Panitikang Filipino (FINALS) Panahon ng Hapon PDF

Summary

This document contains information about Filipino literature during the Japanese period, including various topics like history, poems, and short stories. It also covers different types of literature and their characteristics.

Full Transcript

Panitikang Filipino (FINALS) Panahon ng Hapon Ang mga katangian nito ay natalakay na sa panimulang pag-aaral. A. Kasaysayan Pagsibol ng d...

Panitikang Filipino (FINALS) Panahon ng Hapon Ang mga katangian nito ay natalakay na sa panimulang pag-aaral. A. Kasaysayan Pagsibol ng dulang tagalog 1. Panitikang Ingles Pag kakasara ng mga sinehang amerikano 1941-1945 “Dramatic Philippines” Pag babawal ng panitikan sa Ingles Salin mula sa Ingles- Francisco Rodrigo, Pinayang mga pubikasyon: Tribune at Alberto Cacino, Pimentel Philippine Review Gintong panahon ng pantikan (Panahon ng Joese Ma. Hernandez – Panday pira hapon) Francisco Soc. Rodrigo – Sa pula sa puti o Dahil pinayagan ng mga hapon na gamitin ang Panitikang Filipino Del Mundo – Bulaga Juan Laya = Bumaling sa tagalog Balmaceda – “Sira ba kayo” “Higanti ng patay” “ 2. Panitikang tagalog Dahil sa anak” Liwayway: Ishikawa, pagmamatyag na Pag unlad ng maikling kuwento mahigpit Pinakamahusay na akda noong 1945 Mga paksakin: Buhay lalawigan Pag susuri ng 25 na maikling kuwento - Nag patuloy at umunlad Santos, Balmaceda, Regalado B. Mga tula Mga nanalo Karaniwang paksa: 1st – Lupang tinubuan – Reys Makabayan 2nd – Uhaw ng tigang na lupa – Arceo Pag-ibig 3rd – Lunsod nayon at daga’t-dagatan – NVM Kalikasan Gonzales Buhay lalawigan Panitikang Filipino sa Wikang Ingles Pananampalataya Sining “Makulimlim” na kalagyan dahil sa mga hapones Mga uri Mga nag lakas-loob:Lopez, Icasiano, A. Haiku Mangahas, Aguilla, Romulo, Bulosan Malayang taludtudan, 17 na pantig Panahon ng Liberasyon o Pagpapalaya (1946- Tatlong taludtod: 5-7-5 1960) Maikli ngunit masaklaw A. Kaligirang Kasaysayan B. Tanaga Ang panahon matapos ang Ikalawang Maikli ngunit may sukat at tugma Digmaang Pandaigdig Bawat taludtod: 7 na pantig Ipinangako ni MacArthur ang maituturing na Matalinhagang Kamalayan panahon ng Leberalismo o Pagpapalaya. Hulyo 4, 1946 - Sa panahong ito, ang C. Karaniwang anyo sambayanang Pilipino ay nakadama ng Kalayaan Gitnang Luzon noong taong 1950 Naging paksa ng mga tulang kanilang sinulat HUKBALAHAP (Hukbong Bayan laban sa ang pag-ibig sa bayan at pagpupri sa baying Hapon) na binuo ng mga gerilyang tinubuan, kalayaan, at mga bayani ng lahi. nakakiling sa Komunismo. Jose Villa Panganiban. “Ang Bayan Ko’y Ito” Kalagayan ng Panitikan Mga Makalumang Makata Nagkaroon ng bisa ang kalagayan ng bansa sa panitikang nasulat sa panahong ito. Lope K. Santos Dumami ang mga babasahing naglathala ng Ildefonso Santos Rufino Alejandro mga akdang isinulat sa Ingles. Teodoro Gener Iñigo ed Regalado Nabuhay at nalathala muli sa panahong ito ang: Pedro Gatmaitan, Jose Villa Panganiban Magasing Free Press Makabagong Makata Morning Sun ni Sergio Osmeña, Daily News ni Manuel A. Roxas, Jose Corazon De Jesus, Cirio H. Panganiban, Manila Times at Daily Mirror ni Joaquin Florentino Collantes, Emilio Mar Antinio, Fernando Roces at Monleon, Ancieto Silvestre, Amado V. Hernandez, Philippine Herald at Bulletin. Alejandro Abadilla, Clodualdo del Mundo at iba pa. Nadagdagan din ang mga magasing nasulat sa Mga Kinikilalang Makata ng Panahon wikang Tagalog. Aniceto Silvestre - ang maipanalo niya ang Liwayway at lumabas din ang Kayumanggi dalawang tula na “Ako’y Lahing Kayumanggi” at ni Alejandro Abadilla, “Mutya ng Silangan”. Sinagtala ni Clodualdo del Mundo, Alejandro Abadilla - “Ama ng Modernistang Ilang-Ilang ni Iñigo Ed Regalado, Bulaklak Pagtula sa Tagalog” o “Makata ng Makabagong ng mga Cuballa at Panahon”. Pinakamagandang tula niya “Ako ang Malaya ni Teodoro Agoncillo. Daigdig”. Nagsulat din siya ng tanaga. B. Ang ilan sa mga manunulat na nagsulat na Amado Vera Hernandez - Ka Amado kung siya ay muli sa wikang Ingles ay sina: tawagin “Makata ng mga Manggagawa” “Ang 1. Jorge Bocobo, - “College Un-education,” Panday” “Filipino Contact with America,” at “A vision of Teodoro Gener - “Ang Guro” “Masamang Damo”, Beauty”. “Ang Buhay”, at “Pag-ibig” ginamit sa pag-aaral ng 2. Jose Garcia Villa, - “Doveglion”. panulaang Tagalog noong taong 1958, “Ang Sining ng Tula. 3. NVM Gonzales - “Children of the Ash Covered Loam” nagkaroon ng salin sa iba’t ibang wika sa Fernando Monleon - “Alamat ng Pasig” India. Cirio H. Panganiban - Kasama siya nina Teodoro 4. Zoilo Galang - “A Child of Sorrow”, kauna- Gener, Deogracias Rosario, Jose Corazon De Jesus unahang nobelang Filipino na nasulat sa Ingles. sa samahang “Ilaw at Panitik.”. “Ang Salamisim” ay kalipunan ng mga tula ni Cirio Panganiban na 5. Angela Manalang Gloria - “April Morning”. ipinalathla ni Teodoro Gener. Nakita ito sa kaniyang 6. Rafael Zulueta de Costa - “Like the Molave” mga tulang “Three O’Clock in the Morning” at sa Unang Gantimpala sa Commonwealth Literary tulang “Habang Buhay”. Contest. Ildefonso Santos - nagbigay pansin sa kalikasan sa C. Ang mga Tula at Makata ng Panahon kanyang mga tula. SAMAHANG ILAW AT PANITIK - Kalipunan ng Ang kauna-unahang nagwagi sa mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Patimpalak Palanca sa larangan ng Akademya ng Wikang Tagalog. Maikling Kuwento noong 1950-1951 ay ang mga sumusunod: Isang Maikling Pagkilala: 1. Unang Gantimpala - “Kuwento ni Mabuti” ni Nagsimula sa paglitaw ng magsaing Genoveva Edroza- Matute Liwayway noong 1922 2. Ikalawang Gantimpala - “Mabangis na Ito’y nakilala muna sa tawag na “Photo Kamay… Maamong Kamay” ni Pedro News” Dandan Nagwakas ang samahang ito sa taong 1932, 3. Ikatlong Gantimpala - “Planeta, Buwan at mga Bituin” ni L.P. Kapulong Sino si Deogracias A. Rosario? Mga Manunulat ng Akdang tuluyan Ano nga ba ang naging ambag niya sa samahang ito? Mga kilalang Manunulat ng Maikling Kuwento sa panahon ng Liberasyon Siya ay ipinanganak sa Tondo, Maynila noong Oktubre. 17, 1894. Genoveva Edroza-Matute Siya ay naging pangulo ng Samahang Ilaw at Brigido C. Batungbakal Panitik. Siya ay tinaguriang “Ama ng Maikling Serafin Guinigundo Kwentong Tagalog” sa bansa. Macario Pineda, Jesus Arceo Ang kanyang mga akda ay mahigit 20 Namatay siya noong 26 Nobyembre 1936 (42 Clodualdo Del Mundo taong gulang) Alejandro Abadilla Mga Kasapi: Nieves Baens del Rosario Amado V. Hernandez Liwayway Arceo Julian Cruz Balmaceda Ildefonso Santos Deogracias Rosario Hilario Labog Teodoro Gener Amado V. Hernandez Fausto Galauran Carmen Herrera Ramon Reyes Rosalia Aguinaldo Ang Layunin ng Samahan: Mga Kilalang Manunulat ng Sanaysay sa Laya’t katubusan ng sambayanan ang kolektibong Panahon ng Liberasyon layunin ng mga alagad ng sining. “Mga Piling Sanaysay” Alejandro Abadilla D. Ang Panitikang Tuluyan sa Panahon ng Liberasyon “Sanaysay” Gemiliano Pineda Gantimpalang Palanca “Pintig” Buenaventura S. Medina Jr. Ang Gawad Pang-alaala kay Don Carlos “Ako’y isang Tinig” Genoveva Edroza- Palanca para sa Panitikan o Gawad Palanca o Mutute Gantimpalang Palanca ay isang pinakabantog Mga Manunulat ng Nobela sa panahon ng at pinakamatagal na gawad pampanitikan at Liberasyon binansagang "Gantimpalang Pulitzer" ng Pilipinas. Julian Cruz Balmaseda Lope K. Santos “La India Elegante y El Negrito Amante” ni Balagtas Antonio H. Sempio “Ang Katipunan” ni Beato Francisco Faustino Aguilar “Tanikalang Ginto” ni Juan Abad “Tulisan” ni Patricio Mariano Fausto Galauran “Bayan Muna Bago ang Lahat” ni S. Flores Hilaria Labog “Mga Kaluluwang Nagdurusa” nina Videl Tan at Andrea Amor Tablan Jose Esperanza Cruz at marami pang iba. “Kayamanan at Karalitaan” ni Dr. Jose Rizal Mga Panitikang Tuluyan sa Panahon ng Liberasyon Maikling Kuwento - May dalawang uri ng maikling kuwento ang nabasa sa panahong ito – ang mga uring komersyal at ang mga uring pampanitikan. Sanaysay Nobela Dula Katangian ng Nobela sa Panahon ng Liberasyon 1. Kamalayang panlipunan 2. Kamalayang pangkasaysayan 3. Nasyonalismo 4. Intelektwalismo Lope K. Santos na “Banaag at Sikat Faustino Aguilar na “Pinaglahuan”. Sabi naman ni Tedodoro Agoncillo, ang mga nobelang Tagalog noon ay labis na mabulaklak sa pananalita, labis na sentimental sa mga pangyayari at pagsasalitaan at pinangingibabawan ng paksang pag- ibig. Mga tanyag na Nobela sa panahon ng liberasyon Ang Tahanang Walang Ilaw (1928–1929) ni Julian Cruz Balmaceda Banaag at Sikat ni Lope K. Santos Rosa Birhen ni Antonio Sempio Nangalunod sa Katihan ni Faustino Aguilar Ang Monghita ni Fausto Galauran Naglahong Liwanag ni Hilaria Labog Taong Demonyo ni Jose Esperanza Cruz Ang Dula “Walang Sugat” ni Severino Reyes ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AKTIBISMO (1960-1972) Ang aktibismo ay hindi damdaming bago sa mga Pilipino. Ito ay nagsimula noon pa mang panahon ng pananakop ng mga Kastila. Nagsimula ito sa damdamin ng mga kabataang unang humingi ng reporma o pagbabago sa mga namumunong Kastila sa bansa. Mula sa pangkat ng mga Propagandista ay umusbong at nagpatuloy ang diwang aktibismo sa iba’t ibang kaantasan sa iba’t ibang panahon batay sa umiirl na kalagayan at ito ay nakaapekto sa kapamuhayan ng mga mamamayan. Nadama ang aktibismo sa maraming akda na nasulat sa panahon ng kolonyalismo sa bansa. Mula sa pananakop ng mga Kastila, Amerikano, hanggang sa pananakop ng mga Hapones, nanatiling gising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan. Mabilis na kumalat ang aktibismo nang pormal na nabuo at naitatag ang samahang tinawag na Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o HUKBALAHAP. Ang samahang ito ay may layong ipagtanggol, iligtas at mapalaya ang sambayanang Pilipino sa malupit na pamamahala ng mga Sakang. Noong mga taong 1960 hanggang taong 1972 ay muling nabuhay sa bibig ng kabataan ang salitang “burgis” na minsan nang ginamit ng mga aktibista noong nakaraang panahon (1943- 1945). Sanhi nito marahil ang nararanasang kahirapan ng buhay, di pagkakapantay-pantay na karapatan at katarungan sa ating lipunan, maling Sistema ng pamumuno sa pamahalaan na damang-dama ng masang Pilipino lalo na ng mga kabataan. Maraming kabataan ang mga naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan. Karamihan sa mga kabataang ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad Ng Pilipinas. May tatlong salita na kadalasang isinisigaw ng mga estudyante sa bawat pagmimiting o rally. Ito ay ang imperyalismo, feudalismo, at facismo. o Ang imperyalismo ay ang pagpapalawak ng lakas o impluwensya o ang feudalismo ay mga suliranin sa pagmamay-ari ng mga lupang sakahan; at o ang facismo ay ang pagiging diktador o paggamit ng kamay na bakal at hindi paggalang sa karapatan ng kapwa. Panahon ng Duguang Plakard o Panahong minsan pang pinatunayan ng kabataang Pilipino na hindi laging pagyuyuko ng ulo at pag-iilag sa hangin ang bumubuo ng kanyang pagkalahi at pagkabansa. - G. Ponciano Pineda Ang Kalagayan ng Panitikan Ang mga kabataan ay nagpahayag ng damdaming punong-puno ng paghihimagsik. Maliban sa makinilya ay gumamit din sila ng pisel at isinulat sa PLAKARD, sa PULANG pintura ang mga kaugnay na salitang nagpapahayag ng karaingan at pikikibaka. ANG PANITIKANG PATULA SA PANAHON NG AKTIBISMO May tatlong katangian ang mga tulang naisulat sa panahong ito: o Una, ang pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan; o Pangalawa, ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng mga nanunungkulan; o at ang Ikatlo, ay ang tahasang masasabing labag sa kagandang-asal na panunungayaw at karahasan sa pananalita. Si Amado V. Hernandez ang maituturing na pangunahin sa mga makatang may kamalayang panlipunan. Ito raw ay sa kadahilanang si ka Amado ay naging lahok sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran. Dinakip siya at binilanggo sa isang seldang ang luwang ay ga-isang dipa lamang na sapat upang matanaw niya ang kapirasong langit. Sinulat niya ang “Isang Dipang Langit” habang siya ay nasa kulungan. Mga katipunan ng tulang naisa aklat sa panahon ng aktibismo: 1. “Mga A! Ng Panahon” (1970)- ni Alejandro Q. Perez 2. “Kalikasan” (1970)- ni Aniceto Silvestre 3. “Peregrinasyon at Iba pang Tula” (1970)- ni Rio Alma 4. “Sitsit sa Kuliglig (1972)- ni Rolando S. Tinio 5. “Mga gintong Kaisipan” (1972)- ni Segundo Esguerra Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling kwento o maging nobela sa panhong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan at salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda. Naging palasak din ang panghihiram ng mga salitang Ingles, Kastila at iba pang likhang salita sa kanto at pabalbal. Maging ang mga awiting tagalog sa karaniwang naririnig sa mga radio, telebisyon, o sa panahon ng demonstrasyon ya ngapapahiwatig ng di-pagkakaroon ng kasiyahan sa takbo ng pamahalaan sa bayan natin noon. Ang mga awiting: Inang Laya, Pagpupuyos, Babae ka, Wala ng Tao sa Santa Felomina, Base Militar, Walang Lagay at Titser ay buhat sa Isipan ng mga nangungunang kabataang nagtatanong at nagpapahiwatig ng mga kalituhan na naghahanap ng lunas. Sa panahon ding ito ay nagsimulang mapanood ang mga pelikulang malalaswa na tinatawag ding Pelikulang “Bomba” at mga akdang tungkol sa kahalayan. Iba pang akda sa Panahon ng Aktibismo: Mga tula: 1. Mga Duguang Plakard– mahabang tulang alay sa mga demonstrador napinatay sa Mendiola ni Rogelio Mangahas. 2. Ang Burgis sa Kanyang Almusal– pagtuligsa sa kawalang pakialamng mga middle class sa karukhaan ng taumbayan Ni Rolando S. Tinio 3. Tata Selo– iba pa sa maikling kwento ni Romulo Sandoval 4. Ang Mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz– ni Jose “Pete” Lacaba 5. May Bango Ang Awit ng Rebolusyon ni P.T. Martin 6. Elehiya sa Isang Rebelde ni Virgilio Almario – Naganap ang isang pagsusuri sa katuturan ng pagkamatay ng isang magsasakang naghimagsik sa kanyang aping kalayaan. Ang pananangis sa tula ay may limang bahaging bumubuo ng isang masaklaw na pananaw na siyang nagpatighaw sa pait ng trahedya. Noong mga taong 1960 ay kinilala ang mga sumusunod sa larangan ng panulaan: 1. Mga Butil ng Perlas, ni Dr. Jose Villa Panganiban, ito ay Katipunan ng 70 tula. 2. Isang Dipang langit (1962) ni Amado V. Hernandez. Ito ay Katipunan ng mga tulang sinulat ni Ka Amado sa loob ng bilangguan. Nagkamit ito ng Republic Cultural Heritage Award. 3. “Parnasong Tagalog” ni Alejandro G. Abadilla. Ito ay Katipunan ng mga tula sa oanahon ni Huseng Sisiwat ni Balagtas hanggang 1964. 4. Makiling ni Gonzalo Flores (1964). Nagkamit din ito ng gantimpala sa Timpalak-Palanca. PANITIKANG TULUYAN TULUYAN o PROSA – nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata. A. NOBELA – isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. KARANIWANG TEMA NG NOBELA: Ang mga akdang naisulat sa panahong ito ay nagtataglay ng mga katangian ng diwang nasyonalismo o pag-ibig sa bayan. Ang diwa ng mga akda ay may himig ng paglaban sa kolonyalismo. Hindi na lamang umaaliw ang mga nobela sa panahong ito kundi ang mga nobela ay naging daan na rin ng pagkamulat ng mga mambabasa sa maraming pangyayari sa lipunan. Naging tema sa panahong ito ang magandang daigdig ng mga mayayamanat ang karahasan ng mga may kapangyarihan. Ang mga nobelang naisulat sa panahong iyon ay kinakitaan ng kamalayang panlipunan at damdaming makabayan. Nakita rin ang pagbabago sa paraan ng pagsusulat, sa nilalaman ng o paksa. MGA TANYAG NA NOBELA AT MANUNULAT Amado V. Hernandez – “Mga Ibong Mandaragit” at “Luha ng Buwaya” Dominador Mirasol – “Mga Halik sa Alabok” Celso A. Carunungan – “Satanas sa Lupa” Efren Abueg – “Dilim sa Umaga” Lazaro Francisco – “Daluyong” Rogelio Ordonez - “Apoy sa Madaling Araw” Rogelio Sicat – “Dugo sa Bukang Liwayway” Virgilio Almario (Rio Alma)- “Unang Siglong Nobela sa Filipinas” Epifano San Juan - “The Ashes of Pedro Abad Santos and Other Poems” Edgardo Reyes - "Sa Mga Kuko ng Liwanag" Andres Cristobal Cruz – Sa Tondo Man May langit Din B. MAIKLING KWENTO KATANGIAN NG MAIKLING KWENTO Ang diwa o tema ay mapanghimagsik. Gumamit ng simbolismo. Makatotohanan ang paksa. Gumamit ng mararahas at matatalim na lenggwahe. May layuning magmulat at magpatinag sa mga mambabasa upang magpasya at kumilos. MGA MAIKLING KWENTO AT MANUNULAT Banyaga ni Liwayway Arceo Impeng Negro ni Rogelio Sicat Tata Selo ni Rogelio Sicat Isang Araw sa Buhay ni Lazaro ni Jose Rey Munsayac Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel ni Efren Abueg Servando Magdamag ni Ricky Lee C. DULA Sina Simplicio Flores at Jacobo Enrique ay nakapaglimbag ng sampung dulang tig-iisang yugto. Taong 1968 naman nang malimbag ang pitong dula ni Dionisio Salazar. A. Iisahing Yugto ng Dula 1. “Hulyo 4, 1954 A.D.” – Unang dulang nagkamit ng Gantimpalang Palanca 2. Sinag sa Karimlan 3. Dilubyo 4. May Pag asa B. Tatlong Yugto 1. Putik sa Mukhang Buwan C. Sarsuwela 1. Bukang Liwayway 2. Florante at Laura DALAWANG URI NG DULA Dulang romantiko o dulang pag-ibig – ito ay pumapaksa sa pag-iibigan ng isang mayaman at isang mahirap na may bahid ng kamalayang panlipunan sapagkat ang nagiging suliranin ng magnobyo ay kung paano mapabubuti o maiaangat ang kanilang kalagayan sa buhay. Halimbawa: “Dapat Isumpa” ni Dolores Tensuan Dungo Dulang mapanghimagsik – ito ang mga dulang nag-ibang landas sa paksa at pamamaraan ng pagtatanghal, hindi na nagiging maligoy at mahahaba ang mga dayalogo ng mga tauhan, may mga kaisipan at pangyayaring ipinahihiwatig na lamang sa pamamagitan ng pagbibitin ng mga pangungusap. o Halimbawa: “Paglilitis ni Mang Serapio” (Ginamitan ng Ekspresyonismo “Moses! Moses!” (Ginamitan ng Realismong Panlipunan) MGA NAKILALANG MANDUDULA NG PANAHON 1. Dionisio Salazar -Premyadong manunulat at hindi matatawaran ang kaniyang husay at galing at isa sa tanyag niyang dula ay ang SINAG SA KARIMLAN 2. Simplicio Flores 3. Jacobo Enriquez 4. Rogelio Sikat -Isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. -Siya ay tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang maikling kuwento 5. DolOres Tensuan- Dungo “Dapat Isumpa” 6. Fausto J. Galauran -Isa sa mga Pilipinong manunulat na may pinakamaraming nasulat na nobela. Isa siya sa mga batikang manunulat ng panitikan. - “Bulaklak ng bayan-1930 7. Bernardo Lopez D. SANAYSAY Isang anyo ng panitikang tuluyan na humahamon sa mambabasa upang mag-isip tungkol sa palagay o kuro-kurong may-akda tungkol sa isang paksa. Ito ay isang akdang kinababakasan ng panlasa at hilig, saloobin at paniniwala, kalagayan at katauhan, karanasan at kaalaman ng may-akda. Ang sanaysay ay humantong sa kanyang kataluktukan sa pagitan ng mga taong 1945 hanggang 1950. Sa pahanon ng aktibismo, ang sanaysay ay di-gaanong nabigyan ng pansin. Ang mga sanaysay na nasulat sa panahong ito ay mga sinulat ng mga mag-aaral ba nagsisisali sa mga patimpalak na itinataguyod ng mga paaralan at mga samahang nagpakita ng pagmamalasakit sa uri ng panitikang ito. URI NG SANAYSAY Pormal (Maanyo) o Layunin nito na magpaliwanag, manghikayat, at magturo. o Gumagamit ng mga piniling salita kaya may kabigatang basahin o Pampanitikan ang uri sapagkat matalinhaga o Mapitagan ang tono o Obhektibo o hindi kumikiling sa damdamin ng may akda. Di-Pormal (Malaya) o Ang layunin naman ng di-pormal ay magpatawa at maging salamin ng saloobin at kondisyong pangkaisipan ng mga mambabasa. o Ang pagtalakay ay parang nakikipag-usap o Ang mga salitang ginagamit ay karaniwan kaya madaling maunawaan. o Palakaibigan ang tono kaya tinatawag ding pamilyar. o Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may akda. PANAHON NG BATAS MILITAR AT BAGONG LIPUNAN (1972-1985) Ano ang Batas Militar? Ito ay ang pagpapataw ng kapangyarihang militar sa isang lugar dulot ng pangangailangan. Ipinatutupad ito kapag ang pamahalaang sibilyan ay hindi nakagaganap sa tungkuling gaya ng pagpapanatili ng kaayusan ng lugar, hindi makontrol ang kaguluhan at protesta, nagkaroon ng malawakang paglabag sa batas, o may giyera at pananakop. Mga Mahahalagang Pangyayari: Sa unang dalawang taon ng dekada 70 ay humantong sa kasukdulan ang damdaming naghihimagsik ng mga kabataan bunga ng pagkasawa sa nakikitang tila pagwawaang bahala ng pamahalaan sa palala ng palalang kalagayan ng bansa – paglaganap ng mga katiwalian at kabulukan sa pamahalaan na siyang tinutukoy na ugat ng paghihirap ng mga mamamayan. Ang protesta ng mga kabataan ay humantong sa pagsigaw nila sa mga kalye na nagging dahilan ng kaguluhan ng buong bansa sapagkat ang mga kabataang humihingi ng pagbabago sa pamahalaan ay nasamahan ng ibang pangkat na ang layunin ay hindi reporma o pagbabago sa pamahalaan kundi palitan ang pamahalaan. Idineklara ng noo’y pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Mga Sanhi ng pagdeklara ng Batas Militar: 1. Ang pagtambang ng kay Juan Ponce Enrile—na siyang Kalihim ng Tanggulang Bansa noon na naganap sa Wack-Wack habang pauwi sa Dasmariñas Village, Makati. 2. Ang paglakas ng pwersa ng mga komunistang grupo 3. Ang patuloy na kaguluhan sanhi ng mga demostrasyon laban sa pamahalaan 4. Pagpapasabog sa Plaza Miranda Ipinatigil ng militar ang operasyon ng mass media, ipinakansela ang mga biyaheng panghimpapawid, at ipinagbawal ang pagtanggap sa mga tawag mula sa ibang bansa noong Setyembre 23 nang binasa ni Francisco Tatad, ang Press Secretary noon, ang Proklamasyon Blg. 1081. Pansamantala ring ipinahinto ang publikasyon ng mga pahayagan, ang sirkulasyon ng mga ito, pambansa man o pampaaralan. Pinahinto rin ang pagpapalabas ng mga panooring pang telebisyon Nabuo ang akronim na PLEDGES kung saan nakapaloob ang reporma ng pamahalaan: Peace and Order (Kapayapaan at Kaayusan) Land Reform (Reporma sa Lupa) Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan) Development of Moral Values (Paglinang ng Kahalagahang Pantao) Government Reforms (Mga pagbabago sa pamahalaan) Educational Reform (Repormang Pampaaralan) Social Reform (Repormang Panlipunan) Sinikap sa panahon ito ang paghinto sa mga malalaswang basahin at mga akdang nagbibigay ng masamang impluwensya sa moral ng mga mamamayan. Opisyal na nagtapos ang batas militar noong Enero 17, 1981 sa pagpapabisa ng Proklamasyon Blg. 2045. KALAGAYAN NG PANITIKAN - Karamihan sa mga panitikan ng panahong ito ay patungkol sa ikauunlad ng bayan. - Punung-puno ng damdaming mapanghimagsik - Nagkaroon ng kamulatang panlipunan - Maliban sa makinilya, gumamit din sila ng pinsel at isinulat sa mga plakard, sa pulang pintura ang mga kaugnay na salitang nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka - Tinalakay nila ang kabulukan ng lipunan at pulitika Isa sa mga bagay na laging maaalala sa panahon ng Bagong Lipunan ang malaganap na popularidad ng mga Islogan. Halimbawa: Hinggil sa Kahalagahang pantao: Sa ikauunlad ng bayan, Disiplina ang kailangan. Hinggil sa Programang pangkabuhayan: Magplano ng pamilya, Nang buhay ay lumigaya Tayo’y magtanim upang mabuhay PANITIKANG PATULA Mga paksa ng tula: Pagkakaisa Pagpapahalaga sa pambansang kultura Pag-uugali Kagandahan ng kapaligiran MGA TULA SA PANAHON NG BATAS MILITAR AT BAGONG LIPUNAN 1. Pilipino: Isang Depinisyon ni Ponciano B. Pineda 2. Tula: Sa Aking Panahon - CC Marquez, Jr. 3. Uod – Rogelio Salandanan 4. Ang Gabi – Armando Almario 5. Taga sa Bato – Romulo Sandoval (1981) kung saan ginamit niya ang sagisag panulat na “Victor Buenviaje” 6. Punta Blangko – Mike L.Bigornia, ginamit niya ang sagisag na “Haraya Negra” 7. Bakasyunista ni Tomas F. Agulto, ginamit niya ang sagisag na “Sarhento J. dela Cruz” 8. “Ang mga Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz” ni Jose F. Lacaba 9. “Doktrinang Anak Pawis” ni Virgilio Almario 10. “Polusyon” ni Beinvenido Ramos Ang pagbibigay ng gawad parangal at pagkilala sa mga natatanging tulang nasulat ay ipinagpatuloy ng Gawad Palanca. Gayundin naman, tumatanggap ng pagkillala ang mahuhusay na makata mula sa Timpalak Literaryo ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at sa Talaang Ginto. Ang Talaang Ginto ay pagkilala ng Surian ng Wikang Pambansa sa pinakamahusay na tulang naisulat sa isang takdang panahon. Ipinagkaloob ang parangal sa mga sumulat ng mahuhusay na tula kasabay ng pagdiriwang ng Arawni Balagtas na isinasagawa tuwing Abril 2, sa araw ng kapanganakan ng dakilang si Francisco Baltazar. Sa Timpalak Literaryo na pinamahalaan ng Cultural Center of the Philippines, kabilang sa mga makatang nabigyang parangal ay ang mga sumusunod: 1. Gloria Villaraza Guzman – Nagsaaklat ng librong Handog ng Kalayaan 2. Jesus Miguel Santiago – Nagkamit ng ikalawang gantimpala sa Tmpalak ng Tula ng CCP noong 1976 Ilan pang mga makata noong panahong ito: 1. Ponciano B. Pineda Itinuring si Ponciano Pineda bilang “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” dahil sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon batay sa Seksiyon 9 ng ating Saligang Batas. Siya ay isang manunulat, guro, linggwista at abogado Naging direktor siya ng Komisyon sa Wikang Filipino na dati ay Surian ng Wikang Pambansa sa taong 1971 hanggang 1999. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinimulan ni Pineda ang mga sosyo-linggwistikong pananaliksik, na layong palaguin ang wikang pambansa. Isa na rito ang patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Filipino. Sa ilalim ni Pineda ay may malaking pagbabago sa mga patakaran ng wika: ang bilingual na edukasyon sa taong 1974; Filipino bilang pangunahin at pambansang wika sa 1983 ng mga Pilipino; at alpabetong Pilipino na binubuo ng 28 titik sa 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong kapuluan. 2. Jose F. Lacaba Isa si Jose F. Lacaba, na mas kilala bilang Pete, sa mga itinuturing na batikang scriptwriter ng pinilakang tabing. Kinilala ng mga kritiko ang kahusayan ng ilan sa mga pelikula ni Lacaba tulad ng “Bayan Ko: Kapit sa Patalim,” “Orapronobis,” “Sister Stella L.,” “Jaguar” at “Segurista.” Isa sa kalakasan ng mga pelikulang isinulat ni Lacaba ay ang paggamit ng lenggwaheng gagap ng mga pangkaraniwang manonood. Katambal nito ang pagbibigay-buhay ni Lacaba sa mga tauhang nakabatay sa mga taong araw-araw lang nating nakakasalimuha. Dinala niya ang mga leksyon ng lansangan sa kaniyang mga pelikula. Makikita ito sa tapang at talas ng kaniyang mga isinulat na pelikula. Pinakamapangahas dito ay ang “Orapronobis” na idinirehe ni Lino Brocka noong 1989. Inilarawan ng “Orapronobis” ang mga paglabag sa karapatang pantao at pandarahas sa mga nagsusulong pagbabago sa lipunan matapos ang pagbagsak ng diktadurang Marcos at panunumbalik umano ng demokrasya. Sa sobrang tapang ng pelikula, hindi ito kailanman naipalabas sa komersyal na sinehan matapos hindi pahintulutan ng administrasyon ni Cory Aquino ang pagpapalabas nito. 3. Virgilio Almario Isa sa mga nangungunang makata, iskolar, at kritiko sa bansa, bukod sa pagiging mahusay na propesor, tagasalin, pabliser, editor, leksikograpo, at tagapamahalang pangkultura. Bilang makata, kilalá siyang si Rio Alma. Inilathala niyá noong 1967 ang kaniyang unang koleksiyon ng mga tula, ang Makinasyon at Ilang Tula. Lahat ng nailathala niyáng tula bago matapos ang ika-20 siglo ay tinipon ng U.P. Press at inilimbag sa dalawang tomong Una Kong Milenyum (1998). Noong 1972, inilathala niyá ang Ang Makata sa Panahon ng Makina, isang kalipunan ng mga panunuring pampanulaan. Sinundan pa ito ng mga pag-aaral hinggil sa kasaysayang pampanulaan at mga pananaliksik tungkol sa katutubong tradisyon ng pagtula, kabílang ang Taludtod at Talinghaga (1965; 1991), Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino (1981), Balagtasismo Versus Modernismo (1984), Kung Sino ang Kumatha Kina Bagongbanta, Ossorio, Herrera, atbp. (1992), Panitikan ng Rebolusyon (g 1896) (1993), at Pag-unawa sa Ating Pagtula (2006), Mahigit Sansiglo ng Makabagong Tula sa Filipinas (2006). 4. Teo T. Antonio Siya si Teodoro Teodoro Antonio. Anak ni Emilio Mar Antonio na tinaguriang hari ng balagtasan noong 1950’s. Kilala sa kanyag pinaka tanyag na akda na “Piping- Dilat”. 5. Bienvenido Ramos Siya ang isa sa tatlong kagawad ng magasing Liwayway ng nagtatag ng pahayagang “Balita” bago idineklara ni Marcos ang Martial Law noong 1972. Bagama’t nanatiling malaya at “mapaghimagsik” ang kanyang kaisipan at panulat, kinilala ni Marcos ang galing niya nang sa kanya ipasalin noong 1978 sa Pilipino ang aklat na sinulat ni Marcos, ang “The Democratic Revolution in the Philippines”. Siya rin ang madalas sangguniin ng Surian ng Wikang Pambansa (Komisyon ng Wikang Filipino ngayon) – tungkol sa wasto at matatandang salitang Tagalog, lalo na ang may kaugnayan sa matandang kultura; siya rin ang naging palagiang “resource peson” ng Kagawaran ng Edukasyon sa taunang Secondary School Press Confernce – sa mga paksang ukol sa pagsulat ng balita, editorial at lathalain sa Pilipino mula noong 1975. Mga Awiting Pilipino sa Panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunan Nakatulong sa pagtataguyod ng mga klasikal na awiting Pilipino ang mga lingguhang konsyerto, ballet at dulang itinanghal sa CCP. Awiting nilikha upang gamiting Propaganda: (Mga Pililing Bahagi) A. Bagong Lipunan Nagbabago ang lahat Tungo sa pag-unlad May bagong silang At ating itanghal May bago nang buhay Bagong bansa, bagong galaw Ang gabi magmaliw nang ganap Sa bagong lipunan At lumipas na ang magdamag Madaling araw ay nagdiriwang Sa umagang daratal. Ngumiti na ang pag-asa Sa umagang anong ganda (Ulitin ang unang bahagi) – B. Tayo’y Magtanim Lahat na makakain ay ating itanim Magtanim, magtanim tayo’y magtanim Gawing kulay luntian ang kapaligiran Magtanim, magtanim upang mabuhay Magtanim, magtanim Tayo nang magtanim upang mabuhay. C. Anak Nung isilang ka sa mundong ito At ang una mong nilapitan Laking tuwa ng magulang mo Ang iyong inang lumuluha At ang kamay nila At ang tanong nila ANAK Ang iyong ilaw Ba't ka nagkaganyan? At ang nanay at tatay mo'why At ang iyong mata'why biglang lumuha Di malaman ang gagawin Ng di mo napapasin Minamasdan Pagsisisi at sa isip mo't nalaman Pati pagtulog mo Mong ika'why nagkamali At sa gabi'why napupuyat ang iyong nanay Sa pagtimpla ng gatas mo At sa umaga nama'why kalong ka ng iyong Amang tuwang-tuwa sa yo' Ngayon nga ay malaki ka na Nais mo'why maging Malaya Di man sila payag Walang magagawa Ikaw nga ay biglang nagbago Nagging matigas ang iyong ulo At ang payo nila'why Sinuway mo Di mo man lang inisip na ang Kanilang ginagawa'why para sa yo Pagka't ang nais mo'why másunod Ang layaw mo dimo sila pinapansin Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo'why maligaw Ikaw ay nalulong Sa másama bisyo C. PANITIKANG TULUYAN a. MAIKLING KUWENTO Nagpatuloy nag Gawad Palanca sa pagkakaloob ng gantimpala sa mga namumukod na maikling kuwento. Sumigla ang pagsulat ng mga manunulat ng mga paksang hitik sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan ngunit walang nalathalang mga kuwentong tumutuligsa sa Batas Militar at ang epekto nito sa sa karapatang pantao at kalayaan ng mga mamamayan. Mga paksa ng maikling kuwento: 1. Pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka 2. Pagbabalik bukid ng mga tauhang nasasakal na sa magugol at mausok na lungsod 3. Mga pangaraw araw n apangyayaring kapupulutan ng aral 4. Kahirapan ng pagkakaroon ng maraming anak Mga manunulat: - Alfredo Lobo - Mario Libuan - Augusto Sumilang - Lualhati Bautista - Reynaldo Doque - Benigno Juan - Benjamin Pascual - Domingo Landicho Bukod sa Gawad Palanca, isa pa sa nakatulong upang mapasigla ang pagsulat ng maikling kuwento sa panahon ng Bagong Lipunan ang “Sagisag”. Nagkaloob din ito ng Gawad Sagisag. Magasing “sagisag” b. NOBELA Naging balakid sa pagsulong ng nobela ang suliranin sa pagpapalimbag. Bukod sa kamahalan ng pagpapalimbag, nakadaragdag pa sa kawalan ng insentibo ng mga nobelista na sensura sa nilalaman mga inilathala. Ginto ang Kayumangging Lupa” ni Dominador Mirasol “May Tibok ang Puso ng Lupa” ni Beinvinido Ramos “Gapo” ni Lualhati Bautista “Dekada 70” ni Lualhati Bautista “Hulagpos “ ni Mano de Verdades Posadas c. DULA 1. DULANG PALABAS ANG RADYO AT TELEBISYON -Ang radyo ay patuloy pa ring tinatangkilik nang panahong ito. Ang kanyang dugtungang “Si Matar”, “Dahlia”, “Ito ang Palad Ko,” at “Mr. Lonely,” at iba pa ang naging pampalipas oras o libangang pakinggan ng ating mga kabataan. -Subalit di maikakaila na maraming artista sa radyo na lumipat sa telebisyon sa dahilang mas malaki ang bayad ng pagganap sa telebisyon kaysa sa radyo. Ilan dito ay sina Augusto Victa, Gene Palomo, Mely Tagasa, Lina Pusing, Ester Chavez, Luz Fernandez, at iba pa. -Ang mga dula sa telebisyon nang panahong ito na labis na tinagkilik ng marami ay ang Gulong ng Palad, Flor de Luna, Anna Liza at iba pa. -Ang “Superman” at “Tarzan” ay kinagiliwan ng mga bata nang panahong ito. ANG PELIKULANG PILIPINO -Nagkaroon ng Pista ng mga Pelikulang Pilipino sa panahong ito. Sa ganitong kapistahan ay pawang mga pelikulang Pilipino ang ipinalalabas sa mga sinehan sa Metro Manila. Ginagawaran ng gantimpala at pagkilala ang nagwawaging mga pelikula at artista. -Nagsilabas sa panahong ito ng Bagong Lipunan hanggang 1979 ang mga pelikulang walang romansa o seks subalit tinangkilik dahil sa kakaibang kayarian nito. MGA PELIKULA: 1. “Maynila…Sa mga Kuko ng Liwanag” – sinulat ni Edgardo Reyes. Isinapelikula sa direksyon ni Lino Brocka sa pangunguna ni Bembol Roco. 2. “Minsa’y Isang Gamu-gamo” – ang pangunahing bituin dito ay si Nora Aunor. 3. “Ganito Kami Noon…Paano Kayo Ngayon” – pinangunahan nina Christopher de Leon at Gloria Diaz. 4. “Insiang” – pinangunahan ni Hilda Coronel 5. “Aguila”- pinangunahan ni Fernando Poe Jr., Jay Ilagan, at Christopher de Leon. Ngunit hindi pa rin napahindian nang panahong ito ang mga pelikulang nahihinggil sa seks na kinagiliwan ng mga tao. Mula sa mga inangkat na pelikula sa ibang bansa na natutungkol dito at maging ang mga pelikulang Pilipino ay ito ang naging kasangkapan ng mga prodyuser sa pagkita ng salapi mula sa takilya. 2. DULANG PALOOB Sa pangunguna ng Unang Ginang Imelda Marcos muling sumigla ang mga manunulat sa sining at kultura. Ipinatayo ang Cultural Center of the Philippines kung saan itinatanghal ang mga konsiyerto at dula. Ang nagging tema ng mga maikling kwento, nobela, at tula ay pagkamabansa, at paglaban sa mga naapi. Naitayo ang samahan ng mandudula gaya ng PETA at StudentsDramatic Guild at ang lalong nakilala ay ang UP, Ateneo, De La Salle University, at ang Manila Theatre Guild. Mga Unang Dulang Naitanghal Metropolitan Theater Isang Munting Alamat Portrait of the Artist – Lamberto Avellana Mga Unang Dulang Naitanghal Cultural Center of the Phil. Halik sa Kampilan – Leonardo Ilagan Usa Ka Kasalan (dulang musikal sa Bisaya) – Orlando Nadres Tales of the Manuvu (dulang rock opera) – Bienvenido Lumbera Mga Unang Dulang Naitanghal Dulaang Raha Sulayman (Fort Santiago) Itinanghal din dito ang mga lumang dulang gaya ng senakulo at duplo. Kabilang dito ang: “Sakada” “Kabesang Tales” “Juan Obrero” Samahang Pandulaan Philippine Educational Theater’s Association (PETA) Cecile Guidote Alvarez at Lino Brocka UP Repertory Behn Cervantes Teatro Pilipino Rolando Tinio Bagong Sibol (Ateneo University) Binuo ni Amelia Lapena Bonifacio ng UP ang Teatrong Mulat, isang pangkat na nagtatanghal ng mga dula para sa mga kabataan. Mga Pangunahing Mandudula noon: Jose Y. Dalisay Edgar Maranasan Isagani Cruz Dong de los Reyes Tony Perez Paul Dumol Nagpatuloy rin ang Palanca sa paggawad ng parangal sa mga dulang may iisahing yugto. Isa sa pinagkalooban ng gantimpalang Palanca noong 1975 ay ang “Sidewalk Vendor” ni Reuel Molina Aguila. Ito’y naglalarawan ng buhay ng mga kabataang lalaking sidewalk vendor. Mga Manunulat ng dula: Rosario de la Cruz “Ang Huling Pasyon ni Hermano Pule” Elynia Ruth Mabanglo “Si Jesus at si Magdalena” Reuel Molina “Sidewalk Vendor” Nonilon Queano “Nang Pista sa Aming Bayan” Rene Villanueva “May Isang Sundalo” Dong de los Reyes “Bulkang Sumambulat... ang Pigsa” d. TALUMPATI AT SANAYSAY - Ang talumpati at sanaysay ay mga uri ng panitikang namalasak at ganap na pinakinabangan sa panahon ng Bagong Lipunan. Ito ang nagging daan at behikulong ginamit ng noon ay Pangulong Marcos upang maipaabot sa sambayanang Pilipino ang adhikain at layunin ng noon ay itinataguyod na Bagong Lipunan ng mga Pilipino. ANG PAHAYAGAN, KOMIKS, MAGASIN, AT IBA PANG BABASAHIN -Sa panahong ito ng Bagong Lipunan, nagbihis ng panibagong anyo ang nilalaman ng mga pahayagan. Ang mga balitang dati’y naglalahad ng karahasan tulad ng patayan, nakawan, panggagahasa, at iba ay napalitan ng mag balitang pangkaunlaran, pangekonomiko, disiplina, pangkultura, turismo at iba pa. Mga Pahayagan: 1. Bulletin Today 5. Pilipino Express 2. Times Journal 6. Phil Daily Express 3. Peolple’s Journal 7. Evening Express 4. Balita 8. Evening Post -Sadyang nakahiligan nang basahin ng mga mamamayang Pilipino ang magasing Liwayway simula noong 1922. Bukod sa Liwayway, ang ilan pang magasing mababasa nang panahong ito ay ang: 1. Kislap 2. Bulaklak 3. Extra Hot 4. Jingle Sensation -Bukod sa mga magasin, para namang mga kabuteng nagsisulpot ang mga komiks na siyang kinagigiliwang basahin ng marami. Kabilang dito ang mga sumusunod: 1. Pilipino 4. Klasik 2. Hiwaga 5. Espesyal 3. Love Life Sa kabuuang tanaw, masasabing ang sangay ng Panitikang Pilipino na nanaluktok sa Bagong Lipunan ay ang mga sanaysay, mga talumpati at tula. Ang matutukoy na katangian ng panitikan sa panahon ng Bagong Lipunan ay : 1. Nagtataglay ng diwang makabansa 2. Kinabakasan ng pagmamalaki sa pagka-Pilipino 3. Nanghihikayat ng disiplina sa sarili 4. Umaakit ng kamulatan at pananagutang panlipunan para sa kaunlarang panlahat 5. Hindi kinakitaan ng karahasan sa paggamit ng wika ang mga manunulat. References: batas militar. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/batas-militar/ Soriano, T. (March 10, 2014). Panahon ng bagong lipunan. From https://prezi.com/yvasiuwynczl/panahon-ng-bagong-lipunan/ https://www.officialgazette.gov.ph/featured/deklarasyon-ng-batas-militar/ https://varsitarian.net/news/20090830/ponciano_pineda_81 https://www.pinoyweekly.org/2013/08/ang-kagila-gilalas-na-sining-ni-jose-f-lacaba/ https://philippineculturaleducation.com.ph/almario-virgilio/ http://bienramos.blogspot.com/2012/06/bienvenido-ramos.html PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA Kabanata 10 KALIGIRANG KASAYSAYAN  Ika- 2 ng Enero, 1981 – Inalis ang bansa sa ilalim ng Batas Militar.  Ang pagkakaalis ng bansa sa ilalim ng Batas Militar ay isang pagbabago kaya’t ito’y tinawag ng dating pangulong Marcos na “Ang Bagong Republikang Pilipinas”.  Isa namang mananalaysay ang nagsabi na ito ang panahon ng ikatlong Republika. Ang unang republikang kanyang isinaalang-alang ay ang Republikang Pilipinas sa panahon ni Emilio Aguinaldo;  Ikalawa, ang paglaya natin sa ilalim ng pamahalaang Amerikano;  Ikatlo, dahil muli na naman daw naging malaya ang bansa sa pagkakaalis nito sa ilalim ng Batas Militar.  Agosto 21, 1983 – Pinatay ang dating Senador ng bansa na si Benigno Aquino Jr., ang idolo ng masang Pilipino na matagal na nilang mithing maging pangulo ng bansa. ANG PANULAANG TAGALOG SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA  Ang mga tula sa panahon ng ikatlong Republika ay may pagka- romantiko at rebolusyonaryo. Lantaran kung ito’y tumuligsa sa mga nagaganap noon sa ating pamahalaan. Ang hinaing ng mga mamamayan ay nakatambad sa wikang maapoy, marahas, makulay at tila mapagtungayaw. - “Uod” (ni Rodolfo S. Salandanan) - “Pilipinas, Sawi kong Bayan” (ni Francisco ‘Soc’ Rodrigo) MGA AWITING FILIPINO  Mga paksang madarama sa buhay ang nilalaman ng mga awiting Filipino nang panahong ito.  “Laban Na” – nina Coritha at Eric - Unang inawit ito ni Coritha sa isinagawang National Unification Conference ng Oposisyon (Marso, 1985) - Inawit din ito sa idinaos na “Presidential Campaign Movement for Cory Aquino” upang magbigay inspirasyon sa kampanya sa pagpapabagsak sa Marcos Movement noong Pebrero5, 1986.  “Bayan Ko” – ni Freddie Aguilar - isinulat nina Jose Corazon de Jesus at C. de Guzman noong panahon ng Amerikano.  “Pilipino” – Sariling likhang awitin ni Freddie Aguilar. ANG PELIKULANG FILIPINO  Nagpatuloyang pagiriwang ng pagdiriwang ng taunang Pista ng mga Pelikulang Filipino.  Lalong di napigil ang pagkagiliw ng mga tao sa mga pelikulang nahihinggil sa sex. Kaya naman sinamantala ang mga ganitong uri kahit na ito’y nakapagpapababa sa moralidad ng mga Pilipino. MGA PAHAYAGAN, KOMIKS, MAGASIN AT IBA PANG BABASAHIN : PAHAYAGAN :  “Crony newspapers” – mga di-makatutuhanang pahayag na taliwas sa mga nagaganap sa ating kapaligiran. - Bulletin Today - Peoples Journal - Peoples Tonight o Mga pahayagang tinangkilik ng marami at pinaniniwalaang nagpapahayag ng mga totoong pangyayari : - Forum - Daily Inquirer - Manila Times - Malaya KOMIKS at MAGASIN  Kislap  Modern Magasin  Bulaklak  Liwayway  Extra Hot  Jingle Sensation  Lovelife  Extra  Aliwan  Hiwaga  Holiday ANG TIMPALAK-PALANCA :  Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature – pinakaprestihiyosong gawad pampanitikan ng bansa. TULA 1981- “Taga Sa Bato”- isang matalinghangang tulang isinulat ni Romulo A. Sandoval na gumamit ng sagisag na “Victor Buenviaje”. 1982- “Odyssey Ng Siglo”- isang madamdaming tula ni Cresenciano C. Marquez, Jr. na ikinubli ang tunay na pangalan sa sagisag na “Eva A. Dan.” 1983- “Sa Panahon ni Ligalig”- ni Jose F. Lacaba na gumamit ng sagisag na “Bernardo Makiling” 1984- “Bakasyunista”- ni Tomas F. Agulto na kumubli sa sagisag na “Sarhento J. de la Cruz” 1985- “Punta Blangko”- ni Mike L. Bigornia, sa sagisag na “Haraya Negra” MAIKLING KWENTO 1981- “Di Mo Masilip ang Langit”- ni Benjamin P. Pascual, sa sagisag na “Radamen” 1982- “Tatlong Kwento Ng Buhay ni Julian Candelabra”- sinulat ni Lualhati Bautista de la Cruz, sa sagisag na “Joy Marela” 1983- “Pinagdugtung-dugtong Na Hininga Mula Sa Iskinitang Pinagpiyestahan ng mga Bangaw”- akda ni Agapito M. Lugay na nagtago sa sagisag na “Peping de la Cruz” 1984- “Sa Kaduwagan Ng Pilikmata” – Fidel D. Rillo, Jr. sa sagisag na “Virginia Rivera” 1985- “Unang Binyag”- ni Ernie Yang sa sagisag na “Homer” Sanaysay 1981- “Sa Sariling Panunuring Pampanitikan; mga hamon at Panangutan”_sinulat ni Pedro L. Picarte, na gumagamit ng sagisag na “Priscilla R. Moreno.” 1982- “Isang Liham Sa Baul Ng Manunulat”- ni Fanny A. Garcia, sa sagisag na “Simone” 1983- “Ang Kontemporaryong Nobelang Tagalog”- ni Rosario Torress Yu, sa sagisag na “J. de la Cruz” 1984- “Mga Tinik Sa Dambuhalang Bato”- ni Lilia Q. Santiago sa sagisag na “Abante Altamonte”. 1985- Espesyal na gantimpala ang natanggap ni Fidel Rillo, Jr. sa kaniyang sanaysay na nasusulat sa Tagalog at may pamagat sa Ingles na “Now For the Fun of the Flowing Gutter”. Don Miguel del Vino ang sagisag na ginamit. MAIKLING KUWENTO Mga Nagkamit ng unang gntimpala sa Timpalak- Palanca noong 1981-1985 :  “Di mo Masilip ang Langit” ni Ramaden (Benjamin Pascual)  “Sa Kaduwagan ng Pilikmata” ni Virginia Rivera (Fidel D. Rillo, Jr.)  “Unang Binyag” ni Homer (Ernie Yang) DULA  “Huling Gabi sa Maragondon” ni Reanto O. Villanueva (1983). - gumamit ng sagisag na Andres Magdale. NOBELA 1984- muling nagsimula ang Timpalak- Palanca sa pagpili ng pinakamahusay na nobela. Ang pagpili sa larangang ito ay isasagawa lamang tuwing ikatlong taon. La Tondena, Inc. – tagapagtaguyod ng Timpalak- Palanca. Panitikan sa Kasalukuyan (1986) KALIGIRANG KASAYSAYAN Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala rin ng may labing-apat na taon. Sa loob ng apat na araw, mula noong ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25 nito ay namayani ang tinatawag na “PEOPLE’S POWER” o LAKAS NG BAYAN. Maraming tagpong makabagbag-damdamin ang nasaksihan ng mga mamamayan na tunay na tatak-Pilipino. Sa apat na makasaysayang araw ay naroon ang magkakahawak-kamay at balikat sa balikat na Barikada, higaan sa kalye, pagsalubong ng mga ngiti, pagmamakaawa, pagsasabit ng mga bulaklak sa mga taong nasa tangke na lulusob sana sa pinararatangang dalawang “rebelde”-ENRILE-RAMOS, ‘pagkat sumama na sa pangkat ni Aquino. Muling naipamalas ng mga Pilipino ang samahang bayanihan tulad ng pagbabahagi ng mga pagkain at inumin. Lumabas ang ganda ng pag- uugaling Pilipino. Muling nasilayan ang pagtutulungan, pagmamalasakitan, pagkakaisa, pagbibigayan, pagkamatiisin, pagmamahal sa bayan, pagsunod sa batas, pag-unawa sa kapwa, pananalig sa Panginoon at marami pang iba na iisa ang tibok ng puso, iisa ang pulso, walang relihiyon, walang rehiyon, marunong man o mangmang, mayan o mahirap. Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring PILIPINO..ang mga Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sariling bansa sa salita man o sa gawa. At para sa mga mamamayang Pilipino, ito pa lamang ang tunay na bagong Republika – “ang Tunay na Bagong Republikang Pilipinas.” KALAGAYAN NG PANITIKAN Bagama’t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na RepublikangPilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mga pagbabagong ito ay madarama na sa ilang mga TULA, AWITING PILIPINO, sa mga PAHAYAGAN, sa mga SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa mga PROGRAMA SA TELEBISYON. PANULAAN SA KASALUKUYAN Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata: a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang may tiwaling gawin b. pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan. Halimbawa: Giting ng Bayan ni Francisco Soc. Rodrigo I Akala ni Marcos, ay pampalagiang Kaniyang mabobola’t mapaglalaruan Ang dating maamo at sunud-sunurang Mga matiisin nating taong bayan. II Salamat sa Diyos, ngayon ay gumising Itong baying dati’y waring nahihimbing Salamat at ngayo’y sumiklab ang giting Nitong Bayang dati ay inaalipin. III Kaya nama’t ngayon ay taas noo Nating Pilipinoo sa harap ng mundo Pagkat tayo’y laang magsakripisyo Sa ngalan ng laya ng tama’t totoo. Himala ni Bathala ni Francisco Rodrigo Walang bahid alinlangan, yaring aking paniwala Na himalang mahiwaga na nagmula kay Bathala Yaong mga pangyayaring hindi inakala Na nagbukas nang biglaan sa pintuan ng paglaya Para sa ‘ting inalipin at inaping Inang Bansa! At dahil nakatamo ng kalayaan sa pamamahayag ang mga manunulat, ang galak at tuwa sa kanilang mga puso ay mababakas na nag- uumapaw. Walang pakundangan nilang naipahayag ngayon ang kanilang nais ipahayag. AWITING PILIPINO Ang Magkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores, at E.dela Pena, ang Handog ng Pilipino sa Mundo ni Jim Paredes ay ilan sa mga awiting nagpakita ng makasaysayang tagpong naganap sa sambayanang Pilipino na hinangaan sa sandaigdigan. Ang binuhay na awiting Bayan Ko ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni Jose Corazon de Jesus ay ang pangunahing pumailanlang ngayon sa mga radyo at telebisyon. At dahil sa pagiging makasaysayan nito noong nakaraang matahimik na rebolusyon, iminungkahi ngayon sa “Constitutional Commission” na gawin itong pangalawang Pambansang Awit ng Pilipinas. SANAYSAY Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan ng mga Pilipino sa nakamit sa bagong kalayaan. MAIKLING KWENTO Ang katangian ng maikling kwento sa ngayon ay dala o buhat sa nagging nakagawiang pagsusulat ng mga makata noong panahon ng Hapon. Noong panahon na iyon ay ipinagbawal ang paggamit ng ibang salita maliban sa kanilang wika. Kayat nailimbag sa gintong pahina ng panitikang Filipino ang maikling kwento. Bagamat sa panahong ito ay naging masigasig ang mga manunulat sa kanilang katha, nanumbalik, nag-ala-dagliang kawalan ng banghay ng kwento. Nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay napapansin. Naging matimpi ang sa pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy. Ang mga katangiang iyan ay namalagi hanggang sa kasalukuyan at ito’y tinawag na kontemporaryong maikling kwento. Radyo at Telebisyon Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng tunay na niloloob nang walang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radyo at mga lumalabas sa telebisyon. Marami na sa panahong ito ang mga komentarista sa radyo at telebisyon kung saan pawang laman ng bibig ng mga ito ang hayagang pagpuna nila sa mga gawain ng mga nasa pwesto. Pahayagan, magasin, at iba pang babasahin Matapos mawakasan ang Batas-Marsyal, tila hudyat na rin ito ng pagpapanumbalik sa karapatan ng lahat ng mga Pilipino hinggil sa pamamahayag. Dumami pa ang nagsulputang mga pahayagan sa panahong ito. Inquirer Manila Bulletin Manila Times Philippine Standard PANITIKAN SA COMPUTER AGE Chat, FB, twitter, blog, IG, tumblr, youtube, jejemon, unli, website, usb, e-mail, download, wifi, connect, burn, scan, cd….Ito ay mga salitang karaniwan nang ginagamit ngayon sa ating wika at masasabing dulot ng teknolohiya. At dahil parte na ng ating buhay ang teknolohiya, mabilis ang pagbabagong idinulot nito sa buhay at lipunan. Mabilis din ang pagbabago sa papel na ginagampanan ng impormasyon sa ating trabaho, buhay, at pag-iisip. Ang mabilis na pagbabagong naganap sa buhay natin ay dala ng mabisang sandata ng teknolohiya – ang kompyuter, cellphone, at internet. Naging biswal na manipestasyon ng demokratisasyon sa internet, ng pamamahayag ang blogging—isang anyo ng pagsusulat sa espasyo sa Internet na nagbibigay ng kakayahan sa sinumang may Internet akses na magsulat ng kanyang nais isulat, at “ipalimbag” ito sa isang pandaigdigang saklaw. Ang presensya ng mabilisang input at feedback sa impormasyon ay isang katangiang hindi pa kayang lubos na gayahin ng isang print-based system. Kasunod nitong ang pagsulpot ng mga networking sites gaya ng friendster at facebook, naging madali ang pagpapahayag ng mga tao sa kanilang saloobin hinggil sa isang bagay. Sa libro (at minsan sa internet na rin), ay nakakakita ako ng mga akda na naisulat sa pamamagitan ng naghaharing paraan ng pagtetext – ang Hu-U-ismo. Kung saan ang karakterisasyon ng ganitong klase ng texting ay gumaGmit U bilng tXter ng mga kRaktern ms pNaikli at pNaarte ang dTing. Sila ang mga Pinoy na nagagawang ibahin ang Wikang Ingles sa punto na hindi na ito maunawaan. Samantala, ganito din ang pangyayari sa isang nabuong paraan ng pamamahayag, ang jejemonismo- kung saan !tÖ Ñm@n @¥ p@gp@p@l!t pÖwww Ñg k@r@kter n@ g@met zHa p@gtetetxt. Cellphone – nabago nito ang pang-araw-araw na komunikasyon; dito nabuo ang Hu-U-ismo at jejemonismo. Computer- Lol, BRB Internet-dito naglipana ang mga blogging sites kung saan hayagan ang pagpapahayag ng saloobin ng sinuman na nais makisawsaw sa isyu. “MARAMING SALAMAT”

Use Quizgecko on...
Browser
Browser