Summary

These notes present an introduction to the study of language in Tagalog. It discusses the definition, origins, and usage of language. The notes refer to various theories including the Divine Theory and provide explanations by different scholars.

Full Transcript

Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Aralin 1 Mga batayang kaalaman sa wika Ang tao ang bumubuo sa isang lipunan Ang tao ay esensyal sa lipunan Nanatiling kasama ng tao ang wika Bawat lipunan ay may kani-kanyang wika at kabihasnan Saan nga ba nagmula ang wika? Egypt- Haring Thot...

Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Aralin 1 Mga batayang kaalaman sa wika Ang tao ang bumubuo sa isang lipunan Ang tao ay esensyal sa lipunan Nanatiling kasama ng tao ang wika Bawat lipunan ay may kani-kanyang wika at kabihasnan Saan nga ba nagmula ang wika? Egypt- Haring Thot China- Tien-Zu Japan- Amaterasu Babylonians- God Nabu Hindu- Saravasti (asawa ni Bahrama, pinaniniwalaan nilang tagapaglikha ng katauhan) Hoebel (1996) -Walang makapagsasabi kung saan o paano ba talaga nagsimula ang wika Fromkin, V. & R. Rodman (1983)- lahat ng kultura ay may kani-kanilang kwento ng pinagmulan ng wika Depinisyon ng Wika (ayon kina): 1. Edward Sapir (1949)- ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin. 2. Caroll (1954)- ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at pagbabago sa bawat henerasyon. 3. Todd (1987)- ay wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito ay isunusulat din. 4. Buensuceso- ang wika ay isang arbitaryong sistem ng mga tunog o ponema na ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan 5. Tumangan, Sr. et al (1997)- ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa, at nagkakaugnay ang isang pulutong ng mga tao. Ano ang wika? 1. Bienvenido Lumbera (2007)- “Parang hininga ang wika , sa bawat sandal ng aating buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit ng din dito.” 2. J.V. Stalin- isang mindyum at isang instrumento ang wika na nakatutulong sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan, at pag-uunawaan ng mga tao. 3. Henry Gleason- ang wika ay tumutukoy sa masistemang balangkas ng sinasalitang tunog at pinili at isinaayos sa paraang aribitaryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang mag iisang kultura Ang wika upang makamit ang karunungan Sa bisa ng wika, patuloy na bumubukal ang karunungang panlipunan. Sa kaso ng Pilipinas, iba’t iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa karunungang panlipunan. Hindi maaaring magkaroon ng wikang maka-uri. Ang wika ay panlahat at sa buong kumunidad. Almario (2004)- walang imperior o superior na wika sapagkat bawat wika ay may sistema upang tupdin ang pangangailangan ng gumagamit nito. Phil Bartle- “Sa pag-aaral ng basikong literasiya, walang isang wika ang pinakamahusay kaysa sa iba. Ang pagpili ay base sa kung anong karaniwang naiintindihan at alam sa panayam”. Sila ang mga taong kilala dahil sa kanilang ambag upang mapalakas ang kani-kanilang wikang sinasalita: Dante Alighieri (Italy), Alexander Pushkin (Russia), Francois de Malherbe (France), Shakespere Aralin 2. Mga teorya ng pinagmulan ng Wika Teorya- tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay bagay na may mga batayan ngunit hindi pa lubos na napapatunayan. 1. Teoryang Biblikal o Divine Theory (Genesis 11:1-9) - o Kalituhan, hango sa aklat ng Genesis na nagsasabing iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang mga tao. Kung kaya’t naging mapangahas at mayabang ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya’t ginawa niyang magkakaiba ang wika ng bawat isa. 2. Bow-wow- maaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. (tunog ng mga hayop) 3. Ding-dong- nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teroyang ito sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid (hindi limitado lamang sa kalikasan kundi pati narin sa mga bagay-bagay). 4. Pooh-pooh- unang natuto magsalita ang mga tao nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin (sakit, tuwa, sarap, atbp) 5. Yo-he-ho- ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng pwersang pisikal (halimabawa: kapag ang isang ina ay nanganganak) 6. Yum-yum- sinabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon. 7. Ta-ta- ang kumpas o galaw ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng tunog at kalauna’y nagsalita. 8. Sing-song- ang wika ay nagmula sa paglalaro,pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw, at iba pang mga bulalas-emosyon. 9. Hey you! (kontak)- nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). 10. Coo-coo- ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. 11. Babble Lucky- ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas tao. 12. Hocus Pocus- maaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng mga ninuno. 13. Eurika!- sadyang imbento ang wika ayon sa teoryang ito, maaari raw ang mga ninuno natin ang may ideya ng pagtatakda nga mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa isang tiyak na bagay. 14. La-la- mga pwersang may kinalaman sa romansa 15. Ta-ra-ra-boom-de-ay- nagmula ang wika sa mga ritwal ng mga sinaunang tao sa lahat ng gawain (pagkakasal, pagtatanim, pakikidigma, pangingisda, atbp) kaakibat ng ritwal na ito ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema (ponolohiya). Kapag pinagsama-sama ang ponema maaaring makabuo ng maliit na yunit na salita na ang tawag ay morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham sa pinag ugnay-ugnay na mga pangungusap Diskors kapag nagkaroon ng makahulugang palitan ng dalawa o higit pang tao Aralin 3. Kalikasan ng Wika -Kapag ang isang sanggol ay ipinanganak sa sa panahon ng kanyang paglaki ay nagsasalita siya ng wikang kanyang kinagisnan at natutunan niya sa kanyang kaligiran. 1. Pinagsama-samang tunog- ang wika ay pagsasama-sama ng mga tunog na nauunawaan ng mga tagagamit nito na kapag tinuhog ay nakabubuo ng salita. 2. May dalang kahulugan- bawat salita ay may taglay na kahulugan sa kanyang sarili lalo’t higit kung ginagamit na sa mga pangungusap. 3. May ispeling- Bawat salita ay sa iba’t ibang wika ay may sariling ispeling o baybay. 4. May gramatikal istraktyur- binubuo ito ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantiks, at pragmatiks 5. Sistemang oral-awral- sistemang sensura sa paraang pasalita (Oral) at pakikinig (awral). Ang dalawang mahalagang organo na binubuo ng bibig at tainga ang nagbibigay hugis sa mga tunog na napapakinggan. 6. Pagkawala o ekstinksyon ng wika- maaaring mawala ang wika kapag di nagagamit o wala nang gumagamit. 7. Iba-iba , diversifayd at pang katutubo o indijenus- dahil sa iba’t ibang kulturang pinagmulan ng lahi ng tao, ang wika ay iba-iba sa lahat ng panig ng mundo. Mga Pangunahing Gamit ng Wika 1. Pagpapangalan (labeling)- ginagamit sa pagtiyak sa mga bagay bagay, gawain, o kilos ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangalan dito. (McDonald’s, Mang Inasal, KFC, atbp). 2. Interaksyon- tumutukoy sa pagpapalitan at pagbabahagi ng mga naisin, ideya, saloobin, iniisip, atbp. 3. Transmisyon- ginagamit ang wika sa pagpapasa ng impormasyon. Aralin 4 Ang kahalagahan ng wika ayon kay Buensuceso, at kasamahan (1996) 1. Ang wika ay behikulo ng kaisipan - tagapaghatid ng mga ideya o kaisipan na nagsisilbing tulay ng pagkakaunawaan ng bawat indibidwal o grupo man. 2. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao- tagapaghatid ng pangkaibigan o pakikipagpalagayang loob. 3. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng nagsasalita- sa wikang ginagamit ng tao makikilala kung nasa anong posisyon o istatus ng buhay mayroon ang nagsasalita. 4. Ang wika ay kasalaminan ng kultura ng isang lahi, maging ng kanilang karanasan- May mga salitang natatangi lamang sa isang grupo ng mga tao. Ang maratabat (pride) halimbawa ng mga maranao. 5. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumagamit ng kakaibang mga salitang hindi laganap- kahit hindi sila magpakilala ng kanilang pangkat na pinanggalingan ay makikilala sila dahil sa wikang gamit nila 6. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang artistikong gamit- ang wika ng panitikan ay masining, sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag ang yamang-isip ng bawat pangkat. 7. Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi- wika ang dahilan kung bakit napag-aaralan ang kultura ng iba’t ibang pangkat kahit nasa malayo silang lugar. 8. Ang wika ay tagapagbigkis ng lipunan- wikang panlahat ang tagapag-ugnay ng bawat mamamayan para mabuo ang solidong pagkakaunawaan at kapatiran sa bawat bansa o mundo. Aralin 5. Katangian ng Wika 1. Sinasalitang tunog - hindi lahat ng tunog na naririnig natin ay maituturing na wika. Maaaring ang iba rito ay ingay lamang na dulot ng paligid. Ang wika ay tunog na nalikha gamit ang mga komponent ng bibig. 2. Masistemang Balangkas- ang wika ay may katangiang makaagham sapagkat tulad ng agham ang wika ay sistematiko. 3. Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo- ang wika ay nabubuo batay sa mga sa napagkasunduang termino ng mga tao sa isang komunidad. Halimibawa: ang langgam sa Maynila ay tumutukoy sa insekto samantalang sa lalawigan ng Cebu tumutukoy ito a ibon. 4. Magkabuhol ang wika at kultura- madali nating makilala ang tao sa pamamagitan ng wikang kanyang ginagamit. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ang pagkamatay o pagkawala ng isang wika ay nangangahulugang ding pagkamatay at pagkawala ng isang kultura. 5. Ginagamit sa Komunikasyon- ang tunay na wika ay sinasalit. Ginagamit ang wika bilang instrumento ng pagkakaintindihan, pagkakaisa at pagpapalawak ng kaalaman 6. Nagbabago- dinamiko ang wika. Patuloy ang pagbabago nito sa paglipas ng panahon. Halimbawa: dalumat o konsepto, kalupi o pitaka 7. Natatangi- bawat wika ay may kani-kaniyang katangian na ikinaiba sa ibang wika. Aralin 6 Mga Antas ng Wika 1. Salitang Balbal o Panlansangan- ang salitang ito ay maituturing na pinakamababang antas (pangkalye, pangkanto o mga salitang may kalokohan). Ito ay pana-panahon kung sumulpot at nagiging popular. Kung mabilis ang pagsulot, mabilis din itong maglaho. Halimbawa: lespu, ermat, erpat at iba pa. 2. Salitang Kolokyal- salitang ginagamit sa mga okasyong impormal o ginagamit sa pang-araw-araw at isinasaalang-alang dito ang mga salitang madaling maintindihan. Halimbawa: meron (mayroon), kelan (kailan), at iba pa. 3. Salitang Panlalawigan- ito ang mga salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook. Maaaring mamatay ang mga ito kung bihira o hindi ginagamit. Kabilang din sa uri ng wikang ito ang intonasyon, tono at paraan ng pagsasalota ng mga tao. 4. Salitang Pambansa o Lingua Franca- Ito ang mga salitang kilala o higit na ginagamit sa pook na sentro ng sibilisasyon at kalakalan. Halimbawa: Pinaghalong Tagalog at Ingles (Taglish). 5. Salitang Pampanitikan- Ito ang uri ng wikang ginagamit sa mga akdang pampanitikan gaya ng tula, kwento, sanaysay, at iba pa. 6. Salitang Pang-edukado- Ito ang wikang nasa pinakamataas na antas sapagkat mabisa ang paggamit ng wikang ito. Ginagamit ito sa silid-aralan, kolehiyo, pamantasan o sa mga formal na talakayan

Use Quizgecko on...
Browser
Browser