FIL.3 Introduksyon sa Pag-aaral ng Wikang Pambansa - Midterm Handout PDF

Summary

This document provides an overview of the historical development of the Filipino language, tracing its evolution through various periods and key events. It covers the introduction of the Philippine national language, and examines the policies and initiatives that have shaped its development and usage.

Full Transcript

**FIL.3 INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA** - Wikang Pambansa 1. **[KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA SA PILIPINAS]** Ang sumusunod ay ibat ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating wika: - **Nobyembre 1936** Inaprobahan ng Kongreso ang...

**FIL.3 INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA** - Wikang Pambansa 1. **[KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA SA PILIPINAS]** Ang sumusunod ay ibat ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating wika: - **Nobyembre 1936** Inaprobahan ng Kongreso ang **Batas Komonwelt Bilang 184** na lumikha ng ***[Surianng Wikang Pambansa]*** na naatasang gumawa ng *pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa namagiging batayan ng wikang pambansa*. - **Disyembre 30, 1937** Sa pamamagitan ng **Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134** ng ***[Pangulong Quezon]***, ang *Wikang Pambansa ay ibabatay sa **[Tagalog.]*** - **Abril 1, 1940** Ipinalabas ang **Kautusang Tagapagpaganap** na nagtadhana ng *[paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.]* Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansasa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940. - **Hunyo 7,1940** Pinagtibay ng **Batas-Komonwelt Blg. 570** na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946.Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. - **Marso 26,1954** Nagpalabas ng isang **kautusan** ang ***[Pangulong Ramon Magsaysay]*** sa taunang pagdiriwang ng *[Linggo ng Wikang Pambansa]* mula sa ***Marso 29 - Abril 4.*** Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa ***Agosto 13-19*** tuwing taon. - **Agosto 12,1959** Tinawag na **Pilipino** ang **Wikang Pambansa** ng lagdaan ni ***[Kalihim Jose Romero]*** ng Kagawaran ng Edukasyon ang **Kautusang Blg 7.** Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin. - **Oktubre 24,1967** Nilagdaan ni ***[Pangulong Marcos]*** ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga *[gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa **Pilipino.**]* - **Marso,1968** Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, ***[Rafael Salas]***, ang isang **kautusan** na ang *[lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa **Pilipino.**]* - **Agosto 7,1973** Nilikha ng ***[Pambansang Lupon ng Edukasyon]*** ang **resolusyong** nagsasaad nagagamiting *[midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya]* sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at *[pasisimula sa taong panuruan 1974\--75.]* - **Hunyo 19,1974** Nilagdaan ni ***[Kalihim Juan Manuel]*** ng *[Kagawaran ng Edukasyon at Kultura]* ang **Kautusang Pangkagawaran Blg.25** para sa pagpapatupad ng *[edukasyong **bilingwa**l sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.]* **Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa**, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng *[Komisyong Konstitusyonal]* na pinamunuan ni ***Cecilia Palma***. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika: **[Artikulo XIV -- Wika]** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ - **KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA** (**[Ang wikang filipino kasaysayan](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#1) at pag-unlad ng wikang pambansa)** - **[PANAHON NG KATUTUBO 800](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#2)[ B.C. -- 800A.D. ]** - Indian -- Indonesian - Syllabic Writing o pagpapantig (Sanskrit, Alibata o Baybayin.) - Natuklasan ang espisimen sa isang banga na may nakaukit na mga sinaunang letra. - Naibahagi ang mga salitang: [dala, anak, asawa, diwa, biyaya, puri, masama, wika, aklat, galit, sadya. Sandata, mutya, panday at salita.] - Mayroon lamang katinig: **B,D,G,H,K,L,M,N,NG,P,S,T,W,Y** - **[PANAHON NG TSINO NEW STONE AGE 10^th^ - 15^th^ CENTURY]** - **(Tang, Yuan at Sung Dynasties)** - May layuning makipagkalakalan - Naibahagi ang mga Tagalog na salita: [Pancit, susi, pinggan, tsa, gusi (big jar), tinghoy (Oil Lamp), Mangkok (Bowl)] - **[PANAHON NG KASTILA 1565-1872 ]** - **March 15, 1521 -- Dumating si Magellan sa Pilipinas** - **February 13, 1565 -- Dumating si Legaspi para sakupin ang Pilipinas** - **Ipinag-utos ng hari ng Espanya na turuan ng wikang Kastila ang mga katutubo.** - **Hindi itinuro ng mga kastila ang kanilang wika, sa halip sila ang nag-aral ng wika ng mga katutubo. Ginawang sapilitan ang pag-aaral. VERNAKULAR ang wikang ginamit.** - **Wikang Kastila sa pamahalaan, Vernakular sa mga paaralan.** - **Gayunpaman, nakabuti ang pasyang ito dahil nasimulan ang paglinang sa mga rehiyunal na wika. Nalimot ng mga taong-bayan ang kanilang Paganismo, ngunit hindi ang kanilang katutubong wika.** - **[Nakaambag ang mga](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#5) Kastila sa [Panitikan ng Pilipinas]** - **Nagsulat ang mga prayle ng mga diksyunaryo, naging bihasa sila sa katutubong wika at ito'y kanilang gamit sa pagtuturo ng kateksimo.** - **Nagbukas sila ng mga paaralan sa layuning maituro ang relihiyon.** - **[PANAHON NG PROPAGANDA](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#6)[ AT HIMAGSIKAN 1872-1898 ]** - **Panahon ng Kamulatan** -- namulat ang isipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino. - Pinangunahan ng pangkat ng mga Ilustrado: **Rizal, Luna, del Pilar, Lopez Jaena** atbp. - Nakapag-aral sa ibang bansa -- Espanya (Europa) - Natuto ng ibang ideolohiya (Nasyonalismo at demokrasya) - Naitatag ang KARTILYA NG KATIPUNAN (**Emilio Jacinto**) na nakasulat sa wikang **TAGALOG**. - Maraming naisulat na akdang pampanitikan sa wikang Tagalog tulad ng tula, sanaysay, kuwento, liham at talumpati upang magising ang mga Pilipino. - **[November 1, 1897](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#7) -- Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato- nakasaad na ["Ang Wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng mga Pilipino." ]** - **Itinadhana sa Artikulo 123 na ang ituturo sa elementarya ay wastong pagbasa, pagsasalita at pagsulat ng wikang opisyal na Tagalog at ang pangunahing simulain ng Ingles.** - **[PANAHON NG AMERIKANO 1898-1990](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#8)  ** - **Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagbunsod ng malaking pagbabago sa kalagayang pangwika sa Pilipinas.** - Nagpatayo ng pitong pambayang paaralan sa **Maynila**. - Naging unang guro ang mga sundalong Amerikano na nagturo ng **Ingles**. - **March 4, 1900** -- Alinsunod sa Pangkalahatang Kautusan Blg. 41, si **Kapitan Alberto** **Todd** ay nagsagawa ng mga hakbang tungo sa pagtatatag ng isang sistema ng edukasyon. - Pagtatag ng isang komprehensibong modernong sistema ng edukasyon - Paggamit sa wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo - Pagpapatupad ng patakarang sapilitang pagpasok sa paaralan - **1901-** Pinagtibay ng **Philippine Commission** sa Bisa ng **Batas 74** na gawing panturo sa mga paaralan ang wikang Ingles. - Oryentasyon ng mga Amerikano sa Edukasyon -- Pagpilit sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Malugod itong tinanggap ng mga katutubo dahil; - Mabuti ang pakikisama ng mga Amerikano - Uhaw ang mga Pilipino sa isang uri ng pag-aaral na liberal (malaya at malawak) - Mga Paksa sa Paaralan: Kulturang Amerikano, Literatura, Kasaysayan, Pulitika at Ekonomiya. - Ipinagbawal ang pag-aaral sa anumang bagay sa Pilipino. - Nagkaroon ng **ALPHABET** (A is for Apple kahit walang apple sa Pinas.) - Lokal -- baduy, Promdi / Imported -- With Class, Sosyal - Pinaghalo ang wikang English at Tagalog (Enggalog o Taglish) - Nagkaroon ng Cebuano-English, Ilokano --English at Carabao-English. - **[1925 -- MONROE](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#10) EDUCATIONAL COMMISSION --** Nakita sa sarbey na mabagal matuto ang mga batang Pilipino kung Ingles ang Wikang Panturo sa paaralan. - **1932 -- PANUKALANG BATAS BLG. 577 --** Gamitin bilang wikang panturo sa mga paaralang **primarya** ang mga katutubong wika mula taong panuruan **1932-1933.** - **[PANAHON NG MALASARILING](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#11) PAMAHALAAN 1935-1942 (Komonwelt)** - Ang misyon nina **Quezon at Osmeña** nagpahalaga sa importansya ng wikang pambansa. - Layunin ng edukasyon- debelopment ng diwa ng pambansang pagkakaisa o nasyunalismo. - Naniniwala ang mga lider na mahalaga ang adapsyon ng isang panlahat na pambansang wika**.** - **[Iminungkahi sa isinagawang](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#12) deliberasyon ang mga sumusunod:** - **1943 -- nagkaroon ng Kombensyong Konstitusyonal na tinalakay ang problema sa wika at kung ano nga ba ang gagamiting Opisyal na wika?