Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document provides a review of Filipino language and communication. It discusses various concepts related to language including its structure, elements, and importance in different contexts and situations. This includes discussions of homogenous and heterogeneous language use, rehistro of language(specialized terms for different contexts or professions), and different functions of language.
Full Transcript
**KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO** **[Wika]** - Ito ay naglalarawan bilang isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na itinakda at isinasaayos sa paraang arbitraryo at pangunahing ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan. - Isang bahagi ng pakik...
**KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO** **[Wika]** - Ito ay naglalarawan bilang isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na itinakda at isinasaayos sa paraang arbitraryo at pangunahing ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan. - Isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw - Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng isang tao pasalita o pasulat man. **Kahalagahan** - Behikulo ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka naroon, sa paaralan, tahanan o kahit saan. - Instrument din ito ng komunikasyon - Simbolo ng Kalayaan - Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao - Nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman - Mahalaga ang wika bilang *lingua franca* o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba't ibang grupo ng taong may kani-kanyang wikang ginagamit - **Masistemang balangka ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura** **Finnocchiaro 1964** - **Sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultuta upang makipagtalastasan o di kaya'y makipagtalastasan o di kaya'y makipag-ugnayan** **Sturtevant 1968** - **Sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao** **Hill 1976** - **Pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estruktura** **Brown** - **Ang wika ay sistematiko. Set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao** **Bouman** - **Paraan ng mga komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag** **Webster** - **Kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunida** **HOMOGENOUS AT HETEROGENOUS NA WIKA** **Homogenous** - **Ito ang pare-parehong magsalita ang lahat na gumagamit ng isang wika** **Heterogenous** - **Ito ang pagkaiba-iba ng wika sanhi ng iba't ibang salin panlipunan tulad ng edad, hanpbuhay o trabaho, antas ng pinag-aralann, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat-etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad.** **May kaniya-kaniyang wikang ginagamit ang tao. Sa rehistro at barayti ng wika makikilala rin ang tao tulad ng dayalek, ang wikang ginagamit sa partikular na rehiyon; ang estilo ng paggamit ng wika ay tinatawag na idyolek; saman a lang ang sosyolek ay isang okupasyunal na rehistrong pangwika; at ang wikang ginagamit sa bahay ay ekolek samantalang ang etnolek ay pang-etnolingguwistikong grupo.** **REHISTRO NG WIKA** - **Tinatawag na rehistro ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang tipiko o teknikal na nagtataglay ng iba't ibang kahulugan sa iba't ibang larangan o disiplina.** - **Bawat propesyon ay may rehistro o mga espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang rehistro ng wika ng mga guro sa abogado. Iba rin ang inhinyero, computer programmer, doctor, at iba pa.** Halimbawa: - Ang spin sa ***washing machine*** ay nangangahulugan ng mabilis nap ag-ikot ng makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit. Samantala sa paggawa ng sinulid, nangangahulugan ang ***spin*** ng paghahabi ng hibla o fiber upang maging sinulid. - Ang ***text*** sa cellular phone ay tumutukoy sa ipinapadalang mensahe. Samantalang sa literature ang ***text*** ay tumutukoy sa ano mang nakasulat na akda gaya ng tula, alamat at iba pa. ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. ***Rehistro*** ang tawag sa ganitong uri ng mga termino. - Hindi lamang ginagamit ang rehistro sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa ibang ibang larangan o disiplina. Espesyal na katangian ng mga rehistro ng pagbabago ng kahulugan taglay kapag ginamit sa iba't ibang larangan o disiplina. *Ang rehistro ay itinuturing na isang barayti ng wika* - **Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap.** - **Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan atbp.** - **Di-pormal na pagsasalita naman ang ginagamit kapag ang kausap ay kaibigan, malalapit na pamilya, mga kaklase, o mga kasing edad, at matagal na kakilala.** **HEOGRAPIKAL, MORPOLOHIKAL, AT PONOLOHIKAL NA VARAYTI NG WIKA** ***Heograpikal na Varayti* -- tumutukoy sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa iba't ibang lugar** **Halimbawa:** - **Filipino-ibon: Sinubuanong Bisaya-langgam** - **Filipino-maganda: Samar-mahusay** - **Filipino-sitaw: Ilokano-utong** - **Bicol Legaspi-maluto: Bicol Guinobatan-umay** ***Morpolohikal na Varayti* -- dahil iba-iba ang wikang ginagamit sa iba't ibang lugar, nagkakaiba rin ang paraan ng pagbuo ng salita ng mga naninirahan sa mga ito.** **Halimbawa:** - **Batangas: Napatak ang buko** - **Batangas: Nasuray ang auto** **Morpolohiya -- ito ay ang sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng morpema (morphem) o ang pinakamaliit nay unit ng tunog na may kahulugan.** - **Pinag-aaralan dito ang Sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong kahulugan.** - **Tumutukoy sa pagkakaiba-iba sa pagbuo ng mga salita dahil sa paglalapi (Panlapi-unlapi,gitlapi,hulapi,kabilaan, at laguhan)** ***Ponolohikal na Varayti* -- tumutukoy sa pagbabago sa pagbigkas at tunog ng mga salita ayon sa pangkat ng mga taong gumagamit nito.** - **Sa paglikha ng kani-kaniyang wika, hindi maiwasang malikha rin ang magkaibang tunog at bigkas sa mga salita. Nagkakaroon ng dialectal accent ang bawat lugar.** - **Tagalog-pera: Bisaya-pira** - **Tagalog-pitaka: Bisaya-petaka** - **Tagalog-kuya: Bisaya-koya** - **Tagalog-bola: Bisaya-bula** **Ponolohiya -- ito ay sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng mga tunog o ponema (phonemes) ng isang wika, ang pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan.** ***[Heograpikal na Varayti]* -- nasa katawagan at kahulugan ang pagkakaiba.** ***[Morpolohikal na Varayti]* -- ang pagkakaiba ay nasa anyo at ispeling ng salita at hind isa tgalay na kahulugan.** ***[Ponolohikal na Varayti]* -- nasa bigkas at tunog ng salita ang pagkakaiba.** **Kahalagahan ng mga Barayti ng Wika** - **Nagagawa nitong mapaunlad ang isang wika sa pamamagitan ng pagdaragdag ng salitang gagamitin sa isang lipunan.** - **Mapaparami nito ang iba't ibang katawagan ng isang salita.** - **Natutulungan nito ang mga tao na makapamili ng mga salitang pinaka angkop na gamitin.** **Mga Gamit ng Wika** **Conative** - **Ito ay ginagamit sa mga sitwasyong naiimpluwensyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng pakiusap at pag-uutos.** - **Ginagamit din ito sa mga pagkakataong gusto nating humimok o manghikayat, may gusto tayong mangyari, o gusto nating pakilusin ang isang tao.** - **Maging magalang tayo sa pag-uutos** **Informative** - **Ito ay ginagamit sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa isang tao, nagbibigay ng mga datos at kaalaman, at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig natin.** - **Tiyakin na tama at totoo ang pagbibigay ng mga impormasyon** **Labeling** - **Ito ay nagbibigay ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay.** - **Iwasan natin ang pagbibigay ng negatibong bansag sa ating kapwa.** **Phatic** - **Mga pahayag na nagbubukas ng usapan.** - **Karaniwang maiikli na sa Ingles ito ay tinatawag na *"Social Talk"* o *"Small Talk"* na may layuning makabuo ng magandang pakikitungo sa kapwa.** - **Halimbawa: Hello! Kumusta ka?** **Emotive** - **Mga salitang nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng lungkot, takot, awa , at iba pa kung saan naibabahagi natin ang ating nararamdaman o emosyon sa ating kausap.** - **Halimbawa: Masaya akong makita ka.** **Expressive** - **Mga salitang nagpapahayag ng mga personal na pahayag, opinyon, o saloobin.** - **Paglalahad ng saloobin, sariling paniniwala, mithiin, kagustuhan, panuntunan sa buhay at iba pa.** - **Ito ay nakakatulong sa atin upang makilala at maunawaan tayo ng ibang tao.** **Mga Tungkulin ng Wika sa Lipunan** - **Michael Alexander Kirkwood Halliday** - **Australyanong Lingguwista** - **Pangkalahatang gamit o tungkulin ng wika sa lipunan. Ginagamit nang pasalita at pasulat ang nasabing tungkulin. Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga ang nasabing mga tungkulin o gamit ng wika sa lipunan sa epektibong pakikipagkomunikasyon.** - **Anumang wika ay may gamit na tumugon sa pangangailangan ng tao at lipunang kinabibilangan nito.** - **Nabuo ang prinsipyo na ito mula sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng mga naunang teorya nina Malinowski (1923), Firth (1957), at iba pang lingguwista.** - **Nabuo ito ni M.A.K Halliday batay sa iba't ibang yugto ng pagkakagamit ng isang bata.** - **Naniniwala si Halliday na may gampanin ang wika sa pagbubuo ng panlipunang realidad at mahalaga ang panlipunang gamit nito sa pagbibigay-interpretasyon sa wika bilang isang Sistema.** **Instrumental** - **Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao.** - **Maaaring gamitin ito sa paglutas sa mga problema, pangangalap ng materyales, pagsasadula, at panghihikayat.** - **Kailangan maging malinaw at tiyak ang pangangailangan, naiisip o nararamdaman sa isang partikular na gawain** - **Pagsulat ng liham pangangalakal** - **Pag-uutos o pakiusap** - **Pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto.** **Regulatori** - **Tumutukoy ito sa kakayahang makaimpluwensya at magkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.** - **Pagbibigay ng mga patakaran, paalala, panuto, mga gabay o panuntunan.** - **Pagbibigay ng pahintulot o pagbabawal** - **Pagpuri o pambabatikos** - **Panghihikayat sa mga patalastas** - **Pagbibigay ng direksyon sa anumang bagay** **Heuristiko** - **Ginagamit sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran** - **Pagtatanong** - **Imbestigasyon** - **Pakikipagtalo** - **Pagbibigay-depinisyon** - **Pagsusuri** - **Sarbey at Pananaliksik** **Interaksyunal** - **Pagpapanatili ng relasyong sosyal** - **Nakakatulong para mapalalim o mapagtibay ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao o mga kasama sa lipunan** - **Pag-iimbita** - **Pagpapasalamat** - **Pagbibiro** **Personal** - **Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.** - **Pagbibigay opinyon o kuro-kuro** - **Pagsulat ng talaarawan tungkol sa naranasan mo sa panahon ng pandemya.** **Impormatibo** - **Pagpapahayag ng impormasyon** - **Nagbibigay ng kaalaman ukol sa iba't ibang bagay** - **Pag-uulat** - **Pagtuturo** - **Pagpapaliwanag** - **Panayam** **Imahinatibo** - **Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.** - **nakagagawa ng tula, kanta, jingle, maikling kwento, nobela at iba pa.**