Aralin 1- Mga Batayang Kaalaman sa Wika PDF

Summary

This document is a lesson plan on basic language knowledge for the University of the Assumption Senior High School. It discusses the definition of language from various authors, language characteristics, theories of language origins, and the importance of language. Exercises and activities are also included to help students learn.

Full Transcript

UNIVERSITY OF THE ASSUMPTION SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 Aralin 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika 1. Pangkalahatang Ideya Sa modyul na ito ay tatalakayin ang mga batayang kaalaman...

UNIVERSITY OF THE ASSUMPTION SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 Aralin 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika 1. Pangkalahatang Ideya Sa modyul na ito ay tatalakayin ang mga batayang kaalaman hinggil sa wika upang mas lumalim pa ang iyong pag-unawa tungkol dito. Pag-uusapan dito ang kahulugan ng wika mula sa iba’t ibang awtor, ang mga katangian ng wika, ang mga nabuong teorya ng pinagmulan ng wika at ang kahalagahan nito. May mga inilaang mga gawain upang subukin ang iyong natutuhan sa bawat aralin. Sa bawat gawain ay malilinang sa iyo ang mas malawak na kalaaman at pagkakaroon ng mas malalim na pagpapahalaga sa wika. 2. Detalyadong Kasanayang Pampagkatuto Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang: 1. Nailalahad ang iba’t ibang batayang kaalaman tungkol sa wika. 2. Natutukoy ang kabuluhan ng wika sa pagpapalawak ng kakayahang komunikatibo. 3. Nakapagpapakita ng malalim na pagpapahalaga sa wika. 3. Nilalaman/Talakayan Aralin 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika Ano ang Wika? Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang Wika. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa. Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”. Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito’y naging language. Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 1 | Pahina UNIVERSITY OF THE ASSUMPTION SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 Aralin 1.1 Ang Wika Marami ring dalubhasa sa wika ang nagbigay ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa wika tulad ng mga sumusunod: Masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. ( Henry Gleason) Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales) Sumasalamin sa mga mithiin , pangarap, damdamin, kaisipan, pilosopiya,kaalaman at karungungan, moralidad, paniniwala at mga kaugalian ng tao sa lipunan ( A. Santiago) Madalas ay hindi na natin nabibigyang-pansin o hindi gaanong napag-iisipan ang kahulugan ng wika sapagkat tila ba likas o natural na sa atin ang pagkatuto at paggamit nito sa ating pagpapahayag mula pa sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Ngayon ay marahil iyo ng napagtanto na ang wika ay napakahalagang instrumento ng komunikasyon. Aralin 1.2 Mga Katangian ng Wika A. Masistemang Balangkas Binubuo ng makabuluhang tunog o ponema ang wika na nakalilikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunud sunod ay nakabubuo ng mga parirala, pangungusap at talata. Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 2 | Pahina UNIVERSITY OF THE ASSUMPTION SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 B. Sinasalitang Tunog Hindi lahat ng tunog ay wika dahil hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Ito ay sinasalita gamit ang aparato sa pagsasalita tulad ng bibig, dila, ngipin, ngalangala, velum, at gilagid na tinatawag nating speech organs. Kailangan nating makabigkas nang mabuti upang maging makabuluhan ang nabuong mga tunog. C. Pinipili at Isinasaayos Pinipili natin ang wikang gagamitin natin tuwing tayo ay nakikipag-usap upang maging komportable tayo sa pagpapahayag. Gayundin, maayos ang paraan ng ating pakikipag-usap upang maintindihan tayo nang lubusan ng ating kausap. D. Arbitraryo Kapag ang isang tao ay walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita kung paanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensiya ng wika ay panlipunan. E. Ginagamit Upang magkaroon ng saysay ang isang wika, kinakailangang ito’y gamitin bilang kasangkapan sa komunikasyon. Kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti unting mawawala. Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 3 | Pahina UNIVERSITY OF THE ASSUMPTION SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 F. Nagbabago Ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago dahil sa pagbabago ng pamumuhay ng tao at naiaangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay dulot ng agham at teknolohiya. Ang mga salita ay patuloy na dumarami at umuunlad. Lumalawak ang bokabularyo, nagbabago ang sistema ng pagsulat at palabaybayan. G. Nakabatay sa Kultura May mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika. May mga salitang Filipino na walang katumbas sa Ingles, ngunit may mga salitang Ingles na walang katumbas sa Filipino. Ito’y dahil sa pagkakaiba-iba ng ating kultura. H. Makapangyarihan Ang wika ay maaaring maging instrumento ng pang-aalipin at pagpapalaya. Ang mga salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na humihigop sa mundo. Ito ay bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o nagpapahinto. I. Natatangi Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. Walang dalawang wika ang magkatulad. Bawat wika ay may sariling set ng mga yunit panggramatika at sariling sistema ng ponolohiya, morpolohiya at sintaksis at maging sa aspetong pansemantika. Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 4 | Pahina UNIVERSITY OF THE ASSUMPTION SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 Aralin 1.3 Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika Sa iyong palagay, sa paanong paraan nakipagtalastasan o nakipag-usap ang mga sinaunang tao? May ginamit na ba silang wika katulad ng wika na ginagamit natin ngayon? Ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang Sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan. Ayon sa mga philologist, ang wika ay marahan at hindi sinasadyang nalinang sa pamamagitan ng maraming hakbang at proseso. Dahil sa patuloy na pag-aaral sa pinagmulan ng wika maraming mga dalubwika ang nangahas tuklasin ang pinagmulan nito. May mga nabuong iba’t ibang teorya na nagsasabing pinagmulan ng wika. Bagaman mahirap paniwalaan ang mga ito subalit tatalakayin natin ang mga ito upang magkaroon ng ideya hinggil sa kung papaanong nagkaroon ng wika. Ang mga ito ay mga teorya lamang na maaaring totoo o hindi, maaaring paniwalaan ngunit maaari namang hindi. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika 1. Teoryang Bow-wow Ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig nila sa paligid tulad ng tunog na nalilikha ng mga hayop at tunog ng nalilikha ng kalikasan. 2. Teoryang Pooh-Pooh Tuwing nakakaramdam ang mga tao ng masidhing damdamin tulad ng matinding lungkot, saya, tuwa, galit at sarap ay nakalilikha sila ng tunog. Ito ang naging batayan ng teoryang ito, sa mga tunog na nalikha mula sa mga matitinding damdamin. Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 5 | Pahina UNIVERSITY OF THE ASSUMPTION SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 3. Teoryang Yo-he-ho Natutong magsalita di umano ang mga sinaunang tao dahil sa pwersang pisikal. Kapag nagbubuhat halimbawa ng mabigat na bagay ay nakalilikha ang isang tao ng tunog. 4. Teoryang Ta-ra-ra Ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na nalikha sa boom-de-ay mga ritwal na ginagawa ng mga sinaunang tao tulad sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, panggagamot at iba pang gawain na kinalauna’y nagpabago-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. 5. Teoryang Ding Dong Ayon sa teoryang ito, ang lahat ng bagay na likha at ginagamit ng mga sinaunang tao na may tunog ay ginaya ng mga ito kaya sila natutong magsalita. Aralin 1.4 :Kahalagahan ng Wika 1. Instrumento ng Komunikasyon Ang wika, pasalita man o pasulat ay pangunaing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. 2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman Maraming kaalaman ang naililipat sa ibang salinlahi at napapakinabangan ng ibang lahi dahil sa wika. Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 6 | Pahina UNIVERSITY OF THE ASSUMPTION SENIOR HIGH SCHOOL Fil1-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 1st Semester | AY 2024-2025 3. Nagbubuklod ng Bansa Wika ang naging dahilan upang magkaisa ang mga tao, umunlad at makamit ang kalayaan. Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipag-ugnayan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa. 4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip Pinapagana ng wika ang ating mayamang imahinasyon tuwing tayo ay may nababasa, naririnig o sinasabi. Paglalahat/Pagpapahalaga Lahat tayo ay isinilang na may nakagisnan ng mga wika. Mula pagkabata ay unti-unti nating natutuhan at nagamit ang mga wikang ito sa pagpapahayag ng ating kaisipan at damdamin. Tunay ngang napakaswerte natin at pinagkalooban tayo ng Diyos ng mga wika na magiging daan upang magkaroon tayo ng malalim na pag-unawa sa buhay at maayos na pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Sanggunian: Bernales, R. A. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Malabon City: Mutya Publishing House. Dayag, A. M. at Del Rosario, M.G. (2016). Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House. Geronimo, J. V. At Petras, J. D., Taylan, D.R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Rex Book Store,Inc. Guro: Gng. Eloisa P. Sanchez 7 | Pahina

Use Quizgecko on...
Browser
Browser