Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Document Details
Uploaded by JudiciousDetroit
Tags
Related
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)
- COR 003: Filipino Language and Literature Through History PDF
- 2nd Quarter Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- 2nd Quarter Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Summary
This document is a guide or study material on communication and research in Filipino language and culture. It discusses the Filipino language as the national language and its importance in the Philippines. The document includes study questions, activities and other helpful details.
Full Transcript
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa ARALIN 2.1 Filipino Bilang Wikang Pambansa Talaan ng Nilalaman...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa ARALIN 2.1 Filipino Bilang Wikang Pambansa Talaan ng Nilalaman Introduksiyon 1 Mga Layunin sa Pagkatuto 2 Mga Kasanayan sa Pagkatuto 2 Simulan 2 Pag-aralan Natin 3 Mga Legal na Batayan 4 Ano ang de jure? 4 Ano ang de facto? 5 Kasaysayan ng Wikang Pambansa 5 Sagutin Natin 7 Subukan Natin 7 Isaisip Natin 8 Pag-isipan Natin 8 Dapat Tandaan 9 Pinagkunan ng (Mga) Larawan 9 Mga Sanggunian 9 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa Aralin 2.1 Filipino Bilang Wikang Pambansa Lar. 1. Si dating Pangulong Manuel L. Quezon ang tinaguring “Ama ng Wikang Pambansa” Introduksiyon Ang Filipino, bilang wikang pambansa ng Pilipinas, ay sumisimbolo at kumakatawan sa pambansang pagkakakilanlan, pagkakaisa, at pag-unlad. Ito ay mahalagang sangkap para sa pambansang kagalingan. Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng mga wikang panturo at wikang opisyal sa pagsasakatuparan ng pambansang tunguhin at kapakinabangan. Ang mga ito ang tumitiyak sa mahalagang papel ng wika sa larangan ng edukasyon at sa pakikipagtalastasan sa mga sangay ng pamahalaan. 1 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa Mga Layunin sa Pagkatuto Sa araling ito, inaasahang naipaliliwanag ang mga konsepto, basehan, at kasaysayan ng pagkakaroon ng wikang pambansa ng Pilipinas. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Sa araling ito, ikaw ay inaasahang natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT–Ia–85). Simulan Ang Diwa ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng Pilipinas, 1987 Materyales papel at panulat gadyet na maaaring gamitin sa pananaliksik Panuto Punan ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas. Pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na tanong. Seksiyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay (1) ____________. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at (2) ____________ pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na 2 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa maaaring ipasya ng (3) ____________, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang (4) ____________ upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-(5) ____________. Mga Gabay na Tanong 1. Anong impormasyon tungkol sa wikang pambansa ng Pilipinas ang isinasaad ng batas? 2. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang isabatas ang mandato na ito? 3. Sa kasalukuyang panahon, masasabi bang naipatutupad at nasusunodang batas na ito? Pangatwiranan ang sagot. Pag-aralan Natin Mahahalagang Tanong Ano ang mga legal na batayan para maging wikang pambansa ang isang wika? Ano ang kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa ng Pilipinas? Bakit mahalaga sa isang malayang bansa o estado ang wikang pambansa? Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa ang bawat bansa sa mundo. Ang wikang pambansa ay ang wikang itinalaga ng isang bansa na gagamitin ng mga mamamayan nito at magiging daluyan at representasyon ng pambansang identidad at kultura nito. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Bagaman sinasabing sumasaklaw ito sa lahat ng wika at diyalektong sinasalita sa buong kapuluan, nakasalig ang Filipino sa Tagalog, ang wikang naiintindihan at kayang salitain ng halos lahat ng mamamayang Pilipino. Wikang Filipino ang itinalaga ng pamahalaan bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung 3 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa gayon, ito ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa pakikipag-usap sa bawat isa, lalo na kung magkaiba ang kanilang unang wika. Halimbawa, wikang Filipino ang ginagamit sa komunikasyon ng isang Ilokano at Cebuano. Alamin Natin representasyon kumakatawan nililinang pinag-aaralan at pinauunlad taal katutubo Mga Legal na Batayan May dalawang batayan para maging wikang pambansa ang isang wika—ang de jure at de facto. Ano ang de jure? Ang “de jure” ay hango sa mga salitang Latin na nangangahulugang “batay sa batas.” Ibig sabihin, ang wikang pambansa ay dapat itinakda at nakasaad sa batas ng isang bansa. Malinaw na nakasaad sa Artikulo 14, Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas na “[a]ng wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin sa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” 4 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Ano ang de facto? Ang “de facto” ay hango rin sa mga salitang Latin na nangangahulugang “batay sa katotohanan o umiiral na kondisyon.” Ibig sabihin, ang wikang pambansa ay ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa pakikipag-usap sa isa’t isa. Dahil ang mga Pilipino ay may iba’t ibang unang wika, kailangang gumamit ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Halimbawa, nagkita ang magkaibigan na may magkaibang unang wika, sina Marie at Peter. Si Marie ay nagsasalita ng wikang Ilokano, samantalang si Peter ay nagsasalita ng wikang Hiligaynon. Nais nilang itanong kung saan tutungo ang isa’t isa. Sa Ilokano, nais itanong ni Marie na “Papanam?” Sa Hiligaynon, nais itanong ni Peter na “Diin ka maadto?” Dahil magkaiba ng unang wika, tiyak na hindi magkakaintindihan ang magkaibigan. Kung gayon, gagamitin nila ang wikang Filipino (batay sa Tagalog) upang magkaunawaan. Itatanong nila sa isa’t isa na: “Saan ka pupunta?” Kasaysayan ng Wikang Pambansa Maraming pagbabago at pag-unlad na pinagdaanan ang wikang pambansa bago ito nahubog bilang wikang Filipino. Pag-aralan ang talahanayan: Talahanayan 1: Kasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas 5 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa Taon Mahalagang Pangyayari sa Wikang Pambansa Inaatasang magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang 1935 pambansang wika. 1937 Pinagtibay ang Tagalog bilang wikang pambansa. 1959 Pinalitan ng wikang Pilipino ang wikang Tagalog. Inatasan ang Surian ng Wikang Pambansa na linangin, paunlarin, at 1973 pagtibayin ang Filipino. 1987 Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Sa pagkakatatag ng Pilipinas bilang isang bansa, wala pang tiyak na wikang pambansa na magagamit ng mga mamamayan nito. Dahil isang kapuluan, ang mga rehiyon ng bansa ay may kani-kaniyang sariling unang wika. Bunga nito, hindi naging madali ang pakikipagkomunikasyon sa kapuwa Pilipino. Isa ito sa mga pangunahing suliranin na nais tugunan ng bagong tatag na pamahalaan. Ayon sa 1935 Saligang Batas, “Inaatasang magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang pambansang wika batay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.” Pagkaraan naman ng dalawang taon, noong Disyembre 13, 1937 ay itinalaga ang wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134 na nilagdaan ni Pangulong Manuel Quezon. Noong 1959, sa bisa naman ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon, ang wikang pambansa ay tinawag na “Pilipino” bilang pinaikling “Wikang Pambansang Pilipino.” Samantala, sa pamamagitan ng 1973 Saligang Batas, inatasan ang Surian ng Wikang Pambansa na linangin, paunlarin, at pagtibayin ang Pilipino batay sa mga wika at diyalekto sa bansa. Sa huli, nakasaad sa Artikulo 14, Seksyon 6 ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas na “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Mula noon, ito na ang wikang pauunlarin at pagyayamanin para 6 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa maging isang dinamiko at buhay na wika sa bansa. Tandaan, saklaw ng wikang Filipino ang lahat ng taal na wika at diyalekto sa Pilipinas. Ito ay batay sa batas at sa umiiral na sitwasyon. Ang wikang Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas, at ang opisyal na wika ng komunikasyon sa bansa. Gayundin, ang pag-unlad ng wikang pambansa ay nagsimula sa Tagalog hanggang sa maging Pilipino, at ngayon ay tinatawag na Filipino. Mahalaga ang Filipino bilang wikang pambansa sapagkat ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng Pilipinas sa buong mundo lalo na sa masalimuot na panahon ng globalisasyon. Ito ay nagsisilbing ambag ng mga Pilipino sa sangkatauhan. Ito rin ang wikang ipamamana ng kasalukuyang henerasyon sa susunod pang salinlahi. Mahalaga ang wikang Filipino sapagkat may kakayahan itong bigkisin ang mga Pilipino at nagsisilbing tulay upang pag-usapan at lutasin ang mga pambansang isyu. Lar. 4. Komunikasyon sa panahon ng globalisasyon Para sa mga bansang malaya kagaya ng Pilipinas, napakahalaga ng wikang pambansa. Ito 7 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa ang wikang ginagamit ng mga mamamayan, na magiging lakas, kapangyarihan, daluyan, at representasyon ng pambansang identidad tungo sa pagkakaisa at pag-unlad na magiging daan upang magkaroon tayo ng kakayahan at kapasidad na pumalaot sa mga hamon ng globalisasyon. Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Bakit mahalaga sa isang malayang bansa ang pagkakaroon ng wikang pambansa? 2. Ano ang pagkakaiba ng de jure at de facto? 3. Paano naging Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas? Subukan Natin Bakit mahalaga ang wikang Filipino bilang wikang pambansa? Isaisip Natin Paano ka makatutulong sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino? Pag-isipan Natin Paghambingin ang mahahalagang probisyon o tadhana ng wikang pambansa na nakasaad sa tatlong saligang batas ng Pilipinas: 1935, 1973, at 1987. Ituon ang paghahambing sa pagpapaunlad at pagpapahalaga sa wikang pambansa. Sumulat ng maikling buod at kongklusyon tungkol dito. Maaaring gumamit ng grapikong pantulong sa paghahambing. Talahanayan 1: Gamitin ang rubrik sa pagmamarka 8 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa Mas Mababa Kailangan Kaysa pang Magaling Napakahusay Pamantayan Inaasahan Magsanay 3 4 1 2 Nilalaman (45%). Hindi Karamihan sa Tama ang ilang Tama ang Pagbuo ng mga nakapagbigay impormasyon impormasyon. impormasyong paliwanag o ng sapat na ay mali kaya Hindi gaanong natala. Sinikap pangangatuwiran gamit impormasyon o hindi naging pinagsikapan na maging ang natutuhang pawang maayos at na maging malinaw ang kaalaman palagay/walang katanggap- malinaw ang paliwanag ng batayang tanggap ang paliwanag ng sagot. paktuwal ang sagot. sagot. paliwanag kaya mahina ang mga inihaing punto Tatas sa Di-gaanong Hindi Espesipikong Mahusay ang Paghahayag ng pinag-isipan espesipiko ang naisalaysay ang pagkakasalaysa kung paano pagsasalaysay mga idea. y at paglalahad mga Ideya (40 %). mabisang at paglalahad Maaari pang ng mga idea. Malinaw na paglalahad makapaghahay ng mga idea. palawakin ang Gumamit ng ng mga punto ag ng kaisipan bokabularyo mga salitang at damdamin. para maging mabisang mas mabisa at nakapaghayag mas malinaw sa ng kaisipan at paghahayag ng damdamin. mga kaisipan at damdamin. Pagsulat (15 %). Higit sa lima ang Hindi hihigit sa May ilang Walang maling Wastong balarila, pagkakamali sa lima ang mali sa pagkakamali sa paggamit ng pagbabaybay, at gamit ng paggamit ng pagbaybay o bantas at wasto paggamit ng mga wastong bantas, wastong bantas paggamit ng ang lahat ng bantas pagbaybay, at at pagbaybay, at bantas na hindi pagbaybay. balarila. pagsunod sa nakaapekto sa Sumunod sa Halatang hindi balarila. nilalaman, wastong balarila sumailalim sa ngunit wasto ang mga rebisyon. ang balarila. parirala o pangungusap. 9 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa Dapat Tandaan Ang wikang pambansa ay ang wikang itinalaga ng isang bansa na gagamitin ng mga mamamayan nito at magiging daluyan at representasyon ng pambansang identidad at kultura nito. Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas na sumasaklaw sa lahat ng taal na wika at diyalekto sa Pilipinas. May dalawang batayan para maging wikang pambansa ang isang wika—ang de jure na nangangahulugang "batay sa batas" at de facto na nangangahulugang "batay sa katotohanan o umiiral na kondisyon." Mahalaga ang wikang Filipino sapagkat may kakayahan itong bigkisin ang mga Pilipino at nagsisilbing tulay upang pag-usapan at lutasin ang mga pambansang isyu. Pinagkunan ng mga Larawan Lar. 1. Larawan nidating pangulong Manuel L. Quezon mula sa Harris & Ewing Collection, Library of Congress ay may pahintulot batay sa Rights and Restrictions Information ng Library of Congress sa pamamgitan ng Wikimedia Commons. Lar. 4. People poster of global communication ni macrovector ay may pahintulot batay sa Freepik License sa pamamagitan ng Freepik. Mga Sanggunian Constantino, Pamela. Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Quezon City: University of the 10 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 2: Filipino Bilang Wikang Pambansa Philippines Press, 1996. Constantino, Pamela. Katutubo vs. Banyaga: Pagtalunton sa Usaping Pangwika sa Pilipinas 1896-1946. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 2014. De Laza, Crizel, Geronimo, Jonathan, Zafra Reynele Bren. Komunikasyon, Pagbasa, at Pananaliksik sa Filipino. Quezon City: Rex Bookstore, 2018. Villafuerte, Patrocinio. Filipino 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: Lorimar Publishing Co., Inc. 2005. 11