** - [Napagkasunduan nila *"Dapat*](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#13)* na katutubong Wika at hindi dayuhang Wika ang Wikang Pambansa, at magpapatuloy bilang wikang opisyal ang Ingles at Espanyol."* - **1935 -- Saligang Batas ng 1935** (Art.Blg.XIV, s.3) -- ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang **wikang pambansa** na ibabatay sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan. - **Nob. 13, 1936 -- Batas Komonwelt Blg. 184 --** Itinatag ang **Surian ng Wikang Pambansa** (SWP) -- Binigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga pag-aaral sa lahat ng mga sinasalitang wika sa Pilipinas at magrekomenda ng pinakamagaling na magiging batayan ng isang pambansang wika. **[TAGALOG]** ang kanilang pinili... - **[Nob.9, 1939 --](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#14) **Isinumite ng mga miyembro ng surian kay **Pang. Quezon** ang kanilang rekomendasyong Tagalog ang gagamiting batayan ng **wikang pambansa.** - **Dis.30, 1939** -- Nagkabisa ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 -- WIKANG **TAGALOG** ang gawing batayan sa pagpili ng **wikang pambansa.** - **Dis. 1939 --** *[Nalimbag]* ang kauna-unahang Balarilang Pilipino ni **Lope K. Santos** na kinalalang **Ama ng Balarilang Pilipino.** - **Abr.1, 1940- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263-** [*Pagpapalimbag*] ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at ang Balarila ng Wikang Pambansa para magamit sa mga paaralan sa buong kapuluan**.** - **Hul.4, 1946 - Sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570-** ang **wikang pambansa** ay sisimulang *ituro bilang asignatura mula unang baitang ng elementarya hanggang ika-apat na taon sa sekondarya.* - **[PANAHON NG HAPON 1942-1945]** - **Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig** ** Nasarado** ang lahat ng mga Paaralan Sa muling **pagbubukas** nito -- *[ipinagamit na wikang panturo ang wikang katutubo]* Sa pamamagitan ng paaralan ay pinasimulan nila ang paglaganap ng ideolohiyang Hapones Ibig ng mga **Hapones** na *malimutan ng mga Pilipino ang wikang Ingles* Naging maunlad ang wikang pambansa, umunlad ang panitikang Pilipino. [** Inalis sa kurikulum**](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#16) ang wikang Ingles, sapilitang **ipinalit** ang *[Wikang Pambansa at Niponggo. ]* - **Mga Paksa ng pagtuturo:** - Pamumuhay at kulturang Hapones, - kasaysayan ng Silangang Asya, - mga awiting Pilipino at Hapones. - Naging aktibo si **Pang. Jose P. Laurel** sa paglahok sa *[paghahanda ng bagong konstitusyong nagtakda ng ilang reporma sa edukasyon.]* - **Nob. 30, 1943** -- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 -- **ituturo** ang **wikang pambansa** mula *[elementarya hanggang sa kolehiyo. ]* - **Enero 3, 1944** -- **Binuksan** ang isang Surian ng Tagalog na *[magtuturo ng tagalog sa mga gurong hindi tagalog.]* - ***Walang kumontra*** sa mga panukala dahil [takot ang lahat sa mga Hapones.] - **[PANAHON NG BAGONG](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#17)[ REPUBLIKA 1946-1972 ]** - **Hulyo 4, 1946 -- Batas Komonwelt Blg. 570** -- ang wikang pambansa ay isa nang ***[Wikang Opisyal sa Pilipinas. ]*** - **1946 -- ang wikang pambansa ay tatawaging "*[WIKANG PAMBANSANG PILIPINO." ]*** - **1951 -- Ang Wikang Pambansa ay tatawaging *["WIKANG PILIPINO."]*** - **Marso 26, 1954 -- Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 13, ang *[PAGDIRIWANG NG LINGGO NG WIKA tuwing Marso 29-Abril 4 ]*** - **Setyembre 23, 1955 -- Proklamasyon Blg. 186 --** Inilipat ang petsa ng pagdiriwang sa ***[Agosto 13-19]*** itinapat sa kaarawan ng Pang. Quezon. - **[Agosto 13, 1959](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#18)[ ]-- Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 --** ang *wikang pambansa* ay tatawaging **"[PILIPINO]."** - **1970 -- *Resolusyon blg. 70* -- Ang wikang Pambansa ay naging *[wikang panturo sa antas elementarya. ]*** - **Hulyo 29, 1971 - Memorandum Sirkular 488 --** magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng *[Linggo ng Wikang Pambansaa, Agosto 13-19.]* - **Muling binuo ni Pang. Marcos ang SWP at itinakda ang mga kapangyarihan nito.** - **[PANAHON NG BAGONG](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#19)[ LIPUNAN 1972-1985 1972 ]** - **Saligang Batas ng 1972(Art.XV,s.2-3)** Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang tatawaging **[PILIPINO]** at hangga't di binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga *[opisyal na wika ng Pilipinas. ]* - **1973 -- Resolusyon Blg. 73-7 --** Patakarang Edukasyong **Bilingguwal** - **September 10, 1983 --** Ang **Constitutional Commission** ay inaprubahan na pormal na pagtibayin ang ***[FILIPINO]*** bilang **Wikang Pambansa**. - **[KASALUKUYAN 1986]** - **Oktubre 12, 1986 --** *[pinagtibay ang implementasyon]* ng paggamit ng **FILIPINO** bilang pambansang wika. - **Enero 1987 -- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 --** pinalitan ang **SWP ng LWP** o *[Linangan ng mga Wika sa Pilipinas**.** ]* - **Mayo 1987 --** Inilabas ni **Dr. Lourdes** **Quisumbing** (Kalihim ng Edukasyon) ang ***[Kautusang Pangkagawaran Blg. 32]***, **FILIPINO** -- wika ng literasi, **ENGLISH** -- wika ng agham at teknolihiya. - **Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 --** nagsagawa ng **reporma** sa alpabeto at sa mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino. *["Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino."]* - **[Agosto 14,](https://www.slideshare.net/WendellTaraya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-wikang-pambansa#21) 1991 - Batas Republika Blg. 7104- Nilikha** ang *[Komisyon sa Wikang Filipino **(KWF)** ]* - **Hulyo 15, 1997 -- Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041. Nagpapahayag sa *[taunang pagdiriwang ng BUWAN NG WIKANG PAMBANSA tuwing Agosto 1-31.]*** 2. **[TAGALOG, PILIPINO, FILIPINO: MAY PAGKAKAIBA BA?"]** Ni Dr. Pamela C. Constantino - **[Wikang Tagalog]** **Tagalog** ang wika sa *[Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro,Marinduque, ilang parte ng Nueva Ecija, Puerto Princesa at pati Metro Manila.]* Ito kung gayon, ay isang **wikang natural,** may *[sariling mga katutubong tagapagsalita]*. Isang partikular na *[wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo sa bansa ang mga Tagalog.]* Pagdating pa man nina Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 sa Maynila ay napuna na nilang **sinasalita ito ng maraming Pilipino.** - ***Wikang Tagalog Bilang Wikang Pambansa*** Nasangkot ang Tagalog sa pambansang arena nang **ideklara** ni **Presidente Manuel L. Quezon** ang **Wikang Pambansa** na batay sa **[Tagalog]** noong **[Disyembre 30, 1937]** (Executive Order No. 134).Mula noong 1940, *[itinuro ito sa lahat ng paaralang publiko at pribado.]* - **[Wikang Pilipino]** Samantala, ang ***[Wikang Pilipino]*** ay ang **Filipino National Language** (Noong 1943) na **batay sa Tagalog** mula noong 1959, nang ipasa ang Department Order No. 7 noo'y Sec. Jose Romero, ng Department of Education. Ito rin ang *[pangalawang itinatawag sa wikang opisyal,]* wikang pampagtuturo at asignatura sa **Wikang Pambansa mula 1959**. **Nahinto** lamang ito nang *[pagtibayin ang Filipino bilang wikang pambansa.]* ***Filipino*** naman ang *[itinatawag sa wikang pambansa sa Konstitusyon ng 1987]*(maging noong 1973 pero Pilipino pa rin noon ang wikang opisyal). - **[Pagkakaiba ng Pilipino sa Filipino]** Lumalabas na ang **Pilipino ay Tagalog din** sa nilalaman at istruktura at walang Pilipino bago 1959. Gayundin, **walang wikang Filipino bago 1973.** Magkaiba ang Filipino kahit parehong naging Wikang Pambansa ang mga ito dahil magkaibang konsepto ang mga ito. **Pilipino** - ay batay sa iisang wika (Tagalog) **Filipino** - ay sa maraming wika sa Pilipinas, kasama na ang Ingles at Kastila. Dahil batay sa Tagalog at gamit ng mga Tagalog, hindi nabigyan ng pagkakataon ang mga di-Tagalog na maging parte ng pagpapayaman at pagpapaunlad ng Filipino. Naging problema lang noon ang kung aling Tagalog ang **"mas maganda, mahusay, angkop"** na pinag-aagawan ng mga Tagalog mula Bulacan, Laguna at Batangas. **[Tagalog Imperialism]** **[Miskonsepsyon sa Filipino]** **[Ubod ng Konseptong Filipino]** 1. **[KASAYSAYAN NG ALFABETO AT ORTOGRAPIYANG FILIPINO]** **ORTOGRAPIYA** **ALIBATA** **1940** **1971** **1976** **1987** **1999** **2001** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ - **[MGA TEORYA NG WIKA]** [Narito ang iba\'t ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan: ] 5. 6. 7. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ - **[TEORYA NG PAGKATUTO NG WIKA]** - **Teoryang Behaviorist** ***[Ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawa ay maaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran.]*** Natural lamang sa isang bata na matutunan ang isang wika sapagkat ang bawat nilalang ay biniyayaan ng kakayahang pagkatuto subalit ito may malaking kaugnayan sa kanyang kapaligiran. Makaiimpluwensiya sa isang bata ang kanyang nakikita sa paligid araw-araw na kung saan gagayahin niya ito at maging isang faktor sa paghubog ng kanyang pagkatao. Ika nila ang mga bata o mga mag-aaral ay isang **great imitator.** Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapayayaman at mapauunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay dito. Binigyang-diin ni **Skinner (1968),** isang pangunahing behaviorist, na kailangang ***["alagaan"]*** ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. Upang mapaunlad at mapayaman ang kakayahang intelektwal ng isang bata o estudyante *[kailangang mapanatili ang kanyang interes sa pagkatuto sa pamamagitan ng pagmotibeyt sa kanya.]* Ang salitang **very good o magaling**, **ipagpatuloy mo iyan** at iba pang mga salitang nagpapasigla ng kanyang damdamin tuwing siya'y may nagawang kabutihan o mataas ang grado ay may malaking impact sa kanyang pagkatao na siyang nag-udyuk sa kanya [upang mas igihan pa ang pagkatuto.] Ang teoryang behaviorist ay ***[nagbibigay sa mga guro ng set ng mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo]***. Ibinatay ang **audio-lingual method (ALM)** na naging popular noong mga taong 1950 at 1960. Sa pamamagitan ng audio-lingual method masasanay at mahahasa ang mga estudyante sa paggamit ng target na wika. [*Ang **pagpapalitan ng ideya** sa loob ng silid aralan at pagpapaliwanag ng isang bagay at pagkaaroon ng isang **conbersasyon** ay paraan ng pagsasanay* **upang mapaunlad ang kakayahang makipagtalastasan** *ng mga mag-aaral sa* tamang paggamit ng gramatikal istruktyur ng wika.] Batay sa mga teoryang sikolohikal at linggwistik. Pangunahing katangian ng ALM - Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita; - Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril; - Paggamit lamang ng mga target ng wika; - Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot; - Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at - Ang pagtuturo at pagkatuto ay naktuon sa guro - **Teoryang Innatism** Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay **[*nakabatay sa paniniwalang ang bata ay ipinanganak na may* "likas na talino" *sa pagkatuto ng wika.*]** Ipinaliwanag ni **Chomsky (1975,1965)** na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay **biologically programmed** *[para sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang]* katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao. **Halimbawa,** [pagdating ng bata sa takdang gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng tamang nutrisyon bukod pa sa Malaya siyang nakakakilos at nakakagalaw.] Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na **Language Acquisition Device (LAD**). Ang aparatong ito ay karaniwang ***inilalarawan bilang isang likhang isip na* ['black box']** na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Sa **kasalukuyan**, *[inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang terminong LAD;]* sa halip, **Universal Grammar (UG)** na ang *tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang* (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White, 1989). - **Teorayang Makatao** Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay **nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at emosyunal.** *[Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan.]* Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon ay ang sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent Way ni Gattegno at ang Suggestopedia ni Lazonov. - **Teoryang Kognitib** Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, **[*ang pagkatuto ng wika ay* isang prosesong dinamiko *kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap*]**. Ayon sa mga **cognitivist**, *[ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto.]* Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang makatukalas sila ng isang paglalahat. Ang **dulog na pasaklaw** (specific to general) na kabaligtaran ng dulog na pabuod (general to specific). Kung ang dulog na pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay nagsisismula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang **teoryang cognitive** ay palaging [*nakapokus sa kaisipang* **ang mga impormasyong ito'y maiuugnay** *ng mga mag-aaral* **sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman.**] Ang **[teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming aspekto.]** Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay **ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika** (page at pinnel, 1979). Pinaniniwalaan ng mga **innativist** na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng mga **cognitivist**, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng wika.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser