik ang pakay niya sa paglahok sa sitwasyong pang komunikasyon kung saan ibabahagi ang bubuuing kaalaman. ØPANGATLO: Kailangang ikonsidera ng mga mananaliksik ang uri at kalakaran ng sitwasyong pangkomunikasyon. Mga mungkahi nina Santiago at Enriquez (1982) UNA: Iugnay PANGALAWA: PANGATLO: sa interes at Gumamit ng mga Humango ng buhay ng mga mga kalahok pamamaraan ng konsepto at ang pagpili pagsisiyasat na paliwanag sa ng tukoy na nakagawian ng mga kalahok. paksa. mga Pilipino. Mulaan ng Impormasyon: Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t saring Batis 1.Primaryang Batis 2. Sekundayang Batis 3. Kapuwa Taong Batis Kapuwa-tao Bilang BatisKapuwa-tao Bilang BatisKapuwa-tao Bilang Batis PRIMARYANG BATIS- Mula sa mga materyal na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang elektroniko. SEKUNDARYANG BATIS - Ito ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa mga indibidwal, grupo o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa o penomeno. KAPUWA TAONG BATIS - Ito ay pakikipag-ugnayan sa tao o sa kapuwa upang makakuha ng impormasyon. Ilan sa mga kalakasan ng harapang ugnayan sa Kapuwa Taong Batis 1.Maaaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid. 2.Makapagbigay ng angkop na tanong (follow- up question). 3.Malinaw niya agad ang sagot. 4.Maoobserbahan ang kanyang berbal at di berbal na ekspresyon. Bentahe sa Mediadong Ugnayan 1.Pagkakataong makausap ang mga tagapagbatid na nasa malayong lugar sa anumang oras at pagkakataon kung kailan nila maisisingit ang pagresponde. 2.Ang makatipid sa pamasahe at panahon. 3.Ang mas madaling pag-oorganisa ng datos lalo na kung may elektronikong sistema na ginagamit ang mananaliksik sa pagkalap ng datos. Disenyo ng Pananaliksik KWANTITATIBO KWALITATIBO Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa 1. Eksperimento - Isang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng independent variable, na nagsisilbing interbensyon sa dependent variable, na tinatalaban ng interbensyon. 2. Survey - Ginagamit sa deskriptibo at kuwantitatibong pag-aaral ng malaking populasyon upang sukatin ang kaalaman, persepsiyon, disposisyon, nararamdaman, kilos, gawain at katangian ng mga tao. 3. Interbyu - Isang interaksiyon sa pagitang ng mananaliksik bilang tagapag tanong at tagapakinig, at tagapagbatid na siyang tagabahagi ng impormasyon. Strukturadong Interbyu Semi-istrukturadong Interbyu Di-Istrukturadong Interbyu 4.Focus Group Discussion (FGD) - Isang semi-strukturadong talakayan na binubuo ng tagapagpadaloy na kadalasang mananaliksik, at anim at hanggang sampung kalahok. 5. Pagtatanong-tanong 6. Pakikipagkuwentuhan 7.Pagdalaw-dalaw 8.Pakikipanuluyan 9.Pagbabahay-bahay 10. Pagmamasid Mga Instrumentong Karaniwang Ginagamit sa Pagkalap ng Datos mula sa Kapuwa-Tao Talatanungan at Gabay na Katanungan Pagsusulit o Eksaminasyon Talaan sa Fieldwork Rekorder Pagsusuri ng Datos Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman 1. Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon 2. Pagbubuod ng Impormasyon 3. Pagbuo ng Kaalaman