Document Details

InexpensiveBugle

Uploaded by InexpensiveBugle

Tags

Tagalog literature Filipino literature creative writing literary analysis

Summary

This document discusses the different aspects of Filipino literature, including the characteristics and elements of poems and essays. It covers topics such as poetic devices, literary analysis, and different types of literature. It also describes the importance of the different elements of literature.

Full Transcript

FINALS Kabanata 8 PAGPAPAHALAGA SA MGA AKDANG PAMPANITIKAN Ø Bisang Pampanitikan Ang alinmang akdang pampanitikan ay nagtataglay ng apat na bisa. Ang mga ito ay bisa sa damdamin, bisa sa isip, bisa sa asal, at bisang panlipunan. A. Bisa sa Damdamin >I...

FINALS Kabanata 8 PAGPAPAHALAGA SA MGA AKDANG PAMPANITIKAN Ø Bisang Pampanitikan Ang alinmang akdang pampanitikan ay nagtataglay ng apat na bisa. Ang mga ito ay bisa sa damdamin, bisa sa isip, bisa sa asal, at bisang panlipunan. A. Bisa sa Damdamin >Ito ang siyang pinakamahalagang katangiang maaaring taglayin ng panitikan. It ang kumakatok sa damdamin ng mambabasa. Magagawa ito sa pamamagitan pagpukaw sa ating mga pandamdam (senses), paggising sa mga gunita,iniingatan ng ating alaala o tahasang pagpapahiwatig sa damdaming gigisingin. B. Bisa sa Isip o Kaisipan Ito'y katangian ng akda na nagbubunsod sa bumabasa na mag-isip nang may nilalayon upang yumaman at umunlad ang isipan. Kalinawan at pagkamakatwiran ay nakatutulong ng malaki para madaling makilala ang isang bisang pangkaisipan. Ipinahahayag dito ang larawang-diwa. Ito'y di dapat nangingibabaw sa bisa ng damdamin sa halip ang dalawa'y magkatimbang C. Bisa sa Asal/ Kaasalan Ito'y katangian ng akda na may kaugnayan sa tamang paghubog sa katauhan, sa pagkilala sa mabubuting katangian ng tao. Subalit hindi ito dapat mangaral nang tuwiran o tahas. Dapat gawin ito nang padaplis lamang. Ang bisang ito'y nagtatalaga sa paghubog ng katauhan ng bawat tao. Dapat isaisip na ang pangaral ay nagsisilbing gabay ng mambabasa at dapat ito'y nangingibabaw sa bisa ng isip at damdamin. D. Bisang Panlipunan >Ito ay katangian ng akda na may kaugnayan sa tamang paghubog sa katauhan ng mga tao sa lipunan kung ang lahat ay makababasa at makauunawa sa nais ipahiwatig na layunin ng akda. ANG TULANG FILIPINO >Ang tula ay ang pinakamasidhi, pinakamatipid at pinakamasining na pagpapahayag ng may kalakip na damdamin. Masusumpungan sa tula ang tungkol sa damdamin, tungkol sa guniguni't kaisipan, at tungkol sa pananalita (Cornell). Ang tula ay ang pinakamabuting salita sa kanilang pinakamabuting kaayusan (Samuel T. Coleridge). Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang lanang kariktang makikita sa silong ng alin mang langit (Iñigo Ed Regalado). Mga Bahagi ng Tula A. Tema “Ano ang maibibigay nito sa iyo?. Ano ang maibibigay nito sa mambabasa. May matutunan din kaya sila? Dapat masagot lahat ang mga ito bago mo simulang magsulat. Huwag lalayo sa tema. Kailangang paninindigan ito. B. Pamagat Bago simulan ang tula, isipin mo na ang pamagat. Kung lalayuan mo, baka iba na ang ulo at katawan. Maaring kumuha sa unang linya ng tula o kumuha na lang ng saknong sa ipapamagat. Puwede ring tapusin muna ang tula bago lagyan ng angkop na pamagat. C. Estilo Ito ay uri o anyo ng tula, kung paano ba ito naisulat. Kung ilang linya ba ang isang saknong, kung ilan ang salita ng isang linya atbp. Paggamit ng maliit na letra sa umpisa bawat salita, o kapital lahat ng umpisa depende sa gusto ng makata D. Simula Kailangang sa umpisa pa lang ay madakip mo na ang interes ng iyong mambabasa. Isipin mo sila, huwag ang iyong sarili sapagkat maaaring maganda na sa iyo pero para sa iba ay kabaligtaran. E. Simbolo Mahalaga ang simbolo sa isang tula.Nakikita ang ganda ng tula sa mga simbolo. Halimbawa ang bulaklak-- Hindi sa bulaklak ng isang halaman kundi sa isang dalaga napapatungkol. F. Katawan Nasa katawan ng tula ang ibig mong ipakita, ipahiwatig, ipadama, ipaamoy. ipalasa at iba pa. Dito nakikita ang problema at kung paano ito malulutas. G. Wakas Kung gaano kahirap simulan ang isang tula, parang ganoon din kahirap wakasan ang tula. Hindi basta na lang wakasan ang tula. Kailangang masagot lahat ang mga problema. Mga Uri ng Tula Ayon sa Kayarian A. May Sukat-May Tugmang Taludturan > Ito ay binubuo ng mga taludtod na may sukat at tugma, Ito ay itinuturing na tradisyonal o kombensiyonal na anyo ng tula B. Malayang Taludturan (free verse) Ito ay mga tulang walang sukat at walang tugma. Ito ay itinuturing na makabagong kayarian at pinakapopular na anyo ng tula Mga Sangkap ng Tula A. Tugma > Ito ay ang pagkakasintunog ng mga tunog sa dulo ng bawat taludtod ng saknong. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig at indayog B. Sukat Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Mga Uri ng Sukat 1. wawaluhin Kung walo (8) ang bilang ng pantig sa bawat taludtod 2. lalabindalawahin 3. lalabing-animin 4. lalabingwaluhin C. Sining/Kariktan Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga maririkit na salita ng tula upang maakit ang mambabasa at mapukaw ang kanilang damdamin at kawilihan. Mahusay ang tula kapag may naibibigay sa impresyong mahirap mabura sa puso at isipan ng bumabasa. D. Talinghaga Ito'y sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula o sadyang paglayo sa ordinaryong paggamit ng salita. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, Kailangan aniyang may natatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o matalinghagang pahayag. ANG SANAYSAY NA FILIPINO Ang Sanaysay Ang sanaysay ay "essay" sa Ingles na ang pinaghanguang salita ay "exaguim” at ang ibig sabihin nito sa wikang Latin ay isang pagtitimban-timbang" Ang salitang sanaysay ay mula sa pariralang "salaysay ng sanay" na nilikha noong 1938 ni Alejandro G. Abadilla (AGA) isang makata sa larangan ng Panitikang Filipino, Mga Uri ng Sanaysay A. Pormal o Maanyong Sanaysay Ito ay maingat, maayos at mabisang pagtatalakay at pagpapalawak ng kaalaman sa paksa. Ito'y nangangailangan ng balangkas upang lalong maging makatwiran ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye. B. Di-Pormal o Malayang Sanaysay Ito'y malaya, masaya at personal na parang nakikipag-usap lamang ang pagtalakay sa paksa ng ganitong uri ng sanaysay. Palagayan o pamilyar ang tawag sa isang uri nito na kung saan walang katiyakan ang tinutungo nito maging ang pamamaraan at ang himig ay parang nakikipag-usap lamang Mga Bahagi ng Sanaysay A. Simula o Introduksiyon Itoy nararapat pag-ukulan ng pansin sapagkat dito masusubok kung babasa o magpapatuloy ng pagbasa sa katha. Kailangan ito'y kaakit-akit upang mapukaw ang kapanabikan at kawilihan ng mambabasa B. Gitna o Katawan Ito ang pinakakatawan at nilalaman ng katha sapagkat dito nakapaloob ang lahat ng kaisipan at damdaming ibig ipahayag at iparating ng may-akda. Nagbigay sina Aguilar at Cruz (2000) ng mga mungkahing paraan sa pagbuo ng pinakakatawan: C. Wakas >Ito ang pinakakongklusyon ng katha. Hindi dapat ipagwalang-bahala ang bahaging ito sapagkat dito nakapaloob ang lahat ng kaisipan at damdaming ibig ipahayag at iparating. ANG MAIKLING KUWENTONG FILIPINO Ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang batay sa mg pangyayaring nagaganap sa pang-araw-araw na buhay ito ay binubuo ng maingat na pagkakayari ng banghay, pagtutunggali ng mga tauhan, mabisang kasukdulan at iwan ng kakintalan o impresyon sa isipan ng mga mambabasa Si Edgar Allan Poe ang tinaguriang "Ama ng Maikling Kuwento sa panitikan sa buong mundo. Si Deogracias A. Rosario naman ang kinikilalang "Ama ng Maikling Kuwento sa ating bansa. Mga Sangkap ng Maikling Kuwento a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. tono e. pahiwatig f. diyalogo g. simbolismo h. tema i. damdamin j. tunggalian k. pananaw/ punto de vista A. TAUHAN Sila ang mga taong gumaganap ng mahahalagang papel sa kuwento. Sila ang mga taong kasangkot sa paglutas ng problema. Mga Uri ng Tauhan 1. Tauhang Lapad (flat character) Ito'y uri ng tauhan na hindi nagbabago ang katauhan sa loob ng kuwento Ibig sabihin mula umpisa ng kuwento hanggang wakas, ang kanyang pagkatao ay ganoon pa rin. 2. Bilugang Tauhan (round character) Ito'y kabaligtaran ng tauhang lapad. Nagbabago ang katauhan ng isang tauhang bilog sa loob ng kwento. B. TAGPUAN Ito ay ang lugar at panahon na pinangyarihan ng kuwento. Ito ay nagbibigay ng ibayong atmospera sa kuwento upang magdulot ng matinding damdamin sa bumabasa. C. BANGHAY Ito ay tumutukoy sa mga magkakaugnay na pangyayaring lumilikha ng isang tunggalian, pisikal o sikolohikal, na ang pangunahing layunin ay lumikha ng isang kaisahang kintal o bisa D. TONO Ito ang damdaming namamayani sa buong kuwento. E. PAHIWATIG Ito ay tumutukoy sa hindi literal na sabihin at pinabayaang mabanggit sa kuwento ngunit nauunawaan ng mambabasa F. DIYALOGO Ito ang bumubuhay sa kuwento, nagbibigay rito ng diwa, nagpapasulong sa pangyayari at nagpapatindi ng damdamin. Anumang uri ng salitang buhat sa bibig ng isang tauhan, maging siya'y isang tao o isang binigyang katauhang bagay o hayop, ay maituturing na diyalogo o panalitang pangkuwento. G. SIMBOLISMO Ito ang pagpapakahulugan ng mga literal ng bagay, lugar, tao at iba pang kailangan ang mataas na antas ng pag-unawang kasangkot sa pagbasa para maunawaan ito. H. TEMA Ito ang diwa o ang kabuuang mensaheng tinatalakay sa mga pangyayari. Ito rin ang pangkalahatang kaisipang nais palitawin ng manunulat. I. DAMDAMIN Ang damdamin ay nagpapatingkad sa katotohanan na nais maihatid ng isang kuwento.. Nangangailangan ito ng isang analitikal na pagtingin, upang makita ang perspektiba ng katotohanan. J. Tunggalian Ito ang suliraning kinasasadlakan ng pangunahing tauhan at batayan ng mga dramatikong aksyon. Naging kapana-panabik o kawiliwili ang isang kwento dahil sa tunggalian. K. Pananawi Punto De Vista Ang kuwento ay may tinatawag na pananaw o punto de vista. Gayunman, sa pagtalakay ng anumang kuwento, ito ang sumasagot sa tanong na "Sino ang nagkukuwento?" Sa pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng bumabasa ang nilikha ng naglalahad at ng pangyayaring inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng naglalahad. MGA URI NG PANANAW Unang Panauhang Tagamasid na Pananaw Ikatlong Panauhang Pananaw Pananaw >Sa pananaw na ito, ang >Ito ay ginagamit kung nais >Ito ang kadalasang mismong bidang karakter o nating isulat ang karanasan ginagamit sa pagsasalaysay pangunahing tauhan ang ng iba. ng anumang komposisyong siyang nagkukuwento prosa. Mas madaling magsalaysay sa ganitong paraan. > Ang bidang karakter ay > Ang bidang karakter ay >Ang bidang karakter ay ginagamitan ng panghalip na : tinutukoy sa pamamagitan ng tinutukoy sa pamamagitang ako, ko, akin, atin, natin, mga panghalip na: ikaw, mo, ng mga panghalip na: siya, tayo at kami. ka, iyo,kata, kanila, kita, niya, kanya, sila, nila, kayo, inyo, ninyo. kanila. Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: Maliit pa ako noon, pito o Marahan niyang ginagap ang Natigilan si Edna. Pilit niyang walong taon, upang akin ng iyong mga kamay, pagkuwa’y inalala ang pagkakamaling maunawaan ang kahulugan mataman ka niyang tinukoy ng tagapamahala ng pagyaon ni Ama at ang pinagmamasdan. Nagtama ngunit wala siyang magunita mga naiwan. ang inyong paningin, pero kundi ang pamamahagi nila umiwas ka agad. kahapon ng mga damit at pagkain sa mga nayong pininsala ng bagyo. ANG DULANG FILIPINO Ang Dula ay itinuturing na "imitasyon ng buhay ayon sa mga batikang mandudula. Ito ay isang kathang naglalayong mailarawan sa isang tanghalan o entablado, sa pamamagitan ng kilos at galaw, ang isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapanapanabik na bahagi sa buhay ng tao ayon kina Casanova, Batua at Flores (1984). Ito ay pinagsanib na sining ng pagsulat at pagganap. Mga Sangkap ng Dula Tagpuan - panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula Tauhan - ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari, ang mga tauhan ang bumibigkas ng diyalogo at nagpapadama sa dula Tunggalian - ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; Kasukdulan ito'y climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya'y sa pinakakasukdulan ang tunggalian Kakalasan - ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian. Kalutasan - sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood. Mga Yugto ng Dula Ang karaniwang dulang pantanghalan ay binubuo ng isa o tatlong yugto. Sa dulang isahing yugto, karaniwang hindi nagbabago ang senaryo o tanawin at nagpapalitan lamang ng paglabas at pagpasok sa tanghalan ng mga tauhan---may isang oras na pagtatanghal at minsan lamang nagaganap ang pagbaba ng tabing, sa wakas ng dula. Samantalang, ang dulang tatatluhing yugto ay maaaring itanghal nang dalawa at kalahati hanggang tatlong oras. Dito ay tatlong ulit na nahahawi ang tabing at sa bawat pagtaas ay maaaring gawing iba ang senaryo. Mga Uri ng Dula A. Pangkasaysayang Dula (historical play) Ito ay batay sa isang kasaysayan ng dulang itinatanghal. B. Melodrama (melodrama) Ang sangkap ng dula ay malungkot datapwat nagwawakas ng kasiya-siya para sa mga pangunahing tauhan. C. Komedya (comedy) Ito ay may temang pasaya para sa pangunahing tauhan. Sa wakas ng ganitong uri ng dula, may pagkakasundo ang mga nagtutunggaliang lakas. D. Saynete Ito ay isang dulang katawa-tawa tungkol sa karaniwang ugali. E. Trahedya (tragedy) Ito ay isang dula na ang wakas ay malungkot para sa pangunahing tauhan. Ito rin ay may masidhing damdamin na humahantong bsa pagkabigo ng layunin ng pangunahing tauhan o di kaya'y kanyang pagkamatay sa katapusan. F. Walang Tinigang Dula (pantomime) Ito ay isang uri ng dula na ang kuwento ay itinatanghal sa aksyon lamang at walang salita. G. Dulang Walang Katotohanan (plays of fantasy) Ito ay isang uri ng dula na ang pangyayari ay hindi hango sa tunay na buhay ng tao. H. Dulang Papet (puppet play) Ito ay isang dulang itinatanghal sa pamamagitan ng mga manika o papet. I. Parsa (farce) Ito ay naglalayong umaliw sa mga mambabasa sa pamamagitan ng mga nakatatawang mga kilos, pananalita ng mga tauhan at pangyayari. Mga Elemento ng Dula Iskrip o nakasulat na dula- Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang- alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip: walang dula kapag walang iskrip Gumaganap o aktor Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip sila ang nagbibigkas ng diyalogo, sila ang nagpapakita ng iba't ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula Tanghalan Anomang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan: tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase Tagadirehe o director Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i- interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan Manonood Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula'y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood. ANG NOBELANG FILIPINO Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas Ito ay binubuo ng mga kabanata, maraming tauhan at pangyayari. Mga Layunin ng Nobela Gumising sa diwa at damdamin nananawagan sa talino ng guni-guni mapukaw ang damdamin ng mambabasa magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at Lipunan nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan Mga Uri ng Nobela 1. Nobela ng Tauhan -binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan 2. Nobela ng Kasaysayan o Historikal -uri ng nobelang humango ng materyal sa mga pangyayaring naganap kasaysayan ng Pilipinas. Pumapaksa sa mga aktuwal na pangyayari o sa kaya'y mga sitwasyong nahahawig sa mga aktuwal na kalagayang umiral sa kasaysayan ng bansa. 