Buod ng Talakayan sa mga Kursong Awtkam 1-3 (PDF)
Document Details
Uploaded by AdaptiveDifferential
Mapúa University
Tags
Related
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura ng Pilipinas Reviewer PDF
- Metalinggwistik na Pagtalakay ng Wikang Filipino PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura (Tagalog) PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Pagsusuri ng Wikang Filipino: Pag-aaral ng Paggamit sa Iba't Ibang Sektor PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng buod ng talakayan sa mga kursong Awtkam 1 hanggang 3, na tumatalakay sa mga batayang konsepto, gamit, tungkulin, at antas ng wika, kasama ang kasaysayan ng wikang pambansa at sitwasyon ng wika. (Tagalog)
Full Transcript
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Buod ng talakayan sa Mga Kursong Awtkam 1 hanggang 3 Batayang Konseptong Pangwika. Gamit, Tungkulin, Antas ng Wika, Kasaysayan ng Wikang Pambansa, Sitwasyong Pangwika KURSONG AWTKAM 1: BATAYANG KONSEP...
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Buod ng talakayan sa Mga Kursong Awtkam 1 hanggang 3 Batayang Konseptong Pangwika. Gamit, Tungkulin, Antas ng Wika, Kasaysayan ng Wikang Pambansa, Sitwasyong Pangwika KURSONG AWTKAM 1: BATAYANG KONSEPTO, GAMIT, TUNGKULING NG/SA WIKA A. Kahulugan ng Wika § Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito (Bienvenido Lumbera) § Isang midyum at isang instrumento ang wika na nakatutulong sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan at pag-uunawaan ng mga tao. (Joseph Stalin) § Ang wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karununga, moralidad, paniniwala, at kaugalian ng mga tao sa lipunan. (Alfonso O. Santiago) § Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo. (Noah Webster Jr.) § Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. (Archibald A. Hill) § Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Henry Allan Gleason Jr) B. Ang Wika ayon kay Henry Gleason at Katuturan ng Wika KATUTURAN NG WIKA § Panlipunan § Nagagamit ang wika upang magkaroon ng lipunan. Lipunan na magtataguyod ng isang nasyon at bubuo ng isang bansa. Bansa na nagkakaisa at may pagkakakilanlan. § Panliterasiya § Sa pamamagitan ng wika ay naisasalin ang mga karunungan at gamit din ito ay natututo ang tao. Kinakasangkapan ang wika upang matuto at magturo. § Pansariling Kaligayahan § Kung ang nagkakaisang tao ay bunga ng pagkakaunawaan dahil sa wika, ang isang tao rin ay nakabubuo ng sariling mundo sa pamamagitan ng wika. ANG WIKA AYON KAY GLEASON § Masistemang Balangkas § May katangiang makaagham ang wika at lahat ay nakaayos sa sistematikong balangkas na ito. Mula sa pagpapalabas ng tunog, pagtukoy sa makahulugang tunog na maaaral sa Ponolohiya, paggamit ng tunog upang makabuo ng salita na maaaral sa Morpolohiya, paggamit ng salita upang makabuo ng mga parirala, sugnay at pangungusap na magagamit sa pakikipagdiskurso. § Sinasalitang Tunog § Ang wikang pasalita ay nangangailangan ng tunog ng tao na nagmumula sa bibig, ang mga tunog na ito ay bunga ng mga aparato sa pagsasalita natin. Mula sa hanging nanggagaling sa baga patungo sa mga pumapalag na bagay na nakalilikha ng tunog na minomodipika ng resonador. Ang makahulugang tunog na ito ay tinatawag na PONEMA na bumubuo naman sa yunit ng salita na tinatawag na MORPEMA. § Pinipili at Isinasaayos § Sa pamamagitan ng ating utak ay pinipili natin ang bawat salita at maging ang wika na gagamitin sa pakikipagkomunikasyon. Kadalasan ay sa subconscious at minsan sa conscious na pag-iisip nagaganap ang pagpili. § Arbitraryo § Ang wika ay batay sa napagkasunduan ng komunidad na gamitin. Ang mga karanasan at kultura ng isang komunidad ay nakalilikha ng kanilang sariling pagpapakahulugan sa mga salita na kanilang pinili upang maging kanilang wika. § Ginagamit § Bilang ang wika ay instrumento ng tao sa pakikipagkomunikasyon at araw- araw nakikipagkomunikasyon ang tao sa ibang nilalang ang wika ay ginagamit. Ang wikang hindi ginagamit ay namamatay. § Nakabatay sa Kultura / Kabuhol ng Kultura § Makikilala natin ang tao batay sa wikang kaniyang ginagamit. Nagiging preserbado rin ang wika dahil sa paggamit ng tao sa lipunan. § Nagbabago/ Dinamiko § Kasabay ng paglipas ng panahon ay nababago ang wika. Nabubuhay at namamatay ang wika batay sa paggamit ng tao kaya ito ay nagbubunga ng pagbabago. § Natatangi § (Idinagdag ayon sa Sangguniang Aklat ng PUP, ang KSAF) Ang bawat wika ay may kaakuhan din na nagpapatangi sa iba pang wika. Tulad ng Nihongo na may tatlong paraan ng pagsulat, ito ang Hiragana, Katakana at Kanji. Ang wikang Filipino naman ay may tinatawag na Verbalizing Power o kakayahang ang mga pangngalan ay maging pandiwa KONSEPTONG PANGWIKA A. WIKANG PAMBANSA - Ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa, sa gayon, ay nagmimithing mabilis magkaunawaan at sibulan ng damdamin ng pagkakaisa ang mga mamamayan na may iba-ibang wikang katutubo. Malimit na hinihirang na wikang pambansa ang sinasalita ng dominante at/o pinakamaraming pangkat. B. WIKANG OPISYAL - ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wika na maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalò na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno. C. WIKANG PANTULONG - Karaniwang salin ang wikang pantulong ng auxiliary language sa Ingles. Ang auxiliary ay may pakahulugang “dagdag na tulong o suporta.” Ang wikang pantulong, samakatwid, ay wika na ginagamit para sa higit na pagkakaintindihan ng dalawa o mahigit pang nag-uusap. D. WIKANG PANTURO - ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. C. BARAYTI NG WIKA 1. Diyalekto o Dayalek – baryasyon na bunga ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong “wikain” ng iba. Ito ang sanga ng isang wika batay sa pook, lalawigan, bayan at rehiyon ng mga tagapagsalita nito. Ayon kay Constantino, 400 mahigit ang bilang ng mga diyalekto sa bansa. Halimbawa: Sa wikang Tagalog ay may mga diyalektong tinatawag na Tagalog- Quezon, Tagalog – Bulacan, Tagalog – Palawan. 2. Sosyolek – ang bayasyon na bunga dulot ng dimensyong sosyal. Kung esensiya ng wika ay panlipunan, nagdudulot ng pagbabago ang lipunang ginagalawan o kinabibilangan ng tao sa wika. Nakaaapekto sa baryasyon na ito ang relihiyon, estado sa buhay, trabaho, kasarian, edad at etnisidad. Halimbawa: Iba ang paraan ng pakikipag-usap ng isang estudyante sa kaniyang guro at sa kaniyang mga kaklase. Sa larang naman ng sosyal-medya ay uso ang jejemon, sa mga sangkabaklaan ay may tinatawag na silang Gay Linggo o wika ng mga miyembro ng kanilang kasarian. 3. Rehistro ng wika – ang lahat ng pangkat ng tao ay may mga tinatawag na “code” na ginagamit nila sa pakikipagtalastasan sa kanilang pangkat at ito ang tinatawag na rehistro ng wika. Jargon – ito ang mga rehistro ng wika na ginagamit ng mga taong nasa iisang gawain. Idyolek – ito ang ginagawang pagtatangi ng isang indibidwal sa paraan niya ng paggamit ng wika o kaya’y pagsasalita. Sa kasalukuyan ay lumaganap na rin ang baryasyon ng wika na dulot ng ilang gawain ng tao noon tulad ng pananakop at pakikipagkalakalan. Dahil dito ay nagkaroon na rin ng barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Pidgin – ito ang barayti ng wika na bunga ng pagsasanib ng dalawang wika. Sa pagsasanib ay nakabubuo sila ng isang panibagong wika na ang ayos ng balarila ay sa isang wika (karaniwan sa nagsasalita sa dalawang tao na nagtagpo) at ang mga bokabularyo naman ay sa isang wika (karaniwan ay wika ng dominente sa dalawa). Halimbawa: “Suki, ikaw bili tinda ko mura” Ang Insik na nakatira sa Pilipinas upang mangalakal na hindi lubusang natuto ng wikang Filipino ay nagsasalita ng mga bokabularyong Filipino ngunit ang paraan ng kaniyang pagbuo ng pangungusap ay tulad pa rin sa kaniyang wika. Creole – kung ang pidgin naman ay naging likas na wika o native language ito ay tinatawag na creole, isang nativized na wika. Nangyayari ito kapag may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin ditto bilang kanilang unang wika. Halimbawa: Chavacano, ang wikang ito na may pagka-Kastila ngunit hindi masasabing purong Kastila dahil may impluwensya ng ating katutubong wika sa estraktura nito. D. GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA TUNGKULIN NG MGA HALIMBAWA KATANGIAN WIKA PASALITA PASULAT INTERAKSYONAL Nakapagpapanatili/ ng relasyong Pormularyong Panlipunan, Liham Pangkaibigan sosyal Pangungumusta, biruan REGULATORI Kumokontrol at gumagabay sa Pagbibigay direksyon, Panuto kilos/asal ng iba paalala o babala INSTRUMENTAL Tumutugon sa pangangailangan Pakikiusap, Pag-uutos Liham Pangangalakal PERSONAL Nakapagpapahayag ng sariling Pormal/ Di-pormal na Liham Patnugot damdamin o opinion talakayan IMAHINATIBO Sa pamamagitan ng malikhaing Pagsasalaysay, Akdang Pampanitikan paraan nakabubuo ng imahinasyon Paglalarawan HEURISTIK Naghahanap ng mga impormasyon Pagtatanong, Sarbey, Pananaliksik at datos Pakikipanayam Nagbibigay ng impormasyon at IMPORMATIBO Pag-uulat, Pagtuturo Ulat, Pamanahong Papel datos ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ KURSONG AWTKAM 2: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA A. PANAHON BAGO ANG MGA DAYUHANG MANANAKOP (PRE-KOLONYALISMO) a. Pinatunayan ni Padre Chirino ang kalinangan ng Pilipinas sa kanyang aklat na Relacion de las Islas Pilipinas. Nakasaad dito na baybayin ang katutubong paraan ng pagsulat na ginamit ng mga katutubong Pilipino noong sinaunang panahon. Batay sa ulat ng mga misyonerong Kastila, kanilang nadatnan na ang mga Pilipino ay marunong nang magbasa at magsulat gamit and baybayin na naglalaman ng 17 na simbolo (14 katinig at 3 patinig). Dahil dito, nag-aral ang mga misyonero ng wikang katutubo at nagkaroon ng pangangailangang ilimbag ang kauna-unahang aklat sa bansa, ang Doctrina Christiana sa paraang baybayin. Ang teksto ay sinasabing inilimbag sa parehong wikang Espanyol at Tagalog gamit ang alpabetong Romano, kasama na rin ang salin nito sa baybayin (Komisyon sa Wikang Filipino, 2013). B. PANAHON NG MGA KASTILA a. Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, nagkaroon ng pagtatakda ng ilang batas kaugnay ng paggamit ng wikang Kastila partikular sa mga paaralan ng pamayanang Indio gaya ng ipinag-utos ni Carlos IV noong 1792. Mula sa baybayin ay naipalaganap ang paggamit ng alpabetong Romano bilang palatitikang Filipino. Ang palatitikang ito ang naging batayan ng ABAKADANG Tagalog na binuo ni Lope K. Santos nang kaniyang isulat ang Balarila ng Wikang Pambansa noong 1940. Mula sa 17 na orihinal na titik ng baybayin ay idinagdag ang titik R at ginawang lima ang patinig (A, E, I, O, U). b. May punto din sa kasaysayan na ipinag-utos ng Hari ng Espanya na turuan ang mga katutubo ng wikang Kastila ngunit hindi nila nasunod ang utos ng hari bagkus sila ang nag-aral sa wikang katutubo sa tatlong dahilan i. Ayaw nilang mahihigitan ang kanilang talino ng mga katutubo. ii. Natatakot sila baka maghimagsik ang mga katutubo laban sa kanila. iii. Nangangambang baka magsumbong sa hari ng Espanya ang mga katutubo tungkol sa kabalbalang ginawa ng mga Kastila sa Pilipinas. C. PANAHON NG BAGONG REPUBLIKA a. Sa pagbabalik ng mga Amerikano ay nagpatuloy ang mga hakbangin sa pagpapaunlad ng wikang Pambansa. Ilan sa mga batas pangwika na naipatupad ay ang sumusunod: Batas Komonwelt 70 (Hulyo 4, 1946) na naghahayag sa wikang pambansa bilang Wikang Pambansang Pilipino na isa sa mga opisyal na wika sa bansa; ang Proklamasyon Blg. 12 (Marso 26, 1954) na nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29 hanggang Abril 4 at Araw ni Balagtas tuwing Abril 2; inilipat ang panahon ng pagdiriwang nito simula Agosto 13 hanggang 19 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 186 (Septyembre 23, 1955) bilang pagkilala sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” b. Sa ilalim naman ng Kalihim ng Edukasyon na si Jose B. Romero, ipinatupad ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959) upang tawagin ang wikang pambansa na Pilipino na lamang upang paikliin ang dating katawagan dito. Nang sumapit ang dekada 60, sinimulang gamitin ang Pilipino para sa mga sertipiko at diploma sa paaralan gayundin sa mga edipisyo, gusali, tanggapan at mga dokumento ng pamahalaan. D. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN Resolusyon Blg. 73 (1973) – iniluwal ang patakarang bilingguwal. Ito ay ang paggamit ng wikang Ingles at Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na aralin at bilang hiwalay na asignatura sa kurikulum mula unang baitang ng mababang paaralan hanggang Kolehiyo sa lahat ng paaralan. Ipinalabas ang mga aklat ng “Mga Katawagang sa Edukasyong Bilingguwal” noong 1975 upang mabilis na maipalaganap ang bilingguwalismo. Memorandum Sirkular 77 (1977) – pagsasanay ng mga pinuno at kawani ng mga pamahalaang lokal sa paggamit ng wikang Pilipino sa mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya. Lumabas ang Kautusang Pangministri Blg. 22 (1978) na nag uutos ng pagkakaroon ng 6 na yunit na Pilipino sa lahat ng kurso sa tersyarya at 12 yunit sa mga kursong pang- edukasyon. Kautusang Pangministri Blg. 40 (1979) – ang mga estudyante sa medisina, dentista , abogasya at paaralang gradwado ay magkaroon na rin ng asignaturang Pilipino pati na rin ang mga estudyanteng dayuhan. Memorandum Sirkular Blg. 80-86 (Nobyembre 1980) – nag-aatas sa lahat ng mga gobernador at mayor ng Pilipinas na isalin sa Pilipino ang mga sagisag-opisyal. Kautusang Pangministri Blg. 102 – nagtatakda ng mga sentro sa pagsasanay ng mga guro sa Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa antas tersyarya. E. PANAHON NG KONTEMPORARYO Tuwirang binanggit sa niratipikang Konstitusyon noong 1987 na espesipikong matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 na ang wikang pambansa ay Filipino. Bilang dagdag, pinagtibay muli ang patakarang bilingguwalismo sa mga paaralan sa pamamagitan ng pagtuturo ng parehong Ingles at Filipino sa lahat ng antas. Sa panahon ding ito nilikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) alinsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 bilang pamalit sa SWP na tutugon sa patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa. Nang pumasok ang dekada 90, itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ayon sa Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) bilang pamalit sa LWP. Binigyan din ng kahalagahan ang pagdiriwang ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagpapahaba nito mula sa isang linggo hanggang maging isang buwan tuwing sasapit ang Agosto ayon sa itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041 (1997) na nilagdaan sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ KURSONG AWTKAM 3: SITWASYON NG WIKA SA BANSA Ano ang sinasabi sa bilang ng wika? o Ayon kay McFarland (2004) = 100 o Ayon kay Nolasco (2008) = 170+ o 170- Ano ang ginagamit na wika? a. Ayon sa mga datos ay gamitin pa rin ang wikang Ingles at itinatanghal itong wikang primarya sa paaralan, pamahalaan at trabaho samantalang ang Filipino naman ay sa lokal lamang at impormal na pag-uusap. Sinasabing ang wika ay hindi lamang instrumento sa komunikasyon kundi maging sa paghahari ng isang kapangyarihan sa tiyak na lipunan. b. Hindi Ingles ang susi sa pag-unlad dahil sa mga bansang mauunlad tulad ng Japan, Timog Korea, Thailand, Indonesia at Malaysia ay mas tanyag at gamitin ang sarili at pambansang wika nila kaysa sa Ingles. Ang Filipino sa Global na Usapin Ang mga sitwasyon o isyung nasa ibaba ay nakasalig sa sitwasyong pangwika na ito: § Pagiging kilala ng wikang Filipino sa labas ng bansa. § Pagtanghal sa Filipino bilang isa sa mga gamiting ikalawang wika sa iba’t ibang bahagi ng mundo tulad ng America. § Pagtatanghal sa wikang Filipino bilang isang bata ngunit palabang wika dahil lubos na gamitin sa buong mundo. § Pagkakaroon ng mga kurso at asignaturang Filipino sa ibang bansa na mas tinatangkilik ng mga guro at eksperto sa Filipino dahil mas nabibigyan ng importansya ang ating wika ng mga banyaga. Ang Filipino sa Social Media Ang mga sitwasyon o isyu na nasa ibaba ay nakasalig sa sitwasyong pangwika na ito: § Pagtatanghal sa bansang Pilipinas bilang Social Media Capital of the World § Pagiging kilala ng wikang Filipino at gamitin dahil laging may trending at patok na mga salita o hashtag man sa social media na ang wikang gamit ay Filipino. § Pagiging laganap ng wikang Filipino dahil sa mga taong banyaga man o ating kalahi ng wikang Filipino sa kanilang mga social media accounts. Mga Paurong na Batas sa Filipino § Batas Eksekyutibo Blg. 210 § Panukalang Batas sa Kongreso Blg. 4701 § CHED Memorandum Blg. 20, Serye ng 2013