SANAYSAY - Tagalog Essay Guide PDF
Document Details
Uploaded by PropitiousCynicalRealism9277
Tags
Summary
This document is a guide on essay writing in Tagalog, covering various essay types, including formal and informal essays, reflective essays, and travel essays. It details the key components and structure of each essay format.
Full Transcript
**SANAYSAY** Nagmula sa dalawang salita: sanay at pagsasalaysay. Isang sulating kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may akda. Sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Ano ang sanaysay? **Genoveva Edroza-Matute** "Ang sanaysay ay pagtataya sa...
**SANAYSAY** Nagmula sa dalawang salita: sanay at pagsasalaysay. Isang sulating kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may akda. Sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Ano ang sanaysay? **Genoveva Edroza-Matute** "Ang sanaysay ay pagtataya sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuro-kuro, palagay, at ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw at magbigay kaalaman o magturo." Dalawang (2) uri ng sanaysay: ** Pormal** ** Impormal** **Pormal** Tumatalakay sa seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa. Naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkasunod-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. **Di-pormal** Tumatalakay sa paksang magaan, karaniwan, pang araw-araw at personal. Nagtataglay ng opinyon, kuro-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Bahagi ng sanaysay: Panimula Katawan Wakas **Panimula** Sa bahaging ito inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay. **Katawan** Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan. **Wakas** Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuoan ng sanaysay, pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna. **Replektibong Sanaysay** **Michael Stratford** Isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasanay na may kinalaman sa pagsuri o pag-arok sa isip o damdamin. **Kori Morgan** "Nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang karanasan o pangyayari." **Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat:** 1.Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng replektibong sanaysay. 2.Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko, at akin sapagkat ito ay nagpahiwatig ng personal na karanasan. 3.Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naoobserbahan o katotohanang nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon ay higit na mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito. 4.Pormal na salita ang gagamitin sa pagsulat nito dahil kabilang ito sa akademikong sulatin. 5.Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin itong malinaw at madalingmauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe samga mambabasa. 6.Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at kongklusyon. 7.Gawing organisado at lohikal ang pagkakasulat ng mga talata. **Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay** **1.INTRODUKSIYON** Siguraduhing ito ay makapupukaw saatensiyon ng mambabasa, maaaring gumamit ng iba't ibang paraan sa pagsulat ng mahusay, gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o Quotation, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng kabouan ng sanaysay. Isulat lamang ito sa loob ng isang talata. **2. KATAWAN** Dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa na inilahad sa panimula. Ang mga bahagi ay mga obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipaliliwanag at paggamit ng mga mapagkatiwalaang sanggunian bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay- nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mgapatotoo kung paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo. **3. KONGKLUSYON** Muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ngsanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan. **Pictorial essay O LARAWANG Sanaysay** **Pictorial essay** Ito ay anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay sa mga larawan na sinusundan ng maiikling kapsyon sa bawat larawan. **Katangian ng Mahusay na Pictorial essay** 1.Malinaw na Paksa 2.Pokus 3.Orihinalidad 4.Lohikal na Estraktura 5.Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng inyong guro Katangian ng Mahusay na Pictorial essay 6\. Isaalang-alang ang iyong awdyens 7\. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkamit ng iyong layunin. 8\. Kumuha ng maraming larawan 9\. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o tabi ng bawat larawan **Travel essay O LAKBAY Sanaysay** **travel essay o lakbay-sanaysay** Ito ay isinusulat upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang mga pandama. **Mga pandama:** a.Paningin b.Pakiramdam c.Panlasa d.Pang-amoy e.Pandinig **Lakbay-sanaysay** Ito ay kadalasang pumapaksa sa mga tanawin, tagpo at iba pang mga karanasan sa paglalakbay. **Travel blogging** Ito ay pagbibigay ideya sa mga manlalakbay na may planong puntahan ang isang lugar. **PATI MARXSEN** Ang lakbay-sanaysay ay dapat makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon kundi nang matinding pagnanais na maglakbay. **PATI MARXSEN** Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-sanaysay kung ito ay nakapag-iiwan sa mambabasa ng sariwa at malinaw na ala-ala sa isang lugar na hindi pa napupuntahan. **Mga hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay** 1\. Magsaliksik kaugnay sa lugar na pupuntahan. 2\. Alamin ang layunin ng paglalakbay at pagsusulat. 3\. Magtala ng mahahalagang impormasyon habang naglalakbay. 4\. Kumuha ng mga larawan habang naglalakbay. 5\. Suriin ang mga nakuhang detalye habang naglalakbay. 6\. Bumuo ng balangkas ng mga nakalap na impormasyon mula sa pananaliksik hanggang sa paglalakbay 7\. Isulat ang lakbay sanaysay. **Mga dapat tandaan sa pagsusulat ng lakbay-sanaysay** 1\. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista. 2\. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista 3\. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay. 4\. Magtala ng mahahalagang impormasyon para sa dokumentasyon habang naglalakbay 5\. Ilahad ang realisasyon. 6\. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.