3.Nobela ng Pangyayari -uri ng nobelang nagbibigay-diin sa mga pangyayari sa nobela 4. Nobelang Romansa -nobelang ukol sa pag-libigan 5. Nobela ng Pagbabago -nobelang naglalayong magtaguyod ng pagbabago sa lipunan at pamahalaan. -layuning magmulat ng mga mambabasa sa mga kalakaran, pagmamalabis at katotohanang nagaganap sa lipunan 6. Nobelang Makabanghay-isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa. Mga Sagisag-Panulat ng mga Pilipinong Manunulat Emilio Aguinaldo Rosalia Magdalo Virgilio Almario Rio Alma Cecilio Apostol Catulo Jesus Balmori Batikuling Francisco Baltazar Balagtas Andres Bonifacio May Pag-asa, Magdiwang, Agapito Bagumbayan Jose Corazon De Jesus Huseng Batute, Daniel Viterbo, Luksang Paru- paro, Anastacio Salagubang, Pusong Hapis Jose Dela Cruz Huseng Sisiw Epifanio Delos Santos G. Solon Marcelo H. Del Pilar Plaridel, Dolores Manapat, Pupdoh, Piping Dilat Nestor Vicente Madali Gonzales N.V.M Gonzales Fernando Ma. Guerrero Fulvio, Gil, Florisel, Hector at Tristan Amado Hernandez Amante Hernani, Herininia dela Riva, Julio Abril Hermogenes llagan Ka Moheng Emilio Jacinto Magdalo, Pingkian, Dimas-Ilaw Nick Joaquin Quijano de Manila Graciano Lopez-Jaena Bolivar, Diego Laura Antonio Luna Taga-ilog Apolinario Mabini Paralitiko, Katabay Fernando V. Monleon Batobalani Jose V. Palma Dapithapon Jose Maria Panganiban Jomapa Mariano Ponce Tikbalang, Kalipulako, Nanding Deogracias A. Rosario Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino Inigo Ed Regalado Odalager, Dapit-hapon Severino Reyes Lola Basyang Jose Rizal Dimasalang, Laong-laan Ildefonso Santos Ilaw Silangan Lope K. Santos Lakandalita, Sekretong Gala, Verdugo, Anak- bayan, Hugo Verde, Dr.Lukas, Lukan Diwa, Lukas, Panginoorin, Pangarap, Perfecto Makaaraw, Poetang Peperahin, Tagapasig, Talinghaga, Kulodyo at Gulite Juan Crisostomo Soto Crissot Jose Garcia Villa Doveglion Renato O. Villanueva Andres Magdale MGA TAGURI SA MGA ALAGAD NG PANITIKAN NG PILIPINO Bonifacio Abdon Ama ng kundiman Nicanor Abelardo Master ng Kundiman Napoleon Abueva Ama ng makabagong Iskultura ng Pilipinas Cecilio Apostol Prinsipe ng mga makatang kastila Natalio Bacalso Hari ng bisayang manunulat Francisco Baltazar Ama ng Panulaan sa Pilipinas, makata ng buhay Andres Bonifacio Ama o Supremo ng Katipunan, Ama ng Demokrasyang Pilipino Pedro Bukaneg Ama ng Panitikang Ilocano Florentino Colantes Ikalawang hari ng balagtasan Padre Modesto de Castro Ama ng tuluyang klasika sa tagalog Don Jaime de Veyra Kauna-unahang patnugot ng surian ng wikang Pambansa Gregoria de Jesus Lakambini ng Katipunan Jose Corazon de Jesus Unang hari ng balagtasan, makata ng puso Jose dela Cruz Hari ng mga makata Gregorio del Pilar Bayani ng tirad paz Marcelo H. del Pilar Ama ng pamahayagan sa Pilipinas Eriberto Gumban Ama ng panitikang Bisaya sa Hiligaynon Amado V. Hernandez Makata ng mga mangggawa Honorata ‘Atang’ Dela Rama – Hernandez Reyna ng Kundiman, Reyna ng Sarsuewalang tagalog, Primadona ng tanghalang Pilipinas Magdalena Jaladoni Ina ng Panitikang Hiligaynon Hermogenes Ilagan Ama ng dulaang tagalog Emilio Jacinto Utak ng katipunan Apolinario Mabini Utak ng himagsikan, Dakilang Lumpo Fernado B.Monleon Ama ng Batutian, Prinsipe ng Balagtasan (1957) Jose Nepomoceno Ama ng Pelikulang Filipino Jose Palma Ama ng Pambansang Awit Valeriano Hernandez Pena Ama ng makabangong nobelang tagalog Tomas Pinpin Kauna-unahang manglilimbag Pascual Poblete Ama ng Pahayagang Tagalog Manuel L. Quezon Ama ng Wikang Pambansa, Ama ng Laya Severino Reyes Ama ng sarsuwelang tagalog Deogracias A. Rosario Ama ng maikling kwento sa PIlipinas Lope K. Santos Ama ng Balarilang Tagalog, Apo ng mga mananagalog Juan Crisostomo Soto Ama ng Panitikang Kapampangan Vicente Sotto Ama ng Panitikang Cebuano Aurelio Tolentino Unang Mandudulang Makabayan

Use Quizgecko on...
Browser
Browser