Araling Panlipunan 6 - Ikalawang Markahan - Modyul 5 PDF

Summary

This module is designed to aid students in learning about the objectives and important events during the Japanese occupation of the Philippines. It's part of a secondary school curriculum, focusing on the history of the Philippines during World War II.

Full Transcript

6 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ang mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ang mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop...

6 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ang mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ang mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Charles S. Cadayday Editor: Nery O. Sabulao Tagasuri: Nieves S. Asonio Hope A. Jandomon Tomas Raglin D. Partosa Tagaguhit: Typesetter Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera Carmelita A. Alcala, Ed.D. Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 E-mail Address: [email protected] 6 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ang mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling “Ang mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones’’. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang- ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itongmatulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang- alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 Ang Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “Ang mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones”. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Alamin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral Balikan upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. iii Sa seksyong ito, bibigyan ka ng Suriin maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay Pagyamanin upang mapagtibay ang iyong pang- unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Naglalaman ito ng mga katanungan o Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa Tayahin pagkamit ng natutuhang kompetensi. iv Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin Karagdagang ang iyong kaalaman o kasanayan sa Gawain natutuhang aralin. Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Susi sa Pagwawasto Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. v Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang- unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! vi Alamin Panimula Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-aaralan habang wala ka sa paaralan. Sa modyul na ito, matatalakay ang mga layunin ng bansang hapon sa pagsalakay at pananakop sa Pilipinas na siyang bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kung iyong pag-aaralang muli ang Modyul 4, naghahanda na ang Pilipinas sa ganap na pagsasarili sa loob ng sampung taon matapos maihalal na Pangulo si Manuel L. Quezon sa Pamahalaang Commonwealth noong 1935. Ngunit dahil sa bantang pananakop ng mga Hapon nagpapalakas ng depensa at sandatahang lakas na naman ang bansa at; di nga nagtagal dumating ang mga Hapon upang sakupin ang Pilipinas. Pinilit ng mga hukbong Pilipino at Amerikano na maipagtanggol ang kalayaan ng Pilipinas ng buong tapang at lakas ngunit dahil sa kakulangan ng pagkain, gamot at suportang pandigma napasailalim muli ang Pilipinas sa mga mananakop na syang nagdala ng panibagong kalbaryo ng mga Pilipino. May apat na aralin sa modyul na ito: Aralin 1: Pagsiklab ng Digmaan Aralin 2: Labanan sa Bataan Aralin 3: Death March Aralin 4: Labanan sa Corregidor Most Essential Learning Competency (MELC): Natatalakay ang mga layunin at mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga Hapones. Hal: Pagsiklab ng digmaan, Labanan sa Bataan, Death March at Labanan sa Corregidor (AP6KDP-IIe-5) Mga Layunin: 1. Naiisa-isa ang mahahalagang mga pangyayari sa panahon ng pananakop ng mga Hapones. 2. Napagsusunod-sunod ang mga mahahalagang pangyayari sa panahon ng pananakop ng mga Hapones. 3. Napahahalagahan at naipagmamalaki ang kagitingang ginawa ng mga Pilipino sa Panahon ng Pananakop ng mga Hapon. 1 Subukin Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno. 1. Sino ang Pangulo ng Pilipinas noong panahong sakupin ng Hapon ang Pilipinas? A. Jose Rizal C. Manuel L. Quezon B. B. Claro M. Recto D. Manuel Roxas 2. Anong relasyon ang namagitan sa Amerika at Hapon sa pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? A. Matagal na silang may alitan C. May tiwala sa bawat isa B. Magkaalyado o magkaibigan D. Magkalapit ang kinaroroonan 3. Saang pangkat kabilang ang bansang Hapon noon? A. Allied B. United Nations C. NATO D. Axis 4. Siya ang namuno sa USIP na sumuko sa mga Hapon sa Bataan. A. Hen. Douglas MacArthur C. Hen. William F. Sharp Jr. B. Hen. Jonathan Wainwright D. Hen. Edward P. King 5. “Death March”? A. Mula Mariveles, Bataan hanggang Maynila B. Mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac C. Mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga D. Mula Mariveles, Bataan hanggang Clark Field, Pampanga 6. Alin sa mga sumusunod and hindi nangyari sa panahon ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas? A. pagbagsak ng Bataan B. pagpapatuloy ng Komonwelt sa Amerika C. pagbagsak ng Corregidor D. pagbabayad ng Hapon sa Amerika kapalit ng Pilipinas 7. Saang pangkat nabibilang ang Amerika sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigidg? A. Axis B. ASEAN C. Allied Powers D. United Nations 8. Dumating at sinakop ang Pilipinas ng mga Hapon noong: A. 1939 B. 1940 C. 1941 D. 1945 12 9. Siya ang pinuno ng hukbong Hapon na sumakop sa Pilipinas: A. Hen. Nagasaki C. Hen. Masaharu Homma B. Hen. Hirohito D. Hen. Yamashita 10. Siya ang namuno sa USIP na sumuko sa mga Hapon sa Corregidor. A. Hen. Douglas MacArthur C. Hen. William F. Sharp Jr. B. Hen. Jonathan Wainwright D. Hen. Edward P. King 3 Balikan Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin lamang ang sagot sa kahon at isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno. 1. Si __________ ang kahuli-hulihang heneral na Pilipino na sumuko sa mga Amerikano. 2. Ang ___________ ay isang gamit na dinala ng mga Amerikano upang mapabilis ang ating komunikasyon. 3. ___________ ang paraan para pigilin ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit na nagamit ng mga Amerikano sa paglimita sa pagkilos ng mga bolusyonaryong Pilipino. 4. Ang wikang _________ ang ginamit ng mga gurong Amerikano sa kanilang pagtuturo. 5. Sila ang mga iskolar na Pilipino na ipinadala sa Estados Unidos _________. 6. Ang relihiyong _____________ ay dinala at pinalaganap ng mga Amerikano sa Pilipinas. 7. ____________ ang pinakamalaking kontribusyon na dinala ng mga Amerikano sa bansa na dahilan upang maraming Pilipino ang marunong bumasa at sumulat. 8. Ang ________________ ay proklamasyong pinalabas ni Pangulong William McKinley noong Disyembre 21, 1898 upang pagtakpan ang tunay na layunin ng mga Amerikano na sakupin ang Pilipinas. 9. Ang mga __________ ay mga guro mula Estados Unidos na ipinadala para magturo sa mga mag-aaral sa Pilipinas lulan sa barkong SS Thomas. 10. Si ___________ ay nagtatag ng Republika ng Katagalugan para ipagpatuloy ang armadong pakikipaglaban sa mga Amerikano. 4 Tuklasin Pagsusuri sa mga Larawan (Photo Analysis) tinyurl.com/hcoct9y6 tinyurl.com/8uz8gghd tinyurl.com/1f159uyn A. Paglalarawan: Ano-anong mga tao, bagay, aktibidad ang nakikita mo sa larawan? Ilista ang mga ito: 1. Mga Tao: 2. Mga Bagay: 3. Mga Aktibidad: B. Interpretasyon: Ano-anong emosyon ang nabuo at nakaantig sa iyong kalooban matapos mong makita ang mga larawan? Bakit ito ang iyong naramdaman? C. Konklusyon: Sa pangkalahatan, anong konklusyon ang iyong mabubuo mula sa mga larawan na na iyong nakita? 5 Suriin Pagsiklab ng Digmaan Ang pagsalakay at pananakop ng Hapon sa Pilipinas ay bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Matapos sumiklab ang digmaan sa Europa noong 1939, kaagad nakipagsundo ang Hapon sa Alemanya at Italya na tinawag na Axis Powers. Katunggali nila ang mga bansang demokratiko na kinabibilangan ng Inglatera, Pransiya at Estados Unidos na tinatawag namang Allied Powers. Dahil ang Pilipinas ay kolonya ng Estados Unidos sa mga panahong ito, itinuring na rin itong kaaway ng Hapon. Lumala ang sigalot ng Estados Unidos at ng Hapon nang walang kaabog-abog na binomba ng Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii na isang kolonya ng Estados Unidos sa dagat Pasipiko, noong Disyembre 7, 1941. Kinabukasan, ipinahayag ni Franklin D. Roosevelt, pangulo ng Estados Unidos ang pakikidigma sa Hapon. Ilang oras pagkaraang masalakay ang Pearl Harbor, su- malakay ang mga Hapon sa Pilipinas noong Disyembre 8,1941. Ang digmaan sa Pasipiko ay nagsimula na. Nang umaga ng Disyembre 9, binomba ang tinyurl.com/1dwez37d Maynila. Nagdulot ito ng malaking pinsala sa mga ari-arian at pagkamatay ng maraming sibilyan. Mula sa himpapawid, sabay-sabay na binomba ang Aparri, Davao, Baguio, Tarlac at Iba pang lugar ng bansa. Kinagabihan, sinalakay ang base militar sa Clarkfield. Noong Disyembre 10, dumaong ang hukbong dagat ng Hapon sa Aparri at Vigan, sa hilaga. Ang pinakapunong puwersang panakop ng Hapon ay dumaong sa Leyte noong Disyembre 22 sa pamumuno ni Tinyente Heneral Masaharu Homma. Sa Batangas Airfield, naipakita ng mga Pilipinong piloto na sina Kapitan Jesus Villamor, Tinyente Geronimo Aclan at Tinyente Cesar Basa na pinakaunang pilotong Pilipino na tinyurl.com/5xdty3r6 nagawaran ng karangalang “Silver Star” matapos masawi sa pakikipaglaban sa himpapawid. 6 Labanan sa Bataan Matapos masakop ang Maynila, itinuon naman ni Hen. Homma ang buong puwersang Hapon sa pagtugis sa mga kalaban sa Bataan. Hindi lubhang naging madali sa mga Hapon ang pagpapabagsak sa Bataan. Maraming beses silang nabigo. Sa kanilang ranggo ay marami ring namatay sa pakikipaglaban at sa sakit na malarya. Subalit sa bandang huli, bumilis ang panghihina ng tinyurl.com/p2txlb0v puwersang USAFFE dahil naubusan ng mga armas at bala, gamot at pagkain. Ang hinihintay na suportang pandagat at panghimpapawid at mga kagamitan, gamot at pagkain ay hindi na nakarating. Lubhang napakalayo ng Pilipinas sa Amerika at ang Dagat Pasipiko na nakapagitan sa kanila ay pinapatrulyahan ng pandigmang dagat ng mga Hapon. Dahil palubha nang palubha ang sitwasyon, at may panganib nang bumagsak sa kamay ng Hapon ang bansa, inilikas si Pangulong Quezon at ang kanyang pamilya patungong Amerika noong Pebrero 20, 1942. Noong Marso 11, 1942 naman, inatasan si Hen. MacArthur na magtungo sa Australia upang pamunuan ang puwersa doon. Binitiwan ni MacArthur ang katagang “I shall return.” Itinalagang kapalit ni MacArthur si Tinyente Heneral Wainwright bilang pinuno ng USAFFE. Pinalitan ang designasyon ni Wainwright bilang pinuno ng USIP o United States Forces in the Philippines. Sa gitna ng mga pangyayaring iyon, ibinuhos ni Hen. Homma ang lahat ng tropa nito sa Bataan. Noong Abril 9, 1942, bumagsak ang Bataan sa kamay ng mga Hapon matapos ang magiting at madugong pakikipaglaban ng mga Pilipino. Lumipat si Hen. Wainwright sa Corregidor at buhat doo’y ipinagpatuloy niya ang pamumuno sa pakikipaglaban. Si Hen. Edward P. King na humaliling kumander ng puwersa sa Bataan, ang siyang nagbigay ng utos ng pagsuko upang mailigtas ang wala nang lakas na mga sundalo’t sibilyan. tinyurl.com/7mwjm5m5 7 Death March Naubusan ng mga armas at bala, gamot at pagkain ang mga sundalong nag- tatanggol sa Bataan. Dahil dito noong Abril 9, 1942, bumagsak ang Bataan sa kamay ng mga Hapon matapos ang magiting at madugong pakikipaglaban ng mga Pilipino. May 36,000 sundalong Pilipino at Amerikano, sampung heneral na Amerikano, at anim na heneral na Pilipino ang sumuko sa Bataan. Ang mga bilanggo ay pinaglakad ng mga Hapon mula sa Mariveles, Bataan papunta sa San Fernando, Pampanga. Dumanas sila ng gutom, pagod at labis-labis na pagpapahirap sa kamay ng mga Hapon. Ang mga sugatan at di na makalakad ay tinutusok ng mga bayoneta o kaya’y tinyurl.com/sx2fh87o binubugbog hanggang sa mamamatay. Dahilan sa kawalan ng tubig at pagkain, sakit, at sa labis na paghihirap, nagtangkang tumakas ang maraming bihag. Ang iba’y naglulupasay na lamang at nagpapaiwan. Subalit sila ay pinipilit magmartsang muli o kaya’y walang awang pinapatay. Kayat ang martsang ito ay tinawag na “death march.” Pagdating sa San Fernando, Pampanga, ang mga bihag na nakaligtas ay isinakay sa mga maliliit na bagon ng tren, kung saan marami ring namatay sa kakulangan ng hangin. Dinala sila sa Capas, Tarlac, kung saan sila ay inilagak sa isang concentration camp o garison. tinyurl.com/aq7y1956 Labanan sa Corregidor Pagkaraang mapabagsak ang Bataan, ibinaling ni Hen. Homma ang kanyang buong puwersa sa Corregidor. Binomba ito araw at gabi at pinalibutan ng hukbong pandagat. Ang mga gusali sa loob ng isla ay natupok. Ang mga nalalabing armas at mga kagamitan ay nawasak. Sapagkat isang isla, wala nang naurungan ang mga sundalo. Napilitang sumuko ang mga tagapagtanggol. 8 Ginawa lahat ni Hen. Wainwright na noo’y siyang namumuno sa pagtatanggol sa Corregidor, ang kanyang makakaya upang ipagtanggol ang isla, ngunit sila ay nakubkob na ng mga Hapon. Noong Mayo 6, 1942 isinuko ni Hen. Wainwright kay Hen. Homma ang Corregidor. Labindalawang libong (12,000) sundalong Amerikano at Pilipino ang sumuko. tinyurl.com/ypnczpqu Matapos sumuko si Hen. Wainwright, dinala siya sa Maynila upang basahin sa radyo KZRH ang kautusan sa lahat ng kumander sa buong Pilipinas upang sumuko sa mga Hapon. Sinunod ang kautusang ito ng lahat ng mga nakabababang mga opisyal. Bagama’t nanlaban pa ang mga Pilipino sa ibang pulo, gaya ng Panay, Cebu at Mindanao isinuko ni Hen. William F. Sharp Jr, kumander ng mga puwersa sa Visaya at Mindanao, ang mga bahaging ito noong Mayo10, 1942. Sa pagbagsak ng Corregidor, ang huling tanggulan ng magkasanib na puwersang Pilipino at Amerikano, bumagsak na rin at sumakamay sa Hapon ang buong Pilipinas. Para sa mga Amerikano, tapos na ang pakikipaglaban, kaya’t nagsipagbaba sila ng mga armas at sumuko sa mga Hapon. Subalit ang mga Pilipinong opisyal ay hindi nagsisuko. Nagsitungo sila sa mga kabundukan at doo’y naglunsad ng pakikidigmang gerilya laban sa mga bagong mananakop. tinyurl.com/liza779i 9 Pagyamanin Gawain A Panuto: Tama o Mali? Isulat ang T kung tama at M kung mali. Isulat ang sagot sa iyong sagutang kuwaderno. _______1. Ang pagsalakay ng mga Hapones sa Pearl Harbor ay hudyat ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. _______2. Maraming buhay, ari-arian at gusali ang napinsala sa panahon ng Hapones. _______3. Di-gaanong napinsala ang mga paliparan ng eroplano at instalasyong military ng mga Amerikano dahil matibay ang mga ito. _______4. Sumalakay ang mga Hapones sa bansa noong Disyembre 8, 1941. _______5. Ang pagsalakay ng mga Hapones sa Bataan ay simula sa pagkatalo nila sa digmaan. _______6. Maraming napinsala sa mga sumukong sundalo na nakasali sa Death March. _______7. Kakulangan ng suportang militar at pagkain ang pagunahing dahilan sa pagsuko ng tropang Pilipino at Amerikano sa mga Hapones. _______8. Nakaligtas sa pambobomba ng mga Hapones ang Bataan at Corrigedor Habang ipinaglalaban ito ng ating magigiting na mga sundalo. _______9. Naging matagumpay ang mga Hapones sa pagwasak ng mga natitirang puwersa ng pinagsanib na Pilipino-Amerikano sa Corrigedor. _______10. Isinakay ng tren ang mga natitirang bihag sa San Fernando, Pampanga papuntang Capas, Tarlac upang doon ikukulong. 10 Gawain B Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat ang sagot sa iyong sagutang kuwaderno. Hanay A Hanay B 1. Bilang ng mga sundalong sumuko sa A. garison Corrigedor. 2. Petsa sa pagbagsak ng Corrigedor sa mga B. Abril 9, 1942 Hapon. 3. Kulungan ng mga nabihag na sundalo mula sa C. 36, 000 sundalo Bataan. 4. Kutsilyong pantusok ng kalaban sa dulo ng D. Hen. Nicholas baril. Wainwright 5. Pinuno ng USIP na sumuko sa mga Hapon. E. Martsa ng Kamatayan 6. Petsa sa pagsuko ng tropa sa Bataa F. Disyembre 8, 1941 7. Tawag sa paglalakad ng mga bihag na G. Hen. Douglas sundalo sa Bataan papuntang San Fernando, MacArthur Pampanga. 8. Bilang ng mga sumukong sundalo sa Bataan H. bayoneta 9. Himpilan ng komunikasyon na ginamit ng I. Mayo 6, 1942 Hapon para pasukuin ang lahat ng kumander sa Pilipinas 10. Pinuno ng USAFFE na nagsabing, “I shall J. 12,000 sundalo return." K. Radyo KZRH 11 Isaisip Panuto: Punan ang patlang para mabuo ang ideya ng mga pangungusap sa ibaba. Ang sagot lamang ang isulat sa sagutang kuwaderno. 1. Ang digmaan sa Pasipiko sa pagitan ng Amerika at ________ ay bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nasangkot ang Pilipinas sa digmaang ito dahil kolonya pa ng Estados Unidos ang bansa noong sumiklab ang digmaan kaya itinuring na kaaway ito ng Hapon. 2. Ang pinagsanib na Hukbong Pilipino at Hukbong Amerikano o USAFFE sa pamumuno ni Heneral Douglas MacArthur, ay magiting na nagtanggol upang pigilin ang pagpasok ng mga Hapon sa Pilipinas. Siya ay nagwika ng,” I shall ________.” bago umalis ng bansa. 3. Ang mga pambobomba gamit ang mga ________ pandigma mula sa himpapawid ang pangunahing pamamaraan ng Hapon para masakop ang bansa. 4. Bumagsak sa kamay ng mga Hapon ang Bataan noong ________ matapos humina ang USAFFE dahil sa digmaan, kakulangan ng suportang militar, mga gamot at pagkain. 5. Ang ________ at ________ ay nagsilbing huling tanggulan ng mga Pilipino at Amerikano. Ang pagsuko ng dalawang islang ito ay naging dahilan sa ganap na pagbagsak ng Pilipinas sa kamay ng mga Hapon. 6. Dumanas ng malaking hirap ang mga sundalong Pilipino sa kamay ng mga Hapon. Halimbawa nito’y ang ________ na walang humpay na paglalakad mula Bataan hanggang Pampanga. 7. Ang pambobomba ng Hapon sa ________, isang base-militar ng mga Amerikano sa Pasipiko ang naging hudyat ng simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 8. Si Heneral ________ ang namuno sa mga Hapon para salakayin ang Pilipinas. 9. Sumuko lahat ng mga Amerikano at nagbaba ng kanilang armas matapos bumagsak ang Corrigedor pero namundok at hindi tumigil sa pakikipaglaban ang mga makabayang ________ hanggang sa abot ng kanilang makakaya. 10. Gumawa ng bagong paraan sa pakikipagdigma ang mga Pilipinong hindi napasuko ng mga Hapones ito ang taktikang ________. 12 Isagawa Ang Panahon ng Pananakop ng Hapon ay isang mahirap na yugto sa kasaysayan ng Pilipinas. Maraming Pilipino at mga dayuhan ang narito sa bansa na namatay kahit hindi sila derektang nakipaglaban sa mga kaaway. Paano kaya kung nabubuhay ka sa ganitong panahon? Para mabuhay ka sa panahong ito kailangang alam mo ang nararapat gawin wika nga ng mga dalubhasa, “Ligtas ang may alam.” Alamin at isulat ang dapat gawin Bago ang Gera, Habang may Gera at Pagkatapos ng Gera. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat sa tamang hanay ang napiling sagot. Gawin ito sa sagutang kuwaderno. 1. Gumapang sa ligtas na lugar na malayo sa putukan. 2. Maghanda sa paglipat sa ligtas na evacuation area. 3. Hanapin ang mga nawawalang miyembro ng pamilya. 4. Huwag manood sa mga naglalabang pwersa. 5. Maghanda ng bag para sa survival kit (Hal. Gamot, kutsilyo, flashlight, lighter atbp.) 6. Ayusin ang nasirang tahanan at maging positibo para makabangon muli mula sa nagdaang digmaan. 7. Ihanda ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng: pagkain, mga damit, de latang ulam, tubig atbp. 8. Magtago sa matitibay na bahagi ng bahay o gusali para di matamaan ng mga ligaw na bala o bomba. 9. Makinig ng balita at subaybayan ang mga pangyayari sa panahon ng digmaan. 10. Iwasang maglaro sa mga wasak na gusali o tahanan baka may naiwang mga bomba na maari pang sumabog. 13 Bago ang Gera Habang may Gera Pagkatapos ng Gera (Before War) (During War) (After War) Tayahin Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno. 1. Dumating at sinakop ang Pilipinas ng mga Hapon noong: A. 1939 B. 1940 C. 1941 D. 1945 2. Sino ang Pangulo ng Pilipinas noong panahong sakupin ng Hapon ang Pilipinas? A. Jose Rizal B. Claro M. Recto C. Manuel L. Quezon D. Manuel Roxas 3. Anong relasyon ang namagitan sa Amerika at Hapon sa pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? A. Matagal na silang may alitan C. May tiwala sa bawat isa B. Magkaalyado o magkaibigan D. Magkalapit ang kinaroroonan 4. Saang pangkat kabilang ang bansang Hapon noon? A. Allied B. United Nations C. NATO D. Axis 5. Saang pangkat nabibilang ang Amerika sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigidg? 14 A. Axis B. ASEAN C. Allied Powers D. United Nations 6. Alin sa mga sumusunod and hindi nangyari sa panahon ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas? A. pagbagsak ng Bataan C. pagbagsak ng Corregidor B. pagpapatuloy ng Komonwelt D. pagbabayad ng Hapon sa Amerika kapalit sa Amerikano ng Pilipinas 7. Siya ang pinuno ng hukbong Hapon na sumakop sa Pilipinas: A. Hen. Nagasaki C. Hen. Masaharu Homma B. Hen. Hirohito D. Hen. Yamashita 8. Siya ang namuno sa USIP na sumuko sa mga Hapon sa Corregidor. A. Hen. MacArthur B. Hen. Wainwright C. Hen. Sharp Jr. D. Hen. King 9. Siya ang namuno sa USIP na sumuko sa mga Hapon sa Bataan. A. Hen. MacArthur B. Hen. Wainwright C. Hen. Sharp Jr. D. Hen. King 10. Saan nagmula at nagtapos ang paglalakad ng mga bilanggong kawal sa tinaguriang “Death March”? A. Mula Mariveles, Bataan hanggang Maynila B. Mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac C. Mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga D. Mula Mariveles, Bataan hanggang Clark Field, Pampanga 15 Karagdagang Gawain Pagbuo ng Roadmap Panuto: Buuin ang Roadmap sa Pananakop ng Hapon sa Pilipinas ng may tamang pagkakasunod-sunod sa mga pangyayari na nakasulat sa loob nag kahon Pagdaong ng hukbong dagat ng Hapon sa hilagang bahagi ng Pilipinas. Pagsalakay ng pwersa ni Hen. Homma sa Corrigedor. sa ibaba. Inutusan ng Hapon na pasukuin ang lahat nag kumander sa buong bansa. Pambobomba ng Hapon sa Pearl Harbor. Paglusob ng Hapon sa Bataan. Pagdeklara ng gera ni Pang. Roosevelt sa Hapon. Pambobomba ng Hapon sa Maynila. Pagdaong niTinyente Heneral Masaharu Homma sa Leyte. 16 Susi sa Pagwawasto Subukin Balikan Tuklasin Pagyamanin Gawain A Gawain B Isaisip 17 Isagawa (Sagot) Bago ang Gera Habang may Gera Pagkatapos ng Gera (Before War) (During War) (After War) Tayahin Karagdagang Gawain Panghuling Pagsusulit 18 Talahulunganan Allied Power --- alyansa ng mga bansang Estados Unidos, Inglatera at Pransiya Axis Power --- alyansa ng mga bansang Hapon, Alemanya at Italya Base Militar --- isang pasilidad na pinamahalaan ng Hukbong Sandatahan para sa pagtatanggol nag bansa laban sa mga kaaway Bataan --- lugar ng Pilipinas na sumuko sa Hapon at pinalakad ang mga bihag nang walang tigil na tinatawag na “Death March” bayoneta --- kutsilyong pantusok ng kalaban na nasa dulo ng baril Corrigedor --- ang huling tanggulan ng Pilipinas na sumuko sa Hapon na pinamunuan ni Hen. Nicholas Wainwright Death March o Martsa ng Kamatayan --- paglalakad ng walang humpay sa ilalim ng sikat ng araw hanggang makarating ang mga natitirang bihag sa kanilang kulungan o garison. Garison --- kampo na nagsilbing kulungan ng mga sundalong bihag sa digmaan Pearl Harbor --- base militar ng Estados Unidos sa Hawaii na unang binomba ng Hapon USAFFE o United States Armed Forces in the Far East --- pinagsamang hukbong Pilipino at Amerikano na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig USIP o United States Forces in the Philippines --- pangalang ipinalit sa USAFFE makaraang umalis si Heneral Douglas MacArthur patungong Austrilia 19 Sanggunian Mga Aklat: Mactal, Ronaldo B. Historia: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 7.Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.,2013 Oliveros, Reynaldo D. Kasaysayan ng Mamamamyan ng Pilipinas: Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa. Quezon City: IBON Foundation, Inc.,2015 Mga Modyul: Project Effective and Alternative Secondary Education(EASE): Modyul 14, Ang Pilipinas sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA): Panahanan sa Panahon ng Hapones, Revised 2010 Mga Mapagkukunan sa Internet : google.com/search?q=lovepik+japanese+soldier&tbm=isch&ved=2ahUKEwjUz56lp4jrAhUW EKYKHSPKDqkQ2- cCegQIABAA&oq=lovepik+japanese+soldier&gs_lcp=CgNpbWcQA1DxIFjsNWCORWg AcAB4AIAB6gSIAfENkgEJMC40LjMuNS0xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclie nt=img&ei=dN8sX9TFH5agmAWjlLvICg&bih=657&biw=1366 https://www.google.com/search?q=panahon+ng+pananakop+ng+hapon&tbm=isch&ved=2ah UKEwiQmIOqp4jrAhUIHqYKHSUCACQQ2- cCegQIABAA&oq=panahon+ng+pananakop&gs_lcp= CgNpbWcQARgAMgQIABAeMgQIABAeMgQIABAeMgQIABAYMgQIABAYMgQIABAYMgQI ABAYMgQIABAYMgQIABAYOgIIADoFCAAQsQM6CAgAELEDEIMBOgQIABBDOgYIABAF EB46BggAEAgQHlDSzRJYx48TYPynE2gAcAB4AIABhwGIAeAPkgEEMTIuOJgBAKABAao BC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=ft8sX5DhIYi8mAWlhICgAg&bih=657&biw=136 6 https://www.google.com/search?q=glossary&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi jkrqWn4vrAhVqIqYKHeX6CnkQ_AUoAXoECA0QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=JV7Fqx1d 2eIlSM&imgdii=miOSCUeOI69tCM 20 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 Email Address: [email protected] Website: lrmds.depednodis.net

Use Quizgecko on...
Browser
Browser