Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino (Modyul 8) PDF

Summary

This is a module on Filipino communication and research skills geared towards senior high school students. It covers how language is used in different situations and includes activities and examples.

Full Transcript

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Unang Markahan – Modyul 8: Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino...

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Unang Markahan – Modyul 8: Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 8: Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan Unang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Charles D. Lota Editor: Jonathan F. Bernabe Tagasuri: Perlita E. Dela Cruz, Elisa N. Lajera , Melanie H. Grita, Kristine Rae C. de Ramos, Julie Anne V. Vertudes Tagaguhit: Romdel F. Partoza Tagalapat: Leonila L. Custodio, Eris R. dela Cruz Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral Job S. Zape, Jr. Eugenio S. Adrao Elaine T. Balaogan Fe M. Ong-ongowan Rommel C. Bautista Galileo L. Go Randy D. Punzalan Elpidia B. Bergado Noel S. Ortega Maribeth C. Rieta Leonila L. Custodio Julie Anne V. Vertudes Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: [email protected] Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Unang Markahan – Modyul 8: Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutulong upang matutuhan ang iba’t ibang sitwasyon ng gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pananaliksik. Ang sakop ng modyul ay magamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito. Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan F11EP – Ie – 31 Layunin: Nasusuri ang gamit ng wika (ayon kay M.A.K. Halliday) sa nabasang mga halimbawa Nakagagawa ng isang pananaliksik na nagpapakita ng ilang halimbawa ng sitwasyon sa lipunan gamit ang wika Nailalahad ang epektibong gamit ng wika sa lipunan sa iba’t ibang sitwasyon 1 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 Subukin Basahin at unawain ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik ng gamit ng wika sa lipunan ang ginamit. Isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Pagtuturo ng magulang sa kanyang anak ng mga hakbang sa pagluluto ng ulam na adobo. A. interaksyonal C. regulatoryo B. instrumental D. personal 2. Pagsusuri sa isang pelikulang napanood. Pagbibigay ng kritisismo. A. representatibo C. heuristiko B. regulatoryo D. personal 3. Pagpapadala ng imbitasyon bilang paanyaya sa kasal ng kaibigan. A. representatibo C. heuristiko B. interaksyonal D. personal 4. Paggawa ng patalastas ng mga kandidato para sa gaganaping eleksyon. A. representatibo C. regulatoryo B. instrumental D. heuristiko 5. Pangangalap ng impormasyon gamit ang sarbey. A. interaksyonal C. heuristiko B. regulatoryo D. personal 6. Pagbibigay ng opinyon sa napanood na balita. A. interaksyonal C. personal B. heuristiko D. regulatoryo 7. Pagkuha ng bilang ng populasyon sa isang barangay. A. regulatoryo C. heuristiko B. personal D. representatibo 8. Sumusunod sa patakaran ng paaralan. A. Personal C. interaksyonal B. heuristiko D. regulatoryo 9. Pagsulat ng talambuhay. A. instrumental C. interaksyonal B. representatibo D. heuristiko 10. Pagtatanong sa guro kung ano ang gagawing proyekto. A. personal C. regulatoryo B. heuristiko D. instrumental 2 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 11. Nagbigay ng liham ang lolo mo para sa gaganaping “Grand Reunion” ng pamilya niyo A. representatibo C. heuristiko B. interaksyonal D. personal 12. Pagtatanong sa isang direksyon patungo sa destinasyong pupuntahan. A. interaksyonal C. heuristiko B. regulatoryo D. personal 13. Pagpapatayo ng lathalaan para sa pag-endorso ng isang gamit sa bahay. A. representatibo C. regulatoryo B. instrumental D. heuristiko 14. Pagsunod sa hakbang ng manwal sa paggamit ng biniling kasangkapan sa bahay. A. interaksyonal C. regulatoryo B. instrumental D. personal 15. Pagsusuri ng isang palabas sa telebisyon. A. representatibo C. heuristiko B. regulatoryo D. personal 3 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 Aralin Paraan ng Paggamit ng Wika 1 sa Lipunan Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang madaling matukoy kung paano nagkakaroon ng pagkakaiba ang mga sitwasyon sa kapaligiran. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod na gawain. Balikan Sagutin ang sumusunod na katanungan: 1. Ano-ano ang cohesive devices? Magbigay kahit tatlo. A. __________ B. __________ C. __________ 2. Mula sa mga ibinigay na halimbawa, gamitin ito sa pangungusap. a. _____________________________________________________ b. _____________________________________________________ c. _____________________________________________________ Mga Tal a para sa Guro Basahing mabuti ang panuto sa bawat bahagi ng modyul. Tiyaking nakasusunod sa bawat gawain upang matamo ang layunin nito. Maging matapat sa pagsagot. 4 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 Tuklasin Basahin at unawain ang sitwasyong nasa ibaba. Tugunan ito ng hinihinging impormasyon batay sa sitwasyon. 1. May dumating na bisita sa inyong bahay. Kilala mo ito dahil alam mong katrabaho ito ng iyong magulang. Ano ang sasabihin mo sa kanya? Paano mo ito kakausapin? Isulat ito sa paraan ng paggamit ng wika sa lipunan. 2. Nasa palengke ka nang biglang bumuhos ang ulan kaya binuksan mo ang iyong payong. Sa di-kalayuan ay nakita mong may isang matandang naglalakad at basa na dahil sa ulan. Ano ang iyong gagawin? Ano ang sasabihin mo sa kanya? Tanong: Mula sa sitwasyong nasa itaas, masasabi mo bang maaaring gamitin ang wika sa iba’t ibang sitwasyon upang makipagkomunikasyon? Paano? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ Mas epektibo ba ang paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita? Ipaliwanag. 5 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 Suriin Iba’t Ibang Sitwasyon ng Gamit ng Wika sa Lipunan Kasabay ng paglipas ng panahon, natututo rin tayo sa iba’t ibang uri ng wika na angkop lamang gamitin sa natatanging sitwasyon. Ang mga wikang ito ay may sapat na kakayahan, tungkulin at kasanayan na kailangang pagtuonan ng pansin upang masanay ang sarili sa tamang paggamit nito upang magkaroon ng isang epektibong komunikasyon. May mga pagkakataong kinakailangan ang gabay na tungkulin sa wika sa isang sitwasyon, at may pagkakataon din na kailangang gamitin ang dalawa o higit pang tungkuling pangwika sa iisang sitwasyon. Ayon kay Halliday noong 1973 sa kanyang “Explorations in the Functions of Language”, mayroong kategorya na ginagampanan ang wika sa ating buhay. Ito ay pasulat at pasalitang paggamit ng wika. Halimbawa: Pasulat: Pagpapadala ng liham sa guro dahil sa hindi pagpasok sa klase sapagkat mayroong sakit. Bahagi ng kulturang Pilipino ang pagpapabatid sa guro ng kanyang kalagayan sa pamamagitan ng liham. Ang liham na ito ang makatutulong sa mag- aaral upang makahabol sa mga gawaing hindi nagawa habang siya ay nakaliban sa klase. Pasalita: Pag-uusap ng guro at mag-aral sa panahong nagpapasa ng mga sagot sa modyul. Karaniwang ang mga salitang ginagamit ay may paggalang habang nakikipag-usap. Makikita sa ibaba ang ilan pa sa mga halimbawa ng sitwasyon o gawaing pasalita at pasulat kaugnay ng gamit ng wika ni Halliday: Gamit ng Wika Pasalita Pasulat ayon kay M.A.K. Halliday 1. Instrumental Pag-uutos, pakikitungo Liham-pangangalakal (tumutugon sa pangangailangan) 2. Regulatori Pagsasabi ng mga paalala Pagbibigay ng panuto sa (kumokontrol o tungkol sa mga health pagsusulit, resipi gumagabay sa protocol kilos o asal ng 6 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 ibang tao) 3. Interaksyunal Pag-aayayang Pagbuo ng imbitasyon o (nagpapatatag at kumain,pagpatuloy sa programa nagpapanatili ng bahay, pagpapalitan ng relasyong sosyal sa biro kapwa tao). 