Handout #2 PDF: Mga Akdang Panitikan (Tagalog)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This handout provides an overview of different types of Filipino literature, including prose and poetry. It covers various forms like short stories, novels, plays, and poems.
Full Transcript
# PANITIKAN - Ang salitang ito ay tinatawag ding literatura (literature). Ito ay nagmula sa salitang Latin na “litera” na nangangahulugang “titik”. - Ang salitang Tagalog naman na “panitikan” ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay nanggaling sa salitang ugat na “TITIK”, na dinagdagan ng panlaping “...
# PANITIKAN - Ang salitang ito ay tinatawag ding literatura (literature). Ito ay nagmula sa salitang Latin na “litera” na nangangahulugang “titik”. - Ang salitang Tagalog naman na “panitikan” ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay nanggaling sa salitang ugat na “TITIK”, na dinagdagan ng panlaping “pang- at -an”. Samakatuwid, ito ay pinaikling salita na PANG+TITIK+AN. ## PANITIKAN - Sa pagtagal ng panahon, ang konseptong ito ay nabago. Kung noon ay ang mga nasusulat lamang na gawa ng tao ang maituturing na literatura, ngayon, kabilang na din dito ang nabibigkas na mga akda (oral literature). # MGA AKDANG PROSA O TULUYAN 1. **Maikling kwento** - Isang maikling akda na naglalaman ng kakaunting tauhan kompara sa nobela. Ito ay may iisa lamang na banghay. Ang pagbasa nito ay kayang tapusin sa isang upuan lamang. 2. **Nobela** - Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang pagbabasa nito ay inaabot ng ilang basahan para matapos ang buong istorya. Ito ay naglalaman ng madaming tauhan at maaring maganap ang mga pangyayari sa iba't-ibang tagpuan. Ang nobela ay maaring maging piksyon o di-piksyon. 3. **Dula** - Ito ay akdang itinatanghal sa tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto naman ay nahahati sa ilang tagpo. Tinatawag na mandudula o dramaturgo ang mga dalubhasa na sumusulat ng iskrip ng isang dula. 4. **Alamat** - Ito ay kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay. 5. **Pabula** - Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop ang gumaganap bilang tauhan. Ito ay nagbibigay ng magandang aral lalo na sa mga bata. 6. **Anekdota** - Ito ay isang maikling akda na naglalaman ng nakawiwiling pangyayari sa buhay ng tao. Ang layunin nito ay magbigay ng aral sa mga mambabasa batay sa karanasan ng tauhan sa kwento. 7. **Balita** - Ito ay tala ng mga kaganapan na nagaganap sa lipunan at kapaligiran. 8. **Talambuhay (Biography)** - Ito ay isang sulatin na tumatalakay sa buhay ng isang tao. 9. **Sanaysay** - Ito ay isang maikling sulatin na nagpapahayag ng opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa. 10. **Mito** - Ito ay kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mahiwagang linikha. 11. **Parabula** - Ito ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. 12. **Talumpati** - Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. # MGA AKDANG PROSA O TULUYAN ## 2. PATULA - Ito ay uri ng panitikan na may masining na pagpapahayag. Sa paggawa ng akdang nasa anyong patula, dapat may isinasaalang-alang na sukat, bilang ng bigkas at mga taludtod, at may malikhaing paraan ng paghahatid ng mga mensahe sa mambabasa. ## Mga AKDANG PATULA 1. **Tulang pasalaysay** - nagpapahayag ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay maaring makatotohanan o kathang-isip lamang. - **Epiko** - Ang epiko ay istorya tungkol sa kabayanihan. Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at mga diyos. - **Balad** - Sa lahat ng tulang pasalaysay, ito ang pinakasimple at pinakamaikli. Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit. 2. **Tulang Liriko** - Ito ay uri ng tula na ginawa upang awitin. Sa kabila nito, itinuturing na ding tulang liriko ang isang tula kapag ito ay nagpapahayag ng nararamdaman at nagpapakita ng emosyon ng isang makata. - **Awiting bayan** - Ito ay maikling tula na ginawa upang awitin. Ang tema nito ay karaniwang umiikot sa pagmamahal, desperasyon, kalungkutan, kasiyahan at pag-asa. - **Soneto** - Ito ay tula na binubuo ng labing-apat na taludtod. - **Elehiya** - tulang inaaalay sa isang yumaong mahal sa buhay. - **Oda (Ode)** - Tulang nagpaparangal sa dakilang gawain ng isang tao. - **Dalit** - Isang kanta na nagpapakita ng pagpupuri sa Panginoon. - **Awit at Korido** - Ang awit at korido ay akdang pampanitikan na nasa anyong patula. Ito ay binabasa nang paawit. 3. **Tulang Pandulaan** - Ito ay uri ng tula na ginawa upang itanghal. - **Komedya** - Isang dula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig. - **Melodrama** - Ito ay isang dulang labis na nakakaapekto sa emosyon ng manonood. Ito ay isang pamamaraan upang mas maging kaakit-akit ang mga karakter. Karaniwan din nitong inilalarawan ang mabuti at masamang aspeto ng mga karakter. - **Trahedya** - Ang trahedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula. Ang tema ng isang trahedya ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya, pagbagsak ng tao, pagtataksil, at pagkamatay. - **Parsa o Saynete (Farce)** - Ang parsa ay isang kategorya ng komedya na gumagamit ng mga nakakatawang sitwasyon na ang layon lamang ay makapag-patawa ng madla. “Ang panitikan ay hindi sarili ng iilang tao lamang; yaoy pag-aari ng sino mang may tapat na pagnanasang maghain ng kanyang puso, diwa’t kaluluwa alang-alang sa ikaluluwalhati ng sangkatauhang kinabibilangan niya.”