EsP10 Q2 Aralin 1 - Filipino Past Paper PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document is an EsP10 Q2 Aralin 1 Filipino lesson plan. It covers topics related to understanding and living out the concept of human action, encompassing moral issues and environmental influences, from a Filipino perspective. The plan also includes questions and activities for the students.
Full Transcript
YUNIT 2 Pag-unawa at Pagsasabuhay ng Makataong Kilos Pag-unawa at Pagsasabuhay ng Makataong Kilos Ang yunit na ito ay naglalayong maunawaan mo ang mga konsepto ng makataong kilos upang makapagpasiya ka nang may pagkiling sa kabutihan sa gitna ng mga isyung moral at impluwensiyang kapa...
YUNIT 2 Pag-unawa at Pagsasabuhay ng Makataong Kilos Pag-unawa at Pagsasabuhay ng Makataong Kilos Ang yunit na ito ay naglalayong maunawaan mo ang mga konsepto ng makataong kilos upang makapagpasiya ka nang may pagkiling sa kabutihan sa gitna ng mga isyung moral at impluwensiyang kapaligiran. Ang makataong pagkilos ay pinagsanib na kaalaman at mapanagutang kalayaan ayon sa Batas ng Diyos at pagpapahalagang Batas Moral. Mga Aralin sa Yunit 2 Aralin 1: Makataong Kilos Tungo sa Mapanagutang Pagkiling sa Kabutihan Aralin 2: Salik sa Mapanagutang Pagkilos at Pagpapasiya Aralin 3: Layunin, Paraan, at Sirkunstansiya: Batayan ng Makataong Pasiya at Kilos Aralin 4: Tamang Pagpapasiya sa Bawat Yugto ng Buhay ARALIN 1 Makataong Kilos Tungo sa Mapanagutang Pagkiling sa Kabutihan Ano kaya ang iyong gagawin kapag ikaw ay…. Nag-cyber bullying Nanloloko sa text Napilitang magsinungaling Na-bully ng iyong kaklase Nahuli ng guro na nangongopya Ano ang Makataong Kilos? Ang Diyos ay nagbigay sa tao ng kalayaan, talino, at kalooban upang kumilos nang malaya at boluntaryo. Ang kalayaan ng tao ay hindi nangangahulugang malaya siyang gawin ang lahat ng ninanais; ito ay may layuning gumawa ng kabutihan para sa sarili at sa iba. Ang paggamit ng kalayaan ay dapat ginagabayan ng talino at konsiyensiya upang makapagpasiya nang tama o mali. Pangunahing Tanong Ano-ano ang kilos na dapat mong panagutan bilang kabataan at paano ka magiging mapanagutan sa iyong pagkilos? Pangunahing Gawain: 1. Sagutan ang gawain A sa pahina 97. 2. Isulat ang ito sa iyong EsP Notebook. Pagkukusa ng Makataong Kilos Noong mga 1930s, si Herbert J. Taylor, isang Amerikano sa Chicago, ay nagsulat ng apat na katanungang gagabay sa pagkilos moral ng tao. Naisulat niya ito sa kagustuhang mailigtas ang kompanya na kaniyang pinagtatrabahuan sa pagkalugi. Sa mga 250 na empleyado ng Club Aluminum Products Distribution Company, siya lang ang naniwala na mayroon pang pag-asa. Naniwala siya na ang pangunahing pangangailangan ay ang magkaroon ng bagong pamamalakad o polisiya sa trabaho. Pagkukusa ng Makataong Kilos Pagkatapos ng matinding paghahanap sa mga babasahin ng gabay sa tamang pag-aasal na madaling matatandaan ng mga empleyado, wala siyang maisip. Kaya't siya ay nagdasal at pagkatapos ng pagdarasal, nakabuo siya ng apat na gabay sa iniisip, sinasabi, at ginagawang isang indibidwal. Ito ay tinaguriang moral code, hindi lamang sa negosyo kundi pati na rin sa pampersonal na pakikipag- ugnayan sa buhay. Pagkukusa ng Makataong Kilos Dahil sa pagmamalasakit ni Herbert J. Taylor sa kompanya, naunawaan niya na kailangan ng pagbabago. Siya ay gumawa ng hakbang tungo sa pagbabago na makalulutas sa makabuluhang suliranin na hinaharap ng kompanya. Hindi akalain ni Herbert J. Taylor na malayo ang mararating ng kaniyang ginawa sa pagpapabago ng pakikipag-ugnayan ng tao. Pagkukusa ng Makataong Kilos Pagkukusa ng Makataong Kilos Ang katotohanan ay mahalagang batayan ng moralidad, at ang kasinungalingan ay nagdudulot ng pagkasira ng ugnayan at damdamin. Ang katotohanan ay hindi nagbabago at nakabatay sa prinsipyo ng Diyos, na nauunawaan ng tao gamit ang talino at espiritwal na kakayahan. Pagkukusa ng Makataong Kilos Ang tamang pagpapasiya ay nakasalalay sa katotohanan, na nagbibigay-daan sa katarungan. Kapag ang katotohanan ay nangingibabaw, nagbubunga ito ng kabutihan, pagmamagandang-loob, at mapayapang ugnayan, na humahantong sa masaya at maayos na pamumuhay. Pananagutan sa Kusang- loob o Malayang Pagkilos Dahil ang kalayaan ay ipinagkaloob ng Diyos, ang kusang- loob o malayang pagkilos ng tao ay mayroong kaakibat na pananagutan. Ang kalubhaan ng pananagutan ay nakaugat sa tatlong aspekto: 1. Ito ba ay ginawa nang buo ang kamalayan o kaalaman ng gumagawa? 2. Ito ba ay ginawa nang may buong pahintulot ng gumagawa o sinadya ang paggawa? 3. Malubha ba ang magiging bunga o resulta ng kusang- loob na pagkilos sa tao o lipunan na maaaring maapektuhan? Pananagutan sa Kusang- loob o Malayang Pagkilos Ang moral na pananagutan ng tao ay batay sa kanyang kaalaman, kamalayan, at motibo sa mga kilos na kanyang ginagawa. Pananagutan sa Kusang- loob o Malayang Pagkilos Ano ang pananagutan ng isang taong walang sapat na kaalaman o kamalayan, tulad ng mga may problema sa pag- iisip? Pananagutan sa Kusang- loob o Malayang Pagkilos Inilalarawan na ang isang taong walang sapat na kaalaman o kamalayan, tulad ng mga may problema sa pag-iisip, ay hindi maaaring papanagutin sa mga nagawang krimen dahil hindi nila lubos na nauunawaan ang kanilang mga ginagawa. Pananagutan sa Kusang- loob o Malayang Pagkilos Ang moral na pananagutan ay nakabatay sa motibo ng tao, at ang dalisay na motibo, tulad ng pagnanais na makatulong o magsilbi, ay nagpapakita ng tamang paggamit ng kalayaan. Samantala, ang masasamang motibo tulad ng pagnanasa sa paghihiganti o panlilinlang ay nagpapabigat sa pananagutan ng tao. Pananagutan sa Kusang- loob o Malayang Pagkilos Ang mga taong may mas mataas na antas ng edukasyon o kaalaman ay may mas malaking pananagutan kaysa sa mga kulang sa pinag-aralan. Ang kanilang talino at kaalaman ay inaasahang gamitin sa pagpapalaganap ng kabutihan at pagpapagaan ng buhay ng kanilang kapwa. Lalo na ang mga may mataas na posisyon sa lipunan o pamahalaan ay may malaking responsibilidad dahil sa kanilang kakayahang makaimpluwensya at magpabago sa komunidad na kanilang nasasakupan. Pananagutan sa Kusang- loob o Malayang Pagkilos Moral at legal na pananagutan ng tao batay sa kanyang kilos at mga motibo: 1. Binibigyang-diin na ang pagpapahintulot o pakikilahok sa masamang gawain, tulad ng pagpaplano o pagsang-ayon sa maling balak, ay hindi makatarungan at itinuturing na pang- aabuso ng kalayaan. Pananagutan sa Kusang- loob o Malayang Pagkilos Moral at legal na pananagutan ng tao batay sa kanyang kilos at mga motibo: 2. Ang pananagutan ay nakasalalay sa sadya o kusang-loob na kilos ng isang tao. 3. Ang bigat ng pananagutan batay sa laki ng epekto ng kusang-loob na kilos. Takdang Aralin: 1. Ano-ano ang mga Ideolohiya ng Tao na Nakaaapekto sa Pamantayan ng Makataong Kilos? 2. Ipaliwanag at magbigay halimbawa sa bawat ideolohiya. 3. Isulat ito sa iyong kwaderno (EsP Notebook). *Reference: Paano Magpakatao 10 pahina Ideolohiya: Maraming mga teorya o ideolohiyang umiiral na nakapagpapabago sa pamantayan ng moralidad. "Ang ideolohiya ay mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos. Binubuo ito ng mga paniniwala ukol sa pananaw sa sandaigdigan, ng programa para sa pampulitika at panlipunang pagbabago, ng pagkaunawang kailangang ipaglaban ang programang ito, at ng pag-akit sa mga tao na isagawa ang programang ito." (mula sa Ideology [Def. 1]. (n.d) Kinuha noong Mayo 1, 2018 mula sa https://www.vocabulary.com/dictionary/ideology.) Ideolohiya: Ang ideolohiya ay pangkat ng mga ideya at obhetibo na pinaniniwalaan ng isang grupo ng indibidwal ngunit maaaring makaimpluwensiya ng buong kultura ng mamamayan lalo na sa mga bagay politikal o kalakarang panlipunan. Ito rin ay siyensiya na tumatalakay sa ebolusyon ng makataong ideya. Mga Ideolohiya: Moral na Positibismo: Pinaniniwalaan na ang lahat ng karapatan ay nagmumula sa pamahalaan, hindi sa Diyos, at ginagabayan ang tao ng batas na maaaring magkamali. Ang ideyang ito ay nagpapahina sa konsepto ng likas na batas mula sa Diyos. Mga Ideolohiya: Moral na Positibismo: Halimbawa: Ang batas sa isang bansa ay nagpapahintulot ng aborsyon dahil ito'y itinuturing ng pamahalaan bilang legal na karapatan ng kababaihan. Gayunpaman, ayon sa Likas na Batas Moral ng Diyos, ang aborsyon ay mali dahil ito'y pagsira sa buhay ng tao, kaya mayroong pagkontra sa moralidad ng Diyos at ng batas ng tao. Mga Ideolohiya: Hedonismo: Itinuturing na ang pinakamataas na kabutihan ay kasiyahan, at ang tao ay may motibasyon sa paghanap ng kasiyahan at pag-iwas sa sakit. Ngunit, hindi nawawala ang sakit sa buhay, na nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga bagay na mahalaga. Mga Ideolohiya: Hedonismo: Halimbawa: Isang indibidwal na inuuna ang pagpunta sa mga party, pag-inom ng alak, at pagsasaya, habang iniiwasan ang mga responsibilidad o anumang gawain na nagdudulot ng hirap o sakit. Ang kanyang layunin ay makahanap ng patuloy na kasiyahan, hindi alintana ang pangmatagalang epekto sa kanyang buhay o sa ibang tao. Mga Ideolohiya: Utilitaryanismo: Ang tama at mali ay nakabase sa resulta o benepisyo ng isang pagkilos. Nagiging sentral ang paggamit ng tao para sa kapakinabangan, na maaaring magbunga ng gamitan at pagwawalang- bahala sa dignidad ng tao. Mga Ideolohiya: Utilitaryanismo: Halimbawa: Sa isang kumpanya, pinipiling magtanggal ng maraming empleyado upang mapataas ang kita ng negosyo, kahit na alam nilang makasasama ito sa mga manggagawa. Ang desisyon ay ginawa dahil ito'y makikinabang sa mas malaking bilang ng mga stakeholder at mamumuhunan, kahit na may masasakripisyo. Mga Ideolohiya: Moral na Ebolusyonismo: Naniniwala na ang moralidad ay nagbabago kasabay ng panahon, ngunit ang tama ay nakaugat sa katotohanan na hindi dapat mabago. Ang pagbabago ng moralidad ay dapat naaayon sa likas na Batas Moral ng Diyos. Mga Ideolohiya: Moral na Ebolusyonismo: Halimbawa: Noong unang panahon, itinuturing ng lipunan na ang pagkakaroon ng alipin ay katanggap-tanggap, ngunit sa paglipas ng panahon, nagbago ang pananaw ng tao, at naipasa ang mga batas laban sa pang-aalipin. Ang moralidad dito ay tila nag- evolve o nagbago kasabay ng pagbabago ng kultura at pag-unlad ng lipunan. Mga Ideolohiya: Komunismo: Nilikha ni Karl Marx upang wakasan ang kapitalismo, layunin ng ideolohiyang ito ang magkaroon ng isang lipunan na walang antas at pribadong pag-aari. Gayunpaman, nawawala ang kalayaan sa pamamahala ng moralidad dahil sa diktadura ng estado. Mga Ideolohiya: Komunismo: Halimbawa: Sa ilalim ng sistemang komunista ng dating Soviet Union, ang lahat ng ari-arian at mga negosyo ay pag-aari ng estado. Walang pribadong pag-aari, at lahat ng mamamayan ay dapat magtrabaho para sa kabutihan ng lipunan sa ilalim ng isang diktador na pamahalaan. Wala silang kalayaan na pumili ng kanilang mga sariling layunin o mga pamamaraan sa pagkilos sapagkat ang lahat ng desisyon ay kontrolado ng estado.