LE_Q2_AP7_Lesson 1 Week 1 PDF Lesson Plan

Document Details

SimplifiedOnyx5163

Uploaded by SimplifiedOnyx5163

University of Mindanao

Michelle Torreros, Wayne Paul V. Basco, Voltaire M. Villanueva

Tags

Philippine history social studies colonialism education

Summary

This document is a lesson plan for a social studies class in the Philippines focusing on the topics of colonialism and imperialism.  It includes learning objectives, activities, and resources.

Full Transcript

7 Kwarter 2 Lingguhang Aralin sa Aralin Araling Panlipunan 1 Modelong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 Kwarter 2: Aralin 1 (Linggo 1) TP 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementasyon ng MATAT...

7 Kwarter 2 Lingguhang Aralin sa Aralin Araling Panlipunan 1 Modelong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 Kwarter 2: Aralin 1 (Linggo 1) TP 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementasyon ng MATATAG K to 10 Curriculum sa taong panuruan 2024-2025. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto ng kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga mga legal na hakbang at kaparusahan. Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon. Mga Tagabuo Manunulat Michelle Torreros (Leyte Normal University) Wayne Paul V. Basco (Tinajeros National High School) Tagasuri: Voltaire M. Villanueva. (Pamantasang Normal ng Pilipinas, Maynila) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMMER National Research Centre Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 at 8631-6922 o sa pamamagitan ng email sa [email protected]. BANGHAY ARALIN ARALING PANLIPUNAN, IKALAWANG KWARTER, ANTAS 7 I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa naging tugon at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Pilipinas at Timog Silangang Asya. B. Mga Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng proyekto na nagbibigay-impormasyon sa mga naging tugon sa kolonyalismo at imperyalismo sa Pilipinas at Timog Silangang Asya. C. Mga Kasanayan at Layuning Kasanayan sa Pampagkatuto Pampagkatuto 1. Naibibigay ang kahulugan ng kolonyalismo at imperyalismo. 2. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo. Mga Layuning Pampagkatuto Naipaliliwanag ang kahulugan ng kolonyalismo at imperyalismo. Naipaliliwanag ang mga kaugnay na konsepto ukol sa kolonyalismo at imperyalismo. Naipapaliwanag ang mga dahilan sa likod ng kolonyalismo at imperyalismo. Nasusuri ang mga pamamaraang ginagamit ng mga kolonyal na kapangyarihan at imperyalistang bansa. Nasisiyasat ang mga tiyak na halimbawa ng kasaysayan ng kolonyalismo at imperyalismo. Nabibigyang-halaga ang mga implikasyon ng ekonomiya, pulitika, at kultura ng mga sistemang ito. Nasusuri kung paano hinubog ng mga tugon sa kolonyalismo at imperyalismo ang pandaigdigang relasyon at patuloy na naiimpluwensyahan ang lipunan ngayon. D. Nilalaman Ang Konsepto ng Kolonyalismo at Imperyalismo Kahulugan ng Kolonyalismo at Imperyalismo Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin E. Integrasyon Kulturang Popular (Food, Music, Entertainment, Fashion, Fads and Crazes) Current Events (Aspetong politikal at ekonomiko); Kasalukuyang pangyayari na may kaugnayan sa imperyalismo at kolonyalismo Sustainable Development Goals 1 Peace Education II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO Agoncillo, T. (1990). History of the Filipino People 8th Edition. C.&E. Publishing Inc. Gabay Pangkurikulum sa Araling Panlipunan. (2016). Department of Education, DepEd Complex, Pasig City. Retrieved from https://www.deped.gov.ph/wp- content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf McDougal Litell. (1990). World History: Patterns of Interaction. McDougal Litell Inc. III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA SA GURO A. Pagkuha ng Unang Araw Ang gawaing ito ay magsisilbing Dating 1. Maikling Balik-aral gabay o maaaring magamit Kaalaman Gawain 1: Ang Unang Misa upang balikan ang aralin sa Panuto: Ipakikita ng guro ang larawan ng “Unang Misa” sa Limasawa, Leyte, kasaysayan ng Pilipinas. Pilipinas. Sabihin sa klase ang konteksto ng larawan: Unang Misa sa Limasawa, Leyte. Sa utos ni Ferdinand Magellan ay nagsagawa ng misa ang mga Espanyol noong ika- 31 ng Marso 1521. Ito ay dinaluhan nina Rajah Colambu at Rajah Siaiu. Source: https://www.pinterest.ph/pin/466544842654116333/ 2 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang nagaganap sa larawan? 2. Sino ang mga namumuno sa misa? 3. Sino naman ang mga dumalo rito? 4. Masasabi ba natin na ito ay paraan ng pananakop? Bakit? 2. Pidbak (Opsiyonal) B. Paglalahad ng 1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin Bigyang-diin na ang mga Layunin Gawain 2: I-ugnay Natin! mahahalagang konsepto na Panuto: Hatiin ang klase sa tatlo o apat na pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng tatalakayin sa linggong ito ay colored paper na may sumusunod na mga salita. ang konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo. Sabihin sa mga mag-aaral na pag-ugnayin ang mga salitang mababasa sa colored paper. Dapat makita ng mga mag- aaral ang pagkukumpara sa malakas at mahinang bansa. Para sa guro, hindi kinakailangan na tama agad ang sagot ng mga mag-aaral dahil nais lang natin na mabigyandiin ang ang mga Pamprosesong Tanong: konsepto na may kaugnayan sa 1. Ano ang kahulugan ng kolonyalismo? aralin. 2. Ano naman ang kahulugan ng imperyalismo? 3. Paano nagkakaiba ang konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo? 3 Ipasulat sa pisara ang mga 3. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin kahulugan na ibibigay ng mga Gawain 3: mag-aaral batay sa Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita. Isulat ang sagot sa sanggunian na kanilang iyong kuwaderno. ginamit. Pagkatapos, ipabasa ito sa mga mag-aaral. C. Paglinang at Ikalawang Araw Pagpapalalim Kaugnay na Paksa 1: Kahulugan ng Kolonyalismo at Imperyalismo 1. Pagproseso ng Pag-unawa Gawain 4: Fact Storming Web Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa kolonyalismo at imperyalismo. Pamprosesong Tanong: Pamprosesong Tanong: 1. Sa inyong sariling pag-unawa, ano 1. Sa inyong sariling pag-unawa, ano ang kolonyalismo? ang imperyalismo? 2. Paano maiuugnay ang kolonyalismo 2. Paano maiuugnay ang imperyalismo sa Pilipinas? sa Pilipinas? 4 2. Pinatnubayang Pagsasanay Maaring gumawa ang guro ng Gawain 5: Basahin Natin! babasahin o gumamit ng ibang aklat na tatalakay sa konsepto Ang imperyalismo ay isang sistema ng pananakop kung saan ang isang ng kolonyalismo at makapangyarihang estado ay sapilitang kinokontrol ang mas maliliit at mahihinang imperyalismo upang maibigay estado. Upang maituring na isang makapangyarihan estado ay kinakailangang ng ma mag-aaral ang nagtataglay ito ng isang matatag na institusyong politikal at matibay na kahulugan ng mga salita sa pagkakakilanlang kultural. Ang pokus ng pananakop ay makontrol ang politikal at gawain. ekonomikal na institusyon ng mas mahihinang bansa dahil dito kadalasan ay nawawalan ng kapangyarihan ang mga lokal na namumuno at nauubos ang mga likas na kayamanan ng mga bansa sa ilalim ng isang imperyo. Magkakaiba ang pangkat-kultural ng mga mamamayan sa isang imperyo. Sa madaling salita, ang imperyo ay binubuo ng magkakaibang maliliit na pangkat ng tao na may magkakaibang pinagmulan, tradisyon, paniniwala at kasaysayan. Ang pagkakaiba- iba ng mga ito ay nagiging dahilan ng hidwaan sa pagitan ng mga pangkat at dahilan naman para sa mas makapangyarihang pangkat upang makontrol ang mas mahihina sa kanila. Ang mga Imperyalistang bansa ay may iba’t-ibang uri ng pagkontrol sa mga bansang kanilang nasakop. 1. Kolonyalismo ay tumutukoy sa pagkontrol ng dayuhang bansa sa mas mahihinang bansa sa Asya at Aprika. Ang pamahalaan at ekonomiya ay tuwirang pinamamahalaan ng mga dayuhan. 2. Protektorado na pinahihintulutan ang mga lokal o katutubong pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala ngunit kontrolado ng mas malakas na bansa ang mga pinuno na kanilang binigyan ng kapangyarihan. Kung mahaharap sa digmaan ang mahinang bansa ay makasisiguro ng proteksiyon mula sa mas malakas na bansa 3. Economic Imperialism kung saan kontrolado ng mga pribadoong kompanya o dayuhang mamumuhunan ang mga mahihinang bansa. 4. Sphere of Influence ay tumutukoy sa isang teritoryo o bahagi ng mahinang bansa na kinokontrol o nasa impluwensiya ng mas malakas na bansa upang hindi sila lubusang sakupin. 5. Concession ay ang pagbibigay ng pahintulot sa mananakop na gamitin ang teritoryo at likas na yaman ng mahinang bansa na may eksklusibong karapatan para sa kanilang pansariling interes. Ang extra-territoriality ay kasunduan sa pagitan ng mananakop at mahinang bansa kung saan paiiralin 5 ang batas ng mga mananakop sa sa mga piling teritoryo na kabilang sa concession. Mula sa mga uri ng pananakop na ito ay gumamit naman ng dalawang paraan ang mga mananakop upang ipakita ang mapasunod nila ang mga bansang kanilang nasakop. 1. Ang Tuwiran o Direct Control ay direktang pinamunuan ng mga mananakop ang mahihinang bansa. Ang kanilang pamahalaan ay nasa kapangyarihan ng mananakop. Hindi hinayaan ng magkaroon ng manankop ang mga katutubo na humawak ng alinmang posisyon sa pamahalaan. Ang mga batas na ipatutupad ay alinsunod sa mga batas na ipinatutupad sa mga bansang pinanggalingan ng mga manankop. Dahil kotrolado ang politika ng mahinang bansa ay nakontrol na rin ng mananakop ang ekonomiya nito. Maging ang kultura ng mga katutubo ay unti-unting nabago at ito ay napalitan ng mga kulturang dayuhan dahil sa patakarang ipinatutupad ng mga mananakop. 2. Samantala, sa Di-Tuwiran o Indirect Control ay pinanatili ang mga katutubong pinuno ng mahihinang bansa na may limitadong kapangyarihan at ang huling desisyon ay nasa kapangyarihan ng mga mananakop. Maaaring ipagpatuloy ng mga katutubong pinuno ang ilan sa kanilang mga lokal na paniniwala ngunit sa paglipas ng panahon ay nahahaluan ito ng mga paniniwala mula sa dayuhan. Gawain 6: Picture Analysis Panuto: Ipaliwanag ang mga uri ng pananakop gamit ang mga larawan. Narito ang mga pinagkuhaan ng mga larawan. 1. 2. 1. https://nashielimarcano.org/1 898warcartoons/cartoons- gallery/#bwg1/13 2. https://erenow.org/common/ill ustrated-history-of- railway/41.php 3. https://www.thecollector.com/ british-imperialism-china/ 6 3. 4. 4. https://www.liberatingnarrativ es.com/its-immediate-effects Maaring gumamit ang guro ng ibang larawan na angkop sa mga bata. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang patunay na ang larawan ay nagpapakita ng mga katangian ng uri ng pananakop? 2. Paano ipinakikita ang pagkontrol ng mga mananakop sa bawat anyo nito Ikatlong Araw 3. Paglalapat at Pag-uugnay. Gawain 7: Dugtungan Salita Panuto: Dugtungan ang angkop na mga salita upang mabuo ang kahulugan ng kolonyalismo at imperyalismo. Isulat ang iyong sagot sa notebook. 1. Ang kolonyalismo ay _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 2. Ang imperyalismo ay _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 7 Gawain 8: What’s inside the box? Panuto: Ipaliwanag ang ugnayan ng Kolonyalismo at Imperyalismo gamit ang Venn-diagram. D. Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto GAWAIN 9: Concept Clarification Map Panuto: Gamit ang istratehiyang “Concept Clarification”, ay ipaliliwanag ng mag- aaral ang konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo 8 2. Pagninilay sa Pagkatuto Gawain 10: Mag-aral is Fun sa Araling Panlipunan! Ipakita ang iyong naramdaman batay sa natutuhan sa nakalipas na aralin gamit ang “pag-thumbs up” at “thumbs down” ng iyong kamay. Madali sa akin ang naging aralin at naging mahusay ako sa paksang tinalakay. Naging mahirap para sa akin ang nakalipas na aralin. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 9 IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO A. Pagtataya 1. Pagsusulit Gawain 11: A. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. 1. Direktang pinamunuan ng mga mananakop ang mahihinang bansa. Ang kanilang pamahalaan ay nasa kapangyarihan ng mananakop. 2. Isang sistema ng pananakop kung saan ang isang makapangyarihang estado ay sapilitang kinokontrol ang mas maliliit at mahihinang estado. 3. Tumutukoy sa pagkontrol ng dayuhang bansa sa mas mahihinang bansa. Ang pamahalaan at ekonomiya ay tuwirang pinamamahalaan ng mga dayuhan. 4. Pinahihintulutan ang mga lokal o katutubong pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala ngunit kontrolado ng mas malakas na bansa ang mga pinuno na kanilang binigyan ng kapangyarihan. 5. Tumutukoy sa isang teritoryo o bahagi ng mahinang bansa na kinokontrol o nasa impluwensiya ng mas malakas na bansa upang hindi sila lubusang sakupin. B. Panuto: Punan ang tsart ng angkop ng nilalaman. Tuwirang Pananakop Di-tuwirang Pananakop Kahulugan Bansang nakaranas ng pananakop Bansang nanakop 10 2. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin (Opsiyonal) B. Pagbuo ng Itala ang naobserhan sa Hinihikayat ang mga guro na Problemang Naranasan at Anotasyon pagtuturo sa alinmang Epektibong Pamamaraan magtala ng mga kaugnay na Iba pang Usapin sumusunod na bahagi. obserbasyon o anumang kritikal na kaganapan sa Estratehiya pagtuturo na nakakaimpluwensya sa pagkamit ng mga layunin ng aralin. Maaaring gamitin o baguhin ang ibinigay na Kagamitan template sa pagtatala ng mga kapansin-pansing lugar o alalahanin sa pagtuturo. Pakikilahok ng mga Bilang karagdagan, ang mga Mag-aaral tala dito ay maaari ding maging sa mga gawain na ipagpapatuloy sa susunod na araw o mga karagdagang At iba pa aktibidad na kailangan. C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: Ang mga entry sa seksyong ito ay mga pagninilay ng guro ▪ Prinsipyo sa pagtuturo tungkol sa pagpapatupad ng Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? buong aralin, na magsisilbing ___________________________________________________________________________ input para sa pagsasagaw ng ___________________________________________________________________________ LAC. Maaaring gamitin o ___________________________________________________________________________ baguhin ang ibinigay na mga Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? gabay na tanong sa pagkuha ng ___________________________________________________________________________ mga insight ng guro. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 11 ▪ Mag-aaral Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Ano at paano natuto ang mga mag-aaral? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ▪ Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 12

Use Quizgecko on...
Browser
Browser