4. Personal Pormal/di-pormal na Pagbuo ng editoryal at (pagpapahayag ng talakayan, debate pagsulat ng Suring- Basa sariling damdamin o opinyon) 5. Heuristiko Pagsasagawa ng sarbey Pagsulat ng pamanahong (paghanap o tungkol sa pandemya papel, tesis paghingi ng impormasyon) 6. Representatibo/ Pagbibigay ng pahayagan, mga anunsyo Impormatibo impormasyon, pag-uulat at patalastas (pagsagot sa mga tanong,pagpapahay ag ng mga hinuha o pahiwatig) 7. Imahinasyon Pagbigkas ng tula, Pagsulat ng sariling tula (pagpapahayag ng pagganap sa teatro imahinasyon sa malikhaing paraan) Ilan lamang ito sa iba’t ibang sitwasyong pangwika sa lipunan na maituturing nating bahagi ng kultura. Malaki ang impluwensya ng kultura sa pag-unlad ng wika. Bahagi ng ating kultura ang pandarayuhan dala-dala ang kanilang sariling wika. Mula sa mga wikang ito na pinag-aralang bigkasin at gamitin, nakalilikha ng bagong salita na nagiging bahagi ng bokabularyo ng isang pamayanan o lipunan. 7 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 Pagyamanin Gawain 1.1: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at suriin ang gamit ng wika. Isulat sa sagutang papel. 1. Pagpapasalamat sa taong gumawa ng mabuti sa iyo. 2. Pagpapadala ng liham sa guro upang lumiban sa klase. 3. Pagdalo sa piging ng nakapagtapos at pagbati dito. 4. Pag-uulat tungkol sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa 5. Pagsasagawa ng sarbey para sa nalalapit na eleksyon. Gawain 1.2: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali. Isulat sa sagutang papel. 1. Ang sitwasyon ng gamit ng wika sa Pilipinas ay hindi na umiiral ngayon. 2. Ang heuristiko ay paraan ng pangangalap ng datos. 3. Ang sitwasyon ng wika sa lipunan ay maaaring pasulat at pasalita. 4. Kapag sinasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin, ito ay kabilang sa regulatori. 5. Kapag nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan, ito ay instrumental na gamit ng wika. Gawain 1.3: Tukuyin kung ang sumusunod na sitwasyon sa lipunan ay mas mainam na pasulat o pasalita. Isulat sa sagutang papel. 1. Pagtatanong 2. Pagpapaliwanag sa kausap 3. Paghingi ng paumanhin sa text message 4. Pagbuo ng resipi ng isang ulam 5. Pamimili sa palengke 8 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 Isaisip Magsagawa ng panayam sa 10 tao kung alin sa mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan ang mas mainam gawing pasulat o pasalita. Maari silang magbigay ng karagdagang impormasyon kung kinakailangan. Ilahad ang kinalabasan ng panayam. Sitwasyon Pasulat Pasalita 1. Pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng dalawang magkaibang panig. 2. Paghingi ng direksyon ng isang lugar na hindi pamilyar sa iyo. 3. Pagtuturo sa bata ng iba’t ibang lenggwahe mula sa ibang lugar. 4. Pagbibigay ng anunsyo tungkol sa mga nais gawin sa mga darating na araw. 5. Pagbibigay ng mensahe para sa kaibigang nasa malayong lugar. Pamantayan: Siksik at mayaman sa impormasyon mula sa mga ininterbyu--------5 pts. Naihanay nang maayos at lohikal ang impormasyon-------------------5 pts. Mahusay ang pagpili ng salita at walang pagkakamaling tipograpikal at gramatikal----------------------------------------- 5 pts. 9 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 Isagawa Gumawa ng isang sarbey tungkol sa mga sitwasyong nagpapakita ng gamit ng wika sa sumusunod na lugar. Magtala ng limang pinaka nangungunang sitwasyon at pahayag. 1. ________________ 2. ________________ 3. ________________ 4. ________________ 5. ________________ PALENGKE 1. ________________ 2. ________________ 3. ________________ 4. ________________ 5. ________________ PASYALAN 10 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 1. ________________ 2. ________________ 3. ________________ 4. ________________ 5. ________________ MALL 1. ________________ 2. ________________ 3. ________________ 4. ________________ 5. ________________ PALARUAN 11 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 Tayahin Basahin at unawain ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik ng may angkop na gamit ng wika sa lipunan. Isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Pagtatanong sa guro ng gawaing ibinigay sa klase. A. representatibo C. heuristiko B. interaksyonal D. personal 2. Paglalagay ng liham sa lamesa bilang paalala. A. Interaksyonal C. heuristiko B. Regulatoryo D. personal 3. Pangangalap ng sarbey tungkol sa mga tatakbong pulitiko sa darating na eleksyon. A. representatibo C. regulatoryo B. instrumental D. heuristiko 4. Pagbibigay ng opinyon tungkol sa isyung panlipunan. A. interaksyonal C. regulatoryo B. instrumental D. heuristiko 5. Pagsusuri ng isang akdang pampanitikan. A. representatibo C. heuristiko B. regulatoryo D. personal 6. Pagtuturo ng tatay sa kanyang anak kung paano gumawa at magpalipad ng saranggola. A. interaksyonal C. regulatoryo B. instrumental D. personal 7. Pagpapaliwanag sa magulang dahil hindi naging malinaw ang mensaheng natanggap mula sa kaibigan. A. representatibo C. heuristiko B. regulatoryo D. personal 8. Pagpapadala ng sertipikong medikal dahil hindi nakapasok sa trabaho dulot ng pagkakasakit. A. representatibo C. heuristiko B. interaksyonal D. personal 9. Paggawa ng patalastas tungkol sa hakbang para makaiwas sa COVID-19. A. representatibo C. regulatoryo B. instrumental D. heuristiko 10. Pangangalap ng impormasyon mula sa pakikipanayam. A. interaksyonal C. heuristiko B. regulatoryo D. personal 12 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 11. Pagbibigay ng opinyon sa napanood na serye sa telebisyon. A. interaksyonal C. personal B. heuristiko D. regulatoryo 12. Pagkuha ng bilang ng mga dumalo sa patimpalak. A. regulatoryo C. heuristiko B. personal D. representatibo 13. Pagsunod sa mga patakarang pangkalsada. A. personal C. interaksyonal B. heuristiko D. regulatoryo 14. Pagsulat ng talambuhay ng taong namayapa. A. instrumental C. interaksyonal B. representatibo D. heuristiko 15. Pagtatanong sa kinauukulan kung paano ang proseso ng pagbabakuna. A. personal C. regulatoryo B. heuristiko D. instrumental Karagdagang Gawain Magtala ng tatlong pasulat at dalawang pasalitang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa inyong tahanan. Pasulat: __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Pasalita: __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 13 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 Susi sa Pagwawasto Pasalita 5. B 15. Pasulat 4. D 15. Pasulat 3. B 14. Pasalita 2. C 14. D 13. Pasalita 1. A 13. C 12. 1.3 Gawain C 12. C 11. M 5. B 11. C 10. T 4. B 10. T 3. A 9. T 2. A 9. B 8. M 1. D 8. A 7. 1.2 Gawain C 7. C 6. Heuritiko 5. C 6. D 5. Impormatibo C 5. Referential/ 4. D 4. Interaksyonal 3. A 4. D 3. Instrumental 2. B 3. A 2. personal 1. D 2. C 1. Gawain 1.1 C 1. Tayahin Pagyamanin Subukin Sanggunian Alcaraz, C., Austria, R. et al 2016. Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School. Quezon City: Educational Resources Corporation. Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Vibal Group, Inc. Halliday, M.A.K 1973. Explorations in the Functions of Language. England: Elsevier North-Holland 14 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser