Pointers for Araling Panlipunan 6 PDF
Document Details
Uploaded by TenaciousVerse1371
Tags
Summary
This document provides pointers on changes in Filipino culture during the American period, including topics such as education, health, arts, and way of life. It details how American influence shaped various aspects of Filipino society.
Full Transcript
Pointers for Araling Panlipunan 6 WEEK1: MGA PAGBABAGO SA KULTURANG PILIPINO SA PANAHON NG MGA AMERIKANO Impluwensiya ng mga Amerikano sa Kulturang Pilipino 1. Sistema ng Edukasyon - Ipinapadala sa Estados Unidos ang matatalinong mag-aaral upang makapag-aral nang libre, sila ay tinatawag na...
Pointers for Araling Panlipunan 6 WEEK1: MGA PAGBABAGO SA KULTURANG PILIPINO SA PANAHON NG MGA AMERIKANO Impluwensiya ng mga Amerikano sa Kulturang Pilipino 1. Sistema ng Edukasyon - Ipinapadala sa Estados Unidos ang matatalinong mag-aaral upang makapag-aral nang libre, sila ay tinatawag na pensiyonado o iskolar - Nakita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng edukasyon kaya’t maraming magulang at anak ang nagsakripisyo - Ang edukasyon ang paraan ng mga Amerikano upang mapaamo at mapasunod ang mga Pilipino - Itinatag ang Kagawaran ng Pagtuturong Pampubliko o Department of Public Instruction noong 1901 - Itinakda ang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan 2. Kalusugan at Kalinisan - Itinatag ng mga Amerikano ang Lupon sa Kalusugan ng Bayan o Board of Health for Philippine Islands noong 1901 - Natuto sa wastong pagpapanatili ng kalinisan sa sarili at pagkain - Itinayo sa bayan ang mga sentrong pangkalusugan tulad ng klinika at ospital at ang pinakatanyag ang Philippine General Hospital noong 1901 3. Panitikan - Yumabong ang panitikang Pilipinong nasusulat sa wikang ito - Maraming Pilipino ang manunulat ang naging tanyag sa larangan ng tula, sanaysay, maikling kwento, dula at nobela tulad nina C.P, Romulo, J.F. Salazar, M.M. Kalat, Nick Joaquin at iba pa 4. Pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon - Dahil sa pagiging mahalagang salik sa pag-unlad ito ay pinagtuonan ng pansin ng mga Amerikano - Ipinagawa ang mga kalsada at nagkaroon ng iba’t ibang uri ng sasakyan tulad ng bisikleta, trak, motorsiklo, kotse na nagpabilis sa pagpapalakbay - Umunlad ang sistema ng komunikasyon, natutunan ang paggamit ng telepono telegrapong walang kawad. Sila rin nagpakilala sa sa paggamit ng radyo sa paghatid ng balita at komunikasyon 5. Tahanan at Gusali - Sa ilalim ng kanilang pamamahala ay nabago rin ang disenyo ng bahay at gusali sa bansa - Nauso sa mga tahanan ang bungalow, chalet, apartment at mga kongkretong bahay at gusali na ginamitan ng mga bakal - Nauso rin ang paggamit ng flush sa mga palikuran o kubeta - Ginaya ang mga usong disenyo ng gusali sa Amerika na halimbawa ng sa Korte Suprema, Kagawaran ng Agrikutura at Tanggapan ng Koreo sa Maynila 6. Relihiyon - Pinairal ng mga Amerikano ang paghihiwalay ng simbahan at estado - Pinairal din nila ang malayang pagpili ng sariling relihiyon - Protestantismo ang relihiyong ambag ng mga Amerikano na naniniwala ring si Hesus ang Diyos. - Maraming sekta ng Protestantismo ang naitatag sa bansa. Lumaganap ang Iglesia Filipina Independiente na itinatag ni Padre Gregorio Aglipay. Iba pang paraan ng pamumuhay Tinawag ng mga Amerikano ang mga Pilipino na “little brown Americans” Nagbago ang kanilang kasuotan Maraming pagkain ang ipinakilala tulad ng hamon, hotdog, sausage, beef steak, hamburger, cookies, sandwich at tinapay na pamalit sa kanin at mga inuming softdrinks, beer, whiskey at iba pang alak WEEK2: MGA PAGBABAGO SA PAMAHALAAN AT EKONOMIYA SA PANAHON NG MGA AMERIKANO Pamahalaang Militar - Upang mapigilan ang mga pag-aalsang maaaring sumiklab - Pinamumunuan ng Gobernador Heneral na may kapangyarihang ehekutibo, lehislatura at hudikatura - Mga Gobernador Militar - Wesley Merrit (1898), Heneral Elwell Otis (1898-1900), Heneral Arthur MacArthur Jr (1900 – 1901) Patakarang Pasipikasyon - Para sa mga Pilipinong patuloy na nakikipaglaban para makakamit ang kapayapaan - Pagbabawal sa pamamahayag noong 1899 partikular ang mga balita o artikulongnagsusulong sa kalayaan ng Pilipinas at bumabatikos sa mga patakaran ng mga Amerikano Patakarang Ko-Optasyon - Para sa mga Pilipinong patuloy agad na sumumpa sa katapatan sa pamahalaang Amerikano (na karaniwang kinabibilangan ng mga nasa pamunuan) Noong Hulyo 4, 1901 pinasiyaan sa Maynila ang Pamahalaang Sibil sa pamumuno William H. Taft, ang unang gobernador- sibil. Naaprubahan ang Batas Pilipinas o Batas Cooper noong 1902 na nagbigay sandigan sa kalayaan ng bansa. Nagkaroon din ng dalawang kinatawang Pilipino sa Kongreso ng Estados Unidos bilang paghahanda ng Pilipinas sa pagsasarili.