Blue Doodle Project Presentation PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
The document discusses descriptive writing in Tagalog, focusing on different types of descriptions, including literal, technical and artistic descriptions. It includes examples of descriptions of people, places, objects, and events and provides techniques for effective descriptions. The document also details a story about a child named Teodoro.
Full Transcript
Ang Tekstong Paglalarawan (descriptive/deskriptibo) Iniulat ng Ikalawang Grupo (group2) Tekstong Paglalarawan Isang uri ng pagsusulat na naglalaman ng mga detalye na tumutukoy sa limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Inilalarawan nito ang...
Ang Tekstong Paglalarawan (descriptive/deskriptibo) Iniulat ng Ikalawang Grupo (group2) Tekstong Paglalarawan Isang uri ng pagsusulat na naglalaman ng mga detalye na tumutukoy sa limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Inilalarawan nito ang mga karanasan at bagay na maaaring makita, marinig, malasahan, maamoy, at madama. Layunin nito ang magbigay ng malinaw at detalyadong larawan o imahen ng isang tao, lugar, bagay, o pangyayari upang makapaghatid ng tiyak na impormasyon at makalikha ng malalim na pag-unawa sa mambabasa. Ang tekstong paglalarawan ay tumutugon sa tanong na "Ano?" at ginagamit upang magbigay ng konkretong imahen na magpapalawak sa imahinasyon at magpapatibay sa katotohanan ng isang karanasan o sitwasyon. Uri ng Paglalarawan Karaniwang Paglalarawan Literal at pangkaraniwang gumagamit ng paglalarawan. Obhetibo ang paglalahad ng kongkretong katangian ng mga impormasyon sapagkat tiyak ang ginagawang paglalarawan. Payak o simple lamang ang paggamit ng mga salita upang maibigay ang kaalaman sa nakita, narinig, nalasahan, naamoy, at naramdaman sa paglalarawan. Panlasa Mga halimbawa: Maasim ang sampalukan. Matamis ang tsokolate. Maanghang ang bicol esxpress. Paningin Matangkad na lalaki. Pang-amoy maganda ang mga mata. Mabango ang nilabhan. kulay berde ang halaman. Mabaho ang basurahan. Maasim ang amoy ng pawis Pandinig Maingay sa plasa. Pandama Mahina ang iyong boses. Mahapdi ang sugat. Malakas ang sigaw. Malamig ngayong gabi. Mainit ang iyong katawan. Teknikal na Paglalarawan Pangunahing layunin ng siyensiya ang mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang malaman tungkol sa mundo at kalawakan. Kalimitang gumagamit ang manunulat ng mga ilustrasyong teknikal na sulatin upang makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng inilalarawan. Masining na Pagpapahayag. Di-literal ang paglalarawan at ginagamitan ng matatalinghaga o idyomatikong pagpapahayag. Malayang nagagamit ang malikhaing imahinasyon upang mabigyan ng buhay ang isang imahen o larawan. Taglay nito ang kasiningan ng pagpapahayag ng damdamin at pananaw ng sumulat. Panlasa Mga halimbawa: Halos mapaso ang dila ko sa anghang ng bicol express na ulam namin kanina. Paningin Kay tangkad mo, Pang-amoy para kang poste. Masusuka na ako sa baho ng kanal sa labas. Pandinig Nabingi ako sa sobrang Pandama hina ng boses mo. Nasunog ang balat ko sa tindi ng sikat ng araw sa labas. Tekstong Naglalarawan Tao: Ang mga Capampangan ay mapagbigay, matulungin, may takot sa Diyos, at relihiyosong tao. Kaya nilang gugulin ang natitirang oras nila para sa iba kahit sa katotohanang ito ay mas kailangan nila. Malaki ang paniniwala ng mga Capampangan sa 'Utang na loob' at 'Pakikisama' kaya mahirap para sa kanila ang hurmindi. -Sipi mula sa "Ako ay laking lungsod ng Angeles Pampanga" Mula sa Thepinoysite.com Tekstong Naglalarawan Tauhan: Sa taya ko'y mga dalawampu't anim na taon na siya. Maputi. Mataas. Matangos ang ilong. Malago ang kilay. Daliring-babae. Nakapantalon ng abuhing corduroy at ispeker na kulay-langit. - Sipi sa "Emmanuel" ni Edgardo M. Reyes Tekstong Naglalarawan Lugar: Tubong-Tundo ako. Isang Lungsod na rin ang mataong Tundo, lungsod ng dalita at bunton ng kubo, kuta ng mag-anak-langgam na masinsin sa malaking punso; narito ang hirap, narito ang buhay, narito ang tao, Tubong-Tundo ako. Tekstong Naglalarawan Pangyayari: Ang Mal a Aldo o Mahal na Araw ang pinakamahalagang araw ng taon para sa mga Capampangan. Ayon sa iba, ang pagpipinetensiya ay isang marahas na ritwal sapagkat isinasagawa ng ilang Pilipino, lalo na ng mga Capampangan, ang tila madugong tradisyong palabas sa daan. Pagkuha ng Datos sa Mabisang Paglalarawan 01 02 03 04 05 06 DESCRIBE IT. ASSOCIATE IT. ANALYZE IT. ARGUE FOR APPLY IT. COMPARE IT. AGAINST IT. Ano ang itsura, Ano ang Paano ito nabuo? Paano ito Ano ang amoy, lasa, at pagkakaugnay Paano ito Positibo o negatibi mailalapat sa pagkakatulad at pakiramdam nito? gumagana? ba ito? Kapaki inyong karanasan? pagkakaina? pakinabang ba o nakakapinsala? Halimbawa ng kwentong naglalarawan Si Teodoro at Ang Pulang Bag Alma Tang-Bautista Si Teodoro ay isang batang lalaki na may edad anim. Siya ay payat, mahilig sa laruan, at nais niyang may aksiyon sa lahat ng kaniyang ginagawa. Idolo niya ang kaniyang tatay na pulis. Madalas siyang makitang hawak- hawak ang kaniyang mga paboritong baril-barilan tulad ng Uzi, M4, M16, M14, RPG, AK47, at marami pang iba. Lagi siyang may sinisipat na animo'y isa siyang sniper at may hinihintay na kalaban. Mag-isa lamang siyang naglalaro pero kung oobserbahan tila siya'y napakaraming kalaro sa bawat sulok ng kanilang bahay. Dahil sa ganitong senaryo ito na marahil ang problemang kinahaharap ni Aling Alma sa kanyang kaisa-isang anak: ng sobrang hilig nito sa paglalaro. "Inay, sandali na lang po ito. Mapapasuko ko na po ang mga kalaban ko," tugon ni Teodoro habang nakaluhod at panay ang pakikipagbarilan. Pagkatapos ng limang minuto ay pumunta rin sa hapag-kainan si Teodoro. Nadatnan niyang nakaupo ang kaniyang magulang at naghihintay. "Anak, nagapi mo ba lahat ng kalaban mo? Tamang-tama may pasalubong ako sa iyong bagong teleskopyo," natutuwang balita ni Mang Zalde sa kanyang anak. ni Aling Alma sa anak. "Inay, sandali na lang po ito. Mapapasuko ko na po ang mga kalaban ko," tugon ni Teodoro habang nakaluhod at panay ang pakikipagbarilan. Pagkatapos ng limang minuto ay pumunta rin sa hapag-kainan si Teodoro. Nadatnan niyang nakaupo ang kaniyang magulang at naghihintay. "Anak, nagapi mo ba lahat ng kalaban mo? Tamang-tama may pasalubong ako sa iyong bagong teleskopyo," natutuwang balita ni Mang Zalde sa kanyang anak. "Talaga, Itay? Yehey! Ang saya-saya ko!" natutuwang sagot ni Teodoro. "Naku! Kasalanan mo ito, Zalde, kung bakit nagkaganyan ang anak mo. Masyado mong sinanay sa mga ganyang klaseng laruan. O, sige na, magdasal na tayo para makakain na. Anak, pangunahan mo ang pagdarasal," utos ni Aling Alma sa anak. Pinangunahan ni Teodoro ang pagdarasal at habang sila ay kumakain, napag-usapan nila ang tungkol sa papalapit na pasukan. Ito ang kauna- unahang pagkakataon na papasok si Teodoro sa paaralan. "Anak, nakita mo ba ang binili ko sa iyong bag? Pinili ko ang paborito mong kulay, kulay pula at may gulong pa ito para hindi ka masyadong mahirapan sa pagbubuhat kaya maaari mo na lamang itong hilain," buong pagmamalaking ibinalita ni Aling Alma. "Nasilip ko nga, Anak, at nakita ko sa loob ng bag mo ang iyong kuwaderno, lapis, pambura, pandikit, krayola, at magagandang aklat," dagdag ng kaniyang Itay. Buntong-hininga lamang ang isinukli ni Teodoro sa narinig mula sa magulang. Napadako ang kaniyang tingin sa magagandang baril-barilan niya. "Tiyak kong mag-e-enjoy ka roon dahil marami kang makikilalang bagong kaibigan at makakalaro. Alam mo ba, Anak na ang edukasyon ay napakahalaga? Kailangan mong mag-aral para matuto at may malaman. Ang edukasyon ang magiging sandata mo sa buhay. Para paglaki mo ay may maganda kang trabaho at mabuhay nang marangal." Medyo napangiti ang batang si Teodoro sa narinig kaya nagtanong siya. "Inay, Itay, totoo po ba ang narinig ko? Puwede akong maglaro at makipaglaro sa iskul? "Dadalhin ko lahat ng mga laruan ko para makapaglaro kami ng mga makikilala kong bagong kaibigan," masiglang sagot ni Teodoro. "Anak, hindi maaaring dalhin ang mga laruan sa paaralan. Bawal," ang sabi ni Aling Alma. "At saka kukunin nila ang mga laruan mo kapag dinala mo sa paaralan," dagdag ni Mang Zalde. "Ayoko na! Pangit pala sa paaralan. Bawal ang mga laruan ko. Ayokong pumasok!" Padabog na umalis si Teodoro sa hapag-kainan. Pumasok si Teodoro sa kaniyang kuwarto. Sa loob, nakita niya ang kaniyang bag na kulay pula na may gulong. Tiningnan niya ito na ng masama. "Ayoko sa iyo! Hindi ako mag-e-enjoy sa iyo!" pagalit na sigaw ni Teodoro sa kaniyang bag. Dahil sa inis, binuksan niya ang bag at kinuha ang lahat ng laman nito. Pinagsisira at pinagtatapon. Umiyak siya nang umiyak. Naalala kasi niya ang pagbabawal na gagawin ng paaralan sa mga laruan niya. Dahil sa sarna ng loob, siya ay nakatulog. Naglalakad si Teodoro sa isang madilim na lugar na di-pamilyar sa kaniya. Mag-isa. Napansin niyang dala-dala niya ang pulang bag na gagamitin niya sa pasukan at nakasakbit ang isang munting laruang baril sa kaniyang kanang beywang. Binuksan niya ang pulang bag at hinahanap ang iba pang laruan niyang baril-barilan at ang bagong teleskopyong binili ng kaniyang Itay. Nalungkot siya dahil wala ni Isa man sa mga ito. Ang laman ng pulang bag ay kuwaderno, lapis, pambura, pandikit, krayola, at magagandang aklat. Itatapon na sana ni Teodoro ang mga ito nang biglang umihip ang hangin nang pagkalakas-lakas. Nangilabot si Teodoro at pakiramdam niya'y may sumusunod sa kaniya. Ang bawat punong nasa paligid niya ay unti-unting gumagalaw at ang mga ugat ng mga ito ay naglalakad papunta sa kaniyang kinatatayuan. Nararamdaman niyang tila may kung anong gumagapang sa kaniyang paa. Nagsisigaw siya ngunit walang nakakarinig at tumutulong sa kaniya. Ang tanging kasama niya sa mga oras na iyon ay ang kaniyang baril-barilan na nakasakbit sa kaniyang beywang at ang pulang bag. Takot na takot si Teodoro nang biglang magsalita ang isang matandang puno. "Pakakawalan lamang kita kung masasagot mo ang walong pagsubok," ang nakabibinging tinig ng matandang puno. "Sige po." malungkot na sagot ni Teodoro. "Ang malinis kong katawan, dugong pula at asul ang matatagpuan... Ang malinis kong katawan, dugong pula at asul ang... aha! Alam ko na po ang sagot! Kuwaderno!" masayang sabi ni Teodoro. Anumang uri ng papel, kahit hindi magkakamag-anak, magkakayakap kapag ito ang ginamit." "Naku pahirap nang pahirap ang mga pagsubok ng matandang puno. Hindi na ata ako makakauwi sa amin. Ano ang isasagot ko?" pag-aalalang sinabi ni Teodoro. Dahil nakabukas ang pulang bag, hindi namalayan ni Teodoro na nakatanggal pala ang takip ng pandikit niya. Nalagyan ang kaniyang palad. Sa pandidiri, kumuha siya ng ilang piraso ng papel sa kaniyang kuwaderno para ipangkuskos sa nalagyan niyang palad. Habang ginagawa niya ito, napansin niyang nagkadikit-dikit ang mga papel na animo'y nagyayakapan. "Anumang uri ng papel, kahit hindi magkakamag-anak, magkakayakap kapag ito ang ginamit. Pandikit po ang sagot sa ikaapat na pagsubok" "Tumpak! Mahusay ang iyong sagot. Nagtagumpay ka sa ikaapat na pagsubok. Lahat ng mga kagamitan sa paaralan pumapasok sa maliit at iisang bahay." Dahil sa hirap ng katanungan, tila susuko na si Teodoro. Nais niyang tanggapin na lamang ang kaniyang kapalaran: ang manatili sa mga ugat ng matandang puno. Habang abala sa kaka-emote, nakita niyang nakalabas lahat ng gamit niya. Isa-isa niya itong isinilid sa loob ng pulang bag. Niyakap niya ito nang mahigpit at sinabi sa sarili, "Ito na lamang ang magiging alaala ko sa aking magulang dahil alam kong hindi na ako makababalik sa amin." Pumatak ang luha ni Teodoro sa pulang bag. Biglang sumagi sa kaniyang isip ang ikapitong pagsubok, "Lahat ng mga kagamitan sa paaralan pumapasok sa maliit at iisang bahay." "Bag po!" maluha-luhang sagot ng bata. "Tumpak! Mahusay ang iyong sagot. Nagtagumpay ka sa ikapitong pagsubok. Narito na ang huli mong pagsubok. Ang tanging maipamamana ng mga magulang na higit pa sa materyal na kagamitan at magagamit mo sa iyong kinabukasan," Sa pagkakataong ito, humagulgol na si Teodoro sa hirap ng huling pagsubok. Wala na siyang magawa. Upang maibsan ang kaniyang lungkot, inalala na lamang niya ang magagandang payo ng kanyang magulang. Nang walang pag-aalinlangan, hinarap niya ang matandang puno at ikinuwento ang kaniyang magulang. "Alam po ba ninyo na bago ako mapunta sa lugar ninyo, binili po sa akin ng magulang ko ang pulang bag na ito na may iba't ibang gamit pampaaralan. Napakasaya nila para sa akin. Papasok na po kasi ako sa susunod na linggo. Sabi po nila, kailangan ko raw mag-aral para matuto at may malaman. Ang edukasyon daw po ang magiging sandata ko sa buhay. Para paglaki ko ay magkaroon ako ng magandang trabaho at mabuhay nang marangal. Tiyak ko pong mami-miss ako ng Itay at Inay." Hindi pa tapos magsalita si Teodoro nang biglang ibalita sa kanya ng matandang puno na... "Tumpak! Mahusay ang iyong sagot. Nagtagumpay ka sa huling pagsubok. Edukasyon ang tanging maipamamana ng magulang na higit pa sa materyal na kagamitan at magagamit mo sa iyong kinabukasan. Ngayon din ay pakakawalan na kita." Biglang gumalaw ang mga ugat ng matandang puno at pinakawalan siya. Biglang may tinig na narinig siya mula sa kawalan. "Anak, gising na, umaga na," ang malambing na boses ng kanyang ina. "Panaginip lamang pala," bulong nito sa sarili. "Anak, mukhang sabik ka na yatang pumasok at napakahigpit ng pagkaka- yakap mo sa iyong pulang bag?" masayang sabi ni Aling Alma. "Ahh.. opo, Inay. Gusto ko na nga pong pumasok sa paaralan. Salamat nga po pala sa pulang bag na ito. Marami po akong natutuhang aral," pagmamalaking tugon ni Teodoro sa ina. Mula noon, pinahalagahan na ni Teodoro ang kaniyang pag-aaral. Natuklasan niya na marami pang pagsubok ang darating sa kaniyang buhay. Sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pakikinig sa magulang at nakatatanda, madali niya itong mabibigyan ng kasagutan. Ito rin ang kaniyang magiging sandata na mas higit pa sa kapangyarihang taglay ng kaniyang mga baril-barilan. Kasanayan A. Tuklas-Dunong Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang tekstong naglalarawan? 2. Ano-ano ang katangiang dapat taglayin ng isang tekstong naglalarawan? 3. Bakit kailangang ilarawan ang isang tao, bagay, lugar, at pangyayari? 4. Magbigay ng paglalarawan na ginamit sa kuwentong " Si Teodoro at ang Pulang Bag." Tao: Bagay: Pangyayari: 5. Paano makatutulong ang tekstong naglalarawan sa sumusunod: Sarili Pamilya Pamayanan Bayan 6. Paano magagamit ang isip, damdamin, at kilos sa pagbuo ng tekstong naglalarawan? 😙 MARAMING SALAMUCH