GNED-04-HANDOUT-ARALIN-1 PDF

Summary

This handout discusses the importance and significance of history. It covers different types of history, including factual and speculative history, and explores historical topics such as anthropology, architecture, geology, and archaeology. The document is likely used in a Filipino-language high school or undergraduate-level class to introduce fundamental concepts and perspectives on Philippine history.

Full Transcript

Pangalan: ______________________________________________ Araw ng klase: ________________________ Seksiyon: ______________________________________________ Oras ng klase: _________________________ BABASAHIN HINGGIL SA KASAYSAYANG NG PILIPINAS ARALIN I Ang Kabuluhan at Kahala...

Pangalan: ______________________________________________ Araw ng klase: ________________________ Seksiyon: ______________________________________________ Oras ng klase: _________________________ BABASAHIN HINGGIL SA KASAYSAYANG NG PILIPINAS ARALIN I Ang Kabuluhan at Kahalagahan ng Kasaysayan Ang salitang kasaysayan ay ang salinwika ng salitang Ingles na history. Ang history naman ay nagsimula sa salitang Griyego na ‘Historia’ na nangangahulugang pag- uusisa at pagsisiyasat. Ang kasaysayan ay isang sangay ng kaalaman kung saan pinagaaralaan ang mga pangyayaring naganap sa buhay ng tao, mga bansa, at daigdig nong mga nakalipas na panahon. Sa pamamagitan nito maaari nating makilala ang ating bayan at ating sarili. Ayon kay Dr. Zeus Salazar ang salitang ugat ng saysay ay may dalawang kahulugan; 1. Ang saysay ay isang salaysay 2. Ang saysay ay mayroong pakahulugan na katuturan, kabuluhan, at kahalagahan Kaya’t ‘kasaysayan ang mga salitang may saysay’ at ito ay hindi nalilimitahan sa opisyal na dokumento. Maaari rin itong makita sa mga alamat, epiko kwento at mga kanta na maaari nating maging daan upang malaman ang mga pangyayari sa kapanahunan ng ating mga ninuno. Sa mga katibayang nakuha at naitala, inilalahad dito kung paano namuhay ang sinaunang Pilipino, ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan at karatig-pook at pakikibaka sa kanilang buhay. Inilalarawan din sa ating kasaysayan ang mapagmahal sa kalikasan ng ating mga ninuno. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagkakaroon ng pagbabago dahil sa epekto ng modernisasyon. Uri ng Kasaysayan 1. Factual History - na kung saan ang mga pangyayari sa nakaraan ay may pinagbabasehang katibayan o pruweba maaaring sa paraan ng pagsulat o sa mga litrato. 2. Speculative History - na kung saan ang mga pangyayari ay may ikalawang punto de vista. Uri ng Usaping Pangkasaysayan Kasama sa usaping pang-kasaysayan ang mga pag-aaral sa: 1. Antropolohiya (Anthropology) 2. Arkitektura (Architecture) 3. Heolohika (Geology) 4. Arkeolohiya (Archaeological) Ang pag-aaral ng kasaysayan ay hindi lamang natatapos sa kung ano at sino ang mga nakapaloob dito. Mas mahalagang pagtutuunan ng pansin kung paano ito naka- apekto sa nakaraan, naka-aapekto sa kasalukuyan at makaaapekto sa hinaharap at kung paano natin maiiwasan ang mga di kanais-nais na kaganapan sa hinaharap. Ito ay nagbibigay ng malawakang pang-uwa ng kaisipan sa mga kabataan upang mamulat sila sa lumipas na katotohan na nag-uugnay sa makabagong kabihasnan. Ang pag-aaral ng kasaysayan ng ating bansa ay naglalayon upang mapa-usbong ang puso ng mga mag-aaral tungo sa masusing pagsusuri upang matugunan ang kasagutan sa mga yugto ng pangyayari. Hinihikayat nito ang mag- aaral na bigyang pansin ang pag-aaral ng kasaysayn lalo na kung saan tayo nagmula, at kung anong lahi ang ating pinagmulan. Liban sa pagkaki-lanlan bilang Pilipino. Makikita rin sa ating kasaysayan ang mayamang kultura natin, at lahi na ating ipagmalaki. Dapat itong pagtuunan ng matinding pansin nang sa gayon ang kasaysayan ay hindi mabursa makabagong henerasyon. Kailangan ipdama ng bawat hibla ng kaalaman upang makatulong ito at upang mapabago ang damdamin ng mga mag-aaral sap ag- aaral ng kasaysayan. Ang ating kagawaran ay naglunsad ng mga gawain tulad ng patim-palak sa mga mag-aaral tungkol sa kasaysayan. Histograpiya Tumukoy ito sa kasaysayan ng pag-aaral ng kasaysayan, ang mga kaparaanan at pagsasanay. Maaari din na tumukoy ito sa isang bahagi ng pagsusulat (halimbawa, "historiograpiyang medibyal noong dekada 1960", nangangahulugang "ang kasaysayan ng gitnang panahon na sinulat noong dekada 1960"). Pag-aaral ng pangkasaysayang pagsusulat at pagtutuli. Bilang isang baog na patungkol sa pagtutuli ng mga pagpapakulo ng nakadaan, maaaring iugnay ang ikatlong pag-aakala sa dalawang nauna na kadalasang nakatuon ang pagsusuri sa mga salaysay, interpretasyon, pananaw ng mundo, gamit ng ebidensya, o ang kaparaanan ng presentasyon ng ibang dalubhasa. Ang paglalahad ng kasaysayan ay kailangang batay sa mga batis. Ang pagsulat ng kasaysayan ay isa ring sining dahil maraming estilo at pilosopiyang maaaring gamitin. Ito rin ay isang agham dahil ang mga batis ay dapat na maaaring mapatunayan. Ang isang mahusay na historyador ay dapat: 1. Sanay sa paggamit ng mga batis. 2. Hindi maaaring imbentuhin ang kaniyang mga datos. Kailangang ipinakikita niya kung saan niya kinuha ang kaniyang impormasyon. Magagawa niya ito sa pamamagitan ng mga dokumentasyon tulad ng footnote, endnote, at bibliograpiya. Maaaring ilagay ang pangalan ng batis sa endnote o footnote. Maaari namang kopyahin ang eksaktong sinabi ng isang tao sa aklat subalit kailangang ipakita ito sa endnote o footnote. Lahat ng mga pinanggalingan ng impormasyon ay dapat nasa bibliograpiya sa likod ng aklat. Sa pagsulat ng kasaysayan, mahalaga na ang mga batis ay galing sa mga primaryang pinangkunan. Mahalaga rin na ang batis ay malapit sa panahon na tinatalakay. 3. Alam kung saan maaaring makita ang kaniyang mga batis. Ang dokumentasyon ng kaniyang mga batis ay magiging patunay ng kaniyang pagkadalubhasa sa kaniyang larangan. Panloob at Panlabas na kritisismo: Kritisismong tekstwal Ang Tekstuwal na Krisitismo ay isang sangay ng kritisismong pampanitikan na nauukol sa pagtukoy at pag-aalis ng mga kamalian ng transkripsiyon sa mga teksto ng mga manuskrito. Ang mga sinaunang skriba ay nakagawa ng mga pagkakamali o pagbabago (intensiyonal man o hindi) nang ito kumopya ng mga kopya ng orihinal na dokumento sa pamamagitan ng pagsusulat sa kamay. Sa ibinigay na isa o maraming mga kopya ng manuskrito (na kopya o mga kopya ng orihinal na dokumento), ang kritikong tekstuwal ay naghahangad na muling likhain ang orihinal na teksto (ang archetype o autograpo) mula sa mga kopyang ito sa posibleng pinakamalapit sa orihinal na dokumento. Panloob na ebidensiya Ang panloob na ebidensiya ang ebidensiya na nagmumula mula sa mismong teksto na independiyente sa mga katangiang pisikal ng dokumento. Ang iba't ibang mga konsiderasyon ay maaaring gamitin upang pagpasyahan kung aling pagbasa ang mas malamang na orihinal. Minsan, ang mga konsiderasyong ito ay may alitan. Ang dalawang karaniwang mga konsiderasyon ang lectio brevior (mas maikling pagbasa) at lectio difficilior (mas mahirap na pagbasa). Ang una ang pangkalahatang obserbasyon na ang mga skriba ay may kagawiang magdagdag ng mga salita para sa paglilinaw o dahil sa kagawian nito na mas madalas kesa sa pag-aalis nito. Ang ikalawa na lectio difficilior potior (ang mas mahirap na pagbasa ang mas malakas) ay kumikilala ng kagawian para sa harmonisasyon o paglutas ng mga maliwanag na salungatan sa teksto. Panlabas na ebidensiya Ang panlabas na ebidensiya ang ebidensiya ng bawat pisikal na saksing manuskrito, ang petsa nito, pinagkunan, at relasyon sa ibang mga saksing manuskrito. Ang mga kritikong tekstuwal ay kadalasang mas pumapabor sa mga pagbasang sinusuportahan ng pinakamatandang mga saksing manuskrito. Dahil sa ang mga pagkakamali ay may kagawiang maipon, ang mga mas matandang manuskrito ay may mas kaunting mga pagkakamali. Ang mga pagbasang sinusuportahan ng karamihan ng mga saksi ay kadalasan ring mas pinapaboran dahil ang mga ito ay hindi malamang na magpakita ng mga aksidente o mga indbidwal na pagkiling. Sa parehong mga dahilan, ang malawak na heograpikong mga saksing manuskrito ang pinapaboran.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser