Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura ng Pilipinas Reviewer PDF

Summary

Ito ay isang reviewer para sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Ito ay naglalaman ng iba't ibang konsepto tungkol sa wika at kultura sa Pilipinas. Kasama sa pag-aaral ang iba't ibang aralin na may kinalaman sa mga konseptong pangwika.

Full Transcript

**KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO** **REVIEWER** **Aralin 3** **Mga Iban pangkonseptong pangwika** - Wikang Pambansa - Wikang Opisyal - Wikang Panturo - Bilingguwalismo - Multilingguwalismo - Multikulturalismo - Lingguwistikong Komunidad - Unang...

**KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO** **REVIEWER** **Aralin 3** **Mga Iban pangkonseptong pangwika** - Wikang Pambansa - Wikang Opisyal - Wikang Panturo - Bilingguwalismo - Multilingguwalismo - Multikulturalismo - Lingguwistikong Komunidad - Unang wika at Ikalawang wika **Lingua Franca** ang wikang malawakang sinasalita at nauunawaan ng nakararaming bilang ng mamamayan sa isang dimensyong heograpiko. **Pilipinas** ay itinuturing na *largest archipelago in the world* dahil sa mahigit pitong libong pulo na bumubuo rito. **Walong Pangunahing wika sa bansa** 1. Tagalog 5. Bikol/Bikolano 2. Cebuano 6. Waray (Samar at Leyte) 3. Ilokano 7. Kapampangan 4. Hilagaynon 8. Pangasinense Dating Pangulo ng pilipinas na si **Manuel L. Quezon** ang tinaguriang "*Ama ng Wikang Filipino* ". **Filipino** ang wikang Pambansa ng Pilipinas. **Wikang Pambansa** ang tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa.Nagiging batayan din ito ng identidad o pagkakakilanlan ng grupo ng tao g gumagamit nito. **Wikang Opisyal** ay ang wikang itinatadhana ng batas bilang wikang gagamitin o ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon ng gobyerno. **Wikang Panturo** ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ang Pilipinas ay may dalawang opisyal na wika ito ay ang **Filipino at Ingles.** **Aralin 4** **Bilingguwaslimo** Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika. **Multilingguwaslimo** ang tawag sa kakayahan ng isang tao, komunidad o bnasa na gumagamt at umunawa ng tatlo o higit pang mga wika. **Multikulturalismo** ay tumutukoy sa pagkakaroon at pagpapahalaga ng iba't ibang kultura sa loob ng isang lipunan o bansa. **Aralin 5** **"Mother Tongue"** ang akademikong termino na tawag sa unang wika. Ang **Lingguwistikong komunidad** ay isang termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng isang uri ng barayti ng wika at nagkakainawaan sa mga ispesipikong patakaran o alintuntunin sa paggamit ng wika. Ang **Unang wika** ay tumutukoy sa wika na unang natutunan ng isang tao mula sa mga taong kaniyang nakakasalamuha at sa loob ng tahanan. Ang **Ikalawang wika** ay ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao matapos matutuhan ang kanyang unang wika. **Aralin 6** **Mga Tungkulin o Gamit ng Wika sa Lipunan** - Personal - Pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang indibidwal. - Regulartoryo - Ito ay isang gamit ng wika na nagtatakda, nag-uutos at nagbibigay direksyon sa atin bilang mga kaanib at kasapi ng lahat ng alinmang insitutsyon. - Representatibo - Ito ay ang mga mambabatas sa isang bansa sila ay hinihirang ng kanilang mamayan upang magsilbi at mag bigay boses sa kanilang pangangailangan at interes. - Heuristiko - ginagamit ng isang tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko o propesunal na sitwasyon. - Instrumental - Tumutukoy sa mga wikang ginagamit natin upang tugunan ang mga pangangailangan ng isang tao. - Interaksyonal - Ito ay ang nagpapakita ng grupo ng mga tao na nakikipag-usap sa isa\'t isa at nagpapalitan ng impormasyon.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser