ARALIN 1 AT 2, 1.1 WIKA (Tagalog PDF)

Summary

This document discusses the concept of language in Tagalog. It delves into the origin and different theories surrounding language, providing insights into various perspectives on Filipino language and its significance.

Full Transcript

GROUP 1: ARALIN 1 &2 ARALIN 1: ANG WIKA 1.1 WIKA 1.1 WIKA Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpap...

GROUP 1: ARALIN 1 &2 ARALIN 1: ANG WIKA 1.1 WIKA 1.1 WIKA Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabotng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. 1.1 WIKA Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag saparaang binibigkas. Sa pamamagitan nito,nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisaang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. 1.2 PINAGMULAN NG WIKA 1.2. Pinagmulan ng Wika Walang tao o aklat man ang nakapagpapatunay na ang wika ay nag-ugat o nanggaling sa isang tiyak na tao, bagay o pangyayari. Ang lahat ng tungkol sa pinagmulan nito ay puro mga haka-haka o pansariling opinyon lamang kaya magpahanggang ngayon ay patuloy ang pagtatalo hinggil sa pinag- ugatan nito. 1.2. Pinagmulan ng Wika Saan nga ba nagmula ang wika? Ayon sa iba’t ibang manunulat at teorista, ang mga Egyptian daw ang pinakamatandang lahi kaya ang wikang Egyptian ang pinakamatandang wika. Ang manlilikha ng panalita para sa kanila ay si Haring Thot. Fromkin. V. & R. Rodman (1983) ay sinasabing ang lahat ng kultura ay may kani-kanilang kuwento ng pinagmulan ng wika. Darsna Tyagi (2006) sinasabing sa China, naniniwala sila na ang Son of Heaven na si Tien-Zu ang nagbigay ng wika at kapangyarihan. 1.2. Pinagmulan ng Wika Sa Japan naman, ang manlilikha nila ng wika ay si Amaterasu. Ang ibang teorya ay nagsasabing ang wika ay kasama na ng pag anak o paglikha ng tao. Ang Genesis Story/Divine Theory ay nagpapaliwanag din na ibinigay ng Diyos sa tao ang wika. Binigyan ng Diyos ng karangyarihan ang tao para mag pangalan sa mga bagay bagay. 1.2. Pinagmulan ng Wika Sa mga Babylonians, ang nagbigay raw ng wika sa kanila ay si God Nabu at para sa mga Hindu, ang kakayahan nila sa wika ay ibinigay ng babaeng Diyos nila na si Saravasti na asawa ni Brahma, ang tagapaglikha ng sangkatauhan. Ayon parin kay Hoebel (1996) walang makapagsasabi kung saan o kung paano ba talaga nagsimula ang wika. 1.3 DEPINISYON NG WIKA 1.3. Depinisyon ng Wika 1. Edward Sapir (1949)- ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin. 2. Caroll (1954) - ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at pagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag- aaralan o natutunan at ginagamit sa Iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad. 1.3. Depinisyon ng Wika 3. Todd (1987) – Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito ay sinusulat din. Ang tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang wikang mag kapareho bagaman ang bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin. 4. Buensuceso – Ang wika ay isang arbitraryong sistema ng mga tunog o ponema na ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan. 1.3. Depinisyon ng Wika 5. Tumangan, Sr, et al. (1997) – Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao. 1.4 IBA’T IBANG TEORYA SA WIKA 1.4 IBA’T IBANG TEORYA SA WIKA 1. Bow- wow – Pinaninindigan ng teoryang ito ang panggagaya sa mga likas na tunog gaya ng ngiyaw ng pusa at tilaok ng manok. 2. Poo-pooh – Naniniwalang ang wika ay galing sa instinktibong pagbulalas na nagsasaad ng sakit, galak, galit, tuwa, atbp. Ipinalalagay na ang unang mga pananalitang nalikha ay mga padamdam na nagpapahayag ng biglang sulak at masidhing damdamin. 3. Ding-dong – Kilala rin sa tawag na teoryang natibisko na may ugnayang misteryo ang mga tunog at katuturan ng isang wika at bagay bagay sa paligid. 1.4 IBA’T IBANG TEORYA SA WIKA 4. Yum-yum – Nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng kumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon. 5. Yo-he-ho – Naniniwalang ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalikha ng mga taong mag katuwang sa kanilang pagtatrabaho o puwersang pisikal. 6. Tarara-boom-de-ay – Mga tunog mula sa ritwal ng mga sinaunang tao na naging daan upang magsalita ang tao. Ang mga sayaw, sigaw, o inkantasyon at mga bulong ay binigyan nila ng kahulugan at sa pagdaraan ng panahon, ito ay nagbago. 1.5 IBA'T–IBANG PANANAW SA WIKA 1.4 IBA’T IBANG PANANAW SA WIKA Sinabi ni Virgilio Almario, "kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo" Bagaman pamilya ang unang may malaking ambag sa paghubog ng pagkatao ngunit, ang patuloy na pakikisalamuha sa lipunan ay magdudulot din nang higit na ambag sa pagiging tao. Maaring magbago ang kinagisnan ng isang tao sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga impluwensya ng lipunang dala sa pag-usbong ng siyensya, teknolohiya, at integrasyon ng mga lipunan tulad ng ASEAN na integrasyon. 1.4 IBA’T IBANG PANANAW SA WIKA Ang kabatiran ng isang wika ay kabatiran din sa lipunan na ginagamit ang wikang ito. Karaniwan itong mapapansin sa karanasan ng mga Filipinong nagtratrabaho sa ibang bansa. Halimbawa, dalawang hindi pa na magkakilala na OFW sa ibang bansa Sinabi ni Trudgill (2000) na panlipunang tungkulin ng wika "Ang pag-uusap ng dalawang ay palatandaan ng pagkakaroon ng magandang ugnanyan kahit hindi pa nila kilala ang bawat isa. 1.4 IBA’T IBANG PANANAW SA WIKA May binanggit si Trudgill (2000) na dalawang aspekto ng gawi sa wika na mula sa panlipunang punto de bista: Ang tungkulin ng wika sa paghahatid ng panlipunang relasyon Ang papel na ginagampanan ng wika sa paghahatid ng impormasyon tungkol sa tagapagsalita Ayon kay Tumangan, Sr. et al.(1977), ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag sa panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa, at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao. Halimbawa, sa lipunan ng negosyador pangkapayapaan at negosasyong pangkapayapaan, ang pagsulat ng wika ay esensyal upang ma dukumento ang napagkasunduan at anumang relasyon. 1.4 IBA’T IBANG PANANAW SA WIKA Mungkahing kaisipan ito ni Malinowski (nasa Gellner 1998) na wika ang pangunahing kaisipan ng pagkakaisa at pakikipagtalamitam. Ito ang kailangang- kailangan na kasangkapan para sa pagbuo ng pagkakaisa ng lipunan. ARALIN 2: ANG WIKA SA LIPUNAN 2.1 PANANAW SA UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN 2.1 PANANAW SA UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Ang isang lipunan ay anumang grupo ng mga tao na magkakasama para sa isang tiyak na layunin o mga layunin. (Wardhaugh, 2006). Komprehensibong konsepto ang lipunan dito ngunit mahalaga ang komprehensibong pananaw na ito dahil sa iba’t ibang uri ng lipunan na nagbibigay ng direktang impluwensya sa wika o bise bersa. Ang wika ay ang sinasalita ng isang partikular na lipunan. Hal.: - Ang Bekimon ay wika ng lipunan ng mga bayot/bakla na sila sila lamang ang nakauunawa. - Ang lipunan ng mga doctor ay gumagamit ng sarili nilang wika dahil sa teknikal nitong kahulugan at anyo. 2.2 SOSYOLINGGWISTIKA 2.2 SOSYOLINGGWISTIKA Pag-aaral ng wika sa mga konteksto ng lipunan at ng buhay panlipunan sa pamamagitan ng linggwistika (Coupland & Kawerkski, 1997). Sinusuri ang ugnayan ng wika at ang impluwensya ng lipunan sa mga indibidwal. Pinag-aaralan ng mga linggwista ang wika bilang hiwalay na bagay sa gumagamit nito, ngunit may epekto ang lipunan sa paggamit ng wika. 2.2 SOSYOLINGGWISTIKA Ayon kay Wardhaugh(2006): Ang sosyolinggwistika ay tungkol sa pagsisiyasat ng mga relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. Layunin nitong unaawain ang istruktura ng wika at kung paano ito gumagana sa komunikasyon. Higit na may empasis dito sa wika bilang may direktang relasyon sa lipunan. Ito ay tinatawag din na mikro-sosyolinggwistika. 2.2 SOSYOLINGGWISTIKA Isang malawak na larangan na magagamit upang ilarawan ang iba't ibang paraan ng pag-aaral ng wika. Ang pagkakaroon ng baryasyon ng wika ay lumilikha ng iba’t ibang paraan ng pagbigkas, bokabularyong ginamit, istruktura, atbp. Bahagi rin ng sosyolinggwistika ang pagkakaroon natin ng mga opisyal na wika, ang Filipino at Ingles. 2.2 SOSYOLINGGWISTIKA Baryasyon ng Wika Mayroong pagkakaiba-iba sa paraan ng paggamit ng wika sa pagitan ng mga tagapagsalita. Kabilang dito ang mga pagkakaiba sa pagbigkas (ponetiko) at istruktura (gramar). Halimbawa: Ang mga Mindanawon ay binibigkas ang "pera" bilang "pira," na dulot ng rehiyonal na baryasyon. Nakatuon ang sosyolinggwistika sa mga panlipunang salik na nakakaapekto sa mga baryasyong ito ng wika, tulad ng heograpiya at mga grupong panlipunan. 2.2 SOSYOLINGGWISTIKA Heograpikal at Sosyal na Baryasyon ng Wika Ang mga heograpikal na salik ay nagdudulot ng mga diyalekto o wika na partikular sa mga rehiyon. Hal.: Ang Cebuano ay may iba't ibang anyo sa iba't ibang lugar (hal. Cebuano-Iligan, Cebuano-Cagayan de Oro). Ang mga sosyal na salik ay nagdudulot ng mga baryasyon batay sa posisyong panlipunan ng bawat grupo na maaaring nakabatay sa edad, kasarian atbp. Sinusuri ng sosyolinggwistika ang mga baryasyong ito sa konteksto ng lipunan, na tinatawag na sosyolek. 2.3 REHISTRO NG WIKA 2.3 REHISTRO NG WIKA Ang rehistro ng wika ay isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika na batay sa katayuan ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan. Kilala rin ito sa tawag na jargon. Set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito na maaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi pamilyar sa propesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilangan (Santos, Hufana, at Magracia, 2008). 2.3 REHISTRO NG WIKA TATLONG BARYABOL NG REHISTRO NG WIKA: 1. FIELD – Nakaukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon. Halimbawa: Abogasya: Ang kasong ito ay may probable cause kaya dapat itong ituloy sa korte. 2. MODE – Tungkol ito sa paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon pasalita o pasulat. Halimbawa: Pasalita Kailangan mo bang magpa-checkup? Sige, sasamahan kita. 3. TENOR – Ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok. Nangangahulugang para kanino ito. Halimbawa: Kaibigan: kumain ka na? Tara, kain tayo sa labas. 2.4 ARGOT 2.4 ARGOT Ito ay isang dalubhasang bokabularyo o hanay ng mga idoyama na ginagamit ng isang particular na uri o grupong panlipunan lalo na ng mga hindi sumusunod sa batas. Tinatawag din "cant" at "cryptolect". Ito ang sekretong wika na ginagamit ng mga grupong kinabibilangan, ngunit hindi limitado, ng mga magnanakaw, at iba pang mga criminal. 2.4 ARGOT Halimbawa:  Sigue Sigue Commando Gang o grupo sa bilid  Budol Budol Gang  Bato "Shabu"  Bangka "Tumaya" 2.4 ARGOT BalBal Ang balbal o islang (hango sa Ingles na slang) ay ang mga salitang hindi pormal ngunit nagagamit sa pang-araw-araw na pananalita. Iba ang balbal sa Argot dahil sa Balbal ay hindi sikreto ang kahulugan. 2.4 ARGOT Halimbawa:  Sigarilyo - "Yosi"  Tatay - "Erpat  Arat - "Tara"  Petmalu - "Malupit"  Lodi - "Idol" 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA Ang sosyolohiya ng wika ay ang pag-aaral ng ugnayan ng lipunan sa wika Tinatawag din itong makro sosyolinggwistika Ayon kay Fishman (1997) patuloy na gumagamit ang tao ng wika-pasalita, pasulat, at maging nakalimbag man – at patuloy rin siyang nakikipag- ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng mga ibinahaging mga norm o ugali. Isang pangunahing kontribusyon ni Joshua Fishman ay ang pagbuo ng International Journal of the Sociology of Language na naging plataporma para sa mga pag-aaral at diskusyon sa sosyolohiya ng wika sa buong mundo. Ang Paggamit ng Wika at Sosyal na Samahan ng Pag-uugali 1.1 Ang Paggamit ng Wika (Use of Language) 1.2 Sosyal na Samahan ng Pag-uugali (Social of Organization Behavior) 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA 1.1 Ang Paggamit ng Wika (Use of Language) A. Literal – Ang kahulugan ng salita ay parehas sa kung ano ang kaniyang sinabi. B. Non-Literal – Ang kahulugan ng kanyang salita ay magkaiba sa kung ano ang kaniyang sinabi. 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA 1.2 Sosyal na Samahan ng Pag-uugali (Social Organization of Behavior) A. Mga pamantayan sa Pagsasalita (Standards); Language Pattern and Style. 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA Identipikasyon, Pagbuo at Pagkabuwag ng Isang Grupo o Lipunan, at ang Referential Membership Behaviors A. Identipikasyon, Pagbuo at Pagkabuwag ng Isang grupo o Lipunan B. Referential Membership Behaviors Identipikasyon, Pagbuo at Pagbuwag ng isang Grupo o Lipunan Isa sa mga kritikal na larangan ay ang wika, sapagkat sa lipunan, wika ang pinaka importante. Ito ay dahil dito naka batay ang pagkakaisa at ang ugali ng bawat isa. Referential Membership Behaviors ito ay nauugnay sa kung paano ginagamit ng mga tao ang wika upang ipakita ang kanilang pagkakakilanlan o kaugnayan sa isang grupo. Halimbawa: Pagpili ng isang partikular na wika o dayalekto 2.6 ANTROPOLOHIKONG LINGGWISTIKA 2.6 ANTROPOLOHIKONG LINGGWISTIKA BUOD: Ang antropolohikong linggwistika ay isang larangan na sumusuri sa papel ng wika sa konteksto ng lipunan at kultura. Pinag- aaralan nito kung paano nakakaapekto ang wika sa kultural na kasanayan at panlipunang kaayusan. Isang larangan ng linggwistika na tumutukoy sa ugnayan ng wika sa mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura. Tinutukoy ang papel ng wika sa paggawa at pagpapanatili ng mga kultural na kasanayan at panlipunang kaayusan. 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA Wika sa Konteksto ng Kultura BUOD: Sa pag-aaral ng antropolohikong linggwistika, tinitingnan ang wika bilang isang produkto ng kultura. Ginagamit ang mga konsepto ng antropolohiya upang masuri ang kahulugan at gamit ng wika sa iba't ibang konteksto. Ginagamit ang lente ng antropolohikal na ideya ng kultura upang suriin ang mga kahulugan ng kung paano ginagamit, maling ginagamit, o hindi ginagamit ang wika. Pagsusuri sa iba't ibang anyo, rehistro, at estilo ng 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA Larangan ng pag-unawa sa Wika BUOD: Ang antropolohikong linggwistika ay isang interpretatibong larangan na naglalayong maunawaan ang kultura sa likod ng wika. May kaugnayan ito sa sosyolinggwistika, ngunit may kakaibang pokus. Layunin: Makahanap ng kultural na pag-unawa sa wika. Kaugnayan sa Sosyolinggwistika: Ang antropolohikong linggwistika ay tumutukoy sa wika bilang bahagi ng kultura; samantalang ang sosyolinggwistika ay tumutukoy sa wika bilang panlipunang institusyon na nagdudulot ng panlipunang interaksyon. 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA Pagkakaiba ng Antropolohikal na Linggwistika at Linggwistikang Antropolohiya (Foley 1997) BUOD: Ayon kay Foley, magkaibang larangan ang antropolohikal na linggwistika at linggwistikang antropolohiya. Ang una ay nagbibigay-diin sa linggwistika, samantalang ang huli ay mas nakatuon sa antropolohiya. Antropolohikal na Linggwistika: Binibigyang-diin ang linggwistika upang maipaliwanag ang kultural na konteksto ng wika. Linggwistikang Antropolohiya: Binibigyang-diin ang antropolohiya sa pagbabasa ng wika. 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA Dell Hymes Buod: Pinagsama ni Dell Hymes ang dalawang disiplina sa pamamagitan ng paggamit ng terminong "linggwistikang antropolohiya" upang ipakita ang antropolohikal na pag-aaral ng wika. Pinutol ang dimarkasyon sa pagitan ng antropolohikal na linggwistika Terminong "linggwistikang antropolohiya" upang tukuyin ang antropolohikal na pag-aaral ng wika. 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA Duranti (2009) BUOD: Binigyang-diin ni Duranti ang dalawang mahalagang aspeto ng linggwistikang antropolohiya: ang pagpapanatili ng wika bilang sentral sa antropolohiya at ang pagpapalawak ng pag-aaral ng wika lampas sa gramatika. Panatilihin ang pag-aaral ng wika bilang sentral na bahagi ng antropolohiya. Palawakin ang konsepto ng wika lampas sa estrakturang gramatikal. 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA KONKLUSYON: Ang antropolohikong linggwistika ay isang mahalagang larangan na nagbibigay ng malalim na pag-unawa sa relasyon ng wika, kultura, at lipunan. Ang antropolohikong linggwistika ay tumutukoy sa relasyon ng wika at kultura. Mahalaga ang pag-unawa sa wika bilang bahagi ng mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura. 2.7 ETNOLINGGWISTIKA 2.7 ETNOLINGGWISTIKA BUOD: Ang etnolinggwistika ay isang pag-aaral na nagsusuri ng relasyon ng wika sa komunidad. Tumutok ito sa kung paano naiimpluwensyahan ng kultura at etnikong grupo ang paggamit ng wika. Pag-aaral ng relasyon sa pagitan ng wika at komunidad. Ayon kay Underhill (2012), tumutukoy ito sa ugnayan ng wika sa iba't ibang etnikong grupo. 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA Konotasyon ng Etnolinggwistika BUOD: Ang salitang "etnik" ay maaaring tumukoy sa mga marhinal na grupo tulad ng Lumad at Igorot, ngunit maaari rin itong mangahulugan ng mas karaniwang grupo tulad ng mga imigrante.Pag-aaral ng relasyon sa pagitan ng wika at komunidad. Maaaring tumukoy sa marhinal na grupo tulad ng Lumad, Igorot, Meranao. Maaari ring mangahulugan ng karaniwang grupo tulad ng mga imigrante. 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA Perspektibo ng Etnolinggwistika BUOD: Ang etnolinggwistika ay tumutokoy sa pag-aaral ng wika at kultura, at paano nakikita ng iba't ibang etnikong grupo ang mundo batay sa kanilang pananaw. Tumutokoy sa paano ang iba't ibang grupong etniko ay nakikita ang mundo. Pag-aaral ng wika at kultura. 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA Etnolohiya at Lingguwistika BUOD: Ang etnolinggwistika ay isang kumbinasyon ng etnolohiya (pag- aaral ng kultura) at lingguwistika (pag-aaral ng wika), at ito rin ay kilala bilang kultural na linggwistika.Tumutokoy sa paano ang iba't ibang grupong etniko ay nakikita ang mundo. Kumbinasyon ng etnolohiya (pag-aaral ng kultura) at lingguwistika (pag-aaral ng wika). Kinikilala rin bilang kultural na linggwistika. 2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA KONKLUSYON: BUOD: Ang etnolinggwistika ay mahalaga sa pag-unawa ng relasyon ng wika at kultura at sa pagtulong na maipaliwanag ang pagkakaiba- iba ng pananaw ng iba't ibang grupong etniko.Kumbinasyon ng etnolohiya (pag-aaral ng kultura) at lingguwistika (pag-aaral ng wika). Nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa relasyon ng wika at kultura. Tumutulong sa pag-intindi ng pagkakaiba-iba ng pananaw ng iba't ibang grupong etniko. Sanggunian: 1. https://prezi.com/uzv33_hfdzt7/rehistro-ng-wika/ 2. https://www.scribd.com/presentation/248499336/Ang-Rehistro-Ng-Wika-Pptx

Use Quizgecko on...
Browser
Browser