Metalinggwistik na Pagtalakay ng Wikang Filipino PDF
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay tumatalakay sa mahalagang konsepto ng wika, kabilang ang pag-unlad ng wika, mga katangian ng wika, papel ng wika sa komunikasyon, at ang ugnayan nito sa kultura. Ang papel ay nagsasaad ng mga karaniwang konsepto tungkol sa wika sa Tagalog.
Full Transcript
Metalinggwistik na Pagtalakay ng Wikang Filipino Mahalagang Konsepto ng Wika Ang wikang buhay ay dinamiko, nahuhubog ito ng panahon upang makaagapay sa pangangailangan at makatugon sa kaunlaran. Higit na mabisa ang wika kung ito'y patuloy na umuunlad kasabay sa pagsulong ng kaunl...
Metalinggwistik na Pagtalakay ng Wikang Filipino Mahalagang Konsepto ng Wika Ang wikang buhay ay dinamiko, nahuhubog ito ng panahon upang makaagapay sa pangangailangan at makatugon sa kaunlaran. Higit na mabisa ang wika kung ito'y patuloy na umuunlad kasabay sa pagsulong ng kaunlaran ng bayan, edukasyon, lipunan, pulitika, pamahalaan, relihiyon, kultura, kumunikasyon at iba pang larangan. Nababakas sa wika ang panahon na pinagdaanan ng bansa at sa wika rin nakikita ang kaunlaran at katalinuhan ng isang bayan (Rodrigo 2001). Ang wika ay may sariling kaangkinan at kakanyahan Dahil sa sariling katangian, ang wika ay nagkakaroon ng ibat ibang anyo o varayti. WIKA Ang wika ay sang instrumento as ginagamit upang maipahayag ang mga kaisipan sa larangan ng pamamahayag ekonomisa, pulitika, syemiya, edukasyon, kultura, lipunan o anumang aspeto ng buhay Ang wika ay isang behikulo sa paghahatid ng kaisipan, ideya, damdamin sa kinauukulan. Sa wika napapaloob ang kayamanan ng diwa, kultura at sining, ho ang maglalarawan kung anong uri ang kalinangan ng bayan. Wika ang kaugnayan ng makasaysayang karanasan ng bayang pinagmulan Ang wika ayon kay Emmert at Dooogby ay isang sistema ng mga sagisag na bumubus ng mga tunog o kaya'y pasulat na bumubuo ng mga titik na mag-uugnay sa mga kahulugang nais ibahagi sa tao. Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitaryo Ang tunog av hinuhugisan/binibigyan ng mga makabuluhang simbolo (titik) sa pinagsama-sama upang makabuo ng mga kaisipan. a. Pagiging sistematiko - Lahat ng wika ay may sariling balangkas, balangkas ng mga tunog at balangkas ng mga kahulugan. Tinutukoy dito na ang wika ay may sariling paraan ng pagbuo at paglikha ng tunog upang makabuo ng yunit o salita, parirala at pangungusap. Halimbawa ng mga makabuluhang tunog sa Filipino /a/b/l/p/ maaring magsama-sama tulad ng alab, bala, laba, pula, lapa. b. Ang wika ay arbitraryo - Ang wika ay may kani-kanyang paraan o sistema kung paano gamitin, bigkasin o basahin. Bawat indibidwal ay may kanya-kanyang paraan ng paggamit ng wika. Nakabubuo tayo ng sariling pagkakakilanlan na ikinaiba sa ibang wika. Bigyan pansin ang paraan ng pagsasalita ng mga kilalang tao gaya ni Gloria Macapagal-Arroyo, Mike Enriquez at Fidel Ramos. c. Ang wika ay dinamiko - Ang wikang buhay ay patuloy na nagbabago. Kasabay ng pagbabago ang panahon upang makasmod sa pag-unlad ng daigelig. Ang wika ay umununlad, yumayaman, lumalawak ayon sa kanyang pangangailangan. Sa larangan ng agham at teknolohiya, medesina, industriya at kalakalan nadadagdagan ang bokabolaryo ng wika. Ang tao upang makapagpahayag ng mga ideya, kaisipan sa anumang larangan ay maaaring lumikha, bumuo, humiram ng mga bagong salita, maaring katutubo o dayuhang wika. d. Malikhain - Ang taong marunong sa wika ay nakapagpapahayag at nakabubuo ng anumang pangungusap. Habang ginagamit ang wika, ang tao ay patuloy na nakabubuo ng iba't ibang pahayag at nakau unawa ng anumang marinig o mabasa. Lahat ng wika na patuloy na ginagamit ay patuloy din na nakabubuo ng bagong pahayag ayon sa pangangailangan ng nagsasalita. < > Kalikasan ng Wika 1. Ang wika ay may tunog - ang lahat ng wika ay may sariling tunog. Ang bawat titik o simbolo ay may tunog at kung pagsama-samahin nang maayos ay lumilikha ng mga salita na simbolo ng kaisipan o ideya na gustong ipahayag. 2. Ang wika ay may sistema - lahat ng wika ay may sariling istruktura o balangkas na sinusunod. May sariling ponolohiya, morpolohiva, sintaksis, pagbuo ng salita, parirala at pangungusap. 3. Ang wika ay arbitraryo - ang bawat wika ay may kanya-kanyang sariling paraan o sistema kung paano gamitin. Nakakalikha ng sariling tatak na pagkakilanlan na ikinaiba sa ilang wika, halimbrowa paano ito bigkasin, ang sistema ng pagbahaybay panghihiran 4. 4. Ang wika ay ginagamit - ang wika ay dapat gamitin apang mapaunlad, pasalita o pasulat man upang makasunod sa panahon ng kanyang kinalalagyan. Ang wika na hindi ginagamit ay mawawala o makakalimutan. 5. Ang wika ay pinipili at isinasa-ayos - kinakailangang kilalanin kung sino ang ating mga kausap o tagapakinig upang malangkop at mapili ang wika o salita na gagamitin upang maunawaan. Piliin ang mga salita na nararapat ayon sa antas ng pagkaunawa at damdamin ng kausap, maging maingat sa mga salitang gagamitin. 6. Ang wika ay kaugnay sa kultura - nababakas ang panahon, kaunlaran at kabihasnan ng bayan sa pamamagitan ng wika na ginagamit ng mamamayan. Kasabay ng tao sa pag-unlad ang wika. Ito ang sagisag ng kanyang isip, gawa at aral sa panahon ng kanyang kinalagyan na tatak ng kanyang kultura Ang wika at kultura ay hindi maaaring paghiwalayin dahil ito ay tatak ng bawat isa. Naipapahayag ang kaisipan, adhikain. edukasyon, pangarap, tagumpay at karanasan ng isang bayan sa pamamagitan ng wika. Likas sa wikang Filipino ang mapitagan o magalang gaya ng paggamit ng po, ope at ang paggamit ng pangatlong panauhan gaya ng kayo, sila, nila 7. Ang lahat ng wika ay nanghihiram - walang dalisay o purong wika sa daigdig, ang lahat ng wika ay nanghihiram upang madebelop ang talasalitaan at makasabay sa pag-unlad ng bansa, siyensya at teknolohiya. Ang wikang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga katutubong wika ng Pilipinas at sa mga dayuhang wika (Resolusyon Blg. 1-92 1997). Katangian ng Wika 1. Ang wika ay dinamiko at nagbabago - lahat ng wikang buhay, ay patuloy na nagbabago, umuunlad, at nadadagdagan ayon sa panahon. Habang ang wika ay ginagamit, lalo pa itong umuunlad at lumalawak lalo na sa larangan ng syensya at teknolohiya dahil sa mabilis na pagbabago at pagtuklas tungo sa pag-unlad sa anumang larangan. 2 Ang wika ay may antas o lebel - ang wika ay may antas gaya ng balbal, lalawiganin, kolokyal, pampanitikan lingua franca, pormal at di-pormal. 3. Ang wika ay makapangyarihan - ang wika ang nagtatakda ng kilos ng tao, nagtatakda ng panahon o paraan. Kung ano ang naririnig at nababasa ay nagkakaroon ng impluwensiya sa kanyang kilos at pagpapasya. Sa pamamagitan ng wika nalalaman ang nakaraan, nakikita ang kasalukuyan at maaaring mag-iisip para sa darating na panahon. Bumubuo, nagwawasak,nagpapakilos, nagpapahinto, kasangkapan, sa pag aalipin o wika 4. Ang bawat wika ay may sariling kaangkinan - ang wika ay may sariling kilos, galaw at tuntunin, Lahat ng wika ay pantay-pantay at walang mas mataas o mas mababa. May mga wika na maaaring magkahawig ngunit walang wika na magkatulad Halimbawa: Sa mamimili at nagtitinda; Bigyan mo nga ako ng singkwenta. Nagkaintindihan na sila kung ano ang sinabi: Humihingi ng halagang singkwenta sa kanyang paninda. Usapan sa sasakyan: T. Magkano ang city hall? (Magkano ang pamasahe hanggang city hall?) S. Sampung piso lang. T. Ilan ang dalawampong piso (Ilan ang maghsharale mamasahe sa dalawampung piso) S. Dalawa lang Makikita sa ganitong usapan na sila ay nagkakaintindihan 5. Ang wika ay komunikasyon - ang wika ang pinakamabisang gamit sa komunikasyon dahil naipapahayag ang ideya, kaisipan, kaalaman at damdamin sa pinakariyak at pinakasimpleng paraan. Bawat bagay kaisipan o damdamin ay may tiyak na katumbas na salita kaya malinaw ang anumang gustong ipahayag. Kahalagahan ng Wikang Filipino Ang wika ang kaluluwa ng bansa. Sa wika mababakas ang tagumpay, karanasan, kabiguan, kultura at kaunlaran ng bayan. Ang wika ang ka-agapay ng kaunlaran ng bayan. Pangunahing Kahalagahan ng Wika 1. Ang wika,ang kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan. Mahalaga ang wika sa larangan ng edukasyon upang mapaunlad ang sarili at mapalawak ang kaalaman. Kung naihanda na ang sarili sa edukasyon, higit na maraming oportunidad na magkaroon ng magandang hanapbuhay dahil higit na malawak at maunlad ang kaalaman. 2 Ang wika ang pangunahing kasangkapan sa komunikasyon, madaling magpahayag ng damdamin at kaisipan ng tao malayo man o malapit ang taong kausap. Mabilis at madali ang komunikasyon dahil naipapahayag nang maayos, tiyak at simple ang kaisipan at damdamin. 3. Ang wika ang daan sa pagkakaisa ar pagbubuklod reg bayan Ilang beses na napatunayan ng mga Pilipino ha ang wika ay sust ng pagkakaisa ng bayan. Una noo panahon ng katipunan, napogkaisalun na magkaroon ng opisyal na wika kaya sila nagkaisa upang labanan ang mga dayuhang nanakop sa ating bayan. Ikalawa sa panahon ng EDSA I at II, madaling naisagawa at napagtagumpayan ang pangyayaring ito dahil sa kapangyarihan ng wika, madaling magkaunawaan al magbuklod ang bayan. 4. Ang wika ang lumilinang at nag-iingat ng kultura at kasaysayan ng bansa. Nababakas ang panahon, kaunlaran, karanasan at kabihasnan ng bayan sa pamamagitan ng wika na ginagamit ng mamamayan, to ay totoo sa lahat ng wika. Nasasalamin ang kasaysayan o panahon ng bayan. Iba na lang ang kaanyuan dahil bogo na ang ating panahon at kabihasnan. 5. Ang wika ang daan sa kaunlaran ng bayan. Sa wika nababakas ang kaunlaran ng bayan at ang pagsulong ag pamumuhay ng mga mamamayan. Laging kasabay ng tao ang pag-unlad ng wika dahil nababago ang kanyang isip, gawa, aral at kabuhayan sa panahon na kanyang kinalalagyan. Ang wika ay dapat lumago kasabay ng pagsulong ng ating kaunlaran at kabihasnan upang maunawaan at maintindihan, at angkop sa wastong katawagan para sa intelektwalisasyon ng